Lukas 17:10

Lukas 17:10

Walang Kabuluhan Alipin

22/01/2023

(ADB) JEREMIAS 30:22 - At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.

15/01/2023

Isaias 44:17-19
Magandang Balita Biblia
17 Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto, “Iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos!”

18 Ang mga taong gayon ay mga mangmang at hindi inuunawa ang kanilang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mga mata at sinarhan ang isipan sa katotohanan. 19 Hindi na nila naisip na ang kaputol ng ginawa nilang rebulto ay ginamit na panggatong sa pagluluto ng tinapay at karneng kanilang kinain. Hindi man lamang nila itinanong sa kanilang sarili kung hindi kaya karumal-dumal ang sumamba sa isang pirasong kahoy.

08/01/2023

(ADB) ROMA 1:25 - Sapagka’t pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila’y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.

(ADB) ISAIAS 46:6-7
6) Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba.
7) Pinapasan nila siya sa balikat, dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya’y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma’y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.

(ADB) AWIT 115:4-8
4) Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, Yari ng mga kamay ng mga tao.
5) Sila’y may mga bibig, nguni’t sila’y hindi nangagsasalita; Mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;
6) Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig; Mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakaamoy;
7) Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakatatangan; Mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakalalakad; Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
8) Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa’t tumitiwala sa kanila.

(ADB) ISAIAS 45:20 - Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.

(ADB) EXODO 20:4-5
4) Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
5) Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

(ADB) GAWA 17:29 - Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.

(ADB) ISAIAS 42:8 - Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.

03/01/2023

Walang mababasang 3 Kings sa biblia!

Dahil ang mababasa pong dumalaw sa sanggol na Panginoong JesuKristo ay "Mga Pantas na Lalaki"/Wise Men"

Mateo 2:1-2
Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang
👉mga Pantas na lalake👈 ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,

Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin.

Matthew 2:1
Now when Jesus was born in Bethlehem of Judaea in the days of Herod the king, behold, there came 👉wise men👈 from the east to Jerusalem,

02/01/2023

Mateo 5:4
Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

27/12/2022

Jeremias 17:7
Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.

14/12/2022

1Timoteo 1:8
Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

08/12/2022

Awit 92:1
Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:

07/12/2022

"Ang aming pasko si Cristo, hindi december 25. Ang pasko ay yung mismong ipinanganak hindi yung petsa.. hindi yung day ng kapanganakan kundi yung mismong ipinanganak. Yun ang pasko"
-Bro Eli Soriano

(ADB) I CORINTO 5:7 - Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo’y maging bagong limpak, na tulad sa kayo’y walang lebadura. Sapagka’t ang kordero ng ating paskua ay naihain na, samakatuwid baga’y si Cristo:

(ADB) LUCAS 2:14 - Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.

05/12/2022

Awit 119:62
Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan

02/12/2022

"Para kang nakakita ng pagpapala ng Dios pagka ikaw ay nagkaroon ng mabait na asawa"
-Bro Eli Soriano

📖Kawikaan 19:14
Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon

📖Kawikaan 18:22
Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon

01/12/2022

"It is impossible for God to lie" "Ang Dios na makapangyarihan sa lahat hindi pwedeng magsinunagaling."
-Bro Eli Soriano

📖(ADB) TITO 1:2 - Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng 👉 na 👉 👈 buhat pa ng mga panahong walang hanggan;

📖(KJV) TITUS 1:2 - In hope of eternal life, which , that 👉 👈, promised before the world began;

(📖KJV) HEBREWS 6:18 - That by two immutable things, in which it was
👉for God to lie👈, we might have a strong consolation, who have fled for refuge to lay hold upon the hope set before us:

30/11/2022

📖Hebreo 10:26
Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,

📖1Juan 2:18-19
Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.

19 Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.

📖1Juan 2: 21-22
Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi dahil sa inyong nalalaman, at sapagka't alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan.

22 Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak.

29/11/2022

"Ang buhay ngayon sa mundo temporary lang yan eh."
"Meron ibang buhay na ipinangako ang Dios, Yun ang buhay na walang hanggan"
-Bro Eli Soriano

Mateo 24:13
Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

1Juan 2:25
At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan

Juan 3:15
Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan

28/11/2022

"Mayroong Dios na nakakaalam ng ating mga paggawa na Siyang gaganti sa atin"
-Kuya Daniel Razon

Awit 62:12
Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang kagandahang-loob: sapagka't ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa

27/11/2022

"Minsan ang balisa ay pagmamahal ng Dios sa atin upang wag tayong malayo sa kaniya"
-Kuya Daniel Razon

Felipos 4:6-7
Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus

1Pedro 5:7
Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya

26/11/2022

1Juan 3:11
Sapagka't ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula, na mangagibigan tayo sa isa't isa

Hebreo 13:1
Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid

26/11/2022

📖Kawikaan 6:16-19📖
📖 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:

📖Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;

📖Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;

📖Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.

24/11/2022

Happy 39th Sabbath Anniversary po
KUYA DANIEL RAZON
SALAMAT PO SA DIOS

Mga Bilang 6:24
Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka

24/11/2022

Colosas 2:6-7 (Ang Biblia)
Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya,

Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.

23/11/2022

Kapag ikaw ay gumanti sa magulang mo, ibig sabihin kumikilala ka ng utang na loob sa magulang mo, nakalulugod yun sa paningin ng Dios.
-Kuya Daniel Razon

1Timoteo 5:4
Nguni't kung ang sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo, magsipagaral ang mga ito muna ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan, at magsiganti sa kanilang mga magulang: sapagka't ito'y nakalulugod sa paningin ng Dios

22/11/2022

Utos ng Dios gumawa tayo ng mabuti
-BRO.ELI.SORIANO

(ADB) KAWIKAAN 3:27-28
27) Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, Pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito’y gawin.
28) Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, At bukas ay magbibigay ako; Pagka ikaw ay mayroon.

(ADB) GALACIA 6:10 - Kaya nga, samantalang tayo’y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya.

(ADB) MATEO 5:42 - Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.

22/11/2022

"Lingon lang ho kayo sa likod, sa kapitbahay, sa mga nadadaanan natin araw-araw. Maari pong makakita kayo diyan ng kapuwa-tao natin na puwede nating matulungan."
-KUYA DANIEL RAZON

Kawikaan 3:27
Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin

19/11/2022

Mateo 18:20
Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila

18/11/2022

Walang tao na nakakaalam ng mangyayari bukas.
-Bro Eli Soriano

Kawikaan 27:1
Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw

16/11/2022

Huwag mong hilingin na bigyan ka ng asawa, ang hilingin mo lingap ng Panginoon.
-Kuya Daniel Razon

Nakasumpong ka ng mabuting asawa? Milagro ng Dios yun. Kagandahang loob ng Dios yun.
-Bro Eli Soriano

(ADB) KAWIKAAN 18:22 - Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, At nagtatamo ng lingap ng Panginoon.

13/11/2022

Mateo 6:23
Datapuwa't kung masama ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng kadiliman. Kaya't kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman, gaano kaya kalaki ang kadiliman

12/11/2022

Mateo 6:33
Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

"Ang aming pasko si Cristo, hindi december 25. Ang pasko ay yung mismong ipinanganak hindi yung petsa.. hindi yung day n...
"It is impossible for God to lie" "Ang Dios na makapangyarihan sa lahat hindi pwedeng magsinunagaling." -Bro Eli Soriano...
Utos ng Dios gumawa tayo ng mabuti-BRO.ELI.SORIANO(ADB) KAWIKAAN 3:27-2827) Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, ...
Habang buhay pa ang tao mahalin mo na, ipakita mo na lahat ng pagmamahal. -Bro Eli SorianoEcclessiastes 9:6Maging ang ka...
Ang tamang paglilingkod sa Dios ay dapat sumunod ka sa utos ng Dios-Bro Eli Soriano#ProudMCGI

Category

Website

Address


Commonwealth
Manila