MGA TULA NI JEPOY
You may also like
PAGHILOM, PAGBANGON, PAGMAMAHAL, PAGSUPORTA
KAHIT DI NAGING TAYO
Batid kong nagsisimula pa lang ang ating kwento, maaga pa pero kailangan ng tapusin ito, hindi dahil sa di'na kita gusto kundi dahil sa bumalik na ang taong mahal mo.
Hindi ko naman gustong sukuan ka, sadyang wala lang akong sapat na sandata para ipaglaban ka, bakas naman sayong maamong mukha ang ligaya at saya, pag-ibig na tanging sa kanya mo lang nakikita at siya lang ang kayang magpadama.
Madali lang ang mag-mahal kung tutuusin, mahirap lang makalimot sa tuwing ika'y lilisanin, bandang huli ang magagawa mo na lang ay tanggapin, na may mga bagay talagang di naka ayon sa atin, na kahit ano pang gawin hindi aakma ang panahon sa'tin.
Siguro hindi mo ako makakalimutan pero pansamantala, dahil sariwa pa ang masasayang alaala, pero sa kalaaunan mawawala din ang bakas mula ng ako'y iyong makilala, hindi kana malulungkot dahil batid kong masaya kana, natagpuan mo na ulit ang pagmamahal na di maparamdam ng iba.
Masakit rin pa lang magpalaya kahit di naging kayo, para kang bumalik sa umpisa noong hindi ka pa buo. Sa ilang taon mong iningatan sa pagkawasak rin pala hahantong ito. Sa ngayon pinapalaya na kita KAHIT DI NAGING TAYO.
KAHIT DI NAGING TAYO
Batid kong nagsisimula pa lang ang ating kwento, maaga pa pero kailangan ng tapusin ito, hindi dahil sa di'na kita gusto kundi dahil sa bumalik na ang taong mahal mo.
HinBatiddi ko naman gustong sukuan ka, sadyang wala lang akong sapat na sandata para ipaglaban ka, bakas naman sayong maamong mukha ang ligaya at saya, pag-ibig na tanging sa kanya mo lang nakikita at siya lang ang kayang magpadama.
Madali lang ang mag-mahal kung tutuusin, mahirap lang makalimot sa tuwing ika'y lilisanin, bandang huli ang magagawa mo na lang ay tanggapin, na may mga bagay talagang di naka ayon sa atin, na kahit ano pang gawin hindi aakma ang panahon sa'tin.
Siguro hindi mo ako makakalimutan pero pansamantala, dahil sariwa pa ang masasayang alaala, pero sa kalaaunan mawawala din ang bakas mula ng ako'y iyong makilala, hindi kana malulungkot dahil batid kong masaya kana, natagpuan mo na ulit ang pagmamahal na di maparamdam ng iba.
Masakit rin pa lang magpalaya kahit di naging kayo, para kang bumalik sa umpisa noong hindi ka pa buo. Sa ilang taon mong iningatan sa pagkawasak rin pala hahantong ito. Sa ngayon pinapalaya na kita KAHIT DI NAGING TAYO.
"BALANG ARAW"
Ngayon ikaw ay nalulungkot at nasasaktan
Na parang ang buhay ay wala ng patutunguhan,
Durog na puso ang pangunahing may kasalanan
Hindi mahanap ang gamot pagkat ngayon ay nasa karimlan,
Pag nasaktan ba kailangan may sisihin?
Tingin ko wala kailangan lang natin tanggapin,
May mga bagay talagang hindi para sa atin
Malay mo anjan lang pala sa tabi hindi lang natin napapansin,
BALANG ARAW ikaw muli ay ngingiti
Hindi mo na maaalala mga masasakit na gabi,
Hindi kana muling malulungkot at hihikbi
Dahil nalampasan mo na ang masasakit na pighati,
Ibalik mo yung dating IKAW
Piliin mo ang maging masaya araw-araw,
At sa mga darating na problema ay wag kang bibitaw
Maikli lang ang buhay kaya kailangan mong gumalaw,
Sulitin mo bawat araw na dadaan
Malulugmok ka ulit pero pilitin mong lumaban,
Maniwala ka lang SAKANYA lagi ka niyang ginagabayan
BALANG ARAW makakarating ka rin sayong paroroonan.
-jnb-
Kapag dumating ang oras na hindi mo na kaya, tumigil ka, magpahinga ka, tapos lumaban ka.
Hindi sa lahat ng oras aayon satin ang panahon, tiis-tiis na lang muna tayo sa ngayon
Damhin muna natin ang hirap at tiisin ang meron tayo sa ngayon, para pag dumating na tayo sa punto na iyon
Alam na natin kung paano pahalagahan ang wala satin noon, wag ka lang mag madali ang mahalaga unti-unting umaahon
Kung sakaling ika'y madapa wag kang mag dalawang isip bumangon, hindi ka magtatagumpay kung susuko kana ngayon.
-jpy-
Kumilos ka ng may katahimikan, hindi mo kailangan ipangalandakan, lumaban ka ng walang pag-aalinlangan, pagkat nasa kamay mo ang kasagutan, tandaa mo marami ang hahadlang, pero ikaw ang magmamaneho sa buhay na nais mong makamtan.
At sa oras na ito'y iyong mapagtagumpayan, panatilihing nakalapat ang mga paa sa kinatatayuan, hayaan mo silang makapansin sa naipanalo mong mga laban, doon nila mapagtatanto na hindi ka pwedeng apak-apakan.
-jpy-
-credit to the owner of picture-
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the museum
Website
Address
MANILA
Manila
1013
Manila
Henlo mga ka CHI-ka, you can call me chi/minnie. { (แตโกแต) I do commissions, so if you're interested feel free to dm me. โ } ๐ โงโ *โ ใ Digital Art โงโ *โ ใ Customized Hand drawn Acryli...
JX5R+GR6, Between Cayco And Extremadura St, Espaรฑa Boulevard, Sampaloc, 1000 Metro Manila
Manila, 1008
A gallery full of creativity and manifests art pieces of Sweet Mother of Divine Grace.
Manila
Mi Sueรฑo Art Studio provides a painting session for your family and friends, perfect for bonding.
Manila
Please hit Like and follow๏ฟฝ๏ฟฝ If we reach #1kfollowers/likers _______, 2 followers will have a chance for free photosketch to be posted on this page with your name tagged on it. ...