The Catalyst
Ito ang opisyal na page ng The Catalyst, ang opisyal na publikasyon ng PUP Sta. Mesa
"To write not for the people is nothing." - Ang The Catalyst ang opisyal na pahayagang pang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na 35 taon nang nagsisilbi para sa interes ng mga estudyante at mamamayan.
ADVISORY | Suspendido ang pasok sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) dulot ng patuloy na malakas na pag-ulan dala ng ngayong Lunes, Setyembre 2, 2024.
Alinsunod ito sa pagkakasuspindi ng pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, at sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) kaninang 8:30 ng umaga.
Kasalukuyang nasa ilalim ang Metro Manila ng Orange Rainfall Warning mula sa deklarasyon National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Anila, nangangahulugan ito ng pagbabanta ng "matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa."
Ayon naman sa anunsyo mula sa Office of the Executive Secretary, pinapaubaya rin sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina ang desisyon kung sususpendihin ang kanilang operasyon.
SUPILIN MAN, MAMAMAYAGPAG ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG!
Pahayag ng College Editors Guild of the Philippines sa Pambansang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag
Nananatiling hamon para sa mga peryodistang Pilipino ang pagtataguyod ng malayang pamamahayag, kahit pa ideklara ng gobyerno ang samu't sari okasyon sa pagtatanghal nito.
Dalawang taon matapos itakda ang Agosto 30 bilang Pambansang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag, tatlong dyorno na ang nabuwal sa paggampan ng tungkulin habang higit-120 mga kaso ng paglabag sa karapatang ito ang naitala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), kasabay ng 206 pang mga kaso ng Campus Press Freedom Violations (CPFVs) na naitala ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP).
"Ngayon, sa panahon ng girian ng pangkating Marcos at Duterte, pinagsasabong din nito ang mamamayan palayo sa pagkampyon ng karapatan sa edukasyon, kabuhayan, at soberanya. Ang edukasyon ay nananatiling pain upang ibenta sa murang halaga ang lakas paggawa ng mga bagong nagsitapos na mga kabataang Pilipino. Bakas ng pananakop ang mga represibong polisiya ng paaralan, o ultimong pagtanim ng makadayuhang kaisipan upang pabanguhin ang demokrasyang nagsisilbi sa iilan", saad ni Brell Lacerna, Pambansang Tagapagsalita ng Guild.
"Kung tunay na malaya ang Pilipinas, bakit pwersahang pinatatahimik pa rin ang mga pahayagang pang kampus? Umaabot sa 206 cases ng campus press freedom violations ang naitala ng CEGP, karamihan ay censorship, red-tagging, at administrative intervention. Tatlong cases ng meddling by the adviser ang naitala rito sa Eastern Visayas sa pagsapit ng National Press Freedom Day. Ang Paulinian Scribe ng Saint Paul School of Professional Studies, Fulcrum ng Palompon Institute of Technology, at The Pillar ng University of Eastern Philippines ay nanganganib na sapilitang itigil ang kanilang operasyon dahil sa requirement na magkaroon ng adviser. Labag ito sa Campus Journalism Act of 1991 na kinikilala ang editorial independence ng mga student publications pangangailangan man ng adviser o wala. Ngunit, hindi makatwiran na ang "technical guidance" na saad sa batas ay ginagamit sa mga pahayagang ito para tanggalin ang mga kritikal na akda na nagsisiwalat ng kaliwa't kanang isyu ng lipunan", dagdag pa niya.
Mula rito, lumalakas ang aming mga panawagan na panagutin ang lahat ng may pakana sa mga pag-atakeng ito, mula sa mga pamunuan hanggang kay Marcos Jr. Hangga’t nagpapatuloy ang mga ito ay hindi tayo mananahimik at magkikibit-balikat. Diin natin na sa pagpasok natin sa mga paaralan at sa malikhaing paglalantad, tangan pa rin natin ang ating mga demokratiko at konstitusyonal na karapatang tinatamasa natin mula sa kabayanihan ng mga nauna sa atin.
Hindi lamang nagtatapos sa selebrasyon ngayon ang laban natin bilang kampus mamamahayag.
Hinihikayat ng alyansa ang lahat ng mga publikasyon, samahang peryodista, at mga tagataguyod ng malayang pamamahayag na magbuklod para sa pagtataguyod ng ating mga laban. Hindi natin hahayaan, kailanman, ang pagsupil sa ating mga panulat at pagsusuri na nagmumulat sa sambayanan na matagal nang binubulag at pinaghihirap ng kapritso ng iilan. Panghawakan natin na ang atake sa isang kapanulat natin, ay atake sa ating lahat.
Supilin man, mamamayagpag ang malayang pamamahayag!
# # #
The Makabayan coalition announced its 10-strong progressive Senatorial slate for the 2025 midyear elections on Monday, August 26, coinciding with National Heroes Day.
In its event held at Liwasang Bonifacio in Manila, the group revealed three more bets to its initial seven to expand its roster which included members of the workforce, contrasting runners from political dynasties.
The newcomers are transport group Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) chairman Mody Floranda, urban poor group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) Secretary-General Mimi Doringo, and health workers' group Filipino Nurses United Secretary-General Jocelyn Andamo.
Makabayan campaign manager Renato Reyes called their slate "the opposition of the masses," which consists of members of different social sectors such as farmers, fisherfolk, blue-collar workers, and human rights advocates.
They join the first seven Makabayan bets in the upper chamber of Congress.
Alliance of Concerned Teachers (ACT) representative France Castro was first to announce her candidacy in June. The deputy minority leader in the House of Representatives said she heeded the call of fellow teachers to champion their needs in the Senate.
Following her is Gabriela Partylist representative and House assistant minority leader Arlene Brosas who, in her words, is “driven by the urgent need to defend women’s rights against the ongoing onslaught of patriarchal and women’s policies.” She is among the principal authors of the Expanded Maternity Leave Law (RA 11210) and the Expanded Solo Parents Welfare Act (RA 11861).
Kilusang Mayo Uno secretary general and labor leader Jerome Adonis became Makabayan’s third bet, pledging to push workers’ agenda forward in the Senate after announcing his decision to run in Laguna.
Former Gabriela Partylist representative and National Anti-poverty Commission chairperson Liza Maza announced the same earlier this month, saying her candidacy would be a ‘protest run’ against “the rotten, corrupt, and oppressive politics” of the country.
Makabayan extended its slate with Pamalakaya Vice Chairperson and local fisherfolk leader Ronnel Arambulo who slammed the military presence of China and the United States in the West Philippine Sea. He extended it to the country lacking a candidate who genuinely championed the interests of Filipino fisherfolk.
Former Bayan Muna representative Teddy Casiño followed suit as the coalition’s sixth Senatorial candidate, promising to challenge “the continued dominance of corrupt dynasties and pushing for systemic change.”
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairperson Danilo Ramos topped the first list. The Bulaceño farmer has advocated for genuine land reform, food circulation, and fair goods pricing since 1983.
Hounded by financial woes, Reyes quipped that the masses should not be underestimated in their ability to unite and rally behind their bets alongside well-funded Senatorial candidates.
"Bakit hindi? May karapatan at may kakayanan ang mga manggagawa, magsasaka, maralita, teacher, at mga karaniwang tao na marinig ang boses nila," he said in his opening remarks.
Makabayan planned to field a full roster of 12 Senate bets in their slate in July, which Reyes said would be completed in September.
It would not be the first time the coalition sent candidates to the Senate polls. Makabayan fielded one or two candidates in the 2010, 2016, 2019, and 2022 elections, but none made it to the top 12 of each.
Wishing to break their lopsided history, Bayan Muna chairman and Makabayan co-chairperson Neri Colmenares said showing the masses they can fight is already a win.
"This slate represents our unwavering dedication to the principles of nationalism, democracy, and social justice," the former lawmaker said.
The filing of the certificate of candidacy of those running in the 2025 polls will be from October 1 to 8, 2024.
✒️: John Lloyd Aleta
🎨: Jieu Cablaida
ALERT | Tanglaw, the official student publication of PUP Sta. Rosa Campus, took down its column article after its campus administration interrogated them this afternoon, August 26, four days before the celebration of the National Press Freedom day. The said column tackled the low number of participation among student council candidates in the upcoming Sta. Rosa Campus SC elections on September 2.
The column is clear with its objective to discuss the prevailing circumstances found within the campus elections and to challenge the iskolar ng bayan to step up in spite of being deeply affected by the repressive system we are all a part of. The article is a manifestation that the students of PUP Sta. Rosa Campus understands the crisis brought upon by the conventional education system that exhausts and sets students up to be no more than cheap labor. This, however, was interpreted as an attack by the campus administration instead of giving them the freedom to organize themselves and hone their minds to be critical of the world.
This case is only one of the few administrative interventions listed within the PUP System which brings fear upon student journalists who wish to write about their own struggles. Last June, the SRC's student council also received directives to "take some action on off comments" after the Licensed Professional Teacher (LPT) congratulatory post of the administration was called out by numerous students.
The College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP) has tallied 206 campus press freedom violations from this year alone. And despite the glaring number, no one was held accountable for these crimes due to the outdated Campus Journalism Act of 1991. The Alliance once again affirms its stance for the passage of the Campus Press Freedom Bill, advocating for the freedom and security of all campus publications in the Philippines. As we stumble through the antiquated education system, what can the students hope to learn in the face of their own administration that suppresses and censors their academic and democratic rights?
The Alyansa ng Kabataang Mamamahayag of PUP (AKM PUP) stands firm in condemning such cases of admin intervention and censorship. As long as the publication itself experiences suppression, the crisis that urges the students to seek ways to contribute in a society where they themselves experience abuse and exploitation will only persist.
Read the report from the Office of Student Regent PUP: https://www.facebook.com/share/p/AkYh4dtdf8xyhB2g/?mibextid=oFDknk
| 𝗣𝗨𝗣 𝗦𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗼 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔.𝗬. 𝟮𝟬𝟮𝟯-𝟮𝟬𝟮𝟰
Iskolar, mahalaga ang pagsiyasat sa nakaraan upang mapagtagumpayan ang kinabukasan!
Ngayong papalapit na ang pagtatapos ng termino ng pangunahing kinatawan ng sangkaestudyantehan ng PUP Manila, inaanyayahan kayo ng The Catalyst na ibahagi ang inyong mga pananaw at karanasan kasama ang PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM)!
Ano ang kanilang mga naging kalakasan at kahinaan? Anong mga isyu ang inaasahan mong matutugunan para sa akademikong taong 2024-2025?
🔗 Ibahagi ang inyong mga kasagutan sa link na ito:
https://forms.gle/1c4VrYPC33sfzYnQ7
https://forms.gle/1c4VrYPC33sfzYnQ7
https://forms.gle/1c4VrYPC33sfzYnQ7
Bukas ang assessment form mula ngayong araw, August 26 hanggang August 31.
Susi ang partisipasyon mo sa tagumpay ng nalalapit na halalan. Sa pamamagitan ng pagbahagi ng iyong assessment, makatutulong ka sa patuloy na pag-unlad ng pangunahing kinatawan ng sangkaestudyantehan at matitiyak na sila ay sumasalamin sa tunay na interes ng mga Iskolar ng Bayan. Napakahalaga mo sa paghubog ng pamamahala sa sangkaestudyantehan ng Sintang Paaralan.
Editor's Note: Ang inisyatibang ito ay hango sa SCrutiny, isang taunang proyekto ng UP Baguio Outcrop.
ICYMI | Naglunsad ng Humanitarian Mission ang Karapatan Southern Tagalog at Free Owen & Ella Network matapos ang report na nawawala si Rowena 'Owen' Dasig nang mapagalamang diumano'y 'nakalaya' na ito noong ika-22 ng Agosto.
Dalawang araw matapos ang ulat ng pagkawala ni Dasig, hindi pa rin natutukoy ang kalagayan ng bilanggong politikal na ayon sa Lucena City District Jail (LCDJ) ay sinundo ng kaniyang kamag-anak dalawang araw nang matanggap ng kampo ng organisador ang pagpapabasura ng kaso.
Pinabulaanan naman ng pamilya ni Dasig ang banggit ng LCDJ. Ayon sa kanila, wala raw silang kaalaman sa pagkakalaya ng aktibista.
Si Rowena Dasig ay isang Environmental Defender at dating Secretary General ng Anakbayan - Southern Tagalog na ikinulong noong ika-12 ng Hulyo noong 2023 sa LCDJ dulot ng gawa-gawang kaso ng Illegal Possession of Fi****ms, Ammunitions, and Explosives.
Habang nakakulong, nakatanggap ng samutsaring paglabag sa karapatang pantao si Dasig at ang kaniyang kapwa political prisoners sa ilalim ng Bureau of Jail Penology Management (BJMP).
Patuloy naman ang paghingi ng pakikiisa at tulong ng Free Owen & Ella Network at mga progresibong grupo katulad ng Anakbayan.
"Makiisa sa panawagan na ilitaw si Rowena Dasig, at ilantad ang pananabotahe ng LCDJ at ng estado sa kaniyang paglaya at pagkakabasura sa gawa-gawang kaso isinampa laban sa kanya!" Pahayag ng Anakbayan.
| JUST IN: The Commission on Elections (COMELEC) PUP Manila formally recognizes the resignation of Noriko Wade D. Alsisto from their roles as Deputy Commissioner and staff member of the Programs and Events Committee (PEC) under Resolution No. 004, S. 2024.
Alsisto, who was appointed Deputy Commissioner for the College of Human Kinetics (CHK) and a staff member of PEC under Resolution No. 003, S. 2024, resigned on August 22, 2024.
This resignation comes shortly after their appointment, which was formalized on the same day.
READ THE FULL RESOLUTION HERE:
https://bit.ly/COMELECResolution2024
Mga kampus mamamahayag, ito na ang panahon para sagutin niyo ang tawag ni Cata!
Sa mga krisis na kinakaharap ng mga Iskolar ng Bayan, higit ngayon na kailangan ng mga balita at lathalain na siyang magmumulat sa mga kabataang estudyante sa tunay nilang oryentasyon sa lipunan.
Mula rito, ang The Catalyst bilang opisyal na publikasyong pangmag-aaral ng PUP Sta. Mesa Campus ay muling nagbubukas para sa regular nitong Call for Staff 2024 upang humamig ng mga kabataang mamamahayag na siyang handang magmulat, magsulat at makibaka kasama ang malawak na hanay ng masa.
Ang Pre-registration period ay bukas para sa mga bona-fide students ng PUP Main Campus mula August 23-29, 2024.
Registration link:
https://forms.gle/x9RwgXDrK8BbEroU7
To write not for the people is nothing.
| JUST IN: Opisyal na itinalaga ng Commission on Elections (COMELEC) PUP Manila ang mga bagong Deputy Commissioners at staff members sa ilalim ng Resolution No. 003 S. 2024. Ang hakbang na ito ay kasunod ng deklarasyon ng mga bakanteng posisyon ayon sa Resolution No. 002 S. 2024.
Narito ang mga bagong Deputy Commissioners ng COMELEC - PUP Manila para sa taong 2024:
● Mark David L. Bartolata mula sa College of Political Science and Public Administration (CPSPA)
● Noriko Wade D. Alsisto mula sa College of Human Kinetics (CHK)
● Yuki Mei L. Carlos mula sa College of Architecture, Design and Built Environment (CADBE)
● Mia Rizzi Lou R. Lucban mula sa Institute of Technology (ITECH)
● James Benedict G. Aniciete mula sa College of Arts and Letters (CAL)
● Kyle P. Balisi mula sa College of Accountancy and Finance (CAF)
Nakapaloob din sa resolusyon ang mga bagong staff members ng mga sumusunod na komite sa loob ng Komisyon:
● Publications and Multimedia Committee
● Programs and Events Committee
● Legal and Administrative Affairs Committee
● Secretariat Committee
● Executive Committee
● Audit and Finance Committee
BASAHIN ANG BUONG RESOLUSYON DITO:
https://bit.ly/COMELECResolution2024
Sa telepono, may tumatawag! May tumatawag?!
Abangan.
Virg Magtira
Editor-in-Chief, The Catalyst
Pinatunayan muli ng kapulisan sa pamamagitan ng marahas na interbensyon at pwersahang pagdampot sa mga delegado ng ika-57 General Assembly of Student Council nitong Agosto 16 ang kawastuhan kung bakit nasa lansangan ang mga kabataan dala ang kanilang panawagan para sa demokratiko at akademikong karapatan.
Nararapat lamang na managot hindi lang ang Tacloban Police kundi ang mismong administrasyon ng UP sa pangyayaring ito na direktang manipestasyon ng mas pinaigting na Anti-Terror Law at ang bagong Declaration of Cooperation ng UP System sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na magdadagdag-apog lamang sa armadong tutang pwersa upang walang habas na pagbantaan ang kalayaan at karapatan ng mga kabataan.
Sa halip na pakinggan ang panawagang dala sa mapayapang protesta, pinaninindigan ng kapulisan na dungisan ang sariling mandato upang makapanghamak ng kabataan. Hindi na bago ang ganitong marahas na dispersal ng kapulisan, at inaasahan din na sa patuloy na pagtaas ng pondo sa mga militarisadong ahensya ng gobyerno ay higit lamang na magdurusa rito ang mamamayan ng Eastern Visayas, at ang kabataang pinagkakaitan na nga ng karapatan sa asembliya’t protesta, napagkakaitan pa ng pondo sa edukasyon.
Kaya naman ating pinagpupugayan ang lahat ng mga lider-estudyante, mamamahayag, at mga delegado na nakisangkot sa mapayapang protestang ginanap sa 57th GASC sa makasaysayang McDiola, Tacloban. Sa nangyaring ito, walang ibang aasahan ang estado sa mga kabataan kundi ang sumapi sa malawak na hanay ng sambayanan upang mas ipaglaban ang kanilang pambansa’t demokratikong kahilingan at karapatan, hanggat hindi napapakinggan ang kanilang hinaing.
DISSERVICE TO THE FILIPINO YOUTH: Campus journalists denounce violent dispersal of student councils and campus press in a lightning protest in Tacloban City
The College Editors Guild of the Philippines, together with campus publications, denounce PNP Tacloban’s inhumane treatment of student leaders and campus journalists, who were corralled and held under duress for two hours, following a lightning protest conducted on August 16 at McDiola as part of the 57th General Assembly of Student Councils (GASC) hosted by UP Tacloban.
This is a blatant disregard of their rights to exercise freedom of expression and the recognition of their academic freedom, without undue interference or repressive attacks.
According to the Department of Budget and Management (DBM), the PNP's budget under the 2025 National Expenditure Program (NEP) amounts to 205.8 billion pesos. In contrast, higher education will suffer 6.581 billion-peso cuts across state universities and colleges (SUCs) and the Commision on Higher Education (CHED).
"Kung patuloy na ilalaan ang taas budget sa AFP, PNP, DILG, at NTF-ELCAC habang tumitindi ang budget cuts sa mga pamantasan, patunay ang araw na ito na patitindihin nito ang intimidasyon, harassment, at surveillance sa lahat ng kabataang estudyante sa pag-ehersisyo ng karapatan na magprotesta, o ultimong pag-aaral na mismo sa kalagayan ng lipunan at pagpapamalas nito sa lansangan", National Spokesperson Brell Lacerna stated.
The Catalyst, through Chief Editor Virg Magtira, calls for the accountability of all guilty parties. "Nararapat lamang na managot hindi lang ang Tacloban Police, kun'di, ang mismong administrasyon ng UP sa pangyayaring ito—direktang manipestasyon ng mas pinaigting na Anti-Terror Law at ang bagong Declaration of Cooperation ng UP System sa Armed Forces of the Philippines (AFP), na magdadagdag-apog lamang sa armadong tutang pwersa upang walang habas na pagbantaan ang kalayaan at karapatan ng mga kabataan", Magtira asserted.
"Sa kabila nito, sa paglalantad ng harassment sa Tacloban, higit ang pagkakaisa ng lahat ng mga rehiyon para singilin si Marcos Jr at si Duterte sa pananatili ng EO 70, MO 32, at ang Anti-Terror Law! Pahamak at pamamasismo ito sa mamamayan, na kanilang itatakwil at lalabanan.
Mula rito, patuloy tayong manindigan para sa ating mga karapatan at kalayaan. Kaisahin ang malawak na hanay ng kapwa kabataan upang depensahan ang ating pamantasan at pamayanan sa anumang porma ng pag-atake. Singilin ang pabayang administrasyon na ang tugon sa ating karaingan ay karahasan"' Lacerna concluded.
| JUST IN: The Commission on Elections (COMELEC) PUP Manila has announced the start of the filing period for Certificates of Candidacy (COCs) and the registration of Political Parties and Coalitions for the 2024 Student Council Elections (SCE).
Candidates can submit their COCs through the dedicated link provided:
bit.ly/PUPHalalan2024FilingofCOC
Political parties and coalitions can register using the following link:
bit.ly/PoliticalPartyandCoalitionRegistration
According to the official SCE 2024 Calendar released by the Student Council Assembly (SCA), the filing period for COCs will start today, August 19, until September 1.
| JUST IN: The Commission on Election PUP Manila has announced the steps for filing of Certificate of Candidacy (COC) for the 2024 Student Council Elections.
According to their Facebook post, the period for filing of COC will start from August 19 to September 1. The two week period requires running candidates from different colleges and political parties to prompt necessary requirements aligned with the PUP SC COMELEC's requisite.
The full announcement and steps for filing can be accessed here: https://www.facebook.com/share/p/CKtgrUQGQ8CsqDwX/?
Sa patuloy na dinaranas ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng rehimeng US-Marcos II, ang taumbayan ay labis na salat at lumpo sa pamumunong kontra sa pagkiling sa panawagan ng iba’t ibang sektor, lalo na sa edukasyon. Danas na danas ng mga Iskolar ng Bayan ang mababang budget, nagbabadyang pribatisasyon at komersyalisasyon dala ng NPU Bill, at niraratsadang Mandatory ROTC na hudyat upang ipadinig ang tangis ng saloobin at humirang ng makakaisa natin sa ating mga hangarin at tumulong sa paglutas sa ating mga suliranin.
Krusyal ang aktibong partisipasyon ng mga Iskolar sa eleksyon at kritikal na pagsipat sa mga susunod na lider-estudyante ng pamantasan. Sa tindi ng krisis pampulitika sa pamumuno ng Marcos II-US, isang hamon sa mga Iskolar ang kumilatis, bumoto, at manindigan kasama ang mga itatalagang lider-estudyante sa pagsulong ng demokratikong karapatan sa loob at labas ng pamantasan.
Higit ngayon, sa mga krisis ng pamantasan na siyang tumatagos sa lipunan, narito ang The Catalyst upang maging katuwang ng mga Iskolar ng Bayan na maghalal ng mga bagong lider-estudyante na kasama nating susulong laban sa daluyong ng krisis at impyunidad. Sama-samang sumuri, sumulong at magsiyasat. Ito ang SULONG ISKO: The Catalyst's Student Council Elections Special Coverage.
NGAYON | Nakikilahok sa War Budget consultation sa pangunguna ng League of Filipino Students (LFS) National ang komunidad ng Polytechnic University of the Philippines kasama ang iba't-ibang youth sector organizations.
Sinasabing ang konsultasyon ay buhat sa malaking laan sa military budget ng NEP 2025. Mula sa ₱278-B noong nakaraang taon, ito ay tumaas nang doble sa ₱419-B ngayong taon, alinsunod sa budget ng Department of National Defense.
"Mas worth it ba maglaan ng pondo sa militar kung ang mga malalaki nating pamantasan ay bawas o kulang ang pondo," Elle Buntag, LFS National Chairperson.
Matagumpay na nairehistro ng mga iskolar ng bayan at manggagawang janitorial ang kanilang panawagan hinggil sa pagpapataas ng badyet ng pamantasan sa isinagawang PUP Budget Itaas Press Conference nitong Agosto 8.
Ilan sa hinaing ng mga tagapagsalitang mag-aaral ay ang kakulangan pa rin sa pasilidad, learning materials, at espasyo upang matuto ang mga estudyante; pondo at kalayaan sa pamamahayag mula sa mga publikasyon, at pagpapataas ng sahod para sa mga janitorial at manggagawa sa loob ng PUP. Gayundin, inihayag din ng mga representante ang tuluyang pagtanggi sa National Polytehnic University (NPU) bill na anila ay wala nang ibang maaasahan sa panukala kundi ang pagpapaigting lamang ng komersyalisadong tipo ng edukasyon.
Sa huli, hinihimok ng mga lider-estudyante at manggagawang janitorial ang komunidad ng PUP para antabayanan ang deliberasyon ng pambansang badyet at makiisa sa pagpapanagot kay Marcos Jr. sa kaniyang misprayoritisasyon sa pondo.
Kumpara sa proposed System budget na P11.9-B, tinatayang halos P8.5B pa ang kulang mula sa panukalang P3.4-B pondo na ilalaan ng administrasyong Marcos Jr. sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) system, ayon sa inihaing National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025.
Lunes, Hulyo 29, sinimulang talakayin sa kamara ang panukalang pondo para sa susunod na Fiscal Year na may layong tema na ‘Agenda for Prosperity: Fulfilling the Needs and Aspirations of the Filipino People.’ Ang NEP ay isang balangkas na isinusumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara upang paghalawan ng alokasyon sa taunang deliberasyon ng General Appropriations Bill.
“Malinaw na binabarat at ginigipit ng gobyerno ni Marcos Jr. ang PUP Budget para sa susunod na fiscal year,” pahayag ng PUP Office of the Student Regent.
Kung babalikan, noong 2021, P1.8-B lamang ang natanggap ng PUP mula sa proposed na P4.6-B. Gayundin sa mga sumunod na mga taon: P2.6 bilyon noong 2022, mula sa P3.7-B; P2.4-B noong 2023, mula sa P4.5-B; at P3-B noong 2024, mula sa P6.9-B.
BASAHIN:
https://pahayagangthecatalyst.wordpress.com/2024/08/10/pup-system-danas-muli-ang-kapos-na-budget-sa-2025/
✒️: Gerald Graciano
🎨: Bella Dela Merced
Sa ilalim ng panukalang ₱6,352.39-trilyon sa 2025 Pambansang Budget, tuloy-tuloy ang misprayoritisasyon sa pondo ni Marcos Jr. para gipitin sa serbisyong panlipunan at ayuda ang mamamayan habang naglalakihan pa rin ang pondo para sa pambayad-utang, pasismo, at ganansya ng iilan.
Ibinida ni Marcos Jr. sa simula ng 2024 na nakabangon na umano ang Pilipinas mula sa epekto ng pandemya subalit nananatiling malayong makamit ang fiscal targets tulad ng pagpapababa ng debt-to-GDP ratio at ang pangarap na “trillion-dollar economy” sa 2033. Sa unang kwatro kasi ng 2024, umabot ng 5.6% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa na may ₱15.347-trillion na utang habang ang debt-to-ratio nito ay umabot ng 60.15%; kung saan 60.10% nang matapos ang 2023. Tinatayang 22.1% ng GDP ng bansa ang ngayong badyet para sa 2025.
(Sa debt-to-GDP ratio nakabatay ang kakayanan ng bansang magbayad ng utang nito ayon din sa kakayanan nitong makapaglikha ng produkto. Mas mataas na debt-to-GDP ratio, mas mabababang kapasidad na makapagbayad-utang.)
Ibig sabihin, pabor kay Marcos Jr. na patuloy na maghirap ang mga maralita, magsasaka, manggagawa, kabataan, at maliliit na negosyo, samantalang umaapaw ang pondo para sa imprastruktura na lilikha lamang ng pansamantalang trabaho sa halip na maglaan ng pondo para sa industriyang makapagbibigay sa mga Pilipino ng de kalidad na trabaho at matugunan ang malaking demand ng empleyo sa bansa. Pabor din kay Marcos Jr. ang pagpapalaki pa lalo ng pondo sa pasismo – ahensiyang militar, kapulisan, social programs; ngunit kinakapos ang pondo para sa edukasyon, kalusugan, ayuda, at trabaho.
BASAHIN: https://pahayagangthecatalyst.wordpress.com/2024/08/09/2025-pambansang-budget
✒️: Virg Magtira
🎨: Bella Dela Merced
[PARTNERSHIP]
Iskolar ng Husay, handa ka na ba?! 🤩✨
Halina't buksan ang puso at isip, at sabay-sabay nating kilalanin ang Sintang Paaralan! Ang mga napagtagumpayang laban at mga panawagan sa kasalukuyan ni Sinta? Excited ka na bang malaman ang Kulturang Tanglaw at mga dapat abangan bilang Isko't iska? Ang mga dapat paghandaan pa sa susunod na taong panuruan?
Sabay-sabay nating alamin dahil narito na ang...
🌟 Gabay Sinta 2024 Freshman Orientation Webinar: "Iskolar ng Husay, Kaagapay sa Tagumpay!"🌟
Magkita-kita tayo sa ika-9 ng Agosto 2024, 1:00 PM via Zoom and Facebook Livestream! Tiyak doble ang excitement sa mga aktibidad na hinanda para sa inyo!
Iskolar ng Bayan, Ngayon ay Lumalaban!
🖼: Mark Lawrence Sulvita
🖋: Althea Calahatian
Matagumpay na nairehistro ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP), kasama ang ilang representante, ang mga hinaing ng campus publications sa buong bansa, upang ipanawagan ang agarang pagpasa ng House Bill 1155 o Campus Press Freedom Bill sa Committee on Higher and Technical Education sa House of Representatives nitong Lunes, Hulyo 29.
Ang panukalang CPF na inihain ng Kabataan Partylist ay naglalayong palitan ang makalumang Campus Journalism Act of 1991, palawigin ang editoryal kalayaan ng mga publikasyong pangkampus at proteksyon sa mga kabataang mamamahayag laban sa anumang banta, karahasan, panunupil, at pagkakait ng pondo.
Ayon sa CEGP, umaabot sa 206 ang bilang ng kasong paglabag sa campus press freedom mula lamang 2023-2024, “[The] Campus Journalism Act of 1991 is insufficient, outdated, and hopeless that it legalizes non-mandatory collection of publication fees and does not mandate all colleges and universities in the Philippines to establish student publications,” pahayag ni Brell Lacerna, National Spokesperson ng CEGP.
Inilantad din ni Lacerna ang mga paglabag sa Campus Press Freedom sa UP System kabilang na ang nangyaring pananakot ng pulisya sa isang editor sa UP Baguio, ang kawalan ng pondo ng UP Vista ng UP Visayas at ang naranasang red-tagging, pananakot, at harassment sa former Editor-in-Chief ng Himati ng UP Mindanao.
“Campus journalism itself… it is a pivotal and transformative education program for critical thinking, especially that writing is a basic language skill taught in schools. So, kung ang campus journalism… ang mga campus publications, sila po ay biktima ng mga campus press freedom violations, it is also, like, repressing… such basic things that we are taught in schools, writing… listening…” saad ni Lacerna.
Inilahad ni UP Solidaridad Executive Vice Chairperson Justin Daduya ang pagka-udyok sa tungkulin nilang mga estudyanteng mamamahayag upang ilathala ang danas ng mga kapwa niya kamag-aral sa ilalim ng nakababahalang kalagayan ng press freedom ngayon sapagkat isa sa mga patuloy na problemang umiiral ngayon ay ang panghihimasok ng mga university administration sa editorial positions ng mga pahayagan.
Iginiit naman ni Guinevere Latoza, Chairperson ng Union of Journalists of the Philippines - UP Diliman ang pangangailangan ng mga pangkampus na publikasyon at mamamahayag upang maisakatuparan ang CPF tulad ng kahalagahan ng pagkilala sa mga publikasyon na siyang naging sanhi ng pagka-inaktib ng 12 sa 17 na student publications sa loob ng UP Diliman.
“And dahil po dito hindi po sila nakakatanggap ng karampatang pondo, because if you’re an organization or if you’re not recognized, you’re not entitled to any student publication fees so kinakailangan po namin magkumpuni ng pera para makapag-imprenta lang, or ‘yong iba po hindi na po sila nakakapag-imprenta,” ani pa ni Latoza.
Sa PUP Main Campus pa lamang, aabot ng 6 sa 15 na kolehiyo ang mayroong aktibong publikasyon, ayon sa Alyansa ng Kabataang Mamamahayag ng PUP (AKM-PUP) noong 2023.
Samantala, ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng Sta. Mesa Campus na The Catayst ay hirap ding ilabas ang kanilang pondo sa mahigit na dalawang taon ng nakalilipas. Sa isinagawang State of the Campus Press Address forum ng CEGP noong Hulyo 18, isinaad ng pahayagan na mahabang proseso at tila pahirapan pa rin ang pagpapalabas ng pondo nito kung kaya’t walang sapat na kagamitan ang publikasyon para makapaglabas ng dyaryo.
Matatandaan ring binanggit ni Latoza ang Sinag, ang pahayagang pinanggalingan ni Daduya, dahil sa matagal nang pagkakaroon nito ng student publication fee na P30, upang gawing ebidensiya sa kakayanang paglaanan ng pondo ang bawat college-level publications ng kanilang unibersidad—kumpara ito sa halaga na P100 publication fee ng PUP sa mga mag-aaral nito ngunit para lamang umano sa iisang publikasyon ng PUP.
Gayunpaman, inalmahan pa rin ni Go ang argumento ni Latoza dahil giit niya, kasalukuyang sakop na ng pambansang gobyerno ang binabayaran sa mga pahayagan.
Kaya’t iminungkahi ni Cong. Manuel na konsultahin muna ang bilang ng mag-aaral sa bawat kolehiyo sa mga unibersidad upang matukoy kung ano ang nararapat na pondong ilaan sa mga student publication na siyang sinang-ayunan ni Cong. Go.
Naghayag naman ng pagsuporta sa CPF bill ang ilang mga pahayagang pangkampus tulad ng Ang Sihay ng Caloocan City Science High School, Sinag ng UPD College of Social Sciences and Philosophy, The Adamson Chronicle ng Adamson University, at UPLB Perspective.
Itinawag ni Rep. Manuel ang atensyon ng Commission on Higher Education (CHEd) upang maging proactive sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng sangkaestudyantehan ukol sa press freedom.
Nilinaw naman ng CHED na may kakulangan sa manpower ng ahensya kung maaaprubahan ang CPF bill dahil walang nakamandato sa citizen’s charter nito ang pag-imbestiga ng violations sa press freedom. Dagdag pa nito na binibigyan din nila ng pagkakataon ang mga unibersidad na gamitin ang kanilang institusyonal na awtonomiya upang hawakan at iresolba ang isyu. Ani Go ay nararapat na dalhin ito sa university president o board of regents bago sa CHED at Kongreso.
Sa pagtatapos ng hearing ay nagkaroon ng mosyong bumuo muli ng technical working group sa pagsasaayos ng bill para sa susunod na hearing at tatalakayin din sa susunod na meeting ng UP Board of Regents ang pondo ng mga publication sa loob ng kanilang sistema.
Mariin namang inuudyok ng CEGP ang agarang pagpasa ng CPF bill upang mapalitan na ang kapos, atrasado, at walang bisang Campus Journalism Act of 1991.
✍️: Mark Renzo Salazar
🎨: Kelvyn Manalo
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the business
Website
Address
Room 206 Charlie Del Rosario Bldg
Manila
1016
Manila
Premier Web Search Solutions is your source for real models and celebs... Our cool new website is st
Manila
Founded in 1997, the Philippine Cyberpress counts among its members most of the country’s major pu
4th Floor Student Center, University Of The Philippines Manila
Manila, 1000
The Manila Collegian is the official student publication of the University of the Philippines Manila.
2/F Sitio Grande 409 A. Soriano Avenue
Manila, 1020
One of the longest-running English broadsheets in the country
Room 423, Engineering And Architecture Building, Pureza Corner Anonas Street, Sta. Mesa
Manila, 1016
The official student publication of PUP College of Engineering. PUP's most comprehensive publication
4th Floor (Beside The Elevator), Fr. Roque Ruaño O. P. Bldg. , University Of Santo Tomas, España
Manila
The official page of the Thomasian Engineer, the official student publication of UST Eng'g.
2282 Primer Star Center Leon Guinto Street , Malate
Manila, 1004
Check us out at www.dispatchmagonline.com or follow us on Twitter: DispatchOnline
3720 Lingayen Street
Manila
This is the Official page Of Ferrer Marcos News International.
Manila, 1100
Philippines - latest news, trending topics, breaking stories and comment