Panday Sining

Lipuna'y pandayin, armas ang 'yong sining! Ang pambansa-demokratikong pang-kulturang pangmasang organisasyon ng kabataan. Sumali sa Panday Sining!

Sign-up in the link below to join! https://rb.gy/1wmiey Panday Sining is national democratic cultural mass organization of youth aiming to use art as a weapon for change in society.

Photos from Panday Sining's post 04/11/2024

Sa pagbubukas ng session sa senado, ang sigaw ng kabataang Pilipino - NO TO MANDATORY ROTC!

Ngayong araw upang salubungin ang pagbubukas ng session sa senado, naglunsad ng kilos-protesta ang mga kabataang estudyante mula sa iba'-ibang pamantasan upang igiit ang pagtutol sa Mandatory ROTC.

Nitong Setyembre lamang, muling iginiit ni Marcos Jr. na isa ang Senate Bill (SB) No. 2034, o ang proposed Reserve Officers' Training Corps (ROTC) Act sa priority bills na nakatangkadang iratsadang ipasa. Gagawin nitong mandatory ang pagsasanay bilang mga reserbang hukbo ng mga kabataan. Ang giit ng gobyerno ito daw ang magpapakita ng nasyunalismo ng mga kabataan.

Ngunit pinatunayan na ang madugong kasaysayan na tanging abuso ang dulot ng ROTC at maging korapsyon. Hindi malilimutan ng mga kabataan ang alaala ni Mark Welson Chua na marahas na pinatay dahil sa paglantad niya ng korapsyon sa programa ng ROTC.

Kung ang mga sundalo't pulis, korap, mamamatay-tao, hindi ito nasyunalimo!

03/11/2024

Kung totoong makabayan ang Mandatory ROTC, bakit ang mga sundalo't pulis, mga korap at mamamatay-tao?

Sa darating na Nobyembre 4, nakatakda na isalang sa Senado ang Senate Bill (SB) No. 2034, o ang proposed Reserve Officers' Training Corps (ROTC) Act, kaya tayong mga kabataan tutungo sa lansangan upang igiit ang ating panawagang - NO TO MANDATORY ROTC!

Hindi sa paglahok sa mandatory rotc maipapakita ng mga kabataan ang pagiging tunay na makabayan dahil pinatunayan na sa madugong kasaysayan ng pagpapatupad nito ang dulot nitong korapsyon, abuso,at pagpatay sa hanay ng mga kabataan. Hindi ito nasyunalismo lalo na't balak ipambala ni Marcos Jr. ang mga kabataan sa digmaang magsisilbi lamang sa dayuhan, sa imperyalistang Estados Unidos.

Inaanyayahan ang lahat ng kabataang artista na sumama sa pambansang pagkilos sa ika-4 ng Nobyembre upang sama-sama nating itanghal sa lansangan ang ating pagtutul sa makadayuhang Mandatory ROTC ni Marcos Jr!

29/10/2024

๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—” ๐—š๐—”๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐——๐—”๐—ฉ๐—œ๐——; ๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—ง ๐—จ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—จ๐—ก๐—ข!

Mahigpit na kinokondena ng Panday Sining ang ilegal na pag-aresto kina ๐—š๐—ฎ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฑ noong Oktubre 27 sa Makati. Si Gavino, director for campaigns ng PAMANTIK-KMU Timog Katagalugan, at si Maritess, organisador ng pederasyon na OLALIA-KMU, ay kapwa sinampahan ng mga kaso. Si Gavino ay nahaharap sa kasong murder at attempted murder, habang si Maritess naman ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Law on Fi****ms and Ammunitions.

Ang mga kasong ito ay bunga ng sinasabing raid noong 2021 sa opisina ng Alyansa ng mga Manggagawa sa Engklabo kung saan iligal na plinantahan ng kapulisan at kasundaluhan ng mga baril at bomba ang opisina bago isinagawa ang raid. Bago ang kanilang pag-aresto, sina Gavino at Maritess ay aktibong nagmamasid sa kalagayan ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan upang makatulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine.

Walang pagaatubiling winawaldas ng rehimeng US-Marcos Jr. at Duterte ang pera ng mga Pilipino para sa karahasan, pang iintimida at panunupil sa mga mamamayang nakikipaglaban para sa nakabubuhay na sahod ng lahat ng manggagawa sa bansa. Ang panunupil na ito ay hindi lamang isang atake laban kina Gavino at Maritess, kundi ito ay direktang atake sa lahat ng manggagawang nakikilahok sa produksyon ngunit salat sa usapin ng pang araw-araw na pamumuhay.

Palayain sina Gavino at Maritess! Ipaglaban ang karapatan mag unyon!

28/10/2024

DUTERTE, PASISTANG MAMATAY-TAO, SINGILIN!

Sa nagdaang hearing ngayong araw, aminado si Rodrigo Duterte sa kanyang paggamit ng dahas, pambabaluktot sa batas, at pakikipagsabwatan para magpaslang ng inosenteng mamamayan. Klaro na hindi droga kundi masang Pilipino ang target ng dahas ni Duterte at lahat ng kanyang kasabwat.

Sa ilalim ni Duterte at ang kanyang war on drugs, halos araw-araw nagkaroon ng panibagong mga biktima ng EJKs sa dahilan ng pagsugpo ng problema ng droga sa bayan. Walang pamantayan kundi interes ni Duterte, kahit sino ay pwedeng bansagang adik para maging dahilan sa kanilang pagkulong o pagpaslang. Sa mga komunidad na apektado, kalakhan ay mga maralita at masang anakpawis.

Ni isa sa mga nakaupong opisyales na nagpapalala sa krisis ng ekonomiya, edukasyon, at kagutuman, walang nanagot sa kanilang kakulangan. Imbis ugatin sa krisis na nakapaligid sa mga mamamayan, binansagan silang mga masasamang tao, pinatay, at ginawang halimbawa na "huwag tularan" sa kapwa nilang masa. Hanggang ngayon, walang pang hustisyang nakakamit ang mga pamilya at kaibigan ng mga inosenteng biktima ng war on drugs.

Hangga't ganitong mga pasistang atake ang umiiral sa mga naghaharing uri, walang ligtas. Sa niraratsadang MROTC, sa militarisasyon sa mga pamantasan, at sa pagpapatahimik sa kritikal na mamamayan at mga biktima ng estado, kailangan managot ang mga pasista katulad nina Duterte at Bato Dela Rosa, ang mga pasimuno ng Drug War. Mga kriminal at duwag na nagtatago dahil mas mahalaga sa kanila ang interes nila sa kapangyarihan imbis managot sa ginawa nilang masaker sa ating mamamayan; nararapat lamang ikulong!

DUTERTE IKULONG! HUSTISYA SA LAHAT NG BIKTIMA NG EJK!

Photos from Panday Sining's post 27/10/2024

TINGNAN: Matapos manalasa ang bagyong sa Pilipinas, nagsagawa ng community kitchen, relief operation, at medical mission ang Panday Sining-UST, kasama ang iba pang organisasyon sa loob ng UST, upang magbigay ng libreng konsultasyon sa mga mamamayan at mga manininda sa Central Market.

Umabot hanggang tuhod ang baha sa Central Market dahil sa bagyong Kristine. Ayon sa mga nagtitinda, nahihirapan silang kumuha ng suplay ng mga paninda dahil labis na naapektuhan ang kanilang mga supplier, na karamihan ay mula sa Quezon at Bicol.

Sa harap ng lumalalang krisis pangkalikasan, nararapat na singilin si Marcos Jr. na pabaya at tagapagpahintulot rin sa mga mapanirang proyekto tulad ng mining, quarrying, at iba pang development projects na sumisira sa kalikasan.

Sa mga nais magpaabot dagdag donasyon, maaari pang magpadala sa mga sumusunod na detalye sa baba:
๐Ÿ“ฒGCash: 09477 340 939
Ak*a Lo****o P.

Ipadala ang mga in-kind donations sa:
๐Ÿ“19 Data Street, Brgy. Don Manuel, Quezon City

Kasabay ng ating bayanihan upang makaahon mula sa matinding epekto ng bagyong , sama-sama din tayong kumilos upang manawagan sa mas pangmatagalang aksyon sa mga kalamidad at pagtutol sa mga mapanirang proyekto na pinapaboran ni Marcos Jr.

26/10/2024

WALANG NATURAL DISASTER, MAYROON LANG WALANG KWENTANG GOBYERNO!

Sa kasagsagan ng Bagyong Kristine, malinaw na malinaw kung papaano rumeresponde ang rehimeng US-Marcos sa panahon ng mga sakuna: pabaya at walang-pakialam.

Ilang taon nang sinasalanta ng bagyo ang Pilipinas ngunit wala pa rin tayong matinong paraan ng flood prevention, rescue relief operations, at evacuation. Halatang hindi binibigyan ng pondo at prayoridad para paunlarin ito ng gobyerno. Sa halip, napupunta ito sa bulsa ng mga kurakot imbes na sa libu-libong Pilipinong apektado.

Dagdag pa rito ang panghihimasok ng US militaryโ€”sa pagpapahintulot ni Marcos Jr.โ€”sa mga EDCA sites para raw sa โ€œdisaster and relief operationsโ€. Inuuna ng estado ang hangarin ng imperyalistang US kaysa sa panawagan ng mga Pilipino.

Kasabay ng pabayang pamamamalakad ay ang patuloy na pagpapahintulot ng gobyerno sa mga banyagang pangmalakihang quarrying at mining projects na sumisira sa mga natitirang panlaban natin sa bagyo. Bunga ng pagkasira ng ating lupaing ninuno at pagkalbo ng ating kagubatan ang mga matitinding flashfloods at landslides. Palala ng palala ang mga ito sapagkat palala ng palala rin ang estado ng ating kalikasan.

Ang layunin ng mga dayuhan sa ating bansa ay hindi para sa kaunlaran, kundi para sa kanilang pansariling interes. Patuloy tayong nagiging biktima ng mga panggigipit na itinakda ng mga dayuhan, habang ang mga opisyal ng pamahalaan ay mas inuuna ang mga kapristo ng mga imperyalista kaysa sa kapakanan ng mga Pilipino.

Kailangan paingayin ng bawat mamamayan na hindi โ€œresiliencyโ€ ang sagot sa kalamidad; kundi tamang pamamalakad at serbisyo sa masa. Serbisyong sumasagot sa pangangailangan at โ€˜di serbisyong mapagsamantala. Tulad ng pagpapatupad ng MROTC na siyang nagtatago sa likod ng pagkukunwaring patriotismo. Paano nila maituturo ang serbisyo sa bayan kung ang mismong mga nasa pwesto ay walang pagpapakita ng tunay na paglilingkod?

Ang pagpapabaya ng pamahalaan sa oras ng pangangailangan ng taong bayan ay sumasalamin sa kanilang kawalan ng tunay na malasakit sa bayan. Kung ang mga boluntaryo ang pangunahing tumutugon sa relief efforts, nasaan ang mga dapat na tunay na tagapaglingkod ng bayan? Ang kanilang kawalan ng aksyon ay hindi lamang kapabayaan kundi isang malinaw na pagtalikod sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Ang bawat tulong na binibigay ng mamamayan ay hindi lamang pagkakawanggawa, ngunit isa itong paninindigan laban sa pagkukulang ng gobyerno at kanilang kawalan ng kongkretong aksyon.

Umaagos na ang baha at tinatangay na ang mga bubong, kinakalbo na ang kagubatan at binubutas na ang mga bundok; pero bingi-bingihan pa โ€˜rin ang mga nakaupo sa mga hinagpis ng mga puso.

Pakinggan ang mga panawagan mula sa ilalim ng putikan! Bigyan ng panagutan ang mga nasalanta ng kalamidad!

Mobile uploads 26/10/2024

did he just call me ga ga!?

26/10/2024

๐ŸŒธBLOOMS KABATAANโ˜€๏ธ
๐Ÿค๐Ÿผ
refuse to stand idly by!

Kabataan Partylist invites the youth and youth at heart to MALAIAHwitan: Busking For A Cause, an online benefit gig organized by Luckydites for beneficiaries of Blooms 911!

MALAIAHwitan: Busking For A Cause
October 26-27, 2024 | 8:00 PM
via on X (formerly Twitter)

Tune in to the performances of talented Blooms as they raise funds for victims of Tropical Storm Kristine. Together, letโ€™s create a melody of hope and rebuild lives devastated by the storm!

Photos from Mapรบa MCL CAS Student Council's post 25/10/2024

Thank you Mapua MCL CAS Student Council! Let's continue to send help for our fellow Filipinos affected by Typhoon ๐Ÿซ‚

25/10/2024

TYPHOON LATEST UPDATE:

Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Kristine at patuloy itong gumagalaw pakanluran ng West Philippine Sea hanggang Sabado ngunit maaari itong bumalik sa Linggo at Lunes sa bansa. Samantala, may paparating na bagyo, Kong-rey (international name).

Magdadala ng mga malalakas na hangin ang dalawang bagyo sa mga lugar sa Mimaropa, Bicol region, Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, at Davao region ngayong gabi hanggang Sabado.

Magdadala rin ng katamtaman hanggang malakas na ulan na aabot sa 100 milimetro sa lugar sa Palawan, Western Visayas, Negros Occidental, timog na bahagi ng Negros Oriental at Zamboanga Peninsula hanggang sabado ng hapon.

Mula sa pinsala ng Bagyong kung saan nasawi ang at least 40 katao, tinatayang mahigit 3.3 milyong Pilipino na ang apektado, ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development. Posibleng pumasok ang bagyong Kong-rey sa PAR sa Linggo at tatawaging "Leon."

Mula sa hagupit ng bagyo, nasaksihan natin ang masiglang bayanihan ng mamamayan at kailangan nating sama-sama ring singilin ang kapabayaan ng gobyerno sa pagtugon sa sakuna. Panagutin si Marcos Jr. sa kapabayaan sa mamamayan sa panahon sa kalamidad.

24/10/2024

โ˜Ž๏ธ CALL FOR IN-KIND DONATIONS

Dahil sa hagupit ng bagyong , lubos na nasalanta ang parte ng Bicol, Mimaropa, Cagayan Valley, Eastern Visayas, Western Visayas at Mindanao. Malala rin ang nangyayaring pagbaha sa parte ng Laguna, Batangas at Cavite.

Marami sa ating kababayan ang i-stranded pa rin sa baha at nangangailangan ng tulong at suporta sa usapin ng pagkain at pangunahing pangangailangan.

Sa mga nais mag bigay ng in-kind donations, ang mga sumusunod ay maaring maging reperensya sa pagdodonate:

- Tubig
- Bigas
- Food packs
- Gamot
- Damit
- Toiletries
- Flashlight and batteries
- Sleeping Kit

๐Ÿ“ Maaring iwan ang mga donasyon sa: 19 Data St. Brgy Don Manuel, Quezon City.

Maaring din na mag iwan ng mensahe sa aming page para sa iba pang detalye. Maraming salamat sa inyong pag-agapay sa ating mga kababayan ๐Ÿซ‚

Photos from Panday Sining's post 24/10/2024

URGENT CALL FOR HELP FOR LAGUNA, CAVITE, BATANGAS, AND QUEZON PROVINCE !

Kasalukuyan na nangangailangan ng tulong ang ating mga kapwa Pilipino sa Laguna, Cavite, Batangas at Quezon Province dahil sa bagyong . Maaaring mag-volunteer at mag-donate ng in-kind o cash donations sa mga detalye na nakasaad sa ibaba.

Ipadala lamang ang mga in-kind donations sa:
๐Ÿ“19 Data Street, Brgy. Don Manuel, Quezon City
o โ€˜di kayaโ€™y mag-send ng cash donations sa:
๐Ÿ“ฒGCash: 09477 340 939
Ak*a Lo****o P.

Sa mga in-kind donations, ang mga nasa ibaba ang mga kagyat na kailangan:
- Tubig
- Bigas
- Pagkain
- Gamot
- Damit
- Toiletries
- Flashlights at emergency lights
- Sleeping mats atbp

Sa epekto ng bagyo ay mahalaga ang ating pagtutulungan at mula rito ay sama-sama rin tayong manawagan ng agarang aksyon mula sa gobyerno at mga solusyon na umuugat talaga sa dahilan ng palalang epekto ng kalamidad - baha, landslide, at iba pa.

24/10/2024

โš ๏ธEMERGENCY HOTLINES DURING STORM โš ๏ธ


LAGUNA HOTLINE:
๐Ÿ“ŒSTAC Hotline - 0921 907 8886
๐Ÿ“ŒLaguna Command Center Hotline - 545 9211
๐Ÿ“ŒPDRRMO Laguna - 572 4672 / 0917 417 3689
๐Ÿ“ŒRed Cross Laguna Hotlines - 0928 790 2300 - Trunk Line (02) 8790 2300 local 931/932/935
๐Ÿ“ŒNDRRMC HOTLINES
(02) 8911 5061 - Trunk Line
SANTA CRUZ EMERGENCY HOTLINES:
๐Ÿ“ŒMDRRMO SANTA CRUZ LAGUNA
Smart: 09219620602
Globe: 09063386958
Landline: (049) 557-1047
๐Ÿ“ŒSANTA CRUZ MPS LAGUNA
0998-598-5667
0926-639-7747
(049) 501-5971
๐Ÿ“ŒBFP SANTA CRUZ FS LAGUNA
0967-052-8897
0962-093-7725
(049) 808-2278
STA. ROSA CCPS - 0998-598-5629
PAGSANJAN MPS - 0998-598-5659
LUISIANA MPS - 0998-598-5650
CALAUAN MPS - 0998-598-5643
BIร‘AN CCPS - 0998-598-5631
PAKIL MPS - 0998-598-5660
LUMBAN MPS - 0998-598-5651
CAVINTI MPS - 0998-598-5644
CABUYAO CCPS - 0927-986-9946
PANGIL MPS - 0998-598-5661
MABITAC MPS - 0998-598-5656
FAMY MPS - 0998-598-5645
CALAMBA CCPS - 0918-331-8641
PILA MPS - 0939-555-7802
MAGDALENA MPS - 0998-598-5653
KALAYAAN MPS - 0998-598-5646
SAN PABLO CCPS - 0927-837-7454
RIZAL MPS - 0998-598-5663
MAJAY JAY MPS - 0998-598-5654
LILIW MPS - 0998-598-5647
SAN PEDRO CCPS - 0998-598-5639
SINILOAN MPS - 0998-598-5664
NAGCARLAN MPS - 0998-598-5657
VICTORIA MPS - 0998-598-5648
ALAMINOS MPS - 0998-598-5641
STA CRUZ MPS - 0998-598-5667
PAETE MPS - 0998-598-5658
LOS BAร‘OS MPS - 0998-598-5649
BAY MPS - 0998-598-5642
STA MARIA MPS - 0927-802-8353
๐™‹๐™ง๐™ค๐™ซ๐™ž๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐˜ฟ๐™ž๐™จ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™๐™ž๐™จ๐™  ๐™๐™š๐™™๐™ช๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š
Globe: 0917-417-3698
Landline: 501-4674 / 523-1944

๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™˜๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ก ๐˜ฟ๐™ž๐™จ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™๐™ž๐™จ๐™  ๐™๐™š๐™™๐™ช๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š - ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐˜พ๐™ง๐™ช๐™ฏ
Smart: 0921-962-0602
Landline: (049) 501 5971

๐™‹๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™‰๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™‹๐™ค๐™ก๐™ž๐™˜๐™š - ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐˜พ๐™ง๐™ช๐™ฏ ๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™˜๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ก ๐™‹๐™ค๐™ก๐™ž๐™˜๐™š ๐™Ž๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ
Globe: 0926-639-7747
Landline: (049) 501 5971

๐˜ฝ๐™ช๐™ง๐™š๐™–๐™ช ๐™ค๐™› ๐™๐™ž๐™ง๐™š ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ฉ๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ
Smart: 0929-316-6668
Landline: (049) 527 6859

๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™˜๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ก ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š - ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐˜พ๐™ง๐™ช๐™ฏ
Globe: 0967-362-2845
Landline: (049) 501 0359

๐™‹๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™๐™š๐™™ ๐˜พ๐™ง๐™ค๐™จ๐™จ - ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐˜พ๐™ง๐™ช๐™ฏ
Landline: 501 1114

๐™ˆ๐™€๐™๐˜ผ๐™‡๐˜พ๐™Š
Mobile: 162-277-89
Landline: (02) 16211

CAVITE PROVINCE(Region 4A)
1. Imus. (046) 471-06-29/0998-8499635
2. Rosario. (046) 432-05-26/0917-7936767
3. Silang. (046) 414-37-76
4. Dasmarinฬƒas (046) 683-09-38/513-17-66
5. Tagaytay. (046) 483-04-46/0927-8569979
RED CROSS(Cavite Area)
1. Cavite City (046) 431-05-62/484-62-66
2. Dasmarinฬƒas. (046)402-62-67/0916-2450527

CAVITE EMERGENCY HOTLINES
- ALFONSO
Mobile: 0917-833-0206
- AMADEO
Mobile: 0917-167-7419
- BACOOR
Telephone: (046) 161, (046) 417-0207
- CARMONA
Mobile: 0917-112-0291
Telephone: (046) 889-2773
- CAVITE CITY
Mobile: 0948-515-0632
Telephone: (046) 484-9600
- DASMARINAS
Mobile: 0908-818-5555
Telephone: (046) 435-0183, (046) 481-0555
- GENERAL TRIAS
Mobile: 0919-077-1760
- MENDEZ
Mobile: 0967-016-4654
- NAIC
Mobile: 0917-812-8187, 0918-967-9825
Telephone: (046) 410-5725
- NOVELETA
Mobile: 0916-812-8187
Telephone: 434-2654
- ROSARIO
Mobile: 0945-655-5002
Telephone: (046) 432-0526
- SILANG
Mobile: 0935-601-6738, 0922-384-6130
Telephone: (046) 414-3776
- TAGAYTAY
Mobile: 0956-003-4681, 0961-828-5952
Telephone: (046) 483-0446
- TANZA
Mobile: 0977-345-5035
- TERNATE
Mobile: 0960-457-4018
- TRECE MARTIRES
Mobile: 0949-629-8026, 0977-676-3491
- IMUS
Mobile: 0919-069-1703
Telephone: (046) 472-2618, 472-2623, 472-2625
- GENERAL EMILIO AGUINALDO (BAILEN)
Mobile: 0917-145-5642, 0998-980-3912
- GENERAL EMILIO AGUINALDO (GMA)
Mobile: 0917-116-5487
Telephone: (046) 443-9839
- INDANG
Mobile: 0915-206-6929, 0916-183-1458
Telephone: 433-9220
- KAWIT
Mobile: 0935-843-2745
Telephone: 440-0722
- MAGALLANES
Mobile: 0917-819-7315, 0915-982-7009
- MARAGONDON
Mobile: 0981-279-3541

BATANGAS PROVINCE (Region 4A)
1. Rosario. (043) 311-29-35/0917-5313884
2. Ibaan PNP. (043) 311-73-44
3. Lipa Red Cross (043) 740-07-68

QUEZON PROVINCE (Region 4A)
Atimonan. 0956-5523686/0908-9832111
Radio Freq.: 147.150 mhz
Tiaong. (042) 545-91-87/0912-2226895
Radio Freq.: 146.150 mhz
PNP (042) 545-91-66
0999-169-08-96
Fire. (042) 545-99-00
0915-603-42-90
Baler. 0920-594-19-06/0918-6626169
Radio Freq.: 152.020 mhz
PNP 0908-526-40-29
Fire. 0919-999-83-29

METRO MANILA:
San Juan City 238-43-33
Paranaque City 829-09-22
Muntinlupa City 925-43-51
Valenzuela City 292-14-05/0915-2598376
Makati City. 870-11-91/870-14-60
Caloocan (South) 288-77-17
Caloocan (North) 277-28-85
Mandaluyong City 532-21-89/532-24-02
Marikina City 646-24-36/646-24-26
Pasig City 632-00-99
Pateros 642-51-59
Manila 927-13-35/978-53-12
Taguig City 0917-550-3727

RED CROSS:
Caloocan 366-03-80
Paranaque 836-47-90
Mandaluyong 571-98-94/986-99-52
Manila 527-21-61/527-35-95
Makati 403-62-67/403-58-26
Quezon City 0917-854-2956
Valenzuela 432-02-73

NATIONAL HOTLINE - 911
Quezon City 122
UNTV 911-86-88

RIZAL PROVINCE (Region 4A)
1. Tanay 655-17-73 local 253
2. Cardona 954-97-28/0915-612-6631
3. Teresa 0920-972-3731
4. San Mateo 781-68-20
5. Rodriguez 531-61-06
6. Angono 451-17-11
7. Morong 212-57-41/0926-691-4281
8. Antipolo 234-2676/734-2470

BULACAN PROVINCE
Meycauayan Bulacan
Rescue - (044)323-04-04
- 0915-707-7929
- 0925-707-7929
Fire - (044)228-91-67
- 0922-210-3168
PNP - 0916-582-7475
Malolos Bulacan
Rescue - (044)760-51-60
PNP - (044)796-24-83
- 0933-610-4327
Red Cross - (044)662-59-22
Calumpit Bulacan
Rescue - (044)913-72-95
- 0923-401-4305
- 0916-390-3931
PNP - 0995-966-4427
- 0933-197-8736
Fire - (044)913-72-89
- 0925-522-5237
Hagonoy Bulacan
Rescue - (044)793-58-11
- 0925-885-5811
Baliuag Bulacan
Rescue - 0917-505-7827
Norzagaray Bulacan
Rescue - 0916-359-0233
Sta.Maria Bulacan
Rescue - 0925-773-7283
Bustos Bulacan
Rescue - (044)761-10-98
San Miguel Bulacan
Rescue -(044)762-10-20
- 0995-059-5054
- 0928-187-6784

23/10/2024

Need namin eduk budget, tama na ang brain-rotc! No to mandatory ROTC!

Sa pagratsada ni Marcos Jr. ng Mandatory ROTC sa mga pamantasan, lantaran na ang interes ng naghaharing uri na supilin ang mga espasyo nating kabataan at magpapasok pa ng militar sa mga pamantasan.

MROTC ba ang dapat unahin na pondohan sa ating edukasyon? Naglalaho nga ang mga espasyo ng mga kabataan at kinakaltasan ang pondo ng mga pamantasan, balak pa ipasailalim sa AFP ang mga estudyante sa ROTC!

Kung nais makipagtalakayan sa kasaysayan ng ROTC at militarisasyon ng mga pamantasan, maaaring makibahagi sa talakayan hinggil sa MROTC sa Oktubre 24, 6pm!

Sign-up dito:
https://forms.gle/yEoHNDGxzxi2w9Nn7

23/10/2024

BICOL NEEDS HELP!

โ€ผ๏ธ Nangangailangan ng tulong ang mga nasalantang mga Bicolano dahil sa bagyong . Maaaring mag-volunteer at mag-donate ng in-kind o cash donations sa mga detalye na nakasaad sa baba.

Ipadala lamang ang mga in-kind donasyon sa:

๐Ÿ“19 Data Street, Brgy. Don Manuel, Quezon City
o โ€˜di kayaโ€™y mag-send ng cash donations sa:
๐Ÿ“ฒGCash: 09477 340 939
Ak*a Lo****o P.

Sa mga in-kind donations, ang mga nasa ibaba ang mga kagyat na kailangan:
- Pagkain
- Gamot
- Damit
- Hygiene kits
- Flashlights at emergency lights
- Sleeping mats atbp

23/10/2024

In light of recent Typhoon Kristine in the Bicol Region, here are BICOL EMERGENCY HOTLINES:

Source: World Vision Philippines

๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐‡๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ
โ€ข ACE Medical Center - Legazpi: 0917 135 7907/ 0920 960 6844
โ€ข Albay Doctors' Hospital, Inc.: (052) 480 8747/ 0998 546 9453
โ€ข Bicol Regional Hospital and Medical Center: (052) 284-0527/ 0918 947 2018
โ€ข Daraga Doctors' Hospital: 0917 700 2950
โ€ข Estevez Memorial Hospital, Inc.: (052) 480 2135/ 0952 480 4021
โ€ข Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital: (052) 736 0503
โ€ข Tanchuling General Hospital: (052) 480 6302/ 0977 377 4791
โ€ข UST - Legazpi Hospital: 0917 626 3621
โ€ข Ziga Hospital: (052) 487 5903

๐๐…๐ ๐‡๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ
โ€ข Albay: 0969 609 7794
โ€ข Daraga: 0906 564 8793
โ€ข Legazpi: 0917 185 9984/ 0919 992 5484
โ€ข Sorsogon: 0998 566 6186
โ€ข Guinobatan: 0945 295 2906/ 0963 041 5325
โ€ข Polangui: 0954 182 0095/ 0951 112 8688

๐๐๐ ๐‡๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ
โ€ข Albay-Legazpi Chapter: 0998 598 5926
โ€ข Legazpi: 0998 598 5926/ 0926 625 6247
โ€ข Daraga: 0918 593 3837/ 0998 598 5937
โ€ข Sto. Domingo: 0949 461 4167
โ€ข Oas: 0998 598 5943
โ€ข Guinobatan: 0927 432 5315/ 0977 801 7132
โ€ข Ligao City: 0947 691 1034
โ€ข Polangui: 0999 696 3211
โ€ข Tabaco City: 0998 598 5930
โ€ข Sorsogon: 0939 916 9407

๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž
โ€ข Bacacay - 0917 516 0037
โ€ข Camalig - 0947 325 9363
โ€ข Daraga - 0917 174 9462
โ€ข Jovellar - 0977 801 4045
โ€ข Libon - 0977 840 1884
โ€ข Malilipot - 0977 802 3309
โ€ข Malinao - 0939 904 5366
โ€ข Manito - 0912 373 6748
โ€ข Oas - 0939 083 9955
โ€ข Pioduran - 0966 395 6804
โ€ข Polangui - 0935 818 3637
โ€ข Rapu-rapu - 0948 015 9875
โ€ข Sto. Domingo - 0917 843 1138
โ€ข Guinobatan Mayorโ€™s Office 0915 429 4674
โ€ข Tiwi - (052) 732-7527

๐™‰๐˜ผ๐™‚๐˜ผ ๐˜พ๐™„๐™๐™” ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
PNP Main Office: 881-0112
PNP Station 1: 0918-464-4371
PNP Station 2: 0949-962-4949
PNP Station 3: 0928-484-1119
PNP Station 4: 0998-598-6090
PNP Station 5: 0961-452-0223
PNP Station6: 0921-475-1636
BFP: 0923-083-9429
871-6454
PSO ComCen:
0908-885-3000
205-2980 LOC 3070
Ambulance:
0956-776-3000
Naga City Hospital:
881-9548
881-9466
Red Cross:
0963-758-9001
884-9114
CASURECO II:
(054) 205-2900
LOC 2017/2018
933-868-4763

๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™Š ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
MDRRMO: 0929-682-4851
PNP: 0930-582-3420
Ambulance: 0909-579-0733
COP: 0998-967-3569

๐™Š๐˜พ๐˜ผ๐™ˆ๐™‹๐™Š ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
MDRRMO: 0947-571-4857
BFP: 0916-467-4431
0961-519-381
MPS: 0920-786-7646

๐˜ฝ๐™Š๐™ˆ๐˜ฝ๐™Š๐™‰ ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
MDRRMO: 0948-950-5856
MPS: 0916-338-0638
BFP: 0946-475-1595
RHU Ambulance: 0998-598-5983

๐˜ฝ๐˜ผ๐˜ผ๐™Š ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
BFP: 0918-515-3517
PNP: 0929-108-4883
0998-967-3585
MDRRMO: 0948-950-5856

๐˜พ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‰๐™‚๐˜ผ ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
MDRRMO: 0998-549-5020
Ambulance: 0919-548-9199
0916-587-2660
PNP: 0998-967-3566

๐™‹๐™„๐™‡๐™„ ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
MDRRMO:
881-8994
0948-269-0085
PNP: 0908-293-8184
BFP:
(054)871-6637
0921-531-5577
BFP Sub: 0946-441-8538
Environment, Disaster Management, and Emergency Response Office Landline:
881-1111
0998-576-2071
PIWAD:
477-7131
477-7136
CASURECO II: 0948-180-4143

๐™„๐™๐™„๐™‚๐˜ผ ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
BFP: 299-2555
0918-241-7423
24/7 Emergency Hotlines: 0921-636-4018 0956-172-9656

CAMARINES NORTE EMERGENCY HOTLINES
PDRRMO
GLOBE: 0917 593 9147
SMART: 0998 561 5388
MDRRMO EMERGENCY HOTLINES
DAET
SMART: 0912 855 5551
BASUD
GLOBE: 0995 131 0154
SMART: 0999 336 9991
MERCEDES
SMART: 0919 098 3190
TALISAY
GLOBE: 0967 330 3136
SMART: 0909 063 5567
LABO
GLOBE: 0927 864 1222
SMART: 0950 868 7045
VINZONS
SMART: 0907 769 1828
SAN LORENZO RUIZ
GLOBE: 0950 245 2460
SMART: 0910 102 0528
SAN VICENTE
GLOBE: 0998 577 3706
SMART: 0948 772 7913
STA. ELENA
GLOBE: 0977 473 0923
SMART: 0908 355 7659
JOSE PANGANIBAN
GLOBE: 0936 825 0417
SMART: 0961 716 3626
CAPALONGA
SMART: 0928 150 4446
PARACALE
GLOBE: 0946 998 7576
SMART: 0948 758 8920

๐‚๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž
โ€ข Legazpi City - 0920 952 8180
โ€ข Ligao City - 0917 164 1878
โ€ข Tabaco City Emergency Response (052) 732-7527

๐˜พ๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‚๐˜ผ๐™‰ ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
MPS: 0998-598-5985
MHO: 0929-378-1982
CASURECO 1: 0938-870-7319
Camaligan Fire Station: 0968-624-6903
CADRESSMO: 0909-940-3303
Camaligan Coast Guard Sub-Station: 0998-585-4628

๐˜พ๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‰ ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™‚๐™€๐™‰๐˜พ๐™” ๐™ƒ๐™Š๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™€๐™Ž:
MDRRMO: 0935-688-7962
MPS: 0998-598-5985
BFP: 0907-100-0911
RHU Ambulance: 0981-442-9556
CASURECO 2: 0935-343-9870
Coastguard: 0998-585-5731

๐๐‡๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐๐ˆ๐๐„ ๐‘๐„๐ƒ ๐‚๐‘๐Ž๐’๐’
โ€ข Philippine Red Cross - Albay: (052) 742-2199

๐๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐‚
โ€ข Albay PDRRMC - (052) 480 5222
โ€ข Albay EMS: 0947 570 0332/ 0918 911 9911
โ€ข PAGASA - 0977 145 8474
โ€ข Provincial Health Office - (052) 437 8150

22/10/2024

Mula sa bawat kwento ng masa na kanyang itinanghal sa entablado, hanggang sa mga sigaw ng paglaban na dumagundong sa lansangan, buong pusong iniindorso ng bawat artista ng bayan sa Panday Sining si Aimee Ramos bilang USC Councilor ng UP Diliman.

Bilang aktor at alagad ng sining, hindi lamang nakulong sa apat na sulok ng entablado ang paglaban ni Aimee, dahil siya bilang iskolar ng bayan ay naging parte ng laban sa loob at labas ng Unibersidad ng Pilipinas.

Sa kanyang pagtakbo bilang USC Councilor, bitbit ni Aimee ang tunay na interes ng masa.

Kaisa si Aimee Ramos sa pagbabasura ng kontrata ng Dilimall at pangkabuuang balak na i-komersalisa ang UP Diliman. Bilang UP Student at Artista ng bayan, mariin ang pagtutol ni Aimee sa AFP-UP Declaration of Cooperation. Walang pag dadalawang isip din na isinusulong ni Aimee ang makabayan, siyentipiko, at makamasang program sa ilalim ng 10-point Agenda.

Kailangan natin ng mga tulad ni Aimee, isang Artista ng Bayan na matapang na isinisiwalat ang kabulukan ng sistemang panlipunan sa porma ng pagpupukaw, pag-oorganisaโ€™t pagpapakilos ng laksang mamamayan para sa isang lipunang malaya.

Artista ng bayan, tuloy-tuloy ang laban para sa ating batayang karapatan!

Photos from Panday Sining's post 21/10/2024

NGAYON: Sa pagsasara ng buwan ng mga pesante, nagtipon ang mga magsasaka mula Central Luzon at Southern Tagalog kasama ang mga progresibong grupo upang mag martsa bitbit ang mga panawagang tunay na reporma sa lupa, pagpapalayas ng mga militar sa kanayunan at pagpapanagot kay Marcos Jr. sa kanyang kapabayaan sa sektor ng agrikultura sa bansa.

HANGGAT WALANG SARILING LUPA ANG MGA MAGSASAKA, TULOY-TULOY ANG LABAN!

20/10/2024

TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!

Ngayong Oktubre 20, sa buwan ng mga pesante, sinalubong sa UP Diliman ang malawak na hanay ng mga magsasaka mula sa sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan. Lumapag sila ngayon sa kamaynilaan bitbit ang mga panawagan ng mga magsasakang nasa mga sakahan at kanayunan.

Pinapanawagan nila ang tunay na reporma sa lupa, ang paglaan ng lupa sa mismong nagbubungkal, at suporta para sa lokal na produksyon imbis sa atrasadong importasyon.

Ngayong buwan ng mga pesante, ipinapamalas ng mga magsasakang naglakbay patungo sa kamaynilaan ang kanilang matatag na pagpapasya at umaalab na diwa para magpanday ng mapagpalayang lipunan. Mulat ang bawat pesante sa kanayunan kung gaano kaganid ang mga panginoong maylupa para sirain ang mga lupang pang-agrikultura para lang sa dagdag kita. Habang tumataas ang presyo ng nga bilihin, bumababa ang suweldo ng mismong nag-aani ng mga produktong ine-eksport para sa interes ng imperyalismo.

Sa kabila ng marahas na mga atake't pagharang ng estado sa bulto ng mga magsasaka, ang kapasyahan tumangan ng makatarungang laban para sa lupa at kabuhayan ay nananaig pa rin. Kaya hinihikayat ang kabataan at mamamayan na tanganan din ang laban ng pangunahing puwersang magsasaka. Tumungo sa lansangan hanggang sa kanayunan upang isulong tunay na reporma sa lupa! Sumama sa mibilisasyon sa Oktubre 21 upang igiit ang panawagan ng mga pesante!

20/10/2024

KABATAANG ARTISTA, MAKIISA SA MGA MAGBUBUKID!
US-MARCOS, PESTE SA MAGSASAKA!

Mula noon hanggang ngayon, pinatunayan ni Marcos Jr, na tulad ng kanyang ama na si Marcos Sr., ay mapaminsala sila sa mga magsasaka at magbubukid dahil sa mga nagpapatuloy na bogus land reform na mga polisiya.

Sa Oktubre 21, kumilos tayong mga kabataan kasama ang mga magbubukid upang kundenahin ang 52nd anibersaryo ng Presidential Decree 27, ang batas na ipinatupad ni Marcos Sr., ang mother of all bogus land reforms na pumatay at nagdulot ng lugi sa mga magsasaka mula noon hanggang ngayon.

Nanatili ito sa ilalim ni Marcos Jr. sa mga polisiya tulad ng Land Use Conversion, pagcoconvert ng mga lupain ng mga magsasaka bilang kolateral, at agresibong importasyon habang pinapabayaan ang lokal na produksyon. Sa harap ng paglaban ng mga magsasaka para sa kanilang karapatan, dahas at panunupil ang sagot ni Marcos Jr.

Kasama ng mga magbubukid, halina't itanghal ang ating panawagan para sa tunay na reporma sa lupa! Labanan ang land-grabbing, Land-use conversion, at pang-aapi sa magsasaka! Sumama sa pagkilos sa October 21!

18/10/2024

Artista ng bayan, panunupil ay labanan.
Rebolusyon ang tahanan, Panday Sining ay daanan.
Maglulunsad ng Mass Orientation ang Panday Sining ๐Ÿ—ž๏ธ ๐Ÿ“ข

Tinatawagan ang lahat ng kabataan at artista ng bayan!
Tara na sa October 19 at 20 sa ganap na 7pm sa Panday Sining Mass Orientation.

Para kanino nga ba tayo lumilikha ng sining?
Halina't alamin at kamalayan ay palawakin.
Gawing armas ang ating mga kakayahan at talento para sa pagbabagong panlipunan.

Mag-sign up lamang sa mga dadalo ng mass orientation:
https://forms.gle/rU3QFPhwkg5Kacs1A

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Our Story

Panday Sining is a national performing group of artists aiming to create art as a medium for progressive expressions of national democracy. Panday Sining is the cultural arm of Anakbayan.

Videos (show all)

TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!Ngayong Oktubre 20, sa buwan ng mga pesante, sinalubong sa UP Diliman ang malawak na...
PALAYAIN ANG PUP 3!Tatlong araw ang nakalipas mula nang iligal hinuli ang tatlong iskolar ng bayan dahil sa protest art....
PANDAY SINING NATIONAL OFFICE CONDEMNS THE UST ADMINISTRATIONโ€™S LATEST CASE OF STUDENT REPRESSION ON TOMASINOSโ€™ FREEDOM ...
"I guess the apple don't fall far from the tree" ๐ŸŽถ dahil Marcos noon hanggang ngayon, nagsisilbi ang estado hindi sa mga...
TINGNAN: Lumahok ang Panday Sining sa pagsagawa ng Oplan Pinta, Oplan Dikit (OPOD) ng mga panawagan ng mga kabataang est...
DISMISS TRUMPED UP CASES VS TALAINGOD 18
ALERT: During the protest for the 76th year of Nakba; protestors, including youth-students, face harassment from the han...
PILIPINO, PALESTINOIBAGSAK ANG IMPERYALISMO! Sumama bukas sa pagkilos sa Camp Aguinaldo, 9am upang kundenahin ang pagpap...
PHILIPPINE NATIONAL PARASITES, NAMASISTA NG MGA MANGGAGAWA, TSUPER AT OPERATOR, AT KABATAAN NGAYONG MAYO UNO!Mariing kin...
Ngayong pandaigdigang araw ng mga manggagawa, binomba ng tubig at dinahas ng kapulisan ang mga manggagawa, tsuper at ope...
NGAYON: Ang malawak na hanay ng mga tsuper, operator, at kabataan ay naglulunsad ng programa sa Liwasang Bonifacio upang...
MATAAS NA PAGPUPUGAY PARA SA BUHAY NI EDGAR "KA EGAI" TALUSAN-FERNANDEZ! ARTISTA NG BAYAN, PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!P...

Website

Address


Manila
Other Community Organizations in Manila (show all)
180 Degrees 180 Degrees
G/F Coyuco Building, 1425 Sanchez Street
Manila, 1003

The Young Minds Inc. The Young Minds Inc.
Manila, 1011

Young Minds Quiz Wiz is an annual competition open to all high school students in Metro Manila, conceptualized, founded and run by Reynaldo A. Mones.

Cru PUP Cru PUP
PUP
Manila, 0000

A caring community passionate about connecting PUPians to Jesus Christ.

Aether Aether
Manila

Clan Aether official page.

UP Manila Organizational Communication UP Manila Organizational Communication
College Of Arts And Sciences, UP Manila, Padre Faura Street
Manila

Celebrating 30 years of Organizational Communication

[Pinoy Underground] All Pinoy Community [Pinoy Underground] All Pinoy Community
Manila

Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/officialPUGroups/ Forum Site : http://www.pinoyunderground.com/index.php

FEDERATION OF FILIPINO CHINESE ALUMNI ASSOCIATIONS, INC. ่ฒ่ฏๅ„ๆ กๅ‹ๆœƒ่ฏ่ชผ็ธฝๆœƒ FEDERATION OF FILIPINO CHINESE ALUMNI ASSOCIATIONS, INC. ่ฒ่ฏๅ„ๆ กๅ‹ๆœƒ่ฏ่ชผ็ธฝๆœƒ
Unit 912, State Centre Bldg, 333 Juan Luna Street, Binondo
Manila

่ฒ่ฏๅ„ๆ กๅ‹ๆœƒ่ฏ่ชผ็ธฝๆœƒ(็ฐก็จฑ ใ€Œๆ กๅ‹็ธฝใ€)ๆ˜ฏ็”ฑ่ฒๅพ‹ๆฟฑไบŒๅไธƒๆ‰€่ฏๆ กๆ กๅ‹ๆœƒ็ต„ๆˆ็š„่ฏๅˆ็ต„็น”ใ€‚ The Federation of Filipino Chinese Alumni Associations, Inc. (FFCAAI) is an umbrella organization comprising of the alumni associations ...

Bimale Philippines Bimale Philippines
Manila

Nonprofit organisation

FEU Sandigan Party Alliance FEU Sandigan Party Alliance
Nicanor Reyes Street
Manila

Tambayan ng MESAU Tambayan ng MESAU
900 San Marcelino Street , Ermita
Manila, 1000

eat. sleep. climb. repeat.

KKB District III Manila KKB District III Manila
1887 DIMASALANG Street STA. CRUZ
Manila

KKB youths who seek to know God and to live out His will here on earth as it is in heaven with a missional passion.