tahi tahi lang

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from tahi tahi lang, Arts & Crafts Store, Marikina City.

Photos from tahi tahi lang's post 09/05/2024

mula sa mga pinagtagping tela, hanggang sa mga hinulmang kuwintas; salamat sa inyong suporta sa aking mga likha n - n 🌳🧡✨

tinatahi ko na lang ang mga natitirang order at ipapadala ito sa inyo bago matapos ang hunyo 🌞

Photos from tahi tahi lang's post 19/04/2024

.q⁕°.*.qο½₯゚゚ο½₯οΈ΅β€ΏοΈ΅β€ΏοΈ΅β€Ώο½₯゚゚ο½₯q.*.°⁕q.
1. hintayin ang dapit-hapon
2. ilagay ang kuwintas sa tapat mo at ng iyong kasama
3. pagmasdan ang araw sa mata ng isa't isa

Photos from tahi tahi lang's post 12/04/2024

.q⁕°.*.qο½₯゚゚ο½₯οΈ΅β€ΏοΈ΅β€ΏοΈ΅β€Ώο½₯゚゚ο½₯q.*.°⁕q.
1. umupo sa tabi ng puno
2. ilagay ang kuwintas sa iyong dibdib
3. makinig, makinig, makinig

Photos from tahi tahi lang's post 06/04/2024

.q⁕°.*.qο½₯゚゚ο½₯οΈ΅β€ΏοΈ΅β€ΏοΈ΅β€Ώο½₯゚゚ο½₯q.*.°⁕q.

1. humanap ng anyong-tubig
2. ilagay ang kuwintas sa iyong likuran
3. sabayan ng malalim na paghinga ang pagdaloy nito

Photos from tahi tahi lang's post 31/03/2024

sa pagitan ng ilang buwang pananahi ng tela, naisipan kong gamitin ang sumobrang luwad mula sa mga nakaraang proyekto.

dama ng kamay ang kapansin-pansing paglipat mula sa maliliit na karayom at aspili, patungo sa makakapal na kagamitang panlilok; mula sa magaang kamay na kailangan sa pananahi, patungo sa mabigat na kamay na kailangan sa pagmasa.

sa kalaunan, unti-unting nabuo ang pagtingin sa parehong luwad at tela bilang mapagpatawad na materyal sa paglikha. na kung gaano tayo pinapatawad ng mga ito sa tuwing nagkakamali tayo ng hulma, tusok, pisil, gupit, o ukit; ganun din sana ang nilalaan nating pasensya sa ating mga sarili.

kung gayon, bawat proyekto ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong alalahanin na ang proseso ng paglikha ay isang mabibiyayang karanasan, lalo na kung dahan-dahan ang paglalakabay nito.

Photos from tahi tahi lang's post 27/03/2024

maraming salamat sa mainit niyong pagyakap sa aking mga likhang-kamay 🀲🏽

masayang-masaya ako na binigyan niyo ito ng munting espasyo sa inyong mga puso 🀍

magpapatuloy ang pagpapadala ng mga kuwintas at pinagtagping tela pagkatapos ng mahal na araw 🌿

Photos from tahi tahi lang's post 24/03/2024

hinulmang kuwintas
sa gabay ng lupa, tubig, at apoy
likhang-kamay
2" x 2"

888 ang bawat isa 🀎 maaari tayong magkita sa diliman o ipadala ito sa courier πŸ“¦ kung may naramdaman kayong koneksyon sa anumang piyesa mag-comment lang (halimbawa: dagat 1) at papadalan ko kayo ng mensahe 🐦

21/03/2024

mga kaibigan,

maraming salamat sa pagsuporta sa aking mga likha 🀍

unti-unti na akong nagpapadala ng mensahe sa pangatlong batch ng mga nagpatabi ng pinagtagping tela 🧡

kung nakita niyo sa stories o pasilip sa nakaraang post, may mga kuwintas din akong nilikha sa pagitan ng pananahi, paggupit, at pagplantsa ng tela ☁️

abangan ang buong koleksyon sa 3.24.24 🌊

t

Photos from tahi tahi lang's post 17/03/2024

πŸ‚πŸŒ€οΈπŸ¦‹ alex & tannah πŸ¦‹πŸŒ€οΈπŸ‚

Photos from tahi tahi lang's post 14/03/2024

πŸƒπŸŒΌπŸ¦ jena & geline πŸ¦πŸƒπŸŒΌ

Photos from tahi tahi lang's post 11/03/2024

β˜€οΈπŸŒ³πŸŒΊ iggy & ron πŸŒΊπŸŒ³β˜€οΈ

Photos from tahi tahi lang's post 07/03/2024

.β€’ *β‚ŠΒ°γ€‚ ❀°。°‒. ✿ .β€’Β° 。°❀。 Β°β‚Š*‒。

Photos from tahi tahi lang's post 29/02/2024

nabubuhay at binubuhay ng marahan at intensyonal na paglikha β˜οΈπŸƒ

pinagtagping tela
magkakaibang disenyo
likhang-kamay
21.5" x 10.75"

21/02/2024

paaraw lang muna β˜€οΈ

Photos from tahi tahi lang's post 17/02/2024

para sa suporta ninyong kasing-init ng araw, maraming maraming maraming salamat β˜€οΈβ˜οΈ

salamat sa mga nalikhang tela, ala-ala, at kaibigan 🧡🐦

salamat sa mga nagpatabi ng kanilang patchwork bandanas, nagpatahi ng mga munting puso, at nagpagantsilyo ng mga bulaklak 🌼🀲🏽

salamat sa kakaibang pakiramdam na makilala, makasama, at makita kayong masaya sa aking mga likhang-tela :’)

hanggang sa susunod nating pagkikita πŸƒ

🀍 t

Timeline photos 11/02/2024

see you hihi 🌼🧡🐦

Photos from tahi tahi lang's post 11/02/2024

malawak ang ating hardin, may espasyo dito para sa iyong pag-sibol β˜οΈβ˜€οΈπŸŒ±

pinagtagping tela
magkakaibang disenyo
likhang-kamay
21.5" x 10.75"

direksyon, kuha, at kulay ni DN

***

maglalatag kami sa latagan sa fa ngayong february 12, mula 12 nn hanggang 5 pm sa upd cfa parking lot 🌳🐦

magbubukas ako ng limited slots para sa mga munting puso 🀍 customizable ito: pwede pumili ng tela, sinulid, at mga salitang gusto niyo ipaburda sa akin 🧡 pwede rin magpaburda ng mga letra sa inyong damit, bag, panyo, sapatos, at iba pa βœ‚οΈ

unang katag ko ito ever !!! sana makasama ko kayo dito n - n

Photos from tahi tahi lang's post 04/02/2024

malawak ang ating hardin, may espasyo dito para sa iyong pag-sibol β˜οΈβ˜€οΈπŸŒ±

pinagtagping tela
magkakaibang disenyo
likhang-kamay
21.5" x 10.75"

***

dahil sa suporta ninyo, noong oktubre palang ay napuno na agad ang orders para sa second batch 🌈 bilang maliit at mabagal ang produksyon nito, malaking bagay ang inyong pasensya at pag-unawa πŸƒ

magmensahe lamang para sa mode of delivery na pinakamadali para sa inyo πŸ’Œ

para naman sa mga hindi nakapag-order ng patchwork, marami pang likhang-kamay ang sisibol sa buwan na ito 🌻🌼🌷 nasa huling litrato ang pasilip πŸ‘€

01/02/2024

mamumulaklak muli sa 2.4.24 πŸ§΅πŸŒ±πŸŒ…

maraming salamat sa mga nagpagtabi ng patchwork nila ! may ibabahagi rin akong mga likhang-kamay na babagay sa mga patchwork niyo hehe

hint: hinulma ito gamit ang lupa, tubig, at apoy 🀲🏼

kung may ideya kayo kung ano ito, i-comment niyo lang dito πŸ’Œ

29/01/2024

panibagong taon, panibagong sibol 🌻🌼🌷

salamat sa iyo at sa iyong paghihintay πŸŒ€οΈπŸƒ

26/01/2024

buhay pa rin :') βœ‚οΈπŸ§΅

Photos from tahi tahi lang's post 05/10/2023

mabuhay tayo bilang bulaklak
sumasayaw sa hangin,
hinahalikan ng araw,
bumabalik sa lupa πŸ§šπŸΌβ€β™€οΈπŸŒΊπŸŒΏ

mag-dm lang kung gusto niyo na rin magpareserba para sa susunod na batch πŸ’Œ n - n

Photos from tahi tahi lang's post 28/09/2023

marami pang tanim ang mamumulaklak sa mga susunod na buwan 🌺

salamat muli sa mga bumili ng first batch at naka-abang na agad sa second batch 🌀️ iba't ibang kulay at disenyo ang nakahanda na !!!

dahil sa suporta ninyo, nagkakaroon ng bagong buhay ang mga lumang tela 🌱

Photos from tahi tahi lang's post 22/09/2023

mabuhay tayo bilang bulaklak:
sumasayaw sa hangin,
hinahalikan ng araw,
bumabalik sa lupa πŸ§šπŸΌβ€β™€οΈπŸŒΊπŸŒΏ

pinagtagping tela
magkakaibang disenyo
likhang-kamay
21.5" x 10.75"
PHP 333

πŸ’Œ bili na mga suki !
mag-dm lang kayu n - n

Photos from tahi tahi lang's post 14/09/2023

mamumulaklak na sa 9.22.23 πŸ§΅πŸŒ±πŸŒ…

***
maraming salamat sa mga nagpagtabi na agad ng patchwork anik-anik nila :'>

Photos from tahi tahi lang's post 06/09/2023

pira-pirasong tela na mukhang bagong sibol na bulaklak 🌻🌼🌷

pasilip sa mga patchwork anik-anik hehe abangaaan :>

Photos from tahi tahi lang's post 01/09/2023

pov ng mga gagamba’t gamu-gamo sa bahay namin πŸ•·οΈπŸƒπŸ¦‹

pasilip sa mga patchwork anik-anik hehe abangaaan :>

Photos from tahi tahi lang's post 16/08/2023

mga binurda para sa jos mundo 🧿 at hinabing pambalot mula sa lumang salad stop paper bag πŸ₯—

maraming salamat sa tiwala at suporta 🀍

Photos from tahi tahi lang's post 10/08/2023

1. humarap sa lupa
2. inamoy ang bulaklak
3. naglakad nang mabagal

Photos from tahi tahi lang's post 29/07/2023

PWEDE UMIYAK DITO (2023)
polyester and cotton quilt
24" x 24"

Kapag ika’y babae, bakla, o bata, ang tingin sayo ng lipunan ay mahina, makasalanan, o mangmang. Sa bawat pagkakataong mayroon sila; silang nakikita tayo bilang simpleng tuldok sa libro ng kasaysayan; pipilitin at pipilitin nilang nakawin sa atin ang karapatan nating makapag-isip, makapagsalita, at makapagpasya para sa ating mga sarili.

Kaya sa bawat pagkakataon na mayroon din tayo; tayong hindi basta tuldok, kun’di tagapaglikha ng kasaysayan; isulong natin ang ating karapatang makapag-isip, makapagsalita, at makapagpasya para sa ating mga sarili. Pagtagpiin natin ang isang malawak na espasyong kumakalinga at kumikilala sa iba pang mga ninakawan ng mga karapatang ito.

Dito, pwede kang umiyak. Malaya ka ritong makakapahinga, makakahilom, at makakabangon. Dito, sama-sama nating tatahiin muli ang mga parte ng pagkatao natin na marahas at pilit nilang pinipigtas. Dito, tayo ang magtatahi ng ating naratibo. Ang naratibong sinusuportahan, pinoprotektahan, at ipinaglalaban ang bawat babae, bakla, at batang binigo ng marahas na lipunan.

***

makikita at mahahawakan ang likhang tela na ito sa hulyo 28-30πŸ§΅πŸŒ§οΈβ˜€οΈπŸŒ³πŸŒΊπŸŒΎ

pasasalamat sa tiwala ni andy, gabay ni kat, at suporta ng mga kaibigan at pamilya sa aking pananahi :')

Want your business to be the top-listed Interior Service in Marikina City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

hinulmang kuwintassa gabay ng lupa, tubig, at apoylikhang-kamay2" x 2"
mga hinulmang kuwintasmula sa yakap ng aking paladpatungo sa iyo3.24.248 PM
panibagong pahina, panibagong simula 🌱

Address


Marikina City
1807
Other Arts & Crafts Stores in Marikina City (show all)
𝓛𝓲𝓡π“ͺ π“œπ“ͺ𝓱𝓲𝓴π“ͺ 𝓛𝓲𝓡π“ͺ π“œπ“ͺ𝓱𝓲𝓴π“ͺ
Marikina City, 1800

Lilamahika is an online shop established in 2020.

Binibining Gantsilyo Binibining Gantsilyo
Shoe Avenue
Marikina City, 1800

Binibining Gantsilyo is an online store that offers a variety of handmade and crocheted items that can brighten your day

BEBE BATA BEBE BATA
Marikina City, 1800

Enriching childhood experiences by supporting mindful open-ended play. 🌈

Dainty Doodads PH Dainty Doodads PH
Kabayani Road , Purok 7, Malanday
Marikina City, 1805

Functional Resin x Plaster Arts & Crafts | Accessories | Home Decor

Zelestaire Crochet Zelestaire Crochet
Marikina City, 1809

This is a handmade product. It is made with love, it takes so much patience and time to create a masterpiece, so please.. bear with me. No rush order πŸ₯Ή

Miracle_Resin Miracle_Resin
Marikina City, 1800

Smthn' Craftsy PH Smthn' Craftsy PH
Marikina City

Meticulously hand-made and personalized crafts or any craftsy needs. . . we've got you covered! πŸ˜‰

Brush Strokes Brush Strokes
Marikina City

Arts & Crafts Store

Maria Yap Cuts & Crafts Maria Yap Cuts & Crafts
Marikina City, 1807

Cake Toppers Home Decorations T-shirt Printing Gift Ideas Everything Customized οΏ½

JH Arts & Crafts JH Arts & Crafts
Marikina City

Camera rent, souvenirs, laser engrave, and printing services

crochetby.ella crochetby.ella
Marikina Heights
Marikina City

WhatKnots by CrunchCrochet WhatKnots by CrunchCrochet
Marikina City, 1811

Welcome to WhatKnots by CrunchCrochet! οΏ½ Yarns and other crochet abubots will be posted here οΏ½ BIR Registered Shop