Mauban Youth BUILD Pilipinas

Mauban Youth BUILD Pilipinas

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mauban Youth BUILD Pilipinas, Community Organization, Mauban Quezon, Mauban.

05/09/2024

Buo pa rin tayong 15M kung kaya iPADayon na natin ang sinimulang laban! ๐ŸŒธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Gisingin ang natitira pang lakas, magparami, at ipanalo ang sa Senado! โœŠ

๐Ÿ‘‰Mag-volunteer na: bit.ly/BamChelKiko2025

01/07/2024

Here's to an empowering July ahead! โœจ

12/06/2024

Happy Pride!

Ipagbunyi natin ang pagmamahal at pagkakaiba. Magkasama tayo sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang. ๐ŸŒˆ๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’š๐Ÿ’›๐Ÿ’œ

12/06/2024
12/06/2024

Nahaharap ang ating bansa sa napakaraming hamon, tulad ng kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, mataas na presyo ng bilihin, at mga banta sa soberanya.

Ngayong Araw ng Kalayaan, lalo't higit nating kailangang ipakita ang pagmamahal at katapatan sa ating bandila at sa bayang minamahal.

Piliin natin ang Pilipinas.

12/06/2024

Sa ating paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, patuloy tayong tumindig para sa kinabukasang lahat ng Pilipino ay tunay na malaya.

Noon at hanggang ngayon, 'di tayo pasisiil. Isang mapagpalaya at makabuluhang Araw ng Kalayaan sa lahat!

12/06/2024

Ngayong ika-12 ng Hunyo, alalahanin natin ang sakripisyo ng ating mga bayani at ipagpatuloy natin ang kanilang laban para sa tunay na kalayaan. Huwag tayong tumigil sa pagsusumikap hanggang makamtan natin ang isang lipunang makatarungan para sa lahat.

Mula sa BUILD Pilipinas, Maligayang Araw ng Kalayaan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

23/04/2024

Happy birthday, Atty. Leni! ๐Ÿ’—

Your leadership and radical love for the country inspire us to build a better tomorrow for our nation. Thank you for your trust and guidance in Build Pilipinas to advocate for the truth and unity among Filipinos.

We wish you good health and a happy celebration today!

29/01/2024

Sa kaniyang mensahe sa ginanap na 'Lundag Silakbo Disinformation Townhall and Kickoff Event' ng BUILD Pilipinas, hinikayat ni fmr VP Leni Robredo ang mga tagasuporta na magkaisa at patuloy na labanan ang laganap na disinformation sa bansa.

PANUORIN: https://bit.ly/3OgenPT

12/06/2023

Nakikiisa ang Kaya Natin! Movement sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Ngayong araw ay kinikilala natin ang nagkaisang lakas ng Pilipino upang itatag ang kasarinlan at soberanya ng ating bansa.

Maging paalala nawa ang okasyong ito sa ating responsibilidad na pahalagahan ang demokrasyang tinatamasa natin. Tutulan ang kurapsyon, ipanawagan ang mas makabuluhan at makataong mga polisiya, at makiisa tungo sa mas inklusibong mga komunidad; tuluy-tuloy ang laban tungo sa mas mapayapang Pilipinas!

Isang mapagpalaya at makabuluhang Araw ng Kalayaan sa lahat! Mabuhay ang Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Photos from Dapat Si Leni's post 10/03/2023
Photos from Kiko Pangilinan's post 20/02/2023
Photos from Angat Buhay's post 20/02/2023
Photos from Mauban Youth BUILD Pilipinas's post 01/11/2022

"Sa bawat unos, problema at kalamidad ang pinakamainam na solusyon para makamit ang tagumpay ay ang pagtutulungan, pagkakaisa at bayanihan"

Sa kolaborasyon ng Mauban Youth BUILD Pilipinas, Rotaract Club of Metro Mauban, Rotary Club of Metro Mauban, Oplan Tabang Volunteer Group of Mauban, matagumpay na naisagawa at naisakatuparan ang OPLAN TULONG PARA SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG PAENG sa baranggay Cagsiay I, Mauban, Quezon Province na isa sa sobrang nasalanta at apektadong lugar dito sa bayan ng Mauban. Sumatutal, mahigit 153 pamilya ang napaabutan ng pack of relief goods.

Pasasalamat sa mga butihing personalidad na nagpaabot ng kanilang tulong, hindi maisakatutuparan ang proyektong ito kung wala kayo.

Lagi't laging pagtutulungan ang palaging mangingibabaw sa oras ng kalamidad at kapwa kababayan natin ang ating malalapitan.

30/10/2022

BAGYONG PAENG DONATION DRIVE

Sa pagtama ng Bagyong Paeng sa Pilipinas, isa sa sobrang nasalanta ang probinsiya ng Quezon pati na ang bayan ng Mauban. Ilang sa mga kababayan ay nawalan ng bahay, walang naisalbang mga kagamitan.

Kung kaya't sa pagtutulungan at pagsasama ng Mauban Build Youth Pilipinas, Rotaract Club of Mauban, Oplan Tabang Volunteer Group of Mauban, muling bubuhayin ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa upang matulungan ang aming kababayan kahit na sa simpleng paraan.

Naniniwala ang iba't ibang samahan na kapag pinagsama-sama ang mga malilit na bagay o sentimo ay malaki ang kapakinabangan nito para sa lahat. Narito kami upang kumatok sainyong ginintuang puso upang matagumpay naming maisagawa ang donation drive naisasagawa sa sobrang naapektuhan ng Bagyong Paeng ang baranggay Siquior at Cagsiay.

Sa nais na magbigay ng tulong maaring isend sa g cash number na nasa ibaba at para naman sa in kind donations maaring I message o tawagan si Shannah Marie Viaje.

Photos from Mauban Youth BUILD Pilipinas's post 16/10/2022

WORLD FOOD DAY 2022

Sa paggunita ng World Food Day, bilang pasasalamat sa ating mga masisipag at walang kapagurang mga magsasaka at mangingisda upang mabigyan tayo sa merkado at hapag ng mga produkto at pagkain na magpupuno sa ating kumakalam na sikmura.

Bilang pagtugon sa panawagan ni Senator Kiko Pangilinan. Matagumpay na naisakatuparan ng Mauban Youth Build Pilipinas ang adhikain na magbigay ng libreng lugaw para sa mga mamamayan ng baranggay Daungan. Kitang kita ang saya sa mata ng mga Daunganin na mapunan ang kanilang sikmura.

Pasasalamat sa mga butihing sponsor sa pagbibigay ng kanilang oras at pinansiyal na aspeto dahil hindi magiging matagumpay ang proyektong ito kung wala kayo.

Muli't muli para sa sintang bayan.

10/10/2022

"Everyone has the right to safe, clean, nutritious, and affordable food.โ€
- Unknown

As the World Food Day is fast approaching, the Mauban Youth Build Pilipinas (MYBP) is one with different organizations to thank our farmers and fisherman for their hard work and sacrifices to bring safe, nutritious and healthy foods in every level of our community. It is a must that we continue supporting initiatives like the World Food Day to reiterate the importance and our rights to a cheap but healthy food.

In line with this, we are currently calling for donations which aims to raise funds to finance the expenses of our activity. We are knocking on your kind heart to support this initiative. Any amounts will be a big help to achieve our objectives Please be assured that all funds to be collected will be expensed for the said activity only.

For donations, you may refer to the account information below:

GCash Account Name: Justine Principe
GCash Account Number: 0912 122 2984

Halina't makiisa, makibaka at maging parte sa World Food's Day ngayong darating na Oktubre 16, 2022 (Linggo) sa Sitio Baling-Balingan Brgy. Daungan Mauban, Quezon sa ganap na ika-7 ng umaga.

10/10/2022

Happy World Porridge Day!

Ang porridge ay karaniwang katawagan sa Ingles na katumbas ng ating "lugaw" dito sa Pilipinas.

Ang Lugaw ay isang "go to food" ng mga Pilipino kapag malamig ang panahon, masama ang pakiramdam o kahit sa panahong kinakapos tayo sa pambili ng pagkain. Kaya naman sa darating na October 16, 2022 ay magbubukas tayo ng Hapag Bigay Lugawan sa iba't ibang lugar sa bansa.

Suportahan natin ang ating mga volunteers sa kanilang Lugawan. Ang mga "sangkap" sa mga lugawan at iba pang food pantry ay direktang bibilhin sa ating mga local farmers at fisherfolks.

Makisaya, makiisa at magbigay suporta sa ating mga magsasaka at mangingisda sa October 16, 2022, World Food Day!

Timeline photos 09/10/2022

Fmr VP Leni Robredo and fmr Sen. Bam Aquino express their concerns on the safety of fmr Sen. Leila de Lima after the hostage-taking incident at Camp Crame. The two former officials are hoping for the dismissal of trumped-up charges against De Lima.

08/10/2022

"Masustansiyang pagkain ating pagyamanin, upang mithiin ay atin ding maangkin"

Ngayong buwan ng Oktubre, ipinagdiriwang natin ang World Food Day upang pasalamatan ang mga masisipag nating mga mangingisda at magsasaka sa kanilang di matatawaran na sipag at sakripisyo mabigyan lamang tayo sa merkado at hapag na magpupuno sa ating kumakalam na sikmura . Sa ating pagbubunyi sa pagkaing Pilipino, ginagawa nating kilala at pinahahalagahan ang ating pamanang kalutuan. Sa ating pagtataguyod sa pagkaing Pilipino, tinitiyak natin ang kanilang pagpapanatili at pagpapasa sa susunod na mga salinlahi.

Sa inisyatibo ni dating Senador Kiko Pangilinan na magkaroon ng Feeding Program sa bawat bayan, agad na tumalima ang Maqueleni at Mauban Youth For Leni sa pagsasakatuparan ng ganitong programa. Sapagkat naniniwala kami na kailan man ay hindi matutulog ang aming lakas na magbigay ng serbisyo na walang hinihinging kapalit.

Sabi nga nila, hindi mo mahihiwalay ang isang bayan sa kanilang pagkain kaya bahagi na ng pagiging Maubanin ang ating kulinarya. Ang lugaw ay sagisag na nga ng ating kultura at kabilang sa mga pagkain nating mga Pilipino.






๐Ÿ–‹ Justyn Principe
๐ŸŽจ Marc Desembrana

07/10/2022

On Sunday, October 16, as the whole world celebrates World Food Day, we launch a Sagip Saka social enterprise to raise funds for 16 farming and fishing communities all over the country.

We have created select merchandise for sale, art works will be up for auction, as well as items donated by supporters throughout the memorable national campaign early this year.

Together with this fundraising effort, volunteers in 50 communities nationwide will organize lugawans on October 16, purchasing rice and other farm produce from Filipino farmers and fisherfolk directly.

Without the hard work, resilience, and sacrifice of our farmers and fisherfolk, there would be no food on our own tables.

Pagtulungan natin ito. Sama-sama nating ipamahagi ang ating pasasalamat at pagpupugay sa ating mga magsasakaโ€™t mangingisda. Bigyan natin ng halaga at kahulugan ang kanilang pagsusumikap.

Photos from BUILD Pilipinas's post 07/10/2022
Photos from Mauban Youth BUILD Pilipinas's post 06/05/2022

MAUBANIN, HANDA NA BA KAYO?

Halina't makisaya, makiisa, makihataw at makikanta!

Ang Mauban Youth for Leni ay may malugod na ipinapakilala ang mga tagapagtanghal sa "SULO: Alab ng Puso" sa ganap na ika-7 ng gabi sa San Lorenzo Ruiz de Manila Church Plaza.

Imbitahin ang inyong pamilya, kaibigan at kakilala sa isang makasaysayang gabi sa bayan ng Mauban.

Kita kits!

06/05/2022

ATTENTION!

WHAT: SULO: Alab ng Puso (Youth Jam)
WHO: Open to all
WHEN: May 6, 2022 (Friday) at 5 PM
WHERE: San Lorenzo Ruiz de Manila Church Plaza, Brgy. Polo Mauban, Quezon
WHAT TO WEAR: Pink or White Shirt

Everyone is encouraged to bring their own witty placards and attend the 5 PM Mass in San Bonaventure Church. Afterward, there will be a parade from St. Bonaventure Parish to San Lorenzo Ruiz de Manila Parish.

Abangan ang susunod pang announcements!

05/05/2022

SรšLO: ALAB NG PUSO

Ang iba't ibang sektor ng ating komunidad ay iniimbitahan sa isang Youth Jam ngayong ika-6 ng Mayo (Biyernes) simula ika-5 ng gabi.

Ito ay bukas sa lahat ng mga Maubanin magiging kakampink man o hindi naglalayon upang pag-alabin at makapanghiyakat ng mga botante na iboto si VP Leni Robredo, Sen. Kiko Pangilinan at ang buong Tropang Angat.

Kaya tara na! Gawing Kulay Rosas ang Bukas at maging liwanag sa dilim.

Para sa ibang detalye, maghintay lamang ng official announcements as page na ito.

Logo by: Jade Cena

Photos from Mauban Youth BUILD Pilipinas's post 02/05/2022

House to House Campaign
Brgy. Sta Lucia, Brgy. Tapucan

Tao sa Tao at Puso sa Puso kumatok ang mga kabataan sa mga tahanan upang patuloy na ikampanya ang Tambalang Robredo Pangilinan kasama ang kanilang Senate Slate. Hindi naging hadlang ang init at layo ng kanilang mga tahanan upang hindi sila maabot at mapuntahan. Naniniwala kami nasa darating na halalan ay mas mananaig ang pagibig๐Ÿ’–

Kaya sa Mayo Sama Sama Tayong Ipanalo ang Sambayanang Pilipino.

Photos from Mauban Youth BUILD Pilipinas's post 02/05/2022

House To House Campaign
Brgy.Mabato, Sitio Pilaway, Manuba at
Brgy Santol๐Ÿ’–

Sa mga natitirang araw ng Kampanya para sa isang Kulay Rosas na bukas ay masipag at buong lakas padin na kumatok buong araw sa mga kabahayan ang mga kabataan upang patuloy na ikampanya ang Tambalang Robredo at Pangilinan ang Kanilang Senate Slate.

Patuloy na Tumindig ang mga Kabataan para sa katotohanan at Pag Ibig๐Ÿ’–๐ŸŒท

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Mauban?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

MAUBAN, ITAGAY NA! ๐ŸŒทHalina! Ihanda na ang tagayan, huhunta na't magsasaya sa bente otso! QUEZON PROVINCE GRAND RALLY! ๐ŸŒดK...
SUMAYAW AT UMINDAK, ANG BUKAS GAWING ROSAS! Tara na, Maubanin! Makiisa, makiindak, at makihataw sa ating Zumba sa umaga,...

Website

Address


Mauban Quezon
Mauban
4330
Other Community Organizations in Mauban (show all)
Mauban Triskelion Council - MTC Mauban Triskelion Council - MTC
Mauban

MAN IS BROTHER UNTO MAN

Cagsiay community barter only Cagsiay community barter only
Mauban

OPEN/CLOSED BARTER HERE :) FIRST MINE BASIS. Bawal Po Mamili kung sinu Ang Gusto nyo na Makakuha ng items bawat Post .. At wag rin po Nateng KaTaasan Yung Pang Pref naten sa mga i...

Mauban Student Society Mauban Student Society
Mauban, 4330

Puro Plano Puro Plano
DMDPHS
Mauban, 4330

hahahaha

Cagsiay 1 Multipurpose Cooperative Cagsiay 1 Multipurpose Cooperative
Mauban, 4330

Cagsiay I Multi-Purpose Cooperative (CIMPC) is a duly registered, labor compliant, Manpower & Credit Cooperative owned by itโ€™s Workers/Members.

PIAPI Development Cooperative PIAPI Development Cooperative
PIAPI, CAGSIAY 3
Mauban

EPSILON KAPPA OMEGA Social Fraternity EPSILON KAPPA OMEGA Social Fraternity
Mauban, 4330

Epsilon Kappa Omega Social Fraternity aims to unite the youth in brotherhood in the fellowship derived from our principles: Excellence, Kinship, Obedience

Zetta house of s***s & bi***es Zetta house of s***s & bi***es
Mauban, 4330

Sexy or fat. ugly or not. Every tr**ny deserves to be respected :))