RCEF Seed Program

This is the official page of the RCEF Seed Program. (RA 11203)

We develop, propagate, and promote certified in**ed rice seeds, and strengthen seed growers' groups.

Photos from DA-PhilRice Los Baños's post 31/08/2024

Kaalaman at kasanayan, linangin natin ‘yan!🌾

Sinimulan na kahapon ang 3-day training on basic seed production kasama ang mahigit 40 na manggagawa at magsasaka mula sa mga asosasyon ng mga magbibinhi ng palay sa CALABARZON.

Layunin ng pagsasanay na ito na mapalawak ang kanilang kaalaman at hasain ang kanilang mga kasanayan sa pagpupuro ng binhing palay para sa produksyon ng dekalidad na binhi.

31/08/2024

Certified ka-RCEF, ano kaya ito?

Anong klase ng binhi ang ipinamamahagi ng ?

I-comment na ang tamang sagot! 😊

Photos from RCEF Seed Program's post 30/08/2024

SWAK NA SWAK na pag-aabono, hatid namin sa inyo!

Sa kasalukuyan, 19 probinsya na mula sa 42 na target ng ang may available ng booklet at banner na naglalaman ng site-specific fertilizer recommendations.

Ang mga rekomendasyong ito ay batay sa malawakang pagsusuri ng lupa na isinagawa ng DA-PhilRice gamit ang Minus-One Element Technique (MOET) kit at app. Layunin nitong matukoy ang tamang uri, dami, at tiyempo ng paglalagay ng abono na swak sa bawat lugar.

Dahil iba-iba ang dominanteng uri ng lupa (soil texture) sa bawat barangay na may palayan, magkakaiba rin ang rekomendasyon sa mga piling lungsod at bayan.

Sa kabuuan, 505 munisipyo/siyudad sa bansa ang makatatanggap ng nasabing rekomendasyon mula sa DA-PhilRice at inaasahang makakarating ito sa mga ka-Palay sa mga susunod na buwan.

Katuwang ng DA-PhilRice ang LGUs, DA Regional Field Office, at Agricultural Training Institute sa proyektong ito.

Samantala, maaari rin i-access ang mga booklet sa link na ito: https://drive.google.com/drive/folders/1rAXyFNDO1rlUhvdNoQgW4-cNFvcq69NM?fbclid=IwY2xjawE9BpdleHRuA2FlbQIxMAABHe_FrqPlOGmG_uZ1vgdQax69zqcGwEhZeZ_d7c9rGu0R5uwI0kivxasNVw_aem_hr1Cd4THgIFaO36KYAAh3A

Taas kamay sa ating mga partner C/MLGUs at mga ka-Palay na nakatanggap na nito!

Photos from RCEF Seed Program's post 29/08/2024

PalaySikatan 2.0 umarangkada na 🌾🌾🌾

Kasali rito ang mga samahang magsasaka ng Isabela, La Union, Ifugao, Aurora, Zambales, Bataan, Quezon, Laguna, Camarines Norte, Albay, Capiz, Leyte, at Southern Leyte.

Makakasama rin ang ating mga ka-Palay ng Bohol, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Zamboanga del Sur, Bukidnon, Davao de Oro, Cotabato, South Cotabato at Maguindanao.

Ipapamalas sa mga PalaySikatan sites ang paggamit ng Smart-agri technologies tulad ng Binhi e-Padala para sa mas pinadali na pagtanggap ng binhi, PalayCheck App sa pamamahala ng mga gawaing bukid at PRIME Collect App para sa pamamahala ng peste at sakit.

Kasama rin ang paggamit ng resulta ng Minus-One-Element-Technique (MOET) tests para naman sa tamang pag-aabono.

Katuwang dito ng RCEF ang Rice Business Innovations System (RiceBIS) Program.

Inaanyayahan naman ang mga magsasakang malapit sa mga crop establishment sites upang matunghayan ang resulta ng techno demo.

29/08/2024

𝗣𝗮𝗹𝗮𝘆𝗔𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻: Pamamahala sa Pesteng Insekto ng Palayan

SEPTEMBER IS COMING so fast pero huwag pasindak sa mabilis na pesteng insekto sa palayan.

📌Pamahalaan agad yan. Alamin sa episode ngayon ng ating PalayAralan. 📺📻 ��

27/08/2024

IT’S TUES-GAME, ka-Palay!

Sino kaya ang makakahula nito? Tignan natin.

CLUE: Isa itong programa sa ilalim ng Rice Tariffication Law na naglalayong tulungan ang mga magsasaka na pataasin ang ani at kita sa pamamagitan ng apat na diskarte:

🌾Pamamahagi ng binhi (Seed Program)
🚜Pamamahagi ng Makinarya (Mechanization Program)
👨‍🌾👩‍🌾Libreng pagsasanay (Extension Services Program)
💵 Pautang sa mababang interes (Credit Program)

26/08/2024

MULA sa katapangan na ipagtanggol ang bayan hanggang sa lakas na naipamamalas para magkaroon ng sapat na supply ng pagkain ang bansa, sama-sama nating ipagpugay ang mga bayani at mga bayANI! ✊🌾🇵🇭

25/08/2024

RCEF Update!

Kalahating milyong kita sa pagpapalayan, paano nakamit? 😲🌾

Nakapundar ng lupain at nakapagpatayo ng bahay si ka-Palay Bernadeth T. Bagninit, 42, ng Tabuk City, Kalinga, dahil sa kanyang dedikasyon at pagpupursige sa pagpapalayan.

Bago makamit ni ka-Palay ang kita na umabot ng 500,000 nitong 2024 Dry Season, binida niya ang malaking tulong na natanggap mula sa iba't-ibang ahensya ng Department of Agriculture, particular na ang RCEF Program sa kanya.

"Taong 2022, nanood ako ng PalaySikatan ng RCEF [Seed] program dito sa Tabuk City, Kalinga. Nasaksihan ko yung pag-demo ng drum seeder, kaya simula noon, nagkainteres akong subukan ito sa aking palayan," kwento niya.

"Noong binigyan kami ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng drum seeder, simula noon, 'yun na ang ginamit namin sa pagtatanim hanggang ngayon. Dahil magaan at madali lang gamitin, ako na mismo ang nagdadrum seeder," dagdag pa niya.

Upang mas madagdagan ang kaalaman niya sa pagpapalayan, nag-aral si Bernadeth sa Bacayan Rice-Based Integrated Farm School sa Tabuk City, Kalinga.

Kwento niya, nitong Abril 2024, umani siya ng 100-120 kaban kada ektarya na may timbang na 60kg kada sako sa limang ektaryang palayan sa pagtatanim ng binhing in**ed. Naibenta niya ito ng sariwa sa presyong 20 pesos kada kilo.

"Nagpapasalamat ako sa RCEF Seed Program sa libreng binhi, sa programa ng DAR sa pagbigay ng drum seeder, sa pautang ng Landbank, sa farm school, at sa iba pang ahensya ng gobyerno na patuloy na tumutulong sa aming mga magsasaka," wika niya.

22/08/2024

Digital na pagmonitor ng palayan? I-PalayCheck App na yan!

Madali nang imonitor ang gastos at kita sa pagpapalayan kada cropping season sa pamamagitan ng PalayCheck App.

Kailangan lamang mag-input ng mga impormasyon tungkol sa mga gawain mula land preparation hanggang post-harvest.

Bukod pa rito, nakapaloob sa app na ito ang mga kaalamang kailangan mo mula Key Check 1 hanggang Key Check 9, mga rice apps katulad ng Nutrient Management Apps, at iba pang knowledge sources patungkol sa pagpapalay.

Maari itong idownload sa palaycheckapp.philrice.gov.app.

21/08/2024

LIBRE na, dekalidad pa.

“Dati humihingi lang kami sa kapit-bukid ng binhi o kaya bibili sa bayan ng 40kg sa halagang P1,500. Pero noong dumating ang RCEF, hindi na namin kailangan bumili o manghingi, Libre na, siguradong dekalidad pa,” wika ni ka-Palay Joven M. Briones mula Iba, Zambales.

Paborito raw nya ang [NSIC Rc 436 dahil malakas ito umani.

"Halos tatlong taon na rin na ito ang aking preferred variety, pero sumusubok pa rin ako ng bago ngayon gaya ng 534. Tiwala naman ako sa binhi mula sa RCEF kaya tuloy pa rin akong gagamit ng mga in**ed na barayti,” dagdag pa niya.

21/08/2024

KILALA mo ba ang insektong ito, ka-Palay? 🤔🦗🌾

Kaibigan kaya o kaaway? I-heart ❤️ kung kaibigan at sad 😢 naman kung kaaway.

KILALA mo ba ang insektong ito, ka-Palay? 🤔🦗🌾

Kaibigan kaya o kaaway? I-heart ❤️ kung kaibigan at sad 😢 naman kung kaaway.

20/08/2024

RCEF Update!

Rekomendasyong pagpapalayan, ibinahagi sa mga ka-Palay sa Alfonso Lista, Ifugao.

Muling nagbigay ng payo at kaalaman ang mga eksperto ng DA-PhilRice Isabela katulad ng mga benepisyo ng pagtatanim ng rekomendadong binhing 40kg/ha. Kasunod nito, inirekomenda naman ang tamang pag-abono sa pamamagitan ng resulta ng Minus One Element Technicque (MOET).

Ang MOET Kit at App ay mga tools upang malaman ang kakulangan at kailangang sustansya ng palayan.

Ibinahagi rin ang paggamit ng PalayCheck App, isang android application upang mas madaling imonitor ang palayan.

Sa pamamagitan ng mga rekomendasyong ito, matutulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang pamamahala ng palayan at mapataas ang kanilang ani.

RCEF Update!

Rekomendasyong pagpapalayan, ibinahagi sa mga ka-Palay sa Alfonso Lista, Ifugao

"Kung tutuusin, sobra pa ang 40kg sa isang ektarya." Ito ang naging pahayag ni ka-Palay Michael Gaoiran, 55, sa kanyang mga kapwa magsasaka sa Alfonso Lista, Ifugao.

Sinang-ayunan naman ito ni Ka-Palay Rey Sagun, 49, na nagtatanim rin ng 40kg/ha na binhing in**ed na galing sa RCEF Seed Program.

Sa pagbabahagi ng kanilang mga karanasan, ang mag-asawang sina Myrna at Ericson Rimando ay nakagawian na raw ang pagtatanim ng 80kg/ha. "Akala kasi namin, 'pag mas maraming binhi, mas marami ang ani. Yung pasobra naman ay inilalaan para sa mga kuhol," wika ni Myrna.

Samantala, muli namang nagbigay ng payo at kaalaman ang mga eksperto ng DA-PhilRice Isabela katulad ng mga benepisyo ng pagtatanim ng rekomendadong binhing 40kg/ha. Kasunod nito, inirekomenda naman ang tamang pag-abono sa pamamagitan ng resulta ng Minus One Element Technicque (MOET).

Ang MOET Kit at App ay mga tools upang malaman ang kakulangan at kailangang sustansya ng palayan.

Ibinahagi rin ang paggamit ng PalayCheck App, isang android application upang mas madaling imonitor ang palayan.

Sa pamamagitan ng mga rekomendasyong ito, matutulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang pamamahala ng palayan at mapataas ang kanilang ani.

16/08/2024

Isang EYY sa mga nakatanggap na ng binhi!

Para sa tag-ulan na taniman, higit 2.1 milyong sako ng dekalidad na binhi na ang naideliber ng .

Ayon sa ulat ng RCEF Seed Monitoring System o RSMS, ang mga ito ay naipamahagi na sa higit 870,000 kwalipikadong magsasaka.

Nagsimula ang pamamahagi ng certified seeds nitong March 16 at magpapatuloy ito hanggang Sept. 15, 2024.

Attendance check sa mga nakatanggap na ng RCEF seeds! I-comment na ang iyong nakuhang barayti.😊

15/08/2024

𝗣𝗮𝗹𝗮𝘆𝗔𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻: Mga Karaniwang Sakit ng Palay

HIRAP bumangon kung tayo'y may sakit. Ganun din ang palay.😓

📌Alamin ang mga sintomas nang maagaran ang mga sakit na pwedeng tumama sa ating mga pananim. 👊🏽

📣 Tutok na sa PalayAralan ngayon! 📺

Photos from RCEF Seed Program's post 14/08/2024

1.77 milyong magsasaka na ang nakatanggap ng RCEF seeds!

Sa kasalukuyang ginaganap na RCEF Seed & Extension Program midyear review, ibinahagi ni Dr. Flordeliza H. Bordey, director ng RCEF Program Management Office na halos 18 milyong sako na ng dekalidad na binhi ang naipamahagi simula 2020 dry season hanggang 2024 wet season.

Bukod pa rito, kasama sa isinasagawang diskusyon ang iba't-ibang component ng RCEF Program para pag-usapan ang mga istratehiyang mas makapagpapabuti sa implementasyon ng programa.

Ang nasabing review ay gaganapin hanggang Aug. 16 sa DA-PhilRice, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Photos from DA-PhilRice Los Baños's post 13/08/2024

CALABARZON at MIMAROPA, sa dekalidad na binhi ay solved na! 👌

Tinatayang mahigit 231k na sako ng certified in**ed seeds mula sa RCEF Seed Program ang ipinamahagi sa mga bayan at lungsod sa Region IV-A at IV-B ngayong 2024 wet season.

Nakatanggap ang 36k na kwalipikadong magsasaka sa CALABARZON ng mahigit 85k na sako ng binhi. Samantalang halos 38k na magsasaka naman ang nabahagian ng 146k na sako ng binhi sa MIMAROPA.

Inaasahang naitanim ang mga binhing ito sa mahigit kumulang 97k na ektaryang sakahan.

Taos pusong pasasalamat din ang nais ipaabot ng DA-PhilRice Los Baños sa mga lokal na pamahalaan na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa implementasyon ng programang RCEF.

Isang masaganang taniman para sa mga magsasakang Pilipino! 🌾

12/08/2024

RCEF Seed Delivery Update #26

BAYAN AT LUNGSOD NA MAGKAKAROON NG RCEF SEED DELIVERY MULA AUGUST 12-16 para sa 2024 wet season

NEGROS OCCIDENTAL
Kabankalan City

NORTH COTABATO
Midsayap

MAGUINDANAO
Pagalungan
Sultan Kudarat
Buluan

PAALALA: Ang final schedule ng pamamahagi ng mga binhing naideliver ay nakadepende sa inyong city o municipal agriculture office. Mainam na makipag-ugnayan sa kanila nang magabayan kayo sa mismong araw ng seed distribution. Kasabay nito ang pamamahagi din ng mga babasahin na inaasahang mas makatutulong para magabayan kayo sa inyong pagpapalayan.

Kung wala pa ang inyong bayan sa mga magkakaroon ng delivery, abangan lamang ang aming anunsyo sa mga susunod na linggo dahil baka sa inyo na ang susunod.

09/08/2024

Kumusta, ka-RCEF? Game muna tayo!

Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng ?
a. MOET
b. in**ed
c. PalaySikatan
d. hybrid

Taas kamay ang mga certified ka-RCEF natin diyan, siguradong masasagot mo ito!

Timeline photos 08/08/2024

WAG MAGPASCAM! 👊☝

Tingnan ang pagkakaiba ng legit at fake FB accounts na hawak ng DA-PhilRice.

I-report agad ang mga mapagpanggap na FB pages ng RCEF Seed Program!

WAG MAGPASCAM! 👊☝

Tingnan ang pagkakaiba ng legit at fake FB accounts na hawak ng DA-PhilRice.

I-report agad ang mga mapagpanggap na FB pages ng DA-PhilRice, RCEF Seed Program, at RCEF Extension Program.

08/08/2024

Higit 400,000 libreng dekalidad na binhi naipamahagi na sa Central Luzon!

Base sa datos ng Rice Seed Monitoring System, may kabuuang 419,076 sako ng dekalidad na binhing palay mula sa RCEF Seed Program at DA National Rice Program ang naideliber na sa 110 bayan/lungsod ng Central Luzon.

405,834 nito ay naipamahagi na sa mahigit 140,000 magsasaka para sa 2024 wet season.

Inaasahang maitatanim ito sa 189,285.44 ektaryang palayan sa Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.

Ang mga barayting ipinamahagi ay NSIC Rc 222, Rc 512, Rc 480, Rc 534, Rc 160, Rc 218, at Rc 436.

Ikaw ka-Palay anong barayti ang natanggap mo? I-share mo ‘yan!

Photos from DA-PhilRice Bicol's post 07/08/2024

Sa PalaySikatan 2.0, abot ka ka-Palay!

Ang PalaySikatan 2.0 ay naglalayong mapataas ang ani at mapababa ang gastos ng mga magsasaka gamit ang mga bagong makinarya.

Layunin din nitong ipakilala ang rekomendadong certified in**ed seeds sa mga magsasaka.

05/08/2024

RCEF Seed Delivery Update #25

BAYAN AT LUNGSOD NA MAGKAKAROON NG RCEF SEED DELIVERY MULA AUGUST 5-9 para sa 2024 wet season

ILOILO
Leon
San Joaquin
San Dionisio
Sara
Maasin

NEGROS OCCIDENTAL
Cauayan

NORTH COTABATO
Midsayap

LANAO DEL SUR
Poona Bayabao
Tamparan
Taraka
Buadipuso Buntong

PAALALA: Ang final schedule ng pamamahagi ng mga binhing naideliver ay nakadepende sa inyong city o municipal agriculture office. Mainam na makipag-ugnayan sa kanila nang magabayan kayo sa mismong araw ng seed distribution. Kasabay nito ang pamamahagi din ng mga babasahin na inaasahang mas makatutulong para magabayan kayo sa inyong pagpapalayan.

Kung wala pa ang inyong bayan sa mga magkakaroon ng delivery, abangan lamang ang aming anunsyo sa mga susunod na linggo dahil baka sa inyo na ang susunod.

03/08/2024

SCAM!!! Hayan na naman sila sa panggagaya ng FB page! 👊👊👊

Ating ireport agad ng di makapanloko: bit.ly/fakePhilRice

03/08/2024

FAKE ACCOUNT. Ating I-report! bit.ly/reportfakeRCEF 👊

Ating labanan ang pagpapalaganap ng maling impormasyon gamit ang pangalan ng RCEF Extension Program 😠👊

I-click at i-report: bit.ly/reportfakeRCEF

01/08/2024

𝐑𝐂𝐄𝐅𝐞𝐚𝐭𝐮𝐫𝐞: 𝐓𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐦𝐲 𝐍𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧 𝐂𝐚𝐫𝐥𝐨𝐬 𝐂𝐢𝐭𝐲! 😍💪👩

Dahil nasa modernong pamamaraan na ng pagsasaka, labis ang pasasalamat ni ka-Palay Lilibeth A. Bacongco mula sa San Carlos City, Negros Occidental nang ipinakilala ang seed spreader, sa pamamagitan ng PalaySikatan 2.0 technology demonstration ng

Sa edad na 54-years old, sumabak pa rin sa hamon si Lilibeth na subukan ang seed spreader.

Ayon sa kanyang anak na si Jirec, sinisiguro ng kanyang ina na maganda ang kanilang palayan kaya hands-on ito sa pagtanim ng mga palay.

“Malaki ang tulong nito lalo na sa mga magsasaka gaya ni Nanay. Makakatulong ito sa kanila na mapahusay ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagsasaka sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya", bahagi ni Jirec.

Sa seed spreader, maaaring umabot sa 10 kilo ng binhi ang pwedeng ilagay dito kada “loading”. Kayang abutin ng spray nito hanggang 4 na metro. Pantay-pantay din ang pagsabog nito ng binhi kumpara sa manu-manong pagsasabog-tanim.

Ikaw, ka-Palay, may kwento ka rin ba sa binhi o makinang nasubukan mo na? I-share mo na ‘yan! 😉

Photos from DA-PhilRice Los Baños's post 30/07/2024

Gusto mo bang makasiguro na tama ang iyong pag-aabono? Subukan na ang MOET! 🌾

Sa Minus-One Element Technique o MOET, hindi mo na kailangan pumunta sa soil laboratory para ma-check ang lupa sa iyong palayan dahil magagawa mo na ito sa sarili mong bukid.

Ang MOET ay isang paraan para malaman ang kakulangan ng nutrisyon ng lupa. Ito ay nagrerekomenda ng tamang uri, dami, at panahon ng paglalagay ng abono na kailangan sa iyong palayan. Maaari itong isagawa 30-45 days bago ang pagpapatanim.

I-click ang bawat larawan para malaman ang proseso ng MOET test.

Upang makabili ng MOET kit, maaaring pumunta sa DA-PhilRice Los Baños Station o pwede rin umorder sa pamamagitan ng shopee: https://bit.ly/30bnCdJ

Para naman ma-download ang MOET App, i-click lamang ang link: bit.ly/2Soir6Y

Ayos ba, ka-RCEF? Kaya subukan mo na rin! 😉

29/07/2024

RCEF Seed Delivery Update #24

BAYAN AT LUNGSOD NA MAGKAKAROON NG RCEF SEED DELIVERY MULA JULY 29 -AUGUST 2 para sa 2024 wet season

NEGROS OCCIDENTAL
Murcia
Cadiz City
Silay City

ILOILO
New Lucena
Miagao
Batad
Sara
Leon
Janiuay

PAALALA: Ang final schedule ng pamamahagi ng mga binhing naideliver ay nakadepende sa inyong city o municipal agriculture office. Mainam na makipag-ugnayan sa kanila nang magabayan kayo sa mismong araw ng seed distribution. Kasabay nito ang pamamahagi din ng mga babasahin na inaasahang mas makatutulong para magabayan kayo sa inyong pagpapalayan.

Kung wala pa ang inyong bayan sa mga magkakaroon ng delivery, abangan lamang ang aming anunsyo sa mga susunod na linggo dahil baka sa inyo na ang susunod.

24/07/2024

ANONG GAGAWIN pag may makitang peste sa palayan 30 araw pagkalipat-tanim o 40 araw pagkasabog-tanim? 👩🏻‍🌾👨🏻‍🌾‍🌾

Alamin sa RCEF PalayAralan TV kasama si ka-Palay Gilely Santiago, pest management expert.📺

24/07/2024

PAMPASIGLA muna dahil matamlay ang panahon 🌧️

TRUE or FALSE:

Blue tag ang nakalagay sa sako ng binhi mula sa

Comment your answer na, ka-Palay! 😉

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Muñoz?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

𝗣𝗮𝗹𝗮𝘆𝗔𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻: Pamamahala sa Pesteng Insekto ng Palayan
PalaySikatan umarangkada muli sa Casiguran!Namangha ang mga dumalong ka-Palay  sa pagbubukas ng RCEF PalaySikatan 2.0 ni...
Sa Iba, magsasaka ang BIDA!Kaway-kaway sa mga ka-Palay natin na dumalo sa PalaySikatan 2.0 na ginanap sa Sta. Barbara, I...
MANOOD, matuto, at manalo ✨🌾💡
#RCEFSeedProgram, bahagi ng record-breaking palay production sa bansa!
MALAYO pa pero malayo na!
Serbisyong RCEF Extension, kumustahin!
2023 comes to an end 🌾Maraming salamat sa inyo, mga ka-Palay! Sa 2024 ulit! #RCEFSeedProgram#SupportOurRiCEFarmers
BeRiceponsible Awarding!
BeRiceponsible Awarding!
HANDA na ba ang lahat na maging RICEponsible at manalo? 📢📢📢
HANDA na ba ang lahat na maging RICEponsible at manalo? 📢📢📢

Category

Telephone

Address

Philippine Rice Research Institute
Muñoz
3119

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Other Public Figures in Muñoz (show all)
Team lebyyy Team lebyyy
Muñoz, 3119

No

Munchies By Jade Munchies By Jade
Muñoz

MUNCHIES BY JADE

Marxia Gaming Marxia Gaming
Muñoz

Make a reels video new content creator

Muñoz Spotted Muñoz Spotted
Science City Of Muñoz
Muñoz

LIKE and FOLLOW

Michelle Ferrer Michelle Ferrer
Maragol Science City Of Muñoz
Muñoz, HI�KAMUSTAKA

❤️❤️

Jimwell Mallari Jimwell Mallari
Catalanacan Purok 2
Muñoz, 3119

Anak ng Jollibee�

Binibining may Kristo Binibining may Kristo
Muñoz

Religious Organization

Jamill funs John louise Jamill funs John louise
Mattingkis
Muñoz, JANJAN10

"basketball is my home"

Jonalyn aquino Jonalyn aquino
SCM
Muñoz

Jakelloyd Encanto Jakelloyd Encanto
Muñoz, 3119

👑 𝐌𝐢𝐬𝐬 𝐆𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐩𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟑 🔅 Mental Health Advocate - Ambassador

TempoL Tripperz TempoL Tripperz
Central Luzon State University
Muñoz, 3120

"It is not what you did, it is how you've done it that makes it special."

DA-Philippine Carabao Center DA-Philippine Carabao Center
Muñoz, 3119

The Official FB Page of the DA-Philippine Carabao Center, a premier livestock R&D institution.