El Shaddai OLAP Chapter
Jesus is Waiting for you
Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa kapatiran.
1 Juan 3:16 RTPV05
'Paano mo nga ba masasabing iniibig mo ang iyong kapwa?
Tulad ng ginawa ni Cristo para sa atin, inialay Niya ang kanyang sarili para sa atin, ay ganun din dapat ang ating gawin para sa ating kapwa. Lagi nating hilingin sa ating Lord na bigyan tayo ng pusong katulad Niya, ng sa ganun ay matuto din nating ibigin maging ang mga hindi umiibig sa atin . At magawa natin to hndi lamang sa salita kundi sa ating mga kilos. Panatilihin natin ang pagiibigan sa bawat isa . at manatili tayo sa pagibig ng ating Diyos .
Godbless mga kapatid . ❤️
IPINAGHAHANDA TAYO NG MATITIRHAN
JUAN 14:1-7
"Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko. "Sinabi sa kanya ni Tomas, "Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?" Sumagot si Jesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita."
Hindi lingid sa atin ang mga nagaganap ngayon sa ating panahon, naririyan ang malalakas ng bagyo, malalakas ng paglindol sa iba't-ibang panig ng daigdig, mga karahasan at kaguluhan at alitan ng iba't-ibang bansa, at ngayon ang pandemya na ating kinakaharap na halos lumpuhin ang ekonomiya ng buong daigdig at pumatay ng milyon katao sa buong daigdig at nagresulta ng depresyon sa mga marami nating mga kapatid lalo na yaon mga nawalan ng hanap-buhay at mga negosyo. Mga kapatid, nawa sa mga nagaganap na ito sa ating panahon ay magbukas nawa ito sa ating isip at puso na ang buhay dito sa lupa ay parang a*o o usok na anumang oras o sandali ay maaari tayong datnan ng tawag ng kamatayan na kung ito man ay dumating sa atin ng di natin inaasahan ay naisip naba natin o sumagi naba sa ating isipan na ano ang naghihintay pagkatapos ng buhay natin dito sa ibabaw ng lupa.
Marami ang nagsasabi na pagkatapos ng buhay dito sa lupa o pagkatapos nating mamatay ay tapos na ang lahat; ibig sabihin ang palagay ng marami sa atin na ang buhay dito sa lupa ay dito lang at wala ng naghihintay na isa pang buhay pagkatapos nating mamatay o yaon bang wala ng muling pagkabuhay ng mga namatay. Kung ganito rin lang ang magiging pananaw natin parang sinabi na natin na walang kabuluhan ang paghihirap at pagkamatay ng ating Panginoong Jesus Cristo sa krus ng kalbaryo na kung titignan natin ang sinasabi sa isang bahagi ng kasulatan na sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon ay patunay ito na muli ring bubuhayin ang mga namatay na nananalig sa ating Panginoon. Kaya nga, kung naniniwala tayo na si Jesus ay namatay at muling nabuhay ay umasa tayo na muli rin tayong bubuhayin pagdating nang takdang panahon at ito naman ay pangako ng ating Panginoon na dapat nating paniwalaan sapagkat totoo ang kanyang salita at hindi nagsisinungaling ang sinabi nya ay gagawin niya at yan ay makikita natin at mararanasan natin sa kanyang muling pagbabalik.
Mga kapatid, yamang may napakagandang pagkakataon ang naghihintay sa atin na kung tayo lamang daw ay mananalig sa kanya at sa nagsugo sa kanya ay may inihahanda ang Panginoon na isang silid na matitirhan natin at yan ay duon sa langit na kanyang kinaroroonan ay nawa huwag lang tayong nakatuon sa mga bagay na narito sa lupa o yaon bang huwag lang nakatuon ang ating isip at puso sa mga bagay na inaalok ng sanlibutan na alam naman natin na ang lahat ng ito'y pansamantala lang at darating ang araw na iiwan natin ang lahat lahat ng mayroon tayo. Mayroong sinasabi sa isang bahagi ng kasulatan na nagsasabi ng ganito na, "Isaisip daw natin ang mga bagay na panlangit at hindi ang mga bagay na panlupa" ito'y makikita't mababasa natin sa Colosas 3:1-4 ito ang sinasabi " Binuhay kayong muli, kasama ni Cristo, kayat ang pagsumakitan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos. Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang tunay na buhay ninyo'y natatago sa Diyos, kasama ni Cristo. Si Cristo ang tunay na buhay ninyo, at pag siya'y nahayag, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang kaluwalhatian " totoo sapagkat maglalaho naman talaga at mawawalan ng kabuluhan ang mga bagay na panlupa at hindi natin ito madadala kapag tayo'y dinatnan ng tawag ng kamatayan.
Mga kapatid, tandaan natin maikli lang buhay dito sa lupa at nawa pakaasamin natin na isa tayo sa pinaghahandaan ng matitirhan ng Panginoon duon sa kinaroroonan niya at makasama natin siya at makita ng mukhaan at paano nga ba tayo makakasama o paano natin makakamtan ang tirahang inihanda ng Panginoon? Isang bagay lang mga kapatid ang tayo'y manalig sa ating Panginoong Jesu Cristo at sa nagsugo sa kanya at yan ay ang Diyos na buhay na siyang maylalang ng lahat ng bagay pati na nang ating mga buhay. Nawa, habang tayo'y namumuhay pa dito sa ibabaw ng lupa ay gawin nating balanse ang buhay natin o kung paano tayo namumuhay; nawa, mamuhay tayong may Diyos at kilalanin natin siya at sambahin bilang Diyos at maglaan tayo ng oras at panahon sa kanya bago ang mga bagay na pinagkakaabalahan natin dito sa lupa at kung tayo'y namumuhay ng ganito: umasa tayo na isa tayo sa makakarating at makakapanahan sa inihahandang tirahan ng Panginoon duon sa langit na kanyang kinaroroonan na kung saan duon ay wala ng karamdaman, wala ng kalungkutan at pighati, wala ng pagluha, at wala ng kamatayan at makakasama natin siya ng pangwalang hanggan.
Maraming salamat po at nawa ang mensaheng ito ay makapagbigay sa atin ng kaunting paalala. Salamat at ang lahat ng papuri at parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na buhay na si Yahweh El Shaddai.
Salamat Po!
El Shaddai OLAP Chapter
Anniversary
October 28,2021
3-9pm.
Come and be blessed ❤️
HUWAG NATING SISISIHIN ANG DIYOS...
HEBREO 12: 5-6
"Nalimutan naba ninyo ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya-mga salitang nagpapalakas ng loob ninyo? "Anak, huwag kang magwalang bahala kapag itinutuwid ka ng Panginoon, Huwag panghinaan ng loob kapag ikaw ay pinarurusahan niya. Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig niya, at pinapalo ang itinuturing niyang anak."
Marami sa atin ngayon na kapag nasa gitna ng mga pagsubok, mga alalahanin, kabiguan, mabibigat na karamdaman o mga kapighatian ay kung minsan napagbubuntunan natin ang Diyos ng sisi o kung minsan nagtatanong tayo ng ganito "Panginoon Bakit"? o "Panginoon bakit sa akin pa nangyari ito"? Ganito ang madalas nating nasasambit kapag nararamdaman natin na tayo'y nahihirapan na o hindi na natin kaya ang mga nangyayari sa ating buhay at madalas pa nga nasasambit natin na "Lord kunin mo na ako" Alam ninyo, kailanman hindi hahayaan ng Diyos na tayo'y magdanas ng anumang bagay na mahihirapan tayo; katulad ng isang ama dito sa lupa ni minsan hindi nya hahayaan na tayo'y makaranas ng kabigatan sa ating buhay at ayaw niya na makita tayong nahihirapan bagkus inaako pa nga nya ito kung tayo'y nahihirapan. Mas higit ang Diyos na nasa langit na hindi niya kailanman hahayaan na tayo'y mabigatan o mahirapan sa buhay nating ito at ang katunayan na sa maniwala tayo't sa hindi na hindi tayo kailanman pinanghihimasukan ng Diyos sapgkat nuon pa man ay binigyan niya tayo ng kalayaan at ang tanging hangad niya ay para sa ating lahat ay pawang sa ikabubuti at sa ating kapakinabangan.
Ngayon, bakit nga ba nagdaranas tayo ng mga ibat-ibang pagsubok, alalahanin, kapighatian, kabiguan sa buhay, at mga mabibigat na karamdaman? Marahil Una, maaaring sa kapabayaan din natin yaon bang todo pasa tayo at hindi na natin iniisip kung ito'y makakabuti ba o makakasama sa atin ang lahat ng ating ginagawa o maaaring gumagawa tayo ng mga bagay na hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Pangalawa, maaaring nagpapakita lang ito sa atin o totohanan lang na wala talaga tayong magagawa kapag tayo'y hiwalay sa Diyos, yan naman ay makikita nating sinasabi sa sulat ni Juan 15:5 ito ang sinasabi sa atin "Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga ng sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin" at Pangatlo, maaaring ito ang dinisenyo o ang magiging kapalaran natin dito sa lupa na talagang daraan tayo o magdaranas talaga tayo ng mga bagay na hindi natin gusto; bakit? Sapagkat hindi talaga ito ang buhay na bigay ng Diyos sa atin ang tayo'y magdanas ng mga bagay na nahihirapan tayo at sobrang nasasaktan tayo kasi nasa buhay tayo o nasa kalalagayan tayo dito sa lupa na hindi totoong buhay sapagkat narito tayo sa lupa kaya't nagdaranas tayo ng mga bagay na hindi natin gusto ibig sabihin narito tayo sa sanlibutan at dito sa sanlibutan naririto ang mga kapighatian, naririto ang mga karamdaman, mga kabiguan sa buhay, at mga ibat-ibang pagsubok. Wala tayo sa langit na siyang naroroon ang tunay na buhay; na duon ay walang karamdaman, duon walang kapighatian, duon walang mga pagsubok, at duon walang kabiguan sapagkat duon sa langit ang siyang tunay na buhay na ipagkakaloob sa atin ng Panginoon kung tayo lamang ay lubos na mananalig sa kanya.
Kaya,sa ating lahat at lalo na duon sa mga kapatid natin na nagdaranas ngayon ng mga pagsubok, kahirapan, kabiguan at mga karamdaman na kung tayo'y nahihirapan na at maaaring hindi na natin kaya ang mga nangyayari sa ating buhay ay huwag na huwag nating ibubunton ang sisi sa Diyos at huwag na huwag natin siyang tatanungin na "Bakit Lord"? At higit sa lahat huwag nating kikitlin ang ating mga buhay sapagkat wala tayong karapatan na gawin yan dahil yan ay labag sa kaloobn ng Diyos at tayo rin ang mananagot niyan sa harapan nya pagdating ng araw. Ang tangi lamang na magagawa natin ay Una, ibigay natin sa Diyos ang lahat ng hindi na natin kaya at ng lahat ng nagpapahirap o nagpapabigat sa atin sapagkat siya naman ang nagsabi na ibigay daw natin sa kanyaang lahat ng ating kabalisahan sapagkat siya naman ang kumukup-kop sa atin. ( 1Pedro 5:7 ) at Pangalawa, lumapit lang tayo sa kanya kung tayo man ay nahihirpan na o nabibigatan na sa ating mga buhay; yan naman ang paanyaya sa atin ng Panginoon sa Mateo 11:28 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong mga pasanin at pagpapahingahin ko kayo." Lumapit lang tayo sa kanya at huwag tayong mahiya at matakot.
Mga kapatid, maaaring ito ang mga dahilan kaya tayo nagdaranas ng mga bagay na hindi natin gusto o siyang mga nagpapahirap ng kalooban natin; subalit, huwag sana nating kalilimutan o tandaan nating lagi na kaya tayo nagdaranas ng mga kabiguan sa buhay, mga kapighatian, mga karamdaman, mga ibat-ibang pagsubok sa buhay na siyang nagpapahirap ng kaloobam natin ay lagi sana nating ilagay sa ating mga isipan at sa ating mga puso na ito'y nagsisilbing parusa sa atin ng Panginoon o nagsisilbing palo sa atin ng Panginoon; bakit? Sapagkat tayo'y inaari niyang mga tunay na anak niya at kung tayo man ay nagdaranas ng mga parusa at palo ng ng Panginoon ay huwag natin itong ipagwalang bahala bagkus ito'y tanggapin natin at ituwid na natin ng ating pamumuhay kung tayo man ay nalilihis ng landas. Kaya nawa, huwag nating ibubunton sa Diyos ang sisi o huwag natin siyang tatanungin ng "Bakit Panginoon? O Bakit sa akin pa ito nangyari" at higit sa lahat huwag nating kikitilin ang ating mga buhay bagkus manikluhod tayo sa kanyang harapan at humingi tayo ng tulong sa kanya.
Maraming salamat at nawa ang mensaheng ito ay makapagbigay sa ating ng kaunting paalala. Salamat at ang lahat ng Papuri at Parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na buhay na si Yahweh El Shaddai.
Salamat Po!
KUNG WALA ANG DIYOS WALA TAYONG KASIYAHAN...
MANGANGARAL 2:24-26
"Ang mabuti pa sa tao'y kumain at uminom, at pagpasasaan ang kanyang pinagpaguran. Alam kong ang lahat ng ito ay kaloob ng Diyos. Kung wala ang Diyos, walang kasiyahan ang sinuman. Ang karunungan at kaligayahan ay ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat ng kinalulugdan niya. Ang makasalana'y pinagagawa niya at pinag-iimpok upang ibigay lamang sa gusto niyang pagbigyan. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala."
Huwag sana nating kalilimutan na ang lahat ng bagay ay galing sa Diyos at anumang mga bagay mayroon tayo ngayon gaya ng karunungan, karangyaan, kayamanan, talento at mga bagay na nakapagbibigay sa atin ng kasiyahan sa buhay ay ang lahat ng iyan ay kaloob sa atin ng Diyos. Kaya naman, marapat lamang na tayo'y tumanaw ng utang na loob sa magagandang bagay na ipinararanas niya sa atin sapagkat maliwanag na wala talaga tayong magagawa kung tayo'y hindi sasamahan ng ating Panginoon. Lagi sana nating tatandaan na kung wala ang Diyos sa ating mga buhay ay hindi natin mararanasan ang tunay na kaligayahan at hindi natin makakamit ang anumang bagay na inasam-asam natin na bagamat tayo ang nagbabalak nang anumang bagay na makapagbibigay sa atin ng kasiyahan ay siya pa rin o ang ating Diyos pa rin ang siyang nagpapatupad o nagbibigay nang ganapan ng lahat ng ating maibigan.
Kaya, sa ating lahat huwag na huwag nating ipapalagay sa ating mga sarili na kaya tayo nananagana, kaya tayo nagtatagumpay, kaya natin nakakamit ang mga bagay na inaasam natin, na kaya tayo nakakaranas ng kasiyahan sa buhay ay dahil sa ating sariling kakayahan o sa sarili nating talino; tandaan natin, na ang lahat ng iyan ay ang Diyos pa rin ang nagkakaloob nito sa atin kaya't wala tayong maipagmamalaki sa kanyang harapan. Sapagkat sa kanya pa rin nagmumula ang lahat na kung wala ang Diyos sa ating mga buhay ay hindi natin makakamit ang mga bagay na nasa sa atin ngayon. Totoo naman, sapagkat siya naman ang may sabi sa sulat ni Juan 15:5 "Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang mananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga ng sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin."
Yamang, ang lahat ng bagay ay galing sa Diyos at siyang nagkakaloob ng lahat ng ating pangangailangan at nagbibigay sa atin ng kasiyahan sa buhay mga buhay ay huwag natin siyang lilimutin sapagkat kapag ang Diyos ang siyang kinalimutan natin ay matutuyo ang lahat sa atin at maging dahilan upang mawalan rin tayo ng pag-asa sa buhay; ito'y makikita nating sinasabi sa aklat ni Job 8:11-13 ito ang sinasabi "Ang halaman sa tubigan ay di mabubuhay kundi sa matubig at malamig sa lugar. Kapag tubig ay nawala, ito'y unang matutuyo, kahit na kasibulan at ang daho'y malalago. Ganyan ang katulad ng mga taong walang Diyos. Pag-asa ay mawawala kapag ang Diyos ay nilimot."
Kaya sa ating lahat, sinasabi ko't iginigiit na kailangan natin ang Diyos sapagkat siya naman ang nagkakaloob ng anumang bagay na makapagpapasiya sa atin; ibig sabihin nito huwag natin siyang kalimutan o isasantabi mas mainam na unahin natin siya nang higit pa sa mga bagay na inaalok ng sanlibutan.
Maraming salamat at nawa ang mensahe g ito ay makapagbigay sa atin ng kaunting paalala. Salamat at ang lahat ng Papuri at Parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na bunay na si Yahweh El Shaddai.
Salamat Po!
PAANO NGA BA TAYO MAGKAKAMIT NG BUHAY NA WALANG HANGGAN..
MATEO 19:16-22
"May isa namang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong, "G**o, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?"Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos." Alin-alin po?" Tanong niya. Sumagot si Jesus, "Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; igalang mo ang iyong ama at ina; at ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili." Sinabi ng binata, tinutupad ko na pong lahat iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?" Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamahagi mo sa mga dukha ang pinagbilhan. Kapag ginawa mo iyan, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos bumalik ka at sumunod sa akin," sagot ni Jesus. Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata sapagkat siya'y napakayaman."
Masyado lang tayong abala sa maraming bagay at dahil sa kaabalahan natin ay hindi na natin napagtutuunan ng pansin ang isang napakagandang pangako ng ating Panginoon na kung tayo lamang ay susunod sa kanyang mga utos at magmimithi na maging ganap sa kanyang harapan ay magkakamit tayo ng buhay na walang hanggan. Ilan kaya sa atin ang nagtatanong o sumagi manlang sa ating isipan kung paano nga ba tayo magkakamit ng buhay na walang hanggan gayong ang buhay natin dito sa lupa ay panandalian lamang at darating ang araw na daratnan tayo ng tawag ng kamatayan na nakatakda na nuon pa na daranasin natin. Ito naman ay pinahayag ng banal na kasulatan na makikita't mababasa natin sa Hebreo 9:27 ito ang sinasabi. "Itinakda sa mga tao ang minsan lamang mamatay at pagkatapos ay paghuhukom." Ito ang isang katotohanan na daranasin natin at walang sinuman ang makakaiwas dito na sa ayaw at sa gusto natin ay daraan tayo sa kamatayan sapagkat ito'y nakatakda na.
Mga kapatid, tandaan natin na hindi tayo nilikha ng Diyos para mamatay lang at pagkatapos ay wala na; bagamat lahat tayo ay daraan sa kamatayan ay gumawa pa rin ng paraan ang Diyos upang ang buhay nating ito na mamamatay ay pagdating ng araw ay magkakamit ng buhay na walang hanggan. Kaya naman, binigyan pa rin tayo ng ating Panginoon na isang napakagandang pagkakataon pagkakataon na siyang maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan at ang pagkakataong ito ay ang tayo'y sumunod sa kanyang pinag-uutos at maging ganap sa kanyang harapan at nang sa gayon ay magkaroon tayo ng kayamanan sa langit. Nakalulungkot isipin na napakarami sa atin ang hindi na nagiging interesado sa bagay na ito o ang tayo'y magkamit ng buhay na walang hanggan na ang palagay ng marami sa atin ay ang buhay dito sa lupa ay hanggang dito nalang at pagkatapos mamatay ay tapos na rin ang lahat ng bagay; ibig sabihin marami sa atin ang hindi na naniniwala sa napakagandang pangako ng ating Panginoon tungkol sa buhay na walang hanggan kaya ang marami sa atin ay patuloy sa pagiging abala sa maraming bagay. Abala sa pagpapayaman, abala sa mga negosyo, abala sa pagpapakasa-sasa sa mga bagay na mayroon sila, abala sa pagmimithi na mapasa kanila ang isang bagay na makapagbibigay sa kanila ng kasiyahan, at abala sa pagkakamal ng salapi.
Mga kapatid, hindi masama ang mga bagay na ito at habang tayo'y narito pa sa lupa o sa katawang lupa ay kailangan nati ang mga bagay na ito, subalit huwag lang sanang dito nalang matuon ang ating isip at puso, huwag lang sanang dito nalang maubos ang ating mga oras at sandali at huwag nating hayaan na mawalan na tayo ng panahon at oras sa mga bagay na patungkol sa Diyos lalo't batid natin na ang lahat ng bagay ay pansamantala lang at wala rin tayong mapapala sa kung datnan tayo ng kamatayan. Tulad nalang ng sinasabi sa banal na kasulatan sa aklat ng Mateo 16:26 ito ang sinasabi "Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito'y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay?" Oo mga kapatid, wala tayong mapapala kung sa mga bagay lang na nasa sanlibutang ito ang pinagkakaabalahan natin sapagkat lahat ay pansamantala at ang lahat ng iyan ay iiwan lang natin pagdating ng tawag ng kamatayan.
Kaya nga, yamang ganito rin lang ang naghihintay sa atin ay tularan natin ang binatang mayaman na lumapit sa ating Panginoon na nagtanong kung ano nga ang dapat nating gawin upang tayo'y magkamit ng buhay na walang hanggan at nang sa gayon ay mamatay man tayo sa katawang lupang ito ay may naghihintay naman sa atin ng isang kayamanan at ang kayamanang iya'y nakalaan sa atin duon sa langit at ang kayamanang iyan ay ang buhay na walang hanggan na kung tayo lamang ay susunod sa mga ipinag-uutos nang ating Panginoon at magmimithing maging ganap sa harapan tbh niya. Paano nga ba tayo magkakamit ng buhay na walang hanggan? Sabi nang ating Panginoon: sundin natin ang utos ng Diyos at sikapin natin ang tayo'y maging ganap at ano nga ba ang utos ng Diyos sa atin? Huwag tayong papatay, huwag tayong mangangalunya, huwag tayong magnanakaw, huwag tayong magsisinungaling sa ating pagsaksi, igalang natin ang ating ama at ang ating ina, at ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pag-ibig natin sa ating sarili.at kung nais nating maging ganap iwaksi natin ang mga bagay na humahadlang o nakapagpapalayo sa ating Panginoon para hindi natin masunod ang kanyang mga pinag-uutos at sikapin nating maging ganap sa kanyang harapan.
Mga kapatid, pakamithiin natin na tayo'y magkamit ng buhay na walang hanggan sapagkat ang buhay natin dito sa lupa ay maikli lang at hindi pang habang panahon na anumang oras ay maaari tayong datnan ng tawag ng kamatayan huwag nawa tayong masyadong maging abala sa pagpapayaman o magkamal na salapi sapagkat ito ang umaagaw ng atensyon natin at oras at panahon para hindi natin mapag ukulan ng panahon at pansin kung paano tayo magkakamit ng buhay na walang hanggan. Ito ang dahilan kung bakit umalis na malungkot ang binatang mayaman hindi niya kayang bitawan ang kanyang kayamanan masyado syang nakatali sa kanyang kayamanan hindi niya kayang ipamahagi ito sa mahihirap upang siya'y maging ganap sa harapan ng Panginoon.
Ganito ang marami sa atin, masyado tayong nakatali sa mga bagay na nasa sanlibutang ito na halos di natin kayang bitawan upang tayo'y magbigay ng oras at panahon sa Diyos na sa akala natin malaki ang mawawala sa atin kapag tayo'y naglaan ng panahon sa gawain ng Diyos; pero ang hindi natin alam na kung tayo lamang ay maglalaan ng oras at panahon sa ating Panginoon at susundin natin ang kanyang mga utos ay mas higit pa ang aasahan natin at ito ay ang buhay na walang hanggan. Nawa, sa ating lahat tandaan natin maikli lang buhay dito sa lupa at pakaasamin natin na tayo'y magkamit ng buhay na walang hanggan na inaalok sa atin ng ating Panginoon at paano nga ba tayo magkakamit nito? Ang sundin natin ang kanyang mga utos at sikapin natin natin na tayo'y maging ganap sa kanyang harapan.
Maraming salamat po at nawa ang mensaheng ito ay makapagbigay sa atin ng kaunting paalala. Salamat at ang lahat ng papuri at parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na buhay na si Yahweh El shaddai.
Salamat Po!
PINAPALO LANG TAYO...
HEBREO 12:5-6
"Nalimutan naba ninyo ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya-mga salitang nagpapalakas ng loob ninyo? "Anak, huwag kang magwalang-bahala kapag itinutuwid ka ng Panginoon. At huwag panghinaan ng loob kapag ikaw ay pinarurusahan niya. Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig niya, At pinapalo ang itinuturing niyang anak."
Pakatandaan natin, na lahat naman tayo ay nagdaranas o dumaraan sa mga problema at mga pagsubok sa buhay mayaman, mahirap, bata, at matanda. Bakit? Sapagkat bahagi na ito ng ating buhay; tignan natin ang sinasabi sa sulat ni San Pablo sa mga taga 1CORINTO 10:13 ito ang sinasabi "Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon". Ibig sabihin lahat tayo ay daratnan ng mga pagsubok at walang sinumang makakaiwas dito. Ngayon, maaaring itanong natin kung bakit nga ba tayo dumaraan o dinaratnan ng mga pagsubok? Una, dumaraan tayo sa mga pagsubok dahil; gusto ng Diyos na tayo'y maituwid sa mga mali nating ginagawa na maaaring ito'y hindi ayon sa kanyang kalooban. Sapagkat ang sanhi naman ng ating mga problema o mga pagsubok ay dahil narin sa ating mga maling ginagawa o dahil na rin sa ating maling pagdedesisyon sa mga bagay na ginagawa natin na nakakalimutan nating isangguni manlang sa ating Panginoon. Pangalawa, dumaraan tayo sa mga problema o mga pagsubok dahil; mahal tayo ng Diyos at itinuturing niya tayong tunay na mga anak niya Sapagkat ang mga problema at mga pagsubok na ating dinaranas ay yan ay palo o pinapalo tayo ng Diyos upang tayo'y maituwid at maipakita sa atin ng Panginoon na nilalabag na natin ang kanyang kalooban. Tandaan natin na ang Diyos ay katulad din ng ating mga magulang dito sa lupa na kung tayo'y nagkakamali at sumusuway sa kanila ay hindi ba't tayo'y pinapalo o pinarurusahan nila; at ang layunin lang naman nila ay tayo'y maituwid at iparamdam nila na tayo'y mahal nila at tunay na mga anak nila at nararapat lang naman nilang gawin iyan sapagkat ayaw nila na tayo'y mapahamak o mapariwara. Ganyan din ang Diyos sa atin na kung ang magulang natin dito sa lupa ay mayroong malasakit o pagmamahal sa atin ay mas lalong higit ang ating Diyos na siyang nagbigay nang buhay sa atin na ipinakikilala lang niya na tayo'y mahal niya at tayo'y itinuturing niya na tunay nyang mga anak.
Kaya nga, kung tayo man ay nagdaranas ng mga problema o mga pagsubok sa buhay ay yan ay pagpalo o pagtutuwid lang sa atin ng Diyos at ang layunin lang niyan ay maalala naman natin siya at sundin naman natin ang kanya kalooban at higit sa lahat ay magbalik-loob na rin tayo sa kanya sapagkat ayaw din naman ng diyos na tayo'y mapariwara o mapahamak. Tandaaan natin na anuman ang kalalagayan natin sa buhay ngayon; mayaman man tayo o nasa atin man ang lahat ng bagay o mahirap man tayo ay wala tayong magagawa kung tayo'y hiwalay sa kanya JUAN 15:5 "Ako ang puno ng ubas kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga ng sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin."
Nawa, duon sa mga nagdaranas ng mga pagsubok sa buhay ay huwag nating sisisihin ang Diyos; nangyayari yan sa atin hindi dahil kagagawan ng Diyos kundi nang dahil na rin sa pagsuway natin at pagbaliwala sa kalooban nya. Mahal tayo ng Diyos at itinuturing niya na tayo'y tunay niyang mga anak at itinutuwid lang lang tayo sa ating mga maling ginagawa at maling pagdedesisyon sa lahat na ating ginagawa sa buhay.
Maraming salamat po at ang lahat ng Papuri at Parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na buhay na si Yahweh El Shaddai.
Salamat Po!
El Shaddai OLAP Chapter Gawain
6Pm, OCtober 7
See you mga kapatid 😊
Matapos ang dalwang buwang lockdown ay muling magkakaroon na ng gawain ni Yahweh El Shaddai sa OLAP Muntinlupa Chapter sa darating na October 7, 2021.
Tayo'y magkita kitang muli at sama-samang sumamba at magpuri sa ating Diyos na buhay .
Magsuot lamang ng facemask at faceshield at panatilihin ang physical distancing sa loob ng simbahan. Maraming salamat po and Godbless us all.
1+1=3
Power ! Power ! Power !
To God be the Glory!
Thursday Gawain
07-22-21
EL SHADDAI OLAP CHAPTER
Prayer meeting is on
June 24, 2021, thursday.
6-9pm . See you and Godbless ☺️❤️
"Having faith does not mean having no difficulties, but having the strength to face them, knowing we are not alone."
- His Holiness Pope Francis
266th Supreme Pontiff of the Catholic Church
Credits to the owner of the photo used. No copyright infringement intended.
Mga Kapiling, let us pause in silence and raise up to God through prayer the Caritas Director and Radyo Veritas President REV. FR. ANTON CT. PASCUAL, who has contracted COVID-19 and is rushed to the hospital. During the first lockdown in March 2020, he as Director of CARITAS MANILA authorized the mass distribution of gift checks and gift certificates for poor households in need of financial help to get through the lockdown.
May the Lord heal him and restore him to full health!
LAHAT TAYO MAG-KAISA AT SAMA-SAMANG LUMUHOD..
Presidente, bise presidente, Senador, Congressman, Mayor, councilor, barangay Kapitan at mga kagawad sa ating bansa; bakit hindi tayo magkaisa at sama-samang lumuhod at humingi ng awa at tawad sa ating Diyos na siyang maylikha ng lahat ng bagay at hingin nating lahat na pawiin na niya ang salot na Covid-19 na hanggang ngayon ay patuloy na kumakalat sa ating bansa.
Nawa, lumabas sa mga lansangan ang lahat ng mga namumuno sa ating bayan at pangunahan tayong manalangin at magpakumbaba na sa ating Diyos na makapangyarihan at huwag nawang pagbawalan ang mga pagtitipon patungkol sa gawain ng Panginoon upang dumulog at humingi ng awa sa Diyos na pawiin na niya ang pandemyang ito sa ating bansa. Ito ang kailangan natin ngayon ang tayo'y magkaisang dumulog sa ating Panginoon nawa magpalabas ng kautusan ang lahat ng mga namumuno sa ating bayan na maglaan ng isa o dalawang oras upang ang lahat ng tao ay magkaisang dumulog at lumuhod sa ating Panginoon at hingin nating lahat na alisin na niya ang salot sa ating bansa.
Ito lang ang hinihintay ng Diyos ang lahat ay lumuhod at manalangin ang lahat ng may buhay lalo na ang mga namumuno sa ating bayan. Nawa, payagan ang pagtitipon na patungkol sa gawain ng Panginoon at huwag pagbawalan. Salamat po at nawa ipanalangin natin na hipuin ng ating Panginoon ang lahat ng mga namumuno sa ating bayan na pangunahan tayo sa pananalangin upang sama-sama nating hingin sa ating Diyos na pawiin na niya ang pandemyang ito ang salot na Covid-19.
Salamat Po!
Mapagpalang gabi po mga kapatid.
Pansamantala pong kanselado muna ang gawain sa OLAP chapter sa March 25 dahil sa new protocol ng IATF dahil sa covid 19. Magbibigay nalang po kami ng update dito kung kailan po ulit magbabalik ang gawain .
Let's continue to pray and seek the Lord for the healing of the world .
Godbless mga kapatid .
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Muntinlupa City
1776
Opening Hours
4:30pm - 8pm |
12 Lily Street , Tahanan Village
Muntinlupa City, 1700
Vicariate of San Antonio de Padua, Diocese of Parañaque Rev. Fr. GERARD VICENTE "GERRY" MASCARIÑA, Parish Priest
Muntinlupa City, 1770
We are the young and we love Jesus! Youth Ministry of Lighthouse Christian Community - Alabang!
Commerce Avenue, Ayala Alabang, Metro Manila
Muntinlupa City, 1780
A Bunch of Bible students from St. Jerome Emiliani Parish Alabang Every Wednesday
TEC Cinema 1, Tunasan National Road
Muntinlupa City, 1773
Nugen and Yuppers Ministry is a home base group for youths ages 13-25 and young professionals ages 2
Cuenca Cor Ibaan Street
Muntinlupa City, 1780
Official page of St. James Church of The Poor Apostolate (COPA) Foundation, Inc.
#2 Don Manolo Boulevard Alabang Hills Village, Alabang (New Life Main Building)
Muntinlupa City, 1780
New Life Kingdom Advance Ministry is one of the ministries of New Life Main. We are committed to running together with our Church's vision which is to Build a Strong Local Church. ...
Cuenca Cor Ibaan Sts. Ayala Alabang Village
Muntinlupa City
Parish of St. James the Great, Ayala Alabang Village, Muntinlupa City Parish Priest: Fr. Rodel Paulino Parochial Vicar: Fr. Stephen Villanueva Resident Priests: Fr. William Ramo...
Commerce Avenue, Ayala Alabang, Muntinlupa, Metro Manila
Muntinlupa City
0573 A, PUROK 4 Cupang
Muntinlupa City, 1771
Mag - anyaya Magbigay inpormasyon Pag seserbisyo