Naisip ko lamang nandito na rin lamang tayo na nagkakaisa at nagbibigay dagdag kaalaman sa bawat isa bakit hindi pa natin simulan ang mga plano para malegalize ang ma*****na? Kahit maliit na grupo pa lang tayo ay maaari naman. Ang bawat isa sana sa atin ay magbigay ng ideas. halimbawa ng pumasok sa isip ko. ang unang salita ay paano nga ba? hindi ako sigurado sa pagkakasunod sunod o tama ngunit it
o ang mga iyon
Kailangan makarating sa congreso para makarating sa senado hanggang sa pagpirma ng presidente. Paano nga ba makakarating sa congreso? Kailangan may mambabatas na magsusulong nito. tama nga ba? Paano gaganahan ang isang mambabatas na isulong ito? kasi sa realidad career nya muna ang iisipin nya kasi maaring makasira sa kanya ito dahil hindi nga maganda sa mata ng publiko at bawal. Pero kung may isang malaking grupo ng masa ang magiingay at nasa likod nya ay maaari syang ganahan ipaglaban ito.Medyo maingay na naman tayo dahil sa PORMAL pero hindi pa sapat di ba? kailangan din natin ng media. Paano nga ba ulit? Papakinggan ba tayo kung tayo parin na mga hippies ang dating o kabataan? Sanay na sila sa ganyan...
Kailangan sig**o ang ipang front natin sa gerang ito ay ang mga professionals natin. Hindi sa minamaliit ko ang kabataan o yung mga maraming tattoo, long hair at maraming hikaw. Kailangan yung mga nakaformal o desente ang image ang mga haharap para sa media exposure natin.Alam naman natin na maraming mapanghusga sa nakikita kaya dapat Tulad ng mga abogado.doktor, g**o, politicians, presidente ng kumpanya at kung ano ano pa ang haharap.Kailngan maging maganda din tayo sa paningin ng mga non-users at doon sila magsisimulang maging curious. teka teka paano naman lalabas ang mga professionals na ito para mag ingay at kumilos? Tingin ko ay gusto rin naman nila kaso pinangangalagaan nga din nila ang image nila kasi nga maraming hindi talaga nakakaintindi sa atin dahil bawal nga ang ma*****na. Kailangan din nila ng mga kasama at Malaking grupo na magiging back up nila. Kailangan din nila na magkakilala at magkausap usap unti unti.Hindi naman ito isang simpleng bagay lang na pupunta ka sa congreso at umangal na gawin nilang legal kasi hindi naman talaga masama ito. Kailangan ng maayos at malumanay na pagpaplano. Dito na papasok ang istorya ng group na ito. Dito sa group halo halo tayo. May professionals at mga karaniwang tao. Pero sa pagsasalita ay pantay pantay. Maaaring dito pagusapan ng mga taong sumusuporta kahit nasaan man sulok ng Pilipinas. Dito natin sila maaaring makatagpo. Maaaring magdiscuss ng mga saloobin at dapat maging hakbang. teka ulit... Paano natin sila makakausap dito o mapabisita dito? Makikita din naman nila tayo dito sa darating pang panahon pero mas maganda kung inform natin ang bawat kakilala natin na stoners na may group na ganito. Tumulong tayo sa pagpapalaganap. Iwasan nga lang natin ang pagtatalo masyado o debate na maaaring magresulta sa hindi maganda.Pagintindi sa isat isa ang kailangan. Basta ang hangarin natin ay magkaisa at magkatulungan. Kahit unti unti ay kaya naman at hindi natin mapapansin napakalaki na natin. Masyadong mahaba na ang sinabi ko pero nagpapasalamat ako sa pagbasa mo. kahit papaano nagbigay ka ng oras at malamang may mithiin ka na maging legal ang ma*****na. Alam ko kulang pa ang mga sinabi ko at may mga mali kaya maluwang kong tatanggapin ang iyong pagcriticize. Sana masabi mo rin ang side mo. Hindi naman kailangan kasing haba nito. Sig**o pag umabot na ng thousands ang comment dito ay halos tanaw na natin ang legalization. Sa dami ng ideas na yun sig**o naman may pinatutunguan na tayo. Salamat -gubaz