Lawrenz de Matta

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Lawrenz de Matta, Public Figure, Navotas.

Photos from Lawrenz de Matta's post 01/11/2023

Minsan ko lamang pinangarap na sumabak sa pagtakbo sa Sangguniang Kabataan: walang pera, walang makinarya, walang kakilala, walang ideya. Walang ibang maipupuhunan kundi ang aking matinding pagnanais na makapaglingkod at ang tatlong taon kong karanasan sa pamumuno ng isang student government ng pinakamalaking paaralan sa Malabon.

Ngayong natapos na ang halalan, malugod at mapagkumbaba kong tinanggap ang aking pagkabigo na maihalal bilang Kagawad ng Sangguniang Kabataan. Mahirap tanggapin ang unang pagkatalo na ito sa karanasan ko sa pagsabak sa isang halalan. Nguni't gaya nga ng aking laging banggit mula kahapon, hindi ako natalo, panalo pa rin ako.

Nagawa kong manalo sa pagkamit ng mga mahahalagang aral sa realidad ng politika sa Pilipinas. Nagawa kong makabuo ng mga makabuluhang pagkakaibigan 'di lamang sa Kabataang Niugan, kundi lalo't higit sa Sandigan ng Kabataang Niugan. Higit sa lahat, nagawa kong simulan na maipanawagan sa ating barangay ang good governance.

Walang hanggang pasasalamat, una't una, ang Panginoon sa Kaniyang pagpapahintulot sa akin na maranasan ang ganitong uri ng karanasan na matagal ko nang ninanais na tahakin. Ama, kung hindi dahil sa Iyo at sa paghubog Mo ng aking kasanayan sa pamumuno sa loob ng tatlong taon sa Supreme Student Government, hindi ko magagawang makaabot at makatuntong sa pangarap kong ito. Malayo pa pero malayo na. ☝🏽

Maraming maraming salamat din siyempre sa aking mga pamilya, kamag-anak, kaibigan na mainit ang pagsuporta sa aking pagtakbo sa naturang posisyon. Lalo't higit sa aking mga magulang, Mama Jhoy at Papa Ernesto, alam ko po sa loob loob ninyo ang pagkatutol sa larangang nais kong tahakin subali't lubos po akong nagpapasalamat sa ramdam na ramdam kong pagsuporta ninyo sa aking pangarap. Mahal na mahal ko po kayo! 🫶🏽

Panghuli at higit sa lahat, maraming salamat sa aming Team Sandigan ng Kabataang Niugan na nakasama kong maisakatuparan ang pangarap na ito. Salamat po, Tita Lala Principe and family, sa inyo pong pag-agapay sa amin mula umpisa. Salamat kay Chairman Renan Gonzales sa pagtanggap ng hamon sa aking alok noong Mayo at sa pangunguna mo sa ating team. Maraming salamat sa mga bago kong kaibigan sa Niugan, Daniela, Arjhie, Karla, Junella, Virginia, at sa hindi malilimutang mga alaala. Gayundin sa walang humpay na suporta ng Team Bagong Niugan sa pangunguna ni Boss Albert Ramos at kaniyang mga kagawad na sina Asyong Ng Malabon, Weng Calalang, Ruel Sabulao, at Bie Ignacio.

Hindi rito nagtatapos ang misyon nating maihatid ang good governance at makapaglingkod sa bawa't Kabataang Niugan; simula pa lamang ito ng ating bagong landas.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Navotas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Navotas
Other Public Figures in Navotas (show all)
Monie Flores Monie Flores
Kitang Alley
Navotas, 1485

Public Figure

Cafrazo Online Shop Cafrazo Online Shop
25 Ilang Ilang Street Tanza Navotas City
Navotas, 1490

CFZY Online Shop

Bing Labarinto Balandra Bing Labarinto Balandra
Lot 84 Blok32 Mandaragat Street Nbbs
Navotas, 1485

Follow page

buhay sa araw araw buhay sa araw araw
Blk38 Lot11d Martiniko Street Dagat Dagatan Nbbs Navotas
Navotas, 1485

J'rose Store J'rose Store
Navotas

small business

Rald Ace Rald Ace
Navotas, 4108

not available

Mharz Shopping needs Mharz Shopping needs
Navotas, 1485

your best needs in your life style

ZEB Clothing ZEB Clothing
Navotas
Navotas, 1485

Classy but budget friendly �

ELLY. Co ELLY. Co
Tanza
Navotas

shopee affiliate 🛍️🛒

Chief Nanie, Music & Service Chief Nanie, Music & Service
Navotas

The joy of singing The joy of Serving the Lord

EX-perience EX-perience
Navotas

A beautiful day begins with beautiful mindset 😊