Budzkiee

Budzkiee

Matthew 19:26

20/12/2023

Nasa punto ako ng buhay na kahit hindi na materyal yung matanggap ko ngayong pasko, basta lagi lang healthy magulang ko biyenan ko asawa ko anak ko, okay na ako.

Basta walang sakit, okay na ako. Basta masaya, kahit minsan nagkukulang pa rin, okay na ako.

Syempre ayaw ko naman magpaka-plastik. Kung may magbibigay, salamat. Pero kasi, iba yung lungkot kapag may sakit sa pamilya ninyo. Di mo alam gagawin kasi di naman ako doktor
Di alam ang gagawin kasi di naman ako albularyo
Iba yung pagiisip mo nito once na ako nawalan ng anghel (anak) kaya ayoko na muna maulit pa

Kaya Lord, good health lang talaga, okay na ako. Makakaraos na.

20/12/2023

Mas masarap parin tlaga yung pumapalakpak ka sa narating at nakuha ng iba.

Feeling ko kasama din ako kse iisang laro tayo.

Anak ng mangingisda “paa plge nasa lupa”

19/12/2023

Lumalaki na anak ko, alam ko na hindi na ako tulad ng dati.

hindi na ako basta bata na kung ano gusto, makukuha agad agad

hindi na ako basta bata na ano mang oras may tatawagin "mama" o "papa" pag kailangan ko ng tulong.

lahat paghihirapan na, wala ng madalian

lahat ng paghihirapan ay para sa kinabukasan na ng anak ko.

lahat gagawin ko para sa anak ko.

sapat na yung "kailangan ako ng anak ko" para mas ganahan at mas galingan ko pa sa lahat ng ginagawa ko.

kaya lang ako nag post, para iremind lang sarili ko na wala akong sapat na rason para magreklamo sa kung ano man sitwasyon ang mapaglagyan ko.

kaya anak, enjoyin mo lang palagi kung ano yung kaya kong ibigay, enjoyin mo lang palagi yung pag ka bata mo, dahil sa bilis ng panahon, baka bukas makalawa ikaw na yung masusunod satin.

mahalin mo yung mga taong nagmamahal sayo, magbigay ka respeto sa taong nagbibigay respeto sayo, mahalin mo palagi yung totoong ikaw.

dahil alam ko ngayon pa lang, na mas marami kang magagawa na maganda kesa saken

alam ko ngayon pa lang, mas magaling ka sakin

alam ko ngayon pa lang, mas matibay ka sakin

alam ko ngayon pa lang, mas malayo mararating mo kesa sa mararating ko.

iloveyou nak!

09/12/2023
09/12/2023

Yung mga laruan madali lang yan masira pwede palitan.

Yung pera nauubos din yan pero pwede pa madagdagan.

Pero yung oras na kailangan ka ng anak mo hindi na yan maibabalik.

Hangat ikaw pa yung gusto niya kasama sa lahat ng trip niya samahan mo.

Hangat ikaw pa yung gusto niya kalaro laruin mo na.

Hangang sayo pa naikot ang mundo niya. paglaanan mo na ng oras.

Minsan lang sila maging bata samahan mo na, bigyan sila ng masayang alalala ng pagkabata nila.

Maniwala ka, Dadalhin nila yang mga alala na yan na meron silang mga magulang na naglalaan ng oras para sa kanila

09/12/2023

Walang OR pero may CR🛵

06/12/2023

HUWAG MONG HINTAYIN ANG ARAW NG PASKO

Bago ka makipagbati sa kagalit mo.

Bago mo kausapin ang kaibigang nakatampuhan mo.

Bago ka makipagkasundo sa mahal sa buhay na nakasamaan mo ng loob.

Huwag mong hintayin ang araw ng Pasko.

Bago mo pasalamatan ang mga taong nariyan lagi para sa ‘yo.

Bago mo bigyan ng atensyon ang mga taong noon pa naghihintay na mapansin mo sila.

Bago mo punahin at purihin ang anumang mabuti at maganda sa iba.

Huwag mong hintayin ang araw ng Pasko.

Bago mo yakapin ang pamilya at kaibigan.

Bago mo regaluhan ng panahon ang mga taong noon ka pa kinasasabikang makasama.

Bago mo sabihan ng “mahal kita” ang mga taong bukas ay maaaring wala na.

Huwag mong hintayin ang araw ng Pasko.

Bago ka magpasalamat sa lahat ng meron ka na.

Bago mo maunawaang ang pinakamagandang pamasko na pwede mong iregalo ay ang mapagmahal mong presensya.

Bago mo maalalang ang puno’t dulo ng Pasko ay ang Diyos na nagregalo ng sarili Niya para sa ‘yo.

©️coach Mimo

01/12/2023

😅

24/11/2023

Yung gusto mo ng hamon sa pasko, Pero hamon ng buhay ang ibinigay 🥺

24/11/2023

Hindi pala habang panahon saya ang mararamdaman mo kalakip na nito ang mga lungkot at problema, mabigat na kalooban, sandamakmak na isipin minsan di mo na rin alam kung kakayanin mo pa ba mga pinagdaraanan mo
magaling lang akong magdala pero pagod na pagod na rin ako sa bigat nito
pero ito ang reyalidad ng buhay
Ito ang mga balakid patungo sa madaling madaraanan
matinik ka man o masugatan
Tuloy lang, Usad lang
Na bawat sa paglubog ng araw sa dapit hapon
May pagsibol ng liwanag kinabukasan

Hindi naman siguro na hanggang dito nalang
Hindi din naman siguro madamot ang langit

Magtiwala ka lang
Maniwala ka lang

Budzkiee 🌻

11/11/2023

paano ko
sasabihin
sa batang ako

na hindi naging ako
ang pangarap niya
maging...

sampung taon
ang nakalipas.

— M.M
ⓒpahinang walang pangalan

03/11/2023

PAANO MO GINUGUNITA ANG MGA YUMAO?

Magandang kaugalian natin ang pag-alaala sa mga yumao.

Pero alam mo bang bukod sa pagdalaw sa sementeryo, pag-aalay ng panalangin at bulaklak, at pagtitirik ng kandila, meron pa tayong puwedeng gawin?

Meron akong tatlong paanyaya sa ‘yo para mas maging meaningful ang paggunita mo sa mga yumao.

Una, maalala mo sanang gaya ng mga mahal sa buhay na yumao, ikaw rin, lilisan sa mundong ito.

Huwag mong ituring ang kamatayan bilang trahedya o kamalasan na dapat iwasan. Dahil sa oras na matanggap mo ang kamatayan bilang natural na kakambal ng pagsilang, magsisimula kang tunay na mabuhay.

Ikalawa, pahalagahan mo bawat sandali bilang biyaya.

Dahil malinaw na sa ‘yo na anumang sandali ay maaari kang mawala, ituring mo bawat oras at bawat araw bilang regalo. Kaya bukod sa pagpapasalamat na nagising ka, tiyakin mong dumadaloy sa ‘yo ang pagmamahal ng Diyos patungo sa mga taong nasa paligid mo.

At ikatlo, mabuhay ka sa kasalukuyan.

Huwag mong sayangin ang ngayon para balik-balikan ang kahapon na di mo na hawak. Huwag mo ring itapon ang biyaya na nakalaan ngayon habang balisa ka sa mga bagay na di mo naman alam kung mangyayari o hindi.

Tanong. Yung mga bagay ba na sobra mong pinoproblema 5 or 10 years ago, mahalaga pa rin ba? Malamang hindi na. Gayundin, yung mga bagay o gawain na pinagbubuhusan mo ng lakas, panahon at yaman, malamang 5 or 10 years from now, mauunawaan mong di naman pala ganun kahalaga.

Tatlong paanyaya na sana matutunan mong isabuhay.

Para tunay mong mapahalagahan ang buhay ng mga yumao.

At para tunay mong maipagdiwang ang buhay na regalo sa ‘yo.

Caption
Coach Mimo

24/10/2023

Sa dami ng palasong pumupukol sayo
Mas pipiliin mo nalang yakapin ang mga ito

Sa totoo lang iba parin talaga kapag narinig mo
ang mga kwento ng mga tao na hindi mula sa social media
Maging bukas ka lang sa mga kwento nila
Mga vendor at pedicab driver na lubos na naapektuhan ng kahirapan
Mga mangingisda na hirap sa hanap buhay
Mga kabataang humihiling ng magandang kinabukasan
At isang ordinaryo na naghahangad ng kagandahan ng isang brgy

Marami sa atin ang nakakita na sa pangangailangang lumaban at magsalita
Personal na laban para sa maayos at tapat na pamamahala
Wag matakot kung marami sila
Mas marami tayo
Iba man ang marinig at di makapagsalita
Hindi bulag ang mga tao

Aksyon para sa tunay na pagunlad at pagbabago!

23/10/2023

Hmmm

22/10/2023

😔

20/10/2023

Iilan nalang tayong ganyan pareng ian

Ian Veneracion, a licensed pilot, actor, painter, singer, and athlete once said,

"Madaling mambabae, kahit sino puwedeng mambabae. There’s nothing cool about it. Pero ’yung sticking to the one you know that’s meant for you, that’s the right path. It takes more of a man to be like that."

Photo and Source : Karen Davila WHY IAN IS A SUPERDAD: How He Accepted His Le***an Daughter | Karen Davila Ep52 (YouTube channel)

15/10/2023

Kahit na maka-ilang insurance policies mayroon ka. Kahit may dala-dalawa kang health card, nothing will ever replace a good health.

Let us live healthy hindi lang sa physical, but mental and spiritual too. Tumawa palagi. Bitawan na yung mga bagay na wala ka namang control. Huwag gawing issue ang lahat. Kapag nagkamali, itama, bumawi. Kapag nakasakit, humingi ng sorry.

Kapag nakarinig ng paninira sa'yo, ipasok sa kabila, ilabas sa kabila. Bahala na sila.

Ipayapa mo ang iyong puso. Deserve mo 'to. ✨🌻

ⓒⓐⓟⓣⓘⓞⓝ
Kuys Dyek

15/10/2023

Pagod na tayo. Wala na tayong energy at oras pumatol. ✨🌻

13/10/2023

Naniniwala ako na may hangganan yung paghihirap.

May katapusan yung paghihintay. Darating rin yung araw na mapapasa'yo na yung bagay na para sa'yo talaga.

Sa ngayon, kailangan mo lang munang daanan yung proseso kasi ganto talaga.

Pero maniwala ka, hindi nasasayang ang pagod mo. ✨🌻

Caption
Life Stories with Kuys Dyek 🌻

07/10/2023

Hindi araw-araw pare-pareho ang takbo ng buhay natin. Minsan magugulat ka sa mga biyaya na iyong natatanggap minsan naman maluluha ka na lang sa mga suliraning dumadating.

Gayunpaman, wala tayong ibang dapat gawin kundi ang magpasalamat, patuloy na magtiwala, at mas higpitan ang pananampalataya. Laban lang palagi!

23/09/2023

Buti nalang may natira.

18/09/2023

Sana mamotivate kayo ni gulz!

16/09/2023

“Hindi ibig sabihin ng pagiging positibo sa buhay ay kailangan masaya tayo sa lahat ng oras. Being positive means alam mo na lahat ng nangyayari sayo,maganda man o masama ay may dahilan.” -budzkiee"

15/09/2023

Ang swerte ko sa mga kaibigan ko, Lahat sila walang putok.

13/09/2023

Limang anak tas
Ganitong Set Up lang Lord 🙏

12/09/2023

Minsan, darating tayo sa punto na ayos lang naman tayo, nakakatawa, nakakangiti, nakakagalaw, pero alam niyo 'yon— pagod na. Hindi siya 'yong pagod na masakit sa likod, o nangangalay na kasukasuan, basta iba.

Ayos lang naman sigurong mapagod at maubos pansamantala.

Hindi naman kasalanan ang maupos ka nang bigla. Tao ka lang, may limitasyon, may hindi kayang maabot, may hangganan ang pasensya, emosyon, at kakayahan.

Subukan mong umupo, humiga, pumikit o 'di kaya ay tumingala. Huminga ka nang malalim, at ilabas lahat ng bigat na dinadala.

Ayos lang 'yan, iba-iba lang tayo ng kargo, pero pareparehas na may karapatang magpahinga.

—Markx
Likhang Sining mula sa pinos_design

06/09/2023

Basta para sayo, lahat isusugal ko

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Navotas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Gifil na gigil ee!
Sorry na kap!
Yung sumahod ka tas pagcompute mo pagod nalang yung natira.

Telephone

Website

Address


379 NBBN
Navotas
Other Arts & Entertainment in Navotas (show all)
Chaynie personalized/ cellphone case Chaynie personalized/ cellphone case
Navotas, 02

personalized customized cellphone case

The Art Of Newbie The Art Of Newbie
Navotas

(∩ᄑ_ᄑ)⊃━☆Posting my art cause why not

Mang Pak TV Mang Pak TV
Navotas, 1485

This is an entertainment videos and inspirational video. hope you will enjoy thanks

Daily Powerful  Passage Daily Powerful Passage
Navotas

Educational, inspirational movies, films.

Pagmaytinaymaytinapay Pagmaytinaymaytinapay
NAVOTAS
Navotas, 1485

EGUL

ML's WALL DECOR ML's WALL DECOR
Navotas

Wall Decor STYRO AND SINTRA BOARD �

Dreydapparel Dreydapparel
Navotas

Entertainment

Nigel's Clowns And Facepainting Nigel's Clowns And Facepainting
#56 J. Lacson Street Bangkulasi Navotas City
Navotas

NIGEL'S CLOWNS AND FACEPAINTING ..��� LOCATED@ BANGKULASI NAVOTAS CITY .. � CONTACT NUMBER:

Psychology note Psychology note
Navotas, 1485

this page is made for entertainment and to spread real info and also to spread love to everyone

Phipz Phipz
NBBS
Navotas

JUST BE YOURSELF�

YK's Buffet YK's Buffet
Navotas

We accept Party Needs (except mascot) like * Candy Buffet (Any theme and colors) * Gift away * Invi

CAVES KTV and Movie House CAVES KTV and Movie House
121 M Naval St. , Drive C Bauza, BBS
Navotas

CAVES KTV and Movie House is an establishment where people can be relaxed and entertained. Come and