Binuangan UMYAF

VISION
For the members of the organization to utilize their strength, talents and abilities to serve God.

MISSION
To encourage the young adult to develop a personal relationship with God through active participation to the activity of the church.

01/09/2021

Magandang gabi mga MYAF
Kamusta kana? Ayos ka lang ba?
Halina't makisa sa ating online kamustahan sa darating na Sept 3, 2021 friday via Zoom 8PM. Download your zoom app and set your alarms!!! See you!!

Link will be posted on our group chat. Godbless

26/04/2021

Isang mapagpalang araw sa ating lahat!

Ang nagkakaisang Iglesya Metodista ng Binuangan, kasama ang South Bulacan District ay magsasagawa ng community pantry na bubuksan para sa lahat, at ito ay gaganapin sa ating iglesya sa darating na April 30 and May 1, 2021 sa ganap na ika-pito ng umaga.

Narito ang ilan sa mga paraan kung paano makakapag-abot ng tulong:

IN KIND- Para sa inyong in-kind donations, maaari kayo mismo ang maglagay ng inyong mga donations sa ating iglesya. Palagi lamang ayusin ang paglalagay ng mga in-kind donations sa ating community tables.

Tandaan: Palaging magsanitize bago at pagkatapos magsetup ng
mga food items sa ating community table.

MONETARY

Para sa inyong monetary donations, maaring makipagugnayan sa ating community panrty Committee.
- Jan May D. Tangonan
- Jan Khristy Ann Tangonan
- Melody Santos

maaring ring ipadala sa
Gcash Account na ito:

09774621366– BUMC c/o Flordeliza Papa

I-send lang din sa Binuangan UMC facebook account ang screenshot ng inyong payment at ilagay na ito ay para sa ating community pantry. Anumang halaga ay magiging malaking tulong para sa proyekto na ito. Lahat ng inyong monetary donations ay ating gagamitin upang ipambili ng mga pagkain na maaaring ilagay sa ating community tables.

Para sa mga nais na magbigay ng tulong, maaring makipagugnayan sa mga organization president at sa ating community panrty Committee.
- Jan May D. Tangonan
- Jan Khristy Ann Tangonan
- Melody Santos

Ang Diyos nawa ang magbalik ng pagpapala sa bawat isa.

08/03/2021

Magandng araw mga kaMYAF!

Nais mo ba magsimula ng panibagong pagkakakitaan? Tara! samahan mo kami sa ating online kumustahan mamaya, sa ganap na ika 7 ng gabi, kasama ang ating taga pagsalita na si Sister Psalms Pantig.

Siya ay isang online seller na nagsimula lamang sa maliit na negosyo at ngayon ay truck truck na ang supply. Halina't alamin ang sikreto sa matagumpay na pagnenegosyo! See you mga KaMYAF!

07/02/2021

Magandang Hapon mga MYAF!!!!

Ang ating iglesya, sa pangunguna ng MYAF ay inaanyayahan ang lahat sa darating na linggo FEBRUARY 14, 2021, 4PM onwards.

Makipagdate tayo sa Diyos na unang nagmahal sa atin kasama ang ating minamahal na asawa, kaibigan, kachurchmate or kahit sino pa man. For tickets, kindly message the myaf officers.

350php ticket for 2! Buy your tickets now.
Open for all ages 15-65.

75 slots only to observe the health protocol and practice the social distancing. Thank you!

18/01/2021

Good morning mga kaMYAF! Kayo po ay aming inaanyayahan sa ating kaunaunahang online kumustahan mamaya sa ganap na ika 8:00 ng gabi. Ikaw man ay narito sa Binuangan, Obando o saan man sulok ng mundo, Open po ito sa lahat. kinakailangan lamang ng zoom app kaya magdownload na!

Tayo po ay pangungunahan ng ating poging Pastor Sanchez Garcia.

See you po sa ating zoom online kumustahan! Download na!😉

Link will be sent to the groupchat. Thank you

04/01/2021

An intersection is a point where two lines or streets cross. There are two places you're most likely to find intersections: Your work, personal life, Business, Ministry, Family, Love life and Etc.

Come and Join as we talk about the intersections in our life!

SEE YOU THERE!!!!

10/09/2020

Natatandaan mo pa ba ang huli mong pagsayaw, pagtalon, pagkanta at pagpupuri kay Kristo?

Muli po namin kayong iniimbitahan sa nalalapit na UMYAF activity. This coming Sunday 2pm .

16/08/2020

Maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi sa ating unang Online UMYAF ACTIVITY. Nawa po ay nabless tayo at nagbugay ito na kagalakan sa ating lahat!

Narito po ang nanalo sa ating question and answer portion.

All glory to God!

16/08/2020

BE BLESSED AND WIN DIFFERENT PRIZES!

join us on our FB Live activity later @7:30 PM

16/08/2020

LIVE STARTS @ 7:30
BE BLESSED AND WIN DIFFERENT PRIZES!

Come and join us as we continue the ministry of our Lord.

Binuangan UMYAF invites you on our first ever online activity titled "A time to Wait" this coming Sunday (August 16, 2020) at 7:30 in the evening.

14/08/2020

2 DAYS TO GO!
BE BLESSED AND WIN DIFFERENT PRIZES!

Come and join us as we continue the ministry of our Lord.

Binuangan UMYAF invites you on our first ever online activity titled "A time to Wait" this coming Sunday (August 16, 2020) at 7:30 in the evening.

11/08/2020

ARE YOU TIRED OF WAITING AND WORRYING?

This season is full of uncertainty. That’s right! This pandemic made us worry about our future and made us tired of waiting. But, there is one who are certain in this world and that is our Lord! ☝🏻

Do not worry! Trust His plan and timing in your life.

As we continue to worship our one true God, we are inviting you to our first ever ONLINE ACTIVITY of Binuangan UMYAF with a theme "A Time To Wait.”

See you all this Sunday August 16, 2020 at 7:30pm via FB livestream. ❤️

11/08/2020

"For in this hope we were saved. Now hope that is seen is not hope. For who hopes for what he sees? 25 But if we hope for what we do not see, we wait for it with patience."
Romans 8: 24-25

Come and join us as we continue the ministry of our Lord.

Binuangan UMYAF invites you on our first ever online activity titled "A time to Wait" this coming Sunday (August 16, 2020) at 7:30 in the evening.

11/08/2020

"For in this hope we were saved. Now hope that is seen is not hope. For who hopes for what he sees? 25 But if we hope for what we do not see, we wait for it with patience."
Romance 8: 24-25

Come and join us as we continue the Ministry of our Lord, our first ever online Binuangan UMYAF Activity this is open for everyone with a theme of "A time to wait" this coming Sunday 7:30 in the evening.

30/06/2020

Mateo 6:33
Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Sa araw araw napakarami nating mga gampanin na dapat gawin.Sa bahay, sa ating pag-aaral at kung tayo ay naghahanapbuhay.Masyado tayong nagiging abala
At sa ating pagiging abala may isang bagay na napakahalaga na tayo ay nakakaligtaan at iyan ay ang maglaan ng oras para sa ating Panginoon.Manalangin,magbulay bulay ng kanyang salita at pumunta sa bahay sambahan para magpuri at magpasalamat sa ating Diyos. "Seek first his kingdom and his righteousness and all these things will be given to you.Unahin natin ang ating Diyos at lahat ng ating pangangailangan ay ipagkakaloob niya.Amen

By: Deaconess Maila Moya-Garcia

29/06/2020

Magandang umaga mga ka-MYAF. Simulan ko ang ating pagbubulay sa isang medyo mahabang kwento.

NOT GUILTY!

"If believing God will be considered illegal, will there be enough evidence to convict you?" -Peter Rollins

Pag-isipan.

Ikaw ay nakatira sa isang daigdig kung saan ang mga sumasampalataya kay Jesus ay hinuhuli at nililitis. Sa lugar na iyon, ang pagsamba at pananampalataya sa isang Diyos ay itinuturing na paglaban sa pamahalaan at may parusang kamatayan. Isang araw, matapos ang matagal mong pagtatago, ikaw ay nahuli at kinaladkad sa hukuman para sa isang paglilitis.

Matagal ka na palang sinusubaybayan ng pamahalaan dahil may nakapagsabi sa kanila na ikaw ay isang mananampalataya. Mayroon nang nakasampang kaso laban sa iyo sa hukuman. Nang magsimula ang mang-uusig (prosecuting attorney), ipinakita niya sa Hukom ang mga larawan mo habang dumadalo ka sa mga pagsamba, nagbibigay ka ng mensahe sa mga fellowship, nagtuturo ng Biblia, nagbabahagi ng Magandang Balita ng pag-ibig ng Diyos sa mga tao, at sumasama sa mga panalanginan at mga gawain ng mga mananampalataya.

Pagkatapos makapagharap ng mga larawan, inilabas naman ng abogado ang mga kagamitang nakumpiska sa iyong bahay gaya ng mga aklat tungkol sa Diyos at sa pananampalataya, mga DVD ng mga awiting Cristiano, at mga dekorasyon sa bahay na nagsasabi ng mga talatang hinango mula sa Biblia.

Pagkatapos ay inilabas naman nila ang kopya ng mga tula at awit na sinulat mo bilang papuri sa Diyos at bilang pagpapahayag ng iyong pananampalataya. Inilabas din nila ang journal mo na nagsasabi ng lahat ng mga ginagawa mong paglilingkod sa Diyos.

Bilang pagtatapos, inilabas ng abogado ang isang Biblia. Naroon din ang mga notes mo tungkol sa mga talatang nangusap sa iyo habang nagbubulay ka. Ipinakita din ng abogado ang mga talatang ginuhitan mo. Kitang kita na ang Bibliang iyon ay gamit na gamit at madalas basahin ng may-ari. At alam mong sa iyo ang Bibliang iyon. Nakasulat doon ang pangalan mo.

Sa buong panahon ng paglilitis, hindi mo maiwaksi ang takot at panginginig. Alam mo, sa kaibuturan ng iyong puso, na totoo lahat ang sinasabi ng abogado at ito ay napapatunayan ng mga ebidensyang inilahad nito. Siguradong mapaparusahan ka ng kamatayan. Siguradong mapapatunayang totoo ang sumbong laban sa iyo.

Nang matapos ang pag-uusig, tinanong ka ng Hukom kung ano ang masasabi mo. Nanatili ka na lang na nakaupo at hindi na kumibo. Kaya, sandaling nagkaroon ng recess para pag-aralan ng Hukom ang mga ebidensya sa kasong isinampa laban sa iyo. Nagsisikip ang dibdib mo sa sobrang kaba dahil sa nalalapit mo nang kamatayan.

Maya-maya, nilapitan ka ng gwardya at sinabing ipinatatawag ka na ulit sa hukuman. Pagpasok mo, pinadiretso ka na sa harap ng Hukom para sa pagbasa ng kanyang hatol. Sinabi ng Kalihim ng Hukuman, “Tungkol sa mga sakdal laban sa iyo, na ikaw ay isang mananampalataya, napatunayan ng hukumang ito nang walang pag-aalinlangan, na ikaw ay WALANG SALA! Hindi totoo na ikaw ay isang mananampalataya. Ayon sa utos ng hukumang ito.” Tinapos ang paglilitis sa malakas na pukpok ng malyete ng Hukom.

Naglabasan ang mga tao at naiwan kang nag-iisip. Ano ang gagawin mo?

Pagbubulay

Ano ang kaugnayan nito sa sinasabi ni Jesus na tayo ay magiging mga saksi ng Panginoon hanggang sa dulo ng daigdig sa Gawa 1:8. Basahin mula sa Biblia.

Pagpapala!

By: pastor Aris Garcia

26/06/2020

ANG PAGLAGO NG PANANAMPALATAYA
"Gaya ng sanggol,kayo'y manabik sa gatas na Espirituwal upang umunlad sa pananampalataya."
1 Pedro 2:2

Hindi basehan ang tagal ng paglilingkod para masabing ang isang Kristyano ay naabot na ang paglago ng pananampalataya. Ang paglago ay isang uri ng pagbabagong nagaganap espirituwal,mula sa kalagayang pagiging sanggol patungo sa pagiging matanda sa pananampalataya.
Hindi nagaganap ang pagbabago sa loob lamang ng maikling panahon.Maaaring bumilang ito ng mahabang panahon depende sa kakayahan, dedikasyon at pagganap ng isang Kristyano.Kung naaalala natin si Pedro, ang isa sa labingdalawang alagad ni Hesus..nagawa nyang ikaila si Hesus nang tatlong beses diba? Ito ay kakulangan ng pananampalataya.. kumbaga sa bunga,hilaw o bubot pa.Subalit nang ang kanyang pananampalataya ay lumago at lumaki,maging ang kanyang buhay ay inialay niya,alang-alang sa pananampalataya.

Dati ay gaya tayo ng mga bata na madaling sumpungin, madaling magalit at laging nakikita natin ay ang ating mga sarili lamang.Nasusumpungan tayong kulang sa pananampalataya,kulang sa pagtitiwala sa Diyos at bahagya lamang nating maipakita na mayroon tayong pananampalataya at minsan pa nga..tayo pa ang madaling matangay ng iba.
Natanong naba natin ang ating mga sarili kung..
Ano ba ang nagawa natin at narating sa ilang taong lumipas?
Sa buhay ko..nabigyan ko ba ng kaluguran o kasiyahan si Lord o sarili ko lamang?

Ang pagkakaroon natin ng kusa na magtanong sa ating mga sarili ng ganitong mga bagay ay palatandaan ng kababaan at paglago ng pananampalataya sapagkat ang makita natin ang ating mga sarili na tinatanggap at inaamin ang ating mga pagkakamali o kakulangan ay isang uri ng paglago ng ating pananampalataya.

Ang tunay na nagtataglay ng pagbabago at pagpapakita ng paglago ng pananampalataya ay hindi na interesado sa pagtingin ng pagkakamali ng iba..
1 Corinto 13:5

Panalangin:
Panginoon..Tulungan nyo po kaming makita ka sa aming buhay sa araw-araw.Bigyan nyo po kami ng pusong handang umunawa, makinig sa iyong mga salita, at ikaw lamang Panginoon ang maitaas sa aming buhay hindi ang aming mga sarili.Asamin nawa naming laging naglilingkod sa iyo at sa aming kapwa.Amen

By: Deaconess Cory De Ocampo-Roque

22/06/2020

Joshua 1:9
Have I not commanded you? Be Strong & Courageous. Do not be frightened, and do not be dismayed. For the Lord your God is with you wherever you Go.

Isa lamang ito sa mga verse na palagi kong iniisip kapag nkakaramdam ako ng pagkabahala o takot. Mga takot sa mga bagay na sa isip lang naman.Baka mangyari ang ganito? O baka mangyari ang ganon? Takot para sa kinabukasan? Takot sa mga nagyayari sa paligid? Pero saan nga ba tayo dinadala ng ating mga takot?... Iisa lang naman ang sinasabi sa atin ng ating Diyos"kasama natin sya" ganong ka simple lang☺Ksama natin syang susuungin gaano man kabigat ang isang bagay.Ipanalangin natin sa bigyan nya tayo ng katatagan at tapang upang sa huli ay mapagtagumpayan natin ang lahat.☺
Godbless us🙏☝️😇

By: Veann Dela Cruz

19/06/2020

Hebrews 13:5
Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said,“Never will I leave you;never will I forsake you.”

Itong verse nato ang pinanghahawakan ko lalo na sa panahon natin ngayon.
Salamat sa Panginoon dahil hindi nya kami iniwan at hindi nya kami pinabayaan.
Kinakapos man sa finacial na pangangailangan, pero sa pagkain at maayos na kalusugan ay sobra sobra ang pagpapala.
Walang sakit at nakakain ng sapat malaking blessings na para samin.😊
Lagi lang tayo maniwala na si Lord ay lagi nating kasama, He will never leave you, never forsake you.😊🙏
Godbless😇

- Joseph Gonzales

16/06/2020

1 Corinthians 9:26, NLT: "So I run with purpose in every step. I am not just shadowboxing."

Itong verse na ito ay malaking part ng buhay ko. Sapagkat sa bawat pagkakataon na diko makita ang kahalagahan ng mga bagay na ginagawa ko. This verse reminds me of my Purpose in life. Lahat tayo ay may purpose sa buhay at naway magamit natin ito sa ikatataas ng pangalan ng Paginoon. Let's run with one goal which is to Praise God in everything we do. 🙂 Godbless us all 🙂

By: Ronniel Toreffiel

15/06/2020

Ecclesiastes 3:1
-"There is a Time for Everything, and a Season for every activity under the Heaven."

Ito ang verse na pinanghahawakan ko simula college up to now. Minsan dumarating sa buhay natin na qinequestion natin ang nangyayare sa ating buhay but then we realized ah may plano pala talaga si Lord. Minsan sa buhay din kinukumpara natin ang sarili natin sa iba, sa mga nakikita natin lalo na sa social media pero palagi natin tatandaan na meron tamang panahon para sa atin at para sa kanila maybe ngayon season nila but don't worry dadating din tayo sa season natin. We just need to kneel down and pray. Wait for God's perfect time.
Godbless us😊😇

By: JanMay Tangonan

14/06/2020

OUR VISION AND MISSION🙏☝️

Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,
-Mark 28:19

*VISION*
For the members of the organization to utilize their strength, talents and abilities to serve God.

*MISSION*
To encourage the young adult to develop a personal relationship with God through active participation to the activity of the church.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Obando?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Obando
3021

Other Churches in Obando (show all)
To God Be The Glory Full Gospel Church Ministry, Inc. - Banaba Outreach To God Be The Glory Full Gospel Church Ministry, Inc. - Banaba Outreach
Barangay Road, Barangay Banaba
Obando, 4204

Official Page of To God be the Glory Full Gospel Church Banaba Outreach

City Gospel Fellowship City Gospel Fellowship
J. P Rizal Street
Obando, 3021

Bringing the Gospel to the city

CROSSWorld Obando CROSSWorld Obando
PW7M+2FR, ONHS Street, Paliwas
Obando, 3021

Glorify God. Make Disciples.