Bongbong Qur'ānic Institute

School for Muslim men for memorizing the holy Qur'an and teaching Islamic knowledge from the Qur'an

23/08/2021

Huwag kang magpapaliban ng Salātul Jamā'ah (Congregation), Dahil ito ay delikado!❗❗

📌Sinabi ni Imam Addhahabiy رَحِمَهُ ٱللَّٰهُ:
Ang parusa ng nagpapaliban ng Salāh kasama ang Jamā'ah na may kakayahan na isagawa ito ay sinabi ni Allah:
يَوۡمَ يُكۡشَفُ عَن سَاقٖ وَيُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ

Sa Araw [na iyon] na ang binti ay ilalantad at sila ay tatawagin upang magpatirapa [sa Allah] nguni’t sila [na di-naniniwala] ay walang kakayahan [upang magpatirapa].

خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۖ وَقَدۡ كَانُواْ يُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ وَهُمۡ سَٰلِمُونَ

Ang kanilang mga paningin ay nangayupapa, ang kahihiyan ay babalot sa kanila. At sila ay lagi nang tinatawagan sa pagpapatirapa [noong nabubuhay pa sila sa mundo] habang sila ay malulusog.

Al-Qalam | Qur'ān Chapter 68

At yaon ay sa araw ng Paghuhukom, masasaklaw sila ng mas malalang pagsisisi at tunay na sila ay tinatawag dito sa mundo patungo sa Sujud o pagpapatirapa.

📌Sinabi ni Ibrahim attaymiy:
"Ito'y (āyah/verse) nangangahulugan ng Salah na inobliga sa pamamagitan ng Adhān at Iqāmah"

📌At sinabi ni Sā-id ibnul musayyib:
Ang kalagayan nila ay nakikinig sila: "hayyā àlas Salāh, hayyā alal Falāh(Halina sa Salāh, Halina sa tagumpay)" ngunit hindi nila ito tinutugunan samantalang sila ay mga taong malulusog o mabubuti ang pangangatawan.

📌At sinabi ni Ka'àb Al-Ahbār: Sumpa man kay Allah! hindi ipinababa ang āyah na ito maliban na lamang na ito ay para sa mga nagpapaliban ng Salāh sa Jamā'ah.

At anong babala ang mas hihigit pa dito para sa taong nagpapaliban ng Salāh kasama ang Jamā'ah na may kakayahan na tuguwan at isagawa ito❗❓

✏Isinalin ni Abu Sumayyah Sarguilla
📚كتاب الكبائر ص ٣٠-٢٩

16/06/2021

Assalāmo alaikom wa rahmatullāhi wa barakātuho.

Gusto naming ipaalam sa lahat ng mga sumali sa Muqābalah na meron na tayong listahan ng mga pangalang natanggap para sa ating Tahfīdhul Qur'ān, subalit sa ngayon ay hindi muna namin ito ipo-post sa kadahilanang pagka-delay ng ating pagsisimula dahil sa pandemyang kinakaharap natin ngayon.

Hangarin namin para sa lahat ang kabutihan at gabay ng Allāhu Ta'ālā.

08/06/2021

Assalāmo alaikom wa rahmatullāhi wa barakātuho.

Kami ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga istudyanteng sumali sa Muqābalah (interview) sa Bongbong Qur'ānic Institute, dahil sa pagka-delay ng paglabas ng resulta ng mga pangalan ng mga natanggap, at pagka-delay ng pagbubukas ng Ma'had dahil sa mga dahilang sumusunod:

• Continues na pagdami ng mga nagkakasakit dahil sa Pandemya (Covid).

• Sobrang istrikto ng Gobyerno patungkol sa pagpapatupad ng Health Protocol dahil sa Pandemya (Covid).

• Dahil sa Pandemya, nadedelay ang pag-aayos at renovation ng ating Ma'had.

جزاكم الله خيرا جزاء.

12/05/2021

تقبل الله منا ومنكم 💎
عيدكم مبارك ✨

12/04/2021

Ramadhān Mubārak sa lahat!

Photos from Bongbong Qur'ānic Institute's post 11/04/2021

Assalāmo alaikom wa rahmatullāhi wa barakātuho, ito ang 2nd batch at huling batch ng Muqābalah (Interview) para sa 1st batch ng Bongbong Qur'ānic Institute, dito sa Bongbong Pantukan Davao de Oro, ito ay naganap sa Bongbong Pantukan.

Dalangin namin sa lahat ang kabutihan at gantimpala mula sa Allāh.

11/04/2021

السلام عليكم ورحمة الله وبركاته.

Nais naming ipaabot sa aming mga kapatid ang balita mula sa Darful Iftā sa Cotabato na nag-anunsyo na hindi nakita ang buwan ngayun na gabi, magsisimula ang ating pag-aayuno ngayung April 13, 2021 sa araw ng Martes Inshāallāh, nawa'y maging mabiyaya para sa atin ang buwan ng Ramadhān.

Photos from Bongbong Qur'ānic Institute's post 10/04/2021

Assalāmo alaikom wa rahmatullāhi wa barakātuho, ito ang 2nd batch ng Muqābalah (Interview) para sa 1st batch ng Bongbong Qur'ānic Institute dito sa Bongbong Pantukan Davao de Oro, ito ay naganap sa lugar ng Cabagayan Tarragona, Davao Oriental.

Dalangin namin ang kabutihan at gantimpala para sa lahat ng tumulong mula sa Allāh.

31/03/2021

السلام عليكم و رحمة الله و بركاته...

Para po sa kaalaman ng karamihan, InshāAllah magkakaroon po ulit ng karagdagang Schedule ng Interview o Muqābalah para sa mga nagnanais mag-aral sa Bongbong Qur'ānic Institute (معهد بونج بونج لتحفيظ القرآن الكريم) mangyari lamang po na magtungo sa Venue at Schedule na nabanggit:

📍 Masjid Pandita Moro, Bongbong Pantukan Davao De Oro, April 11, 2021/ Sunday 8:00 am.
📍 Masjid Datu Abdul Dadia, Panabo Davao Del Norte April 11, 2021/ Sunday 1:00 pm.

👉Ito na po ang pang-huling Interview para sa First Batch at para po sa karagdagang Information mangyari lamang na makipag-ugnayan sa mga numerong ito:
📞09391926652
📞09556523527

Shukran wa Jazākumullahu Khairan

Photos from Bongbong Qur'ānic Institute's post 23/03/2021

Assalāmu alaikom wa rahmatullāhi wa barakātuho.

Ito ang pang-apat na Muqābalah (Interview) para sa 1st batch ng Bongbong Qur'ānic Institute dito sa Bongbong Pantukan Davao de Oro, ito ay naganap sa Masjid Dārussalām, NHA Bangkal, Davao City.

Biyayaan nawa ng Allāh ang nag-welcome sa aming pagdating.

نسأل الله أن يوفق الجميع لما يحبّه ويرضاه.

Photos from Bongbong Qur'ānic Institute's post 22/03/2021

Assalāmo alaikom wa rahmatullāhi wa barakātuho.

Ito po ang pangatlong Muqābalah (Interview) para sa 1st batch ng Bongbong Qur'ānic Institute dito sa Bongbong Pantukan Davao de Oro, ito ay naganap na Muqābalah sa Masjid Abdullāh bin Mas-ūd, Bincungan, Tagum Davao del Norte.

Kami ay lubos na nagpapasalat sa mga kapatid na nag-welcome sa aming pagdating, Jazākumollāhu khairan.

نسأل الله أن يوفق الجميع لما يحبّه ويرضاه.

Photos from Bongbong Qur'ānic Institute's post 21/03/2021

Assalāmu alaikom wa rahmatullāhi wa barakātuho..

Ito po ang pangalawang Muqābalah (Interview) para sa 1st batch ng Bongbong Qur'ānic Institute dito sa Bongbong Pantukan Davao de Oro, ito po ay naganap na Muqābalah sa Upper Salazar, Mati Davao Oriental.

نسأل الله أن يوفق الجميع لما يحبّه ويرضاه.

Photos from Bongbong Qur'ānic Institute's post 20/03/2021

Assalāmu alaikom wa rahmatullāhi wa barakātuho.

Ito ang unang Muqābalah (Interview) para sa 1st batch ng Bongbong Qur'ānic Institute dito sa Davao de Oro, ito ay naganap na Muqābalah sa Masjid Pandita Bongbong Pantukan.

نسأل الله أن يوفق الجميع لما يحبّه ويرضاه.

Want your school to be the top-listed School/college in Pantukan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Pantukan
8809
Other Pantukan schools & colleges (show all)
Maubog Elementary School Maubog Elementary School
Sitio Maubog, Tibagon
Pantukan, 8809

This page is for everyone to keep updated about releasing and retrieving of modules and other activities. keep safe everyone��

Magnaga Senior High School Department Magnaga Senior High School Department
Pantukan, 8809

School, Education Purposes

DepEd ALS Pantukan South District DepEd ALS Pantukan South District
Bongbong ES, Purok 1-A, Bongbong, Davao De Oro
Pantukan, 8809

The official page of DepEd ALS Pantukan South District. #certifiedALS_TEAMLevelUp

APET and WENG² VLOG APET and WENG² VLOG
Davao De Oro
Pantukan, 8807

Personal Vlog

Ikawlang Sapatna Ikawlang Sapatna
Tagogpo Pantokan
Pantukan

PNHS101readinggc PNHS101readinggc
Pantukan, 8809

Stephanie personal blogs Stephanie personal blogs
Davao De Oro
Pantukan

Datu Bago XII Datu Bago XII
Pantukan, Davao
Pantukan

"Do not assume otherwise stated."

Tagdangua Elementary School Tagdangua Elementary School
Pantukan, 8809

Child friendly school

Napnapan National High School - Official Napnapan National High School - Official
Napnapan, Davao De Oro
Pantukan, 8809

"The Gateway to Golden Opportunities"

HUMSS 12 - Ruma Bichara HUMSS 12 - Ruma Bichara
Bonifacio Street
Pantukan, 8809

HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES 2023 - 2024