Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City
Nearby non profit organizations
1302
1300
1302
Colonel Jesus Villamor Air Base
Newport Boulevard
33142
1630
1300
Fortis, Voluntas, Fraternitas
MAY 5, 2024 - SUNDAY
Our first ever blood letting project this year. In cooperation with Pasay City General Hospital, Pasay City General Hospital Blood Bank, TAU GAMMA PHI "Bayanihan Chapter", and TFOE - Supreme Maharlikans.
Isang proyketong naglalayon na makatulong sa bawat kababayan natin na nangangailangan ng dugo. Isang proyekto makabuluhan na mag bubukas at mag bibigay liwanag sa lahat na hindi porket nasa isang fraternity ka ay puro inuman, tambay, basag ulo, at gulo.
We've been from that era. Nasa 2024 na tayo ngayon, nasa panahon na tayo kung papaano tayo mas tutulong sa ibang tao at magkakaroon ng mga magagandang proyekto para sa komunidad.
Saludo sa lahat mga brad, sis, mga ka barangay, kalugar, kaibigan, ka batch sa school, tropa na nag donate ng dugo. Malaking bagay ito para sa mga taong nangangailangan ng dugo.
Nawa'y ipagpatuloy natin itong pagkakaisa na ito, purong pagtulong lamang sa kapwa.
Mabuhay ang Tau Gamma Phi!
Mabuhay ang ating mahal na Kapatiran!
Mabuhay ang Mulawin Chapter!
Maraming maraming salamat sa mga taong tumulong upang maisakatuparan ang bloodletting na ito.
Ito na ang aming muling pagbabalik sa pag dodonate ng dugo. Maraming humiling kung kailan, maraming nagtanong kung saan, at ito na po, patuloy po tayong mag lilingkod sa lahat.
We hear you ladies and gentlemen. π
The most awaited project of Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City, our every 3 months Blood Letting project. π©Έ
Dahil marami nang nagtatanong..
"Kuya, kailan ang Bloodletting?"
"Tol, kailan schedule ng Bloodletting?"
"Kuys, gusto ko ng magdonate, kailan Bloodletting?"
Ito na po yun. Nagkaroon lang tayo ng ibang schedule and partnership para sa ating Bloodletting project. And now, we are glad to welcome our new partner...
The Pasay City Health Office and Pasay City General Hospital.
Our Blood partner in this project.
Together with TAU GAMMA PHI "Bayanihan Chapter" and TFOE-Supreme Maharlikans.
Kaya ano pang hinihintay mo, tara na at mag donate ng dugo, let's extend someone's life and let's help those who are in need! Tara na!
See you all this May 5, 2024 - Sunday, at 8AM to 3PM in San Pablo Health Center.
APRIL 21, 2024 - WEEKLY CLEAN UP DRIVE
Malalaman mong masaya ang kapatiran na sinamahan mo kapag masaya silang ginagawa ang mga bagay na alituntunin ng kapatiran sa lipunan.
Salute sa mga Brad na nag e-effort para makapag clean up drive tuwing linggo. Alam namin na ang linggo ay family day pero nagagawan niyo ng paraan ang ating Chapter para makasama sa proyekto.
Lalong lalo na sa mga Brad na kahit galing sa kasiyahan ng gabi, nakahabol pa din para mag clean up. Sa mga Brad na kahit puyat sa trabaho, ay walang excuse para makapag clean up drive lang. Lalo na sa isang Brad natin nag nag leave pa para lang makapag clean up drive. Salute sa inyo!
Salute din sa mga Brad na parte din ng ibang organization pero binigyan ng panahon ang kanilang Chapter. Salute mga kapatid!
Mabuhay ang Mulawin Chapter! Mabuhay ang Triskelion ng Mulawin!
MARCH 10, 2024 - SUNDAY
Weekly clean up drive. Salute sa mga Brad na palaging nandiyan para sa ating proyekto. Nawa'y hwag kayong mag sawa sa pag linis ng ating community.
Salute mga kapatid!
MARCH 3, 2024 - SUNDAY
1st Clean Up Drive for the month of March.
It's good to be back on track para sa aming linggo linggo na pag se-serbisyo sa aming komunidad. Maliit na bagay man ito, pero nais naming maging mabuting ehemplo sa aming mga kalugar.
Na ang kalinisan at kaayusan ay makakatulong sa isang malinis at payapang pamayanan.
Capital E
MKS Brod. Joshua Aaron Moreno
Brod. Jhiemwel Miranda
of Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City
Malalim na pasasalamat ang ibinibigay namin para sa inyong dalawang kapatid, Tol Joshua Aaron Moreno at Tol Jhiemwel Miranda, sa inyong tagumpay sa pagtatapos ng inyong kolehiyo sa Air Link International Aviation College. Sa inyong pagiging bahagi ng Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, ipinamalas ninyo ang inyong dedikasyon sa paglilingkod sa kapwa at patuloy na pagpaparami ng inyong kaalaman at kasanayan. Lubos naming pinupuri ang inyong pagtatapos na may pagmamalaki at pag-asa na inyo ngang maisasabuhay ang mga natutuhan at mabuting halimbawa na inyong ipinakita bilang mga miyembro ng organisasyong ito. Nawa'y patuloy kayong maging inspirasyon sa mga nais maging tagumpay at maglingkod sa larangan ng inyong propesyon. Mabuhay kayo, Tol Joshua Aaron Moreno at Tol Jhiemwel Miranda!
Sa inyong huling yugto bilang estudyante, ipinakita ninyo ang inyong determinasyon at sipag upang matapos ang inyong pag-aaral sa Air Link International Aviation College. Bilang mga miyembro ng Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, malaki ang aming paghanga sa inyong pagkakaisa at dedikasyon sa inyong layunin. Isa kayong huwaran ng mga taong nagnanais na magsikap at patuloy na magpursige sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Lubos naming ibinabahagi ang inyong kasiyahan at tagumpay sa pagtatapos. Maging inspirasyon kayo sa mga susunod na henerasyon ng mga estudyante upang patuloy na mangarap at abutin ang kanilang mga pangarap. Maligayang bati sa inyong pagtatapos, Tol Joshua Aaron Moreno at Tol Jhiemwel Miranda!
Capital E
Brod. Mac Genos Buaron - Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City
Puso. Husay. Tagumpay. Isang kapatid sa kapatiran, walang humpay ang pagsisikap upang maabot ang layunin ng pagsasayaw. Sa katatagan ng Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, ipinagmamalaki namin ang aming kapatid na siyang nagningning sa isang dance competition. Sa bawat hakbang, sipag at tiyaga ang nagpatunay upang tayo'y maiangat sa laban na ito. Ang kampeonato ay hindi lamang resulta ng talento, kundi rin ng dedikasyon, pag-aaral, at pagmamahal para sa sining ng pagsasayaw. Mariing pinahahalagahan at sinusuportahan namin ang tagumpay na ito, na nagpapakita ng mga personal na tagumpay na magiging inspirasyon sa iba pang mga kabataan at kapatid sa kapatiran. Taas noo namin ipinagdiriwang ang pagkakamit ng titulong ito, isang karangalan para sa ating lahat.
Sa bawat galaw na pinakikilos, tila'y nagsasalita ang musika sa bawat ikot ng katawan. Ang kapatirang Tau Gamma Phi- Mulawin Chapter ay hindi lamang nagbibigay ng tahanang kumakalinga sa mga mag-aaral, kundi pati na rin ng plataporma para sa mga talentadong indibidwal na tumatahak sa landas ng tagumpay. Ang aming kapatid na ito, hindi lamang nagpakilala sa kanyang mga kahanga-hangang talento, kundi isa ring tagapagdala ng dangal at pagkilala sa ating mahal na kapatiran. Ang kanilang tagumpay ay nagpapakita ng mga posibilidad, mga pagkakataon, at mga pangarap na naghihintay sa bawat kapatid. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon at hamon upang magsikap at magpatuloy ng pag-abot sa mga pangarap, hindi lamang para sa ating kapatiran, kundi para sa buong mundo ng pagsasayaw.
JANUARY 28, 2024 - MONTHLY FEEDING PROGRAM
Unang katanungan: Paano ba magiging maligaya ang isang komunidad? Malinaw na naroroon ang kasagutan sa pangangalaga at pagmamalasakit sa isa't isa. Sa pamamagitan ng aming feeding program, na bukas sa kahit sinong nagnanais magkaroon ng libreng miryenda sa hapon, nais naming ipahayag ang mensaheng ito. Kami ang Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, at kami ay handang maglingkod sa aming mga kalugaran.
Sa aming feeding program, ang bawat tao ay inaanyayahan upang makiisa sa isang natatanging pagkakataon ng pagkakaisa at pakikipagkapwa-tao. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng libreng miryenda, kundi pati na rin sa pagpapakita ng pagmamalasakit at pag-aalaga sa kapwa. Sa pamamagitan ng simpleng pagbibigay, tinutugunan namin ang pangangailangan ng ating komunidad at nagbibigay ng pag-asa at ngiti sa bawat mukha na aming natutulungan.
Ang Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter ay patuloy na maghahatid ng serbisyo at pag-aalaga sa aming komunidad. Ito ay bahagi ng aming adhikain na maghatid ng positibong pagbabago at maging mabuting halimbawa sa iba. Sa pamamagitan ng aming feeding program, nais naming ipahayag na kahit gaano katindi man ang mga hamon na hinaharap ng aming komunidad, naroroon ang pag-asa at suporta. Tayo ay walang ibang hangarin kundi ang magbigay ng aliw at lakas sa bawat indibidwal na ating natutulungan.
Ang aming feeding program ay isang patunay na ang maliliit na gawa ng kabutihan ay may malaking bisa sa ating lipunan. Sa simpleng paraan nito, kami ay umaasa na makapagbigay ng inspirasyon at positibong epekto hindi lamang sa aming mga kasapi, kundi sa buong komunidad din. Ito ay patunay na ang pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa't isa ay nagbibigay-daan sa tunay na tagumpay at kaligayahan ng bawat isa. Sa bawat hapag-kainan na aming binubuksan, igini-gigiit namin ang ideya na may kabutihan at pag-asa sa bawat sulok ng ating mundo.
JANUARY 28, 2024 - SUNDAY
WEEKLY CLEAN UP DRIVE.
Ang Lingguhang Clean Up Drive ng Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter ay hindi lamang simpleng pag-lilinis. Ito ang simbolo ng aming pangako na itaguyod ang kaayusan at kalinisan ng ating kapaligiran.
Sa aming lingguhang clean up drive, handa kaming magsama-sama upang linisin ang ating kapaligiran at bigyang halaga ang kaligtasan ng lahat. Kasama ninyo, sama-sama nating pangalagaan ang ating tahanan, at maging huwaran sa iba.
Malinis na kapaligiran ay katuparan para sa ating lahat. Magsama-sama tayo, at tayo'y maging tagapagtaguyod ng tunay na pagmamahal sa ating kalikasan.
JANUARY 14, 2024 - SUNDAY
1st Clean Up Drive ng taon.
Salute sa lahat ng mga Brad na sumama at sa mga Brad na patuloy na sumama sa ating project. Grabe! Ang dami natin, mas nakaka enjoy ang mag project kapag marami tayo at magkakasama.
Patuloy lang tayo sa ating pag bibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan at kalugar ng walang hinihintay na kapalit mga kapatid.
Salute mga tol! Live and Let Live! Ariba Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City
JANUARY 6, 2024 - SATURDAY.
Officers Election Day of Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City π³οΈ
Congratulations to our new set of officers for the year 2024 to 2025. May our TCOC guide in leading our Chapter. Salute! Live and let live!
Congratulations to Brod Sean Miraflores for being appointed as the new Tau Gamma Phi - Pasay City Council Secretary. Your success and excellence is the success and excellence of the Chapter also. Salute!
Maligayang kapaskuhan mga kapatid. π
Mula sa Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City, na inyo pong naging katuwang bilang marshall nitong simbang gabi. π
Happy Holidays sa lahat! π
Maging payapa, payak, at mapagmahal tayong lahat ngayong kapaskuhan. π
DECEMBER 23, 2023 - SATURDAY
Welcome to Mulawin. "Utol" Senyor Nazareno. πππ
Panibagong mamahalin, panibangong aalagan, maging gabay ka nawa namin sa bawat araw ng buhay namin. πππ
Maraming salamat Tol PapaDhan Sarabia at sa kanyang asawa, Mommy Jhoy Gose Sarabia sa pagdala kay "Utol" sa Mulawin. Maraming salamat sa pagsama sa inyong pangarap kay "Utol".
Salamat kanila GT Dh Ar Elpedes , DGT Mikko Federis , Tol Jay-r Lutz , at Tol Kevs Villamer sa pag aalaga at pagdala kay "Utol" dito sa Mulawin. Salute sa inyo mga kapatid.
PAALALA:
Ang replika po ng imahe ng Poong Nazareno ay bukas po para sa lahat ng namamata nito. Sa mga nais pong makiisa na mga deboto, i-message niyo lamang po si Tol Dharwin o Tol Mikko, para makapagtala at maayos po ang mga deboto at officers.
Hindi po ito eklusibong para sa Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City po, ito po ay para sa lahat ng mga deboto po na namamata kay Senyor Nazareno, lalo't higit po sa mga taga Mulawin. Maraming salamat po.
NOVEMBER 25, 2023 - SATURDAY
Bloodletting Drive of Philippine Red Cross, Tramo Pasay Chapter.
Isa sa pinaka matagal na partner ng Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City pag dating sa Blood Letting Drive. Salute sa mga Brad na nag donate.
Yung mga Brad na hindi nakuhaan, o may pasok noong Blood Letting na ginanap sa Mulawin, ay talaga namang bumawi sa pag donate ng dugo dito sa Blood Letting ng Red Cross.
FOLLOW us on our SOCIAL MEDIA accounts.
ππππππ
YouTube: https://www.youtube.com/
Facebook: https://www.facebook.com/TGPMCPasay/
NOVEMBER 19, 2023 - SUNDAY
Year-end Weekly Clean Up Drive.
Salamat sa lahat ng mga Brad na nakakasama palagi sa ating weekly drive. Mula noon hanggang ngayon, nabago man ang taon, patuloy na nag bibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan at naglilinis ng ating komuniad.
Magkita kita ulit tayong lahat next year mga kapatid. At sa mga kalugar namin, next year niyo na po ulit kami makikita inyong mga labas tuwing linggo ng umaga. Maraming salamat sa patuloy na pag suporta mga kalugar!
FOLLOW us on our SOCIAL MEDIA accounts.
ππππππ
YouTube: https://www.youtube.com/
Facebook: https://www.facebook.com/TGPMCPasay/
NOVEMBER 12, 2023 - SUNDAY
BLOODLETTING DRIVE partnered with NATIONAL CHILDREN HOSPITAL BLOOD BANK.
Nais po namin na mag pasalamat sa lahat ng mga Brad, Kuya (Eagles), Brgy Officials, Constituents ng Brgy 182 and 181 na nag donate sa Bloodletting na ito na ginanap sa Mulawin Court.
Patuloy po ang ating Blood Letting Drive, na sinimulan natin mula noon hanggang ngayon, sinimulan po ito ng aming Adviser Tol PapaDhan Sarabia na siyang naging proyekto na ng aming mahal na kapatiran simula ng kami ay ma-revive noong August 2019.
Salamat sa mga sumusunod...
TAU GAMMA PHI "Bayanihan Chapter"
Supreme Maharlikans Eagles Club - TFOE Inc
Brgy Officials of 182 and 181
Constituents of Brgy 182 and 181
Mga kalugar nating napadaan lang tapos nag donate.
Maraming maraming salamat po sa inyo patuloy na pag tangkilik sa aming proyekto. Marami po tayong matutulungan sa Blood Letting Drive na amin pong ginagawa mula noon hanggang ngayon.
Siyempre salamat po sa aming punong abala, Mommy Jhoy Gose Sarabia para po sa foods ng ating mga Doctor. Salamat po sa palaging pag suporta sa aming kapatiran.
Salute sa lahat ng mga Brad ng Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City at TAU GAMMA PHI "Bayanihan Chapter" na nag donate. Mag kita kita ulit tayo after 3 months! Salute!
FOLLOW us on our SOCIAL MEDIA accounts.
ππππππ
YouTube: https://www.youtube.com/
Facebook: https://www.facebook.com/TGPMCPasay/
NOVEMBER 25, 2023 - SUNDAY
In celebration of the 14th Founding Anniversary of Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City, these 5 individuals rise to the top and became this year's Most Enthusiastic Brod. Kudos to all of you Brod! May the TCOC guide you well in your life and endeavor!
Taon taon na tradition na bigyan ng award at pag recognize ang mga natatanging Brad na nag bigay ng kanilang oras, dedikasyon, at panahon para sa ating mahal na kapatiran.
Congratulations mga kapatid! Ipag patuloy ang inyong mabuting gawain!
1. Tol Yani
2. Tol Jhier
3. Tol Icho
4-5. Tol Aidan
4-5. Tol Kano
Kayo ang limang natatanging Brad na napili ng ating Chapter upang maging Most Enthusiastic Brod of the Year 2023. Nawa'y mas mahalin niyo pa ang ating kapatiran at patuloy na mag silbe sa lipunan.
Salute sa ating MKC na ngayon Pasay Council Secretary, Tol Sean Exikhiel Sison Miraflores para sa mga pa FS. Good luck sa'yo tol sa Pasay Council. Capital E!
FOLLOW us on our SOCIAL MEDIA accounts.
ππππππ
YouTube: https://www.youtube.com/
Facebook: https://www.facebook.com/TGPMCPasay/
NOVEMBER 25, 2023 - SATURDAY
"A DECADE and FOUR YEARS of service in our community"
14 years na pag tuloy sa pag lilingkod, pag tulong, at pag mamahal sa komunidad. Ang aking mahal na kapatiran na siyang naging gabay sa buhay at sa pag unlad.
Happy 14th Founding Anniversary Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City. Ipagtuloy ang ating nasimulan, isang mabuting hangarin, ang makatulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit. Ang patuloy at ganap nag pag lilingkod!
Ariba Tau Gamma Phi!
Ariba Mulawin Chapter!
Salute mga kapatid!
FOLLOW us on our SOCIAL MEDIA accounts.
ππππππ
YouTube: https://www.youtube.com/
Facebook: https://www.facebook.com/TGPMCPasay/
Let's roll up our sleeves and donate blood, because your blood save life!
Mga ka-FRATid! Mag kita kita tayong lahat ngayong darating na linggo (NOVEMBER 12, 2023 - SUNDAY) sa MULAWIN BASKETBALL COURT para sa ating BLOOD DONATION DRIVE!
Ito po ay bukas sa lahat ng mga ka-lugar natin na nais na mag donate ng dugo. Maganda din po itong gawin upang mapalitan din ang ating dugo sa katawan at isa itong tulong na hindi matutumbasan.
Mula noon, hanggang ngayon, kaagapay niyo po kami kapag usaping dugo. Kaya nawa'y patuloy niyo pong suportahan at tangkilikin nag proyektong ito!
Maraming salamat sa lahat ng aming magiging kasama.
Lalong lalo na sa Major Sponsor na
National Children's Hospital
At sa mga makakasama..
TAU GAMMA PHI "Bayanihan Chapter"
Supreme Maharlikans Eagles Club
Tau Gamma Phi - Mulawin Chapter, Pasay City
Mag kita kita tayong lahat mga kasama, at patuloy tayong maging mabuting mamayan sa ating lugar sa pag tulong sa bagay na mayroon tayo! See you!
FOLLOW us on our SOCIAL MEDIA accounts.
ππππππ
YouTube: https://www.youtube.com/
Facebook: https://www.facebook.com/TGPMCPasay/
OCTOBER 13, 2023 - FRIDAY
Mula sa pamamalengke hanggang sa pag luluto, ito po ay ginagawa ng ating mga Brad. Hanggang sa pag babalot ng pagkain.
Hindi alintana ang usok ng kahoy sa pinag lulutuan at ang ulan para makapag bigay sa mga nangangailangan nating mga kababayan. Kaya kung nakikita niyo man na may nakahuad, basa na po kami ng ulan sa mga pagkakataon na yan.
Tuloy tuloy lang po ang pag bibigay. Wala po tayong hinihiling na kapalit.
Salute sa mga Brad na palaging nandiyan.
FOLLOW us on our SOCIAL MEDIA accounts.
ππππππ
YouTube: https://www.youtube.com/
Facebook: https://www.facebook.com/TGPMCPasay/
OCTOBER 13, 2023 - FRIDAY
Hindi natatapos ang pagtulong ng ating mahal na kapatiran ating lugarin lamang o sa Barangay. Kung saan po kami kinakailangan, doon ay mag bibigay kami ng tulong sa abot ng aming makakayanan.
Kamukha po nitong nangyari na sunog sa ating kalapit Barangay. Nag paabot po ang ating mahal na Kapatiran ng kaunting tulong para pantawid hapunan po ng ating mga kababayan po na biktima ng sunog.
Maraming salamat sa lahat ng mga ka-FRATid na nag bigay at nag paabot ng tulong para sa mga taong nangangailangan.
FOLLOW us on our SOCIAL MEDIA accounts.
ππππππ
YouTube: https://www.youtube.com/
Facebook: https://www.facebook.com/TGPMCPasay/
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Mulawin
Pasay City
1300
Pasay City, 1300
Please also LIKE and follow our PCA Alumni FB Page: https://www.facebook.com/AlumniAssociationOfPCA
Coral Way Street
Pasay City, 1300
Official page of a student organization at National University MOA Psychology Department
Pasay City, 1300
A Community where people coordinate with one another while strengthening its own chapter.
Pasay City, 1300
Western Pigeon Fanciers Club >>>>Pasay station<<<< οΏ½Bagong sistema οΏ½Bagong rules na maganda οΏ½Bagong clocking sytem οΏ½Bagong truck
Pasay City
The Official Page of TSA-One New Zealand Employee Engagement. #TSAALLTHEWAY
B83 L16 14th-25th Street Brgy. 183 Villamor Air Base
Pasay City, 1309
VABCSI is an educational ministry of Villamor Air Base Evangelical Church. It caters children from 4