112 Kasama Partylist - CollabTeam
This Page is dedicated to support the winning chances of KASAMA Partylist in the May 2022 Election.
“Kapag ang isang tao ay namatay, ang kanyang mga gawa ay nawawala maliban sa tatlong bagay: Ang kanyang kawanggawa, kaalaman na nakinabang ang iba, at isang matuwid na anak na nagsusumamo para sa kanya."
- Jami` at-Tirmidhi
Ingat, mga KASAMA!
Ngayong panahon ng eleksyon at kampanyahan, hindi nating maiiwasang makilahok sa maraming tao upang ipangampanya ang ating mga kandidato lalung lalu na ang ating pinakamamahal na KASAMA Partylist. Ngayong panahong ito, mahalagang mayroon tayong proteksyon at pag-iingat saan man tayo naroon!
Mahalagang mapalakas natin ang ating resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain at pag-inom ng vitamins. Samahan pa natin ng ehersisyo at pagsunod sa minimum health protocols, tiyak na tayo'y makakaiwas at may panlaban sa COVID-19!
Ito'y atin na laging naririnig sa doktor at kahit sa mga nakakatanda ngunit ito'y atin pa rin pinapaalala sapagkat mahalaga po kayo sa aming mga puso. Kasabay ng ating paglilingkod sa pagpapabuti ng bayan, may kaakibat na responsibilidad din tayong lahat na mag-ingat at pangalagaan ang sarili!
Walang tubig?! Walang kuryente?!
Napapadalas na ang pag-ulan sa iba't-ibang parte ng ating bansa at nariyan na rin ang pagbabanta ng mga bagyo. Sa mga panahong ito, apektadong-apektado na naman ang ating tubig at kuryente. Sa pagbuhos ng malakas na ulan, mawawalan ng kuryente. Isama pa natin dito ang pagkawala ng tubig o kung hindi man, ang pagdumi nito!
Ang kailangan nati'y matibay na mga kagamitan at magagandang disenyo ng mga inprastraktura ng tubig at kuryente! Sa ating pagpapaganda ng mga kagamiting pangkuryente at pangtubig, mas maiiwasan na natin ang pagkawala ng mga pangunahin nating pangangailangan sa oras ng malakas na ulan at pagbagyo.
MagkaKASAMA, atin itong magagawa!
Hindi kalilimutan, ating mga KASAMAng OFWs!
Sa tala ng PSA, 1.77 milyon ang bilang ng ating mga OFW noong Abril hanggang Septyembre 2020. Tunay na sakripsyo ang ibinibigay ng ating mga OFWs upang masuntentuhan ang kani-kanilang mga pamilya at ganoon na rin ay matulungan ang ating ekonomiya. Hindi madaling malayo sa bayang sinilangan at hindi madaling malayo sa ating pamilya't mga kaibigan. Ngunit naroon sila upang tayo'y mabigyan ng magandang bukas.
Bukod sa ating walang hanggang pasasalamat, atin din bibigyang pansin ang pangangailangan ng ating mga kasamang OFWs mula sa mga trainings bago umalis dito sa Pilipinas at ganoon na rin sa pagprotekta sa kanilang mga karapatan. Atin pong pangangalagaan ang sariling atin kahit nasa banyagang lupain sapagkat tayo'y magkaKASAMA!
KASAMA Partylist - kasama natin saan man tayo naroon!
Saludo sa ating mga magigiting!
Araw ngayon ng Kagitingan at ating inaalala ang mga magigiting nating sundalong sumabak sa Bataan Death March at nilakad ang 140 kilometro mula Bataan hanggang San Fernando, Pampanga at ganun na rin ang Fall of Bataan.
Bagama't hindi natin magagawa ngayon ang ginawa ng ating mga magigiting na sundalo, maaari pa rin tayong maging magiting sa ating mga sari-sariliing paraan. Sa ating paggawa ng mabuti at pagmamahal para sa ating bayan, tayo'y nagiging magiting din gaya ng ating mga sundalo noong ikalawang pandaigidigang digmaan.
Kagitingan ating natutunan; ang ating natutunan, ating isabuhay!
Isang makabuluhang Araw ng Kagitingan, mga KASAMA!
Papayag ka ba na hindi doktor ang manggagamot sa iyo sa oras na magkaroon ka ng malubhang sakit?
Ganun din dapat tayo sa pagpili ng ating mga lider na magiging daan upang makaahon tayo sa anumang hirap ng buhay ng ating nararanasan. Mahalagang may kakayahan at karanasan ang ating mga mamumuno upang tiyak na hindi na tayo mananatili na lamang sa ating kinalalagyan.
Tunay na lider ang kailangan, tunay na lider ang pag-asa!
Halina't suportahan ang ating KASAMA Partylist na may kakayahan at karanasan sa pagiging daan sa pagkakaisa lalu't higit sa pagsasama ng mga naiiwanang sektor ng lipunan!
Ngayong darating na Mayo 9, ating hanapin sa likod ng balota ang no. 112 na may pangalang "KASAMA" at itiman ng buo ang bilog na katapat nito.
Sa ating pagpiling ito, malaki ang magagawa nito para sa ating kinabukasan!
"Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko"
Ang trabaho ng ating mga KASAMAng magsasaka ay tunay na hindi biro. Umaraw man o umulan, nariyan sila upang magtanim na tayong mga Pilipino ang nakikinabang. Nakikinabang hindi lamang sa kanilang mga ani kundi na rin sa ambag sa ekonimiya ng ating mga KASAMAng magsasaka.
Ngunit bakit tila ang pagsasaka ay natatatagurian pa ring "poor man's sector"? Bakit hindi sapat ang kinikita ng ating mga kasama sa kabila ng malaking ambag ng pagsasaka at ng agrikultura sa ating lipunan?
Ito po ang isa sa ating bibigyang pansin. Natatama lamang na mabigyan ng sapat at malaking sahod ang ating mga magsasaka sapagkat bukod sa kay hirap na ng trabahong ito, napakalaki ng ambag nito sa ating bansa. Sa ating kaning laging kinakain, kasama riyan ang pagpapagal ng isang magsasaka.
Hahayaan ba nating hindi sapat ang makuha ng ating mga KASAMAng magsasaka habang tayo'y binubusog ng kanilang mga gawa? Syempre, hindi!
Sa ating KASAMA Partylist, kasama natin at itataguyod ang karapatan ng mga magsasaka!
KASAMA PartyList!💚
#112 sa BALOTA
Ramadan Kareem!💚
Paano iboto ang KASAMA Partylist? 1. Tingnan ang likod ng Balota; 2. Sa gitna ng ikatlong hanay, hanapin ang 112. KASAMA; at, 3. Itiman nang buo ang bilog ng 112. KASAMA.
KASAMA SA KAMPANYA NG ADMINISTRASYON -- Gaganapin ngayon ang orientation ng ruling party na sasama sa campaign sorties papuntang Wao, ang pinaka-nahihiwalay na bayan ng Lanao del Sur. Kabilang sa grupo ang isang Team ng KASAMA Partylist na kaalyado ng administration.
Sa likod ng Balota
112 KASAMA
Kita mo palang may problema, bakit hindi ka kumilos?
Yan ang laging sambit ng mga nakatatanda sa tuwing wala tayong ginagawa pag may nakita tayong kalat sa bahay, hugasing pinggan, at mga bagay na nakakalat na maaaring makasakit sa atin at sa ating mga kapamilya. Isang bagay ang nakikita ang problema at isa rin naman ang may ginagawa tungkol dito.
Sa ating KASAMA Partylist, nakikita natin ang problema sa kabuhayan, sa kalusugan, sa kahirapan, sa kakulangan ng internet at ang problema sa kuryente. Malinaw sa mga nakita nating datos na ang lahat ng ito’y patuloy pa ring pinoproblema ng ating kapwa Pilipino.
Sa ating KASAMA Partylist, hindi lamang palamuti ang kahulugan ng ating pangalan. Tayo’y magkaKASAMA at sa isang samahan, hindi tayo magpipikit mata sa mga problema ng ating mga KASAMA! Ito’y ating aaksyonan at gagawing prayoridad ang interes ng ating mga KASAMAng nangangailangan!
KASAMA Partylist – nakikita at umaaksyon sa anumang problema! No. 112 po sa balota!
Ang KASAMA Partylist Collaboration Team ay inisyatibang bumuo ng dynamic network upang mangampanya, mag-organisa at magmobilisa ng karagdagang boto na katumbas ng isang Congressional seat. Ito ay pinangungunahan ng matataas na opisyal ng BCOBAR Federation at mga alyadong grupo sa layunin na ipagpatuloy ang laban nito sa pagsusulong ng mga imperative legislations.
Nananawagan ang CollabTeam sa mga leaders at Chapters ng BCOBAR Federation sa buong bansa na makipag-ugnayan upang mapabilis ang membership process at mapapabilang ang bawat isa sa KASAMA Constituency na siyang basehan sa budgetary appropriation ng mga "hard" at "soft" projects na kapaki-pakinabang sa mga lehitimong miyembro.
Iclick lang po ang message tab sa baba at isend ang inyong mensahe kalakip ng inyong fullname, contact number, pollcenter address o eskwelahang binubutuhan.
"Ang pinakamaawaing tao ay siyang nagpapatawad kahit kaya niyang maghiganti"
- Imam Hussain a.s.
Kasama sa KABUHAYAN, KALUSUGAN at KAALAMAN!
KONEKSYON NG MAMAMAYAN -- Dahil sa pandemya, mas kinailangan natin ang internet connection para sa ating mga trabaho, pag-aaral, at pakikipag-usap sa mga malayo sa atin. Patas lamang sabihin na hindi pa ganoon kaayos ang koneksyong ito sa ating bansa. Anong magagawa? Aayusin natin ng magKASAMA!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Nagpayong Elementary School
Pasig
ADB Tower ADB Avenue Ortigas Center Pasig
Pasig, 1605
Ortigas Center Pasig City
Pasig, 1605
Ricky Taruc.Bacolod Chairman Federal Party of the Philippines
ADB Avenue Ortigas Center
Pasig, 1605
Ricky Taruc Bacolod Chairman Federal Party of the Philippines
ADB TOWER ADB Avenue ORTIGAS CENTER PASIG
Pasig, 1605
RICKY TARUC BACOLOD CHAIRMAN FEDERAL PARTY OF THE PHILIPPINES
ADB Tower ADB Avenue Ortigas Pasig
Pasig, 1605
Ricky Taruc Bacolod Chairman Federal Media Taskforce Humanitarias
ADB Tower Ortigas Center
Pasig, 1605
Ricky Taruc Bacolod Chairman Federal Party of the Philippines Federal Media News Affairs Association Corp
Pearl Drive, Ortigas Center, 1605 Metro Manila
Pasig, 1609
DemocraCity was created to promote, inform, and empower. We empower by promoting the importance of exercising our rights. Informing the youth of our choice gives us the power to sh...
Grand Emerald Tower Ortigas Center
Pasig, 1605
Ricky Taruc Bacolod Chairman Federal Party of the Philippines Whatsapp+639273736961
ADB Tower ADB Avenue Ortigas Center
Pasig, 1605
Ricky Taruc Bacolod Chairman Federal Party of the Philippines