Pasig City General Hospital Department of Surgery Tele-OPD

Pasig City General Hospital Department of Surgery Tele-OPD

PCGH Surgery Department site for Teleconsults

30/03/2021

Paalala po sa mga nais magpakonsulta

Ang Pasig City General Hospital Department of Surgery Tele-OPD ay sinimulan upang matugunan ang konsulta ng mga pasyente na nangangailangan ng operasyon/Surgery patients
Halimbawa:
1.) May bukol sa Leeg
2.) May bukol sa Suso
3.) May bukol sa tyan
4.) May bukol sa braso,binti etc
5.) Almoranas
6.) Luslos
7.) Pananakit ng tyan dahil sa bukol sa tyan or dahil sa pagkakaroon ng bato sa apdo
8.) Bali sa buto
9.) Mga kondisyong sa pagihi na nangangailangan ng opera
10.) Mga kondisyong na nangangailangan ng opera sa mga bata (mas mainam n nakita muna ng Pediatrician)

Para sa mga konsulta para sa kondisyong medical, konsulta sa pagbubuntis,problema sa obaryo o matres,konsultang medical sa mga bata, maari pong tumawag sa pcgh hotline 8643-3333 at magpaischedule ng konsulta sa tamang department (Internal Medicine, OB Gyne, Pediatrics etc)

Salamat po

29/03/2021

Mga Update tungkol sa Tele-OPD ng Pasig City General Department of Surgery

Ang Tele-OPD ay sinimulan para sa mga pasyente na nais magpakonsulta tungkol sa kanilang kondisyon na nangangailangan ng operasyon tulad ng:
1.) Bukol sa leeg, suso, tiyan, ibang bahagi ng katawan
2.) Luslos
4.) Almoranas
5.) Pananakit ng tiyan dahil sa mga kondisyon na nangagangailangan ng operasyon tulad ng bukol, bato sa apdo etc.
6 ) Fracture/bali sa buto
7.) Problema sa pagihi n nangangailangan ng opera
8.) Problema sa mga bata n nangangailangan ng operasyon

Mga Hakbang sa Teleconsult

1.) Hanapin ang page: Pasig City General Hospital Department of Surgery Tele-OPD

2.) Magpadala ng private message via Facebook Messenger sa page na ito kung nais magpakonsulta.
-- Siguraduhin na sa Pasig City General Hospital Department of Surgery Tele-OPD na page po magpapadala ng mensahe
-- Magpadala ng mensahe gamit ang Facebook Messenger sa Page kasama ang mga sumusunod na detalye
Pangalan
Edad
Dahilan ng konsulta
-- para sa inyong privacy, maari pong huwag sa comment ilagay ang reason for checkup

3.) Kami ay personal na sasagot at magpapadala ng mensahe gamit ang Facebook Messenger App mula 8:00AM hanggang 5:00PM mula Lunes hanggang Biyernes

4.) Depende sa inyong konsulta, maaari kami humingi ng litrato (halimbawa: sugat, bukol n ikinokonsulta), o mag-schedule ng video call

5.) Ang mga reseta, laboratory request ay aming gagawin at ipadala sa Facebook Messenger

6.) Para sa mga problem and kailangan ng personal na konsulta, ibibigay namin sa inyo ang schedule ng konsulta at pagbigay ng reseta at request ng laboratory tests

PAALALA
1.) Para sa ibang mga ikokonsulta tulad ng problemang medikal, Check-up sa mga buntis, problema sa obaryo o matres, problemang medikal sa mga bata, maaari pong tumawag sa hotline ng PCGH (86433333) at magpakonekta sa Outpatient Department para sa pagpapaschedule

2.) dahil sa kasalukyang pandemya at pagtaas ng kaso ng COVID19, maaring magkaroon ng delay/pagbabago ng pagschedule ng personal na konsulta depende sa guidelines na ipapatupad.

3.) Aming gagawin ang aming makakaya upang masagot ang inyong katanungan sa pinakamaagang oras n makakaya ngunit dahil sa ibang mga tungkulin sa hospital na aming ginagampanan ay maaring may kaunting delay sa aming pagsagot sa inyong mensahe

Salamat po

25/03/2021

Nais namin ipaalam na magsisimula na ang Department of Surgery, Pasig City General Hospital na tumanggap ng konsulta online/Teleconsult.

Mga Hakbang sa Teleconsult

1.) Hanapin ang page: Pasig City General Hospital Department of Surgery Tele-OPD
2.) Magkomento sa page na ito kung nais magpakonsulta. (Hindi kailangan ilagay ang dahilan ng konsulta upang ingatan ang inyong privacy)
3.) Kami ay personal na sasagot at magpapadala ng mensahe gamit ang Facebook Messenger App
4.) Depende sa inyong konsulta, maaari kami humingi ng litrato (halimbawa: sugat, bukol n ikinokonsulta), o mag-schedule ng video call
5.) Ang mga reseta, laboratory request ay aming gagawin at ipadala sa Facebook Messenger
6.) Para sa mga problem and kailangan ng personal na konsulta, ibibigay namin sa inyo ang schedule ng konsulta at pagbigay ng reseta at request ng laboratory tests

Paunawa: dahil sa kasalukyang pandemya at pagtaas ng kaso ng COVID19, maaring magkaroon ng delay/pagbabago ng pagschedule ng personal na konsulta depende sa guidelines na ipapatupad

Salamat po

Website

Address


Pasig