ACC R12 - St. Joseph the Worker Chapel

Apostolic Catholic Church
Diocese of Our Lady of the Palm
St. Joseph the Worker Chapel
Pasig City

26/09/2023

Little Señor Noemi 2023
Angelito Mark Genesis Vargas
Pasig 3

26/09/2023

Thank you for representing our District Hijas Roxanne Vargas 😊

Presenting the candidates from different Districts and Parishes for our Mutya ng Palma 2023.
Show your support to your candidates through Like and Sharing of Fb Post.
Maligayang Pasko sa Oktubre ACC! Praise to you Child Jesus! Viva Senor Noemi!

08/09/2023
08/09/2023

September 8, The Nativity Of MARY
Today, we honor the pure heart and unwavering faith of the Blessed Virgin Mary.

They all joined together constantly in prayer, along with the women and Mary the mother of Jesus, and with his brothers.
Acts 1:14

06/07/2023

LOCALIZED MARIAN CELEBRATION
Novena Mass Sponsors .

magkita kita po tayo sa siyam na araw ng Misa Nobenaryo para sa ating gagawing kauna-unahan Local Marian Celebration sa ganap na ika-4 ng hapon sa ating distrito ng Pasig 3!

Photos from ACC R12 - St. Joseph the Worker Chapel's post 28/05/2023

Congratulations Hijas de Maria Mary Rose Bonafe of Pasig 3.
Our Reyna Emperatriz 2023 Mula sa Rehiyon ng Nuestra Señora Dela Palma (Region 12),

28/05/2023

DIOCESE OF OUR LADY OF THE PALM

Photos from Apostolic Catholic Church's post 28/05/2023
25/05/2023

Hijas de Maria Mary Rose Bonafe

Diocese of Our Lady of the Palm
City of Pasig

06/05/2023

Congratulations po sa lahat ng ating Winners sa naganap na Raffle Draw (May 6, 2023).

Ang buong Distrito ng Pasig 3 po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng bumili ng Ticket at tumangkilik sa Proyektong "RAFFLE FOR A CAUSE - HELP US MAKE NEW FACES OF ALTAR OF ST.JOSEPH THE WORKER CHAPEL" ng Distrito ng Pasig 3.

Ang lahat ng nalikom po ng proyektong ito ay ang pagsisimula ng Renovation ng Altar ni San Jose Manggagawa.

Muli po, Congratulations po sa mga nanalo at maraming salamat po 😊

Ang Mahal na Ingkong , Mahal na Ina At San Jose Manggagawa po ang magbabalik ng biyayang siksik, liglig at umaapaw!

04/05/2023

Ito na po ang magiging Bagong Mukha ng Ating Kapilya ang San Jose Manggagawa.

Sa mga nagnanais po mag donate ng In-Kind katulad po ng mga Pako, Bakal, Semento, Hallow Blocks, Etc. Pwede po ninyo dalhin ang inyo pong Donations sa ating kapilya.

Sa mga gusto naman po mag donate ng Cash pwede po ninyo ito ihulog sa aming Gcash number 09666428504.

Maraming Salamat po . Ang Mahal na Ingkong , Mahal na Ina At San Jose Manggagawa po ang magbabalik ng biyayang ipagkakaloob po natin 😊

Photos from ACC R12 - St. Joseph the Worker Chapel's post 01/05/2023

Maraming Salamat sa ating Grand Hermano Y Hermana 2023!

Photos from ACC R12 - St. Joseph the Worker Chapel's post 01/05/2023

Maraming Salamat po sa ating District Hermano Y Hermana 2023!

Photos from ACC R12 - St. Joseph the Worker Chapel's post 01/05/2023

Maraming Salamat po sa ating mga Confradia 2023.

Photos from ACC R12 - St. Joseph the Worker Chapel's post 01/05/2023

Happy Feast day St.Joseph the Worker!

01/05/2023

O kapuri-puring San Jose, mula sa pag-ibig mong taglay kay
Hesus, at sa kaluwalhatian ng kanyang ngalan,
Dinggin mo ang aming panalangin at makamtan nawa ang aming
kahilingan. AMEN!
SAN JOSE, KABIYAK NA PUSO NI MARIA AT AMING PATRON
IPANALANGIN MO KAMI!

Happy Feast Day sa Aming Patron ang San Jose Manggagawa.

VIVA ST.JOSEPH THE WORKER ! VIVA !

30/04/2023

Panalangin sa ika-siyam na araw
O makapangyarihang Diyos, maawaing Ama sa pagninilay sa buhay
ni San Jose at sa pamamagitan niya buong kababaang-loob akong
nananalig sa Iyo na sa huling sandali ng aking buhay dito sa lupa ako
ay maging karapat-dapat sa Iyo upang makamit ko ang biyayang
makasapit sa iyong piling sa langit.
Patawarin mo po ang lahat ng aking pagkakasala. Kalimutan po ninyo
ang lahat ng aking mga pagkukulang. Maawa po Kayo sa aking
abang katauhan. Buong kabutihang-loob mo pong pagkalooban ako
ng buhay na walang hanggan. Dalhin mo po ako sa langit upang ikaw
ay makapiling. At nawa’y buong giliw kong marinig ang iyong
maaasahang tinig, “Ngayon ikaw ay makakasama ko sa paraiso”
(Lucas 23:43). Amen

30/04/2023

Panalangin sa ika-walong araw
O makapangyarihang Diyos, maawaing Ama sa patnubay ni San
Jose, ipagkaloob mo sa amin ang iyong biyaya. Liwanagan mo kami
upang kami ay makagawa nang may katapatan at mapayapa.
Pasiglahin mo kami, gawin kaming masipag at masugid sa aming
mga tungkulin. Ipag-adya mo kami sa katamaran at pandaraya. Iligtas
mo kami mula sa inggitan, pasikatan at samaan ng loob.
Sa pamamagitan ni San Jose, hinihiling namin nawa’y hindi kami
mahuli sa aming deadlines. Nawa’y aming maabot ang aming
ninanais. Nawa’y kami ay palaging ligtas at malakas. At sa
pagtatapos ng araw o ng panahon makamit nawa namin ang
magandang bunga, makakuha ng mabuting ani at makarinig ng
masasayang papuri. Amen.

29/04/2023

Ave Maria Purissima!
Cin Pecado Con Su Vida!

Iniimbitahan po namin kayo para samahan kami na ipagdiwang ang ika-walong taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Kapilya ni San Jose Manggagawa at ang Kauna-unahang Confraternity ni San Jose. Sa darating na May 1, 2023 , 3pm . Maraming Salamat po.

Magkita kita po tayo 😊

28/04/2023

Panalangin sa ika-pitong araw
O makapangyarihang Diyos, maawaing Ama gabayan po ninyo
kami tulad ng inyong ginawa kay San Jose upang matularan
namin ang halimbawa niya. Hanapain nawa namin ang aming
mga kapatid na nawawala o nagkamali o nalihis ng daan.
Magkaroon nawa kami ng habag at awa, hindi pagmamataas;
pagtatanggap, hindi pagkutya; pag-unawa, hindi paghusga;
pagmamahal, at hindi pagtalikod. Pagkalooban po ninyo kami, O
makapangyarihang Diyos, maawaing Ama, ng inyong biyaya
upang lagi kaming tumawag sa Inyo, nagbabalik sa Inyong piling
at tapat na mananatili sa Inyo hanggang sa wakas. Amen.

27/04/2023

Panalangin sa ika-anim araw
O makapangyarihang Diyos, maawaing Ama Ikaw ang aming
bukas-palad na tagapagbigay. Ikaw ang aming mapagpalang
tagapag-alaga. Dala ng buong pusong pagmamalasakit ni San
Jose at ng kanyang walang pasubaling pagsunod sa Iyo,
iniaalay namin sa Iyo ang aming kalakasan at kagalingan, ang
aming panahon at kayamanan ang aming katungkulan at
kakayahan. Hubugin mo kami para sa Iyong kadakilaan.
Gamitin mo kami ayon sa iyong pamamaraan. At gawin mo kami
na iyong matatapat at mga matuwid na manggagawa sa iyong
ubasan. Amen.

26/04/2023

Panalangin sa ika-limang araw
O makapangyarihang Diyos, maawaing Ama kung paano po ninyo
pinatnubayan si San Jose tungo sa kaligtasan sa kanyang paglalakbay sa
ibang bayan gabayan mo po kami sa aming paglalakbay dito sa lupang
ibabaw upang aming matahak ang tamang landas. Samahan at sabayan mo
po kami upang maging ligtas kami at malayo sa kapahamakan at mga
kasalanan. Pangunahan po ninyo kami upang makasulong kami at marating
namin ang aming patutunguhan.
Kung paano po ninyo inalalayan si San Jose tungo sa isang mapayapang
pagtira sa ibang bayan, bigyan mo po kami ng kalakasan sa pagpapatuloy
ng aming paglalakbay. Nawa ang aming mga daan ay maging madali at
maigsi. Nawa ang aming tirahan ay maging mapayapa at maginhawa. Nawa
ang aming mga gawain ay maging mabunga at masagana. At kung kami ay
malihis ng daan o makalimot sa Iyo tawagin po ninyo kami at ibalik na muli
sa Inyong piling. Amen.

25/04/2023

Panalangin sa ika-apat araw
O makapangyarihang Diyos, maawaing Ama Ikaw ay palaging
sumusubaybay kay San Jose kasama, kaisa at hindi malayo. Ipinahayag mo
ang iyong banal na plano sa kanya. Pinangunahan mo siya sa kanyang
gawain at pamumuhay. At si San Jose ay sumusunod sa iyo, tinupad ang
iyong kalooban.
Sa pamamagitan ni San Jose may kababaang-loob naming hinihiling ang
biyaya at patnubay na Iyong ibinigay upang maging matagumpay ang aming
mga gawain at matupad ang Iyong mga kautusan. Tulungan din po ninyo
kami na maisagawa ang aming mga balakin. Matupad ang aming mga
pangarap. Matupad ang aming mga sinimulan. Matupad ang mga kahilingan
sa buhay.
Sa pangunguna ni San Jose, nawa’y makaranas kami ng kagalakan sa
kabila ng pagkabigo. Kapayapaan sa kabila ng maraming alalahanin. Pagasa sa kabila ng pagkadapa. At pasasalamat para sa mga kasagutan sa
aming mga suliranin.
Nawa’y aming simulan at tapusin ang bawat araw, ang aming aming bawat
gawain sa patnubay ni San Jose sa pamamagitan Ninyo, kasama Ninyo at
para sa Inyo Amen.
Ama Namin…
Aba Ginoong Maria....
Luwalhati…..
Litanya ni San Jose…

24/04/2023

Panalangin sa ikatlong araw
O makapangyarihang Diyos, maawaing Ama tulungan po ninyo ako
na matutunan ang mga halimbawa ni San Jose. At pagkalooban po
ninyo ako ng biyaya na maisabuhay ko ang mga ito. Huwag nawang
ang aking mga pansariling kagustuhan o hilig ang maghari sa akin,
bagkus ako ay nararapat na lumapit at magtiwala sa Iyo. Huwag
nawang ang aking mga makasariling pananaw o puna ang manguna
sa aking mga pasiya, bagkus ako ay nararapat sumunod sa iyong
kagustuhan at kalooban. Huwag nawang ang panlabas na anyo ang
gayahin o unahin, Bagkus ako ay nararapat maging handang
magmalasakit at magpakasakit. At tulad ni San Jose, gabayan po
ninyo ako sa pamumuhay na tahimik at matuwid ko nawang
magampanan ang aking mga tungkulin. Amen

Photos from ACC Region 12 - Palma Block Rosary Movement 's post 23/04/2023
23/04/2023

Panalangin sa ikalawang araw
O Makapangyarihang Diyos, maawaing Ama mula sa patnubay ni San
Jose at ng kanyang matibay na pamamagitan itinataas ko sa Iyo ang
aking mag-anak. At may kababaang loob kong hinihiling sa Iyo,
Mangyari nawa na ang aking mag-anak ay nagkakaisa at buo.
Mangyari nawa na ang aking tahanan ay mapayapa at maayos.
Mangyari nawa na ang aking mga anak ay malulusog at ligtas.
Mangyari nawa na kami ay tapat at nagmamahal sa isa’t-isa.
Mangyari nawa na kami ay magtagumpay sa aming mga trabaho.
At mangyari nawana ang aming mga panalangin at pangarap para sa
bawat isa ay magkatotoo. Amen.

23/04/2023

Panalangin sa unang araw
O makapangyarihang Diyos, maawaing Ama sa oras ng kanyang pagaalinlangan ipinamalas mo kay San Jose ang iyong karunungan. Sa oras ng
kanyang pagkaligalig niliwanagan mo ang kanyang kaisipan. Sa kanyang
pagpapasiya, ipinahayag mo ang iyong banal na kalooban, at
pinagkalooban mo siya ng nararapat na biyaya. At sa kanyang pagkilos siya
ay iyong pinalakas.
Buong kababang-loob na isinasamo ko dahil sa iyong dakilang pag-ibig na
ipinagkaloob mo rin sa akin ang iyong ibinigay kay San Jose.
Sa aking pagkaligalig, liwanagan mo ang aking isipan.
Sa aking pagkatakot, bigyan mo ako ng kalakasan.
Sa aking kahinaan, pagkalooban mo ako ng tibay ng kalooban.
Sa aking mga pagdurusa pawiin mo ang aking mga luha.
Sa aking mga hapdi at sugat sa buhay, ako ay iyong aliwin at pagalingin.
Sa aking mga pangangailangan ako ay tawagan at pagbigyan.
Sa aking mga kasalanan, ako ay iyong patawarin.
At sa aking pagmamayabang at pagmamalaki, loobin mo pong ibaba ko ang
aking sarili at ako rin ay patahimikin. Amen.

21/04/2023

Ave Maria Purissima!
Cin Pecado Con Su Vida!

Iniimbitahan po namin kayo sa pagsisimula ng Novena para sa kapistahan ng ating Patron si San Jose Manggagawa April 22-April 30, 2023.

Pasisimulan po ito ng Pag-aalay ng Banal na Sto.Rosaryo , Novena para kay San Jose at Susundan po ng Santa Misa.

San Jose Manggagawa, Ama ng ating Panginoong Hesukristo.
Ipanalangin mo po kami!

Photos from ACC R12 - St. Joseph the Worker Chapel's post 16/04/2023

HELP US MAKE NEW FACES OF ALTAR OF ST.JOSEPH THE WORKER CHAPEL.

Sa nalalapit na kapistahan ni St.Joseph the Worker (May 1, 2023) ang Distrito ng Pasig 3 sa lugar ng Soldiers ay magkakaroon ng Proyekto na Raffle para sa layuning Renovation o bigyan ng bagong mukha ang Altar ng Mahal na Ingkong. Kaya naman kami po ay kumakatok sa inyong Puso sa Halagang 50 pesos po naririto po ang mga Premyo na maaari ninyong mapanalunan.

GRAND PRIZE - Brand new Phone (Infinix Zero X)
1st Prize - 5,000
2nd Prize - 3,000
3rd Prize - 2,000

1st 10 winners of 300 Cash
2nd 10 winners of 500 Cash

At sa mga nagnanais pong bumili ng ticket maaari lamang po kayo mag message.

Ngayon palang po nagpapasalamat na kami sa mga na una ng bimili ng ticket at sa mga bibili pa po Maraming maraming salamat po .
nakatulong kana , may chance ka pang manalo 😊

Pagpalain po tayong Lahat ng Mahal na Ingkong!

Photos from ACC R12 - St. Joseph the Worker Chapel's post 16/04/2023

"For I tell you, you will not see me again, until you say, ‘Blessed is he who comes in the name of the Lord.’” Matthew 23:29

Visitation Kamustahan With Apo Angela De Padua of Soldiers 😊

12/04/2023
10/04/2023

He is Risen !

Alleluya, Alleluya!

10/04/2023

Auxiliaries of Apostolic Catholic Church .

😇

02/04/2023
Photos from ACC R12 - St. Joseph the Worker Chapel's post 02/04/2023

Hossana sa Anak ni David
Hari ng Israel
Pinagpapa ang naparirito
Sa ngalang ng Panginoon

Hossana sa Kaitaasan
Hossana sa Kaitaasan.

Photos from ACC R12 - Diocese of Our Lady of the Palm's post 26/03/2023

Congratulations po sa inyong lahat na nagsipagtapos .
HepHep ! De Colores !

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Obedient Servant of God & Restorer of Good Health
Salamat sa pagbibigay inspirasyon mahal naming San Juan Florentino

Category

Website

Address

Soldiers Village
Pasig

Other Churches in Pasig (show all)
Online House Church Cainta - VCICM Online House Church Cainta - VCICM
0020/B GSIS Rd./Jenny's Avenue Rosario Village, Rosario
Pasig, 1609

A local church that caters online bible studies or house churches. Online House Churches are designed to reach people through social media platforms in able for them to know more a...

CCF Pastoral Area under B**g Saquing CCF Pastoral Area under B**g Saquing
Ortigas Avenue
Pasig

This page is exclusively for CCF Small Group members under the Pastoral Area of B**g Saquing. We created this avenue where you can ask your questions privately. Hope we can serve y...

NLCN NYI NLCN NYI
Pasig

Religious organization from the Church of the Nazarene Philippines who aims to proclaim the Word of

Bond of Brothers Bond of Brothers
Corner Ruby & Garnet Roads, Ortigas Center
Pasig

A singing group composed of Elders at GCF Ortigas that sings Hymns and Contemporary Gospel music

Basopi Pasig Metro Manila Basopi Pasig Metro Manila
Pasig

Basopi means (Born Again Sanctuary of Praise, inc.) in short we call it Basopi Pasig City since the church is located at C Raymundo Ave Pasig City, this church is open to all, we u...

God of Glory Evangelical Ministry - PASIG God of Glory Evangelical Ministry - PASIG
BLK 33 Borderline Nagpayong Pinagbuhatan
Pasig, 1602

Splendor of the king - 2 Corinthians 4:6

Ugong First Assembly of God Church Ugong First Assembly of God Church
41 C. Santos Street Brgy. Ugong
Pasig, 1604

Our Lady of Lourdes Chapel - Santa Rosa, Nueva Ecija Our Lady of Lourdes Chapel - Santa Rosa, Nueva Ecija
Pasig, 3101

Official Page of Our Lady of Lourdes Chapel - Santa Rosa, Nueva Ecija.

The House of Grace Pasig The House of Grace Pasig
Pasig

All are invited to join us in our Sunday Service.The House of Grace Pasig is Evangelical, Full Gospe

Philippine Antioch Church Philippine Antioch Church
Parc Chateau Condominium, Onyx Road
Pasig, 1605

Welcome to the Philippine Antioch Church. May we follow the footsteps of Christ with His grace!

G-Surge Church G-Surge Church
Pasig, 4225

CELEBRATION SERVICE Every Sunday 9AM Boulevard Covered Court, Purok IV, Rosario, Pasig City

IRM EC San Miguel IRM EC San Miguel
Salacot, San Miguel, Bulacan
Pasig

IRM-SMB fam