Joy Nostalg Foundation

VALUES
Commitment, Happiness, Responsibility, Integrity, Simplicity, Tenacity, Unity, Dynamism, Excellence

Joy~Nostalg Foundation (JNF) is a non-stock, non-profit institution established to empower the Filipino family in its dream of a better quality of life through responsible home ownership. From initially providing education sessions to Filipino families seeking to be future homeowners, JNF has since evolved to provide capacity building to Filipino households, particularly among blue-collared and co

16/06/2024

Laman ng puso ng isang ama ang seguridad ng kanyang anak. Kaya’t hindi maipagkakaila na ang kanilang pagsusumikap ay para sa atin.

Tara’t tunghayan ang kwento ni Kuya Kenneth, kung paano niya ginagampanang maigi ang pagiging haligi ng tahanan—hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa kanyang komunidad sa tulong ng JNF.

Ngayong Father’s Day, ating ibuhos ang pasasalamat sa mga amang patuloy na kumakayod upang tayo’y bigyan ng matibay na pundasyon.

Maligayang Araw ng mga Ama!

Watch the full video here: https://youtu.be/LaD10U3STRA?si=VfFB12odWZLAWAoS

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 14/06/2024

Ipinagdiwang ang makasaysayang pagtatapos ng kauna-unahang implementasyon ng Masayang Pamilya Teens Program sa Pasinaya, Sta. Maria, Bulacan, sa pangunguna ng JNF! 👏

Mahigit 100 participants ang dumalo—mga kabataang nakibahagi sa programa, mga magulang na buong pusong sumuporta, at mga Community Volunteers na katuwang sa tagumpay ng pagpapatupad ng mga gawain.

Sa pagkilala sa dedikasyon ng bawat isa, pinarangalan ang lahat ng lumahok at naging bahagi ng programa. Ang seremonya ay nagbigay-diin sa mahalagang papel ng komunidad sa pagpapatibay ng pamilyang Pilipino, lalo na para sa mga kabataan, sa pamamagitan ng edukasyon at aktibong partisipasyon.

Maraming salamat sa inyong lahat! Sama-sama nating itaguyod ang mas masayang pamilyang Pilipino! 👨‍👩‍👧‍👦

23/05/2024

Tunay nga, ang kabataan ang pag-asa ng bayan! Bilang mga mas nakatatanda, responsibilidad natin ang suportahan at paunlarin ang galing at talento ng mga kabataan.

Be inspired by Shine and her dedication to self-improvement through participation in various activities of the Joy~Nostalg Foundation (JNF). 🌟

Watch the full video here: https://youtu.be/NY_vjy7itiM?si=JDIyWVj1wpgN0geG

12/05/2024

Tapang, tiyaga, pasensya, pagpupursigi, at hindi nauubos na pagmamahal at suporta—ito ang ilan sa mga katangiang makikita natin sa mga minamahal nating ilaw ng tahanan.

Isang malaking responsibilidad ang ibinigay ng Diyos sa ating mga ina, tulad ni Ate Jean. Ngayong ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Ina, samahan natin si Ate Jean sa kanyang kamangha-manghang kwento ng pagpupursigi at pagtitiyaga upang seguruhing maayos niyang naibibigay ang kinakailangang suporta ng kanyang mga anak.

Bilang miyembro ng ating komunidad, bigyan natin ng espesyal na pagpapahalaga ang mga inang walang humpay na nagbibigay ng lahat para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyo.

Maligayang Araw ng mga Ina!

Panoorin ang buong video rito: https://www.youtube.com/watch?v=cjthatky1Mk

11/05/2024

Hindi birong maging ina, lalong lalo na kung ikaw ay ang isang working mom. Sa kabila ng mga hamon ng buhay, taglay ng bawat ina ang pag-asa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Tunghayan ang nakakainspire na kwento ni Ate Grace bilang isang working mom sa Pasinaya Homes. Alamin kung paano niya nagagamit ang mga aral mula sa mga programa ng Joy~Nostalg Foundation (JNF) sa kanyang pang-araw-araw na buhay. 🌟

Isang maagang pagbati ng Happy Mother’s Day sa lahat ng ilaw ng tahanan!

10/05/2024

WE'RE HIRING❗

Joy~Nostalg Foundation is looking for (25) twenty-five enumerators in Naic, Cavite and (5) five enumerators in Sta. Maria Bulacan who can join our team. Please send your application with Subject line Surname_Enumerator Application_Location Area (Ex: Dela Cruz _Enumerator Application_Bulacan).

For Bulacan applications: [email protected] and [email protected].

For Cavite applications: [email protected] and [email protected].

Contract: Short-term engagement

Location of the Enumerators:
- 25 in Cavite
- 5 in Bulacan

Scope of Work of the Enumerator:
- Conduct house to house surveys in the assigned community
- Report to JNF Team and community coordinators
- Encode accurate data using the survey tool
- All other responsibilities related to the conduct of the survey and the reporting of data

Expected Deliverables:
- Answered Survey Questionnaire based on Quota/day
- Accomplishment Report
- Photodocumentation

Qualifications for this position:
- At least 18 years old
- Availability on May - June 2024
- Strong communication and interpersonal skills
- Attention to detail and accuracy in data recording
- Ability to follow protocols and guidelines consistently
- Knowledge in using data collection tools such as Kobo, ODK and such is a plus
- Previous experience in data collection or survey administration is a plus
- Preferably residing in Naic Cavite and Sta. Maria Bulacan or nearby areas

Joy~Nostalg Foundation (JNF) is a non-stock, non-profit institution established to empower the Filipino family in its dream of a better quality of life through responsible home ownership.

Check out our website joynostalgfoundation.org for more information regarding our programs.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 26/04/2024

Naging matagumpay ang pagsisimula ng implementasyon ng Masayang Pamilya (MaPa) Teens Program! Noong ika-13 at 20 ng Abril, naganap ang unang dalawang sesyon nito. Sanib pwersa itong pinangunahan ng Joy~Nostalg Foundation (JNF) at Community Volunteers, sa tulong ng Parenting for Lifelong Health Philippines (PLH Philippines).

Mayroong 9 na sesyon ang programa na tumutulong sa mga magulang at teens sa pagpapanatili ng magandang relasyon sa pamilya. Ang programang ito ay libreng inihahandog ng JNF katuwang ang PLH-PHILIPPINES para sa mga magulang at guardian na may teens na nasa 10 hanggang 17 taong gulang.

Sama-sama nating tahakin ang daan patungo sa mas masayang pamilya! 🌟

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 24/04/2024

Hinasa ang galing at talino ng mga dumalong Homeowners Association (HOA) Officers, at Board of Directors ng Pasinaya, Pagsinag, at Pagsibol communities, kasama ang iba pang HOA ng private subdivisions ng Naic, Cavite sa Leadership Training, Parliamentary Procedures, and Records Management Seminar noong Abril 19, na inihanda ng Joy~Nostalg Foundation (JNF), sa pakikipagtulungan ng One Naic PS, at sa mahusay na pamumuno ni Pres. Marilyn Ramos. ✨

Espesyal na binisita ni Vice-Mayor Junio Dualan at ng Punong Barangay Chris Cabuhat ng Barangay Timalan-Balsahan ang aktibidad, para magbigay ng mensahe ng pasasalamat, pagsuporta, at inspirasyon.

Nagwakas ang gabi sa kasiyahan at pagdiriwang ng pederasyon ng kanilang “Grand Oath Taking Ceremony” kasama ang kanilang espesyal na panauhin na si Mayor Raffy Dualan.

Mas magandang kinabukasan ang naghihintay para sa mga komunidad, dahil sa pagkakaisa at suporta ng bawat HOA sa Naic, Cavite, at sa patuloy na pag-alalay ng JNF sa kanilang pag-unlad tungo sa tagumpay. 🌄🤝

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 22/04/2024

Magandang Araw!

Inihahatid ng Joy~Nostalg Foundation ang bago at improved na online learning platform—ang 𝐇𝐎𝐏𝐄𝐅𝐔𝐋.𝐏𝐇.

Ito ang online learning platform kung saan pwede kang matuto tungkol sa 𝙛𝙞𝙣𝙖𝙣𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙡𝙞𝙩𝙚𝙧𝙖𝙘𝙮, 𝙝𝙤𝙪𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙩𝙚𝙧𝙖𝙘𝙮, 𝙧𝙚𝙨𝙥𝙤𝙣𝙨𝙞𝙗𝙡𝙚 𝙝𝙤𝙢𝙚𝙤𝙬𝙣𝙚𝙧𝙨𝙝𝙞𝙥, 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙫𝙖𝙡𝙪𝙚𝙨, at iba pang mga topics na siguradong makaka-relate ka. Libre ito! Mag-invest para sa iyong sarili—matuto, at isulong ang pangarap mong buhay!

Para kumuha ng modules, maaring gumawa ng account sa link na ito: https://hopeful.ph/

Huwag kang mag-alala, kaagapay mo ang Joy~Nostalg Foundation sa iyong landas tungo sa bagong yugto ng tagumpay.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 22/04/2024

Last April 17, member organizations from the League of Corporate Foundations (LCF) visited a community being served by Joy~Nostalg Foundation (JNF) at Pasinaya Homes, in Naic, Cavite, as part of LCF’s Learning Journey program. These provided fellow development sector practitioners insights on JNF’s programs, which deepened discussions on programs management. ✨

LCF members from Jollibee Group Foundation, Jesus V del Rosario Foundation, San Miguel Foundation, TELUS International Philippines, and East-West Seed Foundation personally listened to the stories of Pasinaya residents and the impact they’ve experienced through the enabling programs of JNF. Our Pasinaya ng Dangal videos were also shared, to complement these inspiring stories.

Opportunities like these with other NGOs and Foundations reinforce the spirit of collaboration in our shared desire to continue making a positive difference in the communities we serve! 💪

19/04/2024

Joy-Nostalg Foundation (JNF) and Fire Emergency Paramedic Assistance Group - Emergency Medical Services (FEPAG-EMS) have been collaborating since 2023 towards enhancing emergency and disaster response in our beneficiary communities. 🚨✨

Our Memorandum of Agreement (MOA) confirms our ongoing collaboration, as we continue to share updates about what our communities have learned and how they have applied these learnings to benefit their respective communities.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 18/04/2024

Nagbigay ng mahalagang paalala si Ginoong Wilky S. Lao, Vice President for External Affairs at Operations Chief ng Fire Emergency Paramedic Assistance Group - Emergency Medical Services (FEPAG-EMS), na ang kaalaman sa First Aid ay isang pundasyon ng kaligtasan.

Sa nagdaang Disaster and Emergency Preparedness Workshop ng Joy-Nostalg Foundation sa Pasinaya Homes West, Naic, Cavite, ibinahagi ni Ginoong Lao ang mga praktikal na kasanayan sa pagbibigay ng unang tulong, lalo na sa mga kritikal na sitwasyon tulad ng atake sa puso at mataas na lagnat o blood pressure.

Lubos na pinasalamatan ng mga kinatawan ng Homeowners Association sa limang Pasinaya Homes communities, community volunteers, at mga health workers mula sa Barangay Sabang at Timalan Balsahan sa bayan ng Naic ang FEPAG at JNF sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan.

Nawa'y patuloy nating ipagpatuloy ang pagtutulungan at pag-aaral upang maging handa at ligtas sa anumang hamon ng kinabukasan. 💪

Photos from League of Corporate Foundations - LCF's post 18/04/2024
Photos from Joy Nostalg Foundation's post 12/04/2024

Sa Pasinaya, Bulacan, nag-uumpisa na ang paghahanda para sa implementasyon ng Masayang Pamilya (MaPa) Program! 🙌

Nagsimula nang mag-ikot ang mga Community Facilitators upang bisitahin ang mga participants, alamin ang kanilang kalagayan, at ipaalam muli ang layunin ng programa.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 12/04/2024

Sa pagpapatuloy ng Emergency and Disaster Preparedness Seminar ng Joy-Nostalg Foundation, ibinahagi nina Jun Parena, Adrian Veloso, at Herwin Pahate ng Fire Emergency Paramedic Assistance Group - Emergency Medical Services (FEPAG-EMS) ang kaalaman sa first aid.

Binigyang-diin nila na ang tamang first aid ay maaaring magligtas ng buhay o maiwasan ang paglala ng pinsala ng mga nadisgrasya.

Dumalo ang mga HOA officers, mga volunteer, at mga healthcare workers mula sa anim na komunidad ng Pasinaya Homes sa seminar na ginanap sa Pasinaya Homes West clubhouse.

Ang mga participants na makakumpleto ng limang module sa emergency at disaster preparedness, at makapasa sa pagsusuri ng FEPAG ay magiging bahagi ng emergency at response teams sa kanilang mga komunidad sa Pasinaya. Sila rin ay mapapasama sa local disaster and emergency response efforts ng bayan ng Naic bilang mga volunteer forces.

08/04/2024

“Commitment for me is being dedicated, kasi commitment also comes with responsibility.”

This is how Steve defines commitment as a Youth EcoSavers Organization (YES’O) auditor. YES’O is a local organization in Pasinaya Homes - Bulacan, established with the goal of helping the youth become financially literate.

In our interview with Steve, his eagerness to guide his fellow youth in saving money and achieving financial literacy shines through. He envisions a future where today's youth are equipped with the necessary skills to manage their finances and cultivate a habit of saving for the future.

He expressed a heartfelt gratitude to JNF for the seminars and workshops he has attended that contributed to his growth. “Kung hindi dahil sa inyo (JNF), wala po YES'O. Dahil sa inyo ang dami naming na-experience na sobrang new for us. Yung mga seminars and mga workshops—sobrang helpful sa amin noon as a youth na magagamit namin in the near future.”

To all the youth out there, this is your sign to step up, make your move, and see the impact of your actions. Together, we can shape a homeful community with our unwavering commitment today.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 05/04/2024

Naganap ang Orientation on Youth Engagement and Women Empowerment, sa pakikipagtulungan sa Sangguniang Kabataan ng Brgy. Sabang noong Marso 23, 2024 sa Naic, Cavite. Aktibong nakilahok at nag-enjoy ang 60 na kabataan mula sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite sa pagsasanay na pinangunahan ng isang specialist mula sa Philippine Commission on Women, na naglayong palawakin ang kamalayan at kapasidad ng mga kabataan ukol sa mga paksang ito.

Patuloy nating suportahan at palakasin ang kahalagahan ng kabataan at ng women empowerment sa ating mga komunidad, para sa mas maganda at pantay na kinabukasan para sa lahat.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 01/04/2024

Pinangunahan ng Women Empowerment Center (WEC) ng Joy~Nostalg Foundation ang Zumbabaihan noong nakaraang March 10 at 14, 2024. Ang mga kababaihan ay buong siglang umindak sa mga zumba session, at aktibong nakinig at nakilahok sa mga discussion tungkol sa gender concepts, spiritual development, at women empowerment. Layunin ng event na ito na patibayin at palakasin ang pagkakaisa, kaalaman, at kakayahan ng 300 na babaeng dumalo sa mga aktibidad.

Narito ang mga larawan para balikan ang mga masasayang sandali mula sa kaganapan!

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 30/03/2024

Handa na ang mga Community Facilitators sa Bulacan para sa Masayang Pamilya (MaPa) Teens Program! 💪🏽✨

Aktibong nakilahok ang mga facilitators sa ginanap na intensive two-day Booster Session noong March 16 at 22. Sila ay dumaan sa mga hands-on exercises at simulations upang mahasa ang kanilang mga skills sa facilitation. Naging plataporma rin ang session na ito para masusing suriin ng mga facilitators ang mga layunin at materyales ng programa.

Sa mga kalahok ng programa, asahan ang pakikipag-ugnayan mula sa amin para sa mga detalye ng paparating na implementasyon.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 22/03/2024

Ginanap ang ikalawang training session tungkol sa Emergency at Disaster Preparedness, noong March 9, 2024, sa Pasinaya Homes West Clubhouse, NAIC, Cavite. Ito ay pinangunahan ng Joy~Nostalg Foundation kasama ang Fire Emergency Paramedic Assistance Group - Emergency Medical Services (FEPAG-EMS).

Tumayong tagapagturo ang FEPAG Vice President na si Bryan Paul Chua tungkol sa Fire and Earthquake. Tinalakay niya ang gamit ng iba’t ibang uri ng fire extinguishers, kung paano ito gamitin, at ang mga dapat at hindi dapat gawin sa oras ng sunog at lindol.

Layunin ng programang ito na magkakaroon ng Disaster at Emergency Response Team ang bawat komunidad na manggagaling sa mga kalahok. Inaasahan ding maibabahagi nila ang kaalamang ito sa iba pang mga residente bilang mga volunteer trainers ng FEPAG.

19/03/2024

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢

Magandang araw! Nais namin na ipaalam sa lahat na hanggang March 23 (Sabado) na lamang maaaring i-access ang homeful.ph. Ang Home Empowerment Learning Program at ang ilan pang online learning materials ay magiging available sa aming i-aanunsiyong bagong website sa mga susunod na linggo! Maraming salamat po!

For any concerns, please email [email protected].

10/03/2024

Keeping up with advancing technologies for learning, Joy~Nostalg Foundation partners with Nephila Web Technology Inc. to develop a Moodle-based Learning Management System (LMS) and to upscale HOMEFUL.PH.

The Moodle LMS will enable advanced features and improved functionalities to our learning platform in the near future, enabling users to benefit from more interactive learning.

To learn more about financial literacy, responsible homeownership, and Filipino values, visit https://homeful.ph/ and register.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 07/03/2024

Kasama ang Fire Emergency Paramedic Assistance Group - Emergency Medical Services (FEPAG-EMS), nag-organisa ng community and volunteer-based emergency and disaster response training ang Joy~Nostalg Foundation noong Pebrero 24, 2024 sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.

Ang Disaster & Emergency Response Training (DERT) sa Pasinaya Homes Community sa Cavite at sa Bulacan ay nahahati sa tatlong bahagi:
Phase 1: Ang mga volunteer ay sasailalim sa pagsasanay sa: Family Emergency Plan & Hazard Mapping, Fire & Earthquake, First Aid and Basic Life Support.
Phase 2: Training of Trainers - Dadaan sa pagsasanay o training ang mga napiling ‘potential trainers’. Sila ay magco-conduct ng training sa household level.
Phase 3: Kilalanin ang mga volunteer groups sa komunidad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bilang Association of Pasinaya Homes DERT Volunteers na maaaring magsilbing karagdagang volunteer manpower sa panahon ng sakuna.

Higit kumulang 50 na volunteers na binubuo ng Homeowners Association (HOA) officers, Barangay Health Workers (BHW), at mga residente ng limang Pasinaya Homes communities ang dumalo sa first edition, na nag-pokus sa Family Emergency Planning and Hazard Mapping na pinangunahan ni Juliano Parena.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 05/03/2024

Alam mo bang may apat na 𝒑𝒂𝒓𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒕𝒚𝒍𝒆𝒔? Tingnan ang mga larawan upang malaman kung ano ang mga ito!

Source: JNF - Basic Family Formation Module and DSWD - Parent Effectiveness Seminar

Kung gusto mo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa parenting styles ay lumahok sa mga ginaganap na Basic Family Formation Seminar sa inyong lugar.

Ikaw, ano ang parenting style mo? Comment below at i-share ang post na ito!

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 02/03/2024

Pinangunahan ng JNF ang Leadership Workshop ng Parish Pastoral Council ng Sta. Candida Maria de Jesus Parish noong February 25, 2024. Ang mga Parish Leaders ay sumailalim sa pagtukoy ng kanilang mga leadership styles. Kanilang natutunan ang kahalagahan ng pagiging servant leader. Sa workshop na ito, nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-reflect sa kanilang team dynamics, at dumaan sa pagsasanay sa effective leadership communication.

01/03/2024

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na may temang: Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan, ating pagnilayan na kaya nating makamit ang ating mga pangarap—kahit anong sektor pa iyan.

Altogether, we shout: Invest in Women: Accelerate Progress!

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 28/02/2024

Naging matagumpay ang General Orientation at Initial Assessment ng Pasinaya Homes Bulacan Phase 2 na isinagawa noong February 18, 2024, kung saan aktibong nakilahok ang mga Community Leaders. Layunin ng event na ito na ipakilala ang Joy~Nostalg Foundation, at suriin ang community mula sa pananaw ng mga pinuno nito, upang lubos na maintindihan ang concern ng komunidad. Ito ay magiging pundasyon ng pagtutulungan upang maabot ang mga pangarap at layunin ng bawat isa.

Kaya naman, tayo’y magtulungan para sa kolektibong pag-unlad at pagpapaunlad ng bawat isa sa pamamagitan ng pagiging aktibong miyembro ng komunidad.

Photos from Joy Nostalg Foundation's post 19/02/2024

72 participants na binubuo ng 36 na magulang at 36 na teenagers ang dumalo noong ginanap ang Masayang Pamilya (MaPa) Orientation noong January 21, 2024, na pinangunahan ng Joy~Nostalg Foundation at ng Ateneo de Manila University-Parenting for Lifelong Health Philippines. Layunin ng MaPa Orientation na maipaliwanag ang implementasyon ng MaPa Teens initiative na naglalayon na paigtingin ang magandang relasyon ng mga magulang at ng kanilang teenager na anak.

Sa mga nag-register sa programang ito, asahan ang pagbisita ng mga researchers sa inyong mga tahanan sa mga darating na linggo (Feb. 16-19, Feb. 23-26, at Mar. 1-3).

Sama-sama ang JNF, ADMU-PLH at ang buong komunidad ng Pasinaya Homes Bulacan sa paglalakbay tungo sa mas masayang pamilya!

16/02/2024

Transforming education with creativity! The Joy~Nostalg Foundation and Pushpin Visuals Inc. joined forces in reimagining online learning contents, bringing innovation and inspiration to the forefront. ✨

Bisitahin ang https://homeful.ph/ upang mag-register at kumuha ng mga modules patungkol sa financial literacy, housing loan, responsible homeownership, at Filipino values.

14/02/2024

𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘄𝗲𝗯𝘀𝗶𝘁𝗲 𝗻𝗮 𝗵𝗼𝗺𝗲𝗳𝘂𝗹.𝗽𝗵!

Tandaan lamang na kapag gumagamit ng mobile phone, gamitin ang isang DEDICATED na browser (tulad ng Google Chrome, Safari, Firefox, at iba pa) kapag binubuksan ang website ng Homeful. Iwasan ang pag-click sa link ng Homeful na ipinadala sa iyo sa chat, email, o SMS, dahil magbubukas lamang ito ng POP-UP na browser.

Maaring i-copy at i-paste ang sumusunod na link sa mga nabanggit na browser: https://homeful.ph

Mag-register at matuto patungkol sa responsible homeownership!

Want your business to be the top-listed Realtor/realty Service in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Laman ng puso ng isang ama ang seguridad ng kanyang anak. Kaya’t hindi maipagkakaila na ang kanilang pagsusumikap ay par...
Gusto mo bang matuto tungkol sa financial literacy, housing loan, responsible homeownership, at Filipino values nang lib...
Tunay nga, ang kabataan ang pag-asa ng bayan! Bilang mga mas nakatatanda, responsibilidad natin ang suportahan at paunla...
Tapang, tiyaga, pasensya, pagpupursigi, at hindi nauubos na pagmamahal at suporta—ito ang ilan sa mga katangiang makikit...
Hindi birong maging ina, lalong lalo na kung ikaw ay ang isang working mom. Sa kabila ng mga hamon ng buhay, taglay ng b...
Sa ating pagtahak sa ikalawang quarter ng 2024, mag-reflect muna tayo. 😊 Kumusta ka? I hope you are finding joy in your ...
Si Steve, miyembro ng Youth EcoSavers Organization (YES’O) sa Pasinaya Homes, ay nagbahagi ng kanyang magandang karanasa...
In celebration of women’s month, let us honor women in our lives who are capable of making things better by generating b...
3 ELEMENTS OF FIRE Bakit dapat mong malaman ang tatlong elemento ng apoy?Dahil maaari nating mapatay ang apoy kapag nata...
Maligayang Araw ng mga Kababaihan! Iba-iba man ang kwento ng buhay ng bawat isa, pare-pareho pa ring naghahayag ng pagma...
We are JNF, of course we’re gonna hop on this trend! To know more about JNF, bisitahin ang aming website: https://www.jo...
Gusto mo bang matuto tungkol sa financial literacy, housing loan, responsible homeownership, at Filipino values nang lib...

Address


25 ADB Avenue, Ortigas Center
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm

Other Pasig realtors & realty services (show all)
NorthPine Land, Inc. NorthPine Land, Inc.
15/F Taipan Place, F. Ortigas St. , Ortigas Center
Pasig, 1605

Your Dreams Come To Life! This is the official page of Northpine Land, Inc.

REBAP GREENHILLS REBAP GREENHILLS
Pasig, 1600

About Here’s REBAP GREENHILLS social site. Feel free to browse around and connect with our members.

Urban Deca Homes Pasig Urban Deca Homes Pasig
KM 19 CTIP Cpd, Ortigas Avenue, Metro Manila
Pasig, 1609

Ortigas Grand Emerald Tower Ortigas Grand Emerald Tower
Ortigas Center
Pasig, 1605

F. Ortigas cor. Ruby and Garnet Streets Ortigas Center, Pasig City Philippines

The Grove by Rockwell The Grove by Rockwell
The Grove By Rockwell, E. Rodriguez Jr. Avenue (C5)
Pasig, 1604

The Grove by Rockwell is the first development of Rockwell Land Corporation outside Makati.

Urban Deca Homes by Novella Montenegro Urban Deca Homes by Novella Montenegro
Pasig, 1604

deca homes urban

Ortigas LAND c/o Grace Tolosa Ortigas LAND c/o Grace Tolosa
Meralco Avenue
Pasig

I will cater to your residential, office and leasing needs. I created this page to help clients get there work done at the comfort and safety of their homes due to the never endin...

tine_urbandhomes tine_urbandhomes
Ortigas Avenue Extension Brgy Rosario Pasig
Pasig, 1606

verry affordable and accessible

SMDC Calm Residences - Sta. Rosa, Laguna SMDC Calm Residences - Sta. Rosa, Laguna
Balibago Road, Pulong Sta. Cruz
Pasig, 4026

A tranquil community in the midst of the busy and highly progressive city of Sta. Rosa, Laguna

Trava Lots For Sale- Shaira R. Trava Lots For Sale- Shaira R.
Sta Rosa Laguna
Pasig, 4026

For inquiries, presentations, site visit schedules. Please Contact Smart: 0939.159.7667 Globe: 0915.507.0051 Email: [email protected] Shaira Ancheta Rios Associate Director

RLC Properties BY JUANA RLC Properties BY JUANA
MANDALUYONG, PASIG, CAINTA, TAYTAY, TAGUIG, QUEZON CITY , SAN JUAN CITY, BATANGAS , CEBU
Pasig

the best in home, leisure and work. RLC Residences - building the homes of your dreams.

Mj Ann Lubangco Property Listings Ph Mj Ann Lubangco Property Listings Ph
Pasig, 1602

Looking for a house? I can help find the perfect one for you. Choose your location, preference and your budget.