St. Jude Thaddeus Parish - Pasig

The official page of St. Jude Thaddeus Parish of the Diocese of Pasig.

OFFICE HOURS | Tuesday - Sunday: 8:30 AM - 12:00 NN; 2:00 PM - 4:30 PM

PARISH VISION | Maging isang sambayan ng mga alagad ni Hesukristo na masigasig at sama-samang nagpapalaganap ng kaharian ng Diyos, nagkakasundong namumuhay at nagbabahaginan ng pagpapala ng Diyos at ng kanyang walang hanggang pagmamahal sa bawat tahanan at pamayanan na may higit na pagpapahalaga sa mga dukha at mga api. MISSIO

01/09/2024

LIVE | Pagdarasal ng Panalangin at Chaplet ng Banal na Awa
----------------------
Mga Kahilingan sa Banal na Awa: (Online Pamisa)
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSf_VfR7r6EE1o4xHoMvdmkPL1Kg-v9UggkVq67h2qbT6SY5Pw/viewform
-----------------------
Let us be evangelizers of Mercy. Kindly share this live streaming with everyone.
------------------------
Disclaimer:
We do not own the music featured in this video. All rights belong to their rightful owners. No copyright infringement intended.
------------------------
Like us on Facebook:
https://www.facebook.com/NSPDMofficial
Subscribe to our YouTube channel:
https://www.youtube.com/channel/UCsQp4E7L6h_FqLg-9GHMGUw
------------------------

01/09/2024

[PAANYAYA: MUSIKANTAHAN - MARIAN CONCERT]

Mga kaparokya, bilang pagdiriwang ng Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria 🌹, magkakaroon po ang ating parokya ng MARIAN CONCERT na may temang: "Magdiwang kasama si Maria"

Halina't magdiwang kasama si Maria sa pamamagitan ng mga himig at kanta na handog ng St. Jude Thaddeus Parish Liturgical Music Ministry. Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang magkaisa sa pananampalataya at musika. Isang gabi na puno ng biyaya, pagkakaisa, at pag-asa ang nag-aabang sa atin.

Ito po ay gaganapin sa Sabado, Setyembre 7, 2024 sa ganap na 7:00 n.g. sa ating parokya.

Kitakits, mga kaparokya! 🙌🎶

29/08/2024

Mga kaparokya, ngayon ay Huwebes - araw ng pagdedebosyon sa Mahal na Patron San Hudas Tadeo! Sa kabila ng mga pagsubok na ating dinaranas, dumulog tayo sa Panginoon sa tulong ng mga panalangin ni San Hudas Tadeo

PANALANGIN KAY SAN HUDAS TADEO NG PASIG
O maluwalhating Apostol, San Hudas Tadeo,
tunay na kaanak nina Hesus at Maria, inihahabilin namin ang aming sarili sa iyong kandili. Ipanalangin mo kami at ipaalala mo sa amin na hindi kami nag-iisa sapagkat kasama namin si Kristo sa aming pakikibaka sa buhay.

Samahan mo kaming manalangin sa Diyos na bigyan kami ng pag-asa sa aming pighati at kalungkutan, tibay ng loob sa mga pagsubok, at pagsanggalang sa sunog, bagyo, baha, lindol, at iba pang mga kalamidad dulot ng kalikasan at gawa ng tao.

Ipanalangin mo kami, San Hudas Tadeo, sa mahabaging Ama na sana ay punuin kami ng biyaya na tanggapin ang lahat ng Kanyang kagustuhan nang walang pagtutol at pagaagam-agam at palalimin ang aming pananampalataya sa Kanyang walang hanggang pagmamahal.

Maraming salamat, San Hudas Tadeo, sa pangako mong pag-asa sa lahat ng mga nananalig at bigyan mo kami ng adhikaing ibahagi ang lahat ng ito sa aming mga kapatid. Amen.

San Hudas Tadeo, ipanalangin mo kami!

28/08/2024

HAPPY 23RD SACERDOTAL ANNIVERSARY, FR. RANDY!

Mga kaparokya, kasabay ng paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng simbahan, ginugunita rin natin ang ika-23 sacerdotal anniversary ng ating minamahal na panauhing pari, Reb. Pad. Randulfo "Randy" de Quiros!

Ang inyong mga pangaral ay tumatagos sa aming mga puso, nagiging gabay para kami ay magpursigi upang maging isang mabuting mananampalataya.

Nawa ay patuloy pa kayong gabayan ng Panginoon, sa tulong ng ating mga makalangit na tagapamagitan - San Hudas Tadeo at Santa Lucia, at ng ating mahal na Ina, ang Birheng Maria.

21/08/2024
21/08/2024

21 TAON NG DIYOSESIS NG PASIG

Mga kaparokya, ngayong araw ay ipinagdiriwang ng Roman Catholic Diocese of Pasig ang kanyang ika-21 Anibersaryo.

Matatandaan na noong 2003, sa bisa ng kautusan mula kay Santo Papa Juan Pablo II, nilikha ang Diyosesis ng Pasig mula sa Pasig, Pateros, at Taguig na bahagi ng Arkidiyosesis ng Maynila. Ito ay pinamunuan ng Lub. Kgg. Francisco San Diego, DD. Ngayon, sa patnubay at gabay ni Maria, ang Inmaculada Concepcion, patuloy na yumayabong at lumalago ang ating diyosesis sa pagpapastol ng Lub. Kgg. Mylo Hubert Vergara at ng mga kaparian ng diyosesis.

Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa pagkakataon na muling makapagdiwang ng anibersaryo. Isang pagkakataon na magbalik-tanaw, magpasalamat, at maglakbay tungo sa hinaharap.

15/08/2024

August 15 | Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary

On November 1, 1950, Pope Pius XII defined the Assumption of Mary to be a dogma of faith: “We pronounce, declare and define it to be a divinely revealed dogma that the immaculate Mother of God, the ever Virgin Mary, having completed the course of her earthly life, was assumed body and soul to heavenly glory.” The pope proclaimed this dogma only after a broad consultation of bishops, theologians and laity. There were few dissenting voices. What the pope solemnly declared was already a common belief in the Catholic Church.

We find homilies on the Assumption going back to the sixth century. In following centuries, the Eastern Churches held steadily to the doctrine, but some authors in the West were hesitant. However by the 13th century there was universal agreement. The feast was celebrated under various names—Commemoration, Dormition, Passing, Assumption—from at least the fifth or sixth century. Today it is celebrated as a solemnity.

Scripture does not give an account of Mary’s assumption into heaven. Nevertheless, Revelation 12 speaks of a woman who is caught up in the battle between good and evil. Many see this woman as God’s people. Since Mary best embodies the people of both Old and New Testaments, her assumption can be seen as an exemplification of the woman’s victory.

Furthermore, in 1 Corinthians 15:20, Paul speaks of Christ’s resurrection as the first fruits of those who have fallen asleep.

Since Mary is closely associated with all the mysteries of Jesus’ life, it is not surprising that the Holy Spirit has led the Church to believe in Mary’s share in his glorification. So close was she to Jesus on earth, she must be with him body and soul in heaven.

(Franciscan Media)

Photos from Servant of God Laurena "Ka Luring' Franco's post 11/08/2024

Opening Session of the Diocesan Phase of the Cause for Beatification and Canonization of Servant of God, Laureana "Ka Luring"Franco

4:00 PM, August 21, 2024
Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of St. Anne, Taguig City

04/08/2024

Mga kaparokya, ngayong Linggo, Agosto 4, ay ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni San Juan Maria Vianney. Sa araw na ito, inaalala natin at ipinagdiriwang ang ating kaparian. Sa natatanging paraan, inaalala natin ang ating minamahal na kura paroko, Reb. Pad. Renier Llorca at kasamang pari, Reb. Pad. Randy de Quiros.

Ipanalangin natin ang ating mga pari na maging tulay sa pagpapalapit ng mga tao sa Diyos. Huwag din nating kalimutan ang mga pari na nagbinyag, nagkumpil, nagkasal, o nagkumpisal sa atin, gayundin ang mga pari na sa mga Misa nila ay ating dinaluhan. Nawa’y matupad nila ang kanilang sinumpaang pangako sa Panginoon na maglilingkod nang may buong puso at dedikasyon.

Happy Priests' day po!

25/07/2024

ABISO MGA KAPAROKYA

Ipinababatid po sa lahat na muling magsasagawa ng Banal na Misa sa ating parokya bukas, Biyernes, Hulyo 26, matapos ito maapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng habagat. Kasalukuyan pa rin pong isinasagawa ang paglilinis sa ating parokya bilang paghahanda sa muling pagbubukas nito.

Patuloy nating ipanalangin ang kaligtasan ng bawat isa!
Maraming salamat po.

24/07/2024

OREMUS | Oratio Imperata pra ipag-adya sa kalamidad

Mga kaparokya, sa pananalasa ng habagat dulot ng Bagyong , manalangin tayo sa Panginoon sa tulong ng ating patron na si San Hudas Tadeo na ipag-adya tayo sa anumang kapahamakan.

24/07/2024

BASAHIN | ABISO mula sa SM City East Ortigas

PUBLIC SERVICE ADVISORY:​

SM City East Ortigas will close early today due to but will accommodate anyone seeking shelter from the typhoon.​

SM Supermarket, will remain open to serve as many customers during this time.​

Keep safe, SM Shoppers!

24/07/2024

[ABISO MGA KAPAROKYA]

Para po sa ating mga kaparokya at mga kabarangay na apektado ng malawakang pagbaha, bukas ang Bliss Covered Court at De Castro Elementary School para sa evacuation. Maaari rin tumawag sa ating mga emergency numbers:
8643-000 - Pasig City DRRMO
0962-496-4778 - Brgy. Sta. Lucia

Sa mga miyembro ng FB group - Brgy. Sta. Lucia Online Info (PASIG CITY) - ACE, maaari rin mag post doon ng inyong lokasyon at sitwasyon para maipabatid sa ating kinauukulan.

Manatiling ligtas, mga kaparokya!

24/07/2024

Pasigueños!

Narito ang emergency contact numbers ng Lungsod ng Pasig na maaaring tawagan kung kailangan ng agarang tulong at aksyon, lalo na ngayong may banta ng

PASIG CITY EMERGENCY HOTLINES

PASIG CITY DRRMO EMERGENCY HOTLINE
8643 - 0000

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
8477 - 7953

BUREAU OF FIRE PROTECTION - PASIG
0932 779 8621

PASIG CITY CHILDREN’S HOSPITAL
8643 - 2222

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL
8642 - 7379 | 8642 - 7381

BARANGAYS*:

BAGONG ILOG: 0936 180 8499 | 0912 815 4041 | 0915 901 9134

BAGONG KATIPUNAN: 8477 4262

BAMBANG: 7003 26 00

BUTING: 0916 664 7744 | 0968 214 1115

CANIOGAN: 0967 039 3182 | 0908 643 6720

DELA PAZ: 0999 998 8844

KAPASIGAN 8725 4023

KAPITOLYO: 0967 098 4620 | 8632 7598

MALINAO: 8641 6672 | 8632 7605

MANGGAHAN:
Globe: 0917 172 9744
Smart: 0908 865 3031

ORANBO: 0915 4062290 | 8631 0254

PALATIW: 83739234 | 83740082

PINAGBUHATAN : 8880 4609 | 0923 857 4110 | 0915 266 1400

PINEDA: 0993 789 0331

ROSARIO: 7956 5695

SAGAD: 8628 0227

SAN ANTONIO: 09186254428

SAN JOAQUIN: 0920 306 5643

SAN JOSE: 0967 059 8674

SAN MIGUEL: 0956 928 2660

SAN NICOLAS: 0906 274 8238
Brgy Hall Landline: 72397463

SANTOLAN:
Fire Rescue and Rescue Brigade: 8682 1019
0919 450 0133 | 0910 450 0133

Brgy. Security Force:
8646 4627 or 0966 064 1882

Brgy Hall: 0917 3119 756

Ambulance: 0951 335 7000

Patient Transport Vehicle: 0912 794 1722

STA CRUZ: 7343 06 11

STA LUCIA: 0962 496 4778

STA ROSA: 7256 0509 | 0961 762 5452

STO TOMAS: 7148 9575

SUMILANG: 0926 7283 919

UGONG: 0917 816 4987

*Will be updated as soon as other numbers become available.

Photos from Bishop Mylo's Page's post 10/07/2024

The apostolic nuncio, Abp. Charles Brown and his secretary, Msgr. Giuseppe Trentadue handed me the ‘nihil obstat’ from Rome for the cause of beatification and canonization of Servant of God Laurena ‘Ka Luring’ Franco. See below an English Translation of the Nihil Obstat:

Protocol no. 3742-1/24

Most Excellent Lord,

In your letter, under protocol no. 041/24 dated on March 19, 2024, Your Excellency asks from this Dicastery of the Causes of Saints whether there is anything on the part of the Holy See that prevents the Cause of Beatification and Canonization of the Servant of God LAUREANA FRANCO usually called as “Ka Luring”, a lay faithful, who died in the year of Our Lord 2011.
Having examined the matter, I am pleased to inform Your Excellency that on the part of the Holy See, there is nothing that stands against the Cause of Beatification and Canonization of the abovementioned Servant of God LAUREANA “Ka Luring” FRANCO from being carried out, observing the "Norms to be observed in the Inquiries made by the Bishops in the Causes of Saints", issued by the same Dicastery on February 7, 1983.
Most united to your Excellency in the Lord
Marcello Cardinal Semeraro, Prefect
Archbishop Fabio Fabene, secretary

May I ask for your unceasing prayers as we do the next steps required by the dicastery. Deo Gratias🙏🙏🙏

Photos from St. Jude Thaddeus Parish - Pasig's post 04/07/2024

HAPPY BIRTHDAY ATE BABY & ATE JULIE!

Ang komunidad ng Parokya ni San Hudas Tadeo ay nagpapaabot ng pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating Worship Ministry Head - Ate Baby Manlangit (July 3) at sa ating PPC Assistant Lay Coordinator - Ate Julie Labastida (July 4)

Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pagpapadala niya sa ating mga kapatid upang maging lingkod ng Kanyang simbahan sa iba’t ibang larangan. Nawa'y patnubayan pa siya ng Panginoon sa tulong ni San Hudas Tadeo na ating patron at sa paggabay ni Maria, ang ating Mahal na Ina.

28/06/2024

[ANNOUNCEMENT]

Mga kaparokya, bukas ay ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo - ang mga dakilang haligi ng ating simbahan. Kaugnay nito, ang aming paanyaya para sa isang Banal na Misa na gaganapin bukas sa ganap na 6:00 ng umaga.

Maraming salamat po!

Photos from St. Jude Thaddeus Parish - Pasig's post 27/06/2024
26/06/2024

Mga kaparokya, nakikiisa tayo sa pagpanaw ng isa sa ating kabarangay, kaparokya, at lingkod-bayan ang Igg. Rosalio "Yoyong" Martires.

Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa buhay ni former Councilor Yoyong. Nawa'y igawad sa kanya ng Panginoon ang kapayapaang walang hanggan.

℣. Kapayapaan kailanman ang igawad ng Maykapal sa yumaong ating mahal.
℟. Sila/Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan.
℣. Mapanatag nawa sila/siya sa kapayapaan.
℟. Amen.

20/06/2024

HAPPY BIRTHDAY, ATE SUNSHINE!

Ang komunidad ng Parokya ni San Hudas Tadeo ay nagpapaabot ng pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating Social Communications Ministry Head at miyembro ng Famuli Domini Choir - Ate Sunshine Domingo!

Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pagpapadala niya kay Ate Sunshine upang maging lingkod ng Kanyang simbahan sa iba’t ibang larangan. Nawa'y patnubayan pa siya ng Panginoon sa tulong ni San Hudas Tadeo na ating patron at sa paggabay ni Maria, ang ating Mahal na Ina.

08/06/2024

LIVE:
Ordination to the Sacred Order of Deacons
of
John Glenn Malicdem Avila
and
Dominique Doarte Siman Gapayao

Through the laying on of hands and invocation of the Holy Spirit by the
Most Rev. Mylo Hubert C. Vergara, D.D.

June 8, 2024
Minor Basilica of St. Anne - Taguig City

06/06/2024

NO MAS AMOR QUE EL TUYO, O CORAZON DIVINO!

Mga kaparokya, bukas ay ipagdiriwang na natin ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus

Magkakaroon po ng prusisyon sa ganap na 4:00 n.h. kasunod ang Banal na Oras. Samantala, ang Banal na Misa ay sa ganap na 6:00 n.g.

Ang aming paanyaya sa inyong lahat sa mga gawaing nabanggit.

Maraming salamat po!

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Pagdarasal ng Panalangin at Chaplet ng Banal na Awa
LIVE: Ordination to the Sacred Order of Deacons
Pagdarasal ng Panalangin at Chaplet ng Banal na Awa
Pagdarasal ng Panalangin at Chaplet ng Banal na Awa
SJTP 25TH ANNIVERSARY VIDEO
HELP BUILD OUR CHURCH AND WIN GRAND DRAW
PAKINGGAN | Ang pag-awit ng Gloria in Excelsis Deo bahagi ng Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay#SJTPSemanaSa...
NGAYON | Ang pagpapahayag ng Muling Pagkabuhay
SJTP SEMANA SANTA 2024
3.29.2024 SJTP SEMANA SANTA 2024
SIETE PALABRAS 2024 — "AMA TURUAN MO KAMING MANALANGIN."
3.28.24. SJTP SEMANA SANTA 2024

Telephone

Website

Address


Michael Raymond Street , Marietta Romeo Village, Brgy. Sta. Lucia
Pasig
1608

Opening Hours

Tuesday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Wednesday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Thursday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Friday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Saturday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Sunday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm

Other Catholic churches in Pasig (show all)
Sto. Rosario de Pasig Parish Sto. Rosario de Pasig Parish
Ortigas Avenue Ext. , Rosario, Pasig City
Pasig, 1609

Vision Statement: Nananalig, nagkakaisa at naglilingkod tungo sa kaganapan ng buhay sa patnubay ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario de Pasig.

Sta. Martha Parish, Kalawaan Pasig City Sta. Martha Parish, Kalawaan Pasig City
P. Visitacion Street , Kalawaan, Pasig City
Pasig, 1601

Ang official page ng Parokya ni Sta. Martha sa Kalawaan, Siyudad ng Pasig.

SFC Sta. Rosa De Lima Chapter SFC Sta. Rosa De Lima Chapter
Bagong Ilog
Pasig, 1604

It's not just an organization... It's our way of life... We have our talented brothers and sisters...

Pasig Stewards Page Pasig Stewards Page
Tahanan Ng Mabuting Pastol, Sta. Clara De Montefalco Parish Compound, C. Raymundo Avenue
Pasig, 1600

"Pasig Stewards" is the Official Page of the Diocese of Pasig Office on Stewardship. We are committ

Laudamus Chorale Laudamus Chorale
Pasig, 1606

Laudamus Chorale is a Chorale Singing Group who gives Talent, Time and Treasure to God and to its community since 2013. We are the Ministers of music who enhance the experience o...

Parokya ni San Miguel Arkanghel Parokya ni San Miguel Arkanghel
Pasig

Archdiocese of Palo Vicariate of Carigara St. Michael the Archangel Parish San Miguel, Leyte

Memorial Department - Diocese of Pasig Memorial Department - Diocese of Pasig
Sta. Clara De Montefalco Parish Complex, C. Raymundo Avenue, Caniogan
Pasig, 1606

Catholic Cemetery

Christian Family Movement - Holy Family Parish Kapitolyo Christian Family Movement - Holy Family Parish Kapitolyo
3 Santa Cecilia Street Kapitolyo
Pasig, 1603

We are a group of families whose mission are to promote Christ-centered marriage and family life. We

Anak ng inmaculada conception Anak ng inmaculada conception
Pasig, 1607

AVE MARIA PURISIMA!

San Isidro Labrador Chapel - Centennial 2 San Isidro Labrador Chapel - Centennial 2
Pinalad Road, Centennial 2, Pinagbuhatan
Pasig, 1602

Ito ang opisyal na page ng San Isidro Labrador Chapel, Pinalad, Pinagbuhatan, Pasig City.

Catholic Women's League Jr - Immaculate Conception Parish Karangalan Catholic Women's League Jr - Immaculate Conception Parish Karangalan
Pasig, 1611

The CWL Jr. Incourage Female Youth to be inspired on the charity activities and join our CWL family.

San Miguel Arkanghel Parish - San Miguel, SDS San Miguel Arkanghel Parish - San Miguel, SDS
San Miguel
Pasig, 8301

The official page of San Miguel Parish