Lhoopa
Nearby computer & electronics services
Gf Peacock Plaza, Quezon City
1500
Nanirahan Street
G. Aglipay Street
Pasay City
Shaw
Halcon Street Unit 1 Ground Floor Rj
1550
Barangka Drive
Flr. Cityland Shaw Tower Cor. Street Francis Street Shaw Boulvard
Building A
Griaroute Street Hulo
Lhoopa is a property technology company that leverages advanced technology to empower local partners to provide affordable homes in emerging markets.
Lhoopa is a technology-enabled marketplace empowering local builders, brokers, notaries and financing partners to build affordable housing at scale.
✔ Unparalleled network
We are partnered with over +5000 brokers, agents, contractors and notaries over the Philippines.
✔ Proven success
We delivered +2000 housing units to date and created jobs & incomes for 100’s more.
✔ Scale through technology
We have build a suite of technology solution that allows us operate in decentralized way at scale
“Kasi pagkanawalan ka na ng trabaho, kailangan mong maghanap bagong trabaho… And then nung ano nagtagal na talaga ako sa pagiging construction tapos ngayon nagkaroon kami ng pagkakataong maging foreman.”
Sinubukan ni Raffy ang lahat ng trabahong nahanap niya—naging sewer, steamer, canteen helper, at dishwasher. Ipinagpatuloy niya ito hanggang sa nakita niya ang oportunidad sa construction.
Nagsimula siya bilang isang laborer at dahil sa kanyang sipag at tiyaga, napansin ang kanyang dedikasyon sa trabaho. Kalaunan, naging skilled worker siya, at hindi siya huminto dito. Palagi siyang handang tumanggap ng mas malalaking responsibilidad.
Noong 2009, natupad ang pangarap ni Raffy na maging foreman—isang role na malapit sa puso niya hanggang ngayon.
Ang buhay ay isang patuloy na pakikipagsapalan sa hirap at gutom, pero ang diwa ni Raffy ay nananatiling walang patid.
Lumaki siya sa pamilya na may sampung mga kapatid, kaya marami siyang isinakripisyo katulad ng pagpasok sa school nang walang laman ang tyan. Kinailangan niyang lisanin ang pamilya niya sa murang edad para maghanapbuhay at pinasok ang iba’t ibang trabaho katulad ng panananahi, pamamalantsa, dishwasher, at helper sa canteen, bago niya natagpuan ang kanyang calling sa construction. Nagsimula siya bilang isang laborer, sa kalaunan ay naging skilled worker, at dahil sa kanyang sipag at tiyaga, na-promote siya bilang foreman.
Kahit maraming beses siyang naharap sa mga pinansyal na pagsubok, nagpapatuloy pa rin si Raffy na maibigay ang pangarap niyang mas magandang kinabukasan para sa kanyang mga anak.
Na-feature kami sa The Manila Times 🙌
Ang ating goal na magtayo ng 3,000 na additional na bahay dito sa Pilipinas ay patunay ng ating commitment na tugunan ang kakulangan sa pabahay at magbigay ng positibong pagbabago sa ating komunidad. Sa tulong ng human at technology, ginagawa nating abot-kamay ang sustainable at affordable na mga tahanan para sa mas nakararami.
Isa na naman itong scale up na ikinagagalak natin, ang makita ang initiative na ito na maghubog ng mga komunidad at gumawa ng pangmatagalang positibong pagbabago dito sa ating bansa at higit pa.
Abangan ang aming mga updates habang patuloy nating itinatayo ang mga tahanan at kinabukasan!
Basahin ang buong article dito:
Lhoopa out to build 3,000 housing units in PH STARTUP property technology (proptech) company Lhoopa Inc. said that it intended to build some 3,000 affordable housing units in the Philippines following a successful $80-million funding round earlier this year.
“Masaya ako sa ganitong buhay, hindi ako sanay sa buhay na, yung sa city na, iba yung ingay. Mas sanay ako sa tilaok ng manok at tahol ng mga aso.”
Ang pagmamahal ni Jerry sa mga alaga niyang hayop ay nagsilbing kaligayahan niya. Lumaki siya sa Maragondon, nag-aalaga ng kambing, baka, manok, at baboy, habang inaako ang responsibilidad bilang panganay. Sa kabila ng hirap, nahanap niya ang saya sa pag-aalaga ng hayop bago at pagkatapos pumasok sa eskwela.
Para kay Jerry, sapat na ang simple at tahimik na buhay sa probinsya kasama ang kanyang pamilya at mga alaga.
Para sa mga pangarap na bahay... salamat sa tiwala! 🏠
Ang bawat transaction sa amin ay hindi lang basta closed deal—ito ay isang learning experience 🔍
Ang aming machine learning system ay mas umaangkop pa at lumalawak, patuloy na ini-improve ang approach namin sa market price fluctuations.
Ganito namin ito ginagawa 👇
🔹 Real-Time Adaptation: Ang platform namin ay nag-a-adapt mula sa bawat interaction, kaya naman kaya naming ma-predict ang market trends at isaayos ang aming strategies nang dynamic.
🔹 Enhanced Decision-Making: Sa pamamagitan ng pag-analyze ng malalaking datos, nagbibigay ang system namin ng actionable insights para sa mas maayos na desisyon para sa aming mga partners at clients.
🔹 Optimized Value: Sa pagkakaroon ng continuous learning, mas napapadali ang paghahanap namin ng undervalued properties, siguradong best deals at maximum value ang aming hatid.
Sa machine learning, hindi lang kami sumusunod sa market—kami ang nagtatakda ng standard para sa innovation sa real estate, ginagawa namin itong smarter at mas efficient.
Isang Oportunidad, Isang Buhay na Nabago: Ang Pagbangon ni Jerry nang Isakripisyo ang Kanyang Edukasyon
Sa kabila ng paghinto sa kursong civil engineering dahil sa mga problemang pinansyal, hindi ito naging dahilan para sumuko si Jerry. Sinubukan niya ang iba’t ibang negosyo tulad ng sari-sari store, babuyan, at ready-to-wear clothing venture. Isang araw, nakita ng isang contractor ang kanyang galing at potensyal. Kinuha niya ang oportunidad na ito, at nagsimula siya ng bagong landas sa construction.
Ngayon, si Jerry ay isang respetadong general foreman na pinagsasama ang hands-on experience at passion, pinauunlad ang buhay niya at ng kanyang pamilya.
51% ng aming mga home buyers ay may kita na nasa Php 11,000 hanggang 18,000 🏠
Ipinapakita nito ang ating commitment sa paglilingkod sa mga kumikita ng modest income.
Nagre-reflect ito sa ating masuring pagtutok sa pangangailangan ng nakararaming Pilipino—pagbibigay ng abot-kaya at inclusive na mga housing options na nagdadala ng pangarap na sariling bahay nang abot-kamay.
“Kasi ‘di ko mare-receive yung mga blessing kung magiging madamot ako.”
Kahit may mga pagsubok sa pag-alis sa office job at pagharap sa matinding kompetisyon sa real estate market, si Marry Kris ay nakabuo ng isang kahanga-hangang career. Noong 2020, nag-shift siya ng buong focus sa pagbebenta ng mga bahay, dala ng kanyang determinasyon at tiwala sa sarili. Simula noon, nagbunga ang kanyang pagsisikap—naging top agent siya at nakabenta ng milyon-milyong halaga ng mga bahay.
Sa kanyang real estate journey, nabayaran ni Marry Kris ang kanyang mga loans, nasagot ang mga di-inaasahang gastusing medikal, at naitawid pa ang pangarap niyang kasal. Ang kanyang tiyaga at dedikasyon ay naging daan din para matulungan ang kanyang pamilya, at sundan ang payo ng kanyang yumaong ina: mag-focus sa real estate at laging maging bukas-palad.
“Sabi ko, ‘i-train test nila ko in actual, kapag nakita nila na pwede ako, nagawa ko, ‘yon,’ buti pumayag, nasubukan na kaya ko, natanggap ako bilang isang electrician sa ibang bansa.”
Sa dedikasyon at pagkagustong matuto, lumipat si Celso sa iba't ibang construction company, at ang bawat isa ay nagbigay sa kanya ng bagong kaalaman at responsibilidad.
Nagbunga ang kanyang paghihirap nang naging lead man si Celso, at sa posisyong ito, naipakita niya ang kakayanan sa pag-manage ng team at i-inspire sila.
Kalaunan, naging foreman siya sa isang kilalang construction company sa bansa, na siyang naging susi para makapasa siya sa practical test at makapagtrabaho abroad. Ito ang nagbigay sa kanya ng kapital para simulan ang sarili niyang negosyo.
"Masaya kapag naka-accomplish at kapag nakikita si client na masaya siya doon sa unit at naa-appreciate nila yung trabaho namin."
Kasama ang kanyang team na may 30 workers, sinisigurado ni Rogelio na ang quality at reliability ay laging kasama sa bawat project na ginagawa nila. Proud siya sa kanyang trabaho, nagbibigay ng abot-kayang pabahay para sa mga nagsisilkap na kliyente.
Sa paglipas ng panahon, binibigyang-halaga niya ang matibay na koneksyon sa kanyang team at partners, tinitiyak na may tuloy-tuloy na oportunidad para sa kanyang grupo. Para sa kanya, hindi lang ito tungkol sa construction—kundi sa pagpo-provide para sa kanyang pamilya at pagtulong sa iba.
Ang dedikasyon ni Rogelio sa kanyang craft ay hindi lang nagpapanatili sa kanyang pamilya, kundi nagpapalakas din ng koneksyon sa kanyang komunidad.
Ang nakikita niyo dito ay ang dahilan kung paano natin nagawa ang abot-kayang pabahay sa mas malawak na saklaw.
As you can imagine, komplikado ang proseso ng pagbili, pag-construct, at pagbebenta.
Kailangan ng oras para makabuo ng tech platform na nagpapadali at nagde-decentralize ng buong proseso, at nagawa natin ito.
Ganito ang takbo ng ating end-to-end process:
1️⃣ Identify
Ang ating in-house technology ang naghahanap ng undervalued properties.
2️⃣ Estimate
Ine-evaluate ng ating partner contractors ang mga building at renovation requirements.
3️⃣ Purchase
Magpo-proceed kami sa pagbili kapag nakapasa na sa extensive due diligence phase ang property.
4️⃣ Renovate/Build & Sell
Ang ating partner agents ang nagha-handle sa sales habang ang partner contractors naman sa pag-renovate at pag-build.
5️⃣ Loan Processing
Tinutulungan ng ating partner agents ang homebuyers na makakuha ng loan.
6️⃣ Move-In
Kapag naaprubahan na ang loan, pwede nang lumipat ang ating home buyers.*
Sa pamamagitan ng decentralization gamit ang local partner networks at paggamit ng ERP technology, tinitiyak namin ang efficiency at transparency sa bawat procedure.
“I’m very happy, ano. Very happy na hindi ka makatulog. Very fulfilling na may sarili ka nang bahay.”
Si Kate ay dumaan sa maraming pagsubok dahil sa paghahangad ng stability. Kailanman, hindi siya nagkaroon ng permanenteng tahanan kaya’t lumaki siyang palipat-lipat lamang.
Determinado siyang bigyan ng mas magandang buhay ang kanyang mga anak kaya naman noong pandemya, pinadala niya ang mga bata sa probinsya para sa kanilang kaligtasan. Doon niya napagtanto na oras na para magkaroon ng sariling bahay.
Sa tulong ng kanyang asawa, nag-take sila ng risk at sa wakas, nahanap nila ang isang tahanan kung saan sama-sama silang uunlad bilang pamilya.
Happy, satisfied, and cared for—we deliver beyond expectations! ⭐⭐⭐⭐⭐
Dreams Deferred, Not Denied: How Distant Opportunities Funded Celso's Business
Mula sa simpleng pamilya ng magsasaka sa Bicol, si Celso ay determinadong makaahon sa kahirapan.
Sa edad na 12, nagpunta siya sa Maynila at kumuha ng iba’t ibang trabaho—sa grocery at namasada ng tricycle. Sa huli, nagtrabaho siya sa abroad kung saan nakaipon siya ng kapital para mabili ang mga kailangan niyang kagamitan at itayo ang sarili niyang construction business.
Ang commitment sa pagtatrabaho, patuloy na pagkakatuto, at pag-empower sa kanyang team ang nagpabago ng kanyang buhay at nagdala ng positive impact sa komunidad.
Honoring Our Everyday Heroes sa 🇵🇭
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang mga modern-day heroes na sumasalamin sa giting at pag-asa—silang nagsasakatuparan sa mga pangarap.
Ang ating mga partner contractors at agents na bumubuo ng pundasyon sa mga komunidad, mga buyers na nagbibigay-buhay sa mga tahanan, at mga employees na nagpapatuloy sa ating mga misyon nang buong puso.
Sa pagbabahagi ng kanilang mga kwento, nais naming magbigay inspirasyon sa makabuluhang aksyon, gumawa ng impact sa buhay ng bawat isa, at palalimin ang mga ugnayang nagbubuklod sa atin.
2900+ na Buhay ang Nabago 🏠
Mula January hanggang June ng 2024, nakatulong tayo sa mahigit 2900 na indibidwal na makahanap ng sariling tahanan. Hindi lang tayo nakapagpo-provide ng bahay; nagki-create din tayo ng mga lugar kung saan pwedeng umunlad ang mga pamilya at magbunga ang mga pangarap.
Ang misyon natin ay gawing abot-kaya ang pabahay para sa lahat. Bawat tahanan na naitatayo ay isang hakbang palapit sa paglutas ng housing gap sa Pilipinas.
Hindi madali para sa small-scale contractor na palaguin ang negosyo nila sa Pilipinas.
Ano ang pangunahing dahilan?
Kinakailangan nilang matapos ang project at maghintay ng halos kalahating taon bago mabayaran.
Ganito ang kalakaran sa tradisyonal na sistema, at, hindi sapat ang kapital para tumanggap ng mas malalaking proyekto at bayaran ang mga manggagawa nang advance.
Ang mga hardworkers ay dapat magkaroon ng pagkakataong nararapat sa kanila, at ngayon, posible na ito para sa aming partner contractors na makuha ang bayad nang fair at timely dahil sa aming makabagong approach.
Sa aming sistema, tinitiyak namin na mababayaran ang contractors sa loob ng isang linggo mula sa approval ng bawat progress.
Paano namin nagagawa ang real-time payments?
1️⃣ Ginagamit ng aming partner contractors ang aming app para i-update ang kanilang progress at mag-upload ng pictures ng proyekto.
2️⃣ Sinusuri ng aming construction team ang mga property gamit ang aming system para matiyak ang kalidad ng bawat proyekto.
3️⃣ Kapag na-validate na, mabilis na nire-release ng aming back office ang mga bayad, tinitiyak na walang delay.
Sa pamamagitan ng advanced technology at human touch, hindi lang kami nagtatayo ng mga property—bumubuo rin kami ng tiwala at empowerment sa real estate industry.
“Kumbaga yung sahod ko noon is minimum palang siya. Doble yung sakit yung time na wala yung tatay ko, sakit pa na gagastos ka, kasi ‘di mo alam kung saan ka kukuha ng pera.”
Mahirap para kay Racquel nang pumanaw ang kanyang ama. Maliit pa ang kanyang dalawang anak at wala siyang partner noon.
Kahit na mahirap ang sitwasyon, nanatiling positibo si Racquel. Kumuha siya ng mga extrang trabaho, nag-juggle ng multiple sidelines, nagtrabaho nang walang humpay, at unti-unting nabayaran ang mga utang. Ang dedikasyon niya sa kanyang pamilya at trabaho ang nagpatuloy sa kanya sa buhay.
Aligned ang ating mga efforts sa United Nations Sustainable Development Goals 🌍
Narito kung paano nakagagawa ng pagbabago ang aming commitment:
💪 Gender Equality
Pinalalaganap namin ang pantay na oportunidad, ine-empower ang mga kababaihan sa aming workforce at mga komunidad. 71% ng aming internal team at 95% ng aming partner agents ay kababaihan.
📈 Decent Work and Economic Growth
Ang aming mga proyekto ay nagbibigay ng libu-libong trabaho at sumusuporta sa lokal na ekonomiya, na nagdudulot ng inclusive economic growth. Nakikipag-transact kami sa 100 contractors at 4000 agents at brokers.
🏗️ Industry, Innovation, and Infrastructure
Nagse-set kami ng mga bagong pamantayan sa industriya sa pamamagitan ng decentralized process sa construction at pag-develop ng property.
🏙️ Sustainable Cities and Communities
Sa pamamagitan ng mga abot-kayang bahay na itinatayo at nire-renovate sa 60 na lungsod sa buong bansa, nai-improve natin ang pamumuhay at gumagawa ng matatag, at sustainable na komunidad.
🌱 Climate Action
Ang aming mga eco-friendly na pamamaraan sa construction ay nagpapababa ng masamang epekto sa kapaligiran at nagpo-promote ng mas masaganang pamumuhay.
Overcoming Loss and Being Eldest of Seven: Transforming Challenges into a Brighter Future
Si Racquel, panganay sa pitong magkakapatid mula Masbate, ay maagang nagkaroon ng responsibilidad para suportahan ang kanyang pamilya. Matapos ang high school, lumipat siya sa Maynila, nagtrabaho bilang promodiser ng 12 na taon para matulungan ang mga kapatid at suportahan ang dalawa niyang anak.
Kahit naharap sa mga financial na pagsubok at pagkawala ng kanyang ama, ang determinasyon ni Racquel ang nagdala sa kanya sa matagumpay na karera sa real estate. Ngayon, mayroon na siyang sariling bahay at dalawang paupahan na property, na nagiging inspirasyon sa iba dahil sa kanyang kwento ng sipag at tiyaga.
"Maa-advise ko lang sa kanila is, kung ano man yung pinagdadaanan nilang hirap sa ngayon ay pagtiyagaan lang nila tapos ‘wag lang silang sumuko. Ipagpatuloy lang nila ang kanilang pangarap."
Paano namin binabago ang real estate industry? 🚀
1️⃣ Head Office: Ang proprietary system namin ay nakakahanap ng undervalued properties at mino-monitor ang buong lifecycle nito in real-time. Konting tao lang ang kailangan para mag-supervise ng proseso.
2️⃣ Process: Ang mga app na ginagamit ng aming mga partner brokers at contractors ay nagbibigay-daan sa two-way communication at synchronization sa progress ng bawat transaction. Hindi na kinakailangan pang mag-satellite offices.
3️⃣ Areas: Ang aming network ng brokers at contractors, empowered ng technology, ay nagtatayo at nagbebenta ng properties sa mga lugar kung saan sila mismo nakatira at nagtatrabaho, bawas risk at dagdag productivity.
Sa pamamagitan ng decentralized process at paggamit ng advanced technology, ang real estate ay ginagawa naming mas efficient at transparent.
“Naniniwala ako na ang bawat rejection ay isang opportunity para sa mas magandang bagay.”
Nagdala ng malaking pagbabago ang pandemya sa buhay ni Mildred. Naapektuhan ang negosyo ng travel at tours, kaya napilitan siyang maghanap ng mga bagong oportunidad. Nag-focus siya sa kanyang online selling at nagsimula na ring mag-Shopee at TikTok live selling.
Hindi tumigil doon ang entrepreneurial spirit ni Mildred. Nagdesisyon siyang mag-pursue ng karera sa real estate noong 2021, kung saan nakikita niya ito bilang paraan upang mapanatiling financially secured ang kanyang pamilya habang nananatili sa bahay kasama sila. "Bilang real estate agent, nagagawa kong makasama ang mga anak ko. Kaya kong i-manage ang oras ko at nandiyan pa rin ako para sa kanila, hindi tulad ng tradisyonal na trabaho kung saan malayo ako ng mahabang oras."
What have people been saying about Lhoopa until now? 👇🧐
The people we meet often say that we are,
➡️ A real estate developer.
➡️ An i-BUYER.
➡️ A home financing company.
➡️ A house flipper.
➡️ An online marketplace
But most of them are things that WE ARE NOT ❌
So what was missing?
👉 Lhoopa is a property technology company.
👉 We are creating a new way of doing real estate
👉 We are solving a global problem and closing inequality gaps.
This is the reason why we did a rebranding, and with this re-introduction of who Lhoopa is,
We communicate our mission more clearly, reflecting its disruptive, innovative, and human-centric approach.
Take a look at our new website, and tell us in the comments what you think about it 👇
Lhoopa is featured in the Daily Tribune 🙌🏼
Thank you for covering our recent $80M funding to accelerate our mission of providing affordable homes to families across the Philippines.
Read the full article below to learn more about this exciting development 👇🏼
Lhoopa secures $80M for affordable homes Lhoopa, a property technology or proptech firm, on Tuesday completed raising $80 million from equity and debt instruments to help provide more affordable homes
Click here to claim your Sponsored Listing.
About Lhoopa
Our Story
With the intention of providing decent yet affordable houses for the Filipino people, Lhoopa found its way in the buying and selling of real estate properties in the Philippines.
It was first launched in 2013 by Forward Solutions in partnership with Axeia, one of the top developers in the Philippines since 1982. Lhoopa, which stands for “Lots, Houses, Offices, and Other Properties in Asia”, rapidly expanded its property listings to more than three hundred (300) in a span of three (3) months, resulting in an unexpected 50% increase in sales for the first quarter. Its online presence continually grew as it also promoted properties on other lead generation sites.
In the third (3rd) quarter of 2016, Lhoopa obtained a spot in the top 10 largest brokerage firms in the country (in terms of number of listings), according to leading property site Property24. Another popular site, Lamudi, named Lhoopa as the largest listing provider, generating more than 1000 client leads per month.
Videos (show all)
Category
Contact the business
Website
Address
19F The Podium West Tower, 12 ADB Avenue, Ortigas Center
Mandaluyong
1550
Opening Hours
Monday | 9am - 6pm |
Tuesday | 9am - 6pm |
Wednesday | 9am - 6pm |
Thursday | 9am - 6pm |
Friday | 9am - 6pm |
12th Floor Citynet Central Building Sultan Street Barangay Highway Hills
Mandaluyong, 1550
Unisys Philippines Ltd LLC 12th Floor Citynet Central Building Sultan Street Barangay Highway Hills Mandaluyong City 1550
Mandaluyong
Mandaluyong, 1009
Software Customization Services * Web-App * Mobile-App * Desktop-App * Embedded Software
522 Tanglaw Street , Near Katarungan St.
Mandaluyong, 01550
Macbook Pro Repair MacAir Repair iMac Contact Us at 0912 194 9494
Mandaluyong, 1553
App your service is an app that can cater home services
Mandaluyong, 1550
Virgency Solutions is an Information Technology firm that provides IT solutions through the latest t
Tower 4 5M Woodland Condominuim Pioneer Avenue Mandaluyong
Mandaluyong, 1550
Information Technology Company and System developer
Twin Oaks Place West
Mandaluyong, 1554
WT Migremo Systems, Inc. specializes in software and web applications, and mobile solutions.
Mandaluyong
Struggling to find reliable IT support? Discover ITILE Tech Services. With proactive solutions and industry expertise, we address your IT challenges. From small setups to large sys...
Mandaluyong, 1551
"Welcome to BNY ITech Services! Your trusted partner for comprehensive IT solutions. From strategic tech guidance to hands-on services, we've got you covered. Let's journey togethe...
ATI Building, 5 Ideal Street , Cor. McCollough St. , Brgy. Addition Hills
Mandaluyong, 1552
Providing you with the latest products and solutions, from day-to-day needs to business requirements.