MRHS Secret Files

Revealing the secret files of the students of the source of honor and pride, Manuel Roxas High School. Its all about the SECRET behind the Manuel A.

Roxas High School.

19/10/2016

MSF019
CRUSH

alam nyo ba yung feeling na magkacrush syempre alien nalang walang crush so ito na yern.
This year lang to nangyari ngayong Grade 8 na meh haha
May crush kasi ako classmate ko siya pero di naman ako tulad ng iba na showy kaya hindi halata kaya medyo happy pa at hindi pa kalat sa sec namin hahaha pero parang nahahalata na niya . tapos one time ayoko mag assume pero tinitingnan kong mabuti sakin talaga siya nakatingin pasulyap sulyap ba. Aamin ko na ba ?
Kung kayo ako aaminin niyo ba ?"

-Baymax

24/09/2016

MSF018
"The more you HATE the more you LOVE"

Alam niyo po ba yung feeling na yun? Dati hindi ako naniniwala dun pero nung nangyari sakin napa oo na lang ako palagi kaai yun sinasabi ng mga kaibigan ko eh pero dedma lang ako so ito na last 2015 when we were in grade 7 we're both section 1 so classmate ko siya malamang hahaha nung una naiirita alo sakanya kasi for me ang hangin niya tingnan but i admit pogi naman siya so ito na months pass inaasar pa rin ako ng mga kaibigan ko so ayun naging crush ko siya then one day and that is one of my unforgetable day eh kasi naman sinamahan ko ung kaibigan ko sa cr tapos naipit daliri ko nun and namuo ung dugo siyempre masakit alangan naman masaya naipit na nga eh pagakyat namin pinapagpag ko daliri ko hinihipan ko then ung seat ko kaharap ng katabi ko crush tapos nakita niya ako tinanong niya kung ano ginagawa ko sabi ko hinihipan ko daliri ko kasi naipit tapos sabi niya patingin nga and then hinipan niya oh diba it feels like emeged tataa ba to hahaha and then waahhh i was blushing kaya pala siya natawa and my friend told me that and ako grabeh nakakahiya alam niya na kaya ? So ayun this is my story

- Baymax

23/09/2016

MSF017
"That thing called pusuan on fb"
-
Hi crush pansinin mo ko please. Hahaha, simulan ko na. Nang dahil sa pusuan ng facebook na yan nagka-crush ako sayo. Hindi ko alam kung bakit! Pero pagkagising ko nalang ng umaga tumitibok ang heart ko at name mo ang binabanggit. Kasalanan talaga to ng pusuan sa fb. Dati naman nakikita kita pero napopogian lang ako sayo pero wala ng halong iba yun tas ngayon kung kelan wala na ako dyan sa school at kung kelan grade 11 na ako sa paaralang *toot*. Dun pa ako magkakagusto sayo, yeah! Nagkakagusto? Nagkakagusto na ako sayo. Kasi nagchat ka saaken! Unexpected chat from you. Di ko talaga expected yun kaya tuwang tuwa ako. Kasi pagod, paos at nahihilo ako nung araw na yun kasi kakatapos lang namin magjingle nun tas biglang nag-pop up yung messenger ko at pangalan mo ang nakita ko. Nakaupo ako nun sa isang tabi ng room namin at tahimik, tas nung nakita ko yun. Bigla akong tumayo at sumigaw sa room kahit paos ako nun. Yung mga kaklase ko nagtitinginan saaken pero ignore lang ako at tinatanong nila kung 'bakit?' sabi ko 'yung crush ko nagchat saaken' sabi nila 'patingin' ako naman si kinikilig pinabasa sakanila para i-share yung kilig factor ko sa katawan ko. At sa tuloy tuloy na tayong nagchat. Pero ang problema lang is ang tagal mo magreply, may time na mabilis pero mas marami yung time na matagal ka magreply. Minsan naiinis ako kasi baka mamaya bored ka lang talaga kaya mo ako chinat pero pag nagrereply ka natutuwa ako. At wala naman akong karapatan magalit kasi crush lang kita at hindi mo alam yun. Kahit nga 'Hahahaha' lang reply mo, naiinis ako pero mas lumalamang yung tuwa. Sa bawat chat natin, mas lalo akong nagkakagusto sayo. I dunno why? Basta, alam ko crush kita, i mean gusto kita. Sa simpleng ganun lang mas lalo akong nahuhulog sayo. Baguhan palang kitang crush pero ganto na agad nararamdaman ko sayo. Gusto ko sanang sabihin sayo kaso lang natatakot ako. Natatakot akong ma-reject. Okay na dito kasi kahit papaano di ko mararamdaman yung rejection. Kasi ramdam ko naman na wala kang gusto saaken, iyak tayo!! At hindi ako umaasa na magkakagusto ka saaken. Wag umasa, nakakasakit ng heart. Maging masaya nalang siguro ako kung anong meron saaten kahit walang meron. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin at ikwento kaso baka malaman mo na kung sino ako."

Ang nagkakagusto sa hindi gusto,
N
2016

26/07/2016

MSF016

"Pangakong Napako"

Bat ganun kadali sayong mangako na di mo naman kayang tuparin?
Sabe mo ako lang? Pero anong nangyare? Meron kana ngayong pinalit saken, 😭 sabe mo hihintayin mo ako? Sabe mo hindi moko susukuan sabe mo kahit may makita kang mas better ako parin 😞 Oo alam kong nag kamali ako, pero bat bigla mo nalang akong iniwan at pinagpalit ng hindi mo manlang saken sinabi at nalaman ko nalang sa iba na meron ng bago na meron kanang bagong nililigawan. Ang saket sobrang saket kasi pinanghawakan ko yung pangako mo na hindi moko iiwan na hindi moko ipagpapalit totoo nga yung sinasabi nila na promises are meant to be broken. Diko ineexpect na gagawin moto saken 😭 nag tiwala ako sayo nag tiwala ako sa salita mo sa pinangako mo . Kala ko ako lang 😔 pero hindi pala. Nagkamali ako nagkamali ako ng akala "akala lang talaga" hayaan mo mukhang masaya ka naman na sakanya papakielamanan paba kita? Mukhang gustong gusto mo naman talaga siya e kaya kung san ka masaya masaya narin ako para sayo 🙂 tsaka gusto ko lang mag sorry sorry kase napaka selosa ko , napaka pride ko , Ganun lang siguro kita ka mahal kahit di ko man maiparamdam pero yun yung nararamdaman ko natatandaan mo paba nung kausap kita? Sabe mo pa sakin nun "yung tao kase ginawa kong mundo" tas sabe ko lang sayo nun "hahahha baliw ka" tas sabe mo pa saken nun "mahal na mahal moko" pero ngayon iba na mahal mo iba nayung sinasabihan mo nyan hindi na ako 😞 tas kinantahan mo pako nun ng "photograph" natatawa ako kase kahit dika marunong kumanta kumanta ka parin 😔 kala ko talaga tayo na pero hanggang akala nalang pala ang lahat. 😞 masaya ako para sayo kasi meron ng bagong nag papasaya sayo at hindi na ako yon. Salamat sa lahat. Hanggang dito nalang. Paalam.

Ps: makaka move-on din ako di man ngayon pero makaka move-on ako tiwala lang .

-L*n*at
Grade9

25/07/2016

MSF015

Expect the unexpected part2

So yun nga nag ka away kami as in Dina nagpansinan !blocked sa Facebook at messenger ganyan !😂 so diba pag beki expect monang may crush yang guy si jeydon (diniya tunay na pangalan)! ✌yun nga yung guy niyang nagustuhan masyado na sakanya na a annoyed !eto naman si beki na dati Kong crush yun kinukulit parin tong si jeydon E etong si jeydon nato ayy kaibigan korin mula elementary ! Nagulat nalang ako bigla ng isang araw naging masyadong clingy sakin tong guy ! Days past Paulit ulit lang yung mga nangyayare !eto si jeydon umamin sakin na kaya daw siya ganon eh dahil para layuan nasiya nung beks na nagkakagusto sa kaniya ,at sa wakas huminto narin yung bakla dahil tao lang naman siya napapagod maghabol !😂yun lumipat na siya ng school !di ko sinabi Kay beks yung dapat plaplanuhin ng crush niya na si jeydon na gagawin dapat akong panakip butas ni jeydon para layuan na ni beks si jeydon na crush niya !😂 so ang magiging set up Sana namin love triangle 😂buti nalang di natuloy napagod at nairita narin kasi si beks maghabol Kay jeydon !

-Soon to be Mrs. Bu

24/07/2016

MSF014
Expect the unexpected

I want to share my story!☺

Nangyare to 2015 lang , grade 7 kami nun and (we're both in one section! Specifically we're in section 1) isa siyang gay! pak! dati kona siyang nakikita nung elementary kami tapos nung nag grade 7 kami magkaklase kami nung unang pasukan ang lakas ng aura niya yung para bang may cupid na pumana sakin pagtinggin sa kanya ! Hindi ko inamin na may gusto ako sakanya.

Lumipas mga buwan di niya talaga alam, pagkatapos ng bakasyon unang pasukan . Sabay kaming umakyat . Nagulat nalang ako ng bigla niyang hinawakan kamay ko .inisip ko nalang na beki siya pero sobrang kinikilig ako binibirobiro ko nga lang siya eh.

Isang araw nalaman ko nalang sa friends namin na sinabi daw niya na "nagkakagusto nako Kay ........... ". Dumaan ang mga ilang araw ok naman samin ! Kaso dumating nalang ang isang di na niya ko pinapansin !yun nagkagalit kami, kasi may word siyang sinabi sakin na masyadong masakit.

-Soon to be Ms.B

06/07/2016

MSF013
"Long-time CRUSH"

Hi! Gusto ko lang magshare ng story ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan HAHAHAHA De'ganto kase. Second year (Sect.1 to be specific) ako nun, mayroon ako naging crush (call him 'pikachu' XD) na classmate ko kaso hindi naman ako katulad ng iba na pabebe kapag andyan sya, yung papansin dito at papansin doon. Simple lang! yung tahimik sa isang tabi tapos tatanawin sa malayo hahaha emotera ako eh, keme! Yung tipong patago akong kinikilig kapag may itatanong sya o kaya manghihingi sya ng papel sakin HAHAHAHA landi diba? I still remember pa nga nung pinipilit ko yung bestfriend ko na itanong kay pikachu kung anong favorite color nito kase balak ko syang regaluhan sa christmas party namin. So ayun nga, nalaman ko na color blue pala Hahah well! Christmas party nun ng pinabigay ko sa best friend ko kay pikachu yung damit pero wag nya sasabihin na sakin galing kaya ang sinabi ng bff ko eh galing yun sa 1st yr na may crush sakanya. Yung ngiti ko noon na-stack na sa labi ko HAHAHAHA kaso nalaman ko nalang na may gf na pala sya edi move on kuno kahit wala namang kami hahaha TAPOS! May nakilala ako, actually diko talaga sya kilala kase pahirapan pa bago ko nalaman yung name nya. Bumibili kami ng siomai nun sa canteen edi syempre siksikan, bff ko nun yung bumibili tapos nasa likod nya yung bago kong crush (call him 'muffin' XD) HAHAHA pinipilit tingnan ng bff ko yung ID nya para malaman nya kung anong pangalan nito kaso nahuli sya edi takbo palayo HAHAHAHA pahiya mode eh. aano ko sya nakilala? May naging ST kami na kaklase nya, kahit di kami close pinush ko talagang itanong. Kapal ng mukha eh no? HAHAHA Simula nun palagi ko na syang ini-stalk, sa Facebook, kunwari dadaan sa room nila pero sya naman ang habol ng mata ko. Hahaha until mag-end na ang class, Recognition nun at Top3 sya sa Class nila. Abangers pa nga ako kase makikita ko syang sasabitan ng medal kaso di sya umattend. Fast forward! Last day nun nung gumawa ako ng letter para sakanya, nasa laboratory sya nun para magpapirma ng clearance tapos kami ng bff ko nasa labas lang nag-aabang sakanya. Balak ko talaga na ako mismo ang magbibigay eh kaso nawala yung tapang ko nung nasa harapan ko na sya kaya si bff nalang ang nagbigay. Tatakbo kami nun pagkabigay, nakakahiya eh HAHAHA ginawa ko na lahat para mapansin nya since magtatransfer na ako nun. Nakakalungkot nga eh! Naging crush ko sya for almost 3 years kahit ang layo-layo nya sakin. Kumuha pa nga ako ng picture nya sa fb para ipa-develop at ilagay sa wallet ko. HAHAHAHA Nung nalaman ko na may gf na sya, mesheket be. HAHAHA pero nagbreak din sila, saya nga eh. Then, nito lang May 30 habang hinihintay ko yung classmate ko, nakita ko sya— Yas! Idunno kung nananaginip ba ako o ano? Dumaan sya mismo sa harapan ko at nakatitig lang ako sakanya. Dun sila pumunta sa karendirya na nasa harapan ko lang kaya habang kumakain sya nakatingin lang ako sakanya. Ang saya ko nun HAHAHA pero dina katulad ng dati kase kahit papano nakamoveon na ako sakanya. Hindi ko pa ito naikukwento sa bff ko kaya HI BEBE slightsmile emoticon SORNA! HAHAHA ALAM KONG MABABASA MO DIN NAMAN TO EH DIBA NGA SABI KO SAYO MAGDADRAMA AKO DITO SA MRHS FILES HAHA LABYU BES! Hays! Si muffin, sya yung tipo ng tao na estudyante sa loob ng paaralan pero gangster pagdating sa labas HAHAHA yap!

MRHS
R** (CurrentSchool)
BATCH 2012-2013
LEGALHVCKER☺

25/06/2016

MSFO12
"Best Friend"

Masarap magkaroon ng best friend lalo na kung parehas kayo sa lahat ng bagay kaya pati crush parehas kayo. Way back to 2014, 4th yr kami ni tubol parehas kaming nagmamaganda sa lahat ng bagay parehas din kami sa kinaiinisan lalo na mga malalandi? Ay grabeng lait ang pinagsasabi namin pero syempre in a way na patago yung kami lng nakakaalam habit namin pag uwian tumambay sa amoranto magkwekwentuhan lng nmn kami ng 2hrs about sa guy,malalandi,bida-b­ida, etc. Fast forward naten. One day sa flag ceremony syempre nagchichikahan na nmn kami wala kaming pake kanta kanta non chikahan kung chikahan kumakanta lng kami pag nasa stage si sir liangco syempre takot kami mapahiya tapos eto na nga may nakita ako!!! And I was like "tubol!! Pogi spotted crush kona sya!" sya nmn mahina yung mata kailangan ko pa tlgang ituro ng bongga and then bago pumasok sa room since tapos na yung flag syempre hokage kami inantay muna namin pumasok sa room si kuyang pogi and yes! Alam na namin section nya and take note ka year level namin HAHAHAHAH tapos medyo hindi tlga kami tumigil until malaman namin name nya buti na lng I have connection yeah hahahah tinanong ko agad agad sa friend ko name nung guy tapos ayun si ano daw! Transfer pala si guy "ah sabi na e bago lng sya sa paningin ko" Hahahaha inadd ko sa Facebook! Inaccept nmn ako grabe! Kilig na kilig tlga ko! and then kinabukasan sya topic namin ni tubol. Kaya simula non pag math nagpapahuli akong magpasa ng papel kase next section ni ma'am e kila kuyang pogi hehehehe lande! First move ko yon magpapasa ng paper sa room nila para sakin yung attraction hahahahahh tapos sa fb nmn gusto ko din magpapansin aba nagpopost ako ng pic. na maganda HAHAHAHA tapos may naisip si tubol ng strategy ichat ko daw ng "I love you baby" tas pag nagreply sabihin ko daw wrong send! Hahahaha medyo gusto ko na syang gawin but then inistalk ko may gf na pala HAHAHAHAHA aray medyo pero hindi pa din kami tumigil nag ayos kami ng nag ayos buti na nga yon para maganda kami lagi fast forward again nagtapat si best "Best, ok lng ba maging crush ko din sya?" And ako nmn "oo nmn, parehas nateng crush yan tsaka wala nmn akong karapatan" sya "ah kala ko magagalit ka kasi yung iba ganon dba?" "Baliw maliit utak non kung ganon!" HAHAHAHA tae nagulat ako sa pag amin nya and besides thankful ako kasi umaamin sya. In the next day back to reality naglalandi na nmn kami actually may kanta pa nga kami e gawa gawa lng namin "lalande lalande" paulet ulet lng yan hahahahaha forward again since alam na nmin sa isat isa na crush namin ay iisa kanya kanya kami ng paraan para mapansin ni crush HAHAHAHAHA tapos napansin namin na ganun na nga nangyayari tinatawanan na lng namin so far walang nangyare grumaduate kami ng single and now college na kami ako na lng single saming dalawa hahahahah ang tibay ko e si crush? Wala na kong balita don adik na ata and inunfriend kona rin I'm happy na ngayon sa bagong nature dito sa isang university sa manila marami ding pogi dito but mag aaral muna ko. Salamat sa nagbasa.

MRHS
Grade 10- Tae☺
SP Student

23/06/2016

MSF011
"TIME MACHINE"

Napakasarap mainlove alam natin yan kahit simpleng crush o paghanga lang ang saya kaya sa feeling na lagi kang inspired kahit mainit ulo mo pag nakita mo lang sya okay kana buo na agad araw mo lalo na pag nalaman mo na gusto ka rin pala nya hayy heaven

4th yr. student ako dati, a simple girl with a simple dream ang mapansin ng taong gusto ko 1st week pa lang ng klase I saw a guy standing outside of our room mukang may inaantay pero snob ko lang, actually cute sya Unang kita ko pa lang sa knya gwapong gwapo na talaga ko kahit parang ang cold ng aura niya. Dumaan yung maraming weeks na madalas ko syang nakikita napagwapo nya talaga :") Kahit ang liit nya then I started crushing on him, pero nalaman ko na he's a grade 7 student pala so nadown ako kasi mas bata pa pala sakin ung nagustuhan ko hayy pero narealize ko rin naman na wala namang mali na magustuhan ko siya dahil "hinahangaan" ko lang naman sya. Kaya hinayaan ko na lang tong feelings ko lakas nga ng tama ng mga kaibigan ko sabihan ba naman ako ng child abuse daw ay grabe parang crush lang nmn eh. Pero nalaman ko na gusto rin pala sya ng friend ko hahaha haba ng hair ni kuya ang daming nagkakagusto.
Then one time magkakasama kami magkakaibigan, uwian na nun tapos nasa may stage si guy na grade 7 my friends told me na magpapicture dun pero nahihiya ako sobra kahit na alam ko na mas bata pa sakin yun nahihiya padin ako pero pinagtutulukan parin ako ng mga friends ko babait nila diba tapos nandun pa yung isa naming classmate na boy na maingay actually close nya yung grade 7 na crush ko kaya ayun no choice kundi magpapicture ang awkward pa nga eh ang haggard ko nun di man lang nila ako pinag-ayos "simplicity is beauty" daw. Pero atleast may picture kami :") Eh kaso nga lang bago ako makapagpapicture, I saw a girl sitting beside him and I found out it was his girlfriend.
May girlfriend na pala sya! sakit naman nun char! Crush na nga lang masasaktan kapa pero okay lang ulit kasi nga "crush" ko lang sya. Crush namin ng isa kong friend gwapo kasi talaga niya lakas ng appeal :") kahit may girlfriend siya ng time na yun crush ko parin sya . Pag dadaan sya sa may hallway tatakbo agad kami nung friend ko masulyapan lang siya kahit naiinis kami dun sa girlfriend niya haha then one day nalaman na lang namin na break na sila o diba updated grabe talaga yung impact sakin ng boy na to medyo matagal ko na rin syang nagugustuhan may time pa nga na nakita ko sya maglaro ng badminton ang galing sobra! kaso eto namang friend ko na may gusto din sa kanya 123 paraparaan din eh nakipaglaro siya so eto naman ako hanggang tingin lang
Madalas akong mainggit dun sa friend ko bakit? Kasi lagi syang nakakapagpapicture sa kanya sa tuwing may event sa school minsan pa nga naiisip ko na baka gusto rin sya ni crush nako wag naman sana & oo nga di sya gusto sadyang mabait & di lang pala snob si crush kaso haha meron nanamang problema nalaman ko na gusto nya yung isa kong classmate sobra na crush ah masakit na but, may good news! Same age lang pala kami nako naman so, di ko alam kung matutuwa ba ko tsaka kahit matuwa or what wala namang magbabago iba parin yung gusto nya si classmate at hindi ako
Hayy andun na lang tuloy ako sa malayo kausap yung isa kong kaibigan na habang tinititigan si crush nakikipagkwentuhan minsan ko ng nasabi na hanggang tingin na lang siguro talaga ako Kaya pinilit ko na tanggalin na tong feelings na to ayoko na haha
Sa wakas naman sumuko na rin ako tinulungan ko na lang yung friend ko na may gusto sa kanya na mapansin nya so naging friends naman sila pero si girl talaga na classmate namin yung gusto ni boy so wag kana umasa friend
Madalas naming nakikitang magkasama si classmate & si boy tuwing break time & uwian pero dahil nga sa di ko naman na siya crush di nako nagpapaapekto
May advantage rin pala yung pagkawala ng feelings ko kasi natulungan ako nito na medyo mapalapit sa kanya & kapag magkakasalubong nagkakangitian . Isang gabi nagulat na lang ako nung bigla syang nagchat: Hi ate ikaw po ba yung nililigawan ni..... then I replied yes dun na nagsimula yung conversation namin about dun sa boy who's courting me at that time
Kapag nasa school na pag nakikita nya ko lakas ng tama nya mang asar haha feeling close agad to si ex crush noh everytime I saw his smile, his laugh lalo pala syang gumagwapo nasanay kasi akong makita siya na ang cold ng aura. Pero syempre kahit mapang asar sya hindi ko iniisip na baka siguro may gusto rin siya sakin kasi alam ko naman na si classmate yung gusto nya mukang mahal na nga nya yun eh kasi sakin siya nag oopen nice naman si ex crush kahit di pa kami medyo magkakilala nag oopen na agad sakin
Graduation day na Masaya na malungkot kasi syempre maghihiwa hiwalay na kami magkakaklase, yung mga friends ko di ko na makakasama araw araw, mga teachers na tiniis kami at minahal mamimis ko sobra & syempre si ex crush, syempre naging part rin sya ng highschool life ko "ultimate crush" nga ehh tawag ko sa kanya noon. After ng graduation ceremony I saw him & my classmate took up pictures together arrrrhh! Sweet pero nung nakita nya ko nginitian lang ako di man lang ako binati ng congratulations grabe sya Pero akala ko yun na yung huling araw na makikita ko siya hindi pa pala kasi pinabalik kami sa school after a few days nakalimutan ko na kung anong reason ah ayun! Farewell party pala So, nagkita nanaman kami kasama niya yung guy na suitor ko hayy ayan nanaman siya mang aasar ng paulit ulit napakakulit niya pala talaga parang bata pero ka age ko lang sya
Yun na pala talaga yung last day na makikita at maaasar niya ko ewan ko ba kung malulungkot ako ng sobra parang sobrang bigat ng nararamdaman ko alam ko naman na wala na kong gusto ginive up ko na yung feelings ko pero bakit parang ang hirap na hindi ko na pala siya makikita masaya naman na ko dun sa isa I tried to open my heart to someone else na gagawin ang lahat mapasaya nya lang ako pero bakit ganito ang hirap padin
Vacation time sinagot ko yung guy pero sandali lang naging kami dahil may nalaman ako na kinasakit ng feelings ko
Tinext ako ni ex crush kinomfort niya ko nung mga oras na ang sakit sakit pa rin nandyan siya at mga kaibigan ko pero wala paring pumapasok sa isip ko na bakit kaya siya ganyan sakin? Parang may iba pero siguro nga concern lang talaga siya minsan na nya kong inaya kumain sa labas di siya nagsawang icomfort ako hanggang sa dumating na yung time na makamove on ako andyan parin siya. Sa tagal na naming nagkakausap, nagkakasama, napapasaya niya na ako natatakot parin ako kasi baka mafall ako ng walang sa oras yun yung pinakaayaw kong mangyari ang magustuhan siya ulit dahil alam ko naman masasaktan lang ako si classmate yung mahal niya hindi ako lagi ko yang pinapaalala sa sarili ko
Yung mga oras na lumalabas na kami, nanunuod ng sine ayoko pa rin mag assume tsaka friendly date lang yun walang malisya sa araw araw na katext ko sya, kausap sa phone andami kong nalalaman tungkol sa kanya and kahit pag magkasama kami grabe di ko na kaya nahihirapan na ko, nalilito na yung feelings ko siguro nga talaga unti unti na kong nahuhulog nag open siya sakin isang beses ilelet go na daw nya yung girl na minahal niya kasi imposible na yung sa kanila ayaw nya ng umasa dun, mahirap ng magsisi sa huli kaya sinisimulan niya ng mahalin yung isang babaeng sinaktan lang. (ako) naiyak ako Madalas na kaming umaalis, manuod ng sine, kumain together, umuwi ng sabay pag galing ako dun sa bestfriend ko sobrang saya at buo ang araw ko pag nakakasama ko siya. Nanligaw siya, naging mas comfortable ako sa kanya, mas lalo ko siyang nakilala & sa huli naging kami ang sarap mainlove sobra maiiyak ka sa sobrang tuwa
Pero may nangyari sa di ko inaasahang pagkakataon hindi nagwork yung relationship namin Iniwan niya ko dahil sa mas pinairal ko yung pride ko di ko siya inintindi may pagka moody rin kasi ako. Then one time naggive up na sya akala ko tatagal kami kasi nung hindi ko pa sya sinasagot matagal na kaming comfortable sa isat isa pero nung naging kami na may nabago . Nung nakakaramdam nako na unti unti na syang sumusuko hindi pumasok sa isip ko na sukuan din siya mahal na mahal ko siya kaya di ako magigive up binigyan ko sya ng time na mag isip, bigyan ng space muna.
But, before the new years eve he texted me na di niya na kaya and mas okay na maging magkaibigan na lang kami ouch durog na durog ako so it means ayaw na niya, break na kami sobrang sakit grabe para akong isang bata na iniwan lang ng isang tatay o nanay na halos mawalan na ng hininga kaiiyak wala akong maiyakan walang wala kundi ang unan ko lang

Ang saklap ng pasok ng 2016 sakin grabe pasabog . Nagsimula yung unang araw ng 2016 paggising ko na wala na pala siya sa buhay ko, durog na durog ako na kahit mga kaibigan ko nauubusan na at paulit ulit ng payo sakin di ko parin kayang ipaintindi sa sarili ko na wala na sya sa buhay ko tama na wag mo ng saktan ng paulit ulit ang sarili mo HINDI KA NA NIYA MAHAL
After our break up sinubukan kong kalimutan siya, nagfocus muna ko sa school, review a lot, hanging out with friends, mag focus sa bias ko from a boy group, sumama kay mama magbakasyon, magpakasaya ienjoy ang summer kasama ang family, let be free Pero................­...... mahirap parin talaga sinubukan ko naman kalimutan siya tinry kong magkagusto sa iba pero mahirap turuan ang puso, akala ko move on na ko pero di pa pala, nagbigay ako ng letter sa kanya pero huli na pala ang lahat he was already in a relationship akala ko d nako iiyak, akala ko di nako babalik sa dati , akala ko di na babalik lahat ng sakit & sa nalaman ko pa na may girlfriend na siya sakit sobra
Masakit parin pala hanggang ngayon kung magkakaroon lang ako ng chance gusto ko siyang makita, makitang masaya kahit sa ganun lang na bagay makita ko lang siya na masaya di man ako yung rason ng pagngiti nya, pagtawa niya sapat na sakin yun malaman ko lang na okay lang siya, kahit ako pa yung mas nasasaktan
Namimis ko na siya kamusta na kaya siya? at kahit masakit man sa side ko sana masaya siya kasama yung girl na nagpapasaya sa kanya 6 months na rin ang nakalipas ng hiwalayan niya ko at hanggang ngayon walang nabago MAHAL KO PARIN SIYA tulad nga sa isang lyrics ng kanta “And even if I cry a thousand tears tonight, would you come back to me?” sana nga.

Pangarap ng mga babae like me na magustuhan o mahalin rin siya ng taong gusto niya kahit hindi yun possible sa iba, pero sa story ko naranasan ko na mahalin ako ng taong gusto ko "ultimate crush" nga gaya ng sabi ko pero kahit sa sandaling naranasan ko yun naging masaya ako at walang pinagsisihan. And sa huli thankful parin ako kasi pinakilala siya ni God sakin, isa yun sa greatest gift na natanggap ko

Sa ngayon isa na syang grade 9 student sa MRHS.

TIME MACHINE please

MRHS
Batch 2014-2015
2nd Year College- Ganda☺
FEU Tourism

23/06/2016

MSF010
"Nang dahil sayo"

(oh pak! Title pa lang panalo na!)

Maikli lang naman to kaya basahin niyo na. Hehez. *pero mahaba talaga* So ayun, itong guy na ites, crush ko since grade 8. Bagong transfer lang ako nun galing Qca. Naalala ko, Mas matangkad pako sakanya nun. Section 3 siya, ako 4 (wag na i-mention yung section baka mabuking) hahaha so ayun na nga ulet, magkatabi lang classroom namin kaya nakikita ko siya, and because of curiosity nakichismis ako sa background niya and tbh, naging inspiration ko siya that's why napunta ako sa section 2 nung nag grade nine ako. And the best part goes here, OMAYGHAD! MAS MATANGKAD NA SIYA SAKEN! AT OMAYYY CLASSMATE KO SI CRUSH!! MORE LIKE CRUSHMATE ACHUCHU. hahaha ang lande. Tas ayun, edi magkaklase na nga kami, eto naman ako, as time goes by, na fall ako sakanya. Hindi naman ako totally umasa na he will love me back, kasi I ain't got the thigh gap, 20 inch waistline or a cup C bra. Hahalol I'm just a potato. So ayun, as soon as I am realizing everything, umiiyak ako. Ilang beses ko rin iniyakan yan noh. Hahaha sabe daw kasi nila, if a crush lasts for more than 6 months, its loooove lels hahaha siyempre nauto ako don sa quote na yun omg i can also remember the day nung valentines day! Hahahahahhaa omaygahd binigyan ko siya ng tatlong goya na maliliit hahaha alam niyo na meaning nun more more kwento ako eh. i fast forward natin. Nagkaron siya ng ka M.U. (mga ulol hahaha charot) of course, si ate matalino, mabait, tapos matalino ulet. Yun lang. Haha jok maganda siya sa totoo lang. Sinubukan kong mag move on nung nag bakasyon na. tapos nung second week na, grade 10 na kami nun. Dun ko nalaman na sila na ni ate girl. Siyempre ako naman, emote emote haha sakit kaya edi ayern, buffering na yung pag momove on at pag recover ko nun. Fast forward ulit, ayun na nga OMAYGAHD NAKA MOVE ON NAKO HAHAHAHA ang sarap sa feeling sobra, yung tipong inaasar ka nila sakanya tas ikaw sakay nalang kunyari kinikilig.

Siyempre nagpapasalamat ako sakanya dahil naging matured na ko. natuto nako. At isa pa, ikaw ang dahilan kung bat din ako natutong magmahal ng kapwa ko babae pero siyempre sa lalaki din! Hahaha boset bisex nako ngayon dahil sayo. pero kebs lang, masaya nako ngayon. Thankyou ulet hihi goodluck sa shs mo at sa mga kapwa ko shs ngayern God bless roxasians!

MRHS
Senior HS- Tadhana is my name☺
HUMMS-QU1

15/06/2016

MSF009
"Una at Huling sayaw II"

Chinat ko agad siya nang 'hi crush mo daw ako" (pakapalan na to') tapos na kita ko yung symbol nang typing [………].
"*like emoticon*" yun yung nireply niya sa akin , kung sinuswerte ka nga naman oh,, sa haba haba ng proseso ko ng paghahanap ng fb niya dahil sa korean name niya.
Susuko na sana ako,.... hanggang sa […………]
"Ahh ehh nahihiya ako , lels" nag reply siya bigla naman akong kinilig hahahaha XD . Tapos sinabi ko sa kanya na wag siyang mahiya paghanga lang namn yun (syempre kailangan pahumble muna. Kaya mga par , wag bigla bigla ) hanggang sa nagchat na kami buong araw hindi ko na matandaan kung anong pinagusapan namin , basta ang alam ko masaya ako dahil kachat ko yung magandang babaeng crush ko fortunately? crush niya din ako.
Natapos na yung st week at kahit di na kami masyadong nagkikita every night kaming nagchachat yung usapang kaibigan lang, may oras pa ngang nag l-landline kami at inaabot ng 2 hours pero napuputol dahil nagagalit na yung nanay ko :3 .
Hanggang sa dumating na yung ..
Isang araw sinabihan ko siya sa chat na magusap na kami sa personal sinabi ko din na pupuntahan ko siya sa room nila sa christmas party. Nung araw din na bumili kami ng nanay ko ng pangexchange gift bumili na din ako ng pangreregalo sa kanya actually 80 lang pera ko nun (kase alam mo na taghirap days pag nagaaral pa ) tapos may nakita ako sa bluemagic na isang bagay, simple lang sobrang simple lang saka 75.00 lang kaya ayun binili ko na.
Nung dumating na yung araw ng christmas party nalate ako kase bumili kami ng cake ng kaklase ko para sa teacher namin pagdating ko nagulat ako kase sabi ng dati kong naging estudyante "congrats sir" sabi ko bakit tas sabi nila " best st ka po " feeling ko magiging swerte ako ngayong araw kase may award na tas magkikita pa kami , nung tapos na lahat ng laro pumunta na ako sa room nila nasa kabilang building pa kase room nila. Pagdating ko sa floor kung saan yung room ni thea nasabat ko naman yung kaibigan niya sinabi ko sa kaibigan niya na tawagin si thea. At ayun nga... parang naging red lahat ng nasa paligid ko, napakaganda niya talaga , syempre nagkakahiyaan pa kami nun tinabihan ko siya nasa hallway kase kami nun nakasilip lang kami sa baba, syempre sinimulan ko sa hi, at yun nagusap na kami para mabawasan yung hiya. Tapos binigay ko na sa kanya yung regalo ko "sorry thea , eto lang nakayanan ko eh" (tas pabebe at pacute muna ako ng unti) tas kinuha niya yung regalo ko - Dream catcher, ewan ko ba kung bat yun naisipan kong bilhin . Sabi niya "hala! Okay lang ano ka ba? Ako nga walang regalo sayo eh , sorry ha " sabi niya tas sabi ko "okay lang kasama naman kita eh" pabulong ko yung sinabi tinanong niya ako kung ano yun sabi ko wala tas sabi niya narinig niya daw sabay kurot niya sa pisngi ko. teka bat ba ako nagkakaganto kurot lang sa pisngi kinikilig na ako tapos nag bbye na ako sa kanya kase nga baka hinahanap na ako sa room at saka baka may gagawin pa sya. bago ako magbbye nagsmile ako sa kanya tapos kinurot niya ulit pisngi ko . pra na ata akong tanga kinikilig ako dahil sa kurot sa pisngi .
tapos nagtuloy tuloy na yung paguusap namin sa phome tas minsan sinasabayan ko na din siyang umuwi
Kaso sobra akong nalungkot nung isang araw....

MRHS
Grade 10- Mr. Pogi ☺
IO Journalism

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Quezon City
1113
Other Schools in Quezon City (show all)
Nest School for Whole Child Development, Inc. Nest School for Whole Child Development, Inc.
92 Matahimik Street, Bgy. Malaya
Quezon City, 1100

Nest offers progressive, developmentally-appropriate and experiential preschool & elem education

Technological Institute of the Philippines Technological Institute of the Philippines
938, Aurora Boulevard , Cubao
Quezon City, 1000

Home Of The Engineers.

Ateneo Management Association Ateneo Management Association
Room 319, Manny V. Pangilinan Center For Student Leadership, Ateneo De Manila University
Quezon City

Where passion meets profession.

Ignite Ignite
156 15th Avenue, Cubao
Quezon City, 1109

Ignite is the official English student publication of JCSGO Christian Academy.

High Achievers Tutorial & Review Center High Achievers Tutorial & Review Center
38/F Kamias Road
Quezon City, 1102

High Achievers Tutorial & Review Center official Facebook account. Join our College & Senior HS Entra

Quirino HS QC 95 Quirino HS QC 95
Proj. 3
Quezon City

alumni of QHS QC batch 1995

CIIT College of Arts and Technology CIIT College of Arts and Technology
Interweave Building, 94 Kamuning Road, Brgy. Kamuning
Quezon City, 1104

Your best school for technopreneurship, digital arts, web design, programming, and game development.

CCS BAKESHOP and DECORATING SCHOOL CCS BAKESHOP and DECORATING SCHOOL
91-8th Avenue Cubao
Quezon City, 1109

We offer the traditional and refresher courses to add to your personal and professional skill. CCS SCHOOL IS A SOLE PROPRIETORSHIP. WE ARE NOT AFFILIATED WITH ANY OTHER SCHOOL.

UPSLIS UPSLIS
SLIS New Building, Quirino Avenue, UP Campus
Quezon City, 1101

The U.P. School of Library and Information Studies (UPSLIS) is the oldest library school in the PH

AMA Computer University - Alumni Page AMA Computer University - Alumni Page
Project 8
Quezon City

Asia's First and Largest I.T. University http://www.ama-university.com/

St. John of Beverley Alumni Association St. John of Beverley Alumni Association
#749 Quirino Hi-Way, San Bartolome, Novaliches
Quezon City, 1116