Ang Sikat

Ang Sikat

Ang Sikat | Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Julio Ledesma National High School

27/05/2024

JLNHS sumalang sa RSPC 2024
Ni: Rhiamme Isis Therese B. Novelles

Opisyal ng binuksan ng Department of Education (DepEd) Region VI - Western Visayas ang Regional Schools Press Conference (RSPC) para sa Individual at Group Contest ng Sekondaryang Antas sa Iloilo Grand Hotel, Iloilo City nito lamang Mayo 22-25, 2024.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga sumusunod:

Individual Category (FILIPINO)
Pagsulat ng Editoryal
Francis Wesley C. Detic
Coach: Gigi L. Largo

Photo Journalism
Chloe Avaya Gonzales
Coach: Estelle D. Baguio

Pagsulat ng Lathalain
Alamae Desucatan
Coach: Sayrin P. Nuyad

Group Category (FILIPINO)
TV BROADCASTING TEAM
1. Jelianne Kaye Y. Pacres
Anchor
2. Judel M. Largosa
Anchor
3. Rhiamme Isis Therese B. Novelles
News Presentor
4. Will Jean C. Refuel
News presentor
5. Gwyneth C. Antonio
News Presentor
6. Izel T. Vasanta
Producer/ Director
7. Salina C. Saboc
Video Journalist/Cameraman

Coach: Centinee M. Convite

RADIO BROADCASTER ( FILIPINO)
1. NAME: JV S. Patindol
Anchor
2. James Brian Camingue
Voice/ Newscaster
3. Danica Ann Labrador
Techical Detector
4. Ma. Jhenriel T. Villarico
News presenter
5. De Arce, Mhel Junnziese R.
Main anchor
6. Gishame B. Generoso
News Reporter
7. Rose Jane M. Bascon
News Presenter

Coach: ESTELLE D. BAGUIO

Ang nasabing paligsahan ay may temang "Galing, Talino at Husay ng mga Batang Makabansa Sa Diwa ng MATATAG na Adhika." Ito ay naglalayong ipakita ang pag-unawa sa pagpapahayag sa pamamagitan ng mahusay na pagpapatupad ng iba't ibang plataporma at kilalanin ang papel sa pagtataguyod ng kamalayang panlipunan para sa mga mag-aaral.

Inihayag ng DepEd ang kahalagahan ng pag-aalaga ng kritikal na pag-iisip sa mga kabataan, lalo na sa Digital Age kung saan lumalaganap ang maling impormasyon, partikular sa social media.
"Sobrang saya ko nang nakapasok ako sa Regional Schools Press Conference, hindi ko akalain na ang isang kagaya ko ay nabigyan ng opportunidad na makapag participate sa RSPC na ginanap sa Iloilo city noong May 21-23, 2024. Nang papunta na kami don sobrang excited ko talaga kasi first time ko ito na maka pag participate sa Regional sa larangan ng Journalism, sobrang ganda talaga don ang dami kong nakilala na mga kaibigan, nakita ko ang head ng DepEd sa western Visayas syempre masaya ako lalo na sa mga sinabi niya na "kahit Hindi man kayo manalo rito ang importanti is natuto kayo, at nakapunta kayo rito". Hindi man ako nanalo don, natuto naman ako at para sa akin is yon talaga ang pinakamasayang pangyayari na nangyari sa buong buhay ko, marami akong natutunang bagay at lumawak pa yong kaalaman ko tungkol sa Journalism. Gusto ko lang magpasalamat sa coach ko at sa mga kasama ko na sinuportahan talaga ako hindi ko man nakuha ang gintong medalya masaya parin ako kasi may natutunan ako," wika ni Francis Wesley C. Detic.

04/05/2024

12-HUMSS, Nagbigay Himig sa Asignaturang C.E.S.C
ni: Joreyden Navarro

Nanalo sa patimpalak ng š˜®š˜¶š˜“š˜Ŗš˜¤ š˜·š˜Ŗš˜„š˜¦š˜° ang Gadolinium na sinundan ng Radium at Cobalt sa asignaturang Community Engagement, Solidarity and Citizenship (CESC) noong ika-3 ng Mayo sa Julio Ledesma National High School sa pamamagitan ng live ni Gng. Centinee Convite na isa sa mga g**o ng CESC.

Ang mga pinalunan ng nagawang kompetisyon ay ang sumusunod:

Minor Awards
People's Choice Award: Bound By One Dream (Radium)
Most Shared:Bound By One Dream (Radium)
Most Viewed:Bound By One Dream (Radium)

Major Award
Originality: Kuwento Hanggang Dulo (Gadolinium)
Musicality: Kuwento Hanggang Dulo (Gadolinium)
Creativity & Interpretation: Kuwento Hanggang Dulo (Gadolinium)

Overall Winner:
2nd Place: Into the next start (Cobalt)
1st Place: Bound by One Dream (Radium)
Champion: Kuwento Hanggang Dulo (Gadolinium)

Layunin nitong ipakita ang galing sa larangan ng musika at komposisyon, pagbigay-pugay, mahikayat ang kanilang kreatibidad at originalidad sa paglikha ng mga awitin na nagpapahayag ng kanilang mga damdamin, karanasan, at pananaw sa buhay.

"Ang paglalakbay ay hindi gaanong madali tulad ng iniisip ng lahat. Binuhos namin ang maraming enerhiya sa proyektong ito, dahil sa tatlong araw lamang kami nagkaroon para mag-shoot at isang araw lamang para i-edit. May mga pagkakataon na inisip namin na sapat na ang pagsumite ng proyekto, na akala naming magiging sapat na. Sig**o kaya hindi namin inaasahan na tatanggap kami ng parangal. Gusto ko rin batiin ang bawat seksyon na sumali. Ang aming pagpupunyagi ay hindi kailanman nabigo. Ito ay karapat-dapat sa isang pagdiriwang! Congratulations, Humanista." Ayon kay Jeff Hilary CaƱete, 12 - Gadolinium.

"Para sakin ang aming pagkapanalo ay hindi lamang sa amin kundi sa lahat ng HUMSS, dahil naniniwala ako na pag humanista talentado talaga, doon palang sa competition na iyon naipakita ng bawat section ang kanilang kakayahan sa mga bagay-bagay na masasabi mong basta humasnista magaling talaga." Ayon din kay Louie Jay Albia, 12 - Gadolinium.

Larawan mula kay: Kyle Auditor

14/04/2024

Entrepreneurial venture ng Senior High, sinimulan na | KNB

Face-to-face classes sa JLNHS, pinaiksi | KNB

Panoorin ang mga nagbabagang balitang hatid ng numero unong sandigan ng Bayan.
Boses ng katotohanan. Balitang maasahan.

KNB - Kabatiran ng Bayan.

Photos from Ang Sikat's post 09/03/2024

JLNHS ANG SIKAT: Wagi sa DSPC
Ni: Jelianne Kaye Y. Pacres

Namayagpag ang mga mamamahayag ng Ang Sikat sa katatapos lamang na Division School Press Conference (DSPC), na ginanap ngayong araw ika-siyam ng Marso sa School of the Future (SOF) Amphitheater.

Ang nasabing patimpalak ay may temang "Championing learners by igniting passion and nurturing resilience through Campus Journalism", ito ang siyang huhubog sa husay ng mga mag-aaral sa pagsulat ng balita sa iba't ibang kategorya.

Mga mag-aaral na nakapuwesto ay ang mga sumusunod:

Pagsulat ng Balita
Jelianne Kaye Pacres (Pangalawang Puwesto)
Tagapagsanay: Gng. Mary Ann Montano

Pagsulat ng Lathalain:
Alamae Desucatan (Unang Puwesto)
Tagapagsanay: Gng. Centinee Magno-Convite

Pagsulat ng Pangulong Tudling:
Francis Wesley Detic (Unang Puwesto)
Charice Davin (Ikatlong Puwesto)
Tagapagsanay: Gng. Gigi Largo

Tagakuha ng Larawan:
Chloe Gonzales (Unang Puwesto)
Tagapagsanay: Gng. Estelle Baguio

"Masaya ako dahil nakuha ko ang gintong medalya. Hindi ko inexpect na makukuha ko ang award na iyon kasi baguhan palang ako at wala akong alam masyado pero dahil sa determinasyon at sa kagustuhan kung manalo ginawa ko ang lahat at salamat sa panginoon dahil tinulungan niya akong manalo", wika ni Francis Wesley Detic , isa sa mga nanalong kalahok.

Ang mga nabanggit na kalahok ang sasalang para sa Regional School Press Conference (RSPC) , ngayong nalalapit na Abril sa IloIlo City.

27/02/2024

Trash Fashion Show "TERNO", Itinampok sa Pagtatapos ng Arts Month
ni: Gift Delarna

Ibinida ng JLNHS ang Trash Fashion Show "TERNO" na nilahukan ng 20 piling mag-aaral na nagsisilbing models at 20 designers na ginanap ngayong araw, Pebrero 27 bandang alas 2:00 ng hapon bilang panapos na palatuntunan ng National Arts Month.

Ang programa pinangunahan nina G. John Paul Salinas, Gng. Jackielou Panerio at mga g**o ng MAPEH Department.

Itinanghal bilang Best Model Champion si Viljeth Cloe Pilapil ng SPA 8 Malang at Best Overall Design si Cherry Jane Villajos na syang designer ni Angela Aguinaldo, hindi rin nakalimutang itanghal ang mga nanalo sa naganap na Photography Contest noong nakaraang mga linggo.

Kabuuang Listahan ng mga Nanalo:
Best Model
Champion - Viljeth Cloe Pilapil
2nd Place - Geyanna Alexis Alora
3rd Place - Lara Jay Isulat

Best Overall Design
Champion - Cherry Jane Villajos
2nd Place - Ron Cris Doyugan
3rd Place - Flomay Belle Montero

Photography Contest
Champion - Meir Andrei Elnas (entry no.4)
2nd Place - Judy Illustrisimo (entry no. 12)
3rd Place - Thea Adrienne Anievas (entry no. 10)
Student Choice Award - Thea Adrienne Anievas (entry no. 10)

"Joining a contest is a challenge you may lose you may win you may fail or you may succeed. I'm pretty sure this is just a matter of attitude", ayon kay Viljeth Cloe Pilapil, ang nanalong kalahok.

24/02/2024

JLNHS nagsagawa ng Pamparaalang Re-Oryentasyon para sa mga Mamamahayag sa Filipino
Ni: Blezeil Jean Nicolle S. Buhat

Sumailalim sa pagsasanay ang 27 batang manunulat ng Ang Sikat sa isinagawang Pampaaralang Re-Oryentasyon ng mga Mamamahayag sa Filipino bilang paghahanda sa darating na Division Schools Press Conference, ika-23 ng Pebrero 2024 sa SHS Computer Laboratory.

Ang pagsasanay ay pormal na pinasimulan sa isang pambungad na palatuntunan na sinundan ng pagtalakay sa Iba't ibang paksang may kaugnayan sa pampaaralang pamamahayag.

Sina Gng.Gigi L. Largo,Gng. Centinee M. Convite,Gng. Mary Ann B. Montano.Gng. Ma. Rheda D. Delgra, Gng.Elvira A. Caballero,Gng. Maria Elena Frida T. Apordo at Gng.Sandranie V. Lopez ang mga naging tagapagsalita.

Layunin ng Re-Oryentasyon na mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa iba't ibang kategorya ng pagsulat at maihanda ang mga batang mamamahayag sa nalalapit na Division Schools Press Conference (DSPC) na gaganapin sa Marso 2, 2024.

"Ngayong taon sana makamit pa rin namin ang kampeyonato sa larangan ng panulat.Muli sana kaming makakuha ng parangal sa Pambansang lebel (NSPC),kaya puspusan ang gagawin naming pagsasanay sa susunod pang mga araw", wika ni Gng.Mary Ann Montano,g**ong tagapayo ng Ang Sikat.

Ang nasabing workshop ay nagtapos sa paghahandog ng mga sertipiko para sa mga piling mag-aaral at mga g**ong naging bahagi ng programa.

Larawan mula kay: Chloe Gonzales

29/01/2024

BSP ng JLNHS: Itinaguyod ang School-Based Encampment and Investiture Ceremony
Ni: Joreyden Navarro

Nagkaisa ang Boyscout of the Philippines (BSP) ng Julio Ledesma National High School (JLNHS) sa isinagawang Sikad Scouts School-Based Encampment and Investiture Ceremony sa JLNHS Campus mula Enero 26 hanggang 28.

Inumpisahan ito ng isang Pambungad na Programa noong Enero 26 at binigyang mensahe ni WBH Pablo M. Magbanua Jr., Principal I ng JLNHS at bungad na pananalita ni Scouter Aurelia Y. Malabo, Phd, Assistant Principal II ng JLNHS. Sinundan ito ng Lektura patungkol sa Kasaysayan ng Scouting at Scouting Ideals.

Kinabukasan ay inilunsad ang Campfire Program alas siyete ng gabi, enero 27, ito ay binigyang buhay sa pamamagitan ng presentasyon ng kanta, yells at skits ng mga crew, at sinundan ng Campfire Chat at Ice Breaker.

Habang sa huling araw ng programa, enero 28 ay nagtapos sa pamamagitan ng Investiture Ceremony na pinangunahan ni WBH Erwin P. Convite, at binigyang liwanag ng Candle Lights Ceremony, The Scout Oat and Law, The Scout Motto and Slogan, The Scout Sign, Salute and Badge, The Scout Neckerchief and Carabao Slide, kasunod ay ang The Donning of Neckerchief kasama ang kanilang magulang o tagapag-alaga, at ang panghuli ay ang Troop Installation Ceremony. Binigyan ng closing remarks ang programa sa pamamagitan ni Melvin Espinosa ALT/CMT at tinapos sa The Exit of Colours at The Scout Benediction.

"Sa buong mga araw ng camp, masasabi kong ito ay isang kapaki-pakinabang na karanasan para sa mga batang scouts. Dahil sa paglipas ng mga araw, nakikita ko ang pagbuo ng karakter sa loob nila, at bilang kanilang nakatatanda, ipinagmamalaki ko na makita ito para sa isang napakahalagang hakbang sa pagsasanay ng karakter ay ang paglalagay ng responsibilidad sa indibidwal. Natutunan ko na ang espiritu ay naroroon sa bawat batang lalaki, kailangan lamang itong matuklasan at maipakita sa liwanag." ani ni Eagle Scout JV Patindol.

29/01/2024

Maligayang Bati Gng. Jheng Laparan. Nawaā€™y patuloy kang pagpalain ng Diyos at mahalin ng iyong pamilya at mga kaibigan. Ikaw ay isang huwarang ina, asawa, at g**o na dapat tularan ng lahat. Maraming salamat sa iyong pagiging inspirasyon sa amin. Ipagpatuloy mo ang iyong kabutihan at kagalingan.

22/01/2024

"L.E.O.N.A.R.D.O"
Ni: Gng. Mary Ann Montano

L-ahat na nangyayari'y may dahilan
E-wan hindi matarok ng isipan
O-o mahirap,masakit sa kalooban
N-auupos din yaring katawan
A-ng saksi Diyos lamang sa kalangitan
R-eady ma't hindi tanggapin na lang ng bukal sa kalooban
D-oon sa iyong paroroonan maaaring makamit kapanatagan
O-h God hiling namin sana ikaw ay basbasan.

24/12/2023

Pagdiriwang ng Kasaysayan; Grand Alumni Homecoming ng JLNHS
Ni: Alamae Desucatan

San Carlos City, Disyembre 22, 2023ā€”Sa pagtatapos ng taon, isang napakalakihang pahabol na kaganapan ang nagbigay saysay at pag-alaala sa mga nagdaang panahon sa Julio Ledesma National High School (JLNHS). Ang Grand Alumni Homecoming, na pinangunahan ni Negros Occidental 1st District Rep. Jules Ledesma, ay nagdulot ng masigasig na pagtitipon ng mga dating mag-aaral mula sa iba't ibang graduating batches.

Sa pangunguna ng dynamic batch ng 1998, nagsimula ang kaganapan na puno ng kasiyahan at kasaysayan. Ang LEDESMAN-RUN 2023,noong Disyembre 21 ay nagbukas ng pinto para sa isang masigasig na paglalakbay mula sa Rizal Square hanggang sa kampus ng JLNHS. Ang pagtakbo, na mas higit sa pagtataguyod ng kalusugan, ay nagsilbing tulay para sa mga alumni na muling mag-ukit ng mga alaala at mag-ambagan ng kwento.

Sa pamamahala nina Mrs. Mae C. Candilada at Mr. John Paul Salinas, ang mga dating g**o na nanguna sa pag-organisa, nagkaroon ng makulay at masiglang pagdiriwang na puno ng mga magagandang alaala.

Ang Grand Alumni Homecoming ay naging tanglaw para sa mga dati at kasalukuyang mag-aaral, nagdadala ng pangako ng pagkakaroon ng masusing koneksyon at pangangalaga sa bawat isa.

Hindi lamang ito isang simpleng pagtitipon; ito ay isang pag-alaala sa mga taong nagbahagi ng kanilang pagmamahal at kaalaman sa loob ng mga silid-aralan ng JLNHS. Ang Julio Ledesma National High School, sa paglipas ng panahon, ay lumago hindi lang bilang isang institusyon ng edukasyon kundi bilang isang pook ng pagtutulungan, pagdiriwang, at pagmamahalan.

Sa pagtatapos ng kaganapang ito, hindi lang natapos ang isang taon kundi naging simula rin ito ng mas maraming pagkakataon para sa mga Ledesmanians na magtagpo, mag-ambagan, at ipagpatuloy ang pag-usbong ng kanilang pambansang mataas na paaralan.

Larawan mula kay: Mae Ligaya Cobbol Candilada

18/12/2023

San Carlos City BSP, lumahok sa 18th National Scout Jamboree
Ni: Cirel Angelu Y. Pacres

Nakiisa ang mga scouts sa 18th National Scout Jamboree sa Brgy. Sablogon, Passi City, Ilo-Ilo noong Disyembre 11-17, 2023 bilang kinatawan ng lungsod ng San Carlos sa Negros Occidental delegations.

Ang jamboree ay nilahukan ng iba't ibang lalawigan, siyudad at munisipalidad sa buong kapuluan ng Pilipinas, tinatayang 35, 000 na scouts ang nakisali . Ang mga sumusunod ay ang scouts at adult scouts ng San Carlos City na nakilahok:

SCOUTS
1. ARTAJO, JIEMAR B.
2. BULA, JULIE VIE C.
3. BEJERACION, AJ BRYLE P.
4. CANTUNAO, JAMES BRYAN E.
5. DAAROL, CHERRY O.
6. EMPUERTO, RHEANNA S.
7. MAG-ASO, CHRISTIAN E.
8. YBANEZ, MHEA ALYSSA A.
9. ABENDAN, MARY HEART D.
10. LACHICA, ANICA D.
11. BALONGCAS, FRANZ ASTER R.
12. FERNANDEZ, RUSSEL SAM F.
13. ERNOSA, JHUN LLOYD D.
14. LIBRODO, EMMANUEL RAY V.
15. ESPADA, FELIX CARLOS C.
16. GUTIERREZ, KENTH MARK A.
17. MESIONA, REYNAN M.
18. GOBEL, DAVON JOSHUA Z.
19. DAYDAY, JOHN LOYDE V.
20. SALVADOR, ASHLEY S.
21. NAVIA, CHRISTINE JOAN S.
22. CABATAƑA, GRACEL H.
23. ROJO, KIT ROSE M.
24. ALFAJORA, RIJANAH V
25. BACONGCO, JEANY B
26. BACONGCO, SHEINE P
27. BAYOT, MARIABELLE ANNE G.
28. BERHOLANO, JUDE EKVIN A.
29. CABALOG, JOHN VINCENT M.
30. CASTRO, BLESSIE LLEW C.
31. GARINA, ANDRON.
32. GONZALES, MARA MILES M
33. INDINO, MEDY S
34. INFANTE, JONATHAN
35. KUMIPANG, MARJOLIENE C.
36. LASTIMOSO, JHELAIZA V.
37. RECOMONO, JUSHUA V.
38. REQUIRON, AIRENE C.
39. RODRIGUEZ, YMARIE CAYE
40. SARDIDO, BABES PRINCESS A.
41. TESING, VINCENT G.
42. YANQUIN, JOHN IVAN G.
43. CABALLERO, JOHN BENEDICT L.
44. PATINDOL, JV S.
45. MAHINAY, IRVIN P.
46. TORREFRANCA, AVRIL MARC C.
47. ESTRELLANES, RODWIL GERARD M.
48. BALANSAG, NATHAN SEAN A.
49. ALOB, KIM MARIE I.
50. LAYAM, ALJOHN A.
51. PIALA, JOHN ROBERT E.
52. BAGACAY, JOSEPH CHRISTOPHER V.
53. JARABE, JULIAN MEL P.
54. MAHINAY, EDRIEL S.
55. VILLACAMPA, JAY ADRIAN C.
56. PACRES, CIREL ANGELU Y.
57. DANOSO, ZID KJ L.
58. VILLACAMPA, JAY ANN C.
59. TOLCIDAS, THEA FAME B.
60. LIMOT, MICAH NIKOL JELO J.
61. BARON, MITCHZELLEY MEYL B.
62. DESTAJO, MARY GRACE M.
63. PABRACUER, BIANCA ANTHONETTE F.
64. NOVELLES, RHIAMME ISIS THERESE B.
65. BELANGEL, TRISHA L.
66. TAGPUNO, SHAMEL FAYE O.
67. JARABE, CLARENCE JOSS P.
68. MARTINEZ, JOMAR T.

ADULT SCOUTS

1. AGUILAR, AGMIL D.
2. ALOLOR, HEVELYN M.
3. JEROTA, JEPCIE B.
4. DEPALUBOS, ERDIE JAMES T.
5. SERDUA, DANIEL S.
6. MARTINEZ, MA. THERESA M.
7. CONVITE, ERWIN P.
8. ALINGASA, AMAVELLE B.
9. JARINA, NELIDA L.
10. SERRANO, ALMIRA C.
11. ESCOBAR, IMELDA U.
12. PONTING, MOONYEEN A.
13. OGHAYON, REMY A.
14. MANCAO, ARNOLD C.

Isang linggong nakikilahok ang mga scouts sa iba't ibang aktibidad sa loob ng pitong araw. Ginagabayan din sila ng mga Adult Scout leaders mula sa mga paaralan sa lungsod ng San Carlos.

Day 0, Disyembre 9, 2023:
Nagkita-kita ang mga scouts sa Julio Ledesma National High School mula sa iba't- ibang paaralan na may call time na 5:30 ng hapon. Pagsapit ng gabi ginawa ang oryentasyon tungkol sa National Scout Jamboree, nilagay ng mga scouts ang kanilang mga gamit sa Foton Truck.

Day 0, Disyembre 10, 2023:
Bumiyahe na ang lahat ng scouts at adult scout leader pagtatak sa oras ng alas 12 ng hating gabi at dumating sila sa NSJ main venue, Passi City alas 11 ng umaga para isaayos ang kanilang camp at makalagay ng tents at trapal.

Day 1, Disyembre 11, 2023:
Alas sais ng umaga nagsimula ang engrandeng opening parade, naging magarbo ang seremonya sa hapon nang bumisita si President Ferdinand R. Marcos Jr. at investiture sa kaniyang posisyon bilang Chief Scout, inimbita rin ng BSP si David Baden-Powell ang apo ng tagapagtatag ng Boy Scout na si Lord Robert Baden-Powell, at iba pang opisyales sa Passi City. Alas otso ng Gabi nagsimula ang sub-campfire at nagkaroon ng iba't ibang song, yells, at skits sa bawat lalawigan at council ng Pilipinas.

Day 2, Disyembre 12, 2023:
Nag asikaso ang mga scouts sa kanilang camp development.

Day 3, Disyembre 13, 2023:
Gumising ng umaga ang mga scouts para sumali sa mga aktibidad na Obstacle Course: Challenge Valley and Adventure Trails sa Sablogon-Agcararao-Bayan-Bacuranan, nagsimula ito mula alas sais ng umaga hanggang ala una ng hapon. Naging selebrasyon ang araw na ito kay Outdoorsman Scout Joseph Christopher V. Bagacay sa kaniyang Ika-17 na kaarawan. Alas siyete ng gabi, nanood ang mga scouts sa Passikatan sa Visayas, nagpagitang gilas ang mga ito sa kanilang talento mula sa iba't- ibang Council, namasyal din sila sa City Hall ng Passi City at kumuha ng mga larawan.

Day 4, Disyembre 14, 2023:
Nakilahok ang mga scouts sa aktibidad na Survival skills: Scoutcraft Challenge sa Grand Arena, sinimulan ito ng alas otso hanggang alas 10 ng umaga, tinuruan dito ang mga scouts kung paano mamuhay sa kagubatan. Bandang alas dos ng hapon pumunta ang scouts sa Physical Fitness Activity para maglaro at magkaroon ng bagong kaalaman sa iba't- ibang isports.

Day 5, Disyembre 15, 2023:
Scouts ng lungsod ng San Carlos ay naghahanda nang maaga para mamasyal at maligo sa Pauya Spring Resort mula alas 10 ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Day 6, Disyembre 16, 2023:
Umaga ng alas otso nagsimula ang street dancing at pagdating sa Grand Arena isinagawa ang Festival Dance Competition hanggang nagtapos ng alas 11, nakiisa ang mga napiling scouts mula sa iba't- ibang lalawigan at rehiyon bilang kinatawan ng kanilang Council. Pagtatak ng alas nuwebe ng gabi nag impaki ang mga scouts at nag break camp, kinarga ng Foton truck ang kanilang mga gamit.

Day 7, Disyembre 17, 2023:
Alas dos ng madaling araw nagsidatingan ang mga van para merong masasakyan ang mga scouts papuntang port ng Bay-Ang, Ajuy Roro Port at dumating sila pagtongtong ng alas kwatro sa umaga. Sumakay naman ng barko 8:30 ng umaga hanggang makaabot sa E.B. Magalona Roro Port. Alas 10 ng umaga, bumiyahe naman papunta sa Lungsod ng San Carlos umaabot ng mahigit tatlong oras ang kanilang biyahe mula E.B. Magalona, 12:50 ng hapon nakarating na sila sa Julio Ledesma National High School para kunin Ang kanilang gamit.

Larawan mula Kay: Scout Adult Leader Erwin P. Convite, WBH

08/12/2023

Ledesmanians, kampeon sa Scimathlympics
Ni: NiƱa Miunette Belos

Nasungkit ng Julio Ledesma National High School (JLNHS) ang tropeong "Overall Champion" sa idinaos na Division Scimathlympics noong ika-5 ng Disyembre, 2023 na ginanap sa San Carlos City Auditorium.

Nagpakitang gilas ang mga kahalok sa pagpapamalas ng kanilang kahusayan pagkatapos manalo sa iba't ibang kategorya.
Sa paligsahang Mega Quiz Bee ay naipakita ng mga Ledesmanians ang kanilang husay at talino sa pamamagitan ng pagsungkit ng 2nd place para sa Grade 7, 3rd place para sa Grade 8, 2nd place para sa Grade 9, at 4th place naman para sa Grade 10 na kategorya.

Isa pang kahanga-hangang aktibidad ay ang paligsahan ng SciDama sa iba't ibang baitang at kategorya. Matagumpay na nakuha ang pwestong 1st Place nina Joshua Dinjoe Gonzaga (Grade 7 - Newton) sa Sci-Notation Dama at Yasster B. Sevilla (Grade 8- Wisteria) sa Electro Sci-dama. Nasungkit naman ni NiƱa Miunette Belos (Grade 9 - Mendeleev) ang 4th place sa Thi Sci-dama, at nanalo bilang 1st place si Cindy Juanne S Damondamon (Grade 10-Jade) sa Thermo SciDama.

Sa iba't ibang kategorya, patuloy na ipinakita ng mga Ledesmanians ang kanilang kahusayan at pambihirang pagtatanghal, kabilang na lamang ang pagkamit ng 1st place sa kategoryang Rubik's Cube, at 2nd place sa Tower of Hanoi. Bukod dito, nasungkit din ng Grade 8 ang 2nd place at ng Grade 9 ang 3rd place sa paligsahang Damath at Quiz Bee, at 1st place sa Kadang.Sa kategorya naman ng Senior High School nakuha ang 1st place sa Tower of Hanoi at 3rd place sa Quiz Bee.

Muling nagpasikat ang mga Ledesmanians sa paligsahang "Trash Bin Making" ang mga mag-aaral ng Grade 10- Einstein na sina Thea Adrienne M. Anievas, at Maria Gloria Isis Ray B. Apatan ; Flomay Belle R. Montero ng Grade 10 Becquerel; at Danica N. Demabildo naman ng Grade 10 - Almandite. Sa kabila naman ay ang paligsahang "Create, Show and Tell" na sinalihan nina Chloe Avaya Gonzales ng Grade 9 - Moseley, Bless Vega ng Grade 8 - Mendel, Hannah Chloe Apostol ng Grade 7 - Newton, at Simon Caballero ng Grade 10 - Einstein. Parehong nasungkit nila ang 1st place sa dalawang paligsahan gamit ng kanilang pagiging mahusay at malikhaing imahinasyon.

Ito ang pinakaunang Scimathlympics na itinanghal dito, at hindi nabigong maipakita ng mga mag-aaral sa JLNHS ang talento, pagkamalikhain, at likas na kahusayan.

Larawan mula kay: Chloe Avaya A. Gonzales

03/12/2023

Pambansang Buwan ng Pagbasa, ipinagdiwang ng JLNHS
Ni: Jezel R. Mesa

Matagumpay na idinaos ng paaralang Julio Ledesma National High School ang Pambansang Buwan ng Pagbasa na may temang "Pagbasa: Pag-asa sa Matatag na Kinabukasan" noong Nobyembre 13 hanggang Disyembre 1, 2023 sa covered court ng paaralan.

Pinangunahan ang Opening Program ng mensahe ni Gng. Mary Ann MontaƱo, sinundan ng makabuluhang presentasyon ng mga mag-aaral mula Grade 10 STE, nagbigay-daan ang mga mag-aaral ng Junior High School sa isang mapanuring Choral Reading at kamangha-manghang tula mula kay Raycell Ann L. Sabellano. Pagkatapos ng presentasyon ay nagbigay ng mensahe ang punong g**o ng Junior High School na si G. Pablo M. Magbanua na sinundan ng malikhaing pagbasa ng mga mag-aaral na mula sa Grade 11 at Grade 12. Sinundan naman ito ng pang-anunsyo ng Senior High School Principal na si G. Leonardo U Dumago Jr. hinggil sa magaganap na paligsahan at ang Induction of English Club Officers S.Y. 2023 -2024.

Noong ika-1 ng Nobyembre, nagtitipon-tipon ang ilan sa mga mag-aaral at g**o sa covered court ng paaralan para sa huling araw ng Closing Program. Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pagkanta ng pambansang awit ng Pilipinas, pagdarasal at pagkanta ng himno ng siyudad ng San Carlos. Nagbigay ng unang mensahe ang punong g**o ng JHS na si G. Pablo M. Magbanua Jr. at sinundan ng pagsayaw ang mga mag-aaral ng Grade - 11 ADT.

Nagpakitang gilas rin si Jam Jade O. Alang sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang ginawang tula na pinamagatang 'Buwan'. Pagkatapos, sumunod na nagpresenta ang Grade 8 STE Mendel sa kanilang mga Jazz Chant na pinamagatang "Sh! Sh! Stop that Noise", 'Past Forms", "Astronomy at Refuse the Bags."

Pinangaralan din ang mga nanalong kalahok sa mga sumusunod na paligsahan:

Oratorical Composition and Presentation:
ā€¢ Unang Pwesto - Bheatrize Stephanie F. Tomongha (Grade 10 - Einstein)
ā€¢ Ikalawang Pwesto - Kali'iana Raine G. Ledesma (Grade 10 - Einstein)
ā€¢ Ikatlong Pwesto - Tyra Lee R. Watson

On-The-Spot Poster making Contest:
ā€¢ Unang Pwesto - Maria Gloria Isis Ray B. Apatan (Grade 10- Einstein)
ā€¢ Ikalawang Pwesto - Flomay Belle R. Montero (Grade 10- Becquerel)
ā€¢ Ikatlong Pwesto - Danica Demabildo (Grade 10- Almandite)

Pagkatapos na binigyan ng mga parangal ang mga nasabing mag-aaral, sumunod na nagpresenta ang Grade 11- Inventor sa kanilang inihandang Readers' Theatre at Speech Choir ng Grade - 9 STE Moseley, Grade - 9 STE Mendeleev at Grade - 9 SPA Severino Reyes na pinamagatang 'The Anatomy Of A Filipino'. Bukod rito, napresenta ang Grade 10- Einstein sa kanilang Sabayang Pagbigkas at Shared Reading By Lola Basyang ng SHS Filipino Teacher na si Gng. Maria Elena Frida T. Apordo. Para sa pagtatapos ng nasabing programa, nag-iwan ng mensahe ang SHS Filipino Coordinator na si Gng. Mary Ann B. MontaƱo.

Larawan mula kay: Bb. Rejean M.Gargarita

01/12/2023

San Carlos City Taekwondo Team, humakot ng medalya sa 31st Pintaflores Festival Cebration 2023 Taekwondo Championships
Ni: Raycell Ann L. Sabellano

Nagpasiklab ang anim na mag-aaral ng Julio Ledesma National High School sa 31st Pintaflores Taekwondo Championships nitong Nobyembre 25-26, 2023 na ginanap sa covered court ng Barangay 1 lungsod ng San Carlos.

Humakot ng medalya ang mga kinatawang mag-aaral ng San Carlos mula sa paaralan ng Julio Ledesma NHS sa 31st Pintaflores Taekwondo Championships laban sa ibang koponan mula sa ibat-ibang lugar sa lalawigan ng Negros Occidental at Oriental.

Mag-aaral na nag-uwi ng medalya :
Kali'iana Ledesma
Poomsae Individual: 1st Bronze
Poomsae Team: Gold

Keana Nemenzo
Poomsae Individual: Silver
Poomsae Team: Gold

Zyrich CaƱete
Kyurugi: 1st Bronze

Krystil Ann Destura
Kyorugi: Gold

Monneth Czerny Mariano
Kyorugi: Silver

John Martin Artajo
Kyorugi: Silver
Poomsae: Bronze

"I would like to take this opportunity to say thank you to my coaches sir Darwin J. Requina and Darwin T. Requina (manoy) for honing my TKD skills and motivating me to the best of my abilities. To my ninong Facondo "jun" Combate for the constant support and to my parents who are always there to guide me in my TKD journey. I hope I will be able to represent my school JLNHS for the coming Schools Division Meet", ayon kay Kali'iana Raine G. Ledesma.

01/12/2023

Buwan
Ni: Jam Jade O. Alang

Kagaya ng buwan sa kalangitan
Ika'y aking tinititigan sa malayuan,
Pangarap ko'y sana makamtan
Na ang makasama ka't mahawakan.

Ikaw ang nagsisilbing ilaw
Kapag ako'y naliligaw
Sa mundong kadiliman ay saklaw
At sa espasyo kong mapanglaw.

Ako ay isa sa iyong taga samba
Na tumitingala
Para ika'y aking makita
At para kagandahana mo'y aking ma harana.

Oh, bininining iniibig
Na tila buwan na nagniningning
Tinig ko'y sana dinggin
At pintig ng puso'y sana madinig

Ngunit napaka layo mo para aking maabot,
Napaka layo mo para aking maharana,
Napaka layo mo para aking madama,
At napakalayo mo sa mundong aking ginagalawan.

Kagaya ng buwan,
Ikay akin na lamang titingnan
Sa malayuan
At iibigin magpakailanman.

30/11/2023

Mr. and Ms. Physique, ipinamalas ng JLNHS
Ni:Gift Delarna

Itinampok sa kauna-unahang pagkakataon ng Julio Ledesma National High School ang Mr. and Ms. Physique 2023 na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa iba't-ibang baitang ng regular class, STE, SPA at Open High School Program na ginanap ngayong araw Nobyembre 30, 2023 bandang alas 2:00 ng hapon.

Ang nasabing patimpalak ay nagsisilbing highlight sa ginanap na Intramurals ng Junior High School na pinangunahan ng MAPEH Department.

Itinanghal bilang Mr. and Ms. Physique 2023 sina Kali'iana Raine Ledesma at Keon Batomalaque na parehong mag-aaral ng Science, Technology, and Engineering Program (STE). Samantala, nakuha naman nina Chad Cristoff Patrimonio at Samantha Beatriz Umbao ang Mr. and Ms. Physique 2023 first runner-up. Nasungkit rin nina Kirk Kyamko at Nicca Heart Pataytay ang titulong Mr. and Ms. Physique, second runner-up.

Ang programa ay napuno ng hiyawan at palakpakan ng mga mag-aaral gayundin ng mga g**o ng Julio Ledesma, tunay nga namang napakagaling ng mga kalahok at bawat isa'y nagpapakita ng kani-kanilang talento.

I was surprised. I honestly did not expect to grab the title as ms. physique 2023 and to win almost all minor awards. I solely joined this event for fun and for the experience as well. I was able to conquer my fear of joining pageants, and even that alone overwhelmed my heart with gratitude and happiness. Thank you to my family, friends, and to everyone especially to our HMUA Guia Abella with her assistant Ms. Kier who supported both me and Keon throughout this Mr. & Ms. Physique journey. I can say that my first exposure in the field of pageantry was a good and triumphant experience that Iā€™ll forever treasure!, ayon kay Kali'iana Raine G. Ledesma.

Larawan mulang kay: Gng. Elvira Caballero

Photos from Ang Sikat's post 26/11/2023

Ledesmanians, Sumabak sa Ikaapat na Pintaflores Table Tennis Tournament
Ni: NiƱa Miunette Belos

Lumahok ang pitong manlalarong kinatawan ng Julio Ledesma National High School sa kakatapos lamang na Ikaapat na Pintaflores Table Tennis Invitational Tournament nitong Nobyembre 25-26, 2023, sa San Carlos City Auditorium.

Nasungkit ni Stefan Magalona ang tropeo sa ikalawang pwesto sa 18 Under Boys Category laban sa ibang koponan.Ang nasabing ring kompetisyon ay nilahukan nina Jairu Bayot, Jhayan Manayon, Christine Gabrinez, Ramil Jagurin, Jarvey Sandagon, at Lance Norbe, na kapwa mag-aaral ng JLNHS Under-18 at Open Category sa parehong mga babae at lalaki, laban sa mga kalahok mula sa Dipolog Zamboanga del Norte, Iloilo Chawi Sports Team, UNO-R, Mangkas Spinner of La Carlota, Sweet Caroline of Cadiz City, Banquerohan of Cadiz City, La Castellana, Himamaylan, Kabankalan City, Toboso, Calatrava, Canlaon City, Guihulngan City, Dumaguete City at ang nagpadaos na siyang lungsod ng San Carlos City.

"Nag enjoy ako, kasi kahit na hindi ako nanalo ay naipakita ko naman ang lahat ng aking makakaya hanggang sa huling minuto ng laro ko. Natututo ako sa mga pagkakamaling nagawa ko habang naglalaro, at gagamitin ko ang mga pagkakamali ko para mas masanay at mas magaling pa, dahil para sana sa susunod na kompetisyon ay manalo na ako. Oo, mahirap maging atleta dahil dapat akong may time management at dapat balanse ang aking pag-aaral at paglalaro ng isports. Pero hindi naman ako nagrereklamo kasi nandiyan palagi ang mga magulang ko na sinusuportahan ako, kaya palagi akong nagpapatuloy at hindi sumusuko." wika ni Stefan Magalona.

Kasama ng mga manlalarong Ledesmanians ang kanilang mahusay na tagapagsanay na si Jun Birao at ang ibang manlalaro ng Table Tennis sa lungsod ng San Carlos.

Larawan mula kay Chloe Avaya A. Gonzales at Aika Rich N. Rondez

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in San Carlos City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Entrepreneurial venture ng Senior High, sinimulan na | KNBFace-to-face classes sa JLNHS, pinaiksi | KNBPanoorin ang mga ...

Category

Telephone

Website

Address


J. V. Ledesma Avenue
San Carlos City
6127