Dr. Joel Carlo S. Tumang - Pediatrician
Nearby health & beauty businesses
2000
2000
2000
2000
2000
Manila
2000
2000
2000
2000
San Fernando
San Fernando
Pampanga
2000
2000
Ako po si Doc JC, ang inyong oh-KID-dokie, isang pediatrician (manggagamot ng kabataan).
[BALITANG BULATE #9]
Ano ang maaaring gawin upang maiwasan ang pagkalat ng bulate?
[BALITANG BULATE #8]
Paano naipapasa ang mga bulate?
[BALITANG BULATE #7]
Bukod sa mga bata, sinu-sino pa ang mga pwedeng purgahin?
[BALITANG BULATE #6]
Bakit kada 6 na buwan ang pagpupurga?
[BALITANG BULATE #5]
May gamot ba upang "matulog" ang mga bulate?
[BALITANG BULATE #4]
May gamot ba upang "matunaw" ang mga bulate?
[BALITANG BULATE #3]
Paano inaatake ng mga gamot pampurga ang mga bulate?
[BALITANG BULATE #2]
Kailan inaasahan nating lalabas ang bulate pagkatapos magpurga?
[BALITANG BULATE #1]
Ano ang mga karaniwang bulate na umaatake sa mga bata?
NGAYONG ENERO AT SA HULYO, GINUGUNITA NATIN ANG NATIONAL DEWORMING MONTH!
Ang impeksyon sanhi ng bulate ay isang malaking problema hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Nasa tinatayang 24.9% - 97.4% ng mga Pilipino ang mayroon nito.
Ano ba ang dapat nyong malaman tungkol sa mga bulate? Basahin ang ating infographic tungkol dito.
I-like at share ang ating infographic, para dumami ang magkaroon ng karagdagang kaalaman.
ABANGAN ang ating Balitang BULATE na ilalabas sa susunod na mga araw upang magkaroon ng karagdagan pang kaalaman tungkol sa sakit na ito.
Ang retinopathy of prematurity (ROP) ay isang sakit na maaaring maging dahilan ng pagkabulag sa mga batang naipanganak nang kulang sa buwan (mas maaga sa 37 weeks). Kapag hindi na-detect kaagad at hindi nalapatan ng lunas, ang mga epekto nito ay nagiging permanente.
Credits:
- Philippine Academy of Ophthalmology ROP Working Group
Paano natin maiiwasan ang pulmonya sa mga bata?
Pneumonia affects people everywhere, but it can be prevented with simple interventions:
π Immunization
π₯¦ Adequate nutrition
π₯ Reducing exposure to indoor air pollution
π‘ Improving housing conditions
π Avoiding smoking near children
Usong-uso ang ubo at sipon ngayon sa mga bata sa mga eskwelahan at mga pamayanan.
Alam nyo ba na 20% ng mga impeksyon na ito ay maaaring maiwasan gamit ang tamang paghugas ng kamay? 30% naman ng mga ka*o ng pagtatae ang pwedeng maiwasan.
Gamit ang malinis na tubig at sabon, mag-handwashing na para maiwasan ang pagkakasakit!
"CLEAN HANDS SAVE LIVES!"
PIDSP is supporting ! Why? When? How? Know the answers to these questions regarding proper handwashing! Please feel free to share this with your friends and colleagues!
[DENGUE INFO SERIES #4]
Parang trangka*o nga lang ba talaga ang dengue?
Pwede.
Ang infection na dulot ng dengue ay maaaring magpakita lamang bilang simpleng lagnat na mawawala sa ilang araw lang, ngunit maaari din itong magpakita bilang malalang ka*o ng dengue, tulad ng malalang pagdurugo ng katawan, pagbaba ng presyon, o pagkasira ng mga organs, tulad ng atay o bato. Kapag hindi naagapan, maaari din itong maging sanhi ng pagkamatay ng pasyenteng may dengue.
Sa oras na may mga sintomas na ang isang tao ng dengue, magpatingin kaagad sa duktor para maagapan ang mga komplikasyon nito.
WOOF WOOF!
Sa ating paggunita sa World Rabies Day ngayong September 28, 2023, ating basahin itong kaunting kaalaman tungkol sa RABIES.
Pabakunahan ang inyong mga alagang a*o sa pinaka-malapit na City/Town Veterinarian Office!
Kapit lang, mga munting mandirigma!
Ngayong Setyembre, ipinagdiriwang natin ang Childhood Cancer Awareness Month. Ito ay ginugunita upang ipaalam sa madla ang kinakaharap ng ating mga munting mandirigma. Kasama na din dito ang mga bagay na maaari pang gawin ng gobyerno upang mapabuti ang lagay ng mga batang may childhood cancers sa Pilipinas.
Sa buong mundo, ang childhood cancers ang pinaka-karaniwang dahilan ng pagkamatay sa mga bata, at ang survival nito ay base sa bansa na kung saan nakatira ang bata. Base sa datos ng WHO, 80% ng mga bata na na-diagnose ng childhood cancer sa mga mayayamang bansa ay napapagaling, ngunit nakakalungkot na sa low-middle income na bansa tulad ng Pilipinas, halos 30% lang ang tuluyang napapagaling.
Base sa datos ng PCMC, 66% ng mga pasyente ay nada-diagnose na nasa advanced stages na ang cancer, at 80% ang hindi nakakakumpleto ng kanilang gamutan, marahil dahil sa gastos na kalakip ng paggamot sa cancer.
Sa datos na inilahad ni Sen. Nancy Binay sa pagpasa ng Senate Bill 3028, tinatayang 3,500 na bata ang magkakaroon ng cancer kada taon, subalit 33% lang sa kanila ang mada-diagnose kaagad. Walong bata ang namamatay dahil sa cancer araw-araw.
Isa ang kahirapan sa dahilan bakit ganito ang itsura ng cancer sa Pilipinas.
Ang pinaka-karaniwang cancer na nakikita sa mga bata ay leukemia (49%), lymphoma (9%), mga tumor sa utak (9.7%), buto at sa loob ng tiyan. Ang tagumpay sa paggamot ng mga cancer na ito ay nakasalalay sa kung gaano kaaga mada-diagnose ang cancer at masisimulan ang gamutan.
Importante sa pag-iwas sa childhood cancers ay ang pag-iwas sa ionizing radiation (CT scan, palagiang pag-X-ray, nuclear energy) habang nagbubuntis, mga gamot at kemikal na maaaring maging dahilan ng cancer, tulad ng USOK BUHAT NG PANINIGARILYO.
Ang oh-KID-dokie, kasama ng mga magulang at mahal sa buhay ng ating mga munting mandirigma, ay humihiling sa gobyerno upang pagtuunan ng pansin ang pakikipaglaban ng mga bata kontra sa childhood cancer. Kasama na dito ang mas malaking funding para sa pananaliksik, pagbili ng mas maraming chemotherapeutic panggamot sa cancer na hindi pa available sa Pilipinas sa ngayon, at ang pagiging mas abot na mga diagnostic test upang ma-diagnose kaagad ang childhood cancers.
[DENGUE INFO SERIES #3]
Apat na beses maaaring magkaroon ng dengue infection ang isang tao, dahil mayroon itong apat na strains. At base sa obserbasyon at pag-aaral, habang mas dumadami ang pagkakasakit ng isang tao ng dengue, mas lumalaki ang tyansa na mas matindi ang impeksyon nito, dahil sa immune response ng isang tao.
ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA GENERIC NA GAMOT
Sa pagdiriwang natin ng Generics Awareness Month, narito ang mga karaniwang katanungan tungkol sa mga generic na gamot, pati na ang kasagutan sa mga tanong na ito.
Kalusugan ay Palakasin, Generics Ating Tangkilikin!
[DENGUE INFO SERIES #2]
Usapang herbal? Merong herbal na gamot na makakatulong sa pasyenteng may dengue! Ang tawa-tawa ay isang halaman na karaniwan sa Pilipinas - minsan, makikita ito sa mga pamamahay, sa mga bakanteng lote, o sa mismong tabing-daan lang!
Dahil ito ay karaniwang ginagamit ng mga herbolario bilang gamot sa mga pasyenteng may dengue, ang halaman ay inaral ng mga eskperto, at sa mga paunang pag-aaral tungkol dito, may mga nakitang antiviral at platelet-increasing properties sa extract ng tawa-tawa. Mayroon na ding herbal capsule na kinikilala ang DOST Philippine Council for Health Research and Development, bilang supplement sa mga pasyenteng may dengue! (https://www.pchrd.dost.gov.ph/heartnovation/tawa-tawa-capsule-herbal-supplement-for-dengue/ #)
May mga kasalukuyang ginagawang pag-aaral upang lubos na malaman ang epekto ng tawa-tawa sa mga pasyenteng mayroong dengue.
Iba na ang may alam!
[WORLD SU***DE PREVENTION DAY]
ANG MUNDO AY MAS MAGANDA, DAHIL NANDITO KA.
Hindi ka nag-iisa sa laban mong ito. It's always okay not to be okay.
Kung hindi ka pa handang magsabi sa mga kapamilya at kaibigan tungkol sa iyong mga nararamdaman, may mga su***de hotline na laging handang makinig sa iyong mga nararamdaman.
[DENGUE INFO SERIES #1]
Madalas natin itong nakikita sa mga dengue wards na pinapakain sa mga pasyenteng may dengue, sa paniniwalang nakakatulong ito sa pagpapabilis ng paggaling ng pasyente.
Hindi naman po bawal kumain ng itlog ng pugo ang pasyente, ngunit walang pag-aaral na nagsasabing nakakatulong ito mapabilis ang paggaling ng isang pasyenteng may dengue.
Ang itlog ng pugo ay may mga nutrients na maaaring makatulong sa pangkalahatang nutrisyon ng katawan, ngunit kapag sobra-sobra, maaari ding makasama. Sabi nga ni Miss Universe Catriona Gray, "everything is good, but in moderation!" π
[DENGUE INFO SERIES]
Upang mabigyan ng karagdagang kaalaman tungkol sa sakit na DENGUE, maglalabas tayo tuwing Biyernes ng Setyembre ng "Dengue Info Series", na kung saan tatalakayin natin ang iba't ibang kaalaman at misconceptions tungkol sa sakit na ito, at sa gamutan.
Kung may katanungan tungkol sa Dengue, maaari nyo din ilagay sa comments section, upang masagot natin yan. Dahil iba na ang may alam!
Tag-ulan na naman! Uso na naman ang mga sakit katulad ng DENGUE.
Ano ba ang DENGUE, at paano ito maiiwasan? π¦πΆπ·π€
Maraming salamat po, mga PADEDE MOMS! π«°π»β₯οΈ
βA newborn has only three demands. They are warmth in the arms of its mother, food from her breasts, and security in the knowledge of her presence. Breastfeeding satisfies all three.β
-Dr. Grantly Dick-Read
Ang pagpapasuso ay isang napakagandang biyaya ng Panginoon para sa mag-ina. Mahirap ito at stressful, pero nakakayanan nyo pa din ang hirap.
Sa ating mga PADEDE MOMS na walang sawang nagpapasuso, maraming salamat! Mabuhay kayong lahat! π¦ΈββοΈ
Mula sa oh-kid-dokie, Happy World Breastfeeding Week!
Dumarami na naman ang COVID-19 cases sa bansa! Ano nga ba nag mga dapat mong malaman tungkol sa COVID-19 at sa gamutan nito?
CREDITS: Department of Health COVID-19 Home Vare Guide Para sa Mga Bata (7 January 2022 Version)
DALHIN SI BABY SA PINAKA-MALAPIT NA HEALTH CENTER O PEDIATRIC CLINIC PARA SA KANILANG MGA BAKUNA.
Pag ligtas si baby, happy si daddy at mommy!
Usong-uso ngayon ang BUNGANG ARAW dahil SUMMER!
Ano ang mga dapat nating malaman tungkol sa bungang araw?
Pagpupugay para sa ating mga dedikado, masikap, at masipag na mga makabagong bayani!
Ano nga ba ang INFLUENZA, at bakit every year ang bakuna laban dito? Halika, basahin natin. :)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
San Fernando
2000
Civic Center, Barangay San Isidro
San Fernando, 2000
The mandate of the School Health Division is the improvement of learner readiness in terms of physic
Provincial Capitol Compound, Sto. Nino, City Of San Fernando, Pampanga
San Fernando, 2000
Mc. Arthur Hi-way, San Agustin
San Fernando, 2000
A page where patient can have access to less expensive but equally effective pharmaceutical products.
DOLORES
San Fernando, 2000
Your one-stop facility for all your diagnostic needs because WE CARE.
STI Building, Aguila Road, Sevilla
San Fernando, 2500
LTO Accredited Medical Clinic
San Fernando, 2000
We Are Licensed Physiotherapist dedicated to serve the kapampangan. We can help you to your journey
San Fernando, 2000
INTERNAL MEDICINE DOCTOR in PAMPANGA ADULT DISEASES SPECIALIST CONSULTATION / CHECK-UP
Suburbia North Ph2
San Fernando, 2000
I clean, restore, straighten and Whiten your TEETH!