Dee Bee Solid Warriors Association Inc.

The Solid Warriors Association Inc, is a Non Goverrnment Organization duly registered with the Secur

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 20/06/2024

Today kami pong grupo ng Dee Bee Solid Warriors Association Inc. ay ipinagdiriwang ang Ika 5 - taong anibersaryo ☺️♥️

Bilang Selebrasyon ng aming anibersaryo kami po ay dumalaw sa mga bata sa Villa Verde upang maghatid ng kaunting kasiyahan ☺️♥️

Muli Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng Naniwala at patuloy na Naniniwala at nakikiisa sa hangarin ng aming grupo ☺️♥️
Naway maraming taon pa tayong pagsasamahang lahat para sa ikabubuti ng ating bayan ☺️♥️

Nais rin po naming pasalamatan ang ating Butihin at maasahang Vice Mayor Alvin Bravo at Municipal Councilor Jairus Tom Dulay sa Pagpapahiram ng Kani kanilang sasakyan na aming ginamit. Maraming Maraming Salamat PO sir Vice at konsi Wag po Sana kayo magsawa sumuporta sa amin ☺️♥️🫰

Happy 5th Years Anniversary Warriors!
Matatag habang tumatagal ☺️♥️🫰

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 11/06/2024

Ngayong Araw ang aming grupo ay nagkaroon ng pagkakataong maimbitahan at makiisa sa ginanap na Pictorial kasama ang ating Butihing Mayor na Si Mayor Alicia Primicias-Enriquez kasama ang ating Butihing Bise-Mayor na Si Vice Alvin Bravo.

Maraming Salamat po! Asahan Nyo po na aming ipagpapatuloy ang aming nasimulan at Asahan Nyo po ang aming pakikiisa at suporta para sa mas ikabubuti at ikagaganda ng ating Bayang Minamahal!

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 22/03/2024

Muli na namang Umarangkada Ang Dee Bee Solid Warriors Association Inc. upang makapgbigay Ng Feeding Program at saya sa Nining Elementary School ❤️

Muli maraming Salamat Nining Elementary School sa mainit na pagtanggap sa aming Grupo ❤️ Maraming Salamat sa mga ngiti na aming natanggap galing sainyong lahat. Ngiti nyo lang ay Sapat na para sa Amin , naguumapaw na sa tuwa at galak Ang aming mga puso ❤️❤️❤️

Maraming Salamat higit sa lahat sa aming mga founder na sila Angel Laureta Rodrigo at Darwin Abad dahil kundi dahil sakanila hindi maisasakatuparan lahat Ng layunin Ng Grupo.

Maraming Salamat po at Pagpalain tayong lahat Ng Maykapal ❤️❤️❤️

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 03/03/2024

Dee Bee Solid Warriors Association Inc. At People's Night 😊❤️
Happy Fiesta San Nicolas!
Thank you for inviting Us 😊❤️
A night to Remember ❤️❤️❤️

02/03/2024
Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 02/03/2024

Panagrambak 2024
Happy Fiesta San Nicolas Pangasinan!

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 12/02/2024

Isa na naman pong matagumpay na "FEEDING PROGRAM" Ang naisakatupan Ng Aming Grupo. Unang Proyekto sa taong 2024 😊

Inihahandog din po namin Ang Feeding sa Sobol Elementary School sa Isa Sa aming Founder na si Darwin Abad at sa kanyang Maybahay na Si Margielyn Abad sa kanilang kaarawan 😊 Eto po ay Sponsored Ng Isa din naming Founder na si Angel L. Rodrigo bilang pasasalamat Kay Darwin Abad sa walang sawang pagsuporta sa Grupo 😊

Maraming Salamat din po sa SOBOL ELEMENTARY SCHOOL sa mainit na pagtanggap muli sa aming grupo naway napasaya namin kayo 😊❤️🫰

God Bless Us All ❤️😊🙏

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 19/12/2023

Maraming Salamat po sa tiwala!

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 19/12/2023

We Did it 💪😊❤️🫰
A very big thank you to Our Municipal Vice Mayor Honorable Alvin O. Bravo 😊❤️🙏 Maraming Salamat po sa muling pagtitiwala at pagbibigay Ng oportunidad sa Amin upang maipagpatuloy Ang aming layunin para sa ating bayan 😊❤️🙏 Maraming Salamat din po sa mga Konsehal Ng Ating Bayan na mula noon Hanggang ngayon Ang suporta sa Amin ay Hindi natinag 😊❤️🙏 Makakaasa po kayo na makikiisa at tutulong Ang aming grupo sa abot Ng aming makakaya dahil alam naming andyan din kayo para sa Amin! Muli Maraming Maraming Salamat po! Bagong Simula, Bagong Pagkakataon at Bagong Pagasa! Mabuhay WARRIORS!!! 😊❤️🙏

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 24/10/2023

Happy Birthday Sa nag iisa at bukod tanging angel Ng Dee Bee Solid Warriors Association Inc. !!! Ang tanging hiling lang namin para sayo ay maging Masaya ka at palaging maging malusog! Maraming Salamat sa lahat Ng ginagawa mo para sa Amin! Isa Kang pambihirang tao! Napakalaki at napakabuti Ng iyong puso. Lubos kami nagpapasalamat sa Diyos at ibinigay ka Niya samin! Blessing ka sa bawat Isa sa Amin! Hindi lang sa Amin kundi sa lahat Ng taong nakapalibot saiyo! Muli Happy Happy Birthday Manong Angel Laureta Rodrigo! Mahal ka naming lahat 😊❤️🫰

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 19/10/2023

Isang mapagpalang Araw sa ating Lahat 😊
Ngayong Araw Ang umpisa Ng Gaganaping Barangay Election Sa ating bansa. Ilan sa mga Kasama namin ay susubukang pasukin Ang Politika 😊 bilang grupo kahit hindi namin sila lahat Kasama sa iisang Barangay kami ay nagkakaisa na sila ay suportahan dahil alam namin na Ang tanging hangad lamang nila ay maglingkod sa kani kanilang Barangay! Kami po ay lumalapit na bigyan nyo sila Ng pagkakataong ipakita na kaya nilang maglingkod sa kanilang nasasakupang Barangay! Subukan nyo lang po at papatunayan nila sa inyo na hindi masasayang Ang boto niyo sa pagsuporta sa kanila! We are Proud to present to you the members of Dee Bee Solid Warriors Association Inc. Candidates for Barangay Election 2023! Maraming Salamat po! 😊❤️🫰

09/09/2023

In behalf of The Dee Bee Solid Warriors Association Inc. Kami po ay nakikiramay sa pagkawala Ng Isang taong malapit sa aming Grupo. Walang katumbas na sakit at lumbay pag may namamaalam na importanteng tao sa ating buhay ngunit kailangan nating tanggapin at magpatuloy sa ating kanya kanyang buhay. Muli kami po ay nakikidalamhati at nakikiramay sa Pamilya Rodrigo sa Pagkawala ni Manong Frederick "Freddie" Rodrigo no more pain manong you may now Rest in Peace to the kingdom of our Creator! Till we meet again!

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 29/08/2023

Dee Bee Solid Warriors Association Inc. Together with our Honorable Mayor Alicia Primicias-Enriquez 😊🫰💛

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 21/08/2023

Ngayong Araw Muli na naman po naimbitahan Ang Dee Bee Solid Warriors Association Inc. Upang tumulong at makiisa sa BRIGADA ESKWELA 2023 sa East Central Elementary School 😊❤️🫰

Muli Maraming Salamat po sa mainit na pagtanggap sa aming Grupo! Maraming Salamat din sa mga walang kapagurang Mandirigma Ng aming grupo na nakiisa at tumulong upang muli na namang maisakatuparan Ang pagtulong sa nasabing Paaralan!

Sa lahat po Ng Paaralan na aming napuntahan? MARAMING MARAMING SALAMAT PO. Kaisa nyo po Ang aming Grupo sa magandang layunin nyo! See you next BRIGADA ESKWELA! Nandito lang po kami palagi handang makiisa at tumulong Sa abot Ng aming makakaya! Muli Salamat po! Mabuhay tayong lahat at Pagpalain Tayo Ng ating Poong Maykapal 😊❤️🫰🙏

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 19/08/2023

Ngayong Araw Ang aming Grupo ay muli na naman pong naimbitahan upang makiisa at tumulong Sa BRIGADA ESKWELA 2023 sa Malilion Elementary School 😊🫰❤️

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong mainit na pagtanggap sa aming grupo. Makakaasa po kayo na Kaisa nyo kami at kami po ay handang tumulong Sa abot Ng aming makakaya 😊🫰❤️

Maraming Salamat po sa lahat Ng Paaralan na nagimbita samin para sa kani kanilang BRIGADA ESKWELA 2023! Hangad po namin Ang malinis maayos at payapang paguumpisa Ng inyong mga klase! Mabuhay po tayong lahat! God Bless Us All! 😊🫰❤️

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 18/08/2023

SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 18/08/2023

DALUMPINAS ELEMENTARY SCHOOL

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 18/08/2023

Ngayong Araw Muli na namang naimbitahan Ang aming Grupo na makiisa at tumulong sa BRIGADA ESKWELA Ng 3 Paaralan dito sa ating Mahal na bayang San Nicolas Pangasinan 😊❤️🫰

Nagkaisa at nagtulungan ulit Ang Mandirigma Ng Dee Bee Solid Warriors Association Inc. na tumulong Sa SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL, DALUMPINAS ELEMENTARY SCHOOL AT SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL 😊❤️🫰Muli na namang pinatunayan Ng aming grupo na walang Hindi kayang Gawin basta may pagkakaisa at pagmamahal sa bawat Isa! Mabuhay WARRIORS!

Muli Maraming Salamat sa mga Paaralan na aming nabanggit dahil sa kanilang mainit na pagtanggap sa aming grupo! Hangad namin Ang maayos at malinis na pagbubukas Ng klase dito sa ating Bayan kaya kami po ay lagi nyong maaasahan! Maraming Salamat muli sa mga tumulong naglaan Ng Kani kanilang Oras at nakiisa! God Bless Us All 😊❤️🫰

SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 17/08/2023

Ngayong Araw Bilang pakikiisa, pagtulong at suporta muli sa Isa sa Paaralan Ng ating Bayan para sa kanilang BRIGADA ESKWELA 2023 Ang aming grupo ay Nagbigay Ng konting tulong sa West Central School SPED Center 😊❤️

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat Ng tumulong at buong pusong nakikiisa sa aming layunin at adhikain. Maraming Salamat po. Diyos na po Ang bahalang magbalik Ng siksik liglig at naguumapaw na biyaya sa ating Lahat! Muli Maraming Salamat po! 😊❤️🙏

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 16/08/2023

Ngayong Araw Ang Dee Bee Solid Warriors Association Inc. Ay naimbitahan Ng San Rafael Nhs at San Rafael Elementary School upang makiisa sa kanilang BRIGADA ESKWELA 2023
Bilang tugon Ng aming Grupo kami po ay tumulong maglinis sa nasabing Paaralan at nagbigay Ng konting donation sa abot Ng aming makakaya 😊

Maraming Salamat po sa mga nakibahagi at tumulong! Pagpalain nawa Tayo palagi Ng ating Poong Maykapal! 😊❤️🫰

Photos from Dee Bee Solid Warriors Association Inc.'s post 13/08/2023

Bilang pagpapatibay Ng Aming grupo? Kami ay Nagkaroon na naman Ng konting kainan kwentuhan at maraming tawanan na aming pinagtulong tulungan 😊❤️ Ngayong Araw kami po ay Nagkaroon Ng "SAMGYUPSAL DAY" na aming pinagtulong tulungan lahat upang Amin etong magawa 😊❤️

Maraming Salamat sa mga Nakiisa nakisaya tumulong at nagbigay Ng Kani kanilang Oras 😊❤️ Marami pa tayong pagsasaluhang ganitong okasyon para lalo tayong Tumibay at magkaisa para sa iisang adhikain Ng ating Grupo 😊❤️ Mabuhay tayong lahat at Pagpalain tayong lahat Ng ating Poong may kapal ❤️😊🙏

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in San Nicolas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Nining Elementary School ❤️
Nining Elementary School ❤️🫰
Nining Elementary School ❤️
Escaño Family Representative 😊❤️
Corcothia Family Representative 😊❤️
Espiritu Family Representative 😊❤️

Telephone

Website

Address


San Nicolas
2447
Other Charity Organizations in San Nicolas (show all)
Donate a PPE Cebu Donate a PPE Cebu
San Nicolas, 6000

This group was founded in the hopes of helping our frontliners battle against the pandemic, COVID-19

SRG SRG
Poblacion
San Nicolas, 3010

SAN ILDEFONSO RIDERS GROUP