Lolo Uweng Shrine

The official page of the Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre, Landayan, City of San Pedro, Laguna - Lolo Uweng ng Landayan

This page is being managed by the Social Communications Ministry.

20/08/2024

Paggunita kay Papa San Pio X

Panalangin sa Umaga | 6:00 AM Mass | Presided by Rev. Fr. Edgar M. Titoy, Shrine Rector and Parish Priest

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan 19/08/2024

YOUTUBE MASS LIVESTREAM

Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan

Panalangin sa Umaga | 6:00 AM Mass | Presided by Rev. Fr. Edgar M. Titoy, Shrine Rector and Parish Priest

Click the link here: https://youtube.com/live/7_GhX6nQQc8?feature=share

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng SimbahanPanalangin sa Umaga | 6:00 AM Mass | Presided by Rev. Fr. Edgar M. Titoy, Shrine Rector and Parish Pri...

19/08/2024

Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan

Panalangin sa Umaga | 6:00 AM Mass | Presided by Rev. Fr. Edgar M. Titoy, Shrine Rector and Parish Priest

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

19/08/2024

Agosto 20, 2024 | Salita ng Diyos
Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan
_______________________________________________
UNANG PAGBASA
Ezekiel 28, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon: “Tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro na ito ang ipinasasabi ko sa kanila: Sa iyong kapalaluan ay sinabi mong isa kang diyos. Nakaluklok kang parang diyos sa gitna ng karagatan bagamat ang totoo’y hindi ka diyos kundi tao lamang. Pinipilit mong abutin ang isipan ng isang diyos. Akala mo’y matalino ka pa kay Daniel. Akala mo’y alam mo ang lahat ng bagay kahit pa anong lihim. Sa dunong mo’t kaalaman ay nagkamal ka at nakapagbunton ng pilak at ginto. Sa iyo ngang nalalaman sa larangan ng kalakal, patuloy na lumaki ang iyong kayamanan. Dahil dito, naging palalo ka. Kaya naman ito ang ipinasasabi ng Diyos na Panginoon: Pagkat pilit mong ipinapantay sa Diyos ang sarili, ipalulusob kita sa pinakamalupit na kaaway sa daigdig. Wawasakin nila ang lahat ng ari-arian mo na pawang kinamtan sa tusong pamamaraan. Ihuhulog ka niya sa lalim na walang hanggan, papatayi’t ihahagis sa pusod ng dagat. Sa harap kaya ng mga papatay sa iyo ay masabi mo pang ikaw ay diyos? Noon mo malalamang ikaw pala ay tao lamang at may kamatayan. Parang a*o kang papatayin ng mga dayuhan. Akong Panginoon ang may sabi nito.”

Ang Salita ng Diyos.
_______________________________________________
SALMONG TUGUNAN
Deuteronomio 32, 26-27ab. 27kd-28. 30. 35kd-36ab

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Ipinasya ko nang sila’y lipulin
at pawiin sa alaala ng madla.
Ngunit di ko tutulutan ang kanilang kaaway
ay maghambog at sabihing:

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

“Kami ang lumupig sa kanila,
at hindi ang Diyos nila.
Mahina ang pang-unawa ng Israel
at sila’y maituturing na bansang mangmang.”

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Paanong ang sanlibo ay matutugis ng isang tao
at mapipigilan ng dalawa ang sampunlibo?
Sila’y pinabayaan ng Diyos na P**n,
itinakwil na sila ng kanilang dakilang Diyos.

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Darating ang araw ng aking paniningil at paghihiganti,
hanggang sa sila’y humapay at mabuwal
pagkat ang wakas nila ay malapit na.
Ililigtas ng P**n ang kanyang bayan
siya’y mahahabag sa mga maglilingkod sa Kanya.

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.
_______________________________________________
MABUTING BALITA
Mateo 19, 23-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos! At sinasabi ko rin sa inyo: madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.” Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kaya’t naitanong nila. “Kung gayun, sino po ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”

At nagsalita si Pedro, “Tingnan po ninyo: iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin?” Sinabi sa kanila ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: kapag nakaluklok na ang Anak ng Tao sa kanyang maringal na trono sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay luluklok din sa labindalawang trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel. At ang sinumang magtiis na iwan ang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap ng makasandaang ibayo, at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming una na magiging huli, at maraming huli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Sanggunian:
(1) Mga Pagbasa Ngayong Araw: awitatpapuri.com

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

19/08/2024

Agosto 19, 2024 | Salita ng Diyos
Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
_______________________________________________
UNANG PAGBASA
Ezekiel 24, 15-24

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon: “Tao, sa isang iglap ay kukunin ko ang taong pinakamamahal mo ngunit huwag mong itatangis ni iluluha. Maaari mong daanin sa buntong-hininga ngunit tibayan mo ang iyong loob. Manahimik ka at huwag iparirinig ang iyong pagtangis. Huwag kang lalakad nang walang sapin sa paa at lambong sa ulo, na tanda ng pagluluksa. Huwag mong tatakpan ang iyong mukha ni kakain ng pagkain ng mga upahang taga-iyak.”

Umaga nang ako’y magsalita sa mga Israelita. Kinagabihan, namatay ang aking asawa. Kinaumagahan, ginawa ko ang iniutos ng Panginoon.

Tinanong ako ng mga tao, “Ano ang ibig mong sabihin sa ginagawa mong ito?” Sinabi ko sa kanila, “Sinabi sa akin ng Panginoon na sabihin ko sa sambahayan ng Israel ang ganito: ‘Ang aking Templo na siyang sagisag ng inyong kapangyarihan at kasiyahan ay sasalaulain ko, at papatayin sa tabak ang inyong mga anak. Tularan ninyo ang ginagawa ko: huwag kayong magluluksa ni malulungkot. Mag-ayos kayong tulad ng dati, nakaturbante at panyapak. Huwag kayong tatangis o luluha. Dahil sa inyong kasamaan, mangangayayat sa matinding himutok ang bawat isa sa inyo. Sinabi ng Panginoon na ang mangyayari kay Ezekiel ang magiging babala sa inyo. Kung mangyari na ang lahat, tularan ninyo ang kanyang ginagawa. Sa gayun, makikilala ninyong ako ang Panginoon.'”

Ang Salita ng Diyos.
_______________________________________________
SALMONG TUGUNAN
Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Tinalikdan nila ang Diyos na lumikha sa kanila,
ang Diyos na sa kanila’y nagbigay-buhay.
Nasaksihan niya ang pagsamba nila sa diyus-diyosan
kaya’t kanyang itinakwil,
sila na itinuring niyang mga anak.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Sinabi niya, “Tatalikdan ko sila,
tingnan ko lang kung ano ang kanilang sapitin,
pagkat sila’y isang lahing masama, mga anak na suwail.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

“Pinapanibugho nila ako nang sambahin nila yaong hindi Diyos.
Ginalit nila ako dahil sa kanilang diyus-diyosan.
Kaya, paninibughuin ko rin sila at gagalitin,
sa pamamagitan ng bansang di kumikilala sa akin.”

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.
_______________________________________________
MABUTING BALITA
Mateo 19, 16-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, may isang lalaking lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos.” “Alin-alin po?” tanong niya. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; igalang mo ang iyong ama at ina; at, ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Sinabi ng binata, “Tinutupad ko na pong lahat iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?” “Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan. Kapag ginawa mo iyan, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin,” sagot ni Hesus. Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata, sapagkat siya’y napakayaman.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Sanggunian:
(1) Mga Pagbasa Ngayong Araw: awitatpapuri.com

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

19/08/2024

PANTAS NG SIMBAHAN
(Doctor of the Church)

Ang titulo na ibinibigay ng Simbahang Katolika sa mga santo na kinikilala sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa teolohiya o doktrina sa pamamagitan ng kanilang pananaliksik, pag-aaral, o pagsusulat ay "Doktor ng Simbahan" o "Doctor of the Church" sa Ingles

May kabuuang 37 ang itnuturing na Doktor ng Simbahang Katolika dahil sa kanilang mga sulating doktrinal na may partikular na ambag o kahalagahan sa teolohiya ng Simbahang Katoliko, at ang kanilang mga gawa ay itnuturing na totoo at mananatiling mahalaga sa paglipas ng panahon.

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

18/08/2024

Paggunita kay San Ezekiel Moreno, pari

6:00AM Mass | Presided by Rev. Fr. Edgar M. Titoy, Shrine Rector and Parish Priest

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

18/08/2024
18/08/2024

08182024 | Twentieth Sunday in Ordinary Time

"We are invited to live a Eucharistic life, to share the life of Jesus, to be like Jesus, and to bring Jesus to other people." - Rev. Fr. Rafael Malaborbor, Assisting Priest

Watch the full homily here: https://www.youtube.com/watch?v=EOc9kOxzYSY

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

18/08/2024

Twentieth Sunday in Ordinary Time

6:00PM Mass | Presided by Rev. Fr. Rafael Malaborbor, Assisting Priest

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

18/08/2024

Ngayong buwan ng Agosto, apat na kabataan mula sa Parokya ng Santo Sepulcro ang puma*ok ng seminaryo. Sila ay sina Bro. John Eric Reazo mula sa Brgy. Landayan, Bro. John Emmanuel Espino mula sa Brgy. Cuyab, Bro. Carl Jersey Eduarte na mula rin sa Brgy. Cuyab, at Bro. Jeremy Nick Rolle mula sa Brgy. Landayan.

Ang Dambana ni Lolo Uweng, kaisa ang mga komunidad na nasasakupan ng parokya, ay buong pusong bumabati sa mga kabataan sa pagtahak sa daan ng pagpapari.

Ipakita natin ang ating suporta sa mga batang ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng isang panalangin para sa kanilang napiling bokasyon.

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐎𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍
ni Papa Francisco

Panginoon ng anihan, pagkalooban mo ng lakas ng loob ang mga kabataan na tumugon sa iyong panawagan. Buksan mo ang kanilang mga puso sa mga dakilang kaisipan at bagay.

Kasihan ang lahat ng iyong mga alagad ng mga magkaayong pag-ibig at pagbibigay sapagkat ang bokasyon ay sumisibol sa mabuting lupa ng mga tapat na tao. Isalin mo sa mga nasa relihiyosong pamumuhay, parokya, ministri at pamilya ng may pagtitiwala at biyaya ng maghihikayat ng iba upang yakapin ang malakas at marangal na landas ng nakatalagang buhay para sa iyo.

Pagbuklurin mo kami kay Hesus sa pamamagitan ng panalangin at sakramento, upang magawa naming makipagtulungan sa iyo sa pagtataguyod ng paghaharing iyong awa at katotohanan, katarungan at kapayapaan. Amen.

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

18/08/2024

Agosto 18, 2024 | Salita ng Diyos
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
_______________________________________________
UNANG PAGBASA
Kawikaan 9, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ng Mga Kawikaan

Gumawa na ng tirahan itong karunungan,
na itinayo niya sa pitong patibayan.
Nagpatay s’ya ng hayop, nagtimpla ng inumin,
ang mesa ay inihanda, punong-puno ng pagkain.
Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan,
upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan:
“Ang kulang sa kaalaman, dito ay lumapit.”
Sa mga walang muwang ay ganito ang sinambit:
“Halikayo’t inyong kainin ang pagkain ko,
at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo.
Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay,
at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”

Ang Salita ng Diyos.
_______________________________________________
SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 10-11. 12-13. 14-15

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Matakot sa P**n, kayo, kanyang bayan
nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.
Kahit mga leon ay nagugutom din,
sila’y nagkukulang sa hustong pagkain;
Ngunit ang sinumang ang P**n susundin,
sa anumang bagay hindi kukulangin.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Lapit, ako’y dinggin mga kaibigan
at kayo ngayo’y aking tuturuan
na ang Diyos ay dapat nating katakutan.
Ang buhay masaya at mahabang buhay,
di ba ninyo gustong inyong maranasan?

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Salitang mahalay at pagsisinungaling,
ay dapat iwasan at h’wag banggitin.
Mabuti ang gawi’t masama’y layuan
pagsikapang kamtin ang kapayapaan.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.
_______________________________________________
IKALAWANG PAGBASA
Efeso 5, 15-20

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigidig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

Huwag kayong maglalasing, sapagkat nakasisira iyan ng maayos na pamumuhay. Sa halip ay sikapin ninyong mapuspos kayo ng Espiritu Santo. Sama-samang ipahayag ang inyong damdamin sa pamamagitan ng mga salmo, mga imno at mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Lagi kayong magpasalamat sa Diyos at Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.
_______________________________________________
MABUTING BALITA
Juan 6, 51-58

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”

Dahil dito’y nagtalu-talo ang mga Judio. “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?” tanong nila. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayon din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Sanggunian:
(1) Mga Pagbasa Ngayong Araw: awitatpapuri.com

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

17/08/2024

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon

6:00AM Mass | Presided by Rev. Fr. Edgar M. Titoy, Shrine Rector & Parish Priest

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

Photos from Lolo Uweng Shrine's post 17/08/2024

08162024 | Kapistahan ni San Roque

Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Kapistahan ni San Roque

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna




Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com
Social Communications Ministry

Photos from Lolo Uweng Shrine's post 17/08/2024

08162024 | Kapistahan ni San Roque

Sinimulan ang paggunita ng Kapistahan ni San Roque sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang Banal na Misa na pinangunahan ng ating Katuwang na Pari na si Rdo. P. Rafael Malaborbor at Nagdiwang rin ng Misa Pasasalamat ang Kura Paroko ng San Martin de Porres Parish na si Rdo. P. Nestor Edrozo Jr sa Kapistahan ni San Roque ika-16 ng Agosto sa Kapilya ng San Roque, Brgy. San Roque, San Pedro, Laguna.

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna




Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com
Social Communications Ministry

Photos from Lolo Uweng Shrine's post 17/08/2024

08162024 | Friday Devotion

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

17/08/2024
16/08/2024

08162024 | Friday Devotion

"Love is not about emotions, but love is about day-to-day decision."
- Rev. Fr. Rafael C. Malaborbor, Assisting Priest

Watch the full homily here: https://youtu.be/Q9Dfb2AXYN4

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

16/08/2024

Votive Mass in Honor of Lolo Uweng

Panalangin sa Takipsilim | 7:00PM Mass | Presided by Rev. Fr. Rafael Malaborbor, Assistant Priest

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

16/08/2024

Maligayang Kapistahan Mahal na Patrong San Roque

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
San Roque Sub-Parish
Brgy. San Roque, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

16/08/2024

08162024 | Friday Devotion

Panalangin kay Hesus sa Banal na Sepulcro

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

O Hesus, sa pagkakasala ng tao, ikaw ay isinugo ng Diyos Amang puspos ng awa at pagmamahal upang tubusin ang sangkatauhan sa pagkakalugmok sa kasalanan. Sinasamba at pinapasalamatan ka namin. Ngayong kami ay tigib ng hapis dito sa lupa, habang aming pinagninilayan ang mga sandaling ikaw ay nakahimlay sa iyong banal na libingan, at alang-alang sa paghihirap na iyong tiniis at sa mga biyayang tinamo mo para sa aming kaligtasan, dumudulog kami sa iyo. Hinihiling namin na ipagkaloob mo ang aming pinakamimithing grasya sa mga oras na ito.

(Tahimik na banggitin ang personal na intensyon)

Ipagkaloob mo Panginoong Hesukristo, na tulad mo: kami ay patuloy na maging bukas ang kalooban ng Diyos Amang nasa langit. Magkaroon ng kababaang loob sa oras ng kahinaan at pagkakasala upang patakbo at puno ng pagsisisi kami ay buong pusong magbalik loob sa iyo; mamuhay ng may di matitinag na pananampalataya at pag-asa; may pagmamahal at paghahangad na maglingkod at mag- alay ng sarili sa aming kapwa, gaya ng ginawa mo para sa amin. Nagsusumamo kami Panginoong Hesus na nakahimlay s banal na libingan ng pagsapit ng sandali ng katapusan ng aming buhay dito sa lupa , matamo nawa namin, sa langit mong tahanan ang bunga ng iyong ginawang pagliligtas. Sapagkat ikaw ay Diyos na nabubuhay na mag-uli at ngayo'y naghahari sa iyong kaluwalhatian kasama ng Espiritu Santo at ng lahat ng mga banal, magpasawalang hanggan. Amen.

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

16/08/2024

AGOSTO 16 | Paggunita kay San Roque, nagpapagaling

Si San Roque ay anak ng gobernador ng Montpellier sa Pransiya. Sa kanyang pagkaulila'y nagtungo siya sa Roma matapos na maipamahagi ang kanyang kayamanan sa mga maralita. Nang magkaroon ng peste sa lungsod na iyon at sa mga karatig-bayan, iniukol niya ang panahon sa paglilingkod sa mga maysakit. Sa Piacenza, nahawa ang santo sa sakit na lumalaganap. Nagtungo siya sa gubat upang huwag nang madala sa pagamutan, subalit dito'y inalagaan siya ng isang a*o. Natagpuan ng may-ari ng a*ong iyon si Roque sa gubat at siya'y inalagaan.
Sa dakong huli, nagbalik din si Roque sa Montpellier na noon ay kasalukuyang pinagdarausan ng isang labanan. Napagbintangan siyang espiya at nabilanggo sa loob ng limang taon hanggang sa datnan siya ng kamatayan noong 1337, humigit-kumulang. Siya ang Patron ng mga May-sakit at mga Tinamaan ng Salot.

San Roque, ipanalangin mo kami.

Sources:
(1) San Roque - Talambuhay ng mga Santo at mga Kapistahan ng Mahal na Birhen, Mons. Jose C. Abriol
(2) San Roque - Diego Polo

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

Photos from Lolo Uweng Pilgrim Church Project's post 16/08/2024
15/08/2024

Paggunita kay San Roque, nagpapagaling

Panalangin sa Umaga | 6:00 AM Mass | Presided by Rev. Fr. Fred Dizon, MSP

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

15/08/2024

Agosto 16, 2024 | Salita ng Diyos
Paggunita kay San Roque, nagpapagaling
_______________________________________________
UNANG PAGBASA
Ezekiel 16, 1-15. 60. 63

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, ipamukha mo sa Jerusalem ang kanyang kasuklam-suklam na gawain. Sabihin mong ipinasasabi ng Panginoon na kanyang Diyos: Ikaw ay mula sa Canaan. Amorreo ang iyong ama at Hetea ang iyong ina. Nang ikaw ay isilang, hindi ka pinutulan ng pusod ni pinaliguan ni kinuskos ng asin ni binalot ng lampin. Walang nag-ukol ng panahon upang gawin sa iyo ang isa man sa mga bagay na dapat gawin. Wala man lamang naawa sa iyo. Basta ka na lamang inilapag sa lupa nang ikaw ay isilang.

Nadaanan kitang kakawag-kawag sa sarili mong dugo. Sinabi ko sa iyo noon na mabubuhay ka at lalaking tulad ng mga halaman sa parang. Lumaki ka nga at naging dalaga. Maganda ang iyong dibdib. Mahaba ang iyong buhok ngunit ikaw ay hubad.

Nang madaanan kita uli, nakita kong ikaw ay ganap nang dalaga. At ibinalabal ko sa iyo ang aking kasuotan upang matakpan ang iyong kahubaran. Nangako ako sa iyo nang buong katapatan. Nakipagtipan ako sa iyo, at ikaw ay naging akin. Pinaliguan kita. Nilinis ko ang dugo mo sa katawan, at pinahiran kita ng langis. Dinamtan kita ng may magagandang burda, at sinuutan ng sandalyas na balat. Binalot kita ng pinong lino at damit na seda. Sinuutan kita ng pulseras sa magkabilang bra*o, at binigyan ng kuwintas. Binigyan din kita ng hikaw sa ilong at tainga. Pinutungan kita ng isang magandang korona. Nagayakan ka ng alahas na pilak at ginto. Ang kasuutan mo’y pinong lino, piling seda, at telang nabuburdahan nang maganda. Ang pagkain mo’y yari sa pinakamainam na harina. Pulot-pukyutan at langis ang iyong inumin. Lumaki kang walang kasingganda at nalagay sa katayuan ng isang reyna. Natanyag sa lahat ng bansa ang iyong kagandahan pagkat lalo itong pinatingkad ng mga palamuting iginayak ko sa iyo.

Ngunit naging palalo ka dahil sa iyong kagandahan. Anupat nabuyo ka sa pagiging patutot at ang sarili mo’y ipinaangkin sa lahat ng makita mo.

Gayunman, hindi ko na rin kalilimutan ang ginawa kong tipan sa iyo nang ikaw ay bata pa. Ngayon ay gagawa ako ng tipan para sa atin, hindi ito masisira kailanman. Sa sandaling ipatawad ko ang lahat mong kasalanan, matitikom ang bibig mo dahil sa laki ng kahihiyan.”

Ang Salita ng Diyos.
_______________________________________________
SALMONG TUGUNAN
Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6

Galit ng D’yos ay naparam,
pinatawad n’ya ang tanan.

Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,
tiwalang-tiwala ako at wala munti mang pangamba.
Sapagkat ang P**n ang lahat sa akin,
siya ang aking awit, ang aking kaligtasan.
Malugod kayong sasalok ng tubig
sa batis ng kaligtasan.

Galit ng D’yos ay naparam,
pinatawad n’ya ang tanan.

Magpasalamat kayo sa P**n
siya ang inyong tawagan;
ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang ginawa.
Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.

Galit ng D’yos ay naparam,
pinatawad n’ya ang tanan.

Umawit kayo ng papuri sa P**n,
sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,
ipahayag ninyo ito sa buong daigdig.
Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak,
sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal ng Israel.

Galit ng D’yos ay naparam,
pinatawad n’ya ang tanan.
_______________________________________________
MABUTING BALITA
Mateo 19, 3-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?” Sumagot si Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulutan na sa pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Tinanong siya ng mga Pariseo, “Bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?” Sumagot si Hesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayun sa pasimula. Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.”

Sinabi ng mga alagad, “Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.” Sumagot si Hesus, “Hindi lahat ay makatatanggap ng simulaing iyan kundi yaon lamang pinagkalooban ng Diyos. Sapagkat may iba’t ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan, dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba, dahil sa kagagawan ng ibang tao ay nagkagayon sila; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa ikauunlad ng paghahari ng Diyos. Ang makatatanggap ng simulaing ito ay tumanggap nito.”

Sanggunian:
(1) Mga Pagbasa Ngayong Araw: awitatpapuri.com

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro, Laguna






Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com

Social Communications Ministry

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in San Pedro?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Our Story

This page is being managed by the Social Communications Ministry Of The Shrine Of Jesus in the Holy Sepulchre

Videos (show all)

Paggunita kay Papa San Pio X
Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan
Paggunita kay San Ezekiel Moreno, pari
Twentieth Sunday in Ordinary Time
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Votive Mass in Honor of Lolo Uweng
08162024 | Friday DevotionPanalangin kay Hesus sa Banal na SepulcroSa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen...
Paggunita kay San Roque, nagpapagaling
Banal na Oras para sa Ikababanal ng mga Kaparian
Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria
Paggunita kay San Maximiliano Maria Kolbe, pari at martir
Martes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Address


Diocesan Shrine Of Jesus In The Holy Sepulchre, Landayan
San Pedro
4023

Opening Hours

Monday 4:30am - 8pm
Tuesday 4:30am - 8pm
Wednesday 4:30am - 8pm
Thursday 4:30am - 8pm
Friday 3:30am - 10:30pm
Saturday 4:30am - 8pm
Sunday 5am - 8pm
Other Catholic churches in San Pedro (show all)
St. Clare Chapel Camella Homes Woodhills St. Clare Chapel Camella Homes Woodhills
San Pedro, 4023

A Catholic Church under the Christ the King Parish in Holiday Hills-GSIS San Pedro Laguna with St. P

San Lorenzo Ruiz Parish - Pacita 2-A San Lorenzo Ruiz Parish - Pacita 2-A
Pacita 2A & Guevara Subdivisions, City Of San Pedro, Laguna
San Pedro, 4023

Sacred Beads Cursillo Team Sacred Beads Cursillo Team
Sto. Rosario Parish
San Pedro, 4023

The Cursillo Movement of Sto. Rosario Parish Pacita 1, City of San Pedro, Laguna, 4023 De Colores! 🌈

Sta. Rita de Cascia Chapel Sta. Rita de Cascia Chapel
Southern Heights 1, Brgy. Langgam
San Pedro, 4023

This is the Official FB page of Sta. Rita de Cascia Chapel

Our Lady of Fatima Parish - Elvinda Our Lady of Fatima Parish - Elvinda
Crismor Avenue, Elvinda Village, Barangay Fatima
San Pedro, 4023

SCHEDULE OF MASSES MON & SAT - 6 AM TUE to FRI - 6 PM SUN - 6 AM, 8 AM, 10 AM & 6 PM

San Vicente Ferrer Chapel San Vicente Ferrer Chapel
Brgy. San Vicente
San Pedro, 4023

Official page of San Vicente Ferrer Chapel

Mother of Good Counsel Parish Bulletin Mother of Good Counsel Parish Bulletin
#14 L. Santos Street Brgy. Chrysanthemum
San Pedro

Official page for Online Liturgical Activities of Mother of Good Counsel Parish

Our Lady Of Fatima Chapel - SouthFairway Homes Our Lady Of Fatima Chapel - SouthFairway Homes
Phase 1 , Basketball Court South Fairway Homes Classic, Brgy. Landayan
San Pedro, 4023

Located at SouthFairway Homes Landayan, San Pedro City , Laguna

PREX San Pedro Apostol Parish PREX San Pedro Apostol Parish
Santo Nino Street
San Pedro, 4023

Parish Renewal Experience (PREX), is a renewal seminar for Catholics, a rediscovery experience that will help us see the true meaning of our faith...

St. Joseph the Worker Parish St. Joseph the Worker Parish
Calendola Village
San Pedro, 4023

We are the Social Communications Ministry of our beloved Parish St. Joseph the Worker Parish - Calendola.

Mother of Good Counsel Parish Mother of Good Counsel Parish
San Pedro, 4023

A Catholic Church in San Pedro City, Laguna, Philippines This account is also affiliated to a Facebook account, MGCP Bulletin https://www.facebook.com/mgcp.bulletin.1 and MGCP Bul...

Christ The King Parish, San Pedro Laguna Christ The King Parish, San Pedro Laguna
Holiday Drive, Barangay GSIS, Holiday Hills Village
San Pedro, 4023

This is the official page of Christ the King Parish, San Pedro, Laguna.