TATAK Movement - Team Etaw SK

Tugon at Aksyon sa Tagapo mula sa Alyansa ng Kabataan

25/12/2022

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ๐“๐š๐ฒ๐จ ๐๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ!๐ŸŽ„

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐จ๐ง!โค๏ธ

Tunay na kakaiba ang pagdiriwang ng pasko ngayong taon. Para sa iilan dahil ito sa handaan, mga regalo, o sa aguinaldo. Ngunit para sa iba, mahirap, masakit, at mabigat ang realidad ng pasko para sa taong ito. Ang tanong pa nga ay saan nga ba aabot nag 500 piso mo?

Sa kabila ng mga ngiti ng bawat isa ay nakakubli rito ang dagok dulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang dating mga pagkaing nakahain tila ngayo'y mahirap nang abutin. Kung ating sasariwain kahit hindi pasko may naihahanda tayo kahit papaano. Ngunit paano ang mga maralitang Pilipino? Ano ang kanilang maihahanda ngayong pasko?

Kasabay pa ng problemang ito ay ang libo-libong naging biktima ng pandemyang ito. Napakabilis ng pangyayari, tatlong taon na at tayo'y nasa pandemya pa rin. At ang nakapanlulumo pa rito ay mukhang aabot pa ito ng pang-apat na taon. Tila walang hangganan ang sanga-sangang problema ng bansa. Nasaan nga ba ang dulo at mga sagot para sa mga isyung ito?

Kaya ngayong kapaskuhan, masasabi naming hindi na ito katulad ng dati. Kung kaya't dapat tayong makibahagi sa pakikibaka tungo sa hinahangad na tunay na pagbabago. Malayo pa ngunit malayo na ang nilakbay ng ating pakikiisa sa laban ng bawat isa.

Ngayon at kailanman, higit na kailangan ng lipunan natin ang mga taong magsisilbing daan na magbibigkis sa mga tao mula sa malalayong lugar tungo sa mga kalapit nito. Ngayon ang panahon upang tayo ay magpatuloy sa buhay at sabay-sabay tunguhin ang inaasam na pagbabago para sa bayan.

Muli, isang mapagpalaya at mapagpamulat na Pasko sa bawat isa.
Pagbati mula sa TATAK Movement!





๐Ÿ“ท: JP Copo

29/10/2022

PARESCUE PO, PLEASE ๐Ÿฅบ๐Ÿ™๐Ÿป
* 877 F.Gomez St. Brgy. Ibaba, Santa Rosa Laguna

Parescue po brgy. Ibaba

29/10/2022

โ€ผ๏ธโ€ผ๏ธ NEED RESCUE THREAD โ€ผ๏ธโ€ผ๏ธ

STA. ROSA LAGUNA

Para sa mga nangangailangan ng tulong para makalikas sa kanilang mga lugar, i-comment po ninyo ang inyong lugar at contact number. I-sshare din po namin ang mga posts na aming makikita na nanghihingi ng tulong.

Sama-sama tayong umantabay sa balita para sa mga susunod na opisyal na pahayag. Narito ang ating mga ๐ž๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐ก๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ:
โ€ข (049) 534-9999
โ€ข (049) 572-4001
โ€ข 0995-650-1943 (GLOBE)
โ€ข 0999-873-5431 (SMART)

29/10/2022
Photos from City Government of Santa Rosa, Laguna's post 29/10/2022

Mag-iingat ang lahat. Hanggaโ€™t maaari, manatili sa loob ng bahay at kung nangangailangan ng tulong, mangyaring tumawag na lamang po sa mga sumusunod na hotline:

Stay safe!

25/09/2022

Dahil sa inaasahang sama ng panahon dala ng bagyong , suspendido ang lahat ng klase sa Lunes, September 26, 2022 para sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Laguna.

Manatili tayong alerto at patuloy na mag-ingat!

25/09/2022

๐Ÿ“Œ๐“๐€๐“๐€๐Š ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ โ”‚ As of 11:35 AM, September 25, 2022

Dahil sa bagyong , isinailalim sa Signal #4 ang lalawigan ng Laguna. Inaasahan ang malakas na pag-ulan at hangin sa susunod na mga oras.

Inaabisuhan ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at mag-ingat.

Kung nangangailangan po ng agarang tulong, rescue, o nais magreport ng mga bahang lugar o anumang insidente, maaaring tumawag sa STAC Hotline # 0921 907 8886 o Laguna Command Center Hotline # 545 9211.

Sama-sama tayong umantabay sa balita para sa mga susunod na opisyal na pahayag.
Narito ang ating mga ๐ž๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐ก๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ:
โ€ข (049) 534-9999
โ€ข (049) 572-4001
โ€ข 0995-650-1943 (GLOBE)
โ€ข 0999-873-5431 (SMART)Mag-ingat po ang lahat!






SANGGUNIAN:

Gov. Ramil Hernandez at NDRRMC.

Link:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid02XBz6cACokL1Nd8zfPcwmFc3kNWK7zdcsDoyb9KSMs6rW1c4H7kW3hfUwrvLFuGTZl&id=901354706547138

https://www.facebook.com/NDRRMC

10/09/2022

๐ˆ๐ญโ€™๐ฌ ๐จ๐ค๐š๐ฒ ๐ง๐จ๐ญ ๐ญ๐จ ๐›๐ž ๐จ๐ค๐š๐ฒ! ๐Ÿ’™๐Ÿ’œ

Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong sa iba. Sa paggunita natin sa ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐’๐ฎ๐ข๐œ๐ข๐๐ž ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ƒ๐š๐ฒ ngayong taon na may temang, "๐‘ช๐’“๐’†๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฏ๐’๐’‘๐’† ๐‘ป๐’‰๐’“๐’๐’–๐’ˆ๐’‰ ๐‘จ๐’„๐’•๐’Š๐’๐’" , tayo ay magbigay at magsilbing safe space para sa mga taong may mga pinagdaraanan. Ang tema ay isang paalala na may pag-asa, may umaalalay at sumusuporta sa kanilang pangangailangan.

Makinig, umunawa, at bigyang-pansin ang kanilang mga nararamdaman. Ang ating aksyon, gaano man kaliit, ay makapagbibigay ng kaginhawaan at makapagsisindi ng liwanag ng pag-asa sa iba.

Kung may kakilala ka o ikaw mismo ay nangangailangan ng tulong, mangyaring i-contact ang National Center for Mental Health Crisis hotline: (1553) landline, 09663514518, 09178998727 (Globe/TM), at 09086392672 (Smart/Sun/TNT).

Maaari rin kayong magpadala ng mensahe sa page na ito kung nais nyong magbahagi ng inyong mga nararamdaman. ๐Ÿ’œ

๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ. ๐ŸŽ—
Isang paalala mula sa TATAK Movement.

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 10/09/2022

๐Ÿ“Œ๐“๐€๐“๐€๐Š ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜โ”‚๐…๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐’๐ข๐ญ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐งโ”‚As of 11:50 am, September 10, 2022

TINGNAN: Muling nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng Barangay Tagapo dahil sa malakas at pabugso-bugsong ulan dulot ng tropical storm, .

Muli, ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐ž๐ž๐ฉ๐ฌ, inaabisuhan din ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at mag-ingat. Pinapayuhan ang lahat na lumikas lalo na kung mataas na ang tubig sa inyong lugar.

Sama-sama tayong umantabay sa balita para sa mga susunod na opisyal na pahayag. Narito ang ating mga ๐ž๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐ก๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ:
โ€ข (049) 534-9999
โ€ข (049) 572-4001
โ€ข 0995-650-1943 (GLOBE)
โ€ข 0999-873-5431 (SMART)






Pagtatatuwa: Ang mga larawan ay galing sa mga residente at motorista sa mga nasabing lugar. Hindi inaangkin ng TATAK ang mga ito.

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 09/09/2022

๐Ÿ“Œ๐“๐€๐“๐€๐Š ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜โ”‚๐…๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐’๐ข๐ญ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐งโ”‚As of 6:27 pm, September 9, 2022

TINGNAN: Narito ang ilang kuha ng sitwasyon sa iba't ibang lugar sa Barangay Tagapo dulot ng tropical storm, .

Muli, ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐ž๐ž๐ฉ๐ฌ, inaabisuhan din ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at mag-ingat. Pinapayuhan ang lahat na lumikas lalo na kung mataas na ang tubig sa inyong lugar.

Sama-sama tayong umantabay sa balita para sa mga susunod na opisyal na pahayag. Narito ang ating mga ๐ž๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐ก๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ:

โ€ข (049) 534-9999
โ€ข (049) 572-4001
โ€ข 0995-650-1943 (GLOBE)
โ€ข 0999-873-5431 (SMART)






Pagtatatuwa: Ang mga larawan ay galing sa mga residente at motorista na nasa nasabing mga lugar. Hindi inaangkin ng TATAK ang mga ito.

09/09/2022

๐Ÿ“Œ๐“๐€๐“๐€๐Š ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜โ”‚๐…๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐’๐ข๐ญ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐งโ”‚As of 4:48 pm, September 9, 2022

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng tropical storm, . Narito nag ilang mg aupdate sa kalagayan sa ating lungsod:

๐‚๐ก๐จ๐ฉ๐ฌ๐ญ๐ข๐œ๐ค ๐๐š๐ฅ๐ข๐›๐š๐ ๐จ -lagpas na ng tuhod, not passable for light vehicles

๐Œ๐ž๐ซ๐š๐ฅ๐œ๐จ ๐๐š๐ฅ๐ข๐›๐š๐ ๐จ -sahig na ng tricycle, passable

๐“๐ซ๐š๐ฆ ๐๐ฅ๐š๐ณ๐š - kalagitnaan ng tuhod at talampakan, not passable for light vehicles

๐๐š๐ฅ๐ข๐›๐š๐ ๐จ ๐๐จ๐ฅ๐ฒ๐œ๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐œ- not passable for light vehicles

๐‘๐ข๐ฅ๐ž๐ฌ ๐๐จ๐จ๐œ -not passable for light vehicles

๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐Ÿ ๐ญ๐จ ๐‘๐‚๐๐‚ - lagpas gutter, not passable for light vehicles

๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐จ, ๐€๐ฆ๐ข๐ก๐š๐ง- baha naat pinasok na ang ilang mga tahanan.

๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐ž๐ž๐ฉ๐ฌ, inaabisuhan din ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at mag-ingat. Pinapayuhan ang lahat na lumikas lalo na kung mataas na ang tubig sa inyong lugar.

Sama-sama tayong umantabay sa balita para sa mga susunod na opisyal na pahayag. Narito ang ating mga ๐ž๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐ก๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ:

โ€ข (049) 534-9999
โ€ข (049) 572-4001
โ€ข 0995-650-1943 (GLOBE)
โ€ข 0999-873-5431 (SMART)






SANGGUNIAN:
https://www.facebook.com/santarosacityphofficial/posts/450204717136664

03/09/2022

๐Ÿ“Œ๐“๐€๐“๐€๐Š ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ โ”‚ As of 5:00 PM, 03 September 2022

Bagama't patuloy ang pag-ulan dulot ng bagyong , hindi isinailalim sa kahit na anong typhoon at wind signal ang lalawigan ng Laguna. Sa kabila nito, inaasahan ang patuloy na pag-ulan hanggang sa susunod na mga araw.

Inaabisuhan ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at mag-ingat.

Sama-sama tayong umantabay sa balita para sa mga susunod na opisyal na pahayag.






SANGGUNIAN:

DOST-PAGASA
Link: bit.ly/3CNgntZ

31/08/2022

๐Œ๐€๐˜ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐ˆ๐Š!๐ŸŽ„

Sa pagbabalik ng BER months, may kasabay rin itong nagbabalik.๐ŸŽผ

Handa ka na ba sa Jose Mari Chan nonstop remix album? ๐Ÿฅ

TAGAPeeps, tugtugan na!๐Ÿ“ป

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 31/08/2022

๐Ÿ“Œ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐‰๐ž๐ž๐ฉ๐ง๐ž๐ฒ ๐“๐ซ๐ข๐ฏ๐ข๐š

๐Ÿšฆ๐๐„๐„๐! ๐๐„๐„๐! ๐Ž๐ก, ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐š ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ซ๐ ๐š ๐ง๐š ๐ญ๐š๐ฒ๐จ! ๐Ÿšฆ

๐’๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐š๐ญ ๐ญ๐š๐ฒ๐จโ€™๐ฒ ๐š๐š๐ฅ๐ข๐ฌ ๐ง๐š!๐Ÿš˜

Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ngayong taon ang ating pagdiriwang ay may temang โ€œFilipino at Wikang Katutubo: Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklasโ€. ๐Ÿ–Œ๏ธ๐Ÿ”Ž

Sa pangalawang pagpasada ng ating Jeepney Trivia ay maghahatid tayo ng ilang aral patungkol sa ating balarila o Filipino Grammar. Sa pagtatapos ng buwan na ito ay di nangangahulugang matatapos na rin ang pagkilala natin sa ating Wikang Pambansa dahil dapat ito ay isinasagawa araw-araw at habambuhay.

Ang Tatak Movement ay nagpapaalalang malayo man ang ating baybaying at marating, atin sanang bitbit ang pagiging isang Pinoy saan mang lupalop ng mundo. Nawa'y naihatid namin kayo sa inyong destinasyonใ…ก destinasyon ng kaalaman. ๐Ÿง 

TAGAPeeps, nandito na tayo, hanggang sa muling pagpasada!๐Ÿšฆ

Muli tayong magsama-sama sa mga susunod nating paglikha at pagtuklas!๐Ÿ–Œ๏ธ๐Ÿ”Ž

Larga na!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

30/08/2022

๐Ÿ“Œ๐…๐ซ๐ž๐ž๐๐จ๐ฆ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฉ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ข๐ฌ ๐Ÿ๐ฎ๐ง๐๐š๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐ญ๐จ ๐š ๐๐ž๐ฆ๐จ๐œ๐ซ๐š๐œ๐ฒ.

Naniniwala ang TATAK Movement sa kahalagahan ng ating boses bilang kabataan at sa kalayaan nating mamahayag. Kaya naman, nakikiisa tayo sa pagdiriwang ng National Press Freedom Day ngayong araw, Agosto 30, 2022. ๐Ÿ“š

Para sa malayang pamamahayag ng boses ng bayan! โœŠ

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 30/08/2022

๐Ÿ“Œ๐๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ: ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐š๐ง๐ญ๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ž๐ฌ ๐„๐๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง

TINGNAN: Nakiisa ang TATAK Movement sa isinagawang pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral, na ginanap nitong Agosto 29, 2022, upang maging tulong tungo sa ligtas at inklusibong sa mga pampublikong paaralan ng Lungsod ng Santa Rosa. Pinangunahan ang proyektong ito ng grupong RPC Santa Rosa naglalayong maalalayan ang mga batang magbabalik-eskwela sa pamamagitan ng pamimigay ng mga gamit pang-eskwela. Ito rin ay bilang tugon sa kinakaharap na gastusin ng kanilang pamilya bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na sinabayan pa ng mga health kits.

Hindi maisasakatuparan ang Pink Community Pantry - School Supplies Edition na ito kung hindi dahil sa mga taong naghandog ng kanilang donasyon โ€“ mapa-cash man o in-kind donations. Kung kaya ang pamamahaging ay nagdulot ng ngiti sa mga labi ng mga bata at saya sa kanilang mga magulang.

Patunay ang pagkilos na ito na patuloy pa ring nag-aalab ang pusong mapagmalasakit sa mga tao at buhay pa rin ang diwa ng pagkakaisa na namamahay sa puso ng bawat isa. ๐ŸŒธ

29/08/2022

๐Ž๐ก ๐๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ค๐จ!

Bilang isang Pilipino, napakalaki ng ating pagtanaw sa ating mayamang kasaysayan dahil ito ay malaking esensya sa ating mga reyalidad. Mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan, atin dapat bigyang halagaโ€™t importansya ang bawat buhay at sakripisyo ng mga bayaning nagtulak at lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas at mga Pilipino. โœจ

Alinsunod sa Republic Act No. 9492 na nilagdaan noong taong 2007, ating ipinagdiriwang tuwing Agosto, 29 ang Araw ng mga Bayani upang bigyang pagkilala ang kanilang mga naging papel sa ating kasaysayan. Tunay na tapang, talino, at masidhing pag-ibig sa bayan ang kanilang ipinamalas sa nakaraan.๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa pagtawid natin mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan may mga panibagong bayani na tayo ng ating henerasyon. At madalas man natin silang lagpasan, lingid sa ating kaalaman, kanila tayong pinagsisilbihan. Silaโ€™y malimit na nagkukubli sa apat na sulok ng paaralan, sa laot at karagatan, maging sa pilapil at malalawak na palayan.ไธ€mga bayani ng kasalukuyang lipunan. โœจ

Mula, sa TATAK Movement, isang taas-kamaong pagbati at pagpupugay para sa lahat ng mga bayani at makabagong mga bayani. Hindi matatawaran ang inyong mga naging kontribusyon sa ating lipunan. Kung kayaโ€™t marapat lamang gunitain at ipagdiwang ang inyong mga naging papel. โœŠ

Lagi nating tatandaan hindi pa tapos ang ating mga laban. Malayo na ngunit malayo pa! โœŠ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Maligayang Araw ng mga Bayani!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ







No copyright infringement intended, images used belong to the rightful owners.

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 27/08/2022

๐Ÿ“Œ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐‰๐ž๐ž๐ฉ๐ง๐ž๐ฒ ๐“๐ซ๐ข๐ฏ๐ข๐š

๐Ÿšฆ๐๐„๐„๐! ๐๐„๐„๐! ๐Ž๐ก, ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐š ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ซ๐ ๐š ๐ง๐š ๐ญ๐š๐ฒ๐จ! ๐Ÿšฆ

Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ngayong taon, ang ating pagdiriwang ay may temang: โ€œFilipino at Wikang Katutubo: Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklasโ€. ๐Ÿ–Œ๏ธ๐Ÿ”Ž

Ang Tatak Movement ay malayang nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may kalakip na maalab na layuning itaguyod at pagtibayin ang pundasyon ng ating wika tungo sa mayamang pag-unlad nito. โœจ

At sa nalalapit na pagtatapos ag ating pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ang TATAK Movement ay naglunsad ng isang biyaheng maghahatid sa atin tungo sa isang makabuluhang destinasyonใ…ก destinasyon ng kaalaman. ๐Ÿง 

TAGAPeeps, ikaw na lamang ang hinihintay at tayoโ€™y aarangkada na sakay ng ating Pinoy Dyip na may kakaibang biyahe. ๐Ÿšฆ

Halinaโ€™t sama-sama tayong lumikha at tuklasin ang natatagong yaman ng ating Wikang Pambansa!๐Ÿ–Œ๏ธ๐Ÿ”Ž

๐’๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐š๐ญ ๐ญ๐š๐ฒ๐จโ€™๐ฒ ๐š๐š๐ฅ๐ข๐ฌ ๐ง๐š!๐Ÿš˜ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

23/08/2022

๐Ÿ“Œ ๐Š๐Š๐Š: ๐Š๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š ๐Š๐š, ๐Š๐š-๐›๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ?

Nilalamig? ๐Ÿฅถ
Bumabaha? ๐ŸŒŠ
Maayos ang kalagayan? โ˜บ๏ธ
Naghihilik? ๐Ÿ˜ช

I-comment mo โ€˜yan! โœจ

Hindi pa rin humuhupa ang pag-ulan dulot ng bagyong Florita. Kaya naman, nais naming kumustahin ang ating mga ka-barangay sa kanilang kalagayan sa kani-kanilang mga tirahan sa pamamagitan ng pag-comment sa ibaba.

Kung nasa ibang barangay ka naman, nais din naming malaman kung maayos ang inyong kalagayan.

Comment down below, Tagapeeps!

23/08/2022

๐Ÿ“Œ๐“๐€๐“๐€๐Š ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ โ”‚ Dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong , KANSELADO ang klase sa LAHAT ng ANTAS ng pampublikong paaralan, gayundin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno ngayong araw ng Martes, ika-23, hanggang bukas, Miyerkules, ika-24 ng Agosto.

Inaabisuhan din ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at mag-ingat.

Sama-sama tayong umantabay sa balita para sa mga susunod na opisyal na pahayag.






SANGGUNIAN:
https://fb.watch/f4lVSYgYJf/

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 22/08/2022

๐Ÿ“Œ ๐๐„๐„๐! ๐๐„๐„๐! ๐“๐‘๐€๐๐ˆ๐Š!

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Sitwasyon ng daloy ng trapiko sa isang bahagi ng Barangay Tagapo ngayong Lunes ng hapon, ika-22 ng Agosto. Ngayong araw rin itinakda ang pagbabalik sa face-to-face na klase na maaaring isa sa naging sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko sa barangay.

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 21/08/2022

๐Ÿ“Œ ๐“๐€๐“๐€๐Š: ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐ƒ๐š๐ฒ

IPINAGDIRIWANG ngayong araw, Agosto 21, ang ika-tatlumpu't siyam na taon ng pagkamatay ni dating senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Inaalala sa pagdiriwang na ito ang kaniyang naging bahagi sa kasaysayan at demokrasya ng bansa. Nakikiisa ang TATAK Movement sa pagkampyon ng demokrasya at paglaban sa disimpormasyon ukol sa ating kasaysayan.

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 20/08/2022

๐Ÿ“Œ ๐“๐€๐“๐€๐Š: ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐จ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ

NAKILAHOK ang Tatak Movement sa Brigada Eskwela sa Tagapo Elementary School nitong nakaraang linggo, ika-14 ng Agosto. Pinangunahan ng Tau Gamma Phi ang programang ito bilang tugon sa hiling ng mga mahal nating g**o at GPTA para sa nalalapit na pagbabalik sa face to face ng Tagapo Elementary School.

โ€œSa panahon po ng pangangailangan, kami po sa Tau Gamma Phi ay handang tumulong sa abot ng aming makakaya,โ€ saad ni Leonard Lianza, kinatawan ng Tau Gamma Phi sa Tagapo.

Sa kabila ng pandemyang patuloy na kinakaharap sa kasalukuyan, ang mga programang tulad nito ay mahalaga upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating kapaligiran.

Tulad ng Tau Gamma Phi, ang TATAK Movement ay handang tumulong at mag-abot ng kamay sa mga programang tulad nito upang makiisa sa bayanihan na isinagawa sa mas maayos at progresibong komunidad. โค๏ธโœŠ

16/08/2022

Itโ€™s not a bird ๐Ÿ•Š
Itโ€™s not a plane ๐Ÿ›ฉ
Itโ€™s not something elseโ€ฆ

Itโ€™s our new logo.

Abangan! ๐Ÿ‘€

12/08/2022

๐Ÿ“Œ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐ƒ๐€๐˜

GREETINGS! Today, August 12, we celebrate the โ€˜National Youth Dayโ€™. The importance of this annual celebration is to mark the contribution of today's youth to the development of society. It aims to raise voices against injustices faced not only by the youth but everyone around the world. The youth are not only the leaders of tomorrow, but also catalysts for changes in today's society. ๐ŸŒ

As members of the TATAK Movement, we aim to amplify the voices of the youth. This shall remind us that our voices should be heard and listened to. We invite every youth to be proactive as we aim for a nation that serves its people.

We are the hope. We are the youth. ๐Ÿ™Œ๐Ÿป

โ€”โ€”

PAGBATI! Ginugunita ngayong araw, ika-12 ng Agosto, ang โ€˜National Youth Dayโ€™ sa Pilipinas. Layon ng pagdiriwang na ito na kilalanin ang kontribusyon ng mga kabataan sa pag-unlad ng lipunan na kanilang ginagalawan. Ang paghikayat sa mga kabataan na iparinig ang kanilang tinig upang labanan ang kinakaharap na kawalang-katarungan ay mahalaga hindi lamang dahil hinuhubog sila upang maging susunod na mga pinuno, kundi dahil sila rin ang gumagawa ng mga malalaking pagbabago sa mundo. ๐ŸŒ

Bilang miyembro ng TATAK Movement, layunin naming palakasin ang boses ng mga kabataan. Sapagkat ito ang magpapaalala na ang ating mga tinig ay dapat na maiparinig sa lahat. Kung kayaโ€™t aming hinihimok ang bawat kabataan na maging maagap tungo sa iisang layunin na magkaroon ng isang bansa na naglilingkod sa kanyang nasasakupan.

Tayo ang pag-asa. Tayo ang kabataan. ๐Ÿ™Œ๐Ÿป

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 08/08/2022

TINGNAN: NAGDIWANG ng ika-42 taon ng kapanganakan ang masipag at minamahal na kagawad ng Tagapo na si Kagawad Edison "Etaw" Caravana sa Loulyn's Resort kahapon, Agosto 7. Dinaluhan ito ng kanyang pamilya, kamag-anak, mga malalapit na kaibigan, at ang mga taong masugid na sumusuporta sa kanya.

Pormal ding ipinakilala sa pagtitipon ang mga magsisilbing haligi sa grupong itinatag ni Kap. Etaw Caravana para sa Barangay Tagapo, sina:
Kag. Carlo Visho Alojado, Kag. Duncan Amarante, Kag. Manuel Palisa Autor, Kag. Immu Seiruj Siwalad Cristy Dalawis, Kag. Leonard Bryan Lianza , Kag. Boyet Gervin Flores Tejada , at Kag. Robert Aldrich Bates Lumague na anak ng yumaong dating Kapitan Aldrin Lumague.

Naging bahagi rin sa nasabing pagdiriwang ang TATAK Movement na magiging kinatawan at boses ng mga kabataan sa Barangay Tagapo na binubuo nina: Yvonne Jorge Gallegos, John Macaulay dela Cruz, Bernadette Lasay, Allen Tatualla, JM Vazquez, Rylee Nava at Gwyneth Kate Paga โœŠ

06/08/2022

PAGBATI sa ating pinakamamahal na Kagawad Edison "Etaw" Caravana ng Maligayang ika-42 na Kaarawan, mula sa TATAK Movement. Nawaโ€™y manatiling mabuti ang iyong kalusugan upang maipagpatuloy pa ang magandang hangarin ng inyong SERBISYONG ETAW HATAW para sa mga mamamayan ng Barangay Tagapo.

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 06/08/2022

TINGNAN: NAKIBAHAGI ang TATAK Movement sa programa ng Kiwanis Club Rotary of Rosenฬƒa at Kiwanis Club ng Binฬƒan sa pamimigay ng mga tsinelas sa mga residente ng Daang Nia sa Barangay Tagapo kaninang umaga, Agosto 6. Bukod dito, nagkaroon din ng kaunting salo-salo para sa mga bata kasama ang Team Etaw Caravana at si Bokal Atty JM Carait sa paghahatid ng serbisyo.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga taong nasa likod ng programang ito kasama sina Tita A, Tita Hazel, at Tita Maricar ng Kiwanis Club Rotary of Rosenฬƒa. Kasama rin sina Atty. JM Carait ng Kiwanis Club of Binฬƒan, presidente ng Daang Nia na si Ate Janin, at ang bumubuo ng Team Etaw Caravana.

Salamat po sa mainit na pagtanggap sa SK ng Team Etaw. Umulan man o umaraw, walang makapipigil sa serbisyo ng TATAK at Team Etaw para sa inyo.






Leonard Bryan Lianza Manuel Palisa Autor Immu Seiruj Siwalad Janin Aying Samonte

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 31/07/2022

Are you an incoming senior high school student? IF YES, then this is for you! ๐Ÿ‘€

A partnership between TATAK and Child Formation Center, we bring you:

TATAK Isko ng Tagapo: Libreng Senior High School Program para sa mga taga-Tagapo

See our posters for more details! ๐Ÿ”Ž

Be a TATAK Isko ng Tagapo now by filling out the form:

https://bit.ly/TatakIskoTagapo
https://bit.ly/TatakIskoTagapo
https://bit.ly/TatakIskoTagapo

27/07/2022

IKA-ISANDAAN AT WALONG TAONG ANIBERSARYO NG IGLESIA NI CRISTO!

Sa loob ng mahigit isandaang taon, ipinamalas ng Iglesia ni Cristo ang pagmamalasakit nito sa simbahan, komunidad at sa ating bansa. Tunay nga namang bukal na pagtulong mula sa puso ang TATAK ng Iglesia ni Cristo!

Kasama ang TATAK Movement, isang alyansa ng kabataan mula sa Barangay Tagapo, nakikibahagi kami at bumabati ng maligayang ika-isandaan at walong taong anibersaryo ng Iglesia ni Cristo!

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 23/07/2022

LAST DAY TO REGISTER, MGA TAGAPEEPS!

FOR COMELEC REGISTRATION FOR BARANGAY AND LOCAL ELECTIONS

Magandang umaga po! Para po sa mga hindi pa po rehistrado sa COMELEC, huling araw na po ngayong July 23, 2022 ang registration sa SM City Santa Rosa. Maaari pa pong pumunta ang 300 na tao dahil may mga numbers pa pong available.

Ang kailangan lang po dalhin ay ang mga sumusunod:

Valid ID (Original at Photocopy)
Birth Certificate (Original at Photocopy)
Ballpen (Para sa pag fill out ng forms)

Maaari na po kayong pumunta doon ngayon. Para po sa numero, mangyaring contact-in po ang sino man sa sumusunod:

Para sa karagdagang assistance, maaaring i-scan ang QR code na nasa post o magtungo sa link na ito: https://bit.ly/TatakTagapo .
Purok 1 at 7
Cyge Bartolazo (Facebook: https://www.facebook.com/christiannegerarde.bartolazo | Phone Number: 0995 315 2468)
Purok 2
Macu Dela Cruz (Facebook: https://www.facebook.com/jhnmclydlcrz | Phone Number: 0975 041 2507)
Purok 3
Charles Alonte (Facebook: https://www.facebook.com/andrei.alonte.71 | Phone Number: 0935 425 1729)
Purok 4
Bernadette Lasay (Facebook: https://www.facebook.com/BernadetteLasay06 | Phone Number: 0955 782 9407)
Purok 5
Yvonne Gallegos (Facebook: https://www.facebook.com/yvonne.jorge.779 | Phone Number: 0916 705 0825)
Purok 6
Allen Tatualla (Facebook: https://www.facebook.com/allen.tatualla | Phone Number: 0966 902 6742)
Kaya kung ikaw ay kwalipikado at interesado, GO OUT AND REGISTER, KABATAAN NG TAGAPO!

Photos from TATAK Movement - Team Etaw SK's post 22/07/2022

TIGNAN: GIFT GIVING SA BARANGAY SINALHAN

Kahapon, July 21, 2022, namigay at nag-assist ang TATAK Movement at Sinalhan Elementary School GPTA kasama ang Diocese of San Pablo at ilang volunteers mula sa Brgy. Sinalhan ng mga vitamins sa mga bata at kanilang mga magulang sa Sinalhan Elementary School.

Nagpapasalamat po ang TATAK Movement sa lahat ng sponsors ng programang ito - ang Unilab at Caritas Manila. Nawa'y ang panimulang programang ito ay magtuloy-tuloy sa iba't ibang sulok ng Santa Rosa maging sa aming pinakamamahal na barangay Tagapo.

20/07/2022

BARANGAY TAGAPO COMELEC VOTER REGISTRATION FOR BARANGAY AND SK ELECTIONS

WHAT'S UP, TAGA-PEEPS!
Registered na ba ang mga fersons para sa next elections? Kung hindi pa, willing ka namin tulungan! Kung ikaw ay 15 to 30 years old, maaari ka nang magparehistro sa SM City Santa Rosa ngayong July 13-23, 2022! Dalhin lamang ang mga sumusunod na requirements:
-Valid ID (Original at Photocopy)
-Birth Certificate (Original at Photocopy)
-Ballpen (Para sa pag-fill up ng form)
Para sa karagdagang assistance, maaaring i-scan ang QR code na nasa post o magtungo sa link na ito: https://bit.ly/TatakTagapo .

Kaya kung ikaw ay kwalipikado at interesado, GO OUT AND REGISTER, KABATAAN NG TAGAPO!

14/07/2022

TIGNAN: VOTER REGISTRATION ASSISTANCE FORM

Kamusta mga TAGA-PEEPS?

Sa lahat po ng nakapagparehistro na at magpaparehistro pa lamang na kabataan ng Brgy. Tagapo, maaari kayong mag-register sa link na ito para tulungan ang TATAK Movement na bumuo ng database ng mga kabataang rehistrado at matutulungan ipa-rehistro sa ating barangay. I-click lamang ang link na ito: bit.ly/TatakTagapo.

Maaari rin i-scan ang QR code na makikita sa ating pubmat para magtungo sa registration form. Maraming salamat, TAGA-PEEPS!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

BARANGAY TAGAPO COMELEC VOTER REGISTRATION FOR BARANGAY AND SK ELECTIONSWHAT'S UP, TAGA-PEEPS!Registered na ba ang mga f...
Voter Registration | ANO NA??? READY KA NA BA PARA BUKAS? Mayroon ka lamang dalawampung araw upang makapagparehistro. Sa...
Voter Registration | Sa huling araw ng Filing of Candidacy, naghain na ba ng Certificate of Candidacy o COC ang inyong m...
Voter Registration | Pitong araw bago ang pagbabalik ng Voter Registration sa mga COMELEC offices, anu-ano ba ang qualif...
Voter Registration | Muli mga kabataan at kapwa ko Roseรฑan! Kung hindi pa kayo nakapagparehistro noong nakaraang buwan p...

Category

Telephone

Website

Address


Barangay Tagapo
Santa Rosa
4026
Other Public Services in Santa Rosa (show all)
JC premiere official franchisee JC premiere official franchisee
Sta. Rosa-Tagaytay National Highway
Santa Rosa, 4026

Papers For Greens Papers For Greens
Santa Rosa

Using banana trunks as an alternative material is much more ethical and it also help in demolishing

Team Buknoy Intano Team Buknoy Intano
Barangay Tagapo
Santa Rosa, 4026

Konsehal Bernie Getape Marquez Konsehal Bernie Getape Marquez
Purok 2, Caingin, Santa Rosa Laguna
Santa Rosa, 4026

Public Servant

Zach Cortez Zach Cortez
Santa Rosa, 4026

24/7 Public Servant

Cris Calleja Cris Calleja
Santa Rosa, 4026

ISANG MARKANG DADAKILA SA PANGARAP NYO. BOSES NYO, BIBIG KO SA KONSEHO. Road to 2022 #criscalleja07

Jan Kian Mendoza Jan Kian Mendoza
Santa Rosa, 4026

Public relation service

Zeramyr 1 Subdivision Homeowner's Association Zeramyr 1 Subdivision Homeowner's Association
Zeramyr 1 Subdivision, Barangay Market Area
Santa Rosa, 4026

Official Page of Zeramyr 1 Subdivision Homeowner's Association

Kapitan ETAW Caravana Kapitan ETAW Caravana
Barangay Tagapo
Santa Rosa

Serbisyong ETAW hataw para sa BAGONG TAGAPO!

BBM supporters BBM supporters
Pooc
Santa Rosa, 4026

Marcos loyalist

Doc Imee Aala Doc Imee Aala
Don Jose
Santa Rosa, 4026

Ngiti ng Bayan

The Hawks' Quest The Hawks' Quest
Brgy. Pooc
Santa Rosa, 4026

"Serving as voice to the voiceless."