Joseph "Otep" Miranda
Ito ang official page ng Tunay na Anak ng Lungsod ng Santiago, Joseph "Otep" Miranda.
Si Joseph "Otep" Miranda ay mula sa pamilya ng mga Lingkod Bayan na taos-pusong nagsilbi sa siyudad ng Santiago. Ang kaniyang mga lolo na sina Elino Miranda at Raymundo "Dodo" MIranda ay parehong naging Mayor. Maging ang kaniyang ama na si Ka Pempe Miranda at kapatid na si Joel Miranda ay pawang naglingkod din bilang mga Punong Lungsod ng Santiago. Para pagbigyan ang panawagan ng kaniyang mga kaba
'MALIGAYANG KAARAWAN PO!'
Isang taos-pusong pagbati po sa inyong kaarawan mula sa akin at sa aking buong pamilya.
Kami po ay nagpapasalamat sa inyong kabutihan at mga tulong hindi lamang sa mga Santiagueño kundi pati sa sambayanang Pilipino. 🇵🇭
HANDA NA SA PAGBABAGO ANG BRGY. BANNAWAG 🇵🇭
Ramdam ang mainit na suporta sa pag-iikot ng sa Brgy. Bannawag
Kasama sina Kap. Esmee Villamar, Mga Kagawad, at Sangguniang Kabataan Leaders ay nasaksihan natin ang kanilang pangarap na magkaroon ng pagbabago sa barangay na uunahin ang kapakanan ng mga tao.
Sama-sama nating suportahan ang para makamit ang tunay na pagbabago.
PANAHON NA NG PANIBAGONG PAMUMUNO SA BRGY. CENTRO EAST 🇵🇭
Inabot man ng dilim ay masigasig na sinalubong ng Brgy. Centro East ang .
Sa pangunguna ni Kap. Geraldine Turingan-Manansala kasama ang mga Kagawad at Sangguniang Kabataan Leaders ay ipinarating natin sa ating mga kabarangayan ang ating mga adhikain tungo sa pagbabago.
Pag sama sama, lahat ay kayang kaya. Ating suportahan ang ng Brgy. Centro East
GISING NA ANG BRGY. ROSARIO 🇵🇭
Hindi maikakaila sa mukha ng mga taga-Brgy. Rosario ang galak nang makita ang sa pangunguna ni Kap. Judy Balberan kasama ang mga masisipag na Kagawad at Sangguniang Kabataan Leaders
Lahat ng ating mga kabarangayan ay masayang nagpakita ng kanilang pagsuporta, Gising na ang Brgy. Rosario!
Kung sama-sama, kayang-kaya nating matupad ang matagal na nating pangarap para sa Brgy. Rosario
BRGY. SINILI HINDING HINDI MAGPAPAHULI.
Mainit ang pagtanggap ng mga tiga Brgy Sinili sa sa naganap na pagtitipon sa barangay.
Kasama sina Kap. Armando Nasuli at mga kagawad ay ipinarating ang ating adhikain na baguhin na ang sistema ng pulitika sa barangay.
Simulan natin ito sa ating mga Barangay at sama-sama nating suportahan ang para sa tunay na pagbabago.
DANGAL AT PRINSIPYO ANG SIGAW NG MGA TAGA BRGY. VILLA GONZAGA 🇵🇭
Bukas pusong sinalubong ng mga kabarangayan natin mula sa Villa Gonzaga ang
Sa pamumuno ni Kap. Roel Bueno, Mga Kagawad, at Sangguniang Kabataan Leaders ay nag ikot tayo upang iparating ang ating mga mithiin para sa ating barangay.
Sama sama nating suportahan ang ng Brgy. Villa Gonzaga para sa tunay na pagbabago
MULAT NA ANG MGA TAGA-BRGY. RIZAL
Ramdam ang pagmamahal, dama ang mainit na suporta, iyan ang ating nasaksihan sa pag-iikot ng sa pinakamalaking barangay sa ating lungsod, ang Brgy. Rizal.
Kasama sina Kap. Mario Joson, Mga Kagawad, at Sangguniang Kabataan Leaders ay nakita natin ang kanilang pagnanais na magkaroon ng mga opisyal sa barangay na uunahin ang kapakanan ng mga kabarangayan natin sa Rizal.
Ngayong mulat na ang mga taga-Brgy. Rizal, sama-sama nating suportahan ang para makamit ang tunay na pagbabago.
TAGUMPAY ANG SAMAHAN SA BRGY. VICTORY 🇵🇭
Todo ang suporta mula sa mga kasamahan natin sa Brgy. Victory ang sumalubong sa .
Kasama sina Kap. Noel “Amang” Paguinto at mga kagawad ay nag-ikot tayo at ipinarating ang ating adhikain na wakasan ang impluwensya ng peralitika sa barangay.
Dahil ang mga opisyal na naluklok sa pwesto dahil sa pera ay saiguradong magpapayaman lang at hindi paglilingkuran ang barangay.
Kaya sama-sama nating suportahan ang para sa tunay na pagbabago sa barangay.
TULOY ANG LABAN PARA SA DANGAL AT PRINSIPYO SA BRGY. BALINTOCATOC 🇵🇭
Bakas sa mukha ng mga taga-Brgy. Balintocatoc ang tuwa at saya nang makita ang sa pangunguna ni Kuya/Kap. Jem Miranda kasama ang mga masisipag na Kagawad at Sangguniang Kabataan Leaders
Lahat ng ating mga nakasalamuha ay masayang nagparating ng kanilang 100% na pagsuporta.
Totoo na hindi natapos ang laban nung Mayo dahil doon nabuo ang samahan ng mga Santiagueñong handang ipaglaban ang pagbabago sa ating lungsod.
Kung sama-sama, kayang-kaya nating matupad ang matagal na nating pangarap para sa Brgy. Balintocatoc
Isang mainit na pagbati sa ating mga aspiring Barangay officials na may malinis na hangarin para sa ating komunidad. Batid namin na kayo ay may dangal at matatag na prinsipyong pambayan, at inyong paglilingkod ay nakatuon sa ikauunlad at katarungan ng ating barangay. Tayo po, mga Santiagueno, ay dapat at hindi nakakalimutang walang katumbas na halaga ang ating mga boto. Magsama-sama tayo para sa kabutihan ng ating mahal na Lungsod ng Santiago. 🇵🇭
Team Dangal at Prinsipyo: Humahamon sa lahat ng Santiaguenos na makiisa sa tunay na Pagbabago sa Lungsod ng Santiago!
Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga dumalo sa Team Dangal at Prinsipyo General Assembly. Ang inyong suporta ay nagbibigay lakas sa ating hangarin para sa makabuluhang Barangay at SK Elections. Kami'y buong-tapang na nagsusulong ng malinaw na laban para sa ating bayan. Naniniwala kami na bawat hakbang ay magdadala ng positibong pagbabago at makatarungang kaunlaran para sa lahat.
Sa pagkakaisa natin, umaasa kami ng mas matagumpay na kinabukasan para sa mamamayan ng bawat barangay. Kasama niyo kami sa pangarap na ito. 🗳🤝 🇵🇭
Pinakamataas na paggalang at pagbati ng ika-109 na taong anibersaryo sa pamunuan ng IGLESIA NI CRISTO, sa mga kapatiran, lalung-lalo na sa TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, ang KAPATID NA EDUARDO V. MANALO.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at sinserong pagtulong sa mga Santiagueño.
Muli, isang maligayang anibersaryo po sa inyo.
Happy 280th Patronal Fiesta po sa ating mahal na Señor Apostol Santiago de Carig! 🎉🎊🥳
Sabay-sabay nating ipagdiwang ang espesyal na araw na ito para sa mga Santiagueño.
'MALIGAYANG ARAW NG MGA INA'
Ngayon at kada araw, ipagdiwang natin ang lakas, pagtitiyaga, at walang-hanggang pagmamahal ng mga ina sa buong mundo.
At para sa mga amazing nanay natin dito sa ating lungsod ng Santiago, mabuhay po kayo!
Maligayang ika-29 na Anibersaryo ng Pagiging Lungsod ng Santiago! Nagpapasalamat kami sa ating dating alkalde na si first City Mayor Jose Pempe Miranda sa kanyang nagmamalasakit na pamumuno at pagtupad sa kanyang pangarap para sa lungsod.
Napakaswerte ng Santiago na mayroong isang tulad niya na may malawak na pangarap para sa lungsod ng Santiago. 💙
Thank you former mayor Pempe Miranda for the vision turned reality. Santiago needs someone who has the vision like you, someone who dreams big for the city. 💛
Mayor Pempe Miranda's dream was to cause an economic miracle to the town of Santiago, to see it grow into a city of happy and contented constituents. Being sure that Santiago had the qualification for cityhood, he right away geared for an intelligent attempt at earning urban distinction for Santiago.
On May 05, 1994, a historic event took place. Upon the signing of Republic Act No. 7720, the town of Santiago was converted into an independent component city - the first in Region 2.
Happy 22nd Cityhood Anniversary Santiago City, Philippines!
'HAPPY 29TH CITYHOOD, MGA KA-SANTIAGUEÑO'
Maligayang ika-29 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng ating minamahal na Santiago City!
Ngayon, ipinagdiriwang natin ang makulay na kultura, kasaysayan, at pag-unlad ng ating lungsod.
Patuloy tayong magtulungan upang magkaroon nang mas magandang kinabukasan ang bawat Santaigueño.
Mabuhay ang Santiago City!" 🎉🌇👨👩👧👦🇵🇭
'MALIGAYANG ARAW SA MGA MANGGAGAWA'
Pagsaludo at pasasalamat sa lahat ng mga manggagawang Pilipino, lalong-lalo na sa mga minamahal at masisipag nating mga ka-Santiagueño.
Batid nating hindi naging madali ang mga nagdaang taon para sa ating lahat, salamat sa inyong katatagan at pagsusumikap na malampasan ang mga unos ng buhay.
Mabuhay po ang mga manggagawang Santiagueño!
PAGNINILAY NGAYONG MAHAL NA ARAW
Sama-sama nating pagnilay-nilayan ang sakripisyo at pagmamahal ng ating Panginoong Diyos.
Nawa'y magsilbing ala-ala ito para tayo ay mabuhay bilang mabuting mga anak ng Diyos.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MGA PAGBATI!
Ngayong aking kaarawan, lubos po akong nagpapasalamat sa ating Panginoon sa panibagong taong idinagdag niya sa aking buhay.
Ako rin po ay taos-pusong nagpapasalamat sa bawat Santiagueño sa inyong tiwala, suporta at patuloy na paglaban para sa mas maunlad at maayos na Santiago.
At higit sa lahat, maraming salamat sa aking buong pamilya. Kayo ang aking lakas.
Ngayong araw, puno ako ng pag-asa at pananampalataya na may magandang kinabukasan na naghihintay sa atin.
Muli, maraming salamat po sa inyong mga pagbati sa aking kaarawan!
HAPPY NEW YEAR PO MGA KA-SANTIAGUEÑO!
Sama-sama nating salubungin ang bagong taon na puno ng pag-asa at pagmamahal, hindi lang para sa ating kapwa at pamilya, kundi pati na rin sa ating mahal na lungsod ng Santiago.
Muli po, isang may dangal, may prinsipyo at manigong bagong taon po sa ating lahat!
MALIGAYANG PASKO PO MGA KA-SANTIAGUEÑO!
Lagi po nating alalahanin ang diwa ng Pasko, iyan ay pagmamahal para sa ating pamilya at sa ating kapwa.
Muli po, isang masagana at maligayang araw ng kapaskuhan mula po sa akin at sa aking buong pamilya.
Sama sama tayo sa pagbabalik ng sigla at saya para sa Lungsod ng Santiago ngayong Pasko!
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
Sama sama tayo sa pagbabalik ng sigla at saya para sa Lungsod ng Santiago ngayong Pasko!
Tayo po ay magkikita sa ating,
VILLA EVANGLINE, Patul, Santiago City @ 4PM
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
"MABUHAY KA, G*T. ANDRES BONIFACIO"
Alalahanin natin sa araw na ito ang mga sakripisyo, prinsipyo at buhay ng nag-iisang Ama Ng Himagsikan sa Pilipinas.
'MALIGAYANG KAARAWAN PO!'
Isang taos-pusong pagbati po sa inyong kaarawan mula sa akin at sa aking buong pamilya.
Kami po ay nagpapasalamat sa inyong kabutihan at mga tulong hindi lamang sa mga Santiagueño kundi pati sa sambayanang Pilipino.
MABUHAY ANG ATING MGA G**O!
Sa mga masisipag, dedicated at napakagagaling na mga g**o dito sa ating lungsod ng Santiago, maraming, maraming salamat po sa paglalaan ng inyong oras, lakas at puso sa pag-alalay at pagtuturo sa mga kabataang Santiagueño.
Muli, Happy Teacher's Day po!
"Walang iwanan." 'Yan daw ang mensahe ng ating supporter nang ipa-tattoo niya ang "Kay Otep Tayo. Dangal at Prinsipyo."
Nakakataba ng puso na ang ating mithiin na maibalik ang dangal at prinsipyo sa ating lungsod ay isinasapuso pa rin ng mga Santiagueño.
Ipagpatuloy lang po natin ang ating adhikain para sa kinabukasan ng Santiago.
𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈
Sa araw na ito, ating bigyang pagkilala ang lahat ng mga Pilipinong nagsakripisyo at patuloy na nagsasakripisyo para sa pamilya at ating bayan.
Nakikiisa tayo at sumusuporta sa panukalang gawing krimen ang vote-buying para matuldukan na ang kultura ng PERALITIKA na siyang tanging puhunan ng mga pulitikong ginagamit ang pondo ng taumbayan para lantarang bilhin ang mga sagradong boto ng ating mga kababayan tuwing halalan.
Basahin ang istorya rito: https://bit.ly/3bUtE8R
At kumasa na nga po kami ni misis sa Tortilla Slap Challenge. 🤣😂🌮🫓
Namumula man ang pisngi, masaya pa rin. 😅
Ipinaaabot po ng inyong lingkod ang pinakamataas na paggalang at pagbati ng ika-108 na taong anibersaryo sa pamunuan ng IGLESIA NI CRISTO, sa mga kapatiran, lalung-lalo na sa TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, ang KAPATID NA EDUARDO V. MANALO.
Kukunin ko na rin po ang pagkakataon na ito para taos-pusong magpapasalamat sa inyong pagtitiwala at pagsuporta.
Muli, isang maligayang anibersaryo po sa inyo.
Happy 279th Patronal Fiesta po sa ating mahal na Señor Apostol Santiago de Carig!
SA MAHIGIT 42,000 NA SUMUPORTA SA ATIN, MARAMING SALAMAT SA INYONG WALANG SAWANG PAGMAMAHAL AT PAGTITIWALA.
Hindi po sapat ang isang araw para pasalamatan ang bawat Santiagueño na nanindigan at ipinaglaban ang kanilang pangarap para magkaroon ng isang gobyernong may dangal at prinsipyo dito sa ating mahal na lungsod.
Patuloy po nating panghawakan ang ating mga pangarap para sa Santiago dahil sa ating mga sarili rin nakasalalay ang kinabukasan ng mga susunod na henesrasyon ng mga Santiagueño.
Tuloy ang pangarap, tuloy ang laban para sa ating mga mamamayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Lungsod Ng Santiago
Santiago
3311