Ryan Rylee

Wattpad Stories ✨

17/08/2023

My Innocent Love

Chapter 6

Rylee's POV.

"Kamusta ka na ba? "biglang tanong ni Gavin habang nasa byahe kami.

"Kamusta?"takang tanong ko.

"I mean, okay ka na ba? Kasi diba yung nangyari k-kahapon."nahihiya pang aniya.

"Ahh e' ayos naman na. Wala yon, sinabi ko naman sayo diba, may kasalanan din ako."sabi ko.

"Ahh buti naman kung ganon, edi ready ka na?"napatingin ako sakanya ng sabihin niya yun.

'Ready?'

"Saan naman?"tanong ko.

"Makita siya ulit." nakangiti ng nakakalokong aniya.

O_O?

"H-Ha? Makita? "naiilang na tanong ko.

Ano bang ibig niyang sabihin?

"Yes, makita siya. Hindi malabong makita ulit natin yong tatlo na yon sa school. Kaya I'm asking kung ready ka ba na makita siya." Paglilinaw niya.

O_O!?

"A-Ayos lang naman ako."seryosong ani ko.

Hindi ko alam pero sa twing pumapasok sa isip ko yung mukha nung lalaking yon, naaala ko lang yung nangyari kahapon.

"Okay--Ano nga palang oras uwi natin?"pag-iiba niya sa usapan.

"Hindi ko alam. Wala bang sinabi kung hanggang anong oras yung brigada?"takang tanong ko.

"Meron. Ang sabi nila ay anytime daw basta nakapaglinis na ay pwede ng umuwi,depende na yun sayo kung magii-stay ka pa. Ano? Anong oras tayo uuwi? "tanong niya din.

"Mga ala-una."suhestyon ko.

"Okay.Sige."sabi niya at sakto namang hinto nung tricycle sa tapat ng school kaya bumaba na din kami. Pagkabayad niya ay agad kaming pumasok sa school.

May mga students na din dito na naglilinis na. Nakapagtataka at kakaunti lamang ang mga naglilinis.

Sabi ni Gavin maraming nag-aaral dito.

"Saan tayo?."tanong ni Gavin habang inililibot ang tingin sa mga students na naglilinis na.

"Ikaw? Wala akong alam dito e'."sabi ko habang inililibot din ang paningin ko,naghahanap ng pwedeng magamit panglinis.

"PAT!"napatingin ako kay Gavin sa biglang sigaw niyang yon."..Tara! Doon tayo."sabi niya sa akin saka nagsimulang maglakad.Sinundan ko ng tingin yung tinuro niya at nakita ko naman ang isang babae na nasa ilalim ng puno ng mangga.

Sumunod naman ako kay Gavin.

"Takte ka, kanina pa ako dito ang tagal mo. Bakit ngayon ka lang?" salubong nung babaeng parang naiirita.

"Ahh kanina ka pa? Medyo natagalan lang hehe.." makahulugang sabi ni Gavin saka ako sinulyapan.

"E' bakit ba pinapunta mo ako dito!? Hindi naman ako kasali sa mga magbibriga---" hindi natapos nung babae ang sabihin niya ng agad siyang pigilan ni Gavin. Tinakpan nito ang bibig nung babae.

"A-Ahh, wait lang Rylee ha. Mag-uusap lang kami saglit." nakangiting sabi niya saka hinila yung Pat at lumayo ng kaunti sakin.

Anong meron?

Pinagmasdan ko lang silang mag-usap hanggang sa maya-maya ay lumapit sila sakin.Ngumiti si Gavin sa akin bago bumaling ulit don sa babae."Si Rylee,kaibigan ko...."sabi niya saka muling tumingin sa akin."..Rylee si Patrice, best friend at classmate ko siya."nakangiting sabi nito sa akin.

Tumingin ako kay Patrice at don ko lang nakitang nakalahad na pala ang k**ay niya habang nakangiting nakatingin sa akin. Naguguluhan man ay tinanggap ko yon.

Ano bang nangyayari? Bakit nag-iba ata mood niya?

"Nice meeting you. Ako nga pala si Patrice, Pat for short."nakangiting sabi nito sa akin habang nagsh-shake hands kami.

"Nice meeting y-you too. A-Ako nga pala si Ryan Rylee. Rylee for short."nahihiyang sabi ko saka niya binitawan ang k**ay ko.

"Oh siya,maglinis na tayo. Ito oh.." tinalikuran niya kami at may kinuhang dalawang walis na nakasandal sa puno."..Yan! Gamitin niyo yan. Malawak-lawak pa ang walisin kaya tulong-tulong na tayo."sabi niya saka iniabot sa amin yung walis.

"Kanina ka pa ba dito sa school?"biglang tanong ni Gavin kay Pat.Nagpatuloy lang ako sa pagwawalis at nakinig sa usapan nila.

"Oo, kanina pa. Sobrang tagal mo, tawag-tawag ka ng ke' aga aga e ikaw naman itong late.." Inis na bulyaw naman ni Pat kay Gavin..

"Sorry nga okay? E' natagalan kami gawa ng walang dumadaan na tricycle." Pagdadahilan ni Gavin. Kinindatan pa ako.

"Tricycle? Aba nasaan ang kotse mo?" huminto sa pagwawalis si Pat at nakapameywang na tiningnan ang kausap.

Kotse? May kotse si Gavin?

"Ahh, nasa repair shop. Pinapagawa, may sira e'. Saka pinapapalitan ng gulong kaya hindi ko magamit." sagot ni Gavin na patuloy pa din sa pagwawalis.

Wow. May kotse nga siya.

"Ay ganon, kaya naman pala." nasabi na lang ni Pat at nagpatuloy na ulit sa pagwawalis.

Lumipas ang oras at tanging pag-uusap lang nila Pat at Gavin ang naririnig ko. Ilang sandali pa ay natapos na namin walisan ang mga kalat at malinis na ang paligid.

"Yyaaannnn!!!! Tapos naa. Salamat naman!"nag-uunat-unat na sabi ni Pat pagkatapos niyang madakot ang pinakahuling basura.

"Hayysss salamat. Tapos na! Ano na?Kain na tayo,gutom na ako!!"nakangusong ani Gavin habang hinihimas ang tiyan niya.

Kanina pa din ako nakaramdam ng gutom,nakakahiya lang magsabi..

"Teka, anong oras na ba?" takang tanong ni Pat.

Tiningnan naman ni Gavin ang relo niya at saka bumaling kay Pat."10:47 na."sagot niya.

"Oh sige kain na muna tayoo. Pagkatapos natin ay doon naman tayo loob. Umiinit na dito. Siguro next natin ay sa....library kaya?."

O_O!

Bigla akong naexcite dahil makakapunta na naman ako sa library.

"Sige lang."si Gavin.

"Ikaw Rylee?Game?" baling sa akin ni Pat.

"O-Oo. G-Game."nahihiyang sabi ko.

Naglakad na kami kasabay ng iba pang students dito papuntang canteen.Naririnig ko pang nag-uusap sila Gavin at Pat pero hindi ko na yon pinansin dahil nagmamasid ako sa paligid para makabisado ko ang daan.Sa laki kasi ng school na to hindi imposibleng maligaw ako.

Mahaba ang nilakad namin saka kami nakarating sa cafeteria,marami na din ang mga estudyante dito pero meron pang mga bakanteng table.Malawak ang cafeteria kaya malabong mapuno ito.

Dere-deretso kaming naglakad palapit sa counter.Habang naglalakad....

"Look Crishaa! Siya yon!."

"Where?"

"Over there!!"

"Wher--Oh my! Siya nga. Guys look!"

"Oo nga, siya nga yun. Yung nakaharang sa daan ni Dylan."

"Yah and I think sinadya niya yon para mapansin siya."

"Asa naman siya. Tayo nga hindi mapansin siya pa kaya."

"Yahh right."

O_O!

Napayuko ako dahil sa mga naririnig kong bulungan hanggang sa makarating kami sa counter.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkapahiya.Alam kong hindi ko naman kasalanan pero nahihiya pa din ako.

"Sikat ka na pala."

Napatingin ako kay Gavin ng bigla siyang magsalita.Nakangiti siya ng nakakaloko.Nginusuan ko lang siya at bagsak ang balikat na iniwas ang paningin.

"Ayos lang yan. Huwag mo na lang silang pansinin. Naiinggit lang yang mga yan. Kasi ikaw napansin na, sila ang tagal ng sumusunod don ni hindi man lang sila tinitingnan."natatawang ani Gavin pilit pinalalakas ang loob ko.

"Huy, anong oorderin natin?"biglang singit na tanong ni Pat dahilan para mapatingin kami sakanya.

"Ahhmmm set D."sabi ni Gavin.

O_o?

Set D?.

"Okay."sabi ni Pat saka humarap dun sa counter."..Set D po."sabi niya don sa babae na tinanguan lang siya.

Napatingin naman ako sa taas. Katulad sa coffee shop,nakalagay din sa taas ang mga pagkain at inuming available sa kanila.Pinagkaiba lang ay hindi sa board nakalagay yon. Naka flash sa Led Screen ang mga yon at may mga litrato pa.Hinanap ng mata ko ang set D at nakita ko ang presyo non.

O_O!

Literal na nanlaki ang mata ko dahil sa presyo non.

350? Bakit ang mahal?.

Tiningnan ko ang mga laman non,madami naman palang pagkain kapag umorder ka ng isang set kaya ganon na lang ang presyo.Meron ding mga cake doon at mga tinapay.

"Tara na. Dalhin niyo naman to! Ako babae ako pa pinagbitbit niyo!"natatawang ani Pat.

Nagkatinginan naman kami ni Gavin at bahagyang natawa.Kinuha namin yung dalawang tray.Tatlong tray lahat ang dala namin,bale tig-iisa kami.

"Saan tayo?" tanong ni Gavin.

"Doon.."turo ni Pat sa bakanteng table na malapit sa entrance ng cafeteria.

Naglakad na kami papunta don sa table na tinuro niya ng biglang...

"Kyaahhhh nandyan na sila!!!!"

"Kaycie look!!!!!"

"No need to tell me, kanina pa ako nakatingin! KYAAHAHHHH!!!"

"OH MY GHAADDD"

"Ang hot nila kyaaahhhhh"

"Wwaaaaahhhh!!!!...."

"Yaaahhhh ang gwapo ni Dylan!!.."

"Look at Greyson,He's so precious!!.."

"Oh my boyfriend is here!!!.."

"Kyaaaaahhhhh Dukeeee!!!..."

"Huwaaahhhhhh!!!!...."

O_O.

Biglang pasok ng tatlong lalaki dahilan para umugong ang sigawan at bulungan dito.

Pag sinu-swerte ka nga naman..

Makakasalubong pa namin sila.Kumabog ng malakas ang dibdib ko.Deretso ang tingin nung Dylan habang naglalakad ito pasalubong sa amin.Napansin ko namang nakatingin sa akin yung isang nasa gilid niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.Napatingin ako kay Gavin at deretso lang din siyang naglalakad.Si Pat..

O_O?

Anyare dito?

Hindi ko maintindihan kung anong itsura nitong si Pat.Namumula siya at deretsong nakatingin don sa isa pang lalaki.Nginitian niya yun na ngumiti din sa kanya kaya lalong lumawak ang ngiti niya.

Muli kong ibinalik sa unahan ang paningin ko at..

O_O?

Muntik na akong mapaubo ng magtama ang paningin namin nung Dylan.Seryoso at walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa kanya kaya napapahiya kong iniiwas ang paningin ko.

Nagdere-deretsong kami sa paglalakad,sa gilid namin sila dumaan.Hindi ko na tiningnan pa yung Dylan pero ramdam kong nakatingin siya sa akin.Nang tuluyan silang makalampas ay napatingin ako kila Gavin at P-Pat...

Sa likod na siya nakatingin..

"Huy ate! Habol tingin ha! Baka mastiff-neck ka niyan."natatawang ani Gavin.

Nakarating kami sa table na malapit sa entrance saka naupo.Pero si Pat,don pa din nakatingin.

"Grabe ka naman..."sabi niya at saka pa lang inalis ang paningin niya don sa lalaki.Inilapag niya ang mga pagkain na nasa tray na dala niya sa lamesa kaya ginawa ko na din."..Ang gwapo kasi ni Greyson ma loves so sweet Hhahahaha.."sabi pa niya hanggang sa matapos siya sa ginagawa niya.

"Hayop ahh! Ni hindi ka nga kilala nun, maka 'ma loves' ka jan!"natatawang sabi din ni Gavin

"Ang hardcore mo! Atleast ,napansin na niya ako. Nakita mo kanina--Nginitian niya ako!!! Yiieeeee. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung kilig ko! Umaapaw na e'. Atleast nakita niya ako, alam na niya na merong ako ang nag-eexist sa mundo para mapang-asawa niya hihihihihi.." kilig na kilig na sabi ni Pat.

"Susss! Wag kakilig! Mahirap umasa,masakit! Ikaw din bahala ka. Malay mo kaya siya ngumiti kasi...nakakatawa yang mukha mo ahhahahaha." pang-aasar pa ni Gavin kay Pat kaya napatawa din ako.

"Tigilan mo nga ako dyan sa mga kabitteran mo jan! Atleast ako nakita,e' ikaw?! Kailan ka napansin o nakita man lang nung Duke mo?! Ha?! Hindi pa diba! Kaya wag mo nga akong masabihan jan!" pang-aasar naman ni Pat kay Gavin saka nagsimulang kumain.

'May gusto ka kay Duke?'

Tanong ko sa isip ko habang nakatingin kay Gavin na namumula at pinanlisikan ng mata si Pat.

"M-Manahimik ka n-nga dyan Pat! Marinig k-ka nila. Tigilan mo nga ang k-kaasar sa akin dyan sa D-Duke na yan! Wala naman akong g-gusto dyan no'. Ikaw lang ang n-nag-iisip ng kung ano-ano!"nauutal na sabi niya kay Pat habang bahagya pang sinisilip sila Dylan at saka pasiring na itinuon ang paningin niya sa pagkain at nagsimulang kumain.

Nagsimula na din akong kumain.

"Okay! Ang pikon mo pag Duke na ang usapan.." natatawang sabi ni Pat na inirapan naman ni Gavin at nagpatuloy na kami sa pagkain."...Bakit ang tahimik mo? Rylee? Kanina ka pa tahimik, okay ka lang?" naiangat ko ang tingin ko kay Pat sa biglang tanong niyang yon.Linunok ko muna ang laman ng bibig ko saka ako nagsalita.

"O-Okay lang ako. H-Hindi ko lang alam sasabihin ko kasi... h-hindi ko naman alam p-pinag-uusapam niyo."napapahiyang sabi ko.

"Hahahahahahahah..."mahabang tawa ni Pat.

"HUK!" Nabilaukan si Gavin kaya dali-dali siyang uminom.

"Hahahhaha Oo nga no'? Hindi ba kinwento ni Gavin sayo ang tungkol sa mga yon?---Gavin, bakit di mo kinwento?" baling niya kay Gavin.

"May nakwento na ako sa kanya kaya kilala na niya ang mga yan kaso. Hindi lahat hehehehe." npapahiyang usal ni Gavin saka nagsimulang kumain ulit.

"Nagkwento ka na lang hindi mo pa nilahat! Hayaan mo,ako na ang magku-kwento sayo. Tutal alam ko naman na ang talambuhay ng mga yan hahhahahahaha! Pero sa ngayong kumain na muna tayo,maglilinis pa tayo sa library. Kumain ka na. Next time na lang,pag may oras."sabi ni Pat saka bumaling sa pagkain niya at nagpatuloy sa pagkain.

Tahimik lang kaming tatlong kumain.Ang naririnig ko lang ay ilan sa mga bulungan ng mga ibang students na nandito sa cafeteria.Napasulyap pa ako kila Dylan nandoon pa din sa table kung saan una ko silang nakita dito sa cafeteria. Siguro dyan na talaga ang pwesto nila..

O_O!

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Bigla siyang tumingin sa akin at nagtama ang paningin namin.

Bakit ganito? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Parang nagtayuan ang mga balahibo ko.

>>_

08/08/2023

My Innocent Love

Chapter 5

Rylee's POV.

"Dyan, pakilagay na lang dyan!--Yan doon. Doon mo yan ilagay!."sigaw ni ate Celma.

Inuutusan niya ang mga lalaking kasama niya kanina magpunta sa bahay.Mga limang lalake yon at tulong-tulong nilang binuhat yung mga paninda na idineliver sa bahay namin.

"Ohh dito ang magiging pwesto mo. Dyan lang ako sa kabila bale magkatabi lang ang pwesto natin. Kung kailangan mo ng tulong, tawag ka lang. Nandyan lang ako.."turo niya sa katabing tindahan ng pwesto ko.

"Salamat ate Celma.." tanging nasabi ko.

"Wala yun--Oh sya! Mag-ayos ka na dyan ng mga paninda para makapagsimula ka na at makabenta."sabi niya.

Nginitian ko lang siya saka ako pumasok sa magiging pwesto ko dito sa palengke.Inayos ko na ang mga paninda at inilagay yun sa kanya-kanyang lugar.Maliit lang ang pwesto ko dito pero sapat na para sa isang tao at sa mga paninda.Ang mga tinda ko ay mga gulay at prutas saka iba pang sangkap sa pagluluto.Hindi ako nagtinda ng manok at mga karne dahil.. wala lang ayoko lang..hehehehhe

Natapos na akong mag-ayos at naupo muna ako para magpahinga.

Sinuot ko na ang apron ko. Kailangan to para hindi madumihan ang damit ko.Ilang oras pa akong nagpahinga at maya-maya lang ay may lumapit na customer.

Tiningnan niya muna ang mga paninda ko na animong may hinahanap at saka huminto at kinuha yung isang tali ng Talbos."Magkano dito sa talbos niyo?"tanong nito habang sinusuri pa ang hawak niya.

"Ahh, 10 pesos po kada isang tali."sagot ko.

"Ahh.." sabi niya saka kumuha pa nang apat."..Paki-plastic naman.."nakangiting sabi niya at iniabot sa akin yung limang tali.

Kinuha ko yun at iplinastic."Ito po."sabi ko saka iniabot sakanya yon.

"Ahh ito ohh." iniabot niya sa akin ang bayad niya at tumalikod.

"M-Maam! Sobra po ang bayad niyo."habol ko.

Isang daan ang binigay niya,50 pesos lang ang binili niya kaya may sukli pa siya.

"Sayo na. Keep the change ika-nga. Salamat."sabi niya saka naglakad paalis.

Napangiti ako.Hindi dahil binigyan niya ako ng isang daan pero dahil nakakatauwa na may mga tao pang katulad niya.

Naupo na muna ako at naghintay ng mga mamimili.Marami naman ang bumibili at halos mangalay na ang binti ko sa kakatayo-upo dito pero ayos lang dahil kaya ko pa,at para na din may panggastos kami ni Nanay.

* F A S T F O R W A R D..

6:56pm.

"Iwanan mo na yan dyan. Hindi naman yan mawawala,pera lang ang ninanakaw dito hindi gamit."natatawang sabi ni ate Celma nang makita niya akong inaayos yung lalagyan ng mga paninda."..iwan mo na yan dyan. Para bukas ay hindi na bibit-bitin yan pabalik."dagdag pa niya.

Bumaling siya don sa mga lalaki at may sinabi sa kanila na hindi ko naman na narinig.Umalis na sila dala yung mga natirang paninda ko.Kinuha ko na ang bag ko at humarap kay ate Celma.

"Tara na." yaya ni ate Celma.Nakangiti akong tumango sakanya.

Nakakapagod!

Lumipas ang buong maghapon ng patayo-tayo at paupo-upo ako.Sulit naman dahil halos maubos na ang mga paninda ko dahil sa dami ng bumili.Nakakapagod! Pagod na ako pero maglalakad pa kami pauwi.Grabe,kailangan ko nang matinding pahinga.

"Kamusta unang araw mo?"napatingin ako kay ate Celma nang bigla siyang magtanong.Nakangiti siya habang patuloy pa din kami sa paglalakad pauwi.Nasa unahan naman namin yung mga lalaking nagbuhat nung mga paninda ko.

"A-Ahh. Ayos l-lang naman po, nakakapagod p-pero kaya pa naman. Alam ko naman po kasi na wala namang madaling trabaho."medyo naiilang pang sabi ko sabay tingin sa dinadaanan namin.

Ramdam ko ang pagtingin niya sa akin pero hindi ko na yon pinansin.

"Hanga din talaga ako sayong bata ka. Napakabuti mong bata hahahahaha. Ikaw lang ang batang nakilala kong ganyan. Bata ka pa pero alam mo na kung paano ka makakatulong sa magulang mo."papuri niya sa akin.

"A-Ahh salamat po. Si Nanay po kasi ang nagturo sa akin non,na dapat sa murang edad ay alam mo na kung paano dumiskarte para mabuhay ka. Hindi ka pwedeng umasa sa ibang tao dahil hindi mo sila laging kasama."seryosong ani ko.

O_O!?

Si Nanay nga pala!..Nawala sa isip ko!..Kamusta na kaya yun?..

"Base sa mga ginagawa at way mo ng pagsasalita,masasabi ko na napalaki ka ng maayos ng Ina mo. Napakabait at napakagaling na Ina talaga ni Reynalyn hahhahahhaa."sabi niya.

Nakitawa na lang ako,hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko.Sobrang pagod ako,ang katawan ko.Mabuti na lang at malapit na kami sa bahay.

Pagkadating namin sa bahay ay inilapag na nung mga lalaki ang mga natirang paninda ko at agad na lumabas.Naiwan naman kami nila ate Celma at si Nanay sa sala.Inaayos ko ang mga natirang paninda habang sila ate Celma at Nanay naman ay nag-uusap.

"Huy Celma salamat ha!"rinig kong sabi ni Nanay.

"Wala yon, ano ka ba Reynalyn. Gusto ko lang makatulong. Saka hindi naman mahirap kasama yang anak mo. Nakakababa lang,pag kausap ko kasi siya parang ako yung bata at siya yung matanda. Ang daming word of wisdom hahahahah. Saka pag kasama ko yan,feeling ko ang sama ng ugali ko. Nakaka-inggit yung bait at sipag niya. Grabe!"natatawang ani ate Celma dahilan para matawa din si Nanay.

"Ahhahah. Pasensya na kung napasobra ang bait hahahha."si Nanay.

"Hahahah..pero infairness Reynalyn ha! Napalaki mo ng maayos ang anak mo kahit na mag-isa ka na lang."si ate Celma.

"Hays. E' kailangan e. Wala nang tutulong sakanya,sa oras na mawala ak---"

"N-Nay. Ito po yung b-benta ohh."putol ko sa sasabihin ni Nanay dahil hindi ko yun gustong marinig.

"A-Ahh sige Nak. Kumuha ka na ba?" tanong ni Nanay.

"H-Hindi na Nay. H-Hindi ko naman kailangan ng pera. Panggastos na lang natin yan dito."sabi ko.

"Sigurado ka Anak?"

"Opo Nay." Ako.

"Ahh Mauna na ako ha. Dumidilim na din,magluluto pa ako ng hapunan namin."biglang singit ni ate Celma dahilan para malipat sakanya ang atensyon namin.

"Ahh sige mag-iingat ka Celma."sabi Nanay bago inihatid si ate Celma sa pintuan.

"Oo,sige na."si ate Celma.

"Salamat ulit."si Nanay.

Tinanguan na lang niya si Nanay at naglakad na palabas.Pagkaalis ni ate Celma ay isinara na ni Nanay ang pinto kaya nagpunta na ako sa kusina para uminom.

"Anak,Kumain ka na. Nandyan yung ulam sa lamesa,tinakpan ko lang."rinig kong sabi ni Nanay na nasa sala pa din.

"Ahh sige Nay."uminom muna ako ng tubig at nagsimulang kumain.Agad akong natapos kaya pinuntahan ko muna si Nanay.

"Anak,ang kinita mo ngayong araw ay 1,589 pesos. Ibibigay ko na sayo ang kalahati para sa allowance mo para sa darating na pas---"

"Hindi na Nay. Itabi niyo na lang po yan. Panggastos po yan dito sa bahay."ako.

"Anak. Kailangan mo to. Oo kailangan natin ng pera para sa panggastos pero mas kailangan mo to para sa pag-aaral mo. Kung para sa panggastos natin to,e' sobra-sobra to--kaya kuhanin mo na. Para to sa allowance mo. Itabi mo nang hindi ka maubusan ng pera."nakangiting sabi niya habang iniaabot sa akin yung 589 na sobra.

Wala na akong nagawa kundi kunin na lang yung pera."s-salamat Nay."nahihiyang usal ko.

"Siya! Magpahinga kana. Gabi na,maaga ka pa bukas. Saka sabi ni ate Imelda mo sa lunes na daw ang pasukan niyo."sabi ni Nanay habang inaayos yung mga panindang natira.

O_O!

"L-Lunes na ang simula Nay!? Hala! Hindi po nabanggit sa akin ni ate Imelda na sa lunes na pala."hindi makapaniwalang ani ko.

Linggo na nga bukas. Hindi ko alam,pero parang kinakabahan akong pumasok.Tsk

"Kaya nga sinasabi ko sayo ihanda mo na yung mga gagamitin mo. Hindi ba't nakabili na tayo ng school supplies?"tanong ni Nanay kaya agad akong tumango."..Ohh,ang uniform ay hindi mo problema. Dahil ang alam ko,isang linggo kayong pwede magsuot ng kahit ano sa pagpasok niyo dahil bago pa lang kayo. Susukatan kayo don ng uniform at saka mo babayaran pagkatapos.Sapatos mo?Ayos pa ba yon?" biglang tanong ni Nanay.

Naalala ko,nasira nga pala yung sapatos ko. Well,hindi naman talaga sira, pero pasira na.Tsk.

"A-Ayos pa Nay."pagsisinungaling ko.

"Ohh. Wala ka nang po-problemahin. Ang kailangan mo na lang gawin ay ihanda ang mga gagamitin mo. Oh ano pa hinihintay mo dyan? Maghanda ka na. Bukas magtitinda ka pa,baka hindi ka na makapaghanda dahil halos gabi ka na din kung umuwi--kaya sige na, maghanda ka na ngayon."sabi ni Nanay.

Napatango na lang ako bago nagpunta sa kwarto ko.Ginawa ko ang sinabi ni Nanay.Inihanda ko na ang mga school supplies na binili naman nung nakaraang taon pa at inilagay yon sa bag ko. Pati ang sapatos at susuotin ko ay nakahanda na din.Pagkatapos ko ay agad akong nagpunta sa C.R at naligo,pagkatapos ko ay naupo muna ako sa study table ko para matuyo muna ang buhok ko bago man lang ako mahiga.

Napatingin ako sa mga drawing ko.Naisip ko na lang na gumuhit para malibang ako habang naghihintay.Kinuha ko ang mga materials at sinimulan nang gumuhit.

Ang naisip kong i-drawing ay yung school na papasukan ko sa monday.Hindi ko alam pero gandang ganda talaga ako sa school na yon.Malayong malayo doon sa school na pinapasukan ko don sa Quezon.Hayss.

O_O!

"Oo nga pala!"

Naalala ko na bukas nga pala kami babalik sa school dahil brigada!

Agad akong tumayo at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Nanay.

Pagpasok ko ay nandoon si Nanay,nagtitiklop siya ng damit habang nakaupo sa k**a niya.Bigla siyang napatingin sa akin.

"Oh anak? Bakit gising kapa? Magpahinga ka na. May kailangan ka ba?"tanong nito habang patuloy pa din sa pagtitiklop.

Naglakad ako palapit sakanya at naupo din sa k**a niya."Ahh Nay,nakalimutan ko pong sabihin na bukas ay babalik po kami doon sa school kasi may brigada daw." sabi ko.

"Ohh edi pumunta ka. E' anong oras ba naman yun?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko po alam Nay e'. Pero siguro pupuntahan naman po ako ni Gavin dito para sabay na kami."sagot ko.

"Oh yun naman pala e'. Edi magpahinga ka na at baka maaga ka pa bukas."Sabi ni Nanay saka tumayo at inilagay yung mga damit na tiniklop niya sa aparador.

O_O?

"N-Nay p-paano po yun. E' magtitinda pa po ako bukas."nahihiyang sabi ko.

Bumalik ulit si Nanay at kinuha yung iba pang damit."Ayos lang yun Anak. Saka ano ka ba! Hindi mo naman kailangang pwersahin ang sarili mo na magtinda. Kung meron kang gagawin bukas edi gawin mo. Ngayon kung inaalala mo yung pagtitinda mo edi hapon ka na magtinda. Tutal hindi naman siguro maghapon yung brigada na yan diba? Pwede ka pa naman magtinda pagkatapos nong brigada. Kaya naman magpahinga ka na para magkaroon ka ng lakas para bukas."mahabang paliwanag niya.

Parang gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.Siguro nga ay naging OA lang ako sa pag-iisip. Siguro hindi naman nga maghapon yung brigada kaya makakapagtinda pa nga ako sa hapon.Hayss

"S-Sige Nay. K-Kayo din po m-magpahinga na din po k-kayo."napapahiyang ani ko.

"Sige Anak. Matulog ka nang mahimbing!"rinig ko pang sabi ni Nanay bago pa ako makalabas ng kwarto niya.

Pagpasok ko sa kwarto ay iniligpit ko na ang mga gamit ko,siguro ay bukas ko na lang itutuloy tong drawing ko.Kinapa ko ang buhok ko at tuyo na ang mga yon.Inaantok na din ako kaya napagdesisyonan ko na ding matulog.

♡ K I N A B U K A S A N ♡

"Anak! Gumising ka na,tanghali na." rinig ko ang boses ni Nanay.

'Nay?..Mamaya na po!

"Anak bumangon ka na. Tanghali na. Kanina pa naghihintay sayo si Gavin! Ano ka ba!?"

O_O!

Agad akong bumangon dahil sa sinabi ni Nanay at takang tumingin sa kanya."N-Nandyan na si G-Gavin Nay?"

"Oo kanina pa siyang alas-syete nandito. Alas otso na pero nakahiga ka pa din. Bilisan mo na at tatanghaliin na kayo. Nakakahiya kay Gavin."Mahinang sabi ni Nanay.

O_O!

Bakit tanghali na ako nagising!? Anong oras ba ako natulog?

"Sige po Nay. Maliligo na po ako."napapahiyang ani ko.

"Sige, bilisan mo."sabi ulit ni Nanay.Tumango lang ako saka siua tuluyang lumabas.

'Huuwwaaahhhhh!!!.!..Nakakahiya!!!..Bakit tanghali na ako nagising?!..Maaga naman akong natulog!..Bwisit!!!!

Mabilis akong natapos maligo at nagbihis na ako.Isinuot ko ang kulay blue'ng t-shirt ko at black pants.Pagkasuot ko ng sapatos ko ay agad akong lumabas ng kwarto.

>>_

07/08/2023

My Innocent Love

Chapter 4

Rylee's POV.

Tapos na kaming kumain at agad kaming naglibot ni Gavin.Si ate Imelda ay umalis na at mauuna na daw siyang umuwi at si Gavin na lang daw ang maghahatid sa akin.

Naglalakad na kami papunta sa coffee shop daw na nasa loob din ng school na'to.Ang laki naman pala ng school na'to.May sariling coffee shop na din.Nakadalawa na kami ng lugar na napuntahan. Nakapunta na kami sa gymnasium at pinakafavorite ko.. sa library.

"Malayo pa ba?"tanong ko dahil namamanhid na ang mga paa ko sa totoo lang.

"Malapit na."sabi ni Gavin kaya nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang hindi ganon kalaki na store.

Kulay brown ang kulay ng paligid at gawa sa glass na pader non.Pumasok si Gavin kaya sumunod ako sa kanya.

"Ito ang sinasabi ko sayong coffee shop. Madalas akong magpunta dito pag gusto kong mag-isip kasi tahimik dito at isa pa, kita mo ang view ng mga puno sa labas..."sabi niya habang inililibot ko naman ang paningin ko."...Dito din ako pumupunta kapag hindi ako nakakapag-breakfast,nagkakape na lang ako dito."dagdag pa niya.

Tinanguan ko lang siya.Tama siya dahil tahimik nga ang lugar at maaliwalas sa paningin.Simple lang ang disenyo nito at kita nga ang tanawin sa labas dahil glass ang pader.Nahinto ang paningin ko sa counter,may malaking stante don na hanggang bewang lang nung cashier.Nakalagay doon ang iba't ibang cake.Nakalagay din sa taas ang isang board at nakasulat ang mga flavor ng kapeng available yata dito.

"Gusto mong i-try?"tanong ni Gavin sa akin.

Napatango lang ako kaya nagpunta na kami sa counter.

"Ahhmmm..one order of pink milk shake..."sabi niya kaya taka akong napatingin sa kanya.Tiningnan ko ulit yung board na nasa taas at saka ko lang napansin na may mga shake din pala dito."..Ikaw?Ano sayo?"tanong bigla ni Gavin kaya agad akong pumili.

"Banana milk." basa ko sa isa sa mga nakasulat.

"One pink milk shake and one banana milk."sabi nung lalaki at tinanguan naman siya ni Gavin.

"Tara, Maupo muna tayo habang naghihintay."sabi ni Gavin kaya naupo na kami sa isa sa mga table.

"A-Ahh,Gavin. Yung mga c-cake doon sa estante, binebenta ba yon?"tanong ko.

"Oo naman. Bakit? Gusto mong i-try?"sabi niya.

"Hindi na. Hindi ako mahilig sa mga cake"pagtanggi ko.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Busy si Gavin kakatype sa cellphone niya kaya naman walang nagsasalita sa amin.Ilang sandali pa ay dumating na yung order namin.Binayaran yon ni Gavin bago kami umalis at pumunta sa last na lugar.

Naglakad kami sa field habang umiinom nung inorder namin ng biglang bumuhos ang ulan kaya't agad kong iniharang ang k**ay ko sa ulo ko at mabilis kaming tumakbo upang sumilong nang....

*Booggsssshhhhhhh....

O_O!!!

Hindi ko napansin na may makakasalubong pala ako kaya naman...Nabunggo ko siya at natapon yung banana milk ko sa damit niya.

"Rylee!"rinig kong sigaw ni Gavin.

>>_

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Sariaya?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Sariaya
4322
Other Sariaya public figures (show all)
Mark Joseph Llego Mark Joseph Llego
Brgy Ballubal Sariaya Quezon
Sariaya

Mama$Yannah Mama$Yannah
Sariaya Quezon
Sariaya

all about me yannah

Sazon Coco Fiber Industries Sazon Coco Fiber Industries
Brgy. Manggalang 1
Sariaya

Cocopeat, Cocofiber, Coconet, and Coco rope supplier direct from plant

boozecapade boozecapade
Antipolo, Rizal
Sariaya, 1800

Housing,lot and farmlot library Housing,lot and farmlot library
Sariaya, 1870

house and lot and residential lot around Rizal,Philippines

Kamote shots Kamote shots
Balubal
Sariaya, 4301

....

Don Alonzo Don Alonzo
Quezon Province
Sariaya, 4322

Its all about me

MIELL TV MIELL TV
Sitio Tangkil Castanas Sariaya Quezon
Sariaya

my treasure my life my everything😘😘😘❤❤

Diozu CODM Diozu CODM
Hawilli Street
Sariaya, 4322

Koreaniezel Koreaniezel
Sariaya, 4322

rings necklace bracelet anklet earings

Baeseven Baeseven
Sariaya

Baesix product