San Agustin de Tagaytay - Caru-Caruhan
Nearby places of worship
4120
4120
Cbcp Eccler
Crossing West
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Agustin de Tagaytay - Caru-Caruhan, Religious organisation, Tagaytay City.
IKASIYAM NA ARAW NG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI SAN JOSE OBRERO, AMA, PINTAKASI, AT PATRON NG NAYON NG TOLENTINO, LUNGSOD NG TAGAYTAY
IKAWALONG ARAW NG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI SAN JOSE OBRERO, AMA, PINTAKASI, AT PATRON NG NAYON NG TOLENTINO, LUNGSOD NG TAGAYTAY
IKAPITONG ARAW NG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI SAN JOSE OBRERO, AMA, PINTAKASI, AT PATRON NG NAYON NG TOLENTINO, LUNGSOD NG TAGAYTAY
IKAANIM NA ARAW NG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI SAN JOSE OBRERO, AMA, PINTAKASI, AT PATRON NG NAYON NG TOLENTINO, LUNGSOD NG TAGAYTAY
IKALIMANG ARAW NG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI SAN JOSE OBRERO, AMA, PINTAKASI, AT PATRON NG NAYON NG TOLENTINO, LUNGSOD NG TAGAYTAY
IKAAPAT NA ARAW NG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI SAN JOSE OBRERO, AMA, PINTAKASI, AT PATRON NG NAYON NG TOLENTINO, LUNGSOD NG TAGAYTAY
IKATLONG ARAW NG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI SAN JOSE OBRERO, AMA, PINTAKASI, AT PATRON NG NAYON NG TOLENTINO, LUNGSOD NG TAGAYTAY
IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI SAN JOSE OBRERO, AMA, PINTAKASI AT PATRON NG NAYON NG TOLENTINO, LUNGSOD NG TAGAYTAY
UNANG ARAW NG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI SAN JOSE OBRERO, AMA, PINTAKASI AT PATRON NG NAYON NG TOLENTINO, LUNGSOD NG TAGAYTAY
▪Sabado ng Pamimintuho sa Ina, Reyna at Patrona ng Bayan ng Silang at Bulubunduking Cavite, NUESTRA SEÑORA DE CANDELARIA▪
•NOBENA SA MAHAL NA BIRHENG CANDELARIA•
Tuwing Sabado
PANIMULANG AWIT:
INANG TANGLAW
Inang Tanglaw naming
Dasal nami’y dinggin Diyos
Kami’y kalingain
Birheng mairugin
AVE, AVE, AVE MARIA
AVE, AVE, AVE MARIA
Bayan at Simbahan
Lahat ng tahanan
Kami ay samahan
Sa Diyos na hantungan
AVE, AVE, AVE MARIA
AVE, AVE, AVE MARIA
At sa iyong Anak
Kami’y tumatawag
Landas tinatahak
Siya’ng aming liwanag
AVE, AVE, AVE MARIA
AVE, AVE, AVE MARIA
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Nakatayo)
Lahat: SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO. AMEN
Ama naming mahabagin, ikaw ang Diyos ng kaliwanagan na nagpaningning sa sanlibutan. Patuloy Mong nililiwanagan ang nadididliman naming isipan at kalooban upang mabatid naming lagi ang landas ng katotohanan at matuwid na pamumuhay. O Ama, sa maraming pagkakataong hindi kami namuhay ayon sa iyong liwanag, na mas ninais pa rin naming mabuhay sa kadiliman, sa kasalanan, na hindi kami sumunod sa iyong patnubay. Kahit na malinaw na sa amin ang iyong kalooban at mga kautusan, lumilihis pa rin kami ng lakad papalayo sa iyo. Patawarin mo kami, Ama. Higit kaming nagkakasala kung nababatid na namin ang iyong utos at hindi pa rin kami sumusunod sa Iyo. Kung sa kabila ng Iyong pagtanglaw sa amin tungo sa kabutihan, ay kasamaan pa rin ang aming ginagawa.
Patawad po, aming Ama, sa katigasan ng aming ulo. Sa patuloy naming pagkakasala, patuloy din naming sinasaktan ang Iyong kalooban. Binabalewala namin ang pagpapakasakit at pag-aalay ng buhay ng Iyong Anak na si Jesus, Siya na Liwanag ng daigdig na inihaharap sa amin ngayon ng aming Inang si Maria. Sa pagpaparangal namin sa kanya na aming Patrona, ang Mahal na Birhen ng Candelaria, dalisayin Mo nawa ang aming isip at kalooban at pawiin ang kamalian at kasamaang humahadlang sa aming pagsamba sa Iyo at pagbibigay-pugay sa aming Mahal na Ina. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Jesu-Cristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.Amen.
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG CANDELARIA
Mahal na Inang Maria, Birhen ng Candelaria, niluluwalhati namin ang Panginoong Diyos sa pagkakahirang Niya sa iyo upang maging Ina ng Kanyang Bugtong na Anak na si Jesus. Karapat-dapat ka sa natatanging pagpapala Niya sa iyo sapagkat buong katapatan mong isinabuhay at pinanindigan ito. Sa sinapupunan pa lamang ay pinili ka nan g Diyos para sa Kanyang magandang plano sa pagdating sa Manunubos, kaya’t dinalisay ka Niya sa kasalanang mana. Ginampanan mo ang dakilang papel sa kasaysayan ng kaligtasan. Naging kasangkapan ka ng Diyos upang matupad ang inaasam ng baying Israel. At para sa iong Anak na si Jesus at sa iyong Esposong si San Jose, ikaw ay naging Ilaw ng tahanan, ulirang Ina at butihing May-bahay. Tinanglawan mo ang noon ay murang isipan ni Jesus, ginabayan Siya, nakiisa sa Kanyang pangangaral, nakidalamhati sa Kanyang pagdurusa at nakigalak sa muki Niyang pagkabuhay.
O Mahal na Birhen ng Candelaria, habang dinadala mo sa iyong mga bisig ang Panginoong Jesus, inihaharap mo naman siya sa amin upang masilayan namin ang Liwanag ng sanlibutan na tumatanglaw sa amin buhay. Anong ligaya ang aming nadarama kapag pinagmamasadan ka namin at ang iyong Anak. Nababatid namin na patuloy ,mong ginagampanan hanggang ngayon ang iyong pagiging Ina ng sangkatauhan, na lagi mong inilalapit sa Panginoong Jesus an gaming kalagayan, mga panalangin at hangarin. Nawa, maging kalugud-lugod saiyo itong ginaganap naming pagpaparangal sa iyo kalakip ang aming kahilingan. Amen.
MGA TALATA AT KAHILINGAN
(Nakaluhod)
Gabay:Kausapin natin ngayon ang ating Ina sa Banal na Kasulatan at ilahad an gating mga kahilingan:
Gabay:Binati ka ng anghel Gabriel: “Magalak ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Jesus.” Lc.1:28,31
Bayan :Igalang nawa namin ang presenya ng Diyos sa aming kapwa at pahalagahan ang buhay at dangal ng tao mula sa sinapupunan hanggang sa katandaan.
Gabay:Sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos. At sumagot ka: “Ako’y alipin ng Panginon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” Lc.1:37,38
Bayan: Buong pananalig nawa naming tanggapin at ganapin ang kalooban ng Diyos, bilang Kanyang mga lingkod at italaga ang aming sarili sa Kanya.
Gabay: Sa pagdalaw at pagdamay no kay Sta. Isabel, buong galak niyang sinabi sa iyp: “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!” Lc.1:42
Bayan: Tulungan nawa namin ang aming kapwang nagangailangan, dumaranas ng pagsubok ng kahirapan, karamdaman, kalamidad, trahedya at iba pa.
Gabay: Sa iyong kagalakan, inawit mo: “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas!” Lc.1:46-47
Bayan:Matuto nawa kaming magpakumbaba, kilalanin at pasalamatan ang Diyos na pinagmulan ng lahat ng biyayang tinatamasa namin.
Gabay:Nakita ng mga pastol ang sanggol sa sabsaban. Natanim sa isip mo ang mga bagay na ito at iyong pinagbulay-bulay. Cf.Lc.2:19
Bayan:Pagnilayan nawa namin ang aming mga karanasan, mga pangyayari sa aming tahanan, pamayanan at lipunan, Makita naming ang pagkilos ng Diyos, na kami’y dinadala niya tungo sa kaganapan ng Kanyang layunin sa paglikha sa amin.
Gabay:Sa pagdadala m okay esus sa temple ng Jerusalem, kinalong siya ni Propeta Simeon at sinabi: “Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, at magbibigay karangalan sa Iyong baying Israel.” Lc.2:32
Bayan:Magsilbi nawa kaming mga ilaw sa sanlibutan, nagtuturo ng wasto, nagpapakita ng magandang halimbawa, umaakay sa mga naliligaw at naghahanapsa Diyos.
Gabay: Upang ihanda ang iyong kalooban sa sasapitin ninyong mag-ina, inihula din niya: “ Tandaan mo, ang Batang Ito’y nakatalagasa ikapapahamak o ikaliligtas na mramisa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.” Lc.2:34-35
Bayan:Maging tanda at instrumento nawa kami ng kaligtasan at pagbabago n gaming kapwa at lipunan sa halip na kasiraan at kapahamakan. Maging handa nawa kaming magsakripisyo para sa kabutihan ng sambayanan.
Gabay:Nang matagpuan mo sa temple si Jesus, sinabi mo: “Anak, bakit ganyan ang ginawa mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.” Lc. 2:48
Bayan:Manatili nawang lagi sa paningin at kalinag ng mga magulang ng kanilang anak, huwag hayaang maligawng landas. Maging masunurin nawa ang mga bata at kabataan sa kanilang mga magulang at lumaking kalugod-lugod sa mata ng Diyos at tao.
Gabay:Si Jesus ay umuwing kasama ninyo sa Nazaret, at naging isang masunuring anak. Ang lahat ng ito ay iningatan mo sa iyong puso. Cf.LC.2:51
Bayan:Pag-ingatan nawa namin ang aming pananampalataya at pagnilayan ang mahiwagang pagkilos ng Diyos sa aming buhay.
Gabay:Samantalang nangangaral si Jesus, dumating ka at ang Kanyang mga pinsan. “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.” Mt. 12:49-50
Bayan:Maging mga kapatid nawa nawa kami ni Jesus sa pagtupad sa Kanyang mga aral at turo sa Simbahan at sa pagsunod sa kalooban ng Ama, makilala nawa kaming mga Kristiyano sa gawa at hindi lang sa salita.
Gabay:Sa kasalan sa Cana, matapos ang mabisa mong pakiusap kay Jesus na tulungan ang mga bagong kasal, sinabi mo: “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.” Juan 2:5
Bayan:Samahan mo nawa at tulungan ang lahat ng mag-asawa na maging matibay ang kanilang pagsasama, malampasan ang anumang problema at si Jesus ang gawing sentro ng kanilang pamilya.
Gabay:Nakatayo ka satabi ng Krus ni Jesus kasama ng ilang alagad, nang Makita ka niya at si Juan, Kanyang winika: “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong anak!” Juan 19:26-27
Bayan:Magung matatag nawa kami, tulad mo, sa mga pagsubok at sa pagpasan n gaming krusat damayan ang kapwa naming nagdurusa.
Gabay:Sa pag-akyat ni Jesus sa langit, nanatili kang kapiling ng mga alagad. “Lagi silang nagsasama-sama sa pananalangin, kasama ang mga babae at si Mariang Ina ni Jesus.” Gawa 1:14
Bayan:Lagi din sana kaming manalangin bilang pamilya at dumalo tuwing Linggo sa Banal na Misa upang manatili kaming nagkakabuklod, nakiisa sa aming kapwa Kristiyano sa pagpaunlad n gaming pananampalataya.
Gabay:Iniakyat ka katawan at kaluluwa sa marangal na kaluwalhatian ng langit, upang doon ay maupo ng may karilagan sa kanan ng iyong Anak, ang walang kamatayang Hari ng mga Panahon. Cf. Munificentissimus Deus
Bayan:Ngayong ikaw ay nasa langit na katabi ng iyong Anak, ilapit mo sa Kanya ang aming mga personal na kahilingan: (Tumahimik at sambitin ang kahilingan)
DALIT
Ng Tuwa sa Pintakasing Birhen
Isleña kang ibang dikit
Morenikang taga Langit.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Di ka pa nagsususmikat
Ang Patriarka’t Propeta
Uamasang nagsitawag
Sa Langit at napahabag,
Silayan mo silang tikis
At aliwin sa pagtangis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Tangi kang mapaghimala
Nang saka-sakang hiwaga
Na sa luklukan nang tuwa
Nagpadilag kang sagana
Sang-impiyerno’y nadulit
Nagsipanginig sag alit.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Regiones at bagay-bagay
Hilgaaan at Timugan
Habagata’t Amihan
Nagbunyi nang iyong dangal
At ang pala ming natigis
Walang tilang pinabatis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Aurora kang naghayag
Niyong araw sa pagsikat
Isinugong magwawalat
Nang pinagtapunang hirap
Ang manunuksong mausig
Sa apoy mo ibinulid.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Hinangaang pagmamahal
Nang pagsintang walang hanggan
Tunay kang kaliwanagan
Sa tagalog ay tumangahal
Inakay mong magpumilit
Talikdan ang likong isip.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Sa gayong bagong hiwaga
Sampung hari nangagsadya
Nagsasayang lipos tuwa
Haing badha nang pag-ibig
Altar, palasiong marikit.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Larawan mo’y pinagnilay
Nang Guancheng katagalugan
Dinidiling parang mangmang
Kung hamak kang tao lamang
Katunaya’y nang malirip
Sinamba kang taga Langit.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Ilang regio’y nakamalas
Sa piling mong pawing perlas
Nang makalilibong sinag
Balabalaking liwanag
Palibhasa’yiyong nais
Pintakasihin kang tikis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Tenerife ay magdiwang
Huwag mong pinaghilian
Ang Zaragosang Pilar
At gayon din ang larawang
Sa Guadalupe’y kumilik
Yamang doon ka kaparis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Sinong sa iyo’y dumulog
Napaampong lumuluhog
Ang di mo agad kinupkop
Sa biyayang ligos-ligos?
Oh mapamagtang Judith
Awa mo’y huwag ilingid.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Kaming lahat mong Devoto
Talisuyong humandog
Sa iyo Patronang irog
Puring galang ay kalahok
At sintang buhat sa dibdib
Ang palamuting malinis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Sa Gloria baying tahimik
Dakhin kami Mariang ibig!
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
ANTIPONA
KAHINHINHINHINANG INA AT PINTAKASI,
KAMTAN NA WARI NG BUO MONG SAKLOLO
NAMING IYONG MGA NAMAMANATA.
V. REYNA MARIA NG CANDELARIA,
IPANALANGIN MO KAMI.
R. NANG KAMI’Y MAGING DAPAT MAGKAMIT NG
MGA PANGAKO NI KRISTO. AMEN
PANALANGIN NG PASASALAMAT
(Nakaluhod)
Lahat:
Panginoong Jesus, nagpapasalamat kami sa lahat ng mga biyayang kaloob Mo sa amin, sa buhay, kalakasan, pamilya, sa mga material at espiritwal na pagpapala. Sa Iyong patuloy na pagmamahal sa amin sa kabila ng aming mga pagkukulang, at sa Iyong pagsubaybay sa kabila ng di naming pagsunod sa Iyo. Sa pagbibigay Mo sa amin ng Iyong Mahal na Ina, sa paglalagay Mo sa amin sa kanyang makainang pag-aaruga. Sa pagpapaubaya Mo sa kanya na patuloy na gumanap sa natatanging papel ng pamamatnubay sa amin, maraming salamat po. Dala-dala niya ang liwanag na nagmumula sa iyo, na tumatangalaw sa buhay naming, sa mga pakikibaka naming sa buhay, sa mga hamon ng panahon, sa pagtahak naming sa madilim at magulong mundo.
Salamat din po, Panginoon, sa pagtatatag Mo ng Iyong Simbahan, ang Iglesya Katolika, na ditto ay ibinilang Mo kaming kasapi, upang sa katauhan ng Iyong mga kinatawan: ang Santo Papa, mga Obispo at Pari, kami ay lagi Mong mapangasiwaan. Ang iyong Simbahan na nagtuturo at nagpapaliwanag sa iyong mga salita at umamakay sa amin patungo sa Iyo, nawa ay lagi Mong subaybayan at palakasin. Maipakita nawa naming ang pagtanaw ng utang na loob sa Iyo sa pagsunod sa Iyong utos at kalooban, at sa pagsisikap na maging mabuting Kristiyano na nagmamahal sa kapwa, sa bayan, sa kalikasan. Makamit nawa namin mula sa iyo ang aming hinihiling sa tulong ng Iyong Mahal na Ina at suklian naming ang Iyong kabutihan ng aming panahon, talino at yaman. Ikaw na nagmamahal sa amin magpasawalang hanggan. Amen.
PANALANGIN SA MAHAL NA INA
Mahal naming Ina ng Candelaria, Ina ng Santa Iglesia, nagpapasalamat kami sa patuloy mong pagkalinga sa amin, tinutupad mo hanggang ngayon ang tagubilin sa iyo ng iyong Anak doon sa kalbaryo nang ipagkatiwala Niya sa iyo ang sangkatauhan sa pamamagitan ni San Juan. Sa maraming lugar at panahon, ikaw ay nagpaparamdam, nagungusap, ipinapaalala sa amin na mahal kami ng Diyos at dapat naming Siyang sundin. At ngayon ditto sa iyong dambana, sa anyo at taguri ng Birhen ng Candelaria, habang ikaw ay nakatunghay sa amin, ipinapadama mo ang pagmamalasakit sa amin ng ikaw ay narito, na laging handing making sa mga dalangin at hinaing ng iyong mga anak. Maraming salamat, amin Ina.
Sa pagdinig mo sa aming panalangin at pagkakaloob ng tugon mula sa iyong Anak para sa tugon mula sa iyong Anak para sa aming mga kahilingan, huwag nawa kaming makalimot sa mga pangako namin sa Diyos, na hindi ka lang naming maaalala kapag may kailangankami at tatawag sa Diyos kapag may mabigat kaming suliranin. Ugaliin nawa naming magsimba tuwing Linggo, magdasal ng Santo Rosaryo, magbasa ng Biblia at magnilay nito, dumalaw kay Jesus sa Santisimo Sakramento, magdasal araw-araw at mangumpisal. Bukod ditto magkawanggawa nawa kami lalo na sa mga dukha at nangangailangan n gaming tulong at patuloy naming itaguyod ang mga programa at proyekto n gaming aming parokya na naglalayong palaguin ang aming pananampataya at Sambayanang Kristiyano. Sa ganitong paraan, matapos kaming tumanggap ng liwanag ni Jesus, ng Kanyang mga biyaya sa pamamagitan mo, kami’y magsilbi ring ilaw sa sanlibutan na nagniningning ang pananampalataya. Amen.
Ama naming, sumasalangit ka. Sambahin ang Ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon n gaming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad naming sa nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Ave Maria, napupuno ka ng Grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamatay. Amen.
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara noong una ngayon at magpasa-walang hanggan. Amen.
Lahat:SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO. AMEN.
PANGWAKAS NA AWIT
(Nakatayo)
BIRHENG CANDELARIA
Birheng Candelaria,
Kami ay nagpupugay.
Pintakasi kang hirang
Dito sa ‘ming bayan.
Sa “yong kapurihan
Dasal an gaming alay,
Ang buong sambayanang Silang
Lumuluhog sa iyong kariktan.
Kapat-dapat kang alayan ng lahat
Ng pagsintang walang kasing pantay.
Pagkat ikaw ay dalisay,
Inang dumaramay.
Ang bisa ng liwanag na iyong taglay
Sa buhay namin laging itunghay.
Pakinggan mo ang dalanging
Sa iyo ay hain.
Kami’y abang gumigiliw,
Reynang Ina namin.
VIERNES DOLORES 2021
▪Unang Sabado Ng Nobyembre, Araw ng Pamimintuho sa Ina, Reyna at Patrona ng Bayan ng Silang at Bulubunduking Cavite, NUESTRA SEÑORA DE CANDELARIA▪

Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Tagaytay City
4120
Tagaytay City, 4120
Healing Mass and devotion to Our Lady of Lourdes!
Purok 36, Guinhawa South
Tagaytay City, 4120
Simbahang Pamayanan sa gawing Kanlurang Tagaytay
Daang Luma, Kaybagal Central
Tagaytay City, 4120
Church of Christ at Tagaytay's Youth Organization
E. Aguinaldo Highway Tagaytay City
Tagaytay City, 4120
Welcome to Sunday School at Bethany COC, where your child will not only love learning God.
Purok 198 Bagong Silang Sungay West
Tagaytay City, 4120
SVD Road
Tagaytay City
The Official page of the SVD Postulancy Philippine Central Province