TANAO ng Kabataan

Tagaganap, Aagapay at Naatasang Aantabay na Organisasyon (TANAO) para sa Kabataan.

Ang TANAO NG KABATAAN ay isang organisayon ng mga kabataan mula sa Baao at Balatan Street ng Western Bicutan, Taguig City, na inilunsan noong Hulyo 2022. Ang grupo ay binuo at inilunsad upang maging Tagaganap, Aagapay at Naatasang Aantabay na Organisasyon (TANAO) para sa Kabataan. Kasama din sa mga adhikain ng grupo ang pakikiisa at pakikisali sa lahat ng magandang adhikain para sa mga kabataan ng

29/08/2024

𝐖𝐞𝐬𝐭𝐞𝐫𝐧 𝐁𝐢𝐜𝐮𝐭𝐚𝐧, 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲?
Kabataan ng Western Bicutan, dalawang araw na lang at magaganap na gabi ng pagbabalik tanaw ng tagumpay ng mga kabataan ng Western Bicutan!
Samahan ang SK Western Bicutan sa pangunguna ni SK Chairperson 𝗞𝗶𝗺 𝗠𝗮𝗹𝘂𝗯𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗞 𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗰𝗰𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗢𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, 𝗪𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗕𝗶𝗰𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗱𝗲 𝗼𝗳 𝗪𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗕𝗶𝗰𝘂𝘁𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗚𝘂𝗲𝘀𝘁 𝗔𝗿𝘁𝗶𝘀𝘁𝘀 sa 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐀𝐝𝐝𝐫𝐞𝐬𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟒!
LIBRE ito kaya naman huwag nang palampasin ang pagkakataong 𝙈𝘼𝙆𝙄-saya, 𝙈𝘼𝙆𝙄-bahagi, at 𝙈𝘼𝙆𝙄-lahok sa gabi ng ating pagsasama-sama!

23/08/2024

𝐈𝐭𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐢𝐡𝐢𝐧𝐭𝐚𝐲!🤩

Kabataan ng Western Bicutan, muli tayong magsasama-sama sa gabi ng pagbabalik-tanaw ng ating mga napagtagumpayang programa at aktibidad!

Isang gabi na pupukaw sa aktibong partisipasyon, pakikibahagi, at pagsasama-sama sa kasiyahan!

Sa huling programa kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, inihahandog ng SK Western Bicutan sa pangunguna ni 𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗞𝗶𝗺 𝗠𝗮𝗹𝘂𝗯𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗞 𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 ang 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗔𝗱𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀 (𝗦𝗢𝗬𝗔) 𝟮𝟬𝟮𝟰 na gaganapin sa August 31, 2024, 6 PM sa TUP-Taguig Campus Grounds!

Abangan sa mga susunod na araw ang mga bigating pangalan sa industriya ng musika na ating makakasama sa SOYA.

Nasasabik na kaming makasama at maka-jamming kayo! Kita-kits!✨

Photos from Department of Health (Philippines)'s post 21/08/2024

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: 𝐌𝐏𝐎𝐗

Kasunod ng pinaigting na surveillance dahil sa deklarasyon ng World Health Organization sa mpox (dating monkeypox) bilang isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC), nakapagtala ang DOH ng isang bagong kaso ng mpox sa Pilipinas. Bago ito, ang huling kaso ay naiulat noong Disyembre 2023. Ang lahat ng mga naunang kaso ay na-isolate, naagapan, at gumaling na sa sakit.
Mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) protektahan ang sarili at ang ang buong pamilya laban sa sakit at maling impormasyon. Maging handa sa banta ng mpox - sundin at tignan ang ilang Health Reminders sa mga larawan.

21/08/2024

Send a message to learn more

19/08/2024

𝐉𝐎𝐁 𝐒𝐄𝐄𝐊𝐄𝐑𝐒, 𝐊𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐍!📣
Kabataan ng Western Bicutan, isang opprtunidad ang magbubukas para sa mga naghahanap ng trabaho! Sa darating na August 23, 2024, isasagawa ang Job Fair na gaganapin sa Tenement Covered Court mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanggali.
Naisakatuparan ito sa inisyatibo ng SK Western Bicutan sa pangunguna ni SK Chairperson Kim Malubay at mga SK Kagawad sa pakikipagtulungan sa Ace Foundation at sa opisina ni Vice Mayor Arvin Alit, bilang bahagi ng pakikiisa ng konseho sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ngayong buwan ng Agosto.
Inaaanyayahan ang mga job seekers sa programang ito kung saan mahigit 30 kompanya ang maaaring mapasukan ng mga kabataang naghahanap ng trabaho.
Kaya naman huwag palampasin ang pagkakataong ito!
Kita-kits, job seekers!

𝐉𝐎𝐁 𝐒𝐄𝐄𝐊𝐄𝐑𝐒, 𝐊𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐍!📣

Kabataan ng Western Bicutan, isang opprtunidad ang magbubukas para sa mga naghahanap ng trabaho! Sa darating na August 23, 2024, isasagawa ang Job Fair na gaganapin sa Tenement Covered Court mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanggali.

Naisakatuparan ito sa inisyatibo ng SK Western Bicutan sa pangunguna ni SK Chairperson Kim Malubay at mga SK Kagawad sa pakikipagtulungan sa Ace Foundation at sa opisina ni Vice Mayor Arvin Alit, bilang bahagi ng pakikiisa ng konseho sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ngayong buwan ng Agosto.

Inaaanyayahan ang mga job seekers sa programang ito kung saan mahigit 30 kompanya ang maaaring mapasukan ng mga kabataang naghahanap ng trabaho.

Kaya naman huwag palampasin ang pagkakataong ito!

Kita-kits, job seekers!

05/08/2024

Kabataan ng Western Bicutan, maghanda na dahil paparating na ang mahigit dalawang linggong puno ng saya at sorpresa!

Simula ngayong Agosto 17 hanggang Agosto 31 ay maghahatid ng tuwa at saya ang Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan sa pangunguna ni SK Chairperson Kim Malubay at mga SK Kagawad sa sama-sama nating pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2024!

Abangan ang iba’t ibang mga aktibidad at programa na aming inihanda para sa inyong lahat!

Sumali, makiisa at makisaya dahil handog namin sa inyo ay mga pasabog na mga sorpresa at papremyo!

Siguradong ngayong Agosto, Kabataan ng Western Bicutan ang bibida!

Ito ay programa ng kabataan para sa kabataan ng Western Bicutan. Kitakits!✨

12/06/2024

Sa pagdiriwang ng ika-126 ng Araw ng Kalayaan, ating bigyang pugay ang lahat ng bayaning Pilipino na nagbuwis ng buhay upang makamit ang tinatamasa nating kalayaan sa kasalukuyang panahon.

Gayundin ang mga Pilipinong patuloy na nakikipagsapalaran at nakikipaglaban sa karapatan ng bawat Pilipino at maging ng ating bansa.

Nawa ay hindi lamang sa araw na ito natin ipamalas ang diwa ng nasyonalismo. Bagkus araw-araw nating pahalagahan ang mahalagang pangyayari sa ating kasaysayan at gawin itong inspirasyon tungo sa ganap na pagtatamo ng kalayaan at kasarinlan.

Mabuhay ang bawat Pilipino! Mabuhay ang bansang Pilipinas!

Ito ay isang pakikiisa at pagbati mula sa Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan sa pangunguna ni SK Chairperson Kim Malubay at mga SK Kagawad.

Photos from Sangguniang Kabataan - Western Bicutan's post 11/06/2024

𝐖𝐁 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟒

Naging masaya, makabuluhan at matagumpay ang kauna-unahang General Assembly ng ating mga active and accredited youth organization & youth-serving organization noong Linggo, ika-9 ng Hunyo, 2024.

Layunin ng programang ito na makumusta ang ating mga youth leaders at kanilang mga organisasyon kung saan tinalakay din ang mga responsibilidad ng bawat youth organization at mga nalalapit na programa ng Sangguniang Kabataan ng Western sa pangunguna ni SK Chairperson Kim Malubay at mga SK Kagawad.

Taos-pusong pasasalamat kay Kap. Pedrito B. Bermas at mga Kagawad sa buong suporta para sa kabataan ng ating barangay.

Asahan ang MAS aktibo, MAS progresibong at MAS pinalakas na pinagsama-samang pwersa ng mga lider-kabataan ng ating barangay!

Para makita ang iba pang litrato, i-click lamang ang link na ito: https://drive.google.com/drive/folders/1-KJkzd9bUCa9ngMeUzxcqM52w_AFPVEY

Photos from Sangguniang Kabataan - Western Bicutan's post 05/06/2024

Ilaban na natin ‘to! Kitakits!🤩

04/06/2024

𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗜

Ang pamahalaang Taguig sa pamumuno ni Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor Arvin Alit, at City Councilors katuwang ang City Health Office at si 𝗞𝗮𝗽 𝗣𝗲𝗱𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗕𝗲𝗿𝗺𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 ay magsasagawang ng Operation Libreng Tuli sa Barangay Western Bicutan.

Ang programang ito ay isasagawa ngayong Lunes, 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟏𝟎 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝟎𝟔:𝟎𝟎𝐀𝐌 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟎𝟐:𝟎𝟎𝐏𝐌 sa 𝐌𝐮𝐥𝐭𝐢𝐩𝐮𝐫𝐩𝐨𝐬𝐞 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝟐, 𝐕𝐞𝐭𝐞𝐫𝐚𝐧𝐬 𝐑𝐨𝐚𝐝, kung saan 𝘍𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘊𝘰𝘮𝘦, 𝘍𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘚𝘦𝘳𝘷𝘦𝘥 ang magiging sistema ng nasabing programa.

𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗜

Ang pamahalaang Taguig sa pamumuno ni Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor Arvin Alit, at City Councilors katuwang ang City Health Office at si 𝗞𝗮𝗽 𝗣𝗲𝗱𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗕𝗲𝗿𝗺𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 ay magsasagawang ng Operation Libreng Tuli sa Barangay Western Bicutan.

Ang programang ito ay isasagawa ngayong Lunes, 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟏𝟎 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝟎𝟔:𝟎𝟎𝐀𝐌 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟎𝟐:𝟎𝟎𝐏𝐌 sa TENEMENT ELEMENTARY SCHOOL AGUHO Room, kung saan First 500 patients ang maseserbisyuhan ng nasabing programa.

Para sa mga menor de edad, kumuha lamang ng Consent Form sa PIO Office, 2nd Floor ng ating Barangay Hall.

16/05/2024

CALLING ALL THE YOUTH!

One of the Members of TANAO YOUTH is an intern from The Masters Psychological Services (TMPS) and they are here to conduct their outreach program called “State of Mind, State of Mine: A Nurturing Program for Wellbeing Enhancement”, scheduled to take place on May 19, 2024 at 2:00 PM in 760 Baao St. Western Bicutan Taguig City, 1630. Join them as they tackle self-awareness, basic hygiene, and socializing.

🍀 They will also have an activities and games where you can win prizes!

❗️❗️ COME JOIN US ❗️❗️

Photos from TANAO ng Kabataan's post 27/01/2024

Maraming Salamat Sangguniang Kabataan - Western Bicutan sa oportunidad na naibigay sa aming organisasyon na maging parte ng pagdiriwang ng Pista ng Parokya ng Ina ng mga Dukha at maging isa sa walong grupo na challenger sa "𝗪𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗕𝗶𝗰𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮 𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟰!".

Ang TANAO
(Tagaganap, Aagapay at Naatasang Aantabay na Organisasyon) para sa kabataan ay handa at buong sumusuporta sa inyong mga programa.

Photos from Sangguniang Kabataan - Western Bicutan's post 24/01/2024

𝑲𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒎𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒑 𝒔𝒂 𝒊𝒌𝒊𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒎𝒐𝒏!

Magpapasiklaban na ang walong grupo ng husay, galing, at diskarte mula sa iba’t ibang panig ng Barangay Western Bicutan. Sino ang magwawagi? Sino ang makapag-uuwi ng kampeonato? Abangan iyan sa 𝗪𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗕𝗶𝗰𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮 𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟰 na gaganapin sa January 27, Sabado, sa harap ng Tenement Elementary School.

Ang programang ito ay handog ng Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan sa pangunguna ni 𝐒𝐊 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐊𝐢𝐦 𝐌𝐚𝐥𝐮𝐛𝐚𝐲 at mga SK Kagawad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Parokya ng Ina ng mga Dukha.

07/12/2023

𝐁𝐞 𝐚 𝐌𝐜𝐃𝐨𝐧𝐚𝐥𝐝'𝘀 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐞𝐞!

Magsasagawa ng one-day hiring activity ang McDonald's Philippines sa 𝘽𝙡𝙤𝙘𝙠 10 𝘾𝙤𝙫𝙚𝙧𝙚𝙙 𝘾𝙤𝙪𝙧𝙩 𝙨𝙖 𝘿𝙚𝙘𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 14, 2023 𝙨𝙖 𝙤𝙧𝙖𝙨 𝙣𝙖 8:00 𝙣𝙜 𝙪𝙢𝙖𝙜𝙖 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 5:00 𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙥𝙤𝙣 sa pakikipagpagtulungan sa Barangay Western Bicutan sa pangunguna ni Kap. Pedrito Bermas at mga Kagawad kasama ang grupong The Choice of the Generation Association.

Ang McDonald's Philippines ay may mga sumusunod na bakanteng posisyon:
𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲𝗲
𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗖𝗿𝗲𝘄
𝗠𝗮𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲
𝗦𝘁𝗼𝗿𝗲 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴

𝗤𝘂𝗮𝗹𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 ( 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗖𝗿𝗲𝘄, 𝗠𝗮𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴)
1. Students- at least senior high or College level
2. For Non-Student at least high school graduate with Diploma.
3. Willing to be trained
4. 17 years old and above

𝗤𝘂𝗮𝗹𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 (𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲𝗲)
1. Graduate for any 4 years course
2. 20 years old and above
3. Willing to be trained

Ang Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan ay hinihikayat ang mga kabataan ng ating barangay na nagnanais na magkaroon ng trabaho lumahok sa aktibidad na ito. Maraming salamat sa McDonald's Philippines sa paglulunsad ng aktibidad na ito sa ating barangay!

14/11/2023

MULING PAGBUBUKAS NG PSA National ID Registration sa BARANGAY WESTERN BICUTAN

VENUE: Matatag Half Court & PNR NAGMANA Satellite

DATE: 14 November 2023, 10AM - 5PM

BASAHIN MABUTI ANG LAHAT NG IMPORMASYON.

1) PhilSys Registration Form 1-A (Maaari itong i-download ng LIBRE sa: BIT.LY/PSA-PHILSYS-REGFORM)
*Gumamit ng BLACK INK BALLPEN at sagutan ang form ng ALL CAPITAL LETTERS.

2) Dalhin ang alinman sa sumusunod na PRIMARY DOCS/IDs:
• SSS/GSID UMID
• LTO Driver’s License o LTO Student Permit
• DFA Philippine Passport

3)Kung walang PRIMARY IDs, maaaring magdala ng DALAWA sa sumusunod na SECONDARY IDs/docs:
• PSA/NSO-Issued Certificate of Live Birth
• Government-issued ID
• Company ID*
• School ID*• Brgy. ID/ Brgy. Certificate of Residence*
*Ang ID ay naglalaman dapat ng full name, picture, date of birth, full address at signature o thumbmark.

⚠️MGA KARAGDAGANG PAALALA⚠️
• IWASAN ANG PAGDADALA NG BURLOLOY AT MAKE-UP tanggalin ang kwintas, contact lenses, malaking hikaw.
• BUKOD SA MGA DOKUMENTO, HUWAG KALIMUTAN ANG FACEMASK AT SARILING BLACK BALLPEN.
• IWASAN ANG PAKIKIPAG-USAP sa ibang tao sa venue upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo.
• HUWAG KUMUHA NG PICTURE sa venue sapagka't baka mahagip ang impormasyon ng ibang indibidwal.

⚠️MGA KARANIWANG TANONG⚠️

Tanong: Kailan makukuha and ID?
Sagot: On-going ang mga delivery sa ating barangay, ayon sa PSA ay hintayin lamang na makarating ito sa inyong bahay. Mag-iwan lang ng authorization letter at claim slip kung sakaling wala sa bahay. Wala pang pahayag mula sa PHILPOST kung bakit delayed ang delivery ng ibang ID.

Tanong: Anong edad ang maaaring mag-register sa ngayon?
Sagot: 5 years old and up.

Tanong: Nakapagregister na ako dati sa house to house ng PSA, ano ang aking kailangan gawin?
Sagot: Pumunta lang sa venue para makaproceed sa BIOMETRICS capture.

Tanong: Ano ang BIOMETRICS?
Sagot: Ito ay ang pagkuha ng litrato, fingerprints at iris details ng isang indibidwal.

Magparehistro na, kabarangay!

Sa pakikipagtulungan ni Kap Pedrito B. Bermas at mga Kagawad at Philippine Statistics Authority.

Photos from TANAO ng Kabataan's post 02/11/2023

🕸𝐓𝐀𝐍𝐀𝐎𝐖𝐄𝐄𝐍 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐋𝐋𝐎𝐖𝐄𝐄𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟑🕸

30/10/2023

🕸𝐓𝐀𝐍𝐀𝐎𝐖𝐄𝐄𝐍 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐋𝐋𝐎𝐖𝐄𝐄𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟑🕸

BALATAN & BAAO STREET | OCTOBER 31, 2023 | 6:00 P.M

Kaming TANAO Youth ay iniimbitahan kayo sa aming gagawing event sa street ng Baao upang magbigay ng konting handog at magpalaro sa mga bata para sa selebrasyon ng Halloween ngayon taon.

Horror House, Photo Booth, at mga palaro ay inaasahan sa nasabing event.

Hinihikayat din ang mga bata na mag-suot ng costume upang maramdaman ang nakakakilabot na HALLOWEEN

SO KIDS, GOODLUCK AND HAPPY TRICK OR TREAT!!! 🎃💀

27/10/2023

The COMELEC Precinct Finder is now back online!

You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Just input the following info: FULL NAME, DATE OF BIRTH and PLACE OF REGISTRATION.

Scan the QR code or click this link:

🔗 https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct

28/08/2023

𝐓𝐀𝐍𝐀𝐎𝐖𝐈𝐍

Isang pagbati sa ating organisasyon, TANAO Youth Organization, para sa pagkamit ng '2nd Best Picture' sa Pelikulaya Short Film Contest na may temang “Green Skills for Youth: Towards a Sustainable World at sa Presidente ng ating organisasyon na si Yram Rapal sa pagkamit ng 'Best Director' sa parehong programa.

We TANAO (Tagaganap, Aagapay At Naatasang Aantabay na Organisasyon) Youth are so proud of you!

Photos from TANAO ng Kabataan's post 22/08/2023

Maraming salamat Sangguniang Kabataan - Western Bicutan sa pagbabahagi ng aming obra sa residente ng Baranggay Western Bicutan sa Pelikulaya Short Film Contest 2023 Film Showing na ginanap noong August 19, 2023 sa tapat ng Tenement Elementary School.

Kami ang TANAO Youth (Tagaganap, Aagapay at Naatasang Aantabay na Organisasyon) para sa kabataan, ay handa at buong sumusuporta sa mga event na tulad nito para sa mga kabataan.

Photos from Sangguniang Kabataan - Western Bicutan's post 22/08/2023

Handa ka na bang ColoRun ang kinabukasan kontra droga sa ating barangay? Ihanda na ang inyong running attire at halina’t samahan ang Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan para sa isang masaya at exciting na fun run na ating handog para sa kabataan ng Western Bicutan!

Siguradong magiging masaya ‘to dahil sabay-sabay tayong mag-e-enjoy hindi lang sa color fun run, kung hindi pati na rin sa music fest and advocacy campaign against illegal drugs para sa Color Fest 2023! Yayain na ang mga tropa at mag-register na sa link na ito para makasali: https://docs.google.com/forms/d/1A78LsbKvgSW4vc_2dNMUVEYaCXL7c0iEqfk66QZuYvc/edit

Ito ay eksklusibo para sa mga kabataan ng ating barangay edad 15 years old pataas. Ang Parent’s Consent Form para sa mga 15 to 17 years old ay pwedeng kuhain sa SK Office | 3rd floor of Multipurpose 1 pagkatapos mag-register sa link na nasa itaas.

Siguraduhing basahin ang ating guidelines para sa event na ito. Ang Color Fest 2023 ay free of registration kaya sali na dahil first 500 successful registration ang maaaring makasali.

Halina’t tumakbo tungo sa isang mas maayos na hinaharap at kinabukasan!

Mobile uploads 19/08/2023

Nais naming ipabatid sa inyo na kami ay lalahok sa isa sa mga programang hinatid ng Sangguniang Kabataan - Western Bicutan para sa darating na linggo ng kabataan, ang Pelikulaya Short Film Contest 2023.

Suportahan ang obra na gawa ng TANAO Youth “Bungang-tulog” at sama-sama nating panuorin at palakpakan ang aming partisipasyon. Magkita-kita tayo mamaya para sa premiere night ng Pelikulaya Short Film Contest na may temang “Green Skills for Youth: Towards a Sustainable World.” mamayang 06:00 pm sa tapat ng Tenement Elementary School.

Maari niyo ring suportahan ang aming obra sa pag-share at pag-react sa aming movie poster.

Ang TANAO
(Tagaganap, Aagapay At Naatasang Aantabay na Organisasyon) nagagalak na makasama sa programang ito.

17/08/2023

Let’s bring your plantita and plantito era back!

Kabataan ng Western Bicutan, makiisa sa isang PlantiTalk workshop to bring out your care for the environment even better! Sa pakikipagtulungan ng Bureau of Plant Industry, samahan ang Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan na matututunan kung paano masisigurado ang pagkakaroon ng food security sa pamamagitan ng urban gardening at iba pa!

Para sa mga interesadong maging bahagi ng workshop, maaaring mag-register sa link na ito: https://bit.ly/SagipKalikasan.

Bukod sa libreng kaalaman, mag-uuwi rin ang mga participants ng libreng gardening starter kits tulad ng plant seeds, pots, pati na mga halaman katulad ng herbs at iba’t-ibang mga gulay para masimulan ang kanilang journey towards a sustainable and greener life!

Magpapahuli ka ba? Huwag ng palampasin ang pagkakataong ito kaya mag-register na! Magkita-kita tayo ngayong August 20, 2023 | 1:00 pm to 06:00 pm sa 2nd floor ng Multipurpose 2.

Photos from Sangguniang Kabataan - Western Bicutan's post 16/08/2023

Lights, camera, action! 🎥

Ipakita na ang galing at talento sa paggawa ng pelikula! Sali na sa Pelikulaya Short Film Contest 2023 handog ng Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan.

Ito ay bukas para sa lahat ng residente ng Barangay Western Bicutan na may edad 15-30 years old. Sa mga interesadong sumali, maaaring kuhain ang registration form sa link na ito: https://drive.google.com/drive/folders/1paRZAoUTOOMbGHKQIb_z17s8hTy2H2YU?usp=sharing at pagkatapos i-fill out ang form ay i-send sa [email protected].

Ang tema ng ating Pelikulaya Short Film Contest 2023 ay “Green Skills for Youth: Towards a Sustainable World” kung kaya’t ito rin ang tema ng mga short film na inyong ipapasa.

Sigurauhin na basahin ang guidelines na nasa ibaba para sa event na ito. Para naman sa iba pang impormasyon, maaaring i-text si Rovic Cambe sa 09917014206.

Photos from Sangguniang Kabataan - Western Bicutan's post 14/08/2023
14/08/2023

Maghanda na, kabataan ng Western Bicutan, dahil paparating na ang isang linggo na puno ng sorpresa!

Simula ngayong August 14 hanggang August 26 ay maghahatid ng saya ang Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan dahil sama-sama nating ipagdiriwang ang Linggo ng Kabataan!

Abangan, makiisa, at sumali sa iba’t-ibang aktibidad at programa na aming inihanda para sa inyong lahat! Sigurado ang saya at garantisado ang ligaya dahil maaari kayong manalo ng exciting prizes.

Ito ay proyekto ng kabataan para sa kabataan ng Western Bicutan. Aasahan namin ang inyong suporta!

Photos from Barangay Western Bicutan's post 27/06/2023
10/02/2023

Ang Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan, sa pangunguna ni SK Chairperson John Fuentes, ay muling magsasagawa ng libreng LET Enhancement Program!

Ang libreng LET review na ito ay binubuksan natin para sa lahat ng nakatira sa Taguig City!

Ang programang ito ay makatutulong sa mga magti-take ng Licensure Exam for Teachers. Sa mga interesadong makasali, maaring mag-register gamit ang link na ito: https://forms.gle/UFK3vdNfiYaYGNV78 Maximum of 50 successful registration ang ating kukunin.

Ang libreng review na ito ay nagsimula na. Ang schedule ng ating review ay nakalista sa baba. Ito ay gaganapin sa 2nd floor ng Multipurpose Hall, 1:00 pm to 5:00 pm.

* February 17, 18, 19 at February 24, 25, 26
* March 3, 4, 1pm-5pm

Paalala: Ang oras ng review tuwing February 17, February 24, at March 3 ay magsisimula ng 5:00 pm to 8:00 pm.

Kabataan para sa kabataan, kabataan para sa barangay Western Bicutan.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Taguig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Baao Balatan Street
Taguig
1630
Other Youth Organizations in Taguig (show all)
Kabalikat sa Makabuluhang Pagbabago (KMP) PUP Taguig Kabalikat sa Makabuluhang Pagbabago (KMP) PUP Taguig
General Santos Avenue
Taguig

The official page of Kabalikat sa Makabuluhang Pagbabago - the first and only non-affiliated student party list organization of PUP-Taguig since 1995.

Supreme Student Government - Taguig Integrated School JHS Supreme Student Government - Taguig Integrated School JHS
Liwayway Street
Taguig

Taguig Integrated School, Junior High School student government.

Lgbtqia+ Central Signal Village Taguig City Lgbtqia+ Central Signal Village Taguig City
Central Signal Village Taguig City
Taguig, 1630

Pinagsama Youth Alliance Pinagsama Youth Alliance
Pinagsama
Taguig, 1630

The only youth-led organization in Barangay Pinagsama that is accredited by Taguig City

LIGHT for Others LIGHT for Others
2/F TPRC 25 F. Manalo Street Tipas
Taguig, 1620

Pay it Forward. Inspiring Students and Devoted Parents. Non Profit Non Stock Organization.

Heneral Scouts Heneral Scouts
Taguig

The Offical page - Gen. Ricardo G. Papa Sr. Memorial High School-Main - Senior Scouts

TSHS - SinAg Scouts TSHS - SinAg Scouts
#5 Manuel L. Quezon Street, San Miguel
Taguig, 1630

Tikas, Angas, Talino, at Lakas! SinAg Scouts' Official page

Taguig Red Cross Youth Taguig Red Cross Youth
3rd Fl. Clock In, Bonifacio High Street, BGC
Taguig, 1630

The Red Cross Youth, one of the six major services of the Philippine Red Cross which aims to involve the youth in service delivery through honing their leadership skills, is consti...

MCYO Kabataang Condominium MCYO Kabataang Condominium
Panangan Pangandaman
Taguig, 1630

Maharlika Condominium Youth Organization Consulation to our Senior Consultan of Condominium

Looban's Pride Taguig Looban's Pride Taguig
Taguig, 1633

A1

Tropa Tayo Dito Tropa Tayo Dito
Taguig City
Taguig, 1630

Strangers to Friends that last longer than expected. Now we are creating a memory that helps others.

RPACT - Ricardo Papa Against Child Trafficking RPACT - Ricardo Papa Against Child Trafficking
26 Gen. Luna Street Ususan Taguig City
Taguig, 1630