Intelektwalisasyon
Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino
Ang wika ay....
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon - Commission on Higher Education
Salo-salo o Salusalo?
Tungkol ulit ito sa paggamit ng gitling (-) sa mga nag-uulit na mga salita. Pero imbes namay mali, parehong tama pareho ngunit may kaibahan, lalo na sa ibig-sabihin. Ang una, salo-salo, ay ang pagtawag o pagsamo sa mga kasama na makisama sa pagkain. hal.
Magsalo-salotayo mamayang hapunan. Ang huli naman, salusalo, ay patungkol sa isang handaan o party. hal.May salusalo para sa kaarawan ko.
Ayon kay G. Almario, ang gitling (-) ay hindi lamang isang punctuation kundi isa ring simbolo,simbolo ng paghihiwalay. Isa pang halimbawa na kagaya ng salo-salo at salusalo:halo-halo = mga iba't ibang bagay na pinagsama-samahaluhalo = ang paboritong palamig ng Pilipino (Mukhang mali ata ang pagbaybay sa Chowking)Hindi lamang sa mga pag-uulit ng salita nagkakaroon ng pagbabago sa ibig-sabihin sa paggamitng gitling (-) dahil nangyayari rin ito sa mga pinagsamang salita. Halimbawa ay ang dalagang- bukid at dalagambukid. Dahil sa pagkakahiwalay na ginagawa ng gitling (-) sa dalagang-bukid,ay nagbibigay ng katangian sa isang dalagang lumaki sa kabukiran. Ang huli naman ay isang pangalan ng isang isda. Makikita sa mga halimbawa na mahalagang simbolo na ginagawa ng gitling (-) upang magbigay ng ibig-sabihin at laman ng salita
Ala-ala o Alaala?
Ayon kay G. Almario, nagkakaroon daw ng pagkakamali sa paggamit ng gitling (-) dahilsa pagkalito at pagiging ignorante. Para sa halimbawang ito, ginagamit ang gitling (-), sa pag-uulit ng mga salitang ugat. Ilang halimbawa ng tamang paggamit ng gitling (-) ay :
sari = sari-sarisamot = samot-samot
ilog = ilog-ilugan
Mali ang unang pagbaybay na "Ala-ala" dahil wala namang salitang ugat na "ala" sa wikangPilipino.
Natutunan o Natutuhan?
Isa itong halimbawa ng "nakasanayan na ngunit mali." Marami marahil sa atin anggumagamit ng unang salita, sa pagbanggit at pagsulat, imbes sa huli. Ngunit, sa katotohanan ay"natutuhan" ang tamang pagbanggit at pagsulat dahil, bilang panlapi, "-han" ang tama habangwala naman talagang "-nan" bilang isang panlapi.
Ang naaayon lamang na huling panlapi ohulapi ay "-hin," "-han," "-an," at "-in."Para patunayan ang puntong ito, nagbigay ng mga halimbawa si G. Almario ng mga salita na parang may "-nan" na hulapi. Ilan dito ay ang mga salitang katotohanan at hagdanan.
Kung puputulin ang mga salita sa kanilang mga panlapi at salitang ugat, ito ang mangyayari:katotohanan => ka + totoo + han + an hagdanan => hagdan + an Kita rito na isa lamang ilusyon ng pagbigkas ang "-nan" na hulapi.
“Isang malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang maipon ang lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa. Hanggang hindi nakabubuo ng isang aklatan ng mga salin mula sa iba’t ibang katutubong wika sa Pilipinas at mula sa mga pangunahing wika ng daigdig, mga salitang magtatanghal sa masalimuot na karanasan at kasaysayang pambansa at sisinop sa pinakadakilang mga tagumpay ng sangkatauhan, ay hindi pa maipagmamalaki ang lusog at tatag ng Filipino bilang wikang pambansa.
Pebrero 10, 2023
Ano ang pagsasalin?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Telephone
Website
Address
8100
BLK14 LOT18 VILLA MAGSANOC BRGY MANKILAM
Tagum City
All about my life, journey, learnings, experiences, failures, winnings, and most of all success!
APOKON Road
Tagum City, 8100
This page is for Educational Purposes and for Academic Organization . It helps the student to know what is happening in our organization through this page.
BLK14 LOT18 VILLA MAGSANOC BRGY MANKILAM
Tagum City
All about my life and journey being an ESL teacher @ 51 TALK
Near New Cityhall STI Building Apokon Road, Barangay Apokon
Tagum City, 8100
Purok 11, Barangay San Miguel
Tagum City, 8100
The Supreme Pupil Government (SPG) of Laureta Elementary School is the Philippines' program for pupils government in elementary develop youth as future young leaders of the nation....
Apokon
Tagum City, 8100
Official College of Teacher Education and Technology public affairs page.For your information ,anno