Kuya Doc Pharmacy+Clinic

Kuya Doc Pharmacy+Clinic

We offer BRANDED and GENERIC ITEMS, CONSULTATION AND LABORATORY SERVICES. Send us a PM for more info! Doctor's Clinic is also available by appointment

18/06/2024

ANNOUNCEMENT!

WALA PO MUNANG CHECK-UP / LABORATORY.
NAKA-LEAVE PO ANG ADMIN GANUN DIN PO ANG DOCTOR, KAYA WALA PONG MAKAKAPAG ACCOMMODATE SA MGA INQUIRIES OR CONCERNS PO NINYO UNTIL NEXT WEEK.

PERO OPEN PO ANG PHARMACY ‘TIL FRIDAY (JUNE 21) PARA SA MGA BIBILI NG GAMOT.

BY JUNE 24 PA PO ULIT BABALIK SA NORMAL SCHEDULE ANG BOTIKA/CLINIC/LABORATORY.

Photos from Kuya Doc Pharmacy+Clinic's post 10/04/2024

Nandito na po lahat ng information na kailangan ninyo. Paki-click na lang po ng picture at paki-basa na lang po ng details. Salamat po!

📍Location: Kuya Doc Pharmacy, Block 65, Phase 2, Carissa Homes, Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.
(Malapit po sa Phase 2 Talipapa/Traysikelan)

31/03/2024

CIRCUMCISION (TULI) AVAILABLE SOON!!!

18/02/2024

Available po ang LABORATORY SERVICES
EVERY WEDNESDAY & FRIDAY
9:00AM-10:00AM
dito po sa Kuya Doc Pharmacy+Clinic, Phase 2, Carissa Homes, Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.
Pwede po mag walk-in pero priority po ang nakapag-book ng appointment.
Salamat po! See you!😊
+Clinic
!

04/02/2024

Available na po ang LABORATORY SERVICES dito sa Kuya Doc Pharmacy + Clinic.

Every WEDNESDAY & FRIDAY
9:00AM-10:00AM ONLY!

Sa mga MAGPAPA-LABORATORY po, pwede po mag walk-in basta pasok sa time between 9:00AM-10:00AM at nakapag FASTING po ng 10-12 hours.
Pero much better pa rin po kung nakapag book po kayo ng appointment para priority po kayo sa pila.

Sa mga MAGPAPA-CONSULT naman po, we are still by APPOINTMENT ONLY! Dahil tentative po palagi ang sched ni Doc.

We are located @ Block 65, Phase 2, Carissa Homes, Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.
(Malapit po kami sa talipapa at traysikelan).

Maraming salamat po!
+Clinic

23/01/2024

Nestogen 0-6months, 6-12months, 1-3yo is now available!!

23/01/2024

Bear Brand Junior is now available!!

23/01/2024

Now available!!

Photos from Kuya Doc Pharmacy+Clinic's post 23/11/2023

ANO NGA BA ANG RASON KUNG BAKIT HINDI PO KAMI NAGDIDISPENSE O NAGBEBENTA NG KAHIT NA ANONG URI NG ANTIBIOTICS NG WALANG RESETA GALING SA DOCTOR?

Marami po ang nagtatanong at madalas ay nagagalit po sa amin dahil hindi daw po kami nagbebenta ng antibiotics kapag walang dalang reseta, samantalang sa ibang botika daw ay nakakabili naman daw po sila (which is wrong po at hindi po dapat nila ito ginagawa)

Kung tutuusin po ay income na po sana namin iyon everytime na bibili po kayo sa amin ng antibiotics kahit walang reseta galing sa Doctor, pero bakit hindi po namin ito ginagawa at inaallow? Simple lang po, dahil mas priority po namin ang kalusugan ninyo kesa sa perang kikitain po namin.

Gaya po ng nasa larawan, ang maling pag-inom po ng antibiotics ay lalo pong nagdudulot ng hindi magandang epekto at sakit sa ating katawan at kalusugan. Ito po ang tinatawag na “ANTIBIOTIC RESISTANCE”.

Bakit po mahalaga ang reseta galing sa Doctor bago bumili ng antibiotics? Dahil sila po ang mas tiyak na nakakaalam kung anong klase o uri ng ANTIBIOTICS ang naaangkop po sainyo at sainyong sakit, dahil marami at iba-iba po ang uri at dosage po ng mga antibiotics at may tamang bilang rin po kung ilang beses at kung gaano ito katagal iinumin.

Mahalaga pong tama at angkop ang antibiotics na inyong iniinom at matapos po ninyo ito ng naaayon sa bilin at rekomendasyon po ng inyong Doctor.

Inyo din pong tandaan na hindi po porket nakapagpakonsulta at naresetahan na po kayo ng antibiotics “DATI” ay yun parin po ulit ang bibilhin at iinumin po ninyo ngayon (mali po yun).
Gaya nga po ng aming nabanggit, iba-iba po ang uri ng antibiotics at nakadepende po sa sakit at assessment po ng Doctor ninyo ang kasalukuyang naaangkop po na antibiotics o gamot na dapat po ninyong inumin.

Sa mga pasyente naman po na medyo gipit at wala pong sapat na pera upang makapagpa-konsulta sa mga private clinics, maaari po kayong komunsulta sa mga Barangay or Municipal Health Center para po sa libre o kaya naman ay murang konsultasyon upang kayo po ay mabigyan ng tamang reseta ng gamot na inyong iinumin.

Importante pong meron tayong kaalaman lalong-lalo na po sa tamang pag-inom ng mga antibiotics.

Maaari niyo rin pong ibahagi sainyong mga kakilala o mahal sa buhay ang impormasyong ito upang ng sa gayon ay makatulong po tayo na makapagbigay-alam o makapagbahagi ng mahahalagang impormasyon kagaya po nito sa iba.

23/11/2023

‼️PAUNAWA SA MGA PASYENTE O MAMIMILI NA PUMUPUNTA PO DITO SA AMING BOTIKA AT KLINIKA‼️

- Mangyari pong inyong BASAHIN, UNAWAIN AT SUNDIN ang mga nakapaskil na “PAALALA O PAUNAWA” sa aming botika at klinika para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan lalong-lalo na po sa mga gustong magpa-konsulta.
Malinaw naman pong nakalagay at nakapaskil sa aming Botika, Klinika at page na nakadepende po sa “availability” po ng aming Doctor ang oras ng consultation dito sa aming Botika at Klinika dahil may mga panahon o oras po na HINDI AVAILABLE SI DOC dahil hindi lang po dito sa amin nagki-Clinic si Doc dahil may clinic pa po siya sa iba o kaya naman ay nasa Ospital at nag-o-opera. Kaya po hinihikayat at pinatutupad po namin na magpabook po muna ng appointment bago po kayo pumunta rito para magpakonsulta upang masigurado po natin na available po ang Doctor sa nais ninyong araw o oras.

- Para po ulit sa mga MAGPAPAKONSULTA, kung sa tingin po ninyo ay EMERGENCY po ang kaso ng inyong pasyente, wag niyo na pong dalhin dito at ideretso niyo na po sa pinakamalapit na Ospital na may kapasidad pong ma-accommodate o maibigay ang lunas at serbisyo na kailangan po ninyo at ng inyong pasyente. KAMI PO AY FOR CONSULTATION LANG!

- Sa mga PASYENTENG NAGWAWALK-IN O NAGMAMADALI po at gustong makonsulta kaagad, kung kayo po ay nagmamadali at hindi na po kayo nakapagbook ng appointment sa amin at pumunta po kayo rito at WALA PO O KAYA NAMAN AY HINDI AVAILABLE ANG DOCTOR we suggest na pumunta o humanap na lang po kayo ng iba pang clinic na malapit at HUWAG NA PONG MAKIPAGTALO O IPILIT NA ORA MISMO AY MAKONSULTA PO KAYO LALO NA PO KUNG WALA NAMAN PONG DOCTOR NA AVAILABLE DITO SA AMIN!!

- Mangyari rin pong maging magalang at gumamit ng mga naaayong salita kapag kayo po ay nakikipag-usap, bibili o magpapakonsulta. Hindi po namin tinotolerate ang ano mang uri ng pambabastos o hindi magandang pag-uugali, asal at pananalita ng mga customer towards sa aming Staff, Doktor at iba pang mga taong nandito sa loob ng aming Botika at Klinika.

- Mayroon po kaming mga CCTV po dito na makakapagpatunay sa kung ano mang hindi kanais-nais na pananalita, gawa at pakikitungo po ninyo sa aming staff (kung sakaling kailanganin man).

- SERBISYO AT MGA GAMOT lang po ang binabayaran ninyo rito, HINDI PO KASAMA SA BINAYARAN NINYO ANG KARAPATANG MAG-ATTITUDE O MAMBASTOS SA SINUMANG TAONG NARITO.
(Kadalasan kasi sa iba eh nambuburaot na nga lang at hindi naman bibili o magpapakonsulta pero sobra pa kung mag-attitude!) Sorry pero hindi po namin tinotolerate yan dito.

- Pasensya na po at hindi po uso sa amin ang katagang “Customer is always right” kapag alam po naming hindi maganda ang pag-uugali at pananalita ang pinapakita sa amin ng customer ay hindi po namin kayo kukunsintihin. Mas gugustuhin pa po naming SA IBA NA LANG KAYO BUMILI AT MAGPAKONSULTA KESA BASTUSIN NIYO KAMI PARA LANG SA KAKARAMPOT NA HALAGA!

- RESPECT BEGETS RESPECT!!

-CUSTOMER IS “NOT” ALWAYS RIGHT!!

We would also like to take this post as a chance na MAGPASALAMAT sa mga CUSTOMER NAMIN NA MABABAIT, NAKAKAINTINDI AT SUMUSUNOD po sa aming mga PANUKALA, PAALALA AT PAUNAWA. Makakaasa po kayo na mas lalo pa po naming pagbubutihin at pauunlarin ang aming Botika at Klinika upang mabigyan po kayo ng mas dekalidad na produkto at serbisyo. MABUHAY PO KAYO!🧡

Photos from Kuya Doc Pharmacy+Clinic's post 31/10/2023

Bukas ulit kids!😊🎃👻
-
Welcome po ang lahat ng kids sa Kuya Doc Pharmacy💊 para mag 🎃.
Kahit under renovation po ang ating pharmacy tuloy pa rin po ang pamimigay ng treats sa mga kids.😊
!🎃
👻

05/10/2023

Restock po tayo today!😊

Photos from Kuya Doc Pharmacy+Clinic's post 03/01/2023

Congratulations po sa ating mga Raffle Winners!🎉💕

26/12/2022

Mag start na po kami ng mabilisang live maya-maya lang para sa Raffle Draw. Paki-ready na po ang mga ticket ninyo.
Good luck!💕

25/12/2022

Bukas na po ang ating Raffle Draw
December 26, 2022 (Monday) - 12:00nn via Facebook Live!

Grand Prize:
1 winner of Brand new set of nebulizer

Consolation Prizes:
5 winners of 1 box of vitamin C, 1 box of multivitamins, hygiene products and more!!!

10/08/2022

WE ARE OPEN!!
Daily, 9:00am-9:00pm.

Come and visit us at our new location in Phase 2, Bagtas, Tanza, Cavite.

20/06/2022
01/06/2022

Congratulations our very own Gerrymie for passing the National Pharmacy Services NCIII (written, oral & practical) Examination! We are so proud of you!!!

From your KDP family ❤️

22/01/2022

Available na po ulit ang Erceflora!
💊

22/01/2022

Available na po ulit ang Biogesic!
💊

01/01/2022

We're open today!
!🥳

07/12/2021

May stocks na po ulit ang Pills natin!🥰

26/10/2021

We're OPEN DAILY from 9:00AM-9:00PM!
+💊
!💊

29/05/2021

Re-stock po ulit!❤
💊

Want your business to be the top-listed Health & Beauty Business in Tanza?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Tanza
4108

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 8pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm
Saturday 8am - 8pm
Sunday 8am - 12pm

Other Pharmacies / Drugstores in Tanza (show all)
GLUO Pharmacy Amaya 1 GLUO Pharmacy Amaya 1
Amaya 1
Tanza

Right Dose Pharmacy Right Dose Pharmacy
Daang Amaya II Tanza
Tanza, 4108

Right Dose Pharmacy is a community type pharmacy within Brgy. Daang Amaya 2 Tanza, Cavite. The business will be able to reach out to families and individuals in the community and p...

Mobile Laboratory - Generika Daang Amaya Tanza Mobile Laboratory - Generika Daang Amaya Tanza
Daang Amaya Rd. Corner A. Soriano Avenue
Tanza, 4108

Emerald Pharmacy Emerald Pharmacy
Tanza, 4108

IHJA Pharmacy IHJA Pharmacy
Tanza, 4108

Generika Bagtas Generika Bagtas
Bagtas
Tanza

Dahil sa Generika Drugstore, laging may Plus ka! :)

Southstar Drug Southstar Drug
TANZA-TRECE Road DAANG AMAYA 1 TANZA, CAVITE
Tanza, 4108

JARMed Drugstore JARMed Drugstore
B1 L2 Remulla Drive Brgy. Sahud Ulan
Tanza, 4108

C.B.F Pharmacy C.B.F Pharmacy
A. Soriano Highway Postema
Tanza

Tgp Puregold Tanza Tgp Puregold Tanza
Tanza, 4108

"The Generics Pharmacy - TGPagpagaling ng Pilipinas"