Tarlac Muslim Converts Association Inc.

Let us bring back Islam into our life

Every child is born in the state of Fitrah (submission to the will of our Creator) and they are called muslims, but their parents cause them to be Jew, Christians, or Megan.

04/05/2022
01/05/2022

Eid Mubarak po sa lahat ng Kapatiran sa Islam!
Kita-kits po tayo bukas ng 7:00 ng umaga sa Maria Cristina Park, Provincial Capitol, San Vicente Tarlac City.

“Taqabbalallahu Minna Wa Minkum”

29/04/2022

Assalaamu'alaykum wa rahmatullah wa barakatuh!

Sa nalalapit na pamamaalam ng Buwan ng Ramadan, ang Tarlac Muslim Converts' Association (TMCA) sa pamumuno ni Bro. Yusuf Lopez ay taos-pusong iniimbitahan ang lahat para sa gaganaping Salatul Eid'l Fitr.

Pagkatapos ng dalawang taong hindi natin pagsasama-sama dahil sa pandemya ay muli po tayong magkita-kita sa pagsasagawa ng EID'L FITR CONGREGATIONAL PRAYER.

https://www.google.com/maps/place/Maria+Cristina+Park,+Tarlac+City,+Tarlac/@15.4809737,120.5878051,15z/data=!4m5!3m4!1s0x0:0x50876e94685ddf41!8m2!3d15.4809737!4d120.5878051?hl=en

21/10/2021
Photos from Tarlac Muslim Converts Association Inc.'s post 21/07/2021

Eidukum saedun
Ang Jama'ah ng TMCA ay bumabati sa boong mundo ng EID MUBARAK, Taqabballahu minna wa minkom. salihal A'amal.

Ang unang sampong 10 araw ng Dhul Hijja ay ang mainam at kamahal mahal kay Allah ang gawaing pagsamba dito, ganun paman sa loob ng 10 araw na ito ay may isang araw na masdakila para kay Allah, ito ay ang tinawag na YAWMUN NAHR, Araw ng pag-alay, ito ay ang ika sampo ng Dhul Hijja o araw ng Eid, at ang mainam na pagsamba sa araw na ito ay ang pag-aalay ng hayop o qurban Udhiya para kay Allahu Subhanahu wa taala.

Photos from Tarlac Muslim Converts Association Inc.'s post 11/07/2021

the finale.

pangalagaan nawa kayo lahat ng Allah at ilayo sa kayo sa inyong ikakapahamak 😊😊

Photos from Tarlac Muslim Converts Association Inc.'s post 11/07/2021

class picture.

Photos from Tarlac Muslim Converts Association Inc.'s post 11/07/2021

Dhuhor prayer.

pangalagaan nawa ng Allah ang lahat ng Jama'ah ng TMCA at lahat ng kamusliman sa boong mundo

Photos from Tarlac Muslim Converts Association Inc.'s post 11/07/2021

photo taking during lecture, alhamdulillah matagumpay ang lecture for this month.

nawa ang lahat ay natuto, at gantimpalaan nawa tayo ng Allah ang ating pagsusumikap pag-aralan ang ating relihiyon upang tayo ay manatili sa tamang aqedah,
at ilayo nawa tayo ng Allah sa ligaw na aqeda.

pangalagaan nawa ng Allah ang ating Sheik na walang pagod magbigay sa atin ng tamang aral amen.

10/07/2021

Meeting ng Jama'ah ng Sheikh Hazza Alhazza Mosque (Masjid Sham) ng Brgy. Balingcanaway Tarlac City para sa paghahanda sa magaganap na lecture sa kanilang masjid, sa Lingo 7/11/2021.

biyayaan at pangalagaan nawa silang lahat ng Allah.

09/07/2021

ASSALAMU ALAYKOM PO brothers & sisters

TMCA Monthly lecture for this coming Sunday 7/11/2021

Speaker; Sheik Omar.

Venue; Masjid Sheik Hazza Alhazza, in Brgy. Balingcanaway Tarlac City.

Time; 9:am

Prophet Muhammad ﷺ said "Seeking knowledge is obligatory for every Muslim man and woman".

22/06/2021

Alhamdulillah MashaAllah sa Masjid Alfurqan ay may lecture mula sa kitab ni Imam Annawawi Rahimahullah. , ito ay ginaganap after magrib sa gabi ng , , , alternate po MashaAllah.

Photos from Tarlac Muslim Converts Association Inc.'s post 21/06/2021

Alhamdulillah, TMCA Monthly Lecture sa buwan ng June 13, 2021 matagumpay na naidaus sa Masjid Alfurqan Tibag Tarlac City.

InshaAllah magkita kita po tayo ulit sa susunod na buwan.

.

Photos from Tarlac Muslim Converts Association Inc.'s post 13/06/2021

Assalamu alaykom wa rahmatullah wa barakatuh , ito po ay preparation para sa lecture gaganapin mamaya inshaAllah,
Masjid Al-furqan, Barbon Tibag Tarlac City.
June 13 2021.

22/05/2020

The Eid'l Fitr will be on the 24th of MAY, 2020 as declared by DARUL IFTA BARMM.

22/04/2020

Ramadan 2020

Source: Regional Darul-Ifta' BARMM

TMCA EXTEND HELP TO MUSLIM COMMUNITIES IN TARLAC. 31/03/2020

https://m.youtube.com/watch?v=AvkHhnOHfp0&feature=share

TMCA EXTEND HELP TO MUSLIM COMMUNITIES IN TARLAC. Sa panahon ng sakuna kailangan magtulungan ang bawat isa upang malayo tayo sa kapahamakan. Madami sa ating mga kapatid ang nangangailangan ngayon kaya't napa...

Photos from Tarlac Muslim Converts Association Inc.'s post 29/03/2020

TMCA Relief Operation amidst the CoVid-19 for our Muslim Brothers and Sisters in the Province of Tarlac led by Bro. Yusuf Lopez, TMCA President.

May Allah (swt) bless and reward all the people behind this with goodness fiddunya wal Akhira.
“Whoever relieves a believer’s distress of the distressful aspects of this world, Allah will rescue him from a difficulty of the difficulties of the Hereafter. Whoever alleviates [the situation of] one in dire straits who cannot repay his debt, Allah will alleviate his lot in both this world and in the Hereafter. Whoever conceals [the faults of] a Muslim, Allah will conceal [his faults] in this life and the Hereafter. (Muslim)

Du'a for Corona Virus
“ اللَّهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنَ الْبَرَصِ وَالْجُنُونِ وَالْجُذَامِ وَمِنْ سَيِّئِ الأَسْقَامِ‏”

“Allahumma inni audhubika minal barsi, wal junooni, waljuzaami, wa min sayyil asqaam”

“O Allah, I seek refuge in Thee from leprosy, madness, elephantiasis, and evil diseases.”
—Sunan Abu Dawood, Hadith 1554

28/03/2020

﴿فَٱذۡكُرُونِيٓ أَذۡكُرۡكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لِي وَلَا تَكۡفُرُونِ﴾

Tagalog
152. Kayat alalahanin ninyo Ako sa pamamagitan ng pagsunod at pagsamba sa Akin, nang sa gayon ay aalalahanin Ko (rin) kayo sa pamamagitan ng pagpapatawad at labis na pagmamahal. Ako lamang ang dapat ninyong pasalamatan sa salita at gawa. Huwag ninyong ipagsasawalang-bahala ang Aking mga biyaya sa inyo.
English
152. Therefore remember Me (by praying, glorifying, etc.). I will remember you, and be grateful to Me (for My countless Favours on you) and never be ungrateful to Me.
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱسۡتَعِينُواْ بِٱلصَّبۡرِ وَٱلصَّلَوٰةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ﴾

Tagalog
153. O kayong mga naniwala! Humingi kayo ng tulong mula sa Allâh sa lahat ng inyong mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagtitiis sa mga nangyayaring sakuna sa inyo, sa mga pagsubok na inyong mga nararanasan, at pag-iwas sa mga kasamaan at sa mga kasalanan; at pagtitiis habang gumagawa ng mga ipinag-uutos at mga kabutihan; at pagsa-Salâh bilang kapanatagan ng kalooban; at pagbabawal sa lahat ng mga imoral na gawain na tulad ng pakikiapid at iba pang kasamaan. Katiyakan, ang Allâh ay kasama ng mga matiisin sa pamamagitan ng Kanyang tulong at gabay.

Sa talatang ito, isinasaad na ang pagiging bukod-tanging pakikisama ng Allâh ay para lamang sa mga mananampalataya na katulad ng naipaliwanag. Magkagayunpaman, ang pangkalahatang pakikisama ng Allâh ay nangangahulugan ng Kanyang malawak at walang hangganang kaalaman at pagmamatyag sa Kanyang mga nilikha.

English
153. O you who believe! Seek help in patience and As-Salat (the prayer). Truly! Allah is with As-Sabirin (the patient ones, etc.).
﴿وَلَنَبۡلُوَنَّكُم بِشَيۡءٖ مِّنَ ٱلۡخَوۡفِ وَٱلۡجُوعِ وَنَقۡصٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَنفُسِ وَٱلثَّمَرَٰتِۗ وَبَشِّرِ ٱلصَّٰبِرِينَ﴾

Tagalog
155. At sinusubukan Namin kayo sa mga pangkaraniwang bagay na tulad ng pagkatakot sa inyong mga kalaban, kagutuman o kakulangan sa pagkakamit ng yaman --- na bagamat hirap na hirap na ay hindi pa sapat ang nakakamit o hindi kaya ay pagkawala nito, pagkasawi ng mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pangkaraniwan na kamatayan o di kaya ay pagka-Shaheed* ng isa sa Daan ng Allâh; at kakulangan sa inaaning mga bungang-kahoy (na tulad ng Tamr o datiles), mga prutas, at sa inaaning mga butil (na tulad ng mga mais, ginagapas na palay at iba pa) o di kaya ay pagkasira ng mga ito. Subalit ibigay mo sa kanila, O Muhammad (ﷺ), ang magandang balita sa mga nagtataglay ng katangiang pagtitiis, na nakakayanan nila ang mga nabanggit at iba pang mga pagsubok. Ibigay mo sa kanila ang balitang magpapagalak sa kanila hinggil sa kanilang magandang kahihinatnan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.

English
155. And certainly, We shall test you with something of fear, hunger, loss of wealth, lives and fruits, but give glad tidings to As-Sabirin (the patient ones, etc.).
Surah Al-Baqarah

03/03/2020

Assalaamu'alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh!

Ang TMCA ay magkakaroon ng Buwanang Islamikong Pagtitipon mula kay Shiekh Omar sa darating na Linggo, Ika-8 ng Marso, 2020, alas otso ng umaga, na gaganapin sa MASJID SHEIKH HAZZA AL HAZZA, Blk 3 Balingcanaway, Tarlac City.

Inaanyayahan ang mga kapatid sa pananampalataya na makadalo sa nasabing pagtitipon.

Jazakumullahukhair!

Timeline photos 25/06/2017

Eid Mubaarak sa lahat ng Kapatiran sa Islam!
Taqabal Allahu minna wa minkum salihaal amal 🎉🎈♥

13/06/2017

KAPAG PANTAY NA ANG IYONG PAA

Ano kaya ang mangyayari bukas?
Handa kana ba kung ano ang darating sa iyong buhay?
Saan ka tutungo?
Ano ang iyong kinabukasan?
Alam mo ba ang iyong Future?

Ito ang mga dapat natin isaalang-alang. Araw araw tayo ay nabubuhay dito sa mundo, nagawa kaya natin ang nais ng ating Tagapaglikha?

Ano na ang nagawa mo para sa iyong sarili? o baka pinamimigay mo lang ang iyong mga mabubuting gawa sa mga tao na kinagagalitan mo sa pamamagitan ng paninira mo sa kanila at walang tigil na pagpapakita ng galit at pagkamuhi sa kanila. kung minsan inuudyukan pa natin ang iba na makaramdam din ng galit sa taong ating kinagagalitan. kinukuha ang simpatya ng iba upang mapanindigan ang galit na ating nararamdanan. kung maalam ka tungkol sa kabilang buhay paghandaan mo ito aking kapatid sa Islam.

Sa aking pagkaalam ang mahal na Propheta Muhammad (saw) ay hindi nagagalit sa mga tao na nagkakamali ngunit kinagagalitan niya ang kanilang mga maling gawain. Kung tayo ay tuluyang nagagalit sa ating mga kapwa ano pa kaya ang ating magagawa para sa tinatawag na dawah? kung kagagalitan natin ay yung kanilang masamang gawain mapapangalagaan natin ang ating mga sarili na hindi natin gagawin ang kasamaan na iyon, ngunit kapag nangibabaw ang galit natin sa tao hindi na natin siya kakausapin hanggang ang mga puso natin ay mapalayo na sa kanila at magdudulot ito ng pagkakawatak watak, ganito ang istratehiya ng Shaytan " Divide and Conquer" ngunit kung tayo ay may pagkakaisa hindi tayo matatalo ng kalaban.

Kung ibinibilang natin ang ating mga sarili na may alam sa pananampalatayang islam. Gayahin natin ang Propheta Muhammad (saw) dahil siya ang isang mabuting huwaran para sa sangkatauhan.

Hindi ako iskolar ng Islam tulad ng ibang Ulama natin, ngunit sa aking pagtanggap ng Islam, bilang aking panuntunan ng buhay, aking nauunawaan kung ano ang nais ng Allah para sa akin. Inihanda ko ang aking sarili para magtagumpay ng aking pananampalataya dahil ayaw kong maitapon sa apoy ng Impiyerno.

Hindi ko masisisi sa iba ang aking mga ginawa at hindi dapat maghanap ng dahilan para ikatwiran at pagtakpan ang aking mga maling nagawa. Marami ding tao ang laging nangangatwiran sa mga kamalian na kanilang ginawa. Hindi pa ba sapat ang Allah para sa atin bilang saksi sa kung ano man ang nagyari sa atin?

Sa kabilang buhay tatanggalin sa atin ang pinakamagandang katangian na ibinigay ng Allah sa atin dito sa mundo, ang PANGANGATWIRAN, at magsasalita ang ating katawan laban o pabor sa atin.

May mga mahal tayo sa buhay at sila ay ating iniingatan. Gusto natin makasama sila sa kabilang buhay ngunit kung minsan may mga pangyayari na hindi maiwasan tulad ng alitan at tampuhan. Ito ang mga nagiging dahilan ng pagkakahiwalay o pagkasira ng ating pamilya. kung totoo ang ating pagmamahal sa ating pamilya maging responsable tayo sa kanila at inagtan sila sa abot ng ating makakaya.

Sa paglisan mo sa mundo ano ang maipapamana mo sa mga mahal mo sa buhay?

Katiyakan makikilala sila ng ayon sa iyong pagkatao. kung ano ka ay mamamana at makikilala ang iyong angkan sa ganoong pagkilala.

"Ah yan yung anak ni.... yung magnanakaw"
"Ah yan yung anak ni.... yung adict."

Ngunit kung pagbubutihan natin ang ating pamumuhay sa mundo makikilala ang ating angkan bilang mabuti at ikararangal ito ng ating pamilya.

Sa ating pagpanaw iiyak kaya sila o matutuwa?

Huwag kakalimutan aking kapatid tayo ay parehas na nagsasabi ng "La illaha illallah muhammadar rasulullah" di tayo dapat magtalo.

Sino ang totoong kalaban? Ang Shaytan!

Nakakadena ang shaytan sa buwan ng ramadan ngunit marami parin ang nagpapakita ng masamang ugali. Yan ang naitanim ng shaytan sa ating mga sarili kaya't aking kapatid labanan natin ang kasamaan ng ating sarili kung totoong nagnanais tayo ng tagumpay sa kabilang buhay. Pigilan ang ating mga dila sa pananakit sa ating kapwa.

Ito ay palala sa akin at ganoon din sa inyo aking kapatid sa pananampalataya bago pa MAGPANTAY ANG AKING MGA PAA.

Alhamdulillah hirrabbil alamin.

Bro. Yusuf Ocampo

Timeline photos 27/11/2016

Inna Lillahi wa Inna Ilayhi Raji'oon

Mga Kapatid, isama po natin sa ating mga Dua ang ating kapatid na si Sheikh Nuh Capariño na patawarin siya sa kanyang mga kasalanan at tanggapin nawa siya nang Allaah swt sa Jannatul Firdaus.

Inna Lilla-hi Ma A'kha'tha, Wallahu Ma A' Ta Wa Kolla Shay-In 'Indahu Bi-Ajalin Musamma.. Faltasbir Wal Ta'htasib.

Katotohanan, anumang binawi nang Allaah swt, ay Kanya at anumang kanyang ibinigay ay Kanya at sa lahat nang bagay ay binigyan Niya nang taning, kaya magtiis at pagkakalooban ito nang gantinpala nang Allaah swt.

⬇⬇⬇ Ito na yata ang latest picture na kasama ka nang TMCA.
Hanggang sa ating muling pagkikita mahal naming kapatid.

26/11/2016

Assalaamu'alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh.
Nawa'y atin pong isama sa ating mga Du'a ang ating kapatid na si Bro. NUH CAPARIÑO, na kasalukuyan po ngayong 50/50 sa ospital. Siya po ay binaril habang nag-iimaam ng salatul isha at habang nakasujood.

أَسْأَلُ اللَّهَ الْعَظِيمَ رَبَّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ أَنْ يَشْفِيَكَ

Timeline photos 13/05/2016

Sa darating na lunes, sino man ang nag-nanais na alam at kilalanin ang buhay ng dakilang tao na si Propeta Muhammad(saw) magkakaroon po tayo ng lecture.

Para sa mga delatye nasa picture po sa baba.

Timeline photos 07/04/2016

Assalaamu' alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh, brothers and sisters.

Ito ang ating schedule para sa ating lecture sa bakasyong ito at makakasama rin nating, ang ating pinamahal na Sheik Musa Marcelo.

Kung sino man ang magshare o magbalita ng mensaheng ito sa kanyang kapatid ay, in sha Allah, bibiyayaan sya ni Allah(swt) sa bawat tao na pupunta sa lecture ng dahil sa kanyang ibinalita.

Timeline photos 16/07/2015

Assalaamu' alaikum wa rahmatullah wa barakatuh!

EID'L FITR MUBAARAK
1436/2015
تَقَبَّلَ اللّهُ مِنَّا وَ مِنْكُمْ وَ كُلُّ عَامٍ وَ أَنْتُمْ بِخَيْرٍ
Taqabbal Allahu minna wa minkum wa kullu ‘aamin wa antum bikhayr. Ameen

-Tarlac Muslim Converts Association Inc.

05/02/2015

Before You Share Photos Online by M***i Ismail Menk
BAGO TAYO MAMAHAGI NG MGA LARAWAN ONLINE
(Tagalog Version)
Ang pinakamahalagang punto na kailangan nating pag-usapan ay nang naitala sa Surah-Yusuf Ayat bilang 4 ang-
إِذْ قَالَ يُوسُفُ لِأَبِيهِ يَٓأَبَتِ إِنِّى رَأَيْتُ أَحَدَ عَشَرَ كَوْكَبًۭا وَٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ رَأَيْتُهُمْ لِى سَجِدِينَ
“O aking ama, katiyakang nakita ko sa panaginip ang labing-isang mga bituin, ang araw at ang buwan – na nakikita ko ang mga ito na nagpapatirapa sa akin.” (12:4)
Ngunit mas pinili ng ama na kausapin ang anak sa ibang paraan na ang panaginip na iyon ay bilang pagbibigay ng magandang balita sa kahihinatnan ni Yûsuf (as) na magiging mataas ang kanyang antas dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.
Atin namang pag-usapan muna ngayon ang mga pinopost natin sa Facebook, Instagram, at sa ating mga Profile Pictures sa ating iba’t ibang account.
Lahat ng mga bagay na nangyayari sa ating buhay ay kinukuhanan natin ng magagandang angulong larawan at pagkatapos ay ipopost. Nangyayari ba ito sa panahon ngayon? Tignan natin. Mag-ingat. Ang mag taong ay nagdurusa at pinagsusubuknan, bakit? Al-iynul-Haqq. Kailangan natin itong alamin. Ang masamang paningin ay ang Katotohanan. Sinabi sa isang hadith na “Inaanyayahan mo ang mga tao na magkaroon ng masamang paningin sa iyo.”
Gaya na lamang pag iyong pinost ang “Tignan mo kung ano ang aking kinain! 🍤🍗🍖🍕🍩🍨”
Wallahi!, makikita natin sa mga profile na sa bawat pagkain nila ay nagpapalit sila ng mga larawan/posts. Bakit?
“dahil mayroon akong techi. Mayroon ka din bang techi?"
“Mayroon akong Lasagna”
at kailangan din nilang malaman ang pronunciation nito at kung paano iyon i-spell.
“had these! ”
“….🍷🍹 the juices I had at…..”
“drink I had at…”
“ATM (At That Moment) where I went🚘🚖🚔”
“And this is the hotel I stayed in”
“And this is how beautiful 👚👜👢👒🎩“
“And this was the dress I bought👗👚👘🎀🎉”
At sa bawat bagay at bawat oras na bibihisan mo ang iyong anak, iyong kinukuhanan ng larawan at tapos ipopost. At ganun din sa susunod na bibihisan, picture then post.
Wallahi! Mayroon mga aral na kapupulutan natin sa Surah Yusuf. May mga bagay tayong matututuhan sa surah na ito.
Una, nang ang mga magkakapatid ay papasok sa isang partikular na kaharian para makakuha ng kanilang makakain, ipinag utos ng kanilang ama (Propeta Ya’qub a.s.) na pumasok ng magkahiwalay. At isa sa mga kadahilanan na itinala sa Aklat ng Tafsir ay para hindi sila ganoon makita ng mga tao doon at hindi sila maapektuhan ng mga masasamang tingin.
At sinabi ni Ya`qub (as) sa kanyang anak na si Yûsuf (as):
قَالَ يَبُنَىَّ لَا تَقْصُصْ رُءْيَاكَ عَلَىٰٓ إِخْوَتِكَ فَيَكِيدُوا۟ لَكَ كَيْدًا ۖ إِنَّ ٱلشَّيْطَنَ لِلْإِنسَنِ عَدُوٌّۭ مُّبِينٌۭ
“O aking anak! Huwag mong sabihin ang panaginip na ito sa iyong mga kapatid, dahil kaiinggitan ka nila, at kakalabanin ka nila, at gagawa sila ng mga pakana upang ipahamak ka. Katiyakan, si ‘Shaytân’ ay lantarang kalaban ng tao.” (12:5)
At sinabi rin sa hadith:
إنَّ الحَسَـدَ يَأكُل الحَسَنَات كَمَا تأكُل النَّارُ الحَطَب
"Iwasan ang inggit sapagka't ang inggit ay sumusunog sa magagandang gawa kagaya ng apoy na sumusunog sa dayami." (Abu Dawud)
Mga brothers at sisters sa Islam, pag-isipan muna nating mabuti bago tayo magupload ng ating mga larawan at bago tayo magpost ng mga pagkain at kahit ano pa man. Hindi naman naming sinasabing kailangan mong iukol ang iyong sarili o buong pagkatao sa teknolohiya. Ngunit, ang aming sinasabi ay gamitin natin ito sa magandang paraan. Gamitin natin ito sa pinakamabuting gamit nito. Ngunit, huwag mo itong gamitin upang sirain ang iyong sarili. Maaaring sabihan mo ang mga totong tao minsan ng magandang balita na nagkaroon ka ngunit hindi dapat lahat lahat. Tapatin natin, na kapag tayo ay nagpost ng 1 o 2 o 10 na larawan, may mga tao na makakakita nito na hinihiling ang bagay na ipinost mo sa buong buhay nila na pinagtatrabauhan pa nila para makuha iyon na samantalang ikaw ay nagkaroon ng ganoon ng ganun ganun na lamang kadali. Naiisip mo ba na kaya nilang lunukin iyon? Darating sa punto ng kanilang buhay na magkakaroon na sila ng mga bagay na masasabi sa iyo..
“ tignan mo ang taong ito, nasa kanya na ang langit sa kalupaan”
At hindi naman nila alam ang mga problemang mayroon ka dito sa dunya. Bakit hindi nating subukang ipost ang mga di magandang pangyayari sa ating buhay? Hindi ko naman kayo hinihimok pero subukan niyong isipin na ilagay ninyo sa inyong mga profile ang mga tungkol sa mga masasamang bagay na nangyari sa buhay ninyo, marahil tayo ay mabubuhay sa kalungkutan at kasawian. Ngunit ang tao ay sadyang likas na nagnanais ng magandang larawan ng kanyang sarili. Lahat ay nagnanais ng magandang larawan. Wala namang masama sa pagnanais natin ng magandang imahe ngunit hindi dapat sa lahat ng bagay lalo na sa mga pinaka mahalagang detalye ng ating buhay. Iwan mo iyon sa iyong sarili at sa mga mahal sa buhay. At kung minsan, kung iyo talagang nanaisin, maari mo itong i-share sa kakaunti at pili lamang. Nawa’y bigyan tayo ni Allah (swt) ng mabisa at magandang aral. Tayo ay nag usap patungkol sa Surah Yusuf at inumpisahan natin ito sa mga magagandang bagay at kanyang sinabi na mag ingat tayo sa kung kanino tayo nagshiShare. Hindi lahat ay totoo at minsan kahit ang mga taong totoo ay napapasukan ang mga puso sa tamang oras at marahil ay makakaapekto sa iyo. Kung ating titignan, ang Inggit ay nagtulak sa mga magkakapatid, ganun pa man sila ay mga anak ng ating Nabbi..
Assalaamu'alaikum wa rahmatullah wa barakatuh! Nawa'y nakapulot po tayo ng aral..

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Tarlac?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Main Masjid in Tarlac (Masjid Al-Ragabi)

Category

Telephone

Website

Address


Masjid Al-furqaan Sitio Barbon Tibag Tarlac City
Tarlac
2300

Other Mosques in Tarlac (show all)
Masjid Norol Jadid Santa.Ignacia Tarlac City Masjid Norol Jadid Santa.Ignacia Tarlac City
Poblacion West Purok 6 Sampaguita
Tarlac, 2300

Barakah Mosque Tarlac City Barakah Mosque Tarlac City
Block 3 Sitio Tarvet Barangay San Rafael Tarlac City
Tarlac, 2300

is a place to gather for prayers, to study and to celebrate festivals such as Ramadan. It can also be used to house schools and community centres. Please share! Jazakumullahu khai...