HWAG NA

Sharing wisdom from God.

04/05/2023

H’WAG NA!

*IKAW BA AY BOTHERED OR AFFECTED SA MGA POST NI FRIENDS SA FB?

Bakit kaya at paanong affected ka?

Yun bang tipong pag nakita or nabasa mo ang mga magagandang post nila like about outing, success in life, travels, achievements and love life, etc., Nakakaramdam ka ba ng happy feeling for them at natutuwa ka sa magagandang post nila? Or may ibang namumuo sa dibdib mo na di mo ma ipaliwanag tapos ayaw mong aminin sa sarili mo kung ano yon?!

Hhmmm, well if ni-like or love mo ang post nila ‘coz genuinely happy ka sa mga magagandang nangyayari at updates nila, that’s good! I said ‘genuinely happy” ka ha, yung totoo ka talagang masaya para sa kanila! Kasi di ba sabi nga, dapat maging masaya tayo sa mga magagandang nangyayari sa iba, then pray lang tayo lagi at umasa na balang araw, mangyayari at mararanasan din natin ang mga ‘yon!

PERO! Paano kung ‘di ka pala masaya at iba pala ang naramdaman mo?

Yung tipong may namumuong kalungkutan sa puso mo at kakaiba ang naramdaman mo na di mo maipaliwag nung nakita at nabasa mo ang mga post ni friends? Yung deadma lang at patay malisya ka sa post nila at hindi mawala sa isip mo ang salitang, buti pa sila, sana ako rin! Or sunod-sunod na sa isip mo yung mga salitang… kaya lang naman siya ganon kasi ganito sya, hmm, wala yan di nila deserve yan kasi ganyan ganito sila! Tapos naiisip mo din na i-unfriend ko na lang kaya mga to or iblock, dagdag anxiety at stress lang eh! Minsan naman naiisip mo na mag deactivate na lang kaya muna ako, masakit na sa puso eh! Saka dagdag isipin at nakakadepress lang mga to! Hay, tama ba? Yung maraming mga kasiraan tayong naiisip sa kanila at mga gustong gawin just because meron na pala tayong nararamdamang “INGGIT” at “INSECURITIES”!

H’WAG NA! Tandaan po natin na hindi maganda ang mag-isip at makaramdam tayo ng mali sa kapwa lalo na kung wala naman silang ginagawang mali sa atin. At saka po masama na ientertain natin ang inggit at hindi magandang kaisipan sa kapwa kasama na rin ang kawalang katiyakan natin sa ating mga sarili!

H’WAG NA! Huwag nating papasukin sa isip natin ang mga ganong bagay dahil sabi nga sa bibliya… (Santiago 3)

Kung saan naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay malinis ang pamumuhay, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.

Kaya, kapatid H’WAG NA at tama na hah?!

Give time to think and siyasatin din natin ang ating mga sarili kasama ang puso, baka kasi on the way naman na talaga ang mga magagandang bagay for us but we just need to do something para magtuloy tuloy ito sa ating buhay. Lagi nating hingin ang karunungan at gabay buhat sa Dios upang maintindihan at mapagtagumpayanan natin ang lahat!

Saka isipin mo din, ang hirap kaya ng may ganong mga pakiramdam and ang bigat sa puso non, gayong hindi naman pala dapat natin maramdaman! Ikaw lang affected pero sila happy lang!

H’WAG NA hah?! Isipin natin na ang lahat ay may kanya kanyang pangyayari sa buhay at nakatakdang pagkakataon sa mundo… Huwag tayong magsawang manalangin, magsikap at umasa na balang araw dadanas din tayo ng mga masasayang pangyayari sa buhay bunga ng ating pagpapagal at kabutihan at syempre sagot ng Dios sa mga panalanin ng ating puso at isip na nilakipan natin ng mabubuting gawa! Magtiwala lang tayo at patuloy na umasa sa KANYA! Kumapit ng mahigpit at buong pusong magtiwala sa ating Panginoon!

Kaya mga kapatid, gets mo na ha!? H’WAG NA!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Valenzuela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Valenzuela
Other Social Services in Valenzuela (show all)
Valenzuela Medical Center - Medical Social Work Service Valenzuela Medical Center - Medical Social Work Service
Padrigal
Valenzuela, 1441

This is the official page of Valenzuela Medical Center - Medical Social Work Service.

Kapelyan Balbi-KNOWS Kapelyan Balbi-KNOWS
Maysan Rd 8, 1442 Valenzuela, Philippines
Valenzuela, 1442

Ignorance is not an excuse!

EU&JA Online Raffle Gaming Valenzuela EU&JA Online Raffle Gaming Valenzuela
Valenzuela, 1447

online raffle tickets

Mr. Odarnoc Video LOL Mr. Odarnoc Video LOL
Bignay Road
Valenzuela, 1447

Blogging LOL

RACA VLOG RACA VLOG
8 P. Gregorio Street Lingunan
Valenzuela, 1446

kapag MAY tiyaga, MAY biyaya.

IACA International HQ in the Philippines IACA International HQ in the Philippines
Valenzuela

Philippines Satellite office of IACA-Global

Karuhatan 3S Center Karuhatan 3S Center
Karuhatan Road, Barangay Karuhatan
Valenzuela, 1441

Barangay Marulas, Valenzuela City Barangay Marulas, Valenzuela City
Papu Simon St. Doña Ata Subd., Marulas
Valenzuela

WIN Action Center Valenzuela City WIN Action Center Valenzuela City
332 MacArthur Highway, Malinta
Valenzuela, 1440

The official page of the WIN Action Center Valenzuela City, Senator Win Gatchalian's social service arm. Services offered include hospitalization, social service, OFW help...