ELEK112-Malikhaing Pagsulat
G**o: Bb. Zeny Falcasantos
Sandaling Pahinga
(Sanaysay)
Ni: Hazel May Padua Empiales
Panandaliang humanap ng ikapapayapa ang mundo. Pinatahimik nito ang pinakamaingay na busina ng bawat siyudad. Pinahinto ang matuling pagtakbo ng oras na hinahabol ng bawat tao. Binasag ang mga namumuong alitan sa pagitan ng mga bansa. Tinanggalan ng kapanagyarihan ang mga mayayamang negosyante at ilang industriya. Tinapon nito ang kanyang mga mamamayan sa hindi inaasahang pagkakataon at alanganing sitwasyon. Ang mundo, ang siya nang nagdikta ng magiging kapalaran ng sangkatauhan sa pagpasok ng bagong dekada.
Subalit, hindi naging madali ang biglaang pagsalungat ng daidig. Marami ang umalma, naapektuhan at nagkagulo. Sa pagkakataong ito, kahit ang mga pinakamatalinong tao ay hindi alam kung sino ang sisisihin sa sitwasyong ginagalawan ng lahat. Marahil ang kapayapaang ibinibigay ng mundo ay masyadong naging madilim at marahas. Walang kinikilala at pawang ang lahat ay pinaluhod at tinanggalan ng pakpak. Marahil malinaw na, na ang kalaban natin ay hindi nakikita. Isang sakit na hanggang sa ngayon ay pinagtatalunan ang sanhi at pinagmulan. Kung hindi ka positibo, iba ang magiging laban at pananaw mo. Hindi lunas ang tutukuyin at paglalaanan ng oras, bagkus, pakikinggan mo ang pananahimik ng mundo sa kung ano ang sinsamo nito. Kung paanong sa apat na sulok ng kuwarto ay babasahin ang nagkukubling mensahe nito sapagkat kung hindi tayo nakuha sa mga adbokasiya ng kapaligiran at mga kalamidad nitong kalikasan, ito ang naging pamamaraan ng mundo. Kaya’t kumbisihin natin base sa ating pamumuhay, na tanging sa ganitong paraan na lamang tayo makakapakinig at makararanas ng kapayapaan. Ang sigaw ng mundo ay hindi nakikipagsabayan sa pagiging abala ng bawat tao. Sa panandaliang paghahanap ng kapayapaan nito, hindi ito parusa at lalong hindi ito pasakit. Ito ay may aral na gaano man kahirap ang dinanas ng mga taong naapektuhan, nasaktan at nawalan. Kung biktima man na tutuusin ang ating kalagayan, marahil ay tayo nga ang nabiktima ng sarili nating kapabayaan, desisyon at kalayaan.
Ano man ang maging direksiyon ng pag-ikot ng mundo,may mga bagay na manantili at hindi magbabago. Patuloy na sisikat ang araw bilang hudyat na may pag-asa ang bawat dilim at panlalabo sa ating kapaligiran. Hindi maglalaon, ito man ay maging malungkot na kasaysayan, ito ay magsisilbing maliwanag na paalala at karunungan sa sangkatauhan. Walang salitang “pinaka” kapag ang mundo ang siyang pumiling h
Kailan Kaya
(Tula)
Ni: Hazel May Padua Empiales
Sa pagmulat ng aking mga mata, nasilayan ang malaking pagbabago.
Ang dating maingay at magulong bayan, ngayo’y nababalot na ng panlulumo.
Nakakapanibago ang sobrang katahimikan ng paligid,
Tanging huni na lamang ng ibon ang palagi kong naririnig.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
Maraming pumapasok sa isipan na hindi ko mawari.
Maraming mga katanungang naghahanap ng kasagutan.
Kung papaano gagapiin itong pandemyang naturingan.
Kailan nga ba magbabalik sa dati ang mga bagay na kinagawian?
Kailan nga ba magwawakas itong kalupitan ng hindi makita-kitang kalalaban?
Kailan nga ba masusupil ang takot at matinding agam-agam,
Nang naghihilakbot nating bayan?
Nang minsang napadaan sa lugar na ‘di kalayuan.
Aking narinig, marahang naulinigan.
Pagsusumamo ng mga kaawa-awa at dayukdok na kababayan.
Na nagnanais na marinig, kanilang daing sa may katungkulan.
Nagpapalahaw ang mga abang dukha na nagdarahop,
Nang minsang nakaligtaan ng mga makapangyarihang nasa tuktok.
Kailan kaya masisilayang muli ang matitimyas na ngiti,
Ng mga puso at labing ‘di maiwasang humikbi?
Kailan kaya maghihilom ang ating Inang Bayan,
Sa sugat na dala nang malupit na kalaban?
Kailan kaya matutuldukan ang hirap na pinapasan,
Nitong bayang tinubuan at mga dalitang kababayan?
Sa kabila ng mga pigahti’t paghihirap na kinakaharap,
May bagong pag-asang nababanaag,
Sabay-sabay nating gapiin, puksain at talunin,
Itong talampasang COVID-19.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Alcate
Victoria
The Student Christian Organization (SCHOR) is a non-denominational organization within Mindoro State
Victoria, 5205
For Agroforestry Students of Mindoro State University
Alcate
Victoria, 5205
This is the official page of the Mindoro State University (MinSU). Refer to this page for u
Alcate
Victoria, 5205
This is the official page of Mindoro State University - Research and Development Office.
Alcate
Victoria, 5205
Hindi po ito ang official page ng MinSU. Kami po ay mga tagahanga lamang :)
Victoria
The MESS is the official student organization of BS in Environmental Science at the MINDORO STATE UNI