Paraiso ang ating layunin
nonprofit na organisasyon
Si ALLAH ang Panginoong Dios ni Jesus
Si Jesus ay nagsabi:
“At katotohanang si ALLAH الله ang aking Panginoon at inyong
Panginoon.
Kaya't tanging sambahin Siya. Ito ang tuwid na Landas.”-
Qur'an 19:36
Si Propeta Mohammad o Ahmad ay ipinakilala mismo ng Tunay na Dios at siya ang katuparan ng mga hula ni Propeta Solomon, Moises at Hesus (Suma kanila nawa ang Kapayapaan at pagpapala ng Dios)
חִכּוֹ֙ מַֽמְתַקִּ֔ים וְכֻלּ֖וֹ מַחֲמַדִּ֑ים זֶ֤ה דוֹדִי֙ וְזֶ֣ה רֵעִ֔י בְּנ֖וֹת יְרוּשָׁלִָֽם׃
“Hikkōw mamṯaqqîm wəḵullōw muḥămmaddîm zeh ḏōwḏî wəzeh rê‘î, bənōwṯ yərūšālim
“His mouth is most sweet: yea, he is altogether lovely (Muhammadim means The Praise One). This is my beloved, and this is my friend, O daughters of Jerusalem”. (Song of Solomon 5:16)
Prophet Muhammad is the Paraclete the word “Paraclete” which is “Paraklytos” in the Greek Bible and that this word means “the praised one” meaning “Ahmad” in Arabic, the name of Prophet Muhammad ﷺ
John 14:16
Jesus said: “And I will pray the Father (God), and he shall give you another Comforter, that he may be with you forever".
"SI ALLAH lamang ang Tunay na Dios" ALLAH الله ang tunay na pangalan ng Dios. Ang literal na kahulugan ng Pangalan "Allah" ay "THE ONE AND ONLY GOD". Ang Allah ay nagmula sa katagang “AL-ELAH” nangangahulugang “ANG DIYOS” o “NAG-IISANG DIYOS. Si Allah ay DIYOS ng lahat ng nilalang sa pagkat, siya lamang ang nag-iisang tagapaglikha at wala ng Diyos maliban sa kanya. Siya ay pinakilala ni Propeta Moises na ELOH O ELOHIM (אֱלֹהִים) sa wikang Hebreyo. At ELAH o ELAHI (אלהי) sa wikang Aramaiko ni Hesus. At gayundin AL-ELAH din sa wikang Arabic ni Propeta Muhammad-ang Huling Propeta o sugo ng Dios sa buong sandaigdigan. Ang ELOHA O ELAHI at AL-ELAH (ALLAH) ay iisa lamang – ito ay nangangahulugan “ang nag-iisang Diyos”. Sapagkat ang Hebreyo, Aramaiko at Arabic ay magkakapatid na wika (semetic language). Sa mdaling Salita iisa lang ang Dinidios at sinasamba nina Moises, Hesus at Mohammad si ALLAH الله lamang. si ALLAH lamang ang Dios natin lahat.
1. Ang katawagang Kristyaniamo o Chriatianism ay isinunud sa pangalang "Kristo" or "Christ" na sya si Hesus samantalang ang ISLAM ay Diyos Mismo ang Nagbigay katawagan nito na mababasa mismo sa Banal na Qur'an
kaya wala kang mababasa mismo sa Bible na katangang "CHRISTIANISM" o "Kristyanismo"
2. Ang mga Muslim ay iisa lamang ang paniniwala sa Diyos, Infact ang mga muslim sa buong mundo kahot ano pa ang lahi, kulay, salita, bansa...kapag sila ay tumatawag sa Diyos na Lumikha ay iisa lamang ang kanilang tinatawag, walang iba kundi si ALLAH lamang...samantalang sa mga kristyano iba-iba ang paniniwala nila sa Diyos, may Diyos Ama, may Diyos Anak at my Diyos Ispiritu...iba iba rin ang tawag nila, may God the Father, may Jesus/Hesus, may YAHWE, may JEHOVA, may EL SHADDAI, may NAZARENO, at marami pang iba.
3. Ang mga muslim ay hindi nagdedebate patungkol kung sino talaga si Hesus, sila ay naniniwala na si Hesus ay isang Sugo at Propeta lamang ni Allah, samantalang ang mga Kristyano mula noong hanggang ngayon, ay isang malaking katanungan sakanila kung sino nga ba si Hesus?
ANO ANG ISLAM? AT SINO ANG MUSLIM?
Ang literal na kahulugan ng ISLAM ay Kapayapaan at itoy kompletong pamamaraan ng buhay (Complete ways of life) hindi lang pang-relihiyon bagkos ito’y sumasakalaw sa lahat ng aspeto ng buhay tulad ng relasyon o pagdarasal sa Dios. Ang pang-utos na kahulugan ng ISLAM ay “PAGKILALA, PAGTALIMA AT PAGSUNOD sa mga Kautusan o kalooban ng DIOS". Ang Islam ang tanging Relihiyon na ibinigay satin ng Diyos, at isinabuhay ng mga Propeta mula pa kay Adan, Noah, Abraham, Moises, Hesus at Mohammad.
SINO NGA BA ANG TINATAWAG NA MUSLIM?
Ang salitang "MUSLIM" ay nangangahulugang PAGSUNOD, PAGSUKO SA KALOOBAN NG DIOS, anuman ang kanyang salita, lahi, nasyonalidad o etniko na kinabibilangan.
Samakatuwid, ang sinumang tao na handang magpasakop sa kautusan o kalooban ng Dios ay karapat-dapat na maging isang MUSLIM.. kaya po lahat ng mga Propeta kasama na rito si Jesus ay mga Muslims dahil sila ay kumikilala at sumusunod lamang sa Dios na nag iisa.
slam at mga Muslim
Ang salitang Arabe na 'Islam' ay nangangahulugang 'pagsuko', at nagmula sa salitang nangangahulugang 'kapayapaan'. Dahil dito, ang relihiyon ng Islam ay nagtuturo na upang makamit ang tunay na kapayapaan ng isip at katiyakan ng puso, ang isa ay dapat magpasakop sa Diyos at mamuhay ayon sa Kanyang Banal na inihayag na Batas.
Ang Islam ay hindi isang bagong relihiyon dahil ang 'pagpasakop sa kalooban ng Diyos', i.e. Islam, ay palaging ang tanging katanggap-tanggap na relihiyon sa paningin ng Diyos. Para sa kadahilanang ito, ang Islam ay ang tunay na 'likas na relihiyon', at ito ay ang parehong walang hanggang mensahe na ipinahayag sa lahat ng mga panahon sa lahat ng mga propeta at mensahero ng Diyos. Ang pangunahing mensahe ng lahat ng mga propeta noon pa man ay mayroon lamang Isang Tunay na Diyos at Siya lamang ang dapat sambahin. Ang mga propetang ito ay nagsimula kay Adan at kasama sina Noe, Abraham, Moses, David, Solomon, John the Baptist, at Jesus, sumakanilang lahat ang kapayapaan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
31951
الجبيل, السعودية
Jubail, 35514
business#e.marketing#amazon#facebook#ideas#freelance#social.media#e commerce #
Jubail
The intention to create this page is to spread the message of Quran in a pictorial form to attract human beings towards Islam. Only, Allah can give guidance to humans not anyone el...
King Khalid Road
Jubail
Mend Your Mood is a plateform,Where you can explore new ways to see the world around you. Your Mental peace is in your own hands. You may get motivation to halndle the ups and down...