FFN San Jose
Nearby non profit organizations
Rodriguez
Rodriguez
You may also like
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from FFN San Jose, Community Center, Barangay San Jose, Baras.
June 2,2024
FFN Orientation at Relocation Charm San Jose Montalban, Rizal.
Maraming salamat po SA lahat Ng dumalo at naki isa, sa naganap na FFN orientation. Lubos po ang aming pasasalamat sa Inyong lahat.
May 12,2024
FFN Orientation at FORESTRY VILLE San Jose Montalban, Rizal.
Maraming salamat sa pag tanggap sa buong kasapian Ng FFN San Jose!
APRIL 28,2024
FFN ORIENTATION AT Abatex, San Jose Montalban Rizal.
Maraming salamat sa HOA Ng abatex sa pag tanggap sa buong grupo Ng FFN San Jose!
Mabuhay ang mga bagong Member Ng FFN San Jose.
Mula po sa Freedom Fighting Nation Barangay San Jose Chapter
Kami po ay bumabati ng maligayang kaarawan
CONGRESSMAN FIDEL NOGRALES
Lubos po kaming nagpapasalamat sa pagmamahal at pagsisilbi ninyo saating bayan!
Muli Happy Birthday po mahal naming Congressman
Programang MEDIKAL sa Barangay San Jose🫶🏻
MEDICAL MISSION 2023
Ito ay inisyatibo ng ACTION VISION team sa pangunguna ni CHAIRMAN Allain Valente at kanyang grupo, dahil ang layunin ng kanilang grupo ay mabigyan ng pansin ang ating pangangailangang MEDIKAL.
Narito ang mga SERBISYO na maaari nating makuha.
- NURSE'S STATION (Libreng Check Up)
- OPTICAL (Libreng Konsulta sa Mata at Reading Glasses)
- DENTAL (Libreng Bunot ng Ngipin)
- MEDICINES (Libreng Gamot)
- COUNSELING
Ito ay FIRST COME, FIRST SERVE BASIS. Kung kaya’t 8:00 ng umaga pa lamang po sa JULY 16, 2023 (LINGGO) ay magtungo na tayo sa PHASE 1F Sub-Urban Covered Court dahil hanggang 2:00 lamang ito ng hapon.
Hindi magiging posible ang programang ito kung wala ang tulong na mula sa Across Ministries, Colegio de Montalban - Supreme Student Council, Hiraya - CdM Institute of Business Events Team at PHASE 1F SUB URBAHN HOA
Isang pasasalamat din sa Boses ng Kabataan at ng ating Distrito, Congressman Fidel Nograles.
Para sa ibang impormasyon, maaring magtungo sa link na ito: https://www.facebook.com/VoltesVision?mibextid=ZbWKwL
𝐅𝐨𝐫𝐰𝐚𝐫𝐝 𝐍𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐨!
Binisita natin kasama ang ilan sa mga miyembro ng FFN - Freedom Fighting Nation si Ate Eliza Ortiz, isa sa mga beneficiary ng Livelihood Program ng ating Congressman Fidel Nograles.
Bisitahin ang kanyang munting negosyong El Ortiz Bread House na matatagpuan sa Hinayon Compound, Barangay Manggahan.
TAYO!!
MONTALBAN O RODRIGUEZ?
https://docs.google.com/.../1FAIpQLSczobWYr8k.../viewform...
Sa bisa ng Republic Act No. 11812, naisabatas noong Hunyo 2, 2022 ang pagbabalik ng pangalan ng ating bayan na muling magiging “MONTALBAN” mula “Rodriguez”. Ngunit hindi ito magiging ganap hangga’t hindi naisasagawa ang plebisito o ang pagboto nating mga mamamayan.
Kaya naman, malaking tulong ang pagsagot nating mga Montalbeño sa survey/GForm hinggil dito. Hinihikayat ng pamahalaang lokal ang pakikiisa nating lahat sa panibagong yugto na ito ng ating bayan.
Kung ikaw ba ang tatanungin, ano ang ninanais mong pangalan ng Bayan ng Montalban? Montalbeño, pili na!
Note: Magsasara ang link sa Biyernes, June 2, 2023, ng alas-5 ng hapon.
Ating panoorin ang kaganapan sa SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM (SLP) para sa ating mga magsasaka, nangangalakal at nagbabasura.
Mahigit 500 scavengers at farmers ang natulungan para sa kanilang pandagdag puhunan pang negosyo.
Best of luck! Our Binibining Pilipinas-Rizal 💙🤍
Let us show our love and support for our Bb. Montalban 2014 and Miss Rizal 2015. Binibini #35 Sofia Lopez Galve
The grand coronation night will be on May 28, 2023.
Best of luck! Our Binibining Pilipinas-Province of Rizal. 💙🤍
Let us show our love and support for our Bb. Montalban 2014 and Miss Rizal 2015. Binibini #35 Sofia Lopez Galve
The grand coronation night will be on May 28, 2023.
𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐎𝐏𝐋𝐄 𝐀𝐍𝐘𝐓𝐈𝐌𝐄!
📸 Leah Pastoral | Eduard Ortiz
MABUHAY ANG MANGGAGAWANG PILIPINO.
Salamat at iyong ibinabahagi sa bayan ang iyong sipag at galing.
Salamat at hindi ka umaatras sa anumang hamon ng panahon.
Salamat at magkasamang tayong pursigidong gumagawa ng daan tungo sa isang matatag at progresibong bansa.
Maligayang Araw ng Manggagawa
MABUHAY ANG MAMAMAYANG PILIPINO.
𝗙𝗢𝗥𝗪𝗔𝗥𝗗 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗥𝗘.
𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗪𝗔𝗟𝗞 | 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗔𝗟𝗕𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗬!
Halina't makiisa kasama ang ating Congressman Fidel Nograles sa kanyang adbokasiyang TREE PLANTING na may temang FORWARD NATURE bilang pagdiriwang sa ARAW NG MONTALBAN.
Kasama ang iba pang organisasyon, tulad ng Future Natin Youth MMK- 𝓜𝓸𝓷𝓽𝓪𝓵𝓫𝓪𝓷 𝓜𝓪𝓱𝓪𝓵 𝓚𝓲𝓽𝓪 Philippine Guardians Brotherhood Inc. atbp.
Magsuot ng White SHIRT at tayo ay magkitakita sa SITIO EEA 6:30 ng umaga.
Kung may katanungan maari lamang po kayong magmessage sa ating page.
Kitakits!
MAGING DAHILAN UPANG MAY BUHAY NA MADUGTUNGAN.
Bukas na po ang Dugong Bayanihan para sa Montalban. Isa sa mga programa ng ating butihing Cong. Fidel Nograles katuwang ang Philippine Blood Center at DOH - NVBSP (NATIONAL VOLUNTARY BLOOD SERVICE PROGRAM) upang makapagbigay ng libreng dugo sa ating mga kababayan na nangangailangan.
Ang programa ay magsisimula ng alas-9 ng umaga sa Greenbreeze HOA Covered, Barangay San Isidro.
Kita kits mga ka-Forward!
Isang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng ating mga bayaning lumaban at nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa. Mabuhay ang Pilipinas!
Ngayon, Abril 9, ginugunita natin ang Araw ng Kagitingan, isang National Holiday sa Pilipinas na gumugunita ng kagitingan ng mga sundalong Pilipino na lumaban noong World War II.
Sa araw na ito, inaalala natin ang mga sakripisyong ginawa ng mga lumaban at namatay para mapangalagaan ang ating kalayaan at kasarinlan. Iginagalang namin ang kabayanihan ng mga sundalo na, bagama't madalas na nahihigitan at nahihilo, nakipaglaban sa napakaraming pagsubok.
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y magsaya at magalak!
Happy Easter, mga kasama! Nawa'y naging makabuluhan ang paggunita natin sa Semana Santa.
Black Saturday | Holy Saturday
Ang Black Saturday, na kilala rin bilang 'Holy Saturday', ay isang solemne na araw ng pagninilay-nilay para sa mga Kristiyano sa buong mundo, na ginugunita ang araw sa pagitan ng pagpapako kay Hesukristo sa krus at ng kanyang muling pagkabuhay sa Easter Sunday. Sa araw na ito, iginagalang natin ang pinakamataas na handog na ginawa ni Hesus para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng walang pag-iimbot na pagbibigay ng kanyang buhay upang iligtas tayo mula sa kasalanan at kamatayan.
Ang kamatayan ni Hesus ay isang sandali ng matinding kadiliman at kalungkutan, ngunit ito rin ay sumasailalim sa sukdulang gawa ng pag-ibig. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, binibigyan tayo ng kaloob na kaligtasan at pangako ng buhay na walang hanggan.
Sa ating pagdaraos ng Black Saturday, huminto tayo at pagnilayan ang lalim ng biyaya ni Hesus para sa atin. Hayaan ang araw na ito na maging panahon ng pasasalamat, panalangin, at pagmumuni-muni para sa kaloob ng kaligtasan. Tulad ng ginawa ni Hesus para sa atin, tularan natin siya sa pamamagitan ng pakikitungo sa mga tao nang may habag, pagpapatawad, at pagmamahal sa lahat ng paraan na magagawa natin.
“𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆 𝗶𝘀 𝗮 𝗱𝗮𝘆 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗿𝘂𝗰𝗶𝗳𝗶𝘅𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗵𝗶𝘀 𝗱𝗲𝗮𝘁𝗵 𝗮𝘁 𝗖𝗮𝗹𝘃𝗮𝗿𝘆; 𝗮 𝗱𝗮𝘆 𝗼𝗳 𝘀𝗼𝗿𝗿𝗼𝘄 𝗺𝗶𝗻𝗴𝗹𝗲𝗱 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗷𝗼𝘆. 𝗜𝘁 𝗶𝘀 𝗮 𝘁𝗶𝗺𝗲 𝘁𝗼 𝗴𝗿𝗶𝗲𝘃𝗲 𝗼𝘃𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗶𝗻 𝗼𝗳 𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗼 𝗺𝗲𝗱𝗶𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗷𝗼𝗶𝗰𝗲 𝘂𝗽𝗼𝗻 𝗚𝗼𝗱`𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗶𝗻 𝗴𝗶𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗶𝘀 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗿𝗲𝗱𝗲𝗺𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘀𝗶𝗻."- David Katski
Nawa'y ang banal na okasyong ito ay magdala ng kapayapaan sa ating mga puso at punan ang ating buhay ng pagmamahal at kaligayahan at nawa'y pakinggan ng Panginoon, ang ating Tagapagligtas, ang lahat ng naisin ng mga puso at, pagpalain ang ating mga puso at tahanan ng katahimikan at walang hanggang kaligayahan. 🌟
HOLY THURSDAY | MAUNDY THURSDAY
Pagbati para sa napakagandang bagong araw na ito. Iba't ibang tao ang ating nakikilala sa ating paglalakbay sa buhay. Maraming nagpapasaya sa atin. Ang iba ay nagpapalungkot naman. May mga madaling pakisamahan. May mga nagpapababa sa atin. Pero 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧, 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐲 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐈𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚. Ang pagsunod sa mga paraan ng Diyos ay ang pinakamahusay!
Maniwala 🎋Magtiwala🎋Magtiyaga
𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔𝗔𝗡
Kami ang FFN o FFN - Freedom Fighting Nation , kasama ang ating mahal na kinatawan sa ika-4 na distrito ng Rizal, Congressman Fidel Nograles na nanawagan sa mga Montalbenyo at sambayanang Pilipino na magbuklod at manalangin para sa ating mga kababayan na apektado sa nangyayaring labanan o enkwentro sa pagitan ng ating kasundaluhan at kaliwang grupong "NPA" o "New People's Army."
Ayon po sa ating mga datos na nakuha sa tulong ng ating mga kasamahan at FFN leaders nakapagtala tayo ng higit kumulang 90 pamilya mula sa Brgy. San Rafael, 75 pamilya sa Brgy. Puray at nasa 70 na pamilya mula sa Brgy. Mascap ang naapektuhan ng nasabing bakbakan. Kaya hinihikayat po natin ang bawat isa ng pananampalataya at tulong para sa mga indibidwal at pamilyang apektado.
Nakakabahala na sa panahon ng kuwaresma para sa mga kababayan nating katoliko pa naganap ang nasabing labanan/engkwentro o karahasan. Maaasahan na ang ating organisasyon ang mangunguna para sa 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔𝗔𝗡 sa ating Bayan ng Montalban.
Ang Linggo ng Palaspas
Nakikiisa po tayo sa pagdiriwang natin ngayon ang Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon. Ito ay ang pagpasok ng ating Panginoong Hesukristo sa Jerusalem, upang tuparin ang kalooban ng Diyos Ama.
Simulan po natin ang pagninilay at pagsisisi sa ating mga nagawang kasalanan.
Mag-ingat po tayong lahat.
COMELEC | Mula sa dating Hulyo 3 hanggang Nobyembre 14, binago ng Commission on Elections ang election period para sa darating na halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29.
Sa siyam na pahinang resolusyon na inilabas noong Marso 22, nakapalaman ang mga ipinagbabawal na aktibidad sa darating na Oktubre 30, araw ng halalan.
Ipinagbabawal sa mga botante ang pagdala ng baril at iba pang deadly weapons pampublikong lugar.
Hindi rin pinapayagan na gumamit ng security personnel o bodyguards ang mga kandidato sa panahong ito.
Pinagbabawal din ng COMELEC ang paglilipat o pagdi-detalye ng mga opisyal at kawani sa civil service kasama ang mga g**o sa mga pampublikong paaralan.
Nauna nang binago ng Comelec ang petsa para sa pagpapasa ng mga certificate of candidacy sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2 na.
Source: COMELEC
LIBRENG TESDA TRAINING mula sa ating butihing Congressman. Fidel Nograles handog sa atin ng TESDA.
Sa mga gustong mag apply, Mag tungo lamang sa DISTRICT OFFICE (Araceli Arcade, Unit , #44 J.P. Rizal Avenue, Barangay Balite, Montalban Rizal) beside at IVYCRIS. MONDAY until FRIDAY at 9:00 AM-5:00 PM hanapin lamang si Ms. Ever Leyble.
PAALALA ITO AY LIMITED SLOT LAMANG po!
ABANTE BABAE!
PANDAIGDIGANG ARAW NG KABABAIHAN! 💜♀️
Mula noon hanggang ngayon, patuloy na pinapatunayan ng mga kababaihan ang kanilang tapang at lakas sa iba't ibang larangan.
Kaya ngayong araw ng kababaihan, ipakita natin ang pinagkaisang lakas at tapang. Ipakita natin na ang babae ay hindi lamang ilaw ng tahanan kung 'di ay tanglaw rin ng ating bayan.
Ating sabay sabay na isigaw, BABAE KA, HINDI BABAE LANG! ABANTE BABAE!
BUWAN NG KABABAIHAN!
Nakikiisa po ang ating buong kasapian ng FFN - Freedom Fighting Nation at Congressman Fidel Nograles sa taunang selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso.
Saludo po kami sa araw-araw na kabayanihan, katapangan at kagalingan ng kababaihang Pilipino! ABANTE, BABAE!
Masayang pagbati ng Maligayang Kapistahan sa lahat ng ating mga ka-barangay, sa Barangay Puray.
Nakikiisa po kami kasama ang buong kasapian ng FFN - Freedom Fighting Nation kaisa ng ating mahal na Congressman Fidel Nograles. Dalangin natin ang kasiyahan at kapayapaan sa bawat isa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Barangay San Jose
Baras
1860
Sitio Proper, Barangay Iraan
Baras, 5303
Tech4ED is a program of the DICT that aims to harness ICT to bridge the digital divide. A Tech4ED C
Baras, 1850
Official Page of Triskelions' AFP VILL. / TIERRA MONTE CHAPTER, under Triskelions' San Mateo Municipal Council
Baras, 1850
Life's inspirations and experiences. When life is at its lowest, we just have to believe and be inspired. Hoping to give you something to live life to its fullest.🥰
Baras, 1970
Alyansa ng iba't ibang samahan sa mga pabahay ng gubyerno sa probinsya ng Rizal
45 Manila East Road, Angono (located Within The Scrapyard Cafe And Restaurant)
Baras, 1930
A multi-purpose artist community center for the young key population of Rizal Province #ZeroStigmaPH