Rizal Relocatees Alliance
Alyansa ng iba't ibang samahan sa mga pabahay ng gubyerno sa probinsya ng Rizal
DALAWANG BUWANG AYUDA PARA SA MGA LEFT OUT, ILABAS NA
Habang tuluy-tuloy ang ating panawagan para maglunsad ng mass testing, at para huwag lagdaan ni Duterte at ipasa ang Anti-Terror Bill, kailangan ang mahigpit na pagkakaisa ng mga maralitang nakatanggap at hindi pa nakatanggap ng ayuda o mga LEFT OUT upang mangalampag sa estado para sa tuluy-tuloy na ayuda, kahit na tapos na ang lockdown.
Makatwiran lang ito dahil kahit sa pagtanggal ng lockdown, marami pa rin ang walang trabaho at baon sa bayarin sa kuryente, tubig at mga utang.
Sa kabila ng naunang pahayag ng Malacanang noong Mayo na isang beses lang mabibigyan ng buwanang ayuda ang nasa 5-milyong LEFT OUT na karagdagan sa listahan ng DSWD, pinakinggan ng gubyerno ang kahilingan ng mamamayan na makakuha ng 1st at 2nd tranche ng ayuda ang 3-milyong LEFT OUT mula sa lugar na nasa ilalim sa ECQ (sa buwan ng Marso hanggang Mayo) kabilang ang probinsya ng Rizal.
Kailangang patuloy na mag-ingay ang mga LEFT OUT para tuparin ng gubyerno ang pangakong ito. Hindi dapat sila tumigil na ilaban ang kanilang karapatan, kasama ng iba pang nakatanggap na ng 1st tranche ng ayuda na naghahangad na mapabilis ang paglabas ng 2nd tranche ng ayuda para sa kanila.
Kagaya ng ginawa ng mga LEFT OUT sa Rizal upang mag-apela noong Mayo, kailangang muling sama-samang kumilos ang lahat ng mamamayang nawalan ng kabuhayan dahil sa lockdown at magtungo sa mga barangay, munisipyo at lokal na tanggapan ng DSWD. Ang perang ayuda, hindi dapat hayaang maging bato pa.
Makibaka! Wag matakot!
Ayuda at mass testing, ngayon na!
200 bilyong SAP, ipamahagi na! Dagdagan pa!
IKALAWANG BUWAN NG AYUDA, IBIGAY NA SA MGA NASA GCQ AREAS! PANDALAWANG BUWANG AYUDA, IBIGAY SA MGA LEFT OUT!
Habang nanawagan tayo na kaagad mabigyan ng nararapat na ayudang pinansyal ang mga pamilyang LEFT OUT na hindi pa nakatanggap ng ni singkong ayuda mula sa P200 bilyong SAP ng DSWD, nanawagan ang Rizal Relocatees Alliance at iba pang samahan ng mamamayan sa Rizal para mabigyan ng pang-ikalawang buwang ayuda (2nd wave) ang lahat ng nangangailangang pamilya sa Rizal at sa iba pang lugar na ngayon ay nakapailalim na General Community Quarantine (GCQ).
Sa pahayag ng DSWD noong huling linggo ng Abril, kakayaning mabigyan ng pandalawang buwang ayuda (Abril at Mayo) ang lahat ng pamilyang apektado ng lockdown, kasama ang mga nasa GCQ areas. Ito rin umano ang nakasaad sa mismong teksto ng batas na RA 11469 (Bayanihan to Heal as One Law).
Ngunit nitong nakaraang linggo, nakakabahaka ang pahayag ng Malacanang na hindi na umano mabibigyan ang mga pamilyang nakatira sa GCQ areas at bibigyang prayoridad ang mga pamilyang nasa ECQ areas sa pamamahagi ng ayuda. Marami ang umaasa na ang mga pamilyang tinutukoy ng Malacanang na hindi na mabibigyan ng ikalawang ayuda ay ang mga pamilyang nasa GCQ areas bago ang Mayo 15 (o bago ang ikawalang buwan ng lockdown). Anupaman, hindi pa nasisimulan ng DSWD ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng ayuda, dahil hinintay pa umano nito ang pinal na direktiba mula sa Malacanang para sa pamamahagi nito.
Makatwiran lang na mabigyan ng pang-ikalawang buwang ayuda at tuluy-tuloy na ayuda pagkatapos ng lockdown ang lahat ng mga pamilyang nangangailangan. Nanatiling malawak ang kawalang trabaho at kabuhayan ng mamamayan sa panahon at pagkatapos ng loockdown. Inaasahang nagpapatuloy na kagutuman ang sasapitin pa rin ng marami nating kababayan bilang resulta ng hakbang na ito ng gubyernong hindi na bigyan ng ayuda ang mga nasa GCQ.
Samantala, marami ring pamilya sa GCQ areas sa kasalukuyan ang lubog na lubog sa mga utang at bayarin sa nagdaang dalawang buwan ng lockdown at wala silang mapagkukunan ng pambayad sa mga ito.
Ang mga pamilya sa Rizal na nakapailalim sa ECQ nang dalawang buwam simula Marso ay hindi dapat tumigil sa pangangalampag sa kinauukulan para matiyak at mapabilis ang pamamahagi ang pamamahagi nito, hangga't hindi dumarating ang ikalawang ayuda mula sa DSWD.
Kailangang magkaisa ang milyun-milyong pamilyang apektado ng lockdown sa buong Pilpinas para ipaglaban na makatanggap pa rin sila ng tuluy-tuloy na ayuda mula sa pamahalaan. Kailangang palakasin pa ang panawagan hanggang sa makarating sa Malacanang at iatras ni Duterte ang desisyon niyang tanging ang mga nasa-ECQ areas lamang ang makakatanggap ng ayuda.
AYUDANG PANDALAWANG BUWAN PARA SA MGA LEFT OUT
Samantala, ang mga pamilyang LEFT OUT sa ECQ at GCQ areas ay dapat magpursige pa upang makatanggap ng ayuda na pandalawang buwan, sapagkat walang pinakaiba ang kanilang kalagayan sa mga pamilyang nauna nang nakatanggap ng ayuda.
Bagama't inaasahan na silang makatanggap sa susunod na bigayan, kailangang ang higit pang pagkakaisa at mas malakas na panawagan para iatras ng Malacanang ang naging pahayag nito na isang beses na lang mabibigyan ng ayuda ang aabot sa 5 milyong pamilyang LEFT OUT. Kagaya ng mga pamilyang nangangailangan sa GCQ areas, makatwirang makatanggap ang mga LEFT OUT ng ayuda para sa una at ikalawang buwan ng lockdown.
Ngayon ang panahon para magkaisa ang mamamayan at ipaglaban kung ano ang nararapat para sa nagugutom nating mga pamilya. Ang P200 bilyong pondo ng SAP ng DSWD ay dapat agad nang ipamahagi at dagdagan pa para maitawid ng milyun-milyong mamamayan ang hikahos na kalagayan sa panahon ng lockdown.
Mahalaga ring magkaisa tayo para pabilisin ng gubyerno sa napakabagal na pagpapatupad ng mass testing upang matukoy ang mga pasyenteng asymptomatic o hindi nagpapakita ng sintomas, agad silang mai-quarantine at malunasan, nang hindi na sila makahawa. Tanging ang malawakang COVID19 testing ang susi upang tuluyan nang maalis ang lockdown na umiiral sa bansa at naghahatid ng matinding matinding kahirapan at kagutuman sa mamamayan.
SUMALI SA BLACK FRIDAY PROTEST PARA SA AYUDA!
Para sa mga patuloy na naghihintay sa ayudang pinansyal mula sa SAP ng DSWD, mapa-LEFT OUT man (mga hindi pa nakakatanggap) o mga nakatanggap na sa unang bigayan, makiisa sa ating online Black Friday Protest para sa Ayuda bukas, Mayo 22!
Paano sumali?
Magpakuha ng selfie na nakataas kamao at may dalang papel na nakasulat ang ang panawagan.
Sa mga pamilyang di pa nakakatanggap ng ayuda, isulat ang inyong panawagan na mabigyan ng ayuda at ang bilang ng kasapi ng inyong pamilya. Sa mga nakatanggap na sa unang bigayan ng SAP, isulat ang panawagan para sa tuluy-tuloy na ayuda sa lahat ng nangangailangan sa GCQ areas.
I-post sa timeline ng FB ang inyong selfie at ipadala rin sa comment section ng post na ito!
Anong magagawa ng ating online protest?
Kung maraming lalahok sa ating protesta sa social media, tiyak na makakarating sa gubyerno ang ating kahilingan. Kaya hikayating makiisa ang ating buong pamilya, at ang lahat ng kakilala mapa-LEFT OUT man o nakatanggap na ng ayuda.
Makatwiran lamang na mabigyan ng una at ikalawang tranche ng ayuda ang lahat ng nangangailangang pamilya dahil wala pa sa kalahati ang napapamahagi sa P200 bilyong pondo ng SAP ng DSWD. Nanatili rin ang kawalang trabaho at kabuhayan sa mga GCQ areas at maging sa lugar na wala nang lockdown, at lubog na lubog na sa utang at bayarin ang ating mga kababayan.
Maraming salamat sa pamilya Teodoro sa kanilang ipinadalang larawan. Sama-sama nating ipaglaban ang ayudang pinansyal para sa lahat ng pamilyang nangangailangan. Isabay na rin natin ang panawagan para sa malawakang COVOD19 testing para mapigilan ang pandemya at tuluyang maalis na ang lockdown.
SAP ALERT
Alinsunod sa kautusan ng DILG Rizal, inaatasan ang lahat ng mga barangay sa Rizal na magpaskil simula kahapon, Mayo 20, ng listahan ng mga LEFT OUT o mga pamilyang hindi pa nakatanggap sa unang tranche ng ayudang pinansyal ng DSWD.
Para sa lahat ng LEFT OUT sa Rizal, kausapin na ang iba pang LEFT OUT sa inyong lugar at sama-samang magtungo na sa inyong mga barangay para matiyak na kasama kayo sa listahan. Kung walang nakapaskil, sama-sama tayong mangalampag at magpaalala sa kinauukulan.
Para sa mga hindi pa nakakapag-apela, makipag-ugnaan sa iba pang hindi pa nakapag-apela sa inyong lugar at sama-samang magtungo na sa inyong barangay o sa tanggapan ng C/MSWDO sa inyong syudad o munisipyo.
Palaging isiping hindi ka nag-iisa, LEFT OUT ka man o hindi pa nakapag-apela. Mas epektibo ang panawagan kung maraming nagsasalita at nangangalampag. Huwag nating hayaang ang ayudang pera ay maging bato pa!
Kasama ang ibang hindi pa nakakuha at maging ang mga nakakuha na sa unang tranche ng SAP, ilaban nating mabigyan ng tuluy-tuloy na ayuda kahit tapos na ang lockdown ang LAHAT ng pamilyang nangangailangan.
Makatwiran lang ito dahil hindi pa nangangalahati ang napapamahagi sa P200 bilyong pondo ng SAP. At higit sa lahat, nanatili ang kawalang trabaho at kabuhayan sa mga GCQ areas gaya ng Rizal, at lubog na lubog na sa mga utang at bayarin ang marami nating kababayan.
Sa mga hindi pa nakakatanggap ng ayuda mula sa DSWD, wag po natin kalimutang gawin ngayong araw ng Lunes ang 3 HAKBANG NA DAPAT GAWIN NG ISANG LEFT OUT.
Maraming salamat kay G. Teodoro at sa kanyang pamilya para sa kanilang taas-kamao selfie, at sa iba pang nag-ambag ng kanilang larawan para sa ating panawagang mabigyan ng ayuda ang lahat ng nangangailangan!
SUNDIN ANG 3 HAKBANG NA DAPAT GAWIN NG ISANG PAMILYANG 'LEFT-OUT' (O NAPAG-IWANAN SA PAMAMAHAGI NG SAP)
Kung ang iyong pamilya ay sa isa sa mga napag-iwanan sa unang bigayan ng SAP ng DSWD, hindi ngayon ang panahon para ipagkibit-balikat lang ang ginagawa sa iyo ng gubyerno.
Ngayong araw ng Lunes, Mayo 18, tiyaking nagawa mo na ang tatlong hakbang na dapat gawin ng mga kagaya mong tinatawag na LEFT OUT. Huwag kang mawalang ng pag-asa.
1. Makipag-ugnayan sa lahat ng mga pamilyang hindi pa nakakatanggap ng ayudang pinansyal sa inyong lugar. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang paisa-isang paglaban. Tiyak na hindi ka pagsasarhan ng pinto ng lokal na tanggapan ng DSWD kapag marami kang kasama. Kaya, huwag ka nang mahiya, at agad maghanap ng iyong karamay. Ilista sa isang petisyon ang lahat ng mga pamilyang hindi pa nakakatanggap ng ayuda.
2. Sama-samang dumulog ngayong araw sa lokal na tanggapan ng DSWD na nasa pangangasiwa ng inyong lokal na pamahalaan. Magtungo sa pinakamalapit na Provincial/City/Municipal DSWDO. Ito ang mga opisinang sa panahon ngayon ay hindi nawawalan ng mga nakapila dahil kagaya mo, sila ay nakahanda ring lumaban para mabigyan ng ayuda.
3. Kapag nagawa mo na ang 1 at 2, huwag kang makapante at maghintay na lang. Milyun-milyon ang kagaya ng iyong pamilya na hindi pa nakakatanggap ng ayuda, kaya't huwag kang mag-alinlangang lumahok sa iba't ibang porma ng protesta para ang iyong panawagan ay makarating hanggang sa Malacanang. Kung mag-iingay ang mga pamilyang hindi pa nabigyan ng ayuda, mapa-selfie protest man ito social media o kalampagan sa mga komunidad sa buong Pilipinas, tiyak na magmamadali ang gubyerno na ilabas na ang ayuda. Kung pipilian mo namang manahimik lang, maghintay ka sa kangkukan baka dumating doon ang ayuda. Hindi na tama ang pananahimik kung nagugutom na ang iyong pamilya, habang may P200 bilyong pondong nakalaan para sa ayuda.
Abangan ang paglabas ng resulta ng 5 milyong pamilya dagdag sa listahan ng mabibigyab ng ayuda. Sama-sama kayong magtungo sa lokal na tanggapan ng DSWD para tiyaking kayo ay kasama sa listahan at kunin ang inilaban mong ayuda.
Kapag nakuha mo na ang iyong ayuda, hindi pa tapos ang laban. Kailangang muli kang makipagtulungan sa iba pang pamilya sa inyong lugar para makakuha sa ikalawang bigayan ng ayuda, lalo na kung ikaw ay nasa isang GCQ area o kahit wala nang lockdown sa inyong lugar.
Dapat nating ilaban na tuluy-tuloy na makatanggap ng ayuda ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan sa panahon ng lockdown, nasa ilalim man sa kasalukuyan ng ECQ, GCQ at kahit wala na sa lockdown. Makatwirang mabigyan ng ayuda ang lahat ng nangangailangan hanggang 3 buwan matapos ang lockdown, dahil nanatiling marami pa rin ang walang kabuhayan at hanapbuhay at baon sa kaliwa't kanang utang at bayarin.
Until we're sure of our students' and colleagues' safety, there should be no school opening.
We are one with parents who worry for the health of their children, whom we have also cared for as our own.
Para sa bata at sa bayan!
EMERGENCY SUBISIDY PARA SA LAHAT NG PAMILYANG NANGANGAILANGAN SA ECQ AT GCQ AREAS
Sa pagtatapos ang pagpapatupad ng lockdown sa iba't ibang syudad at probinsya ngayong araw, patuloy ang ating panawagan para mabigyan ng ayudang pinansyal ang lahat ng pamilyang nangangailangan, kapwa sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (ECQ). Ang pondong dapat matagal nang nakuha ng mamamayan ay dapat patuloy nating ipaglaban!
Kung isa ka sa mga hindi pa rin nakakatanggap ang ayuda mula sa DSWD hanggang sa ngayon, hindi ka dapat sumuko sapagkat nakapakamakatwiran at naayon sa batas na ikaw ay mabigyan. May pondong nakalaan para sa iyong pamilya. Hindi ka dapat tumigil para ipaglaban na makuha ito. Kaya wag maniwala sa mga nagpapakalat na wala ng pag-asang mabigyan ang iyong pamilya.
Para sa mga nakasama na sa listahan ng mga nag-apela o LEFT OUT, antabayan ang paglabas ng 5M bagong benepisyaryo ng SAP. Hindi dapat sila makampante hangga't walang dumarating na ayuda.
Para sa mga hindi pa kasama sa listahan, makipagtulungan sa iba pang hindi pa nakakatanggap sa inyong lugar. Gumawa ng petisyon at sama-samang dumulog sa inyong baranagay at munisipyo. Tiyaking ipinapatupad pa rin ang kaligtasang pangkalusugan. Magsuot ng face mask at ipatupad ang physical distancing sa pagdulog sa kinauukulan. Kung ikaw ay may kakilala sa inyong lugar na hindi pa nakatanggap at tingin mo ay nagangailangan ang kanilang pamilya, tulungan mo silang mapasama sa listahan upang mabigyan din ng ayuda.
Sa lahat ng hindi pa nakakuha, panawagan din natin na idaan sa social media ang ating protesta. Kumuha ng larawan ng sarili o kasama ang iyong pamilya, nakataas-kamao at may hawak na panawagan:
'AKO SI (pangalan)
(bilang ng miyembro ng pamilya) KAMI SA AMING PAMILYA
WALA PA RIN KAMING AYUDA!"
Ireply/ipadala ang kopya ng larawan sa post o comment na ito. Layunin nating matipon ang pinakamaraming larawan para maipakita ang dami ng mga pamilyang pinagkakaitan ng ayuda ng gubyerno sa kabila ng P200B pondo ng SAP ng DSWD.
2ND TRANCHE NG AYUDA
Para sa mga nakatanggap na ng ayuda sa unang bigayan, mula sa mga syudad at probinsyang saklaw ng kapwa ng ECQ at GCQ, ipanawagan nating magtuluy-tuloy ang bigay ng ayuda.
Hindi porke't nasa ilalim ng GCQ ay ating lugar ay may makakain na tayo, kaya't tungkulin ng gubyernong tiyakin ang ayuda para sa mga nangangailangan pamilya kapwa sa mga nasa ilalim ng ECQ at GCQ.
Dapat mabigyan ng kada-buwang ayuda ang mga lahat ng nangangailangang pamilya hanggang tatlong buwan matapos ang lockdown. Ang P200 bilyong pondo ng SAP ng DSWD, kailangang kaagad ubusin at dagdagan pa.
Kasama ang panawagan para ipatupad ang mass testing, ngayon ang panahon para ang mga maralita at iba pang mamamayang apektado ng COVID19 ay magkaisa at ipaglaban ang mabilis na pamamahagi ng sapat na ayuda mula sa gubyerno.
Gamit ang iba't ibang pampaingay, magkalampagan tayo tuwing Biyernes sa social media at sa loob at labas ng ating mga bahay at komunidad (Mayo 15, 22 at 29) hangga't wala at kulang ang ayuda.
WAG TAYONG TUMIGIL HANGGA'T DI NATIN NAKUKUHA ANG AYUDANG PARA SA NAGUGUTOM NATING PAMILYA
Inabot na ng gabi ang paghihintay ng mga hindi pa nakakuha ng ayudang pinansyal sa isang barangay sa Rodriguez (Montalban), Rizal.
Sa kabila ng buong araw na pagpila at paghihintay, bigo pa rin ang marami nating kababayan na makatanggap ng ayuda at kasigurduhan na na makakatanggap nito.
Sa kabila ng hirap, gutom at pagod, huwag tayong tumigil sa pag-apela sa Barangay, sa Munisipyo, sa MSWD o lokal na DSWD at sa iba pang sangkot na ahensya ng gubyerno hangga't di natin nakakamitan ang ayudang para sa nagugutom nating pamilya.
Patuloy tayong mangalampag at magpetisyon, kasama ng iba pang hindi pa nakatanggap at disqualified sa ating lugar. Mas pakikinggan tayo kapag marami tayong nagsasalita at kumikilos. May mapapala tayo basta hindi tayo titigil sa pangungulit sa kinakaukulan.
Ang ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos ang tanging makakapagtakda kung tayo at ang ating mga kalugar ay mabibigyan ng ating bahagi sa P200B SAP na ayon sa batas ay nakalaan sa mga nangangailangang pamilya sa panahon ng .
Larawang kuha ni Rujun Bongcales
MAY AASAHAN PA BANG AYUDA MULA SA DSWD ANG MGA MARALITA SA MGA PABAHAY SA MONTALBAN?
Para sa mga mamamayang nakatira sa mga pabahay ng NHA sa Bayan ng Montalban, nakakadismaya ang proseso ng pamamahagi ng cash subsidy ng DSWD sa mga pamilyang apektado ng !
Mahigit isang buwan ng ipatupad ang lockdown, butas na ang sikmura ng mamamayan dahil sa bagal ng dating ng ayuda! Ang pangakong pera, naging bato na!
Sa nagdaang tatlong dekada, isa ang Montalban sa pangunahing pinagdadalhan ng mga maralitang pamilyang pinapalayas ng gubyerno mula sa kanilang mga komunidad sa Kamaynilaan.
Sa mga barangay ng San Jose at San Isidro matatagpuan ang pinakamamalaking pabahay ng NHA gaya ng Kasiglahan Village, Relokasyon/NTA at Southville. Hindi nakakapagtakang ang bayan ng Montalban ang may pinakamalaking populasyon sa lahat ng munisipyo sa buong bansa, at ang San Jose at San Isidro naman ay nangunguna sa listahan ng pinakamataaong baranagay.
Dahil sa kawalan ng oportunidad na makapaghanapbuhay, ang mga pamilyang nakatira sa mga pabahay ng gubyerno ay kabilang sa mga pamilyang dumaranas ng pinakamalalang pang-ekonomiyang kalagayan sa bansa. Isang kahig-isang tuka ang kanilang pamumuhay sa pang-araw-araw.
Sa panahon ng lockdown, kung saan bawal lumabas ng bahay ang mga tao, saan kukuha ng kakainin ang mga pamilya sa pabahay kung pili at mabagal ang pamamahagi ng ayuda mula sa DSWD?
'Wala pa sa kalahati ang mabibigyan'
Ayon sa DSWD, 45,128 pamilya sa Montalban ang target nilang mabigyan ng ayudang P6,500 mula sa P200 bilyong pondo ng SAP. 6,188 dito ang kasaping pamilya ng 4Ps, at 38,940 naman ang hindi miyembro.
Wala pa ito sa kalahati ng kabuuang bilang ng pamilya sa Montalban na 97,112 ayon sa datos ng LGU. 46 lamang sa kada-100 pamilya ang mabibigyan ng ayuda. Mas maliit pa sa 46 sa kada-100 ang mabibigyan ng ayuda kung mas malaki pa sa 97,112 ang tunay na populasyon ng Montalban.
Ang 369,222 na populasyon ng Montalban nong 2015 ang pinagbatayan ng listahan ng DSWD sa pamamahagi ng Emergency Subsidy. Katumbas na ito ng 73,844 na pamilya sa sukatang 5 tao kada-pamilya.. Tiyak na libu-libong pamilya ang nadagdag sa populasyon ng Montalban simula 2015 dahil sa tuluy-tuloy ang pagpapasok ng NHA sa mga pabahay sa nagdaang mga taon.
Dapat isama ng DSWD ang mga bagong pamilyang tumira sa Montalban simula 2015 sa listahan ng mga mabibigyan ng ayuda sa panahong ng lockdown.
Sa datos ng pambansang opisina ng DSWD, nakapamahagi na ito ng P6,500 sa 5,714 pamilya sa Montalban na pawang mga kasapi ng 4Ps. Wala pa itong update sa bilang ng mga nabigyan na hindi kasapi ng 4Ps.
Ang tanong ng Montalban Relocatees Alliance sa gubyerno: Nasaan na ang buong P200 bilyong pondo? May dapat pa bang asahang ayuda mula sa gubyerno?
'Para sa lahat ng nangangailangan'
Ayon sa MRA, ang lahat ng mga nakatira sa mga pabahay sa Montalban ay makatwiran lang na mabigyan ng ayudang pinasyal. Gayundin, para sa lahat ng pamilya na nakatira sa labas ng pabahay na nawalan ng regular na hanapbuhay at kabuhayan ng mga nasa pabahay ngayong panahon ng lockdown.
Nanawagan ang MRA sa lahat ng mga lider ng mga HOA at iba pang samahan sa loob ng mga pabahay ng NHA sa Montalban na ilaban na mabigyan ng cash subsidy ang lahat ng kanilang kasaping pamilya na nangangailangan.
Katuwang ang libu-lbong pamilyang relocatees sa Montalban, huwag tayong masapatan sa pangakong mabibigyan ang lahat.
Kailangang tiyakin nating makarating sa kamay ng mga pamilyang nangangailangan ang P200 bilyong pondo ng SAP at hindi sa bulsa ng matataas na opisyal ng DSWD at ng administrasyong Duterte.
PANAWAGAN PARA SA MGA PAMILYANG HINDI PA NAKAKATANGGAP NG EMERGENCY SUBISDY MULA SA DSWD
Nakarating na ba ang DSWD sa inyong pintuan para magtanong kung kasama ang iyong pamilya sa mga nangangailangan ng ayuda ngayong panahon ng lockdown? Nakatanggap na ba ang iyong pamilya ng ayudang pinansyal mula sa P200 bilyong pondo ng Social Amelioration Program o SAP?
Kung hindi ang iyong sagot, baka panahon nang pag-isipan mo kung tama pa bang maghintay lang ang iyong pamilya sa loob ng bahay, at umasa na balang-araw ay darating din ang ayudang pinansyal mula sa gubyerno?
MABAGAL NA PAMAMAHAGI
13.6 milyong pamilya pa lang ang nakakatanggap ng ayudang pinansyal sa unang batch ng benepisyaryo na dapat ay aabot sa 18M mahihirap na pamilyang Pilipino, ayong sa pinakahuling ulat ng DSWD.
Wala pa sa kalahati ng P200B pondo ng SAP o halagang P75.2B ang nakarating na sa mga nangangailangang pamilya. Kung tutuusin, hindi lang 18M pamilyang mahihirap ang nangangailangan ng ayuda, sapagkat ang lahat halos ay nawalan ng kabuhayan, maging ang ilang milyong Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Marapat lang na mabigyan ang lahat ng pamilyang nawalan ng kabuhayan sa panahon ng lockdown.
Lahat tayo ay sumusunod sa kahilingan ni Duterte na manatili sa ating mga bahay at matiyagang maghintay sa pagdating ng kanyang pangakong ayuda. Ngunit talagang napakabagal lang ng pagdating nito na tila walang plano ang gubyerno na ito ay mapakinabangan ng mamamayan, gaya lang ng daang libong tiwangwang na pabahay sa bansa na hindi napapakinabangan ng mga pamilyang walang tirahan.
BAGONG LISTAHAN
Ayon sa Malacanang, liban sa mga nakahanay nang mabibigyan ng ayuda, may karagdagang 5 milyong pamilya na makakasama sa listahan kabilang ang mga pamilyang nag-apela na mabigyan din ng ayuda.
Para sa mga pamilyang hindi pa nakakatanggap ng ayuda, kailangang kumilos na ngayon para mapasama sa listahan at makinabang sa pondo ng SAP. Hindi kusang darating ang ayudang pinansiyal sa ating mga palad.
Kailangang iparating natin sa gubyerno na milyun-milyong pamilya pa ang hindi nakakatanggap ng ayuda, kabilang na ang napakaraming hindi pa nase-survey at na-interview ng DSWD. Kailangang aktibong igiit nila ang kanilang karapatan na mabigyan ng ayudang pinansyal.
SA MGA WALA PANG AYUDA, KUMILOS NA
Kung isa ka sa kanila, kaagad makipag-ugnayan sa iyong mga kapitbahay at kalugar na hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda, at gumawa ng petisyon para mabigyan ang lahat ng pamilyang nangangailangan. Iparating ang kopya ng petisyon sa lokal na tanggapan ng DSWD sa inyong munisipyo o sa City o Municipal Social Welfare and Development Office. Sila ang nag-eendorso ng karagdagan sa listahan ng benepisyaryo papunta sa nakatataas na tanggapan ng DSWD na siyang nagtatakda ng mapapabilang karagdagang 5 milyong pamilyang mabibigyan ng ayuda.
Sa isusumiteng petisyon, hikayating nakalagda ang pinakamaraming hindi pa nakakatanggap ng ayuda sa inyong lugar. Sa pagsusumite ng petisyon, tiyaking makasama ang pinakamaraming nakalagda, habang tinitiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng mga sasama. Tiyakin din makausap ang mismong kinatawan ng C/MSWDO at makuha ang kanilang pagsang-ayon na kaagad i-survey o ma-interview ang lahat ng pamilyang nakalista sa petisyon mula sa inyong lugar. Kuhanin ang kanilang contact number at walang sawang kulitin. Balik-balikan din ang kanilang tanggapan hangga't hindi sila bumabab para magsagawa ng interview. Sa mga kinategoryang disqualified ng DSWD, walang sawa ring mag-apela.
Magsabit ng malalaking panawagan para mapabilis ang pamamahagi ng ayuda sa lahat ng nangangailangan, sa labas ng ating mga bahay at komunidad. Kailangan nating ipabatid sa gubyerno at sa publiko na marami pa ang hindi nakakatanggap ng ayuda.
Ang bawat pamilyang nawalan ng kabuhayan ay hindi dapat tumigil na maggiit hangga't hindi nila nakakamit ang ayudang pinansyal na ayon sa batas ay matagal na dapat nilang makuha, matapos man sa Mayo 15 o magpatuloy pa ang lockdown.
Hindi maling magpahayag at manindigan para may sapat na makain ang ating pamilya. Ang mali ay ang manahimik sa panahong tinatapakan na ang ating karapatan, at hayaan na lang na mapunta sa bulsa ng iilan ang pondong dapat ay para sa milyun-milyong nangangailangan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Baras
1970
Sitio Proper, Barangay Iraan
Baras, 5303
Tech4ED is a program of the DICT that aims to harness ICT to bridge the digital divide. A Tech4ED C
Baras, 1850
Official Page of Triskelions' AFP VILL. / TIERRA MONTE CHAPTER, under Triskelions' San Mateo Municipal Council
Baras, 1850
Life's inspirations and experiences. When life is at its lowest, we just have to believe and be inspired. Hoping to give you something to live life to its fullest.š„°
45 Manila East Road, Angono (located Within The Scrapyard Cafe And Restaurant)
Baras, 1930
A multi-purpose artist community center for the young key population of Rizal Province #ZeroStigmaPH