Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement

Sign up, be a volunteer!

Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement is a youth based alliance composed of volunteers and professionals in Batangas which aims to unify Batangueños in times of need and promote social change.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 25/07/2024

CALL FOR DONATIONS FOR VICTIMS OF

Batangas needs your help!

Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement is knocking on your kind and generous hearts for financial aid and in kind donations to support the victims of .

Numerous communities are submerged due to the onslaught of the storm. The aftermath left the agricultural communities' produce and housing of the residents destroyed. Hundreds of families are currently staying in evacuation centers and they need your help in securing essentials such as food, water, and shelter.

Proceeds will be used to acquire basic necessities and conduct relief operations. For inquiries send us a message directly or reach us thru our contact number 09850482395.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 01/12/2022

TINGNAN: Sa tulong ng Southern Tagalog People's Response Center - STPRC, Inc., tagumpay na nakapagsagawa ng relief distribution ang Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement sa mga bayan ng Mabini, Tuy, at Nasugbu noong ika-30 ng Nobyembre 2022.

Matatandaang isa ang lalawigan ng Batangas sa mga nagtamo ng pinsala sa paghagupit ng Bagyong Paeng noong unang linggo ng Nobyembre. Direktang naapektuhan nito ang produksiyon at mga pananim, pati ang lokal na pangingisda na siyang pangunahing kabuhayan ng mga residente sa mga nasabing lugar.

Bukod sa pinsala ng mga kalamidad, ang lalawigan ay nakararanas din ng matinding militarisasyon na siyang nagdudulot ng pangamba at takot sa mga residente. Kaugnay nito, nakikiisa ang TLB - YM sa panawagang "Militar sa Batangas, Palayasin!".

Bukas ang TLB - YM para sa mga nais magpaabot ng tulong donasyon man o pagbo-boluntir. Para sa mga karagdagang detalye, maaaring magmensahe sa social media pages ng TLB - YM.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 08/11/2022

NOW: Namamahagi tayo ngayon ng sopas sa mga residente ng Sitio Ilaya, Mainaga, Mabini Batangas. Kaugnay ito ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa ating bansa. Ayon sa mga residente, ilang kabahayan ang nasira at ang kalakhan ng residente ay suspendido sa trabaho sa loob ng pantalan.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagpaabot ng tulong lalo na sa STPC.

Bukas pa po ang Tulungan Lingap Batangan para sa mga nais magbigay ng donasyon.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 06/11/2022

UPDATE:

Nagpunta ang ilang volunteers sa Coral ni Lopez, Calaca noong Nobyembre 4, 2022 upang kumustahin ang kalagayan ng mga mamamayan nitong nakaraang pagsalanta ng Bagyong Paeng. Ilang araw na nawalan ng kuryente sa lugar, may mga ilog na umagos at punong natumba na nakahadlang sa daanan patungo sa lugar. Bukod dito, may ilang tubuhan ding natumba ngunit hindi ito gaano nakaapekto sa kanilang produksiyon. Sa naging panayam sa mga konsehal, mabilis na naagapan ang mga naging pinsala sa lugar sa pinagsama-samang tulong ng mga lokal. Gayunpaman, nananatili ang kanilang kagyat na pangangailangan sa bigas at gamot dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit, karamihan ay mga bata, dulot ng pabago-bagong panahon. Agad ding naibalik sa normal ang daloy ng klase ng mga eskwelahan.

Sa konsultasyong ito, napagkasunduan ng mga volunteers at ng opisyales ng barangay na sabay idaraos ang kusinang bayan at ang pamamahagi ng relief goods. Patuloy kaming nanawagan para sa mga donasyon (monetary o in-kind—tulad ng bigas, canned goods, hygiene kits/medical supplies) para sa karagdagang pangangailangan ng mga mamamayan ng Calaca.

Sa parehong araw, naabot ding mapuntahan ng mga volunteers ang Natipuan, Nasugbu na siyang nagtamo rin ng mga pinsala mula sa bagyo. Ilang bahayan dito ang nagsiliparan ang mga bubong, nawasak na mga dingding, at nagtumbahang mga puno ng saging. Tagumpay na nakapaglunsad ng kusinang bayan ang mga volunteers dito sa tulong ng mga donasyon mula sa Serve The People Corps at mahigit 10-20 na pamilya o 100 na katao ang napaabutan nito. Tulad ng sa Calaca, ito ay unang hakbang pa lamang at patuloy ang pagpaplano para sa gagawing pamamagi ng relief sa nasabing lugar.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 30/10/2022

CALL FOR DONATIONS FOR VICTIMS OF

Batangas needs your help!

Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement is knocking on your kind and generous hearts for financial aid and in kind donations to support the victims of .

Numerous communities are submerged due to the onslaught of the storm. The aftermath left the agricultural communities' produce and housing destroyed. Thousands of families are currently staying in evacuation centers and they need your help in securing food, water, and shelter.

Proceeds will be used to acquire basic necessities and conduct relief operations. For inquiries send us a message or e-mail is at [email protected]

Monetary donations:
BDO Unibank
Acc no. 005670411030
Acc name: Camille Frances Layog

GCash
09916568844
Soledad C.

In kind drop off location:
1. Maligaya St. Brgy. San Isidro Sur, Sto. Tomas

2. Batangas Pier, Brgy. Sta Clara, Batangas City

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 11/02/2022

Sa tulong ng ANAKPAWIS Partylist Southern Tagalog, Ayuda Network at Villar group, nakapaghandog ng kaunting pantawid gutom sa Tumaway, Talisay noong Pebrero 6, 2022.

Pagkalipas ng dalwang taon, wala paring maayos na panirahan ang mga residente ng Tumaway. Hanggang ngayon ay nasa evacuation center parin sila, kung saan ay tanging tent lamang at pinagtagpi-tagping mga tela ang nagsisilbing haligi ng kanilang mga "bahay".

Gutom, takot at kawalan ng hanapbuhay ang patuloy na nararanasan ng mga bakwit.

Sa kabila ng paninindak ng mga otoridad, hindi ito naging dahilan upang matigil ang pamimigay ng tulong para sa mga residente.

Marapat lamang na magkaroon ng maayos na rehibilitasyon, relokasyon at sapat na ayuda para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

At para sa mga nais magpaabot ng tulong, magboluntir, at karagdagang detalye, magmessage lamang sa mga social media accounts ng TLB-YM.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScCN3t70yHvjs44kxzBmHBrZmMz5ZFyVdFcSuWYKwuqv1NhRg/viewform

29/01/2022

Ayon sa PHIVOLCS, may naganap na walong mahihinang phreatomagmatic bursts (pagbuga ng bulkan ng putik) na may steam-rich plume na umabot mula sa 400 hanggang 900 metro ang taas simula kaninang 3:50 ng hapon hanggang 8:13 ng gabi.

Samantalang, nananatili naman sa Alert Level 2 ang kalagayan ng bulkang Taal.

Sa kabila ng mga kaganapang ito, isang paalala rin na simula pa noong Enero 2020 hanggang sa kasalukuyan ay may mga naiwang bakwit parin sa ilang mga evacuation center katulad nang sa Tumaway, Talisay, Batangas at Motorpool, Talisay, Batangas. Gutom, kawalan ng maayos na paninirahan at kahirapan sa paghahanapbuhay ang nararanasan nila ngayon.

Para sa mga nais magpaabot ng donasyon o nais magvolunteer, mangyari lamang na makipag-ugnayan alinman sa mga social media accounts ng TLB-YM.

13/01/2022

Dalwang taon na ang nakalilipas simula nang pumutok ang bulkang Taal. Kung saan, maraming pamilya parin ang naiwan sa mga evacuation sites at hanggang ngayon ay walang konsistente at sapat na ayudang natatanggap; nagdulot rin ang trahedyang ito ng malaking takot sa mga Batangueño at malaking sagka sa kanilang hanapbuhay.

Gayunpaman, patuloy parin ang pagsasagawa ng Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement sa pangangalap ng mga donasyon at rehabilitation programs para makapagbigay ng kaunting tulong sa mga lugar dito sa Batangas na naapektuhan ng pagsabog nito.

Kalakip nito ang isang tulang handog ng TLB - YM upang gunitain ang pangalwang anibersaryo ng pagsabog ng bulkang Taal:

PAGBALIK TANAW

muling suminsay sa ating lalawigan
bagama't may pangamba't agam-agam
nakay saulo pa rin ang bawat detalye,
mga pinagdaanan, mga bitak sa kalye

dalwang taong binabalot ng takot
wala ni kaunting bahid ng limot,
nasanay sa kanyang amo't ganda
siya nga pala'y mapaminsala

silakbo nareng bulkan
bawat araw nararamdaman,
may mga bakwit sa mahuhunang barong-barong,
mayroong nasa 'di na mahulugang karayom

mabanas, walang katiyakan,
pati sa hanapbuhay pinagkaitan,
'di na tan-aw ang mga tanim at palaisdaan,
ipit sa kalamidad, pandemya't kagutuman

pagkalupit ga,
nakapanlulumo at nakaluluha,
ngunit 'di 'yan hadlang sa mga Batangueñong nagkakaisa
'di mawawala ang pag-arap ng pag-asa

kaya muling suminsay sa ating lalawigan,
labanan ang mga pangamba't agam-agam,
alalahanin din detalye ng ating paninindigan,
dine sa Batangas, walang pagsubok na inaatrasan!

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 09/01/2022

As January 12 nears, we recognize the 2nd year after the Taal Volcano eruption. Communities near the lake and evacuation sites still need help in forms of rehabilitation projects and relief operations.

For the sake of Batangeuños in need, volunteer now! https://t.co/Av5isVU1DX https://t.co/VbApsYahn6

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 20/12/2021

Nagsagawa ang Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement ng Relief Operation sa Brgy. Buso-Buso at Brgy. Berinayan, Laurel, Batangas noong nakaraang ika-14 at ika-15 ng Disyembre. Katuwang ng TLB - YM ang People's Solidarity & Education Tours, Inc. (PSET), Ugnayang Pilipino sa Belgium (UPB), National Alliance for Filipino Concerns (NAFCON), Consortium for People's Development Disaster Response (CPDDR) at Otto Per Mille (OPM) bilang mga principal sponsor ng aktibidad.

Ang Buso-Buso at Berinayan, Laurel, Batangas ay kabilang sa mga direktang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong ika-12 Enero, 2020. Hanggang ngayon, hirap makabangon ang komunidad dahil sa malaking epekto nito sa pangingisda na isa sa mga pangunahin at pinakatampok na kabuhayan doon.

Ngunit sa kabila ng lahat, ang Batangueño ay babangon sa pamamagitan ng tulungan!

Bukas ang TLB - YM para sa mga nais magpaabot ng tulong donasyon man o pagbo-boluntir. Para sa mga karagdagang detalye, maaaring magmensahe sa social media pages ng TLB - YM.

23/11/2021

TAAL VOLCANO ADVISORY
Ika-22 ng Nobyembre 2021
10:30 ng gabi

Tatlong maliit na phreatomagmatic burst sa Taal Main Crater ang naitala ng Taal Volcano Network kaninang 8:11 AM, 8:17 PM at 8:34 PM na tumagal ng isa (1) hanggang limang (5) minuto batay sa seismic record nito. Ang mga phreatomagmatic burst na ito ay lumikha ng pandaliang plume na 200 hanggang 1,500 metro ang taas batay sa kuha ng thermal camera. Simula noong Nobyembre 15, umabot na sa anim ang naitalang phreatomagmatic burst na maaring dulot ng pagbabasag ng bato at pag labas ng volcanic gas mula sa magma sa ilalim ng Taal Volcano Island.

Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang lahat na ang Alert Level 2 ay nakataas pa rin ngayon sa Bulkang Taal kaya’t ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Mariing iminumungkahi na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal. Hinihikayat ang mga may-katungkulan sa lokal na pamahalaan na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat mag-abiso sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.

DOST-PHIVOLCS


https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/volcano-advisory-menu/13366-taal-volcano-advisory-ika-22-ng-nobyembre-2021-10-30-ng-gabi

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 28/09/2021

Kasama ang Lingap Gabriela, nagsagawa ng relief operations para sa mga residente ng Brgy. Banyaga, Agoncillo, Batangas na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Taal nitong August 28, 2021.

Apektado ang kanilang hanap-buhay na pangingisda dulot ng sunod sunod na trahedyang dumating sa kanilang bayan at sa buong bansa; ang pagsabog ng bulkan at pandemya.

Malaking bagay para sa kanila ang mga tulong na dumadating upang maitawid ang pang araw-araw na pamumuhay sa gitna ng malaking unos na kanilang pinagdadaanan.

Ang Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement ay bukas sa mga nais magpaabot ng tulong para sa mga komunidad, partikular dito sa Batangas.

At para naman sa mga nais mag-boluntir at maging miyembro ay mangyaring magmessage lamang sa aming Facebook account at sa iba pang social media accounts ng TLB-YM.

Maraming salamat!

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 01/08/2021

Maraming salamat sa mga manggagawang Lagunense na nagbigay ng mga tinapay bilang donasyon sa 60 pamilya ng Motorpool, Talisay!

Ang Motorpool ay isang mekanikal na pagawaang pang-konstruksyon na nagkaroon ng mahalagang parte sapagkat nagsilbi ang maliit na bahagi dito bilang evacuation center para sa mga pamilyang nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal noong taong 2020.

Kung kaya't higit isang taon na rin ang mga bakwit na nananatili rito, katulad ng iba pang bakwit sa probinsya ng Batangas. Pangunahing pangangailangan ng mga taga-Motorpool ay bigas at gamit pangkalinisan tulad ng napkin, diaper, sabon panlaba at pang-ligo, shampoo, atbp.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 08/07/2021

Sapilitang lumikas ang mga residente ng Brgy. Gulod, Laurel, Batangas sa Bilaran Elementary School (Centro Bilaran, Barangay Bilaran, Nasugbu, Batangas) bunsod ng phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal nitong ika- 1 ng Hulyo at sa patuloy na pagbabadya ng pagsabog nito.

Paghahayupan at pangingisda ang kanilang pangunahing hanapbuhay; halos sinusubukan pa lang nilang bumangon mula sa matinding pagsabog ng bulkang Taal nitong Enero 2020, ay may nagbabadya nanamang sakuna.

Ngunit dahil nga sa natigil na hanapbuhay at sa kanilang biglaang paglikas, sila ay kulang sa mga pangunahing pangangailangan katulad ng:

- utensils
- kape
- beddings
- gatas
- diaper ng baby (medium)

Inaasahan pa ang pagdating ng mas maraming evacuees galing sa Brgy. Busubusu at Gulod.

Ang anumang donasyon na inyong ipaaabot; monetary o in-kind donations ay malaking tulong na para sa mga kababayan natin dito sa Batangas.

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa aming mga social media accounts o mismong dito sa Facebook para sa mga katanungan at paglilinaw.

Maaaring ipadala ang mga monetary donations sa:

Paymaya: 09494731424

Gcash: 09566980991, Shadrach D.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 03/07/2021

TAAL VOLCANO UPDATE:

Itinaas ng DOST-PHIVOLCS sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal nitong ika-1 ng Hulyo, bandang ika-4 ng hapon.

Nagkaroon ng phreatomagmatic activity ang bulkan mula 3:16 pm hanggang 3:21 pm. Kinagabihan ay nagtala pa ng apat na aktibidad ang bulkan mula 6:00 pm hanggang 8:00 pm.

Nitong ika-2 ng Hulyo ay nagtala pa ng tatlong aktibidad ang Bulkang Taal. Ayon sa mga seismologists ng nasabing ahensya, nangyari muli ng phreomagmatic activity ng 10:24 am, 10:47 am, at 11:01 am. Nakitaan rin ng "upwelling" sa Main Crater Lake ng bulkan.

Tinatayang nasa 14,000 na indibidwal na nasa palibot ng lawa ang lumikas dala ng pagsabog ng bulkan. Nagbigay ng abiso ang ahensya na maging alisto ang lahat sa maaaring mangyaring sakuna.

Bilang paghahanda, bukas ang tanggapan ng Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement para sa anumang tulong pinansyal, donasyon at suportang maipapahatid natin sa mga kababayang Batangueño na pinalikas dulot ng nakaambang pagsabog ng bulkang Taal.

Bukas din ang TLB-YM para sa mga nais mag-volunteer sa mga gaganaping Relief Operations, para sa mga katanungan at paglilinaw, mangyaring magpadala lamang ng mensahe sa mga social media accounts ng TLB-YM.

31/03/2021

❗❗ CALL FOR MEMBERS ❗❗

Ang Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement ay isang organisasyong pangkabataan na nakabase sa probinsya ng Batangas. Nabuo ito sa pagnanais na mapagbuklod ang mga Batangueñong kabataan na may pusong tumulong sa mga mamamayan na naapektuhan ng sakuna dine sa ating probinsya.

Bukas ang tanggapan ng Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement para sa nais tumulong sa mga Relief Drive Operation para sa naapektuhan ng iba't ibang kalamidad dine sa Batangas.

Bukod pa roon ay may iba't ibang aktibidad ito katulad na lamang ng mga pag-aaral, health orientation and training, psycho-social activities, paghahanda sa mga kalamidad at iba pa.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga nais magpamember at sumali sa pamamagitan ng pag-message sa aming mga Social Media Accounts at magsign up lamang sa form na ito:
http://bit.ly/JoinTLB-YMNow

Sa pag tutulungan, sabay sabay tayong babangon mga Batangueño!

Email: [email protected]
Phone #: 09480894925

Be Member and Serve our fellow Batangueños!

25/03/2021

Bulkang Taal Updates:

Nagmensahe ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) patungkol sa kasalukuyang estado ng Bulkang Taal pasado alas-otso ng umaga ng ika-25 ng Marso 21, 2020.

Nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang nasabing bulkan sapagkat nakapagtala ang ahensiya ng dalawang daan at animnapu't tatlo (243) volcanic tremorsna tymagal ng isa (1) hanggang walong (8) munuto at dalawampu't lima (25) na low frequency volcanic earthquakes.

Nabanggit ng organisasyon na manatiling alisto ngayon sapagkat mabuti ang maging handa sa anumang posibleng kahinatnan ng kasalukuyang estado ng Bulkang Taal.

Para sa Buong Detalye Puntahan lamang ang link na ito:

https://www.facebook.com/283303355111903/posts/3637177583057780/?app=fbl

24/03/2021

COVID-19 UPDATE: Ngayong araw, nakapagtala ang DOH ng 6,666 na bagong kumpirmadong kaso ng . Ito na ang ika-pitong araw kung saan ang bilang ng naitatalang kaso ay higit sa 5,000.

Nasa 684,311 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa bansa. Habang 1,072 ang bagong naitalangang gumaling at 47 ang namatay.

Sanggunian: https://twitter.com/earthshakerph/status/1374632917582839809

09/03/2021

Bulkang Taal, itinaas na sa Alert Level 2 ng PHIVOLCS

Pasado alas-otso ng umaga nang maglabas ng bulletin ang PHIVOLCS patungkol sa kasalukuyang estado ng Bulkang Taal sa Batangas.

Nag-ulat ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na itinataas na nito ang alert status ng bulkan mula sa Alert Level 1 papuntang Alert Level 2. Ipinapahiwatig nito na ang aktibidad na magmatic ay mangyayari, ngunit maaari o hindi maaaring magresulta sa isang pagsabog.

Naobserbahan ng mga bulkanologist mula sa ahensiya ang mga sumusunod: Volcanic earthquakes, Main Crater Lake changes, Ground deformation, at Microgravity changes sa loob ng 24 oras.

Bilang paghahambing, ang pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 2020 ay nakaapekto sa higit sa kalahating milyong katao sa mga lalawigan ng Batangas, Quezon, Laguna, at Cavite.

Sa oras na ito, ang paglisan sa lugar ay hindi inirerekomenda sa Alert Level 2. Gayunpaman, hinikayat ang karamihan na ihanda ang sarili at ang pamilya sa posibilidad na mangyari ang sakunang ito.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 19/02/2021

ICYMI: Kahapon, February 18, 2021, nagsagawa ng interbyu ang ilang miyembro at volunteer ng TLB-YM sa mga bakwit na lumipat ng bahay dulot ng nakaraang pagsabog ng Bulkang Taal. Isang taon nang nakatigil sa Talisay, Batangas ang mga biktima ng bulkan. Kahawig nila ang kalagayan ng mga bakwit sa Balete. Ang kaibahan lamang, lahat ng bakwit sa Talisay ay sa loob lamang ng mga kinumpuning tent nakatira sapul ng pagsabog ng bulkan. Hanggang ngayon ay wala silang maayos na bahay at hanapbuhay. Dahil dito, maigting ang panawagan nilang magkaroon ng maayos na pabahay ang lahat.

Sa gitna ng pandemya at pinagdaanang delubyo, hirap na hirap ang mga estudyante na makagawa ng kanilang mga modyul. Ang mga salik na ito ang pumupigil sa kanilang matamasa ang dekalidad na edukasyon. Ngunit sa kabila nito, linalabanan nila ang mga masalimuot na sirkumstansya.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 18/02/2021

TINGNAN: Lagay ng mga bakwit sa Balete, isang taon matapos ang sapilitang paglipat ng bahay dala ng hagupit ng pagsabog ng bulkang taal. Bagama't nakatira sa mga pabahay ang kalakhan ng mga residente, ang iba naman ay nananatili pa ring nakatira sa mga tent na plastik, kung saan wala silang kuryente at tubig, binabaha, at nagkakasakit na sa init. Isang taon na ang nakalipas ngunit ang lahat ay nananatiling sadlak sa kahirapan dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 04/01/2021

Ang probinsya ng Batangas ay sinalanta ng mga malalakas na bagyo nitong nagdaang Nobyembre, at lubhang naapektuhan ang komunidad ng mga magsasaka at mangingisda sa ating siyudad. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nakakabawi sa pinsalang idinulot ng mga bagyo sa kanilang mga bahay, pamilya, kabuhayan, edukasyon ng mga anak -- nariyan pa ang banta ng Covid-19.

Kaya naman, ating salubungin ang Taong 2021 nang may malasakit sa ating kapwa, at pakikiisa laluna sa mga batayang sektor na nangangailangan. Sila ang dahilan kung bakit mayroon tayong kanin at ulam araw-araw. Ngayon, tayo naman ang magbahagi.

Nananawagan ang Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement sa mga kababayan nating Batangueño na may ginintuang puso upang magpaabot ng tulong para sa mga maralitang magsasaka at mangingisda rito sa Batangas. Maaari kayong magpadala ng inyong mga donasyon sa mga sumusunod:

GCash
0915 147 2475
Maryrose Lizette Reyes

PayMaya
0949 473 1424
Rizalina Yamson

BDO Savings
000050361082
Reine Erin de Chavez

BPI
8959201634
Sheila Marie Lopez

Kumpirmahin ang inyong mga donasyon sa: tinyurl.com/TB2021confirmation

Ang ating Target Amount para sa Phase 1 ay P115,000 para sa humigit-kumulang 230 pamilya ng mga maralitang magsasaka at mangingisda mula San Juan, Batangas. Ang mga detalye para sa Phase 2 ay ilalathala kapag nakamit na ang Phase 1 Targets.

Sa pagtutulungan, sabay-sabay tayong babangon, mga nagkakaisang Batangueño!

Photos from Tulungan Lingap Batangan-Youth Movement's post 06/12/2020

RELIEF OPERATION UPDATES: Noong ika-27 ng Nobyembre taong kasalukuyan ay nakapaglungsad ang TULUNGAN LINGAP BATANGAN - YOUTH MOVEMENT ng RELIEF OPERATIONS sa Barangay Quipot at Sitio Calabasahan, San Juan, Batangas.

Ang mga nasabing lugar ay labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Hanggang ngayon ay hindi pa sila tuluyang nakakabangon lalo't higit sa kanilang pangkabuhayan. Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pagtatanim o sa madaling salita sila ay mga "magsasaka".

Kami ay nagpapasalamat sa may mga mabubuting kalooban na hindi nag-alinlangan mag-donate sa aming organisasyon.

Bukas lagi ang TLBYM para sa mga magpapaabot ng kanilang mga donasyon.

Maari ring i-message ang aming page.

MULI MARAMING SALAMAT PO!!

19/11/2020

Transparency Update !! 👀Look👀

Dahil sa patuloy nating pagbabayanihan, nakalikom na ang Tulungan Lingap Batangan Youth Movement ng Php 23,362.35 bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses.

Para sa iba pang mga detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa aming tanggapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe sa amin. Maraming salamat po!

18/11/2020

👀 LOOK 👀

Nagsimula nang mangalap ang TULUNGAN LINGAP BATANGAN - YOUTH MOVEMENT ng mga IN-KIND DONATIONS. Labis na nag papasalamat ang mga admins nito gayun din ang mga members at volunteers ng TBL-YM kina:

Venus Loreine S. Dimaano
Kirsten Sophia
Yna Melarie Bobadilla
Jasmine Santos
Nasya Dee Castro
Angel Arada
Larin Laroza

Muli, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyo.

Sa mga nais pang magpaabot ng kanilang tulong ay maaari ninyo lamang kontakin ang numerong nakasaad rito:

(09672968150 - GLOBE 09511574365 - TNT)

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Batangas City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Batangas City
4217

Other Youth Organizations in Batangas City (show all)
Brgy. Malitam Dos Kapisanan Brgy. Malitam Dos Kapisanan
Batangas City, 4200

Barangay Malitam Dos Kapisanan

KYM - Kinalaglagan Youth Ministry KYM - Kinalaglagan Youth Ministry
Kinalaglagan, Mataas Na Kahoy
Batangas City, 4223

SSBC Youth Ministry SSBC Youth Ministry
175 National Road, Tulo
Batangas City, 4200

The Official page of Shepherd Sheep Baptist Church - Youth | 1 Timothy 4:12 EST. 2016

Criminology Students Society - Batangas State University - TNEU Criminology Students Society - Batangas State University - TNEU
Batangas State University
Batangas City, 4200

CRIMSOC: Commitment and Service for the Criminology Society

Young Entrepreneur's Society - Bolbok, Batangas City Young Entrepreneur's Society - Bolbok, Batangas City
Bolbok
Batangas City, 4200

An Organization under Angat Kabatan Society of Brgy. Bolbok, Batangas City YES est. June 19, 2022

WIS Philippine Society of Customs  Administration Students WIS Philippine Society of Customs Administration Students
Alangilan Batangas City
Batangas City, 4200

Philippine Society of Customs Administration Students is an organization for Customs Ad Students

Purok 4 Youth Development Council - Bolbok, Batangas City Purok 4 Youth Development Council - Bolbok, Batangas City
Purok 4, Bolbok Batangas City
Batangas City, 4200

Purok 4 Youth Development Council - Bolbok, Batangas City

Barkada Kontra Droga - Tipas Integrated National High School Barkada Kontra Droga - Tipas Integrated National High School
Tipas San Juan
Batangas City, 4226

TINHS BARKADA KONTRA DROGA

Bucal South Kapisanan Bucal South Kapisanan
Bukal South Batangas City
Batangas City, 4200

Welcome!

KKDAT - Batangas City KKDAT - Batangas City
Batangas City, 4200

Kabataan Kontra Droga at Terorismo

LPU-Batangas Association of Radiologic Technology Students LPU-Batangas Association of Radiologic Technology Students
Batangas City

Assosiation of Radiologic Technology Students (Lyceum of the Philippines Batangas)