Two Hearts of Jesus & Mary Chapel-DM Mission Station

Mission Station is a program of Bishop Ambo. It is for the purpose the Catholic Church will reachou

07/11/2023

INIIMBITAHAN ANG LAHAT NG KABATAAN edad 13 years old and above para sa Youth Assembly na gaganapin sa darating na Sabado, November 11, 2023. Sa ganap na 2:00 PM sa ating kapilya.

See you there!!!

31/10/2023

DM MISSION STATION MARCH OF SAINTS ENTRY:
Santa Cecilia, Patron ng Musika
Representative: Regine Sodicta Licanda

Si Sta. Cecilia ay isang magandang dalaga. Siya ay anak ng mayaman at makapangyarihang pamilya sa Roma noong unang panahon.

Noong gabi bago siya ay nakatakdang ikasal, isang awit pangkasal ang kanyang narinig. Sa pagkakataong ito ay muli niyang inialay ang kanyang kalinis-linisang puri sa Diyos.

โ€œAko ay kabiyak ng Panginoong Hesukristoโ€, wika niya. Nang marinig ito ng kanyang magiging kabiyak na si Valeriano ay natinag ang kanyang puso at tuloy nagpabinyag na rin bilang Kristiyano. Siya at kanyang kapatid na si Tiburcio na kanyang tinuruan tungkol sa ating pananampalataya ay nagpatunay na sila ay kristiyano na sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanilang dugo.

Noon ngang maging Kristiyano ay isang malaking kasalanan laban sa paganong Pamahalaan ng Roma. Ngunit ang mga banta sa paganong Gobernador laban kay Cecilia ay hindi tumalab, at lalo ngang nagpaalab sa kanyang pagmamahal kay Kristo.

Si Cecilia ay ikinulong sa isang maliit na banyo na pinainit ng apoy upang ang tubig sa loob ay maging kumukulong singaw na siyang pupugto ng kanyang hininga. Maghapon at magdamag siyang ikinulong sa nagbabagang banyong iyon, subaliโ€™t hindi napinsala ang kanyang katawan ng kumukulong singaw. Puma*ok ang berdugo sa banyo at tatlong ulit siyang hinataw ng matalim na palakol sa leeg ayon sa utos ng batas. Ngunit hindi naputol ng tuluyan ang leeg ni Cecilia. Nanatili siyang buhay sa loob ng tatlong araw habang naliligo sa sariling dugo nakalaylay ang ulo at naghihintay para sa makalangit na korona. Matapos ang tatlong araw ay isinuko niya ang kanyang dakilang kaluluwa kay Kristo noong taong 177.

Si Cecilia ay inilibing ng mga Kristiyano sa kanyang anyo nang siya ay mamatay. Ang halos pugot na ulo ay nakatungo sa lupa. Tatlong daliri ng kanyang kamay at isang daliri ng kanyang kaliwang kamay ay nakataas pagpapatibay sa kanyang paniniwala na iisa lamang ang Diyos na mayroong tatlong persona. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang ari-arian sa simbahan at mga nangangailangan. Siya ay nakatanggap ng banal na komunyon bago siya namatay.

Noong taong 300, hinukay ang libingan ni Sta. Cecilia. Ito ay natagpuan sa dating anyo gaya nang siya ay inilibing. Ang kanyang katawan ay hindi binulok ng lupa at panahon.
Namatay si Sta. Cecilia upang magbigay ng patunay na matibay na pananampalataya sa Santisima Trinidad.

Sta. Cecilia Patrona ng Musika, Ipanalangin mo kam

31/10/2023

Sa ating paggunita ng Araw ng mga Santo, muling nagpapakilala ang DM Compound Mission Station ng panibagong santo na magbibigay sa atin ng inspirasyon upang lumago sa ating pananampalataya.

Malugog naming irerepresenta si Santa Cecilia, Patron ng Musika, sa March of Saints na gaganapin mamayang hapon sa San Roque Cathedral - Diocese of Kalookan. Inaanyayahan po ang lahat ng bahagi ng ating mission station na makiisa sa gawaing ito.

Maraming salamat po! Santa Cecilia, ipanalangin mo po kami.

Photos from CFC Singles for Christ - WestB5a-NSPS/UST's post 15/10/2023

Maraming salamat po sa mga CFC-Singles for Christ West B5A sa pagbisita at pangunguna sa aming Monthly Youth Assembly. Patuloy nawa kayong pagpalain ng Panginoon!

Maraming salamat po! ๐Ÿ’™

14/10/2023

Sama-sama nating ipagdiwang ang Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon bukas, October 15, araw ng Linggo!

Anyayahan ang inyong mga kamag-anak, kaibigan, at mga kapit-bahayan! Magkita-kita tayo bukas ng alas-otso ng umaga (8:00 AM) sa Two Hearts of Jesus & Mary Chapel!

Samantala sa ganap na alas-dos ng hapon ay magkakaroon ng isang Formation Program para sa mga kabataan edad 13 years old pataas. Ito ay gaganapin sa ating kapilya. Maraming salamat po!

02/10/2023

According to the Bureau of Fire and Protection (BFP), the first alarm was raised at 12:01 p.m. The fire went up to the second alarm at 12:05 p.m. and escalated to the third alarm at 12:27 p.m. It was extinguished around 1:14 p.m. (READ: https://mb.com.ph/2023/10/2/fire-hits-residential-area-in-caloocan-city-2 )

PABATID | Mga Ka-parokya, ang Commision on Social Services and Development ng ating parokya ay tumatanggap ng IN-KIND AND IN-CASH DONATIONS para sa mga kapatid nating nasunugan. Maari kayong makipag-ugnayan sa ating CSSD o Parish Office ng Katedral ng San Roque (Open Daily: 9:00am - 4:00pm)

7 corporal works of mercy Account No #1029-7000-1787

09683781961 (Account Name: Leo P.)
(ADD NOTE: FIRE VICTIMS)

MARAMING SALAMAT MGA KA-PAROKYA!

23/09/2023
20/08/2023

Hi everyone! ๐ŸŒŸ You can support us by sending Stars - they help us gain financial support in continuing our mission.

Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars!

19/08/2023

Sama-sama nating ipagdiwang ang Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon bukas, August 20, araw ng Linggo!

Anyayahan ang inyong mga kamag-anak, kaibigan, at mga kapit-bahayan! Magkita-kita tayo bukas ng alas-otso ng umaga (8:00 AM) sa Two Hearts of Jesus & Mary Chapel!

Samantala sa ganap na alas-dos ng hapon ay magkakaroon ng isang Formation Program para sa mga kabataan edad 13 years old pataas. Ito ay gaganapin sa ating kapilya. Maraming salamat po!

Photos from Two Hearts of Jesus & Mary Chapel-DM Mission Station's post 16/08/2023

INIIMBITA ANG LAHAT NG MGA KABATAAN SA DM COMPOUND EDAD 13-18 SA ATING MONTHLY YOUTH ASSEMBLY!

For this month, pag-uusapan natin kung paano ng ba natin gagamitin ang ating mga salita para mas maging mabuting tropa, anak, at kristiyano! :) Oh paano, kitakits sa August 20, Linggo at 2PM sa DM Chapel!

SEE YOU THERE!

15/08/2023

HAPPY FIESTA SAN ROQUE DE KALOOKAN!

MALIGAYANG KAPISTAHAN PO SA LAHAT!

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos, na siyang nagbigay sa atin kay San Roque bilang huwaran ng pananampalataya at patrong maaasahan sa pagdamay at pananalangin. Ngayong araw ng kanyang kapistahan, mapagyaman nawa natin sa ating mga puso ang kanyang banal na halimbawa upang sa ating pagharap sa mga hamon ng buhay, manatili nawa tayong nakatuon sa gantimpalang hinangad at tinatamasa ni San Roque, ang buhay na walang hanggan.

Ngayong araw ng kapistahan ni San Roque, ipanalangin natin ang Diyosesis ng Kalookan, na dalawang dekadang namimintuho sa ating patron. Mamuhay nawa ang lahat: ang Obispo, pari, relihiyoso at layko, na batid ang misyong ipahayag si Kristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga aba.

Mahal na Patrong San Roque, ipanalangin mo kami!

15/08/2023
08/08/2023

โ€œ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฒ๐—ป ๐—ญ: ๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป, ๐—œ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป, ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ปโ€ aims to help the other generations understand and connect with Generation Z. This talk will provide valuable insights on what makes Gen Z unique, their characteristics, beliefs, and behaviors. It will also tackle the challenges and pressures that Gen Z faces in todayโ€™s fast-paced and complex world. Come and join us!

If you canโ€™t make it to the event in person, you can still participate and watch via Facebook Livestream. We encourage all our Parishioners to tune in and take advantage of this opportunity to learn more about their children and how to strengthen their relationship.
SEE YOU ALL THERE!

08/08/2023

๐ŸšจPATALASTAS๐Ÿšจ

Bilang bahagi ng selebrasyon ng pista ng ating Patron, may mga social services na ibababa ang ating Caloocan City government sa ating komunidad.

1. Mula Agosto 7 hanggang Agosto 15, 8am hanggang 12noon dito sa Patio ng ating Katedral. Tignan ang listahan sa mga tarpaulin sa ating patio o sa ating page. At sumangguni sa inyong mga Barangay para sa documentary requirements, bago pumunta sa takdang araw.
2. Magpalista sa SRC Clinic para sa libreng FBS, blood typing, ECG, Chest Xray at HIV screening bago mag-Agosto 13.
3. Magpalista sa CSSD Office para sa libreng anti-rabies vaccine (a*o at pusa) at para isali ang alagang a*o sa Dog Show bago mag-August 11.
4. Magpalista din sa CSSD Office para sa libreng Livelihood Training on Baking.
5. May Community Feeding din sa 19 Barangays na nasakupan ng ating Katedral.


*on2023

Photos from San Roque Cathedral - Diocese of Kalookan's post 29/07/2023

๐ŸšจPATALASTAS๐Ÿšจ

Sa Linggo, ika-30 ng Hulyo, ating isasagawa ang ating OPENING SALVO CITY WIDE MOTORCADE bilang panimula ng ating Fiesta 2023. Tampok sa motorcade na ito ang mapaghimalang imahen ng ating santong patron, ang San Roque de Kalookan at ang orihinal na imahen ng ating Ina at Reyna, ang Mahal na Birhen ng Nieva.

Sa pag-ikot ng imahen ni San Roque at ng Birhen ng Nieva, hinihiling na magtirik ng kandila at manalangin lalo na ang mga kapatid nating nakakaranas ng masamang karamdaman at may malubhang nararamdman.

San Roque, O San Roque!
Sa gitna ng dusa'y 'kaw ang pintakasi
Viva La Virgen de Nieva!

29/07/2023

Sama-sama nating ipagdiwang ang Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon bukas, July 30, araw ng Linggo!

Anyayahan ang inyong mga kamag-anak, kaibigan, at mga kapit-bahayan! Magkita-kita tayo bukas ng alas-otso ng umaga (8:00 AM) sa Two Hearts of Jesus & Mary Chapel!
Samantala sa ganap na alas-tres ng hapon ay magkakaroon ng isang Formation Program na ibibigay ng mga tinalagang Pregrino at Peregrina mula sa Katedral. Ito ay bahagi ng ating paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng Mahal na Senor San Roque. Gaganapin ito sa ating kapilya. Ang lahat ay iniimbitahan na makiisa.

22/07/2023

Sama-sama nating ipagdiwang ang Ika-16 Linggo sa Karaniwang Panahon bukas, July 23, araw ng Linggo!

Anyayahan ang inyong mga kamag-anak, kaibigan, at mga kapit-bahayan! Magkita-kita tayo bukas ng alas-otso ng umaga (8:00 AM) sa Two Hearts of Jesus & Mary Chapel!

See you there!

21/07/2023

HELLO MGA BATA! NA-MISS NAMIN KAYO!

Kaya naman magkita-kita tayo ngayong Linggo para sa ating KIDS ASSEMBLY! Yayain na ang inyong mga kalaro at kaibigan dahil naghanda kami ng napaka-exciting na activity at kwento para sa inyo!

See you ngayong July 23, 2023 (Linggo), 2PM sa Two Hearts of Jesus & Mary Chapel-DM Mission Station.

18/07/2023

ISANG MALAKING PASASALAMAT SA INYO MGA KA-SERYE!

Hindi pa man opisyal na nagtatapos ang ating serye, ay nais na naming ipabatid ang aming kagalakan sa pagtanggap ng mga bagong kaalaman at realisasyon sa inyong mga puso.

Sa huling pagkakataon, muli namin kayong iniimbitahan sa huling bahagi ng Serye ng Kristiyanong Pamumuhay. Dito ay ating tatalakayin ang mga napakagandang paraan upang patuloy na lumago kay Kristo.

Kasabay nito ay ang isang simpleng selebrasyon at pagkilala sa lahat ng naging bahagi ng napakagandang gawain na ito. Magkita-kita tayo bukas, July 19 sa ganap na 7PM sa DMMS / Two Hearts of Jesus & Mary Chapel-DM Mission Station

Hihintayin namin kayo, mga kapatid!

14/07/2023

TINGNAN | Ang MINISTRY on FAMILY & LIFE ay nag-aanyaya sa mga loloโ€™t lola, biyudo at biyuda na may mga apo, maging mga hiwalay sa asawa na nag-aalaga ng kanilang apo, tito at tita na tagapag-alaga ng mga pamangkin na ang mga magulang ay OFW at mga senior na miyembo ng samahan o organisasyon sa gaganaping CATHOLIC GRANDPARENTS ASSOCIATION ORIENTATION sa JULY 15, 2023, sa ganap na ika-10 (Sampu) ng umaga sa Iniguez Hall. Para sa mga katanungan at iba pang detalye maaari pong makipag-ugnayan kay Sis. Honeylene Rivera. Maraming salamat po!

13/07/2023

"๐™จ๐™ค ๐™ข๐™–๐™ ๐™š ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง ๐™›๐™ง๐™ž๐™š๐™ฃ๐™™๐™จ๐™๐™ž๐™ฅ ๐™—๐™ง๐™–๐™˜๐™š๐™ก๐™š๐™ฉ๐™จ
๐™ฉ๐™–๐™ ๐™š ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ข๐™ค๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ฉ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™š ๐™ž๐™ฉ
๐™ฎ๐™ค๐™ช ๐™œ๐™ค๐™ฉ ๐™ฃ๐™ค ๐™ง๐™š๐™–๐™จ๐™ค๐™ฃ ๐™ฉ๐™ค ๐™—๐™š ๐™–๐™›๐™ง๐™–๐™ž๐™™"

because you are not alone. u always have a friend in us kaya naman we invite you this saturday for our youth assembly! siguradong makakarelate ka sa topic natin 4 this month because it will be about FRIENDSHIP!

see you, friend!

11/07/2023

Matapos ang tagos sa pusong talakayan at pray over session noong nakaraang Linggo, magtutungo naman tayo sa susunod na bahagi ng Serye ng Kristyanong Pamumuhay upang matutunan kung paano nga ba tayo magpapatuloy na lumago sa Banal na Espiritu.

Kumapit nang mabuti para sa huling dalawang bahagi ng isang kapanapanabik na Serye, mga kapatid.

Magkita-kita tayong muli bukas, July 12, 2023 sa ganap na ika-7 ng gabi sa Two Hearts of Jesus and Mary Chapel. God bless you, all!

Photos from SRCP Basic Ecclesial Communities's post 11/07/2023

๐Ÿ’œโœจ

Photos from SRCP Basic Ecclesial Communities's post 11/07/2023
06/07/2023

ABANGAN NGAYONG SETYEMBRE! MR & MS BEC 2023

Timeline photos 05/07/2023

nasaan๐Ÿคธโ€โ™‚๏ธna๐Ÿคธโ€โ™‚๏ธang๐Ÿคธโ€โ™‚๏ธmga๐Ÿคธโ€โ™‚๏ธkaseryeng๐Ÿคธโ€โ™‚๏ธbeshy๐Ÿคธโ€โ™‚๏ธnamin๐Ÿคธโ€โ™‚๏ธna๐Ÿคธโ€โ™‚๏ธyan? ๐Ÿ˜‡

tayo na pa para sa ikaanim na bahagi ng Serye ng Kristiyanong Pamumuhay. See you, mga kapatid!

Photos from Two Hearts of Jesus & Mary Chapel-DM Mission Station's post 04/07/2023

MAPAGPALANG GABI, BAYAN NG DIYOS!

Malugod po nating iniimbita ang lahat sa ikahuling araw ng imahen ng minamahal nating Senor San Roque sa ating kapilya. Magkakaroon po tayo ng Healing Mass sa ganap na ikatlo ng hapon (3PM) susundan po ito ng prusisyon ng paglipat ng imahen sa Brgy. Vibora.

Sa ganap na ikapito (7PM) naman ng gabi ay ang pagpapatuloy ng Serye ng Kristiyanong Pamumuhay. Ang lahat ng participants ay inaaanyayahang magdala ng rosaryo. Ipapamahagi ang libreng hapunan sa ganap na 6:30 naman ng gabi.

Magkita-kita po tayong lahat sa mga gawaing ito at nawa, patuloy po tayong pagpalain ng ating mapagmahal na Diyos. Maraming salamat po!

VIVA, SAN ROQUE!!!

04/07/2023
01/07/2023

Sama-sama nating ipagdiwang ang Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon bukas, July 2, araw ng Linggo!

Anyayahan ang inyong mga kamag-anak, kaibigan, at mga kapit-bahayan! Magkita-kita tayo bukas ng alas-otso ng umaga sa Two Hearts of Jesus & Mary Chapel!

See you there!

27/06/2023

PATALASTAS: Itutuloy po ang ika-anim na bahagi ng Serye ng Kristiyanong Pamumuhay sa susunod na Miyerkules (JULY 5, 2023) upang bigyang oras para makiisa ang DM Mission Station sa pagdiriwang ng Anibersaryo ng Diyosesis ng Kalookan.

Magkikita-kita po tayong muli sa susunod na Linggo. Maraming salamat po!

18/06/2023

Sila ang mga taong madalas nating kasama, kasabay kumain, at palaging nakakakwentuhan. Mga taong pinakamahalaga sa ating puso.

Ngayong Miyerkules, atin silang pag-usapan sa ikalimang bahagi ng Serye ng Kristiyanong Pamumuhay! June 21, 2023 alas-siete ng gabi sa Two Hearts of Jesus & Mary Chapel-DM Mission Station

Wag kalimutang magdala ng family picture, pwedeng printed at pwede rin namang nasa cellphone. Hindi na kami makapaghintay sa isang mapusong kwentuhan! SEE YOU THERE!

18/06/2023

Sa lahat ng mga minamahal nating haligi ng tahanan, Happy Father's Day po mula sa DM Compound Mission Station!

13/06/2023

ANDUN NA NGA TAYO... Mahal mo si Lord pero mahal mo rin ba ang iyong kapwa?

Tara, pag-usapan natin 'yan bukas ng gabi sa ikaapat na bahagi at sea*on 2 ng ating Serye ng Kristiyanong Pamumuhay! 7PM ng gabi sa Two Hearts of Jesus and Mary Chapel.

Maaari na po tayong dumating ng 6:30 PM para sa free dinner at pag-uumpisa ng programa sa pagdarasal ng Bana na Rosaryo. Oh paano, hihintayin namin kayo dun ah? :)

See you, brothers and sisters in Christ!

08/06/2023

AFTER BACK-TO-BACK ACTIVITIES SA MGA NAKARAANG LINGGO, Youth Bibliarasal is BACK! Kaya naman iinvite mo na ang iyong mga kaibigan o katropa!

Magkita-kita tayo this Friday at 6:30 PM sa DM Chapel at isang barkada nating kumustahin ang bawat isa at pag-nilayan ang salita ni Lord!

Walang maiiwan at walang magpapaiwan! SEE YOU THERE, !!!

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Caloocan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Caloocan
1400
Other Caloocan places of worship (show all)
Jesus Reigns Victoriously Jesus Reigns Victoriously
79 McArthur Hi-way, Monumento
Caloocan

Jesus Reigns Victoriously (JRV / JRCC) is a Christ-centered and a Bible-based Church. We are located

CFC YFC West A High School Based CFC YFC West A High School Based
Caloocan

Young people being and bringing Christ wherever they are.

Vessels for Christ Fellowship-TWBC Vessels for Christ Fellowship-TWBC
TWBC Atis Extension Caimito Street Camarin
Caloocan, 1423

The Vessels for Christ Fellowship is a fellowship of youth in The Word Baptist Church in Camarin, Caloocan City, Phil.

Immaculate Conception Youth Choir (Victory Heights) Immaculate Conception Youth Choir (Victory Heights)
Victory Heights
Caloocan, 1427

ang choir na laging ON CALL =D

Fire Unleashed Ministries Fire Unleashed Ministries
Blk 11 Lot 12 Eden Street Natividad Subdivison Phase 1, Deparo
Caloocan, 1420

Glorify God. Go Make Disciples. Grow Leaders

San Lorenzo Ruiz Kawan San Lorenzo Ruiz Kawan
Caloocan

The official page of San Lorenzo Ruiz Kawan managed by SLR Social Communications and Media Ministry

Mandirigmang Apostoliko Mandirigmang Apostoliko
Caloocan

But he said to me, โ€œMy grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.โ€

Kapilya ni San Antonio de Padua Kapilya ni San Antonio de Padua
J, Ramos
Caloocan, 1400

Kapilya ni San Antonio de Padua formerly J. Ravels Pastoral Council

Shechem Ministries Shechem Ministries
Saranay Homes, Barangay 171, Bagumbong, North Caloocan
Caloocan

A network of fivefold ministers who are called in the ministry of healing, equipping, and restoration of the Body of Christ through the sharing of the message of the finished work ...

Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon
Phase 10-A Package 2 Block 30 Bagong Silang
Caloocan, 1428

Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon Parish ay isang makabagong pamamaraan sa paghahatid ng mabuting balita. Sa pamamagitan ng Page na ito ay maaari pa rin tayong ma...

Jabez Ministry Jabez Ministry
Caloocan, 1428

Community ministry