Our Lady of the Holy Rosary Parish - TALA

This is the official page for Our Lady of the Holy Rosary Parish in Tala, Caloocan City, part of the Roman Catholic Diocese of Novaliches.

SCHEDULE OF MASSES:

● Tuesday to Saturday | 6:30am
● Anticipated Mass (Every Saturday) | 5:00pm
● Sunday Masses (Livestreamed)
□ Filipino Mass | 6:30am
□ English Mass | 5:00pm

07/09/2024

MAKI-ISA: Banal na Misa na pinamumunuan ni Reb. Pd. Ricardo Melendres

Ika-23 na Linggo sa Karaniwang Panahon

“IBUKAS ANG BIBIG AT IBIGKAS ANG LUWALHATI NG DIYOS!”

Unang Pagbasa: Isaias 35:4-7

Salng Tugunan: Awit 145
Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang
Panginoong butihin!

Ikalawang Pagbasa: Santiago 2:1-5

Mabuting Balita: Marcos 7:31-37

Panalangin ng Bayan: Panginoon, dinggin Mo kami!

Maria, ang Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, ipanalangin Mo kami!

07/09/2024

"𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚, 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚'𝐭 𝐡𝐚𝐩𝐢𝐬, 𝐥𝐮𝐰𝐚𝐥𝐡𝐚𝐭𝐢 𝐚𝐭 𝐭𝐮𝐰𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧. 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚'𝐭 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧. 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨, 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐨. 𝐊𝐚𝐦𝐢'𝐲 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚𝐲𝐨..."

𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒂!

06/09/2024

Isang malaking kapansanan ang pagiging bingi o p**i. Ngunit masahol pa sa pisikal na pagkabingi at pagkap**i ay ang mga anyong espirituwal ng ganitong mga “kapansanan” ang kawalan ng kakayahan o kagustuhang makinig sa Salita ng Diyos at tumugon dito, o ang pagtangging makinig sa mga daing ng ating kapwa at tumugon dito nang may habag at pagmamahal.Naibalik ni Hesus sa isang bingi at p**i ang mga biyayang makarinig at makapagsalita. Kaya rin niyang gumawa ng lalong malaking himala ng pagpapagaling sa mga espirituwal na bingi at p**i sa atin. Sa Eukaristiyang ito, magpakumbaba at buong pananalig tayong manalangin na makadulog kay Hesus, at maging handang sumunod sa kanya upang malinaw nating
mapakinggan ang Salita ng Diyos sa ating mga puso. Ito ang maka-aakit sa atin na tumugon nang bukas-palad sa pagtawag ng ating kapwa at ipahayag ang Kanyang kaluwalhatian sa salita at sa gawa. Maging handa nawa tayo laging ibukas ang bibig at ibigkas ang luwalhati ng Diyos sa buhay natin.

Source: Word and Life Publication

04/09/2024

EP 7: Why Does the Church Baptize Infants?

Why does the Church baptize infants, and what is the significance of this practice? How does infant baptism reflect the Church's understanding of God's grace and the Christian community's role in nurturing faith? Explore the deep theological roots and pastoral care involved in the Church's tradition of baptizing infants.

August 28, 2024 | 3:00 PM

Photos from Our Lady of the Holy Rosary Parish - TALA's post 03/09/2024

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃: Tayo ay magkakaroon ng Kasalang Parokya sa November 16, 2024.

Para sa iba pang mga detalye, makipag-ugnayan lamang po sa opisina ng ating parokya o sa ating Family and Life Ministry Servant Leaders, Mr. and Mrs. Kerland and Marites Villarin. Maraming salamat po!

31/08/2024

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 | mula sa Tahanang Pari, Diyosesis ng Novaliches.
𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐄𝐮𝐤𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚-22 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 (𝐁) 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐨 𝐉𝐮𝐛𝐢𝐥𝐞𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓.

Ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Novaliches, Lubos na Kagalang-galang ROBERTO O. GAA, D.D.

Photos from Our Lady of the Holy Rosary Parish - TALA's post 31/08/2024

Mga ka-parokya! Ito na ang huling araw ng pananatili ng imahen ni Maria, Tagakalag ng mga Buhol ng Buhay o mas kilala sa tawag na Inang Desay at ng Taizé Cross sa ating parokya bago ito ihatid mamaya sa St. John Paul II Parish sa Capitol.

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng naki-isa at naki-debosyon sa loob ng isang linggo. Nawa'y ang mga buhol na nararanasan natin sa buhay ay ating idinulog sa ating mahal na Inang Desay.

Inang Desay, ipanalangin mo kami!

30/08/2024

Mula nang unang magkasala sina Adan at Eba, ang puso ng tao ay nanatiling nakalantad sa mararahas na puwersang sumisira sa mga tao at lipunan. Sa mga kautusan, ibinigay sa atin ng Diyos ang mabisang pananggalang na nagpoprotekta sa atin
mula sa karahasan ng mga mapanirang simbuyo at nagbibigay-daan sa atin na mamuhay nang may pagkakaisa, pakikipagtulungan at kaganapan. Tungkulin natin na isabuhay ang mga Utos ng Diyos at gawin itong batayan ng ating matuwid na pamumuhay.Sa pagdiriwang ngayon ng Eukaristiya, taimtim nating ipagdasal ang pagpapahalaga sa mga Utos ng Diyos at pagtalima rito di lamang bilang mga indibiduwal, kundi pati na rin bilang isang pamayanan at isang bansa.

Source: Word and Life Publications

Photos from Our Lady of the Holy Rosary Parish Youth Ministry's post 28/08/2024

𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐈 𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐒𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐈𝐙𝐄 𝐂𝐑𝐎𝐒𝐒 𝐒𝐀 𝐎𝐔𝐑 𝐋𝐀𝐃𝐘 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐎𝐋𝐘 𝐑𝐎𝐒𝐀𝐑𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐈𝐒𝐇 | 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟐𝟒-𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟒

Narito ang mga kuhang litrato sa kasalukuyang pagdalaw ng imahen ni Inang Desay at ng Taizé Cross sa ating mahal na parokya, Our Lady of the Holy Rosary Parish.

Mula sa preparasyon at pagpaplano ng mga lider ng Parish Youth Ministry, narito ang mga aktibidad na isinasagawa araw-araw habang nananatili ang imahen at krus sa ating parokya.

Ang imahen ni Inang Desay at ang Taizé Cross ay mananatili sa ating parokya hanggang Agosto 31.

Inang Desay, ipanalangin mo po kami! 🙏

Photos from Our Lady of the Holy Rosary Parish - TALA's post 25/08/2024
25/08/2024

We honor the 𝟓𝐓𝐇 𝐒𝐀𝐂𝐄𝐑𝐃𝐎𝐓𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐑𝐄𝐕. 𝐅𝐑. 𝐋𝐔𝐒𝐈𝐋, originally celebrated every August 26th.

Your steadfast leadership and nurturing spirit as our parish priest and father to the parishioners of Our Lady of the Holy Rosary Parish-Tala have been a beacon of faith and love. Your dedication and compassion have made a lasting impact on the community of Tala.

May God continue to bless and guide you in your sacred ministry. Congratulations and thank you for your inspiring service, Fr. Lusil!

24/08/2024

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗!
𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀, 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟮𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗻𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗹𝗶𝗽𝗮𝘁 𝗺𝘂𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗜𝗸𝗮- 𝗮𝗻𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗯𝗶 (𝟲:𝟬𝟬 𝗣𝗠). 𝗣𝗮𝘂𝗺𝗮𝗻𝗵𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗽𝗼.
𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟮𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗜 𝗠𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘
𝟲:𝟯𝟬 𝗔𝗠
𝟵:𝟬𝟬 𝗔𝗠
𝟲:𝟬𝟬 𝗣𝗠

24/08/2024

Dumarating sa ating buhay na kailangan nating gumawa ng mahahalagang pagpapasya na maaaring magkaroon ng matinding epekto sa ating katayuan sa buhay, sa ating propesyon o trabaho, mga plano at layunin. Ang pinakapangunahing pagpapasya ay may kinalaman sa ating pakikitungo kay Hesukristo. Tuwina tayong hinahamong mamili sa katapatan sa kanyang mga turo at hindi sa mga panghalina ng kamunduhan. Ito ay pagpiling nangangailangan ng karunungan at malawak na pang-unawa. Inaakay tayo ng karunungang manindigan kay Hesus. Sa pagpili natin sa kagandahang-loob, napatutunayan natin ang ating pagsunod kay Hesus.Nawa’y ang mga pagbasa ngayon at pagdiriwang natin ng Eukaristiya ay maka-akit sa ating tumulad kay Pedro sa kaniyang
malinaw na pasya: “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.”

Source: Word and Life Publications

Photos from Our Lady of the Holy Rosary Parish - TALA's post 23/08/2024

𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗡𝗜 𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗦𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗜𝗭𝗘 𝗖𝗥𝗢𝗦𝗦 𝗦𝗔 𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗔𝗗𝗬 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗜𝗦𝗛
(𝗣𝗜𝗟𝗚𝗥𝗜𝗠𝗔𝗚𝗘 𝗢𝗙 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥)

Sa pamamagitan ng Commission on Youth-Diocese of Novaliches, Holy Cross Vicariate Youth Ministry at ng mga kabataan ng Our Lady of the Holy Rosary Parish, magaganap ang pagdalaw ni Maria, Tagakalag ng mga Buhol ng Buhay o mas kilala bilang Inang Desay sa ating mahal na parokya.

Kaya naman, kami po ay malugod na nag-iimbita ngayong darating na Sabado, Agosto 24, sa ganap na ika-3:00 ng hapon sa ating Parokya upang sama-samang salubungin ang imahe ni Inang Desay at ang Taizé Cross bilang bahagi ng Pilgrimage of Prayer ngayong Taon ng Panalangin 2024.

Narito po ang inihandang mga gawain sa pananatili ni Inang Desay at ng Taizé Cross simula Agosto 24 hanggang August 31. Maraming salamat po!

22/08/2024

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝟓 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀-𝐎𝐁𝐈𝐒𝐏𝐎, 𝐁𝐈𝐒𝐇𝐎𝐏 𝐑𝐎𝐁𝐁𝐈𝐄!

On this special day, the whole community of the Diocese of Novaliches would like to thank God for giving you to us as our shepherd, 𝐁𝐢𝐬𝐡𝐨𝐩 𝐑𝐨𝐛𝐛𝐢𝐞. As you celebrate your 𝟓𝐭𝐡 𝐄𝐩𝐢𝐬𝐜𝐨𝐩𝐚𝐥 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 we pray that the Good Lord may continue to bless you and grant all your heart’s desire.

Maraming salamat po bilang isang biyaya sa aming Diyosesis!



---------------------------

21/08/2024

EP6: The Queenship of the Blessed Virgin Mary

What does it mean for Mary to be Queen of Heaven and Earth? How does her queenship shape our understanding of her role in the Church and our lives? Discover the rich history, theology, and spiritual significance of the Queenship of the Blessed Virgin Mary.

August 21, 2024 | Wednesday @ 3PM

18/08/2024

Panalangin sa Taon ng Panalangin
Isinalin sa Tagalog ni Rev. Msrg. Jesus Romulo C. Rañada

17/08/2024

𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐄𝐮𝐤𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚-20 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧

17/08/2024

MAKI-ISA: Banal na Misa na pinamumunuan ni Reb. Pd. Lusil

Ika-20 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Eukaristiya: Tunay na Pagkain at Inumin Tungo sa Buhay na Walang Hanggan

Unang Pagbasa: Kaw 9:1-6

Salmong Tugunan Awit 33 – Magsumikap tayong kamtin ang Panginoong butihin!

Ikalawang Pagbasa: Ef 5:15-20

Mabuting Balita: Jn 6:51-58

Panalangin ng Bayan: "Hesus, Pagkaing Nagbibigaybuhay, dinggin mo kami!"

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, ipanalangin Mo kami!

16/08/2024

Pinupunan ni Hesus ang ating mga hangarin sa buhay di lamang sa kanyang mga turo kundi pati rin sa pag-aalay ng kanyang sarili sa Eukaristiya ang kanyang Katawan at Dugo na nagtatago sa anyong Tinapay at Alak. Ipinahiwatig sa Lumang Tipan sa pamamagitan ng manna at ng tubig na nagmula sa bato sa utos ni Moises. Sa Bagong Tipan, ipinagkaloob ni Hesus ang kanyang sarili sa Huling Hapunan sa anyo ng tinapay at alak bilang pauna sa kanyang pag-aalay ng sarili sa Kalbaryo bilang kabayaran sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ipinagbilin din niya na gawin ang kanyang ginawa “bilang pag-alaala sa kanya” hanggang sa wakas ng panahon. Ang Eukaristiya ay isang natatanging pagpapakilala ng dakilang pagmamahal sa atin ni Hesus na nakatuon sa ating kalusugan ng kaluluwa. Siya ang bukal ng ating karunungan at lakas. Ang Eukaristiya ay isa ring natatanging paraan para maipahayag natin ang ating pasasalamat sa kanya at sa Ama para sa mga biyayang patuloy nilang ipinagkakaloob.

Source: Word and Life Publications

15/08/2024

PRAYER FOR THE ASSUMPTION OF
THE BLESSED VIRGIN

Father in heaven,
all creation rightly gives you praise,
for all life and all holiness come from you.
In the plan of your wisdom
she who bore the Christ in her womb
was raised body and soul in glory to be with him in heaven.
May we follow her example in reflecting your holiness
and join in her hymn of endless love and praise.
We ask this through Christ our Lord.
Amen.

Source: HugotSeminarista

14/08/2024

EP5: The Assumption of the Blessed Virgin Mary

What does the Assumption of Mary teach us about our own destiny and the power of God’s grace? How has this belief shaped Christian devotion and theology? Discover the rich history and profound significance of the Assumption of the Blessed Virgin Mary in the life of the Church.

August 14, 2024 | Wednesday @ 3PM

10/08/2024

Ang buhay ay karaniwang inihahambing sa isang paglalakbay. Tunay ngang ang ating buong buhay sa maraming paraan ay kahawig ng ilan nating paglalakbay. Dahil sa mga di kanais-nais na pangyayaring maaaring maganap, hinihiling natin sa Panginoong samahan tayo, kung paanong sinamahan Niya at pinakain ang Kanyang Bayang Pinili at ang propetang si Elias sa kani-kanilang paglalakbay sa disyerto. Sa paglalakbay natin sa ating buhay, ipinakikita ng Diyos ang Kanyang malasakit sa ating kaligtasan at pagkain sa pamamagitan ng presensiya ni Hesus, na kasama natin sa paglalakbay at ang Tinapay ng Buhay. Nawa’y gabayan niya tayo ng kanyang nagbibigay-buhay na Salita. Bilang Pagkaing buhat sa langit, nawa’y alalayan at palakasin niya tayo sa pagdiriwang natin ng Eukaristiya.

Source: Word and Life Publications

03/08/2024

MAKI-ISA: Banal na Misa na pinamumunuan ni Reb. Pd. Lusil

Ika-18 na Linggo sa Karaniwang Panahon

LINGGO NG MGA KURA PAROKO
ABUTIN ANG MGA BITUIN!

Unang Pagbasa: Ex 16:2-4. 12-15

Salmong Tugunan Awit 77 – Panginoon ang nagbigay ng pagkaing bumubuhay!

Ikalawang Pagbasa: Ef 4:17. 20-24

Mabuting Balita: Jn 6:24-35

Panalangin ng Bayan: Panginoon, dinggin Mo kami!

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, ipanalangin Mo kami!

03/08/2024

Kapag nahaharap sa mga problemang materiyal at pisikal, agad tayong bumabaling sa Diyos upang dumaing, humingi ng tulong, makiusap, o humiling ng tawad at habag. Sa ikli ng ating pananaw, kadalasan nating nakakaligtaan ang katotohanang
malimit tayong labis na abala sa mga bagay na materiyal at nakalilimot sa ating mga pangangailangang espirituwal. Ito ang isa sa mga
dahilan kung bakit pinaaalalahanan tayo ni San Pablo na hubarin “ang dating pagkatao” at ang dapat makita’y “ang inyong bagong pagkatao” – ang tao na ang inuuna’y ang pagpapahalaga sa Kaharian. Sa Ebanghelyo, itinuturo sa atin ni Hesus na ituon ang ating mga puso hindi sa pagkaing materiyal, kundi sa pagkaing nagdudulot ng buhay na walang hanggan.
Sa ating pagdiriwang ng Linggo ng mga Kura Paroko, inaanyayahan tayong higit na magpahalaga sa mga gawain ng mga Kura Paroko para sa kanilang mga kawan. Pasalamatan natin ang ating Kura Paroko at ang kanyang mga katulong sa kanilang pagiging kasangkapan ng kalinga ng Diyos sa atin. Nawa’y maging inspirasyon nila ang kanilang patrong si San Juan Maria Vianney.

Source: Word and Life Publications

31/07/2024

EP4: The Sign of the Cross

How does the Sign of the Cross deepen our faith and spiritual connection? What historical and theological significance does this simple gesture hold? Explore the rich tradition and profound meaning of the Sign of the Cross in Christian practice.

July 31, 2024 | Wednesday @ 3PM

27/07/2024

MAKI-ISA: Banal na Misa na pinamumunuan ni Reb. Pd. Lusil

Ika-17 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Mga Misyonero: Kaagapay at Kaalalay sa Paglalakbay

Unang Pagbasa: 2 Ha 4:42-44

Salmong Tugunan Awit 144 – Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal!

Ikalawang Pagbasa: Ef 4:1-6

Mabuting Balita: Jn 6:1-15

Panalangin ng Bayan: “Panginoong Hesus, dinggin mo ang aming panalangin!”

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, ipanalangin Mo kami!

27/07/2024

Ngayon ay Linggo ng Misyong Pilipino – araw para gunitain ang ating mga kapatid sa mga misyon sa ibang bansa. Sa pagtugon sa tawag ng Diyos, iniwan nila ang ating bayan at ang kani-kanilang pamilya upang ihatid ang Ebanghelyo sa maraming bansa kung saan di pa laganap ang Kristiyanismo, o kung saan nangangailangan pa ng tulong ng mga bagong mangangaral ang lokal na Simbahan. Tungkulin nating alalahanin nang may paghanga, tapat na
pagmamahal, at praktikal na pakikipagkaisa ang lahat ng ating mga misyonero – mga pari, madre, mga relihiyoso, at mga boluntaryong laiko. Sila ang inaasahang maging pinakamahusay na larawan ng kung ano nga ang Simbahan. Ipagdasal natin sila at maging mapagbigay sa kanila, pagkat ang buting maidudulot nila ay ayon sa pagiging bukas-palad natin sa kanila.

Source: Word and Life Publications

24/07/2024

𝐂𝐚𝐥𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧 𝐄𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐇𝐨𝐭𝐥𝐢𝐧𝐞: 𝟖𝟖𝟖-𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 (𝟐𝟓𝟔𝟔𝟒) ☎️

Tumatanggap po ng tawag ang ating hotline number para sa mga nangangailangan ng rescue, ambulansya o anumang agarang tulong.

19/07/2024

Si Hesus ang perpektong modelo ng butihing pastol na tuwinang naghahangad ng kabutihan ng kanyang kawan. Lahat ng kanyang atensyon, panahon at kakayahan ay nakalaan sa kanilang kapakanan. Puspos ng habag at pang-unawa sa kanilang pangangailangan, pinaglalaanan niya sila ng kanyang kalinga at kanyang salita nang higit sa sarili niyang pangangailangan. Hindi dapat maging iba ang mga pastol ng Simbahan at lahat ng may tungkuling mangalaga sa kanilang kapwa. Hinirang na tumupad sa tungkulin ng Dakilang Pastol, sila ay inaasahang tumulad sa Panginoon, sa pagsisikap na mapaglabanan ang kanilang mga kahinaan at pagkukulang at sa gayo’y itaguyod ang kapakanan ng mga taong inihabilin sa kanila. Sa Misang ito, alalahanin natin sila sa isang natatanging paraan.

Source: World and Life Publications

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Caloocan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Setyembre 8, 2024
EP 7: Why Does the Church Baptize Infants?
𝐢𝐤𝐚-22 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧
EP6 The Queenship of the Blessed Virgin Mary
Ika-20 na Linggo sa Karaniwang Panahon | AGOSTO 18, 2024
EP5: The Assumption of the Blessed Virgin Mary
Agosto 4,2024
EP4: The Sign of the Cross
Hulyo 28, 2024
EP 3: Altar, Holy Oil and Consecration
EP2: Vestments & Sacramentals in the Altar of God
Let's DeCaf: Defend the Catholic Faith

Telephone

Website

Address


Father Hofstee Road, Langit 1, Barrio San Isidro, Tala
Caloocan
1427

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm
1pm - 5pm

Other Catholic churches in Caloocan (show all)
San Lorenzo Ruiz Kawan San Lorenzo Ruiz Kawan
Caloocan

The official page of San Lorenzo Ruiz Kawan managed by SLR Social Communications and Media Ministry

Kapilya ni San Antonio de Padua Kapilya ni San Antonio de Padua
J, Ramos
Caloocan, 1400

Kapilya ni San Antonio de Padua formerly J. Ravels Pastoral Council

Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon
Phase 10-A Package 2 Block 30 Bagong Silang
Caloocan, 1428

Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon Parish ay isang makabagong pamamaraan sa paghahatid ng mabuting balita. Sa pamamagitan ng Page na ito ay maaari pa rin tayong ma...

Ministry on Liturgical Music - San Roque Cathedral Ministry on Liturgical Music - San Roque Cathedral
A. Mabini Street
Caloocan, 1400

San Roque Cathedral - Diocese of Kalookan Ministry on Liturgical Music

Kapilya ng Ina ng Laging Saklolo Libis Espina Brgy.14, Caloocan City Kapilya ng Ina ng Laging Saklolo Libis Espina Brgy.14, Caloocan City
Libis Espina, Barangay 14 Caloocan City
Caloocan, 1400

Kapilya ng Ina ng Laging Saklolo is a Barrio Pastoral Chapel and Council under the Cathedral Parish of San Roque, Diocese of Kalookan.

Señor de Longos Chapel Señor de Longos Chapel
C. NAMIE Street BRGY. 37, ZONE 4 CALOOCAN CITY
Caloocan, 1003

Official page Señor De Longos Chapel Located in C. Namie Street, Marulas B. Caloocan Cit

Daily Bible Vitamins Daily Bible Vitamins
Caloocan, 1400

Brief daily reflections on the Scripture Readings for the day

Christ The King Chapel Christ The King Chapel
Q3CJ+3HG, Hyatt Street, Cefels Park Subd 3 Barangay 184
Caloocan, 1400

Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS
Libis Baesa
Caloocan

A group of talented youth from Our Lady of Fatima Chapel Youth Ministry - Libis We are gifted to give. A Filipino Youth In Mission: Beloved.Gifted.Empowered.

St. Joseph Husband of Mary Chapel - Whispering Palms St. Joseph Husband of Mary Chapel - Whispering Palms
Whispering Palms Subdivision, Royal Palm Street, 167
Caloocan, 1400

Official page of St. Joseph, Husband of Mary Chapel - Whispering Palms. This chapel is loca

St. Joseph the Workman Parish - Diocese of Kalookan St. Joseph the Workman Parish - Diocese of Kalookan
Doña Rita Street Cor Laon Laan St. , Sampalukan
Caloocan

This is the Official page of the St. Joseph the Workman Parish

Himig ni San Jose Choir Himig ni San Jose Choir
Caloocan, 1428

The official Page of Himig ni San Jose Choir of San Jose Amang Mapagkalinga Parish Phase 5.