Member of Parliament Mohammad Kelie U. Antao
Nearby government services
M. Gutirrez
Bangsamoro Government Center
You may also like
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Member of Parliament Mohammad Kelie U. Antao, Public Service, Gov. Guttierez Street Bangsamoro Government Center, RH VII, Cotabato City.
35 ๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ค๐ฉ๐ ๐๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ง๐๐๐ฉ๐ค๐ง, ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐ ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค ๐ค๐๐๐๐๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐๐จ๐๐จ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ค๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐ฉ๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐ผ
10 ๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ 2024 | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ด๐๐๐ | Tatlumpu't limang yunit ng Kubota hand tractor ang ipinamigay ng tanggapan ni MP Mohammad Kelie U.Antao sa mga Farmers' association ng mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front sa isinagawang Turnover Ceremony na ginanap sa Brgy.Bual Sur, Midsayap, Cotabato.
Sa naging pahayag ni MP Antao, hangad nyang sana ay makatulong ang mga farming machineries na ito sa pagsasaka ng mga dating M**F combatants na ngayon ay namumuhay na ng normal matapos na magkaroon ng peace agreement ang M**F at ang gobyerno ng Pilipinas. Dagdag pa ni MP Antao na bagama't isang representante lamang ang tumanggap mula sa mga grupo, huwag daw sanang ipagkait ito maging sa mga hindi myembro ng kani-kanilang asosasyon sapagkat ang hand tractors ay pampublikong tulong para sa mga Bangsamorong magsasaka.
Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tanggapan ni MP Antao at sa BARMM-MAFAR kung saan nakalagak ang 2023 Transitional Development Impact Fund ni MP Antao na ginamit sa probisyon ng mga hand tractor.
Sa mga nakalipas na buwan, matatandaang unti-unti ng nailalabas ng tanggapan ni MP Antao ang kanilang TDIF Funds sa direksyon ng butihing MP at ng pinagsamang pagsusumikap nina RDCE Unit Head Mohammad Norsie A. Mindog at TDIF Focal Monawara Abdulsamad. | ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐ & ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐ก-๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ฟ๐๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐ฟ๐๐ผ๐๐ผ๐, ๐๐๐๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐
7 ๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ 2024 | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ด๐๐๐ | Naging matagumpay ang pagresolba sa matagal ng hidwaan sa pagitan ng pamilyang Mangadta at Gumayao at ng Pamilya Dimaloloy na pawang mga residente ng Brgy. Nes, Midsayap, Cotabato matapos na magsagawa ng interbensyon ang grupo ng Special Task Force on Conflict Resolution na pinangunahan ni MP Mohammad Kelie U. Antao, BARMM-MPOS SGA Community Affairs Officer Basit S. Minandang, MPMKU Antao Office RDCE Head Mohammad Norsie A. Mindog, M**F PolCom Chair Kaharudin D. Dubpaleg, M**F BIAF Commander Jeffrey Namil at Kadayangan Municipal Councilor Muslimin U. Antao nitong mga nakalipas na buwan lamang.
Isinagawa ang selebrasyong Rido Settlement and Reconciliation Kanduli sa ilalim ng PASAD Program ni MP Antao at ng BARMM MPOS na ginanap sa Brgy. Mudseng, Kadayangan, SGA, kung saan ipinakita ng bawat pamilyang sangkot sa nasabing rido ang kanilang tuluyang pagkakaunawaan at pagkakasundo.
Gumayak at nagpahayag ng pagsuporta sa nasabing pagtitipon si Midsayap Municipal Mayor Rolly Sacdalan kasama ang 34th IB na pinangungunahan ni LTC Batinay.
Inihayag naman ni MP Antao ang patuloy na koordinasyon ng kanyang tanggapan sa pamamagitan ng PASAD program sa pagsasaayos ng mga natitira pang family feud sa SGA na humahadlang sa tuluyang pagkamit ng kapayapaan sa mga lokalidad ng Bangsamoro.
Ang Mangadta-Gumayao-Dimaloloy family conflict ay maituturing na isang 'silent rido' ilang taon na ang nakalilipas matapos ang gunfight na nauwi sa pagkamatay ng kani-kanilang kaanak kabilang ang dating punong barangay ng Nes,Midsayap, Cotabato. | ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐ก- ๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐๐พ๐๐๐๐ผ๐ ๐พ๐๐ฟ๐
๐๐๐ก๐ก ๐๐๐ง๐ ๐๐๐จ๐ฉ๐๐ช๐ง๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ฉ๐๐ก, ๐๐ค๐๐ก๐๐๐๐ค๐ฃ 8, ๐๐๐๐จ๐๐ฎ๐๐ฅ, ๐พ๐ค๐ฉ๐๐๐๐ฉ๐ค
๐๐๐ฅ๐ฉ๐๐ข๐๐๐ง 4, 2024
๐๐ง๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ, ๐ฝ๐ง๐๐๐๐๐ฃ๐, ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ ๐๐๐ 35 ๐๐๐ง๐ข๐๐ง๐จ ๐ผ๐จ๐จ๐ค๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐๐ฉ ๐๐๐ก๐ก ๐๐๐๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ฝ๐๐๐ผ ๐๐๐ง๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐ค๐ข ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ค๐ ๐๐ ๐๐ค๐๐๐ข๐ข๐๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐. ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค ๐๐๐ง๐ค๐ช๐๐ ๐๐ฉ๐จ 2023 ๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ฉ ๐๐ช๐ฃ๐
๐๐ ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค ๐๐ช๐ข๐๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ช๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐ก ๐๐๐ฉ๐๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐ช๐๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐จ๐๐ข๐ค๐ง๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐พ-๐๐๐๐๐ฌ๐๐จ๐๐ฃ ๐๐ง๐ค๐ซ๐๐ฃ๐๐
31 ๐ด๐ข๐๐ข๐ ๐ก 2024 | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐บ๐ด- Ipinagdiwang ng Ligawasan Province SWC Committee on Health and Sanitation ang kanilang 2024 Nutrition Month kasabay ng Assembly Orientation of Bangsamoro Women ng naturang organisasyon na ginanap sa Marah's Function Hall, Brgy. Fort Pikit, Malidegao, SGA.
Sa imbitasyon ng kanilang chairperson, dumalo si MP Mohammad Kelie U. Antao bilang isa sa mga panauhing pandangal ng magkapanabay na programa. Nagbigay ng makabuluhang mensahe si MP Antao at kanya ring pinuri ang mga kababihang kabilang sa mga nagsakripisyo upang maitatag ang kasalukuyang BARMM government.
Dagdag rito, namigay si MP Antao ng tig-limang kilong bag ng bigas sa lahat ng mga kababaihang dumalo sa programa. Nagalak naman at nagpasalamat ang nabanggit na organisasyon sa pagpapaunlak ng MP sa kanilang imbitasyon. | ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐ & ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐ก-๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐)
๐๐ค๐ก๐๐ฉ๐๐๐๐ก ๐๐ค๐ง๐๐๐ง๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ฉ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฌ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ ๐จ๐ ๐ก๐๐ฎ๐ช๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ก๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ฎ๐ช๐จ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ ๐ค๐ข๐ช๐ฃ๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐จ๐๐ข๐ค๐ง๐ค
31 ๐ฝ๐ข๐๐ฆ 2024 | ๐๐บ๐ด | Sa pinagsamang pagsisikap ng tanggapan ni MP Mohammad Kelie U.Antao at ng BARMM Ministry of Public Order and Safety, naihayag ang pansamantalang hangganan o political boundary sa pagitan ng Brgy.Langayen, Pikit, Cotabato, at Brgy. Dunguan, Nabalawag, SGA.
Layunin ng pagmamarka ng political borders ng dalawang barangay na mapanatili ang kaayusan sa pagitan ng mga BLGU at mga residente at nang maiwasan ang ano mang sigalot na maaring magmumula sa di naihayag na hangganan ng teritoryo ng bawat barangay, lalo't karamihan sa mga rido sa SGA ay sanhi ng land conflicts.
Si Mohammad Norsie Mindog, unit head ng Community Engagements Section ng MPMKU Antao Office, ang naging kinatawan ni MP Mohammad Kelie U. Antao at naglahad ng mensahe ng huli kung saan mariin nyang ipinaabot ang pagsuporta sa mga aktibidades ng SGA lalo't ito ay may kinalaman sa kapayapaan, pagpapaabot ng mga pangunahing serbisyo,at maging ang pagpapatibay ng pundasyon ng mga bagong tatag na bayan.
Ang nabanggit na programa ay nasasailalim sa PASAD Program ni MP Antao, isang pangunahing programa ng kanyang tanggapan na nakapokus sa pagsasaayos ng mga gusot katuwang ang iba pang mga tanggapan at ahensya ng BARMM.| ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ & ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐ก
๐๐ช๐๐๐ค๐ข๐ข ๐พ๐๐๐๐ง ๐๐ ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐พ๐๐ ๐ฟ๐ง. ๐๐๐ฃ๐๐๐ก ๐๐ค๐๐ฃ ๐๐๐ง๐ก๐๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ'๐จ ๐๐ค๐ช๐ง-๐๐๐ฎ ๐๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐จ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐๐ข๐๐ง๐ ๐๐ฃ๐
5-8 ๐ด๐ข๐๐ข๐ ๐ก 2024 | ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | In pursuit of enhancing the educational system within BARMM, BTA Parliament's Committee on Basic, Higher, and Technical Education lead by MP Eddie M. Alih engaged in a four-day Learning Session and Benchmarking at the House of Representatives, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education, Philippine Senate, and the Department of Education.
CBHTE Subcommittee on Basic Education Chairperson MP Mohammad Kellie U. Antao and Chief-of-Staff of the MP Office Dr. Alimen W. Sencil participated in the event and engaged themselves in gaining insights significant to the legislative aspects of improving quality education within the Bangsamoro region.
The Learning Session and Benchmarking was designed primarily to facilitate knowledge sharing, identify policy innovations, and foster collaboration between the committees of the BTA and the Philippine Congress. | ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ & ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐ก- ๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ข๐ฅ๐ค๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฎ๐ช๐๐ฉ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐๐จ๐๐ข๐ช๐ก๐'๐ฉ ๐ฅ๐๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ ๐๐ช๐ฃ๐-๐ช๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐ช๐๐ช๐ง๐๐ก ๐ผ๐๐๐ง๐๐จ๐จ ๐พ๐๐ง๐๐ข๐ค๐ฃ๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐๐ช๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฉ๐ฎ
Kasunod ng pagtatalaga ng mga Officers-In-Charge sa mga bagong tatag na munisipyo sa SGA ay nagdaos ng Inaugural Address Ceremony ang Kadayangan Municipality na ginanap sa Crossing Kapinpilan, Brgy. Tumbras noong Agosto 4, 2024.
Personal na dumalo si MP Mohammad Kelie U.Antao upang ipahatid ang pagbati at patuloy na pagsuporta sa mga residente ng Kadayangan. Kanyang isinalaysay ang mga mahahalagang kaganapang parte ng pagkakatatag sa walong munisipyo ng SGA. Binigyang-diin ni MP Antao na ang SGA ay bunga ng matagalang Bangsamoro struggle kung kaya't dapat itong pamunuan ng naaayon sa adbokasiya ng Moral governance na syang kampanya ng kasalukuyang administrasyon ng BARMM.
Maging si Cotabato Provincial Governor Emmylou "Lala" J.Taliรฑo-Mendoza ay dumalo at nagpaabot ng sinserong mensahe sa mga opisyales at residente ng Kadayangan. Mariing sinabi ni Gov.Lala na mananatili ang suporta ng provincial government sa Special Geographic Area sa kabila ng pagkakasali ng mga ito sa Bangsamoro government. Kasama ng gobernadora ang isa mga provincial board member ng unang distrito ng Cotabato na si Hon.Sittie Eljorie C.Antao-Balisi.
Bagama't nagsisimula pa lamang, ang LGU officials ng Kadayangan ay nagbigay ng mga pangunahing mga plano't adbokasiya na napapaloob sa kanilang first 100-day agenda.Sinabi ni OIC Mayor Duma Mascud na kanilang paglilingkuran ang Kadayangan Municipality sa abot ng kanilang kapasidad sampu ng Bise-Mayor at ng SB Members.
Tumunghay at nagpabatid ng suporta sa nasabing pagtitipon sina MP Abdullah Gayak, MILG SGA Provincial Director Dr. Zaiton Abas, SGADA Administrator Butch P.Malang, Maguindanao Provincial Administrator Dr. Tumanda Antok, UNYPAD President Dr. Rahib L. Kudto, PSRO Director Anwar Alamada, at iba pa.
Kapansin-pansin ang presensya't pakikiisa ng BLGU maging ang bawat sektor ng mamamayang mula sa pitong barangay ng Kadayangan sa ginanap na pagtitipon.| ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ & ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐ก- ๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค ๐ฃ๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐จ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ช๐ง๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ข๐ช๐๐๐๐ฃ ๐๐ช๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฉ๐ฎ
Pormal nang pinasinayaan ang bagong tatag na Pahamuddin Municipality sa isinagawang kauna-unahang Inaugural Ceremony sa Brgy. Libungan Torreta noong ika-31 ng Hulyo, 2024.
Si Dr. Alimen W. Sencil, Chief-of-Staff ng Opisina ng Myembro ng Parlyamento ang dumalo bilang kinatawan ni MP Mohammad Kelie U.Antao sa naturang inagurasyon. Mariing ipinabatid ni Dr.Sencil ang mensahe ng pagsuporta sa bagong tatag na bayan maging ang mga programa ni MP Antao kung saan maaring makipagtulungan ang mga appointed OIC officials sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Tampok sa inagurasyon ang presentasyon ng 100-day agenda ng mga kasalukuyang opisyales ng lokal na pamahalaan ng Pahamuddin na nakapokus sa aspeto ng kapayapaan, seguridad, kalidad ng edukasyon, kalusugan, transparency at accountability sa pamamahala, at maging ang adbokasiyang pangkatarungan.
Dumalo sa inagurasyon sina MOST Minister at MP Engr. Aida M. Silongan, SGADA Administrator Butch P. Malang, MILG-SGA Provincial Director Dr.Zaiton Abas, Pigcawan Municipal Mayor Juanito 'Totoy' C. Agustin, atbp.
Nasa humigit-kumulang 800 ang bilang ng mga Bangsamorong dumalo sa pagtitipon kung saan ang mga ito ay nagmula sa 12 na mga barangay na sinipi sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato at ngayon ay bumubuo sa bagong tatag na Pahamuddin Municipality.| ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ & ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐ก-๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐.
๐๐ง๐ค๐๐๐๐ฉ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐๐๐ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข, ๐ข๐๐๐ ๐๐ฉ๐ช๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐ช๐๐ ๐จ๐ ๐๐๐ผ
Namahagi ng ayuda ang tanggapan ni MP Mohammad Kelie U.Antao nitong nakaraang buwan para sa mga residente ng SGA na biktima ng pagbaha at kaguluhan sa mga barangay na sakop ng mga bagong tatag na mga bayan ng Malidegao at Nabalawag.
Ang naturang aktibidades ay bahagi bg ๐๐๐๐ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข (๐ฟ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐) ni MP Antao, kasama ang ๐๐ง๐ค๐๐๐๐ฉ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ ng Office of the Chief Minister Ahod B.Ebrahim. | ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐ก-๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐ผ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข ๐ฃ๐ ๐๐ ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค, ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐จ๐ฉ๐ง๐ช๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐ค ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐๐จ๐๐๐ฎ๐ค๐จ ๐ฃ๐ ๐๐ก๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐ค-๐ฟ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐
3 ๐ด๐ข๐๐ข๐ ๐ก 2024 | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ด๐๐๐ | Nakisali ang tanggapan ni MP Mohammad Kelie U.Antao bilang isa sa mga pangunahing mediators at sponsors ng ๐๐๐ฟ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐ฟ ๐พ๐๐๐๐๐๐พ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ผ ๐๐๐๐ผ๐๐ผ ๐๐๐๐๐พ๐ผ๐๐ ๐ผ๐ ๐ฟ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐ฟ๐ผ๐๐ผ๐๐ฟ๐ผ๐๐ na isinagawa ngayong araw sa compound ng 34th IB, Salunayan, Midsayap, Cotabato.
Ang dalawang grupo ang mga pangunahing sangkot sa kaguluhang nangyari sa anim na mga barangay na sakop ng magkakaibang bayan ng Kadayangan,Nabalawag, Midsayap, at Datu Piang noong July 22-24 na naging dahilan ng pagkasawi ng mga armadong kalalakihan, maging sibilyan at paglikas ng halos dalawang libong pamilya.
Sa pagtutulungan ng iba't ibang ahensya,nasugpo ang armed conflict at napakiusapan ang dalawang grupo na lumagda ng agreement na sila ay kapwa sumasang-ayon na itigil ang kanilang alitan na nagiging banta sa kaligtasan ng mga Bangsamorong nainirahan sa mga apektadong komunidad.
Ang PASAD program ni MP Antao ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang mapanatili ang kaayusan lalo na sa mga lugar na sakop ng walong bagong tatag na mga LGU sa SGA. | ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐ก-๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Kasabay ng kanilang Signing of Appointment ngayong araw sa Kidapawan City ay ang aking malugod na pagbati sa mga appointed OIC Mayors, Vice-Mayors, at Councilors ng mga bagong tatag na LGU ng Special Geographic Area.
Pinasasalamatan namin ang ating mahal na Chief Minister Hon. Ahod B. Ebrahim sampu ng ating mga leaders sa Bangsamoro Government, ang ating mga mujahideen at ang dakilang ina ng probinsya ng Cotabato, Governor Emmylou Lala Taliรฑo-Mendoza.
Panalukon ka, SGA! Mabuhay ang Bangsamoro!
Credits: Mindanao Expose
๐๐ ๐ผ๐๐๐ผ๐, ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฟ๐ ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐ฟ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐
19 ๐ฝ๐ข๐๐ฆ 2024 | ๐ฟ๐๐๐ข๐๐๐๐, ๐ถ๐๐ก๐๐๐๐ก๐ | Tuluyan nang ipinagkaloob ng opisina ni MP Mohammad Kelie U. Antao sa ๐ฟ๐ง. ๐๐๐ข๐ค๐ฃ ๐๐๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐พ๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐จ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ก, ๐๐ฃ๐. ang pondong nagkakahalaga ng ๐๐๐ฅ 1, 000, 000. 00 (๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐จ๐ค) sa idinaos na ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ช๐ฉ๐ง๐๐๐๐ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข; ๐๐ช๐ง๐ฃ๐ค๐ซ๐๐ง ๐ค๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ผ๐จ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ช๐ฃ๐ na ginanap sa Pesante Hospital, Libungan.
Ang nasabing pondo ay alokasyon ni MP Antao mula sa Bangsamoro Government na idinaan sa Ministry of Health sa pamamagitan ng Medical Outreach Program.
Dahil sa kapansin-pansing pangangailangan ng mga mamayan ng tulong pinansyal at medikal, nagpasya si MP Antao na gamitin ang MOP Fund nito bilang tulong sa mga kinakapos ng pambayad sa ospital.
Taos-pusong tinanggap ng administrasyon ng Pesante Hospital ang pondo at sila ay nagpapasalamat sa nabuong makabuluhang partnership sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa publiko.
Nitong nakaraang linggo, nagpalabas din ng pondo mula sa MOH si MP Antao para naman sa mga Barangay Health Workers ng Datu Blah Sinsuat municipality.
Dagdag pa rito, mayroon ding existing fund sa MSSD para sa hospital fees ang butihing MP na kasalukuyan ng ginagamit ng mga mamamayan, mapa-Moro man o hindi, sa loob at labas ng teritoryo ng Special Geographic Area.| ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐ก- ๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐ฝ๐
๐-๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฝ๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ฟ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ฟ๐
10 ๐ฝ๐ข๐๐ฆ 2024, ๐ถ๐๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐ถ๐๐ก๐ฆ | Eksklusibong nagpulong ang mga kasapi ng UBJP-SGA Think Tank sa pamumuno ni UBJP-SGA Chief Executive Officer Mohammad Kelie U.Antao sa UBJP Regional Headquarters upang talakayin ang mga susunod na hakbangin matapos na ipalabas ng Bangsamoro Government ang opisyal na listahan ng mga Officers-In-Charge ng walong bagong tatag na munisipyo sa nasasakupan nito.
Nagkaroon ng isang malalim na analysis at discussion patungkol sa kasalukuyang estado ng SGA kaakibat ng pagpapalakas ng partido at pag-aanyaya sa pagkakaisa ng mga Moro sa SGA hindi lamang para sa darating ng eleksyon kundi para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa buong 63 barangays na sakop nito.
Mainit naman ang naging pagtanggap ng regional office ng partido at sa pamamagitan ni Assistant Secretary to the Party President Nas Dunding, pinuri ng liderato ng UBJP si MP Antao at aniya ay isa sa pinakaaktibong MP at party executive officer si Antao dahil sa mga makabuluhan nitong mga programa at inisyatibo mula ng maupo itong myembro ng BTA BARMM.
Kapansin-pansin pa rin ang commitment ng bawat local executive officer ng partido na naanyayahang dumalo sa pagpupulong. | ๐ท๐๐๐ข๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐ก-๐๐ ๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Hon. Mohammad Kelie U. Antao is among the Members of Parliament who took part in the realization of this projects and programs.
๐๐๐ก๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ฎ๐ ๐ช๐ ๐ค๐ก ๐จ๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ง๐ช๐ ๐ฉ๐ช๐ง๐ ๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐จ ๐จ๐ ๐๐๐ผ, ๐๐จ๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค
9 ๐ฝ๐ข๐๐ฆ 2024 | ๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐, ๐ถ๐๐ก๐๐๐๐ก๐| Sa pagnanais na mas mapaaga ang operasyon ng mga bagong tatag na mga munisipyo sa Special Geographic Area, pinulong ni MP Mohammad Kelie U. Antao ang mga prospected SGA OIC Mayors at Vice-Mayors upang sumali sa palitan ng mga ideya sa isinagawang ๐ฝ๐ง๐๐๐ฃ๐จ๐ฉ๐ค๐ง๐ข๐๐ฃ๐ ๐ค๐ฃ ๐๐ฉ๐ง๐ช๐๐ฉ๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ฌ๐ก๐ฎ ๐พ๐ง๐๐๐ฉ๐๐ ๐๐ช๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฉ๐๐๐จ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ก ๐๐๐ค๐๐ง๐๐ฅ๐๐๐ ๐ผ๐ง๐๐ na ginanap sa Hill Park Inn and Hotel, Midsayap, Cotabato.
Bilang mga bagong sibol na mga bayan sa Bangsamoro region, isang malaking hamon sa mga appointed OICs ang pagbuo ng istruktura ng kani-kanilang LGU.
Naimbitahan sa nabanggit na programa ang Municipal Planning and Development Coordinator maging ang Municipal Treasurer ng municipality of Datu Salibo,Maguindanao, upang magbahagi ng kanilang mga pinagdaanan sa pagbuo noon ng istruktura ng kanilang bayan.
Nagbunga ng produktibong diskusyon ang brainstorming session at masasabing isa itong mahalagang hakbang sa pagbuo ng istruktura at pagsasaayos ng paglalagay ng mga empleyadong magpapagalaw sa walong munisipyo ng SGA.| ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐ก- ๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ผ๐พ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐๐ผ, ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ผ ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐ผ๐
30 ๐ฝ๐ข๐๐ 2024 | ๐ฟ๐๐๐ข๐๐๐๐, ๐ถ๐๐ก๐๐๐๐ก๐ | Tumanggap ng pinansyal na honorarium ang mga volunteer teachers ng iilang paaralan sa Special Geographic Area mula kay MP Mohammad Kelie U.Antao. Ang mga volunteer teachers na ito ay nagkukusang maglaan ng serbisyo para sa mga batang Moro nang hindi iniinda ang sa ngayon ay kawalan ng plantilla items para sa kanila.
Matatandaan na habang nasa transisyon ang Bangsamoro region, may mga regular na mga g**ong mas piniling manatili sa North Cotabato at nilikas ang mga eskwelahang sakop ng SGA kung kaya't maraming mga paaralan ang kinapos ng mga magtuturo. Dahil dito, dumulog ang ilang school heads kay MP Antao at ang huli ay agad namang rumisponde sa pamamagitan ng pagbibigay ng buwanang honorarium sa mga volunteer teachers.
Ang pamimigay ng nasabing honorarium ay nagsimula pa noong 2022 nang mapiling isa sa mga myembro ng BTA Parliament si MP Antao.Bilang dating g**o,nauunawaan umano ni MP Antao ang mga sakripisyo ng mga volunteer teachers sa paglinang ng mga kakayahan ng mga kabataang Moro kahit na ang mga ito ay hindi pa nareregular sa pagtuturo.
Hangad ni MP Antao na sana ay magkaroon ng mass hiring ng permanent teaching position sa SGA ang MBHTE-BARMM upang sa ganoon ay mapunan ang kakulangan ng mga g**o sa SGA School's division.Dagdag pa ni MP Antao, umaabot na ng ilang daan ang bilang ng mga kwalipikadong aplikante at mga lisensyadong mga g**ong naghihintay na magkaroon ng oportunidad na mapabilang sa teaching force ng SGA. | ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐ก- ๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐ผ๐๐๐ผ๐, ๐๐๐๐๐ฝ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐ฝ๐
๐ ๐ผ๐๐๐๐๐ฝ๐๐/๐ผ๐ฟ๐๐๐พ๐ผ๐พ๐ ๐ผ๐๐ฟ ๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐พ๐ผ๐ฝ๐๐ผ๐, ๐๐๐๐๐๐ผ๐, ๐๐๐ผ
30 ๐ฝ๐ข๐๐ 2024 | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ด๐๐๐ | Sa pangunguna ni Tugunan UBJP Chief Executive Officer Ustadz Siddick Abdullah, ginanap ang ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐ฝ๐
๐ ๐ผ๐๐๐๐๐ฝ๐๐/๐ผ๐ฟ๐๐๐พ๐ผ๐พ๐ ๐ผ๐๐ฟ ๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ kung saan naanyayahang maging panauhing pandangal si MP Mohammad Kelie U. Antao na kasalukuyang UBJP SGA Provincial Chief Executive Officer.
Naging punto ng mensahe ni MP Antao ang pagiging konektado ng partidong UBJP sa jihad at ang layunin ng partidong magkaroon ng reporma sa pamamahala kaakibat ng adbokasiya ng kasalukuyang administrasyon para sa malawakang pagsasakatuparan ng moral governance. Ani Antao,ang prinsipyo ng mga myembro ng partido ay dapat na matatag at hindi pabago-bago sa dikta ng salapi o ano pa man.
Hinikayat ni Antao ang mga dumalo na panatilihin ang kani-kanilang prinsipyo at suportahan ang Bangsamoro Government at huwag mag-alinlangang ipaabot sa kinauukulan ang kani-kanilang mga opinyon sakali mang may kapuna-punang pagkakamali sa pamamalakad ng mga liderato ng kasalukuyang administrasyon.Ipinagdiinan ni MP Antao na ang pamahalaang Bangsamoro ay para sa lahat at hindi sa iilan lamang kung kaya't ang bawat isa ay nakatokang pangalagaan ito.
Sa kabuuan, nasa mahigit isang libong mga Bangsamoro ang dumalo sa pagtitipon at nanumpang myembro ng partidong UBJP. Ito ay labis na bilang kumpara sa inaasahang nasa limangdaan lamang.
Samantala, naging katuwang ni Tugunan CEO Abdullah sina Barangay Macabual Chairman Datu Abadia M.Akas at UBJP Macabual Chief Executive Officer Mar Laguiali.| ๐ท๐๐๐ข๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐, ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ & ๐๐๐โ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐- ๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐ฟ๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐ผ ๐๐๐ผ๐ ๐ผ๐ ๐๐๐๐ผ๐ฟ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ , ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ผ๐ฟ๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
27 ๐ฝ๐ข๐๐ 2024 | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ด๐๐๐ | Sa isinagawang ๐๐๐ผ๐ฟ๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ na ginanap sa Brgy. Bulol, Ligawasan, SGA, nakilahok ang tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao sa pamamagitan ng pamimigay ng tig-iisang sakong 25 kg. ng bigas na mula sa alokasyon ng tanggapan ni MP Antao sa Project Tabang ng Office of the Chief Minister. Nagbahagi rin ng mensahe ang myembro ng parlyamento sa pamamagitan ni Dr. Alimen W. Sencil na Chief-of-Staff ng kanyang tanggapan.
Ang SGADA Sa Munisipyo ay isang serye ng programang pinangungunahan ng Ministry of the Interior and Local Government sa pamamgitan ng Special Geographic Area Development Authority katuwang ang iba pang mga ahensya ng Bangsamoro government upang mas mailapit sa mga bangsamoro ang serbisyo publiko. l ๐ท๐๐๐ข๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐, ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ & ๐๐๐โ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐- ๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐ฟ๐๐๐๐๐๐ฝ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐ผ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐พ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ผ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐พ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฟ ๐๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐ฟ๐๐ฟ ๐ฝ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐พ๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐๐ ๐.๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ 2023 ๐๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐ผ๐พ๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฟ
Story Link:
https://www.facebook.com/share/p/a7iHNMt4QYAmTAHJ/?mibextid=oFDknhttps://www.facebook.com/share/p/a7iHNMt4QYAmTAHJ/?mibextid=oFDknk
๐๐ ๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐ผ๐๐๐ ๐ผ ๐๐๐ ๐๐ 2.9 ๐๐๐๐๐๐๐ ๐พ๐ผ๐๐ ๐ผ๐๐ฟ ๐๐ 585 ๐ฝ๐๐๐๐๐๐พ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฟ๐๐ 2023
27 ๐ฝ๐ข๐๐ 2024 | ๐๐บ๐ด-๐ต๐ด๐
๐๐ | A total of 585 students, orphans and widows received financial assistance from the Office of MP Mohammad Kelie U. Antao through the Ministry of Social Services and Development programs funded by Antao's Transitional Development Impact Fund 2023, released last June 14-24, 2024, in the different Municipalities of the BARMM Special Geographic Area.
TDIF-funded MSSD programs availed by the office of MP Antao include Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan for students, KUPKOP for orphans, and Bangsamoro Sagip Kabuhayan for widows. Beneficiaries of these programs received cash incentives amounting to Php 3,000, Php 5,000, and Php 15,000, respectively.
A total of Php 2, 965,000 was successfully released through the series of pay-out collaboratively done by MP Antao's office and MSSD's municipal and provincial offices in the SGA.
MP Antao explained to the beneficiaries that the TDIF was allocated by the Bangsamoro Government through the offices of the Members of the Parliament to further strengthen and ensure the delivery of services especially to the marginalized Bangsamoro communities affected by war in the previous years. He further said that aside from MSSD, he had also established partnership with other BARMM ministries for infrastructures, machineries, and scholarship grants which are yet to be implemented and distributed on the coming months.| ๐ท๐๐๐ข๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐, ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐, & ๐๐๐โ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐- ๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ผ ๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ผ-๐๐๐พ ๐๐ผ๐๐๐ ๐ผ๐ ๐ฝ๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ผ, ๐๐๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐ฝ๐ผ ๐๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐ผ๐
18 ๐ฝ๐ข๐๐ 2024, ๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐, ๐ถ๐๐ก๐๐๐๐ก๐ | Ang tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao katuwang ang United Bangsamoro Justice Party ay nagsagawa ng ๐๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐ฟ ๐๐๐พ๐-๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐๐๐' ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ na may temang "๐ผ๐ ๐๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐โ๐ก๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐ข๐๐ก๐ข๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐ค๐๐ฆ ๐ถ๐๐๐๐ก๐๐ ๐ถ๐๐๐๐ข๐๐๐ก๐ฆ: ๐ด ๐
๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐ค๐๐กโ ๐กโ๐ ๐ด๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ด๐๐๐" kung saan ito ay ginanap sa Hill Park Hotel, Poblacion 8, Midsayap, Cotabato.
Layunin ng nasabing aktibidades na maiwasan ang di kaaya-ayang reaksyon ng mga aspirants sakali mang ilabas na ng mga kinauukulan sa Bangsamoro Government ang listahan ng mga appointed Local Government officials ng SGA.
Inaasahan ni MP Antao na sana ay maluwang sa damdamin ng bawat isa ang magiging desisyon ng screening committee ng BARMM hinggil sa appointment ng LGU official at hiling nyang sana ay mapanatili pa rin ang samahan ng bawat isa at suporta para sa mga nakatakdang mapabilang listahan ng itatalagang OIC Mayor, Vice-Mayor at Councilors ng walong bagong tatag na munisipyo sa SGA.
Ang speakers at lecturers ng oryentasyon ay sina Prof. Iskak Hasim ng IMEAS-USM, Prof. Shiekh Abdulhadi T. Daguit ng BTA Office of MP Mohagher Iqbal, Shiekh Marhan M. Borhan, Shiekh Mohammad Jamil Esmail, at Shiekh Nhorul-Am Abdullah na pawang mula sa BTA Office ni MP Mohammad Pak.
Dinaluhan ng mahigit nasa dalawang daang attendees ang programa kasama ang mahigit tatlumpung mga aplikante sa pagka-OIC Mayor at mahigit apatnapung mga aplikante sa pagka-OIC Vice-Mayor.
Si Dr. Alimen Sencil, Chief of Staff ng tanggapan ni MP Antao ang nangunang facilitator ng aktibidades.| Documentation, Information, & Technical Division-MP MKU Antao Office
๐๐๐๐๐ฟ๐๐ผ๐๐๐, ๐๐๐๐๐ผ'๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐พ๐ผ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐พ๐ ๐๐๐๐ผ ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐ผ๐
14 ๐ป๐ข๐๐ฆ๐ 2024, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ด๐๐๐ | Sinimulan na ng tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao ang pamumudmod financial assistance gamit ang TDIF 2023. Sa isinagawang ๐๐๐๐ฟ ๐๐๐ฎ๐ค๐ช๐ฉ ๐๐ค๐ง ๐๐ ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค'๐จ 2023 ๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ฉ ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ฉ ๐๐ช๐ฃ๐, sa Brgy. Batulawan, Malidegao, SGA, tumanggap ng cash assistance ang mga estudyante, ulila, at mga balo ng mga barangay sa Pikit na sakop nq ng Bangsamoro Region.
Ang mga mag-aaral ay tumanggap ng Php 3,000, samantalang ang mga batang ulila ay nakatanggap ng Php 5,000 at Php 15,000 ang tinanggap ng mga balo.
Ang mga benepisyaryo ay ang mga kwalipikadong indibidwal ng ABaKa, Kupkop, at BSK program ng MSSD kung saan ito ang mga napiling programa ni MP Antao bilang isa sa bahagi ng mga programang pinaglaanan nya ng pondo sa ilalim ng kanyang TDIF nitong nakaraang taon. | ๐ท๐๐๐ข๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐, ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐โ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐ผ๐๐๐๐๐๐พ๐๐๐๐๐ | ๐ด๐ ๐ ๐๐๐๐๐ '๐ด๐๐๐ฆ๐๐ข๐ ๐ค๐ ๐
๐โ๐๐๐ก๐ข๐๐๐โ๐ ๐ค๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ขโ๐ข. Ang tanggapan ni ๐๐ ๐๐ค๐๐๐ข๐ข๐๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐. ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค kasama ang ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐จ๐๐ข๐ค๐ง๐ค ๐
๐ช๐จ๐ฉ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฉ๐ฎ ay magsasagawa ng ๐๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐ฟ ๐๐๐พ๐-๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐๐๐' ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ sa darating na ๐๐ช๐ฃ๐ฎ๐ค 18, 2024, araw ng ๐๐๐ง๐ฉ๐๐จ, na gaganapin sa ๐๐๐ก๐ก ๐๐๐ง๐ ๐๐ค๐ฉ๐๐ก, ๐๐ค๐๐ก๐๐๐๐ค๐ฃ 8, ๐๐๐๐จ๐๐ฎ๐๐ฅ ๐พ๐ค๐ฉ๐๐๐๐ฉ๐ค.
Inaasahan po ng tanggapan ang pagdalo ng mga political aspirants na nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa nabanggit na dalawang lokal na mga posisyon sa SGA.
Maaring i-share ang anunsyong ito. Maraming salamat.
๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ผ๐ฟ๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
6 ๐ฝ๐ข๐๐ 2024 | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ด๐๐๐ | Sa isinagawang ๐๐๐ผ๐ฟ๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ na ginanap sa Brgy. Balungis, Malidegao, SGA, nakilahok ang tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao sa pamamagitan ng pamimigay ng hygiene kits at pagbahagi ng mensaheng nagsusuporta sa naturang gawain.
Ang SGADA Sa Munisipyo ay isang serye ng programang pinangungunahan ng Ministry of the Interior and Local Government sa pamamgitan ng Special Geographic Area Development Authority katuwang ang iba pang mga ahensya ng Bangsamoro government upang mas mailapit sa mga bangsamoro ang serbisyo publiko. l Documentation, Information & Technical Division-MPMKU Antao Office
๐ผ๐๐๐๐๐๐พ๐๐๐๐๐ | ๐ด๐ ๐ ๐๐๐๐๐ '๐ด๐๐๐ฆ๐๐ข๐ ๐ค๐ ๐
๐โ๐๐๐ก๐ข๐๐๐โ๐ ๐ค๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ขโ๐ข. Ang tanggapan ni ๐๐ ๐๐ค๐๐๐ข๐ข๐๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐. ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ค katuwang ang ๐๐๐๐ฟ ay magsasagawa ng ๐๐๐ฎ-๐ค๐ช๐ฉ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐๐ง๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐จ๐๐ก๐ ๐จ๐ 2023 ๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ฉ ๐๐ช๐ฃ๐ ng nabanggit na tanggapan para sa mga napiling benebisyaryong residente ng munisipalidad ng ๐๐ช๐๐ช๐ฃ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐จ๐๐ฃ.
Ang naturang pay-out ay gaganapin sa covered court ng ๐ฝ๐ง๐๐ฎ. ๐ฝ๐๐ฉ๐ช๐ก๐๐ฌ๐๐ฃ, ๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ค, ๐๐๐ผ, ngayong Byernes ng umaga, ๐๐ช๐ฃ๐ฎ๐ค 14, 2024. Samantala, ang mga benepisyaryong residente ng bayan ng Malidegao ay nakatakdang tumanggap ng kaparehong financial assistance sa susunod na linggo.
Maari pong makipag-ugnayan sa aming tanggapan hinggil dito. Maraming salamat.
๐พ๐๐๐๐๐๐พ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐ผ๐
30 ๐๐๐ฆ, 2024 | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ด๐๐๐- Tuluyan ng naayos ang gusot sa pagitan nina Tumbras Brgy. Chairperson Fatima Mokalid at Wahidin Guialudin at Jimboy Kawilan, Boris Bakar, at Satar Mantikayan sa isinagawang Conflict Resolution and Settlement Kanduli na pinagtulungang inorganisa ng tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao, BARMM Ministry of Public Order and Safety, Kadayangan BLGU, M**F, at ng Midsayap security forces , na ginanap sa covered court ng Brgy. Tumbras, Kadayangan, SGA.
Nagbigay ng kanyang message of support si MP Antao sampu ng mga kinauukulan at mga punong barangay na rin ng karatig na BLGU.
Ang dalawang partido naman ay nagbigay rin ng kani-kanilang message of committment sa isinagawang settlement.
Ang PASAD program na isa sa limang pangunahing programa ni MP Antao ay patuloy na nagiging bahagi ng kampanya para sa kapayapaan sa SGA. | ๐ท๐๐๐ข๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐, ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐, & ๐๐๐โ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐พ๐ ๐ด๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Address
Gov. Guttierez Street Bangsamoro Government Center, RH VII
Cotabato City
9600
Opening Hours
Monday | 8am - 5pm |
Tuesday | 8am - 5pm |
Wednesday | 8am - 5pm |
Thursday | 8am - 5pm |
Friday | 8am - 5pm |
Bangsamoro Transtition Authority Bldg. Government Center, Brgy. Rosary Heights 7
Cotabato City, 9600
๐๐น๐ผ๐ผ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐น๐ถ๐ฎ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ผ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ --๐๐๐๐๐๐๐๐--
Cotabato City, 9600
Official page of MNLF Chairman Datu Muslimin G. Sema
DTAB Commercial Building II, Second Floor, Ortouste Street , Rosary Heights 6
Cotabato City, 9600
I am committed to upholding the rules of law and serving the community.
Cotabato City
Currently a Member of the Parliament and Deputy Floor Leader BTA-BARMM. A dedicated public servant
Cotabato City, 9600
Loan Services Portal also known as LSP is the official page of Payroll Section - MBHTE BARM
Bangsamoro Government Center
Cotabato City, 9600
Supporting the Southern Philippine Peace Process towards Peace, Security. Prosperity and Stability