Pantawid Pamilyang Pilipino Program Cotabato City

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pantawid Pamilyang Pilipino Program Cotabato City, Government Organization, Cotabato City.

Pantawid Pamilyang Pilipino Program is a human development program of the national government that invests in the health and education of poor households, particularly of children aged 0-18 years old.

Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program's post 04/11/2022
10/10/2022

PABATID

Sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na naka-schedule na makuha ang kanilang cash grant nitong Biyernes, nais ipagbigay-alam ng DSWD na maaari nyo na po itong makuha. Naisaayos na ng Ahensya ang technical error sa sistema na naging sanhi ng pagkaantala ng paglalabas ng grant.

Sa mga benepisyaryo naman na walang nakuhang grant, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa City/Municipal Links sa inyong lugar.

Maraming salamat po.

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo! ❤️

08/10/2022

PAUNAWA

Humihingi po ng paumanhin ang DSWD sa pagkaantala ng paglalabas ng 4Ps cash grants ngayong Biyernes, October 7, 2022. Nagkaroon lamang ng technical error sa sistema ng DSWD na agaran naming inaasikaso. Minamadali na ito ng Ahensya upang matanggap ng benepisyaryo ang kanilang cash grant ngayong araw hanggang bukas.

Maraming Salamat po.

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo! ❤️

Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program's post 12/09/2022

FAQs TUNGKOL SA COVID-19 VACCINATION BILANG KATUMBAS NG PAGSUNOD SA FDS

Mga ka-4Ps, kung nabasa na ninyo ang Pabatid natin kahapon (https://www.facebook.com/DSWDPantawidPamilya/posts/5672456162805610) narito naman ang ilang sagot sa inyong mga katanungan tungkol dito.

Kung mayroon pang ibang katanungan, muli naming pinapaalala na sa mga City/Municipal Links lamang sumangguni o di kaya ay sa iba pang kawani ng DSWD.

Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program's post 12/09/2022

Mag ka-4Ps! Lahat ba ay bakunado na laban sa Covid-19?

Bilang suporta upang labananan ang nakamamatay na sakit dulot ng Covid-19, ipapatupad ng Programa mula Agosto hanggang Disyembre 2022
ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 bilang katumbas ng pagdalo sa FDS.

Ito ay pagsuporta sa layuning makamit ang herd immunity, at maproteksyonan hindi lamang ang sambahayan kundi pati na rin ang komunidad na kanilang kinabibilangan.

Para sa iba pang mga katanungan tungkol dito, maaari kayong sumangguni sa inyong mga City/Municipal Links.

Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program's post 12/09/2022

Ano nga ba ang nangyayari habang isinasagawa ang balidasyon para sa mahigit 1.3 milyong sambayan na natukoy na hindi mahirap, base sa resulta ng Listahanan 3?

Ating basahin ang PAUNAWA mula sa programa.

Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program's post 07/09/2022

Mga ka-4Ps, kung ating babalikan, noong nakaraang June 2022 ay tinalakay natin sa eFDS 25 ang patungkol sa Financial Literacy kung saan pinag-usapan ang mga pangunahing kaalaman sa pagbabangko.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mayroon na ring mga digital applications ang mga bangko na magagamit upang makapag-transact sa pamamagitan ng cellphone, computer, at iba pang mobile devices gamit ang internet.

Mas mabilis na ang mga transaksyon ngayon. Subalit hindi maitatanggi na may kaakibat na panganib ang mga makabagong teknolohiya na ito kung hindi tayo magiging maingat. Mahalagang maintindihan natin ang mga pamamaraan para ma-protektahan ang ating mga accounts, lalo na ang ating mga personal information

Kaya naman ilabas na ang mga talaarawan at tayong maging upang patuloy tayong mga ka-4Ps na maalam sa ating pinansya.

Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program's post 05/09/2022

Parte ng pagpapaunlad sa kabuuang estratehiya ng Programa ay ang bigyang linaw ang mga pamantayan, kadahilanan, at mga dapat tandaan na nakapaloob sa 4Ps. Mula sa aspeto ng Kalusugan, Edukasyon, Nutrisyon, pagdalo sa Family Development Sessions, mga dahilan kung bakit matatanggal ang isang benepisyaryo at maging sa mga pamantayan kung maaari ng grumadweyt ang isang 4Ps beneficiary na nakasaad sa RA 11310.

Narito ang kabuuang paglilinaw ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Halina't ating balikan!

05/09/2022

Ano ano nga ba ang mga pamantayan ng 4Ps upang masabing maaari ng grumadweyt ang benepisyaryo?

Narito ang PAGLILINAW ng 4Ps na nakasaad sa Republic Act 11310, halina't ating alamin!

30/08/2022

Matapos nating mabigyang linaw ang mga sinumpaang responsibilidad ng mga benepisyaryo ng Programa, halina't tukuyin naman natin ang ilan sa mga dahilan kung bakit matatanggal ang isang benepisyaryo sa Programa. May iba't ibang pamantayan ang programa sa pag-alis o pagtanggal ng benepisyaryo. Anu-ano nga ba ang mga ito? Halina't ating alamin.

Manatiling nakatutok sa ating official page para sa iba pang PAGLILINAW at ilang impormasyon hinggil sa 4Ps.

30/08/2022

Sa pagpapatuloy ng ating PAGLILINAW, isa ang Family Development Sessions (FDS) sa mga kondisyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program upang mas mapalawak at mapaunlad ang kamalayan at kaalaman ng bawat benepisyaryo. Ang aktibong partisipasyon sa FDS ay mahalaga dahil ito ang nagsisilbing plataporma ng bawat benepisyaryo upang mas mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Halina't alamin ang mga tungkulin ng mga benepisyaryo, bilang paalala at gabay!

Manatiling nakatutok sa ating official page para sa iba pang PAGLILINAW at ilan pang impormasyon hinggil sa 4Ps.

30/08/2022

Ano nga ba ang mga tungkulin ng isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program?

Narito ang PAGLILINAW at paalala ng 4Ps sa sinumpaang mga responsibilidad ng mga benepisyaryo sa aspeto ng kalusugan at edukasyon. Binibigyang-diin dito ang pagbibigay suporta sa kalusugan at mga libreng serbisyong ibinibigay sa mga health centers.

Nais ding bigyan-diin ng Programa ang mga serbisyo at suporta sa aspeto ng edukasyon upang matiyak na ang mga bata ay pumapasok at makakatapos hanggang Senior High School.

Manatiling nakatutok sa ating official page para sa iba pang mga PAGLILINAW at ilan pang impormasyon hinggil sa 4Ps.

16/08/2022

Paano maging 4Ps member?

Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program's post 16/08/2022

Isa sa mga madalas na tanong ay kung papaano nga ba mapabilang sa 4Ps?

02/08/2022

"Bakit nga ba Filipino ang Filipino?

Sa iba't-ibang pamamaraan at paggamit, isa ang ating wika sa may mahahalagang kontribusyon sa ating pagiging isang Pilipino- sa pagpapaunlad ng komunikasyon, sa aspeto ng edukasyon at sa paglinang ng karunungan ng bawat Pilipino sa loob at labas ng bansa. Linangin, ipagmalaki, at paunlarin ang ating pambansang wika na Filipino bilang isang Pilipino tungo sa matatag at matagumpay na Pamilyang Pantawid.

Mahalaga na malaman natin kung saan at paano nga ba nagsimula ang Filipino sa Pilipinas, kaya halina at tuklasing natin kung bakit nga ba Filipino ang Filipino sa link na ito: https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Pagpaplanong-Wika-at-Filipino.pdf"

29/06/2022

📝 National Government begins distribution of P500 monthly subsidy to cushion impact of higher prices of fuel, goods

In line with the signing of Joint Memorandum Circular (JMC) No. 1, series of 2022, the Duterte administration has started the distribution of the cash subsidy under the Targeted Cash Transfer (TCT) Program today, June 29, 2022. Some 1.2 million household-beneficiaries who have existing cash cards have received the first tranche amounting to P1,000, or two-months’ worth of subsidies.

The TCT program, which was announced by President Duterte earlier this year, aims to cushion the impact of the elevated costs of fuel and other commodities. The intended beneficiaries of the program are the bottom 50 percent of Filipino households around the country.

👉 https://www.dswd.gov.ph/national-government-begins-distribution-of-p500-monthly-subsidy-to-cushion-impact-of-higher-prices-of-fuel-goods/

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo! ❤️

Photos from Department of Social Welfare and Development's post 29/06/2022
18/06/2022
Timeline photos 13/06/2022
31/05/2022

Alam nyo ba? May 28, 1898 ang eksaktong petsa na unang iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas. Ito ay matapos talunin ng Philippine Revolutionary Army ang mga Espanyol sa labanan sa Alapan, Imus, Cavite noong taong 1898.
Dahil sa paggunita sa mahalagang pangyayari na ito, noong Marso 6, 1965 ay inilabas ang Presidential Proclamation No. 374 na nagdedeklara sa Mayo 28 bilang Pambansang Araw ng Watawat.
Noong Mayo 23, 1994 naman ay inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 179 na nagpapalawig sa panahon ng pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12. Hinihikayat ang lahat ng Pilipino na ipakita ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan, ahensya at instrumento ng pamahalaan, mga establisyemento ng negosyo, paaralan, at pribadong tahanan sa buong panahong ito.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nakikiisa sa pagdiriwang ng "National Flag Day" ng ating bansa! SaMa-SaMa nating ipagmalaki ang ating watawat at ang ating mga tagumpay bilang isang mamamayang Pilipino.

Alam nyo ba? May 28, 1898 ang eksaktong petsa na unang iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas. Ito ay matapos talunin ng Philippine Revolutionary Army ang mga Espanyol sa labanan sa Alapan, Imus, Cavite noong taong 1898.

Dahil sa paggunita sa mahalagang pangyayari na ito, noong Marso 6, 1965 ay inilabas ang Presidential Proclamation No. 374 na nagdedeklara sa Mayo 28 bilang Pambansang Araw ng Watawat.

Noong Mayo 23, 1994 naman ay inilabas ang Executive Order No. 179 na nagpapalawig sa panahon ng pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12. Hinihikayat ang lahat ng Pilipino na ipakita ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan, ahensya at instrumento ng pamahalaan, mga establisyemento ng negosyo, paaralan, at pribadong tahanan sa buong panahong ito.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nakikiisa sa pagdiriwang ng "National Flag Day" ng ating bansa! SaMa-SaMa nating ipagmalaki ang ating watawat at ang ating mga tagumpay bilang isang mamamayang Pilipino.

27/05/2022

LOOK: 4 DAYS TO GO BEFORE THE DUTERTE LEGACY SUMMIT!
President Rodrigo Roa Duterte assured that the government will respond to indigent Filipinos nationwide by signing RA No. 11310 or the 4Ps Act. Through this, the anti-poverty program of 128116 became permanent 97831 .
For more details related to Duterte Legacy , PCOO will conduct a two-day Duterte Legacy Summit on May 30 - 31.

TINGNAN: 4 ARAW NA LANG BAGO ANG DUTERTE LEGACY SUMMIT!

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tutugunan ng pamahalaan ang mga indigent na Pilipino sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpirma niya sa RA No. 11310 o ang 4Ps Act. SA pamamagitan nito, naging permanente ang anti-poverty program ng Department of Social Welfare and Development.

Para sa iba pang detalye kaugnay ng Duterte Legacy, ang PCOO ay magsasagawa ng dalawang araw na Duterte Legacy Summit sa Mayo 30 - 31.

16/05/2022

Kinikilala ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kahalagahan ng Pamilya, bilang pangunahing institusyong panlipunan. Kaya naman, nakikiisa ang 4Ps sa pagdiriwang ng International Day of Families!

Tuwing Mayo 15 taun-taon, ginugunita ng United Nations ang International Day of Families upang bigyang diin ang ang kapakanan ng Pamilya tulad ng kalusugan, edukasyon, gender equality, karapatan ng mga bata, social inclusion, atbp.

Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program Cotabato City's post 13/05/2022

:

Ipinapaalala ng 4Ps na ang hindi wastong paggamit gaya ng pagsasanla ng 4Ps ATM card, ay mahigpit na ipinagbabawal ng ating Programa. Ang mga benepisyaryong mapapatunayang lumabag sa panuntunang ito ay maaaring makaharap ng karampatang parusa o di kaya'y tuluyang matanggal bilang benepisyaryo ng Programa.

Upang malaman ang mga dahilan ng maling paggamit ng cash grants at upang mabigyan ng nararapat na interbensyon ang mga benepisyaryong lumabag, sila ay sasailalim sa case management na isasagawa ng kanilang mga City/Municipal Links.

Hinikayat naman ang lahat na ipagbigay-alam sa aming tanggapan ang ganitong kaugnay na pangyayari.

Ctto

08/05/2022

Dear Allah
I beg for your forgiveness on behalf of my mother.🤲

Ya Allah
Grant her Jannah and shine your mercy on her soul.🤲

07/05/2022

Sa darating na May 9, 2022, kaisa ninyo kami tungo sa isang malinis at mapayapang halalan.

Bilang , responsibilidad ninyong bantayan ang proseso ng halalan at ipagbigay-alam ang mapapansing hindi kanais-nais o mga anomalya. Maging aktibo at makialam sa pamamagitan ng pagkuha ng tamang impormasyon at labanan ang mga fake news o maling impormasyon. Higit sa lahat, makilahok at proteksyunan ang 4Ps laban sa mga kandidatong nagbabalak gamitin ito sa pansariling interes.

At ang ating patuloy na panawagan, nawa'y sama-sama tayong magbantay, makialam, at makilahok ngayong Eleksyon 2022!

(Kaugnay na babasahin: https://pantawid.dswd.gov.ph/2022/05/dswd-encourages-beneficiaries-to-report-incidence-of-politicking-using-4ps/)

Ctto

Want your organization to be the top-listed Government Service in Cotabato City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Address


Cotabato City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Other Government Organizations in Cotabato City (show all)
Kutawato Estasyon Uno Kutawato Estasyon Uno
SK Pendatun Avenue, Poblacion 6
Cotabato City, 9600

RxBox BARMM RxBox BARMM
Gov. Gutierrez Avenue
Cotabato City, 9600

RxBox1000 Ministry of Science and Technology Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

BJMP Cotabato City Jail-Male Dormitory BJMP Cotabato City Jail-Male Dormitory
Datu Udtog Matalam Street , Rosary Heights 10
Cotabato City, 9600

Safekeeping and Development

Management Information System Division - BTA Parliament Management Information System Division - BTA Parliament
RH 7 Cotabato City Government Compound
Cotabato City, 9600

Providing excellent ICT support for the betterment of BTA and in service of the Bangsamoro People.

DepEd Tayo Malamote NHS DepEd Tayo Malamote NHS
Malamote, Midsayap
Cotabato City, 9410

An improving Junior High School of Midsayap

Tiktok Trend Ph Tiktok Trend Ph
Cotabato City

�ShIt PoStEr� 01:43 ━━━━━●─── 03:53 ⇆ㅤ◁ ❚❚ㅤ▷ ↻

Barangay Datu Agod Antipas Barangay Datu Agod Antipas
Datu Agod, Antipas, North Cotabato
Cotabato City

MENRE - Maguindanao MENRE - Maguindanao
Bangsamoro Government Center, Rosary Heights 7
Cotabato City, 9600

The Official page of the Provincial Environment, Natural Resources and Energy Office - Maguindanao

Barangay Diocolano-Tamontaka 5, Cotabato City Barangay Diocolano-Tamontaka 5, Cotabato City
Brgy. Diocolano-Tam. 5
Cotabato City, 9600

"Unity is strength, division is a weakness"

Ilotan so katulanged bentingan so kasabar Ilotan so katulanged bentingan so kasabar
KUDAL
Cotabato City

Kadtatabang

SDO Cotabato City Ngayon SDO Cotabato City Ngayon
Cotabato City, 9600