MBHTE TESD
Technical Education and Skills Development
๐๐๐๐๐: ๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐๐ฌ ๐ง๐๐ ๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Graduation ceremony ginanap noong ika-19 ng Hulyo, 2024 sa Camp J3, Lalapung, Lanao del Sur. Limampung trainees ang nagtapos sa ilalim ng BSPTVET Tulong ng Tekbok Tungo sa Pag-angat ng Bangsamoro, partikular sa mga kwalipikasyon ng Organic Agricultural Crops NC-II at Carpentry NC-II.
Nagpasalamat ang mga nagsipagtapos sa oportunidad na makapagsanay nang libre at magkaroon ng bagong kaalaman sa teknikal na bokasyonal na kanilang magagamit upang umangat at mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐ง๐๐ง๐ฒ๐๐ฒ๐๐ก๐๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ซ๐๐๐ข๐จ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ง๐ ๐๐.๐ ๐ ๐
๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
Nito lamang ika-24 ng Hulyo 2024, tinalakay ng MBHTE-TESD LDS ang kasalukuyang implementasyon at mga updates sa programang pagbibigay ng skills training sa mga internally displaced persons (IDPs) na nasalanta at naapektuhan ng gyera sa Marawi City noong Mayo 23, 2017.
Sa panayam kay TESD MRP Focal Baidawe Bato, ibinahagi niya ang mahahalagang detalye tungkol sa programang isinasagawa sa pakikipagtulungan ng MRP-PMO BARMM at ahensya ng TESD LDS. Ang layunin ng programa ay suportahan ang mga biktima sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang kasanayan upang sila ay magkaroon ng hanapbuhay.
Ayon kay Bato, ang programang ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ng mga IDPs. Dagdag pa niya, mahalaga ang patuloy na suporta mula sa gobyerno at iba pang organisasyon upang masiguro ang tagumpay ng mga ganitong inisyatibo.
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ค๐จ๐ฅ๐๐ซ๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ข๐ฏ๐๐ฅ๐ข๐ก๐จ๐จ๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ.
Hulyo 24, 2024, ginanap ang pagtatapos ng 175 iskolars na nagsanay sa Provincial Livelihood Training and Productivity Center sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program na ginanap sa may PLTPC, Tanjung, Indanan, Sulu.
Ang mga ito ay nagsipagtapos sa ibat ibang kwalipikasyon tulad ng Shielded Metal Arc Welding NC-II, Cookery NC-II, Dressmaking NC-II, Electrical Installation and Maintenance NC-II, Plumbing NC-II at Driving NC-II.
Kasabay din ng programang ito ang pamamahagi training support fund para sa mga nabanggit na iskolars .
Kasabay sa mga nagsipagtapos ang dalawangput limang (50) mga indibidual na kumaha ng Driving NC-II sa ilalim ng BSP-FREE-TVET na Iskolars ng Provincial Training Center- Sulu .
Pinangunahan ni Provincial Director Hja. Nurunisah A. Tan ng PLTPC ang naturang programa.
Dumalo ang din ang Provincial Administrator na kinatawan ng Gobernador ng Sulu bilang panauhing pangdangal sa nasabing programa.
Kasama sa mga dumalo ang Staff ng MBHTE-TESD Sulu Provincial office sa pangunguna ni Provincial Director, Glenn A. Abubakar.
๐๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐๐ฒ๐๐ง: ๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐๐ฌ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐๐-๐๐
Matagumpay na isinagawa ang graduation ceremony at pagpapalabas ng Training Support Fund para sa ikatlong batch ng Driving NC II sa probinsya ng Tawi-Tawi, na ginanap sa Provincial Training Center noong ika-21 ng Hulyo 2024.
Ang mga trainees ay binubuo ng mga miyembro ng Driverโs Association sa nasabing probinsya. Bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, ang mga nagtapos ay tumanggap ng kanilang training allowance. Ang programang ito ay bahagi ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET na kilala bilang Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro 2024, at ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng TESD at Tawi-Tawi Provincial Training Center.
Nagbigay din ng kanyang mensahe ang center administrator na si Ginoong Elmin H. Arsad. Sa kabilang banda, lubos ang pasasalamat ng mga nagtapos sa pagkakataong makapag-aral ng libre at sa mga kaalamang kanilang nakuha, na tiyak na makakatulong sa kanilang pag-unlad at pagsusumikap sa buhay.
Ang mga trainees ay sinanay hindi lamang sa mga teknikal na aspeto ng pagmamaneho kundi pati na rin sa responsableng paggamit ng mga sasakyan.
๐๐๐๐๐: ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ข๐ฅ, ๐๐จ๐ง๐ ๐๐จ, ๐๐๐ฐ๐ข-๐๐๐ฐ๐ข
Noong ika-18 ng Hulyo taong 2024, matagumpay na isinagawa ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi Provincial Office ang Training Induction Program (TIP) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Provincial Jail sa Bongao, Tawi-Tawi. Ang TIP ay bahagi ng Special Training for Employment Program (STEP), na nag-aalok ng Carpentry NC-II para sa mga taga-BJMP at Dressmaking NCII para sa mga nasa Provincial Jail.
Layunin ng programang ito na magbigay ng skills training sa mga napiling trainees upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan at bigyan sila ng bagong pag-asa. Malaki ang pasasalamat ng mga trainees sa pagkakataong makapag-aral ng mga nabanggit na kwalipikasyon.
Pinangunahan ang programa ni Dr. Maryam S. Nuruddin, Provincial Director ng MBHTE-TESD PO, Tawi-Tawi.
๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ง: ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ค๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ ๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ง
Noong ika-21 ng Hulyo taong 2024, matagumpay na naisagawa ang Camp Salman Conference na dinaluhan ng MBHTE TESD, BIAF-Zampen, M**F POLCOM-Zampen, Bangsamoro Development Agency, at opisina ni MP Maestro Selis.
Layunin ng pulong na ito ang pagtatag ng Camp Salman Skills Development Center (CS-SDC) upang magbigay ng mga programang pangkabuhayan para sa M**F, na nagpapakita ng pagsusumikap na walang Bangsamoro ang maiiwan.
Pinangunahan ni MBHTE TESD Bangsamoro Director General Ruby A. Andong, napagkasunduan na ang RLSI, dahil sa malapit na lokasyon at kahusayan, ay makikipagtulungan sa pamamahala ng sentro habang hinihintay ang pormal na rehistrasyon nito. Ang mga programang inaalok ay:
- Animal Production NC-II
- Agri-Crops Production NC-II
- Dressmaking NC-II
Ang pagtatatag ng CS-SDC ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapabuti ng kabuhayan ng Bangsamoro.
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐ข๐๐ ๐ง๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ก ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ
Kasama ang ang TESD LDS Provincial Office sa selebrasyon ng 65th Araw ng Lanao del Sur na
na nag simula noong ika-15 ng Hulyo at nagtapos noong ika-21 ng hulyo taong 2024.
Nagbahagi ang nasabing ahensiya ng libreng demonstration para sa baking at TVET enrollment para sa mga kalahok na gustong magkaroon ng skills training.
Naging matagumpay ang nasabing selebrasyon na ginanap sa Brgy. Buadi Sacayo, Capitol Complex, Marawi City, Lanao del Sur katuwang ang Association of Ranao Technical Vocational Incorporated.
๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐ - ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐๐๐๐๐ซ๐๐ ๐ฃ๐ฃ
Hanap mo ba ang mga kursong pwedeng pag - aralan sa TESD? Halina't tingnan ang mga sumusunod na mga programang TekBok at kung saang paaralan sila pwede puntahan at matututunan sa probinsya ng Maguindanao!
๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐
๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Ngayong hapon ng ika-18 ng Hulyo taong 2024, matagumpay na naganap ang pagpupulong sa pagitan ng RLSI-ZCLO at City Administrator's Office ng Zamboanga City sa tanggapan ng MBHTE-TESD RLSI, Veterans Ave., Zamboanga City.
Tinalakay sa pagpupulong ang iba't ibang pagsasanay sa wika na iniaalok ng RLSI. Layunin ng mga programang ito na palakasin ang kasanayan sa wika ng mga kawani ng lungsod upang mapabuti ang komunikasyon at paglilingkod sa mga mamamayan.
Ayon kay OIC-Administrator Abdulhakim Sauti Jr., ang kolaborasyong ito ay makakatulong sa pagsuporta sa pagsasanay sa wika ng mga minorya at displaced persons. Ang paggamit ng wika bilang kasangkapan ay magpapaunlad ng pangkalahatang pag-unawa at paglago ng komunidad.
-ZCLO
๐๐๐๐: ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Mula ika-14 hanggang ika-18 ng Hulyo, taong 2024, matagumpay na isinagawa ang Functional Analysis and Competency Standards Workshop on Halal Seaweed Processing sa Bihing Tahik Resort, Pahut, Tawi-Tawi.
Ito ang kauna-unahang workshop sa rehiyon ng Bangsamoro sa pagbuo ng Competency Standards kalinya ng pangangailangan ng industriya ng seaweeds sa probinsya ng Tawi-Tawi. Alinsunod sa Area-Based Demand-Driven TVET, naglalayon matugunan ng nasabing programa ang mga kakulangan ng mga manggagawa sa isa sa mga prayoridad na industriya ng Tawi-Tawi, ang paggawa ng mga produktong nakabase sa seaweeds.
Kasama sa mga pinag-usapan dito ang pagbuo ng tamang proseso sa paggawa ng mga produkto na galing sa seaweeds kagaya nalamang ng noodles at chips, pag-identify ng mga kakailanganing mga materyales o kasangkapan na gagamitin, at angkop na lugar kung saan ipo-proseso ang nasabing mga produkto.
Naging matagumpay naman ang programa na dinaluhan ng mga Seaweed Experts mula sa MOST, MAFAR, MTIT, MSU-TCTO, MMHCB, Malassa Tengol-Tengol Seaweed Association, Tandubas Seaweed Farmer Representative, at South Ubian Seaweed Farmer Representative. Kasama rin sa aktibidad ang mga participants mula sa MBHTE-TESD ng iba't-ibang probinsiya ng BARMM.
Ang programa ay pinangungunahan ni MBHTE-TESD Tawi-Tawi, Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin.
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐๐ฌ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ , ๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ
Culmination Ceremony at Releasing of Training Support Fund ay matagumpay na isinagawa sa Butig, Lanao del Sur ngayong araw, ika-18 ng Hulyo 2024. Ang mga trainees na nagsanay sa Dressmaking NC II (25), Cookery NC II (25), at Computer System Servicing NC II (30) ang nagtapos at tumanggap ng kanilang allowance sa Camp Bushra, Aleem Abdulazis Mimbantas, Satellite Office, Sandab, Butig, Lanao del Sur.
Ang programang ito ay bahagi ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET-Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro 2024 at isinagawa sa kolaborasyon ng TESD Lanao del Sur Provincial Office at ng Community and Family Services International (CFSI).
Lubos ang pasasalamat ng mga nagtapos sa oportunidad na makapag-aral ng libre at makakuha ng mga kaalaman na magagamit para sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay.
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ ๐๐ข๐ ๐ก - ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ ๐๐ข๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐
๐๐ซ๐ฆ ๐๐๐๐ก๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐๐๐ซ ๐๐ข๐๐ ๐๐ฑ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ, ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ
Dalawang puโt lima (25) na TESD iskolars mula sa Sitio Pidsimbulan Guinibon, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao Del Sur, BARMM ang kasalukuyang sinasanay sa Production Of High - Quality In**ed Rice and Seed Certification and Farm Mechanization. Ito ay nasa ilalim ng programang Rice Extension Services Program sa paaralan na Al-Mani Farmers MPC - Farm School. Sila ay nagsimula noong June 10, 2024 at inaasahang magtatapos sa September 12 ng taong kasalukuyan.
๐๐๐๐๐๐: ๐๐ข๐ฌ๐ญ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฌ (๐๐๐ฌ) ๐๐ง ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐ฌ ๐๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐
Matapos magsanay sa mga skills training, narito ang opisyal na listahan ng mga TESD accredited ACs na maaaring puntahan ng mga iskolars upang makapagpa - ases sa mga tinapos na kwalipikasyon.
๐๐๐๐: ๐๐๐๐ข๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ญ ๐๐ ๐๐๐๐ก๐ง๐ข๐๐๐ฅ ๐๐จ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ง๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ญ๐๐ฌ (๐๐๐๐ฌ) ๐ข๐ง ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐ฌ ๐๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐
Upang masiguro na TESD accredited ang paaralang inyong pinapasukan upang matuto ng mga skills training, narito ang opisyal na listahan ng mga TVIs sa loob ng probinsya ng Maguindanao.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Para sa mga nais magpa - renew ng kanilang mga NC II certificates, dalhin lamang ang mga sumusunod na requirements sa pinakamalapit na provincial office malapit sa inyo.
๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ: ๐๐๐๐ ๐๐ง ๐๐ซ๐๐ง๐ฌ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ฏ๐๐ฌ โจ
Ating tunghayan kung papaano nabago ng skills training ang buhay ng isang M**F decommissioned combatant mula sa Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao Del Norte, BARMM na ngayon ay isa nang Carpentry NC II holder. Ito ay sa ilalim ng programang Bangsamoro Scholarship Program for TVET.
๐๐๐๐๐: ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐๐ (๐๐๐๐๐๐๐) ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง
Matagumpay na isinagawa ng TESD-Basilan Provincial Office ang Training Induction Program (TIP) sa dalawang magkahiwalay na institusyon sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) sa probinsya ng Basilan. Ang nasabing programa ay naganap noong ika-2 at ika-3 ng Hulyo 2024.
Limampung (50) trainees, kabilang ang mga ulila, ang sasailalim sa pagsasanay sa kursong Shielded Metal Arc Welding NC-II sa Maโhad Mukhtar Liddirasatil Islamiyyati Inc., at Bread and Pastry Production NC-II sa Badja Institute of Islamic Teaching Inc., sa ilalim ng Special Program ni MP Mosber E. Alauddin.
Ito ay naging matagumpay sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman, na kinatawan ni Supervising TESD Specialist Yasher R. Hayudini, at Scholarship Focal Muhmin J. Edrosolo.
๐๐๐๐๐: ๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐
Ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center sa pangunguna ni Administrator Insanoray A. Macapaar ay matagumpay na nagsagawa ng Training Induction Program. Ang nasabing trainees ay magasasanay sa Trainer's Methodology Level 1 na may kabuuang dalawampu't lima.
Ang mga magsasanay ay isinailalim sa TIP ni PCMDC Scholarship Focal Sittie Janisah Batugan, kung saan nakatuon ang orientation sa programa ng pagsasanay, sa mga benepisyo nito, at sa kanilang mga responsibilidad bilang isang benepisyaryo. Layunin ng TIP na ito na ipaalam sa mga iskolar ang kahalagahan ng programa sa pagsasanay sa pagbibigay ng mga oportunidad at kasanayang mahalaga para sa trabaho.
Ang naturang TIP ay isinagawa noong Hulyo 8, 2024, sa tanggapan mismo ng PCMDC.
REPOST:
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐จ๐จ๐ ๐ง๐๐ฐ๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฆ๐๐ ๐๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐
๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ญ๐ ๐๐๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ฌ.
Ang Regional Manpower Development Center ay nag-aalok ng mga sesyon ng pag-aaral para sa kwalipikasyong Facilitate eLearning Sessions, Ito ay bahagi ng BSPTVET Scholarship Program.
I-click ang link na ito upang magparehistro:
https://forms.gle/hJS6YAipeNxxeNN96
Paalaala: Ang hindi kumpletong detalye at dokumento ay hindi tatanggapin.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐จ๐จ๐ ๐ง๐๐ฐ๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฆ๐๐ ๐๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐
๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ญ๐ ๐๐๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ฌ.
Ang Regional Manpower Development Center ay nag-aalok ng mga sesyon ng pag-aaral para sa kwalipikasyong Facilitate eLearning Sessions, para sa Batch 1 mula Hunyo 3 - 7, 2024, at Batch 2 mula Hunyo 10 - 14, 2024. Ito ay bahagi ng BSPTVET Scholarship Program.
I-click ang link na ito upang magparehistro:
https://forms.gle/hJS6YAipeNxxeNN96
Paalaala: Ang hindi kumpletong detalye at dokumento ay hindi tatanggapin.
๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฌ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐) ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Ang workshop na ito ay sinuportahan ng Australian Aid, Philippine Business for Social Progress (PBSP), Bambuhay, at MBHTE-TESD BARMM. Ang mga kalahok ay mula sa Camp Omar, Camp Abubacar, Camp Bader, Camp Rajamuda, Sulu, Lanao del Sur, at ilang mga trainers ng MBHTE-TESD. Pinangunahan ito ng facilitator na sina Mr. Mark Sultan Gersava at Ms. Maria Tiburcio ang mga founder ng Bambuhay at si Ms. Myrna Discipulo na binansagang "Queen of Bamboos" na galing pa sa Bukidnon, at dumalo din bilang guest speaker ang Former Secretary of Agriculture of Philippines na si Emmanuel "Manny" Fantin Piรฑol.
Layunin ng workshop na ito na palakasin ang kakayahan sa produksyon ng kawayan, paunlarin ang entrepreneurship skills ng mga kalahok, magbigay ng kaalaman tungkol sa sustainable at green practices sa produksyon ng kawayan, at isulong ang social progress sa pamamagitan ng paggamit ng mga likas na yaman.
Ang mga benepisyo ng training na ito ay kinabibilangan ng pagpapahusay ng teknikal na kasanayan ng mga trainers at personnel, pagkakaroon ng pagkakataon para sa networking at pagpapalitan ng kaalaman, mas malalim na pang-unawa sa sustainable development, at pagpapatibay ng kapasidad para sa pagpapalago ng kabuhayan gamit ang kawayan.
Ang MBHTE-TESD BARMM ay patuloy na magtutulungan para sa mas maliwanag at mas luntian na kinabukasan.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฌ ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐, ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐จ๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ฉ๐๐ข๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง.
Isang serye ng groundbreaking ceremonies ang isinagawa mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 3, 2024 para sa anim (6) na Community Learning Centers (CLCs) sa anim (6) na M**F Camps, kabilang ang Rajamuda, Omar, Badre, Bilal, Bushra, at Abubakar. Ang mga seremonyang ito ay inorganisa ng Community and Family Services International (CFSI) sa ilalim ng Communities for Learning and Employment Project (CLEP), kasama ang Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA) at Joint Task Force for Camp Transformation (JTFCT) pati na rin ang CLEP Technical Working Group (TWG) na binubuo ng mga sumusunod na BARMM Ministries:
โข Ministry of Basic, Higher, and Technical Education - Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD)
โข Ministry of Labor and Employment (MOLE)
โข Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR)
โข Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE)
Layunin ng pagtatayo ng mga CLC na ito na magbukas ng mga oportunidad para sa trabaho at kabuhayan sa nasabing mga kampo ng M**F at sa mga karatig na komunidad kung saan limitado ang access sa mga learning centers. Sa layuning maghatid ng holistic at magkakaugnay na serbisyo ng gobyerno, lalo na sa edukasyon at kabuhayan, ang Communities for Learning and Employment Project (CLEP) ay nagsusumikap na dalhin ang mga programa at serbisyo ng mga miyembrong ministeryo ng TWG sa mga kampo ng M**F.
Nagbigay ng overview ng mga layunin at adhikain ng proyekto si CLEP Project Coordinator Alizain Tahir, na nagsabing, โAng pagtatayo ng mga CLC ay magbibigay-daan sa mga benepisyaryo na magkaroon ng madaling access sa mga technical training nang hindi na kailangang pumunta sa mga training centers para makuha ang mga training programs.โ Dagdag pa niya, โIto ay magsisilbing simula para sa ating dalawang layunin bilang bahagi ng camp transformation tulad ng pagbuo ng mga training programs para sa kabuhayan at pagbuo ng mga training programs para sa trabaho.โ
Nagbigay din ng kanilang mga mensahe ng suporta ang bawat kinatawan ng mga TWG Members. โIto ay isang mahalagang hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran,โ ani BPDA representative Datu Jahramin O. Sinsuat.
Ipinangako naman ng kinatawan ng MOLE, Morena D. Karon na palakasin ang career employment at magbigay ng mas maraming Job Fair activities, habang ang MBHTE-TESD ay nangakong patatagin ang pagbibigay at ng mga skills training upang mapanatili ang mga kasanayang natutunan ng mga benepisyaryo.
Nangako rin ang MAFAR na susuportahan ang mga programa sa kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga binhi, pataba, at makinarya na magagamit ng mga benepisyaryo sa kanilang mga natutunang kasanayan.
At nagsabi din ang MENRE na susuportahan nila ang CLEP sa pamamagitan ng ecological safeguards at solid waste trainings sa mga kampo ng M**F at mga komunidad.
๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ง๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ ๐ง๐๐ ๐ค๐๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ข๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ญ๐ซ๐ฒ ๐๐๐ญ๐๐ฅ๐ฅ๐ข๐จ๐ง.
Ang Training Induction Program ay ginanap sa Shariff Aguak, Maguindanao Del Sur, kung saan ang mga benepisyaryo ay mga miyembro ng 99 Infantry Battalion para sa kwalipikasyong Driving NC II sa ilalim ng BSPTVET FREETVET Scholarship Program.
Ang pagsasanay na Driving NC II ay makakatulong sa kanila upang mapalawak ang kanilang mga kasanayan sa pagmamaneho, magbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho, at mag-ambag sa pangkalahatang pag-unlad ng kanilang komunidad.
๐๐๐๐๐: ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ
Ang TESD Lanao del Sur Provincial Office ay nagsagawa ng Training Induction Program sa ilalim ng Special Training for Employment Program 2023 (STEP) sa iba't ibang lugar ng Lanao del Sur. Ang mga sumusunod ay bahagi ng programang ito:
1. Hunyo 27, 2024 - Esab Training and Assessment Center Inc. para sa Electrical Installation and Maintenance NC-II.
2. Hunyo 27, 2024 - Sunlight Training and Assessment Center Inc. para sa Electrical Installation and Maintenance NC-II.
3. Hunyo 28, 2024 - School Sibling Training and Assessment Center Inc. para sa Plant Crops leading to Agricultural Crops NC-II.
Ang programa ay sa pakikipagtulungan ng TESD Lanao del Sur Provincial Office at ng opisina ni 2nd District Congressman Yasser A. Balindong, na naglalayong magbigay ng libreng training, libreng assessment, Training Support Fund (TSF), at toolkits na kanilang mapapakinabangan para sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay.
๐๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐๐ฒ๐๐ง: ๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐๐ฌ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐๐) ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐ฌ' ๐๐๐ญ๐ก๐จ๐๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ-๐ (๐๐-๐)
Ika-4 ng Hulyo taong 2024, dalawampung (20) trainees ang dumalo sa isinagawang Training Induction Program para sa Trainers' Methodology Level-1 sa probinsya ng Tawi-Tawi Provincial Training Center.
Layunin ng programang magbigay gabay sa mga trainees tungkol sa Trainers Methodology level-1 at mga benepisyo nito. Ang training ay gaganapin sa MPW Motorpool, Tubigboh, Bongao, Tawi-Tawi.
Nagbigay ng mensahe si Information officer Rona Mae S. Ponteres upang buksan ang programa. Ipinaliwanag naman ni Vocational Instructor Supervisor at Trainer, Munabirul P. Aburasad Jr., ang implementation guidelines ng Trainers' Methodology.
Sa nasabing induction program, nagkaroon din ng open forum kung saan ang mga trainees ay nagbahagi ng kanilang saloobin at nagtanong tungkol sa programa.
๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Nagsagawa ng Training Induction Program (TIP) ang TESD-Basilan Provincial Office para sa isang daan at limampung (150) trainees, kabilang na ang mga ulila sa probinsya ng Basilan. Ang TIP ay isinagawa sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) sa dalawang magkahiwalay na institusyon sa probinsya ng Basilan noong ika-6, ika-10, at ika-12 ng Hunyo taong 2024.
Ang mga detalye ng mga trainings ay ang mga sumusunod:
D. Flores St., Lamitan City, Basilan Province: Shielded Metal Arc Welding NC-II.
Brgy. Limo-ok, Lamitan City, Basilan Province: Cookery NC-II, Driving NC-II, at Food and Beverage Services NC-II.
D. Flores St., Lamitan City, Basilan Province: Dressmaking NC-II.
Ang TIP ay pinangunahan ni Provincial Director Muida S. Hataman, kinatawan ni Officer-in-Charge Enteng A. Ahmad, at Scholarship Focal Muhmin J. Edrosolo.
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐๐ฌ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐
๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ
Isinagawa ang Culmination Ceremony at Releasing of Training Support Fund allowance para sa mga trainees na nagsanay ng Carpentry NC II (25 slots) at Plumbing NC II (25 slots) sa Masiu, Lanao del Sur.
Ang nasabing programa ay sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET-Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro 2024, kung saan sila ay nagkaroon ng libreng pagsasanay.
Ang mga programang tulad nito ay mahalaga para sa pagpapalakas ng mga kasanayan at kabuhayan ng mga mamayan sa rehiyon.
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ค๐๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ, ๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ข๐ง๐ฌ๐ฒ๐
Kasama ang Technical Education and Skills Development ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education na nagdiwang ng 65th Araw ng Lanao del Sur. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kasanayan, karunungan, at kagalingan sa lahat ng sektor sa pamamagitan ng mga programang teknikal at bokasyonal para sa lahat, ninanais ng opisina maging katuwang sa pag-unlad ng probinsya ng Lanao del Sur.
Samahan sila sa paglalakbay tungo sa pagbibigay ng mas maliwanag na kinabukasan at mas maraming oportunidad. Panoorin ang kanilang inspirasyonal na bidyo!
๐ ๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐๐ | Nagdaos ng sunod-sunod na Training Induction Programs (TIPs) ang MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center sa iba't ibang lugar sa Lanao del Sur noong nakaraang linggo.
Nais nitong programa na bigyan ng pagkakataon ang mga residente na matutunan ang iba't ibang kasanayan tulad ng Bread and Pastry Production, Tile Setting, at Dressmaking.
Sa Ditsaan Ramain pa lang, 175 katao na ang nag-enroll para ma-enhance ang kanilang skills! โ
Hindi lang ito para sa ikabubuti ng mga indibidwal, kundi magagamit rin ang mga gawang tile ng mga trainees sa mga lokal na mosque at madrasah.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the organization
Telephone
Address
Barangay Rebuken, Municipality Of Sultan Kudarat
Cotabato City
9605
Opening Hours
Monday | 8am - 4:30pm |
Tuesday | 8am - 4:30pm |
Wednesday | 8am - 4:30pm |
Thursday | 8am - 4:30pm |
Friday | 8am - 5pm |
Gov. Gutierrez Avenue
Cotabato City, 9600
RxBox1000 Ministry of Science and Technology Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
Datu Udtog Matalam Street , Rosary Heights 10
Cotabato City, 9600
RH 7 Cotabato City Government Compound
Cotabato City, 9600
Providing excellent ICT support for the betterment of BTA and in service of the Bangsamoro People.
Malamote, Midsayap
Cotabato City, 9410
An improving Junior High School of Midsayap
Cotabato City
๏ฟฝShIt PoStEr๏ฟฝ 01:43 โโโโโโโโโ 03:53 โใ คโ โโใ คโท โป
Bangsamoro Government Center, Rosary Heights 7
Cotabato City, 9600
The Official page of the Provincial Environment, Natural Resources and Energy Office - Maguindanao
Brgy. Diocolano-Tam. 5
Cotabato City, 9600
"Unity is strength, division is a weakness"
People's Palace, Malagapas Street RH10
Cotabato City, 9600