Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Nearby public figures
Don Placido Campos Avenue
Blk 5 Lt 6 Arizona Street Washington Place Dasmariñas
Placido Campos Avenue
Zone 7 Bautista Proper
4114
Ed Bautista Street Zone, Dasmarines
Zone4
You may also like
Poetry Writer
Please Like and Follow for more updates! thank you and God Bless Ig : mariekristine2908
YTC: Marie Kristine Raposon
Happy 10k Followers ka MK! 🥰
Hopefully makaabot sa ganito mga ka MK 🥰 try ko asikasuhin, oras nalang ang kulang talaga.... honestly gustong-gusto ko na din kayong makita mga supporter ng piece ko. Tapos collabs sa writing 🥰❤️
Want ko din sana tumulong kung palarin mang kayanin ko makapag ipon ng budget, like sumuporta sa charity or gumawa tayo ng sarili natin. Basta ang main focus ay *helping* hindi naman masama mangarap hehe. Pero matagal ko na rin tong pangarap simula bata palang up until now walang nabago. Well, pag isipan ko muna maigi bago ko sa inyo sabihin. Ang hirap kasi pag solo lng.. ☺️skl..
Nawa matupad 🥹😇🙏
Btw, Salamat sa patuloy na pag suporta mga ka MK!
Mag iingat kayo palagi and God bless.
"Piliin mong maging Makatao"
Sa bawat kilos na tila sunod-sunuran,
Mga P**i at Bingi na nag sisipag luhuran,
Ngunit sarado ang kamalayan,
Tila isang alila na may busal ang bibig,
Sakit na hindi malunasan ang pandinig,
Katiwasayan para sa mga api ay hindi makamit,
Hustiyang hindi makatao,
Palagi nalamang mahihirap ang nadedehado,
Madalas nalamang basag ulo,
Para sa karapatang hindi makatao,
Pinapanigan ang mga taong mayroong perang libo-libo,
Kaya't laganap ang mga abusado,
Dahil sa sakit ng bayang ito,
Na hindi malunasan ng kahit na sino,
Ngunit paano nga ba tayo matututo?
Kung palagi nalamang tayo nag papaka bingi,
Paano natin makakamit ang hustisya ng mga api,
Kung palagi nalamang tayo nag papakabulag sa ating mga nakikita sa ating paligid,
Hanggang kelan ang pag durusa?
Ng mga tinig na humuhiyaw para sa hustisya?
Na palagi nalamang tayo inaalila,
Ng mga nakatataas na nag latag ng polisiya,
Sana'y magising ang ating mga diwa,
Huwag na muling mag bingibingihan, mag bulagbulagan at mag pa alila,
Lalo na't kung alam mo kung ano ang Mali at Tama,
Manindigan ka para sa iyong kapwa,
Pairalin ang pagiging makatao at piliin kung ano ang tama,
Mag layag tayo sa katotohanan at bihagin ang pag babago, piliin mo palagi ang maging makatao.
✍️Isinulat ni Bb. Kristine."Mk"
Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Marie Kristine Raposon
For more requsted poetry please Dm on may fb account..
https://www.facebook.com/mariekristine.mk
I'm also open for commission and collaboration 😊✍️
Yt channel: Marie Kristine Raposon
https://youtube.com/channel/UC1rJqVhIAWdRwwS67uHtXTg
IG: mariekristine2908
https://www.instagram.com/invites/contact/?i=j0e1xquk8ni7&utm_content=392sry4
Don't forget to like and follow our fb page for more updates! 🥰
"Grandescunt aucta labore"
From part time Sped teacher, English Teacher (more on foreigner student ), Writer (poetry, short novel, Brochure Editor, Research paper, drawing (&Fb page). Pre-order din ng Food sa aming small business sa Lovie's finest. Doctor secretary/assistant and clinical staff. And currently AID as staff.
Hindi kasi dapat iasa lahat sa magulang, hindi naman sa lahat ng oras may budget para sa mga project and other expenses sa school. Hindi kasi saken sapat yung salitang "KAYA NAMAN NILA AKONG PAG ARALIN" darating din minsan sa point na wala talagang pera. Syempre danas na danas ko yan simula bata pa, kaya nga yung mga bagay na kaya kong gawin ginagawa ko. Syempre gusto ko din kasi matupad pangarap ko kulang nga ata 1M dun. Kaya choice ko yun na gawing trabaho yung mga bagay na kaya ko kaya ayun, studyante sa umaga, working sa gabi hanggang madaling araw minsan, inaabot pa minsan ng umaga, then minsan papasok ng 2hours lang ang tulog. Ayoko mag focus sa mga weaknesses ko, kasi ako din ang talo. Lalo na kung ifofocus ko yung sarili ko sa mga bagay na wala ako. Syempre ang focus ko lang ay doon sa mga bagay na meron ako blessings yun e. Pero yung part time ko ay depende sa availability ko. Syempre priority parin si family, lalo na sila mama, papa at lolo saka mga kapatid ko. Syempre hindi pwede mawala ang pahinga ko every sunday yun lang ang relaxation moment ko with God para makapag serve. Syempre laba laba din pag may time. To those people behind my success thank you so much po Ma, Pa, saking mga kapatid na tinutulungan ako pag walang wala talaga ako, sa aking mga ka co-server, teacher at sa aking mga kaibigan sa moral support. Sa lahat ng nag tiwala at sa lahat ng taong isinasama ako sa bawat dasal nila. With all the love, support and respect. Thank you po... ❤️
Reminder to all readers and followers;
Wag ka maniwala sa salitang "HANGGANG DYAN KA LANG, WALA KANG MARARATING" "HINDI MO YAN KAYA"
its a big "NO" wag ka maniwala sa mga sabi-sabi na walang patunay, may sarili kang buhay kaya, kaya mong gawin lahat ng mga bagay na kaya mo para maging successful. Wag ka makuntento na hanggang dyan ka lang, "NA HINDI MO KAYA AT WALA KANG MAGAGAWA" mangarap ka rin kahit papaano, Kaya mo yan!! wag ka maniwala sa mga sabi sabi lng ng kung sino-sino.
"HILAHAN DAPAT PAITAAS, WAG HILAHAN PAIBABA" Please, kindly support the people around you...
Ako nga po pala ang inyong BINIBINING MAKATANG KABITENYA,
RAPOSON, MARIE KRISTINE B.
Bachelor of Science in Psychology
2019-4****
Class 2022-2023
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Sept 1, 2023
"With hard work, all things increase and grow."
Deo Gracias! Next step Rpm Cutieeee 🥺🙏 saka na yung other step..... 👩⚕️saka na yung pinaka mahabang message pag accomplished ko na lahat ng goal ko. 🥰
Salamat po sa lahat ng taga suporta, God bless po! 😳❤️
Huwag basta-basta maniwala sa matamis na salita,
Tingnan muna kung ito ba ay naaayon sa salita at gawa.
Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Wala kasi sila sa sitwasyon natin,
Kaya hindi nila alam yung pagod at sakripisyo na ginawa natin sa mga oras na yun,
Wala rin naman tayong magagawa,
Kundi hintayin nalamang yung tamang panahon para sa kanila,
May diyos namang nakakakita sa kung anong ginagawa nila sa kapwa nila,
Tiyak na lahat ng yun ay babalik at babalik sa kanila,
Kaya't pag alam mong may pangarap, wag mong hilahin pababa,
Bagkus tulungan mo na mas mapabuti at maabot pa ang pangarap nya.
🤗😇
✍️ Kristine."Mk"
Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
.
Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo,
Lalo na sa taong hindi naman ikaw ang gusto,
Masasaktan ka lang kahit hindi mo ito ginusto,
Piliin mo rin ang sarili mo,
Dahil deserve mong mahalin ng totoo,
Kahit na minsan hindi ka buo at perpekto,
Darating din ang taong mag mamahal sayo,
Yung taong mamahalin ka ng tapat at totoo,
Sa kabila ng hindi mo pagiging perpekto.
✍️Bb. Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Kindly follow our page for more updates! ❤️
Masarap sa p**iramdam na mahalin,
Lalo na't kung sa habang buhay, ikaw ang syang papangarapin
Dahil sa totoo lang, kapag mahal mo ang isang tao hindi yan komplekado mahalin
Nasa tao yan kung paano ka nya p**isamahan at pangarapin,
Dahil tulad nga ng buwan na kahit na nasa malayuan,
Papangarapin mo parin syang pag masdan,
Kahit na dumating pa ang mga problema kung minsan,
Hindi mo yan babalaking iwan at saktan,
Dahil kung wala na yung dating kilig, maari parin naman yang maibalik
Kung interesado at ganado ka na sya'y ibigin.
✍️Isinulat ni Bb. Kristine."Mk"
Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Marie Kristine Raposon
For more requsted poetry please Dm on may fb account..
https://www.facebook.com/mariekristine.mk
I'm also open for commission and collaboration 😊✍️
Yt channel: Marie Kristine Raposon
https://youtube.com/channel/UC1rJqVhIAWdRwwS67uHtXTg
IG: mariekristine2908
https://www.instagram.com/invites/contact/?i=j0e1xquk8ni7&utm_content=392sry4
Don't forget to like and follow our fb page for more updates! 🥰
"HINDI PA TAYO NAKAKALAYA"
Sa mga panahong nakalipas na,
Ang tanong, tayo nga ba'y nakalaya na?
Walang nakakaalam kung tayo nga ba ay malaya na,
Dahil nag papakabulag tayo sa ating mga nakikita,
Tanging nakakaalam lamang ay ang mga taong makabansa,
Mga taong hindi bulag sa natutunghayan at nakikita,
Mga taong mapanaliksik at mahilig mag obserba,
Mga taong kayang pag tagpi tagpiin ang mga nangyayari sa ating bansa,
Hindi pa tayo nakakalaya,
Nakakulong pa tayo sa sistema ng ibang bansa,
Iba't-ibang wika nila ang ating isinasawika,
Bibig nating puro nalang OPPA,
Pero ang tanong may alam nga ba sa Historya ng ating sariling bansa?
O baka naman, puro nalang tayo pag aaral patungkol sa wikang ng mga dayuhan,
Huwag tayong mag paka mang-mang sa sarili nating pinag mulan,
Huwag mag papadala sa mabubulaklak na salita at pag papa cute ng mga dayuhan,
Kaya't hanggang ngayon ay hindi parin tayo malaya,
Dahil sa pag papasakop natin sa mga lenguwahe at produkto ng iba't-ibang mga bansa.
Kaya't ang pag sakop nila'y huwag ng hintayin pa,
Sa katotohana'y imulat natin ang ating mga mata,
Huwag nang mag bulag-bulagan at mag bingibingihan pa,
Dahil hindi pa huli ang lahat para bumawi at tupdin ang tungkulin natin sa ating minamahal na bansa.
Nang sagayon ay ating makamit ang ating matamis na paglaya....
✍️ Bb. Kristine."Mk"
Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Bakit kailangan mo pang sumuko,
Kung una palang ay may nag iisang nag titiwala sayo na makakaya mo.
✍️ Kristine."Mk"
Huwag mong paasahin at pag laruan,
Kung sa huli'y hindi mo kayang panindigan.
✍️ Kristine."Mk"
Kamusta ka naman?
Piliin mo paring maging mabuting tao,
Sa kabila ng pagiging abusado ng mga taong nakapaligid sayo.
✍️ Kristine."Mk"
...
"Salamat Ma"
Sa lahat ng sakripisyo na iyong ginawa,
Sa pag-aalaga sa aming magkakapatid simula nung kami ay bata pa,
Sa iyong pag ibig na hindi natumbasan ng iba,
Salamat Ma,
Ang dami mong tiniis para mapalaki kami ng tama,
Puyat at pagod ay hindi sayo alintana,
Ni hindi mo kami pinabayaan hanggang sa aming pag tanda,
Kaya't panahon na para kami naman ang sa iyo'y mag bibigay pag papahalaga,
Mamahalin at Iingatan ka hanggang sa iyong pag tanda,
Humina man ang iyong buto O kumulubot man ang iyong balat, mananatili ka sa ilalim ng aming pag aaruga
Tulad ng kung paano mo kami inalagaan ng tama,
Makalimot ka man sa bawat detalye, narito kami para sa iyo upang ipaalala
Tulad ng paulit-ulit mong pag tuturo saamin para mas matuto pa,
Ikaw ang unang g**o at aming tagahanga,
Na itinatayo kami sa aming pagkadapa,
Kaya't panahon na para kami naman ang sa iyo'y kumalinga.
Palagi mong tatandaan sana,
Na mahal na mahal ka namin Ma,
Kaya't taos puso kaming nag papasalamat sa ating Diyos Ama,
Na Biniyayaan kami nang isang Inang makalinga.
✍️Isinulat ni Bb. Kristine."Mk"
Happy Mother's Day po Ma 🥰😘 Salamat sa lahat ng pag suporta lalo na sa pag seserve namin sa simbahan na dating pangarap mo lang... I love you so much Ma, mahal na mahal ka ng siyam mong anak ❤️
And also sa lahat ng mga Mommy, Inay, Mama or kahit na ano pa ang tawag po sa inyo... Happy Mother's Day po, Mag iingat po kayong lahat mga Mommy, Ingatan nyo rin po ang sarili nyo and God bless po sa inyong lahat! 😇❤️
Para sa mga taong may pinag dadaang mabigat na problema sa araw-araw. Tiwala lang makakaya mo at malalampasan mo ang lahat ng yan! 😊🫶 Ingatan mo sana ang sarili mo palagi. dahil kung hindi ka man pinapahalagahan ng mga taong nasa paligid mo, gusto kong sabihin sayo na para sa kanya 😇☝️ mahalaga ka. Nandyan lang sya para p**inggan ka sa bawat dasal mo, at andyan sya palagi para damayan kang buhatin ang mabigat na bagahe na iyong daladala. Kaya ngiti ka na ha, masayang mabuhay na may tiwala sa kanya at sa kakayahang meron ka. 😊
Ang sarap mong titigan,
Kahit na ikaw pa ay nasa malayuan,
Walang sawang pag mamasdan kita kahit hindi pa kalinawan,
Puso ko'y iyong inangkin,
Habang napapaibig sayo ng palihim,
Tulad ng isang bitwin,
Tinitingala ka kahit na malabo man ang aking paningin,
Dahil sa liwanag mong nakakahumaling,
Kaya't hindi ko maitatangi na ako'y mapahiling,
Na sana'y masilayan kita dahil ito ang ibig ng aking damdamin,
Kahit na distansya man ang layo ay ayos lang sa akin,
At Kahit na hindi ka man mapasaakin ay ayos lang din,
Mapag masdan lamang kita ay sapat na sa akin.
✍️ Kristine."Mk"
Tulad nga ng bulaklak sa hardin na hindi napapansin,
Dahil hindi ganoon kagandahan sa iyong paningin,
Darating ang araw na mamumukadkad rin ang angkin nitong galing,
Dahil mayroong iisang mithiin na nais kamtin,
Pangarap na kahit gaano pa katagal, pag susumikapan namang abutin.
✍️ Kristine."Mk"
Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Poetry Writer
Please Like and Follow for more updates!
thank you and God Bless
"Ang Muling Pagkabuhay"
Sugat ay kanyang tiniis,
Mula sa pag hihirap at pasakit,
Matubos lamang tayo sa ating pagkakasala,
Sarili ay inialay, syang tunay na dakila,
Tunay na tayo ay mapalad,
Dahil sa isang hari na walang katulad,
Haring walang bahid ng kasalanan,
Ang syang tumubos sa sanlibutan.
Mga dalangin natin ay dininig,
Kaya't sa bulong ng tukso ay huwag padadaig,
Sa mga salita nya, tayo ay makinig
Mabuting balita nya'y iyong ipabatid.
Sa pananampalataya'y ika'y kumapit ng mahigpit,
Nang hindi ka makabitaw sa iyong pananalig,
At Kapwa mo'y, ayain mo sa matuwid na landasin
Patungo kay Hesus na tagapagligtas natin.
Christus surréxit! 😇🙏
✍️Isinulat ni Bb. Kristine."Mk"
For more requsted poetry please Dm on may fb account..
https://www.facebook.com/mariekristine.mk
I'm also open for commission and collaboration 😊✍️
Yt channel: Marie Kristine Raposon
https://youtube.com/channel/UC1rJqVhIAWdRwwS67uHtXTg
IG: mariekristine2908
https://www.instagram.com/invites/contact/?i=j0e1xquk8ni7&utm_content=392sry4
Don't forget to like and follow our fb page for more updates! 🥰
Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Poetry Writer
Please Like and Follow for more updates!
thank you and God Bless
"Hinayaan kitang masaktan, hindi dahil sa kagustuhan ko lang"
May mga makamundong bagay na hindi mo mapag tatagumpayan,
Ika'y Mahihirapan, Mabibigo at Masasaktan,
Minsan darating pa sa punto na isisisi mo saakin ang lahat,
Na sa bawat pag luha, damang-dama mo ang bigat,
Dahil sa dikta ng iyong isipan na pinabayaan kita,
Na hindi ko dininig ang mga p**iusap mo't dasal kaya't nabigo ka,
Hindi mo lang alam na, nasasaktan din ako kapagnabibigo ka, lumuluha at nasasaktan pa,
Dahil sa mga bagay na hindi ko pinahintulutang makamtan mo ng maaga,
Ginawa ko lamang ito para mapabuti ka,
Dahil hindi lahat ng mga bagay na nakakamtan mo ng maaga ay may mabuti na maidudulot sa iyo,
Minsan ito ang nagiging dahilan para makalimutan mo ako,
Na hinding-hindi ko hahayaan, dahil ayoko na sa akin ay mapalayo ka,
Kaya't iniiwas kita sa mga bagay na alam kong mapapasama ka,
Iniiwas kita sa mga bagay na lubhang masasaktan ka,
Dahil mahal kita at ayoko na ikaw ay mapariwara,
Ayokong mapalapit ka sa pagkakasala,
Kaya't kahit na labag sa loob kong hayaan kang masaktan,
Ginawa ko ito para ikaw ay may matutunan,
Sa mga bagay-bagay na hindi pa talaga oras para sayo ibigay,
Dahil may tamang oras sa iyong inaasam na tagumpay.
Kaya nga't hinayaan kitang masaktan, hindi dahil sa kagustuhan ko lang
Hinayaan kita para saakin ay mas mapalapit ka,
Dahil minsan, ako ay nalilimutan mo na,
Dahil sa mga makamundong bagay na iyong pinagkakaabalahan.
Sana sa oras na nakamtan mo na ang mga bagay na iyong hinahanggad,
Sana'y hindi mo paring malimutan saaking tumawag,
Kahit na simpleng dasal lamang bilang pasasalamat,
Dahil ang tanging nais ko lamang ay mapalapit ka saakin sa kabila ng mapanuksong mga bagay-bagay.
✍️Isinulat ni Bb. Kristine."Mk"
Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Marie Kristine Raposon
For more requsted poetry please Dm on may fb account..
https://www.facebook.com/mariekristine.mk
I'm also open for commission and collaboration 😊✍️
Yt channel: Marie Kristine Raposon
https://youtube.com/channel/UC1rJqVhIAWdRwwS67uHtXTg
IG: mariekristine2908
https://www.instagram.com/invites/contact/?i=j0e1xquk8ni7&utm_content=392sry4
Don't forget to like and follow our fb page for more updates! 🥰
Marie Kristine B. Raposon - "Kristine.Mk"
Poetry Writer
Please Like and Follow for more updates!
thank you and God Bless
Save Lives
By
Blood Letting/Blood Donation 🩸
Kamusta?
Minsan yan yung tanong na kailangan mong itanong sa sarili mo,
Dahil minsan, nakakalimutan mo nang itanong ito
Paalala ko lang, hindi masamang mag pahinga pag alam mong pagod ka na
Ang mahalaga ay, magkaroon ka ng sapat na enerhiya
Para muli kang humarap sa mga problema,
Dahil hindi mo naman talaga kelangan mag tago pa at sabihing hindi mo kaya,
Kaya mo yan! Mag tiwala ka.
✍️ Kristine."Mk"
Marami mang tao na pinag tatawanan ka,
Dahil sa kahinaan mo at sa mga bagay na nabigo ka,
Hayaan mo lang sila,
Huwag kang papaapekto sa mga sasabihin nila,
Dahil ikaw lang ang makikinabang sa mga tagumpay na iyong mararating sa iyong buhay.
✍️ Kristine."Mk"
Walang katulad ang kagandahan mo Binibini 🤗💕
"Hindi Ka Basta Babae Lang"
Spoken Poetry presents
by-✍️ Kristine."Mk"
https://vt.tiktok.com/ZS8xmtKNb/
https://vt.tiktok.com/ZS8xmtKNb/
Huwag mong pansinin yung mga bagay na wala ka,
Ang pag tuunan mo ng pansin ay yung mga biyaya na meron ka.
✍️ Kristine."Mk"
Indeed, in making poetry too...
Top fan
Rosemarie Valdez Domo
Ginoong Hugutero
Yoko Rapis
Dren Balasa
Ralphie Steven Dolog
Aq C Maetot
Fb page, weekly engaging followers.
Janrey Basa Pelayo
Jayson Umarez Epa
IV AN
Darwin Ramos Pabillore
5 Heart/Care Reactors
Daniela Borjal
Antonio Limpin
Sha Rlyn Solibar
Lusabio Jay Ann
Christie Mae Calumpang
Para po sa mga naka mention dito, p**i message nalang po ako sa nais ninyong topic para sa inyong poetry piece. 🥰 Hindi ko po kasi maichat ang iba sa inyo, Btw, Salamat po sa inyong patuloy na pag suporta. 🫶
~Kristine."Mk" ~
To all my Dear followers, I will make a free poem for you 🥰 Basta Top fan kita at Active supporter ka sa aking fb page ❤️ p**i message nalang po ako with a screenshot na Top fan kita. 🤗
~Salamat po sa inyong patuloy na pag suporta 🫶~
Antarticraft 🥰❤️
Feel the presence of Love ❤️
Ang sarap mong titigan,
Ngiti sa iyong labi ang ninanais kong masilayan,
At hindi ako mag sasawang titigan ka, kahit na ilang taon man ang magdaan.
✍️ Kristine."Mk"
"Masarap Mabuhay Ng Walang Taong Niloloko"
Masarap mabuhay nang walang niloloko,
Masarap mabuhay lalo na't kung kuntento ka sa iisang tao,
Yung tipong kahit na may pagkukulang sya at minsa'y hindi sya buo,
Sya lang ang pinipili mong makasama hanggang dulo,
Tunay na napaka swerte mo,
Kung dumating na yung isang taong mag mamahal sayo nang totoo,
Yung handa kang ingatan, at samahan kang maging matagumpay sa buhay mo,
Dahil ang pag ibig ay hindi nag sisimula at nag tatapos sa hindi pagkakaunawaan, kilig, saya at lungkot.
Siguradong ang lahat nang yan ay mapag daraanan mo,
Kung may pag kukulang man sya'y hindi mo ito hahanapin sa ibang tao,
Dahil nga marunong kang makuntento,
Hindi batayan ang tagal nang pag sasama, Hindi batayan ang lungkot at kakulangan nang isang tao,
Para ipagpalit sya sa ibang taong nariyan sa tabi tabi mo.
✍️Isinulat ni Bb. Kristine."Mk"
For more requsted poetry please Dm on may fb account..
https://www.facebook.com/mariekristine.mk
I'm also open for commission and collaboration 😊✍️
Yt channel: Marie Kristine Raposon
https://youtube.com/channel/UC1rJqVhIAWdRwwS67uHtXTg
IG: mariekristine2908
https://www.instagram.com/invites/contact/?i=j0e1xquk8ni7&utm_content=392sry4
Don't forget to like and follow our fb page for more updates! 🥰
Paalala lamang po;
Writer po ako, tungkulin ko na bigyan ng diwa at angkop na emosyon ang bawat akda ko.
Kaya't kung naka relate kayo, Goods yun 🥰 Ibigsabihin po nun ay nailapat ko ang emosyon na nais kong iparating sa inyo. 😉😘 Peace tayo, Sa mga nag tatanong, at nag pm pa para damayan ako. Hindi po ako Broken ha 😁 sorry hindi ko po kayo ma-entertain isa-isa 🥹
Salamat sa lubos na pag suporta ninyo sa bawat piyesa ko. Labyuuu ka Mk 🫶
Marie Kristine Raposon
May tao talagang darating sa buhay natin na sasaktan lang tayo,
Mangangako at sa bandang huli ay iiwan din nila tayo,
Ipaparanas ang pansamantalang saya,
At sa huli, kapalit naman nito ay luha.
✍️ Kristine."Mk"
Para sa mga taong makakabasa nito,
Alam kong ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo,
May tiwala ako sayo na balang araw, malayo ang mararating mo.
✍️ Kristine."Mk"
Ang hirap pala mag mahal ng patago,
Kahit gaano mo pa kamahal yung isang tao,
Ang hirap sabihin ang totoo,
Dahil nakakatakot na baka siya'y lumayo,
Kaya't mas mabuti narin sig**o,
Na huwag umamin at kimkimin nalang ang pag tinging ito.
✍️ Kristine."Mk"
"Hustisya"
Tila bulok at inuuod ang ating sistema
Timbangan ng hustisya, na may kalakip na pera
Anghel ang nakakulong na walang pagkakasala
Himas ay rehas at nakakadenang mga paa
Agilang matalas ang mata, bulag sa katotohanang dala
Ano't nakalaya ang demonyong, totoong may pag kakasala?
Nangag kasiyahan sa pagkapanalo't, natalo ang hustisya
Banal na demonyong, naghasik ng kadiliman sa kanyang kapwa
Walang dalita ang nakakakuha ng hustisya
Hindi ba dapat, may patas na tingin ang hustisya?
Walang sino man ang mababa at nakakangat.
Kalayaan ang sa tuwina'y laging hinahangad
Hustisya ang ninanais isigaw na nanatiling pabulong
Walang dapat na makarinig, dahil bawal ang maraming tanong
Bawal umimik, o mag sagawa nang aksyon laban sa kanila
Wala silang alinlangan na ika'y kitilan agad ng diwa
"Poetry na nilapatan ng tayutay, na may sukat na 15-19-15-19"
🗒️✍️Isinulat ni Bb. Kristine."Mk"
Sa mga mag rerequest pa po ng mga title ng poetry, comment down or Dm me on my fb account "Marie Kristine Raposon"
And also please don't forget to follow my fb page for more updates! Thank you inadvance and God bless 💗
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the public figure
Address
BGY. SALAWAG
Dasmariñas
4114
Dasmariñas Cavite Andrea Village Salitran 4
Dasmariñas
just design what's on your mind and ve confident to what you can do,goodluck!!
Dasmariñas
Ph Philhealth Dasma for Gcash verification use only. Open for resellers!