Ferron F. Ocampo, MD.
Nearby clinics
Olongapo 2200
Olongapo City, Olongapo
Long Road, Olongapo
Olongapo Ambulatory Care Multi-Specialty Clinic, Olongapo
Olongapo City, Olongapo
Olongapo 2200
Olongapo City, Olongapo
Olongapo
Olongapo 2200
Olongapo City, Olongapo
Olongapo 2200
Olongapo City, Olongapo
Olongapo 2200
Street West Tapinac, Olongapo
Subic 2209
Fellow, Philippine Neurological Association (FPNA)
Board-certified adult neurologist
World Diabetes Day
Ang diabetes ay isang sakit na pwedeng maging sanhi ng iba’t ibang neurologic conditions. Kung ang diabetes ay hindi madiagnose at magamot, ito ay pwedeng humantong sa stroke, peripheral neuropathy, dementia, pagkabulag at paghina ng pandinig.
Alamın ang mga sintomas ng diabetes at kumonsulta sa doctor upang macheck ang blood sugar at HbA1C. Mag exercise araw araw at iwasan ang madalas na pagkain ng matatamis.
Ikaw ba ay may kamag-anak o kapamilya na may Dementia? Makinig at matuto sa Lay Forum na inihanda ng St. Luke's Institute for Neurosciences!
*****
Malugod namin kayong inaanyayahan na dumalo sa aming Lay Fora kung saan ating tatalakayin ang mga mahahalagang paksa tulad ng Stroke at Dementia. Ang programang ito ay ang papamunuan ng ating Neurologists mula sa St. Luke’s Medical Center.
Be Fast! At Pag-aralan natin kung anu-ano ang mga sintomas at senyales ng stroke!
Maalala mo kaya? Kilalanin ang mga unang senyales ng dementia at paano ito maiiwasan.
Makitakita tayo sa online via Zoom at FB live sa Oktubre 27, 2023
1:30 hanggang 4:00PM ng hapon.
Maari nyo pong puntahan ang mga sumusunod na link upang makadalo sa aming programa:
Zoom: tinyurl.com/OPD-LAYSS
FB: https://www.facebook.com/SLMCINSWeek/
Salamat po! See you there!
Magandang araw po!
Malugod namin kayong inaanyayahan na dumalo sa aming Lay Fora kung saan ating tatalakayin ang mga mahahalagang paksa tulad ng Stroke at Dementia. Ang programang ito ay ang papamunuan ng ating Neurologists mula sa St. Luke’s Medical Center.
Be Fast! At Pag-aralan natin kung anu-ano ang mga sintomas at senyales ng stroke!
Maalala mo kaya? Kilalanin ang mga unang senyales ng dementia at paano ito maiiwasan.
Makitakita tayo sa online via Zoom at FB live sa Oktubre 27, 2023
1:30 hanggang 4:00PM ng hapon.
Maari nyo pong puntahan ang mga sumusunod na link upang makadalo sa aming programa:
Zoom: tinyurl.com/OPD-LAYSS
FB: https://www.facebook.com/SLMCINSWeek/
Salamat po! See you there!
Ang Encephalitis Society ay gumawa ng mga videos na nagpapaliwanag kung ano ang Encephalitis at kung ano ang mga importanteng kaalaman tungkol sa sakit na ito.
Mapapanood ang mga videos sa link na itoi: https://www.youtube.com/watch?v=goHdcbdSxlY&list=PL6h03a0LQ8NHF4OFqCh3AFE3aDDumZQX5&utm_source=twitter&utm_medium=social&utm_campaign=encephalitis&utm_content=esgeneralposts
Please share these videos sa mga kakilala at kamag-anak na nagkaroon or nag aalaga ng nagkaroon ng Encephalitis
Ano ang Encephalitis? What is Encephalitis? - Tagalog Isang animation ng Encephalitis Society na sumasagot sa tanong, 'ano ang encephalitis?' sa loob ng 60 segundo.Mangyaring ibahagi ang pelikulang ito, at tumul...
Ang World Brain Day ay ngayong darating na Sabado, July 22, 2023.
Ang tema ngayong taon na ito ay:
Pagdating sa kaalaman sa kalusugan ng utak at ang kapansanang dulot nito, WALANG IWANAN!
Parkinson Disease Lay Forum
Ngayong buwan ng Abril ay pinagdiriwang natin ang Parkinson’s Disease (PD) Awareness Month. Inaanyanyahan ng Movement Disorder Society of the Philippines (MDSP) ang lahat sa isang Lay Forum na may pamagat na “Usapang PD: Usapang Alaga”. Ang ating mga speakers ay sina Dr. Jeryl Ritzi Yu at Dr. Alfand Marl Dy-Closas na parehong Neurologists/ Movement Disorder Specialists. Ito ay magaganap via Zoom/ Online sa darating na Martes, Abril 25, 2023 10:30AM-12:00NN.
Ang REGISTRATION ay WALANG BAYAD.
To register, you may scan the QR code or via https://tinyurl.com/UsapangPD
We hope to see you there!
Summer na! 🌞☀️
Sa init ng panahon, malaki ang risk na magkaroon ng heat stroke and heat exhaustion.
Ang heat stroke ay isang medical emergency. Alamin ang mga sintomas, emergency measures, at mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng heat stroke sa mga infographics (Source: Rappler)
Pumunta sa pinakamalapit na clinic o hospital kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ng heat stroke.
Eto yung limang katotohanan tungkol sa para imarka ang ngayong Miyerkules ng February 22.
Paki-pasa itong post sa iyong mga kaibigan at followers upang matulungan kaming mag bigay kaalaman tungkol sa nakakapinsalang kundisyon sa ulo.
https://bit.ly/3IwOuZv
February is Autoimmune Encephalitis Awareness Month!
Ano ang autoimmune encephalitis?
- Ito ay isang grupo ng non-infectious encephalitis na sanhi ng autoimmune process
- Ang mga sintomas ay pwedeng may kinalaman sa pagbabago ng ugali, seizures, or movement disorders
- Importante na madiagnose agad at masimulan ang pag gamot upang maiwasan ang long term na epekto ng kondisyon na ito
Para sa karagdagang impormasyon: https://t.co/65c1wckKwi
Ang madalas na pagkain ng ultra-processed foods gaya ng sweet and savory snacks, confectionery, breakfast cereals, ice cream, sugar-sweetened beverages, processed meats, and ready-to-eat frozen meals ay maaaring magpabilis ng cognitive decline o pagbaba ng kaisipan.
Dapat kumain ng mga natural at masustansyang pagkain tulod ng gulay, prutas at sariwang karne at Issa. Hanggang maaari ay iwasan ang pagkain ng processed foods!
Link:
Association Between Consumption of Ultraprocessed Foods and Cognitive Decline This cohort study investigates the association between ultraprocessed food consumption and cognitive decline in the Brazilian Longitudinal Study of Adult Health.
Today is World Stroke Day 🧠
Save
Know the symptoms of stroke FAST!
Face Drooping
Arm Weakness
Speech Difficulties
Time to call for help and go to the hospital
Makinig at matuto sa mga eksperto ng dementia at movement disorders Sa Lay Forum ng St. Luke’s Institute for Neurosciences
October 28, 2022: 10AM - 11AM
Mag-attend sa pamamagitan ng:
ZOOM - link http://tinyurl.com/inslayfora
FACEBOOK LIVE - pumunta sa St. Luke’s Medical Center Institute for Neurosciences FB account o i-click itong link https://www.facebook.com/SLMCINSWeek
Ilang ulit pa ba ang uulitin? Paikot-ikot na lang ba ang mga pinag-uusapan ninyo? Tuklasin bakit nagiging makakalimutin!
Iniimbitahan po namin kayo sa isang makabuluhang lay forum tungkol sa Dementia at Parkinson’s Disease ngayong Oktubre 28, 2022 10:00 am.
Maaari kayong mag-attend sa pamamagitan ng:
ZOOM - link http://tinyurl.com/inslayfora
FACEBOOK LIVE - pumunta sa St. Luke’s Medical Center Institute for Neurosciences FB account o i-click itong link https://www.facebook.com/SLMCINSWeek
Kita kita po tayo!
"Is it STROKE? Be F.A.S.T.!"
Ano gagawin mo kung may magulang o kamag anak ka na biglang nabulol, nanghihina o namamanhid? BE FAST! Halika at tuklasin po natin kung ano ang stroke at ang mga sintomas na ito, upang ito'y maagapan nang agaran. Kaya huwag na po tayo mag-atubili pa't dumalo po kayo sa virtual lay forum natin kasama ang mga eksperto sa stroke.
Ito ay magaganap sa Oktubre 28, 2022 09:00am-10:00am!
Maaari kayong mag-attend sa pamamagitan ng:
ZOOM - link http://tinyurl.com/inslayfora
FACEBOOK LIVE - pumunta sa St. Luke’s Medical Center Institute for Neurosciences FB account o i-click itong link https://www.facebook.com/SLMCINSWeek
Ang programang ito ay parte ng 30th Anniversary ng Institute for Neurosciences ng St Luke’s Medical Center. 🧠
October 5 is World Meningitis Day
Ano ang meningitis?
Ang meningitis ay isang neurological condition kung saan nagkakaroon ng inflammation o pamamaga ng mga meninges. Karamihan sa mga kaso ng meningitis ay dahil sa infectious causes gaya ng bacteria, viruses, or fungi
Ano ang mga sintomas ng meningitis?
Ang mga kadalasang sintomas ng meningitis ay:
1. Lagnat
2. Stiff neck o paninigas ng batok
3. Sakit ng ulo
4. Pag-iiba ng kamalayan or altered mental status
5. Pagsusuka
6. Seizures o kombulsiyon
7. Rashes
8. Pagiging sensitibo sa ilaw or photophobia
Ang meningitis ay isang neurological emergency. Ito ay maaring magdulot ng mga kumplikasyon kung hindi madiagnose at mabigyan ng tamang gamot. Pumunta agad sa pinakamalapit na ER o hospital para macheck ng doctor
September 21 is World Alzheimer’s Day
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng Alzheimer Disease?
1. Pangalagaan ang kalusugan ng puso
2. Mag exercise
3. Kumain ng masustansiyang pagkain
4. I-exercise ang utak sa pamamagitan ng mental activities
5. Sumali sa mga social activities kasama ang mga kapamilya at mga kaibigan
🚑 🧠
Paano natin malalaman kung dapat na bang dalhin ang isang tao sa ospital dahil sila ay nagka-stroke? Paano rin pwedeng maiwasan o maagapan ang nakamamatay na kondisyon na ito?
Makinig at matuto kay Dr. Manolo Kristoffer C. Flores sa isang libreng lay forum tungkol sa stroke ngayong Sabado, ika-3 ng hapon sa The Medical City page.
Maaaring mag-rehistro at ipadala ang inyong mga katanungan sa https://bit.ly/INSlayfora
INS Lay Forum Registration Form Good day! Kindly fill out the form and one of our representatives will contact you for more details. In compliance with Data Privacy Act of 2012, The Medical City ensures that the information you provide will be kept strictly confidential and will only be processed, disclosed or shared upon your con...
Reminder to everyone!
The first case of Monkeypox in the Philippines was detected this week.
How is monkeypox transmitted? Please see below infographic for more information
Happy World Brain Day 2022
Brain Health for All!
Ano ang Guillain Barre Syndrome (GBS)?
Ang GBS ay isang autoimmune neurological disease. Sa GBS, inaatake ng immune system ang mga peripheral nerves at sinisira ang myelin sheath na nakapalibot sa mga nerves. Lahat ay maaaring magkaroon ng GBS, bata o matanda, babae o lalaki.
Ano ano ang mga sintomas ng GBS?
1. Pamamanhid o tusok tusok
2. Panghihina ng mga paa at kamay (ascending paralysis)
3. Hirap sa paghinga at paglunok
4. Limitadong pag galaw ng mata
5. Pagtaas at pagbaba ng blood pressure
Ano ang sanhi ng GBS?
1. Infection - gastroenteritis o respiratory tract infection bago ang paglabas ng mga sintomas
2. COVID-19
Mga subtypes ng GBS
1. Acute inflammatory demyelinating polyradiculoneuropathy (AIDP)
2. Acute motor axonal neuropathy (AMAN)
3. Acute motor and sensory axonal neuropathy (AMSAN)
4. Miller Fisher syndrome (MFS)
5. Pharyngeal-cervical-brachial variant
Pumunta agad sa Emergency Room kung nakakaranas ng mga sintomas ng GBS
Image source: https://propelphysiotherapy.com/neurological-injuries/guillain-barre-syndrome-treatment/ [gallery12108]/0
Ano ano ang klase ng stroke?
May tatlong major types ng stroke: ischemic, hemorrhagic at transient ischemic attack (TIA).
Ang ischemic stroke ay nangyayari kapag nagkaroon ng bara o "blood clot" sa mga cerebral arteries. Ito ang pinaka-common na klase ng stroke at kadalasan itong nangyayari sa mga pasyente na may hypertension, diabetes, mataas na cholesterol, obese, at sa mga naninigarilyo.
Ang hemorrhagic stroke ay pagdurugo sa utak dahil sa pag-rupture or pagsabog ng cerebral arteries. Kadalasan itong nangyayari sa mga pasyente na mataas at hindi controlled ang blood pressure.
Ang transient ischemic attack (TIA) ay hindi aktwal na stroke. Sa TIA, nagkakaroon ng mga sintomas ng stroke ngunit hindi ito tumatagal ng mahigit sa 24 oras. Ang ibig sabihin nito ay nagkaroon ng pagbabara sa mga cerebral arteries ngunit ito ay agad nawala o hindi nagtagal. Kahit hindi ito stroke, ang TIA ay hindi dapat ibalewala dahil ito ay warning sign ng posibleng pagkakaroon ng ischemic stroke sa loob ng 72 hours.
Laging tandaan ang mga sintomas ng stroke (pagngiwi ng mukha, pagbulol ng salita, paghina ng kalahating parte ng katawan, pagkawala ng balanse, pagkawala ng paningin) at kumonsulta agad sa pinakamalapit na emergency room (ER) upang makita ng doctor at mabigyan ng tamang gamot.
Proud to share our recently published paper: "Multimer Detection System-Oligomerized Amyloid Beta (MDS-OAβ): A Plasma-Based Biomarker Differentiates Alzheimer’s Disease from Other Etiologies of Dementia"
Link: https://www.hindawi.com/journals/ijad/2022/9960832/
It is an honor to have contributed and worked with the leading dementia specialists in the Philippines for this paper.
Key points
1. There are different kinds of dementia
2. MDS-OAβ is a non-invasive, blood-based biomarker utilized to measure amyloid beta oligomerization tendency
3. MDS-OAβ could discriminate between Alzheimer Disease and other types of neurodegenerative disorders
4. Emerging therapies for dementia are target-specific; hence, clinicians need clinically valid and cost-effective biomarkers that can be utilized to provide accurate diagnosis of dementia etiology
Multimer Detection System-Oligomerized Amyloid Beta (MDS-OAβ): A Plasma-Based Biomarker Differentiates Alzheimer’s Disease from Other Etiologies of Dementia With emerging amyloid therapies, documentation of the patient’s amyloid status to confirm the etiology of a clinical diagnosis is warranted prior to instituting amyloid-based therapy. The Multimer Detection System-Oligomeric Amyloid-β (MDS-OAβ) is a noninvasive blo...
Ano ba ang epilepsy bilang isang kondisyon? Paano ang tamang pangangalaga at anu-ano ang mga karapatan ng mga pasyenteng may epilepsy?
Sumama ngayong Sabado (May 7, 10AM) sa lay forum ng The Medical City tungkol sa epilepsy, kasama si Dra. Maria Angelica Geronimo-Felipe bilang guest speaker.
Maaaring mag-rehistro at ipadala ang inyong mga katanungan tungol sa epilepsy sa https://bit.ly/INSlayfora
Ano ang epekto ng Parkinson Disease sa pag-iisip? Ka pareho ba ito ng Dementia? Mas mahihirapan ba sa pang araw araw na pag-iisip ang isang may Parkinson Disease?
Makinig at matuto sa lay forum na ito bukas via Zoom.
Mag register sa:
https://us02web.zoom.us/meeting/register/tZMuceigpjooH9BIaakNVQRmn1TmvxoSFh4z
Facts about autoimmune encephalitis
The Encephalitis Society
Today is World Parkinson's Day
May mga katanungan ka ba tungkol sa Parkinson Disease? Ikaw ba o ang iyong magulang/kamag-anak ay may Parkinson Disease?
Ang Movement Disorder Society of the Philippines ay magkakaroon ng lay forum para sa selebrasyon ng Parkinson Disease Month. Mag register sa: https://bit.ly/LayForum040922
Petsa: April 9, 2022 (Sabado)
Oras: 1030AM - 12NN
Isa sa pinakamadalas na kinokunsulta sa neurologist ay ang pakiramdam na namanmanhid, may tinutusok, o may nangangapal. Ang mga sintomas na ito ay posibleng dahil sa neuropathy o nerve damage.
Maraming sanhi ang neuropathy. Isa sa pinakamadalas na dahilan nito ay ang pagkakaroon ng diabetes o “diabetic neuropathy”. Ang mga iba pang sanhi ay dahil sa pagkaipit ng ugat o “entrapment neuropathy”, paginom ng mga gamot tulad ng sa TB o “medication-induced neuropathy” at madami pang iba.
Kumonsulta sa neurologist para ma-examine at malaman ang dahilan ng pagkakaroon ng neuropathy.
Image Source: https://synergyspineandnerve.com/neuropathy/
Ang myasthenia gravis (MG) ay isang “autoimmune” disorder. Makikita sa infographic na ito ang mga sintomas ng MG gaya ng:
1. Pagbagsak ng mata, lalo na kapag pagod o sa hapon
2. Hirap sa pag lunok
3. Hirap sa paghinga
4. Panghihina ng buong katawan, na mas malala kapag hapon
5. Hirap sa paglalakad
Ang MG ay maaaring magsimula bilang ocular myasthenia o mga mata lang ang apektado. Ngunit, maaari din itong maging generalized myasthenia kapag naapektuhan na ang ibang bahagi ng katawan.
Kumonsulta sa pinakamalapit na neurologist kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ng myasthenia.
Image source: https://www.askdrmakkar.com/myasthenia_gravis_homeopathic_treatment.aspx
Ngayong panahon ng summer, umaabot ang temperature ng hanggang 40C. Sa sobrang init, maaaring makaranas ng heat exhaustion at heat stroke. Ang mga sintomas ng heat exhaustion at heat stroke ay makikita sa infographic na ito.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng ganitong mga kondisyon?
1. Uminom ng 12 o higit pa na baso ng tubig sa isang araw
2. Iwasang lumabas kung matindi ang sikat ng araw (10AM - 4PM)
3. Gumamit ng payong o sumbrero pag kailangan lumabas
4. Inumin ang mga maintenance na gamot
5. Kumonsulta sa emergency room o sa doctor kung nararamdaman ang mga sintomas ng heat exhaustion o heat stroke
We are now accepting patients for teleconsultation!
Please note that teleconsultation services are available to FOLLOW UP patients only.
Ikaw ba ay nagkaroon ng COVID at gumaling na ngunit nakakaramdam pa din ng mga sintomas na nasa infographic na ito? Maaaring ikaw ay nakakaranas ng “Long COVID” or Post COVID syndrome.
Ang COVID ay madaming epekto sa iba’t ibang organ systems. Dahil sa bago pa ang sakit na ito, madami pang information ang ngayon pa lang nalalaman. Kumonsulta sa inyong doctor para sa karagdagang information at lunas para sa mga sintomas ng Long COVID.
Image Source: https://home.maefahluang.org/17865977/covid19-longcovid2
Ang pagngiwi ng mukha ay maaaring sintomas ng Bell’s palsy. Ang Bell’s palsy ay dulot ng inflammation o pamamaga ng facial nerve. Ang mga sintomas ng ganitong condition ay sa mukha lang nakikita at walang kasamang panghihina o pamamanhid ng mga braso at binti, pagkautal, pagkahilo, o pagsusuka.
Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas na katulad ng sa infographic, kumonsulta sa neurologist para mabigyan ng tamang gamot.
Image Source: https://www.thomsontcm.sg
Today, 2-2-2022, is World Encephalitis Day!
Ang encephalitis ay pamamaga o “inflammation” ng utak na maaaring sanhi ng infection (virus, bacteria) o autoimmune.
Para sa karagdagang impormasyon para sa kondisyon na ito, please visit The Encephalitis Society www.encephalitis.info
Alamin ang mga MOTOR symptoms ng Parkinson Disease (PD)
T - remors o panginginig
R - igidity o pagtigas ng mga braso, binti, leeg, at katawan
A - kinesia o pag bagal ng paggalaw
P - ostural instability o hirap ng pagbalanse
Image source: https://parkinsonsnebraska.org/understanding-parkinsons-disease/
Ang dementia ay binubuo ng mga iba’t ibang sintomas na nakaka-apekto sa memorya, pag uugali, pag iisip, at kakayahang gumanap sa pang-araw araw na gawain. Hindi lang iisang klase ang dementia. Kumonsulta sa neurologist, dementia specialist or geriatrician para sa tamang assessment at management.
Image source: Alzheimer’s Association www.alz.org
May apat na klase ng dizziness o hilo. Alamin sa infographic na ito kung anong klase ng pagkahilo ang nararamdaman at kumonsulta sa doctor upang mabigyan ng tamang gamot.
Image source: https://www.healthyhearing.com/help/tinnitus/dizziness-and-hearing-loss
Take a break for your mental health!
Image source: TedxPhiladelphia
Doc, masakit po ang ulo ko 😰
Madaming klase ang headache o sakit ng ulo. Hindi lahat ay migraine. Kumonsulta sa doctor para mabigyan ng tamang gamot.
Image source: Cornell Pain Clinic
Ano ang gagawin kung may nagseseizure? Basahin po ang infographic na ito upang malaman ang first aid for seizures
Credits: Epilepsy Foundation
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Address
Dinalupihan
2200
Layac Dinalupihan Bataan
Dinalupihan, 2110
“See The World With Your Best Vision” Performing eye exams and vision tests, prescribing and dispensing corrective glasses and contact lens. Clinic Hours: Monday to Saturday: 9a...
Golden Shower Bldg, Dinalupihan Public Market Ext. Brgy San Ramon
Dinalupihan, 2110
We are a community pharmacy striving to provide the pharmaceutical needs of everyone at very competitive prices, if not some of the lowest! We stock a wide range of generic and bra...
Bonifacio Street
Dinalupihan, 2110
Optical Shop/ Optician/ Dispensing prescription glasses, contact lenses and sunglasses.
#68 Burgos Street
Dinalupihan, 2110
BFC is a Primary Care Clinic which serves the general public, offering face to face consultation & t
Padre Dandan
Dinalupihan, 2110
Ang Spirulina ay makaka-tulong sa lahat ng klase ng problemang pangkalusugan dahil ito ay kilala sa
Tucop
Dinalupihan, 2110
Your one-stop shop for home services laboratory test needs
San Ramon
Dinalupihan, 2110
DOH-licensed tertiary category clinical laboratory.