Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs

Opisyal na organisasyon mula sa GTMNHS para sa asignaturang Filipino.

Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 12/09/2024

PARA SA PANGALAWANG PAGSUBOK!

Narito ang listahan ng mga pangalan para sa mga nais maging opisyal na miyembro ng Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs.

Narito ang mga dapat tandaan:
1. Tignang mabuti ang petsa at oras para sa nakatakdang interbyu.
2. Siguraduhing nakapananghalian na o dalang pananghalian at tubig bago ka sumalang sa interbyu.
3. Magpagawa ng kasulatan sa magulang/guardian na ikaw ay pinapayagang manatili sa paaralan para sa interbyu. Siguraduhing ito ay pirmado. HUWAG itong kalimutang dalhin sa araw ng iyong interbyu (walang dalang kasulatan, hindi sasalang sa pangalawang pagsubok).
Venue: Tanglaw area, 2nd building, 2nd floor

Sino na kaya sa kanila ang makatutungtong sa bakanteng posisyon?
Abangan ang mga susunod na post ng aming page!

12/09/2024

MABUHAY

Ikinalulugod naming ipakilala ang mga matagumpay na nakapasa bilang bagong miyembro ng Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs ng DepEd Tayo Gen. Tomas Mascardo NHS - Imus City para sa taong panuruan 2024-2025

RICIA CUYOB - 9 ASTATINE
DANIELLE JADE GAGUAN - 9 ASTATINE
RACELYN CLAIRE GALO - 10 LUNA

Pagabati mula sa mga G**o sa Filipino at bumubuo ng Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs '24 sa pagtanggap ng hamon na ito.
Pagbutihan ang serbisyong totoo at humingi ng gabay sa Panginoon!

Muli, Binabati namin kayo!

10/09/2024

Happy na birthday mo pa ๐Ÿฐ
Happy na birthday mo pa ๐Ÿฐ
Happy na birthday mo pa ๐Ÿฐ

Hap-py Birth-day

Ilang taon ka na?
Ilang taon ka na?

Maligayang kaarawan sa aming Presidente
Mula sa iyong Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs ๐Ÿ’•

10/09/2024

PAGBATI

Ikinalulugod naming ipakilala ang bubuo sa opisyales ng Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs ng DepEd Tayo Gen. Tomas Mascardo NHS - Imus City para sa taong panuruan 2024-2025

KATE EMERALD ESPERANZA - Grade 7 Representative

Pagabati mula sa mga G**o sa Filipino sa pagtanggap ng hamon na ito. Pagbutihan sa iyong posisyon at humingi ng gabay sa Panginoon!

Muli, Binabati namin ikaw!

10/09/2024

๐Ÿ’š Maligayang Buwan ng mga G**o ๐Ÿ’›

Nakiisa ang Tanglaw Filipino Klab sa inisyatibo ng Supreme Secondary Learner Government - Gen. Tomas Mascardo NHS sa pagsisimula ng Buwan ng mga G**o ngayong ika-5 ng Setyembre at magtatapos naman sa ika-5 ng Oktubre.

Naniniwala ang aming samahan na hindi lamang sa mga buwan na ito dapat sila ikarangal kundi panghabang-buhay dahil sa kanilang paggabay sa ating mga mag-aaral. Alam namin ang sakripisyo ng aming mga g**o at oras na nilalaan para sa amin upang maihanda kami sa aming hinaharap.

Kaya naman, walang hanggang pasasalamat at pagmamahal sa aming mga g**o ๐Ÿฅฐ

08/09/2024

PARA SA PANGALAWANG PAGSUBOK!

Narito ang listahan ng mga pangalan para sa mga nais maging opisyal ng Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs sa posisyong Grade 7 Representative.

Narito ang mga dapat tandaan:
1. Tignang mabuti ang petsa at oras para sa nakatakdang interbyu.
2. Siguraduhing nakapananghalian na at may dalang tubig bago ka sumalang sa interbyu.
3. Magpagawa ng kasulatan sa magulang/guardian na ikaw ay pinapayagang manatili sa paaralan para sa interbyu. Siguraduhing ito ay pirmado. HUWAG itong kalimutang dalhin sa araw ng iyong interbyu (walang dalang kasulatan, hindi sasalang sa pangalawang pagsubok).

Venue: Tanglaw area, 2nd building, 2nd floor

Sino na kaya sa kanila ang makatutungtong sa bakanteng posisyon?
Abangan ang mga susunod na post ng aming page!

07/09/2024

โš ๏ธ KAKASA KA BA? โš ๏ธ

Kakasa ka ba upang magiging bagong miyembro ng aming samahan?
Kakasa ka ba upang magbigay tanglaw sa bagong panuruan 2024-2025?
Kakasa ka ba upang magbigay saya at ligaya para sa mga Mascardians?

Kung ikaw na nga ang hinahanap namin, narito ang mga detalye:
MEMBERS (bukas para sa lahat ng Grade 7-10 students)

https://forms.office.com/Pages/ResponsePage.aspx?id=gKvjQCQgo0W_dnoHYaJNKTd9cUj9eCJLkEFc0BMlvZFURUtFTFJGTVpQTllJVEtLNjZKMU9MNEtWVi4u

MUNTING PAALALA:
1. Siguraduhing HINDI pa kasapi ng ibang organisasyon mula sa ating paaralan.
2. Basahing mabuti ang detalye ng posisyon na sasalihan.
3. May oras at dedikasyon sa samahan.
4. Walang mas mababang grado (75) sa lahat ng asignatura.

(Hanggang September 10, 2024 lamang ito)

03/09/2024

โ€ผ๏ธ IKAW NA BA ANG BUBUO NG AMING SAMAHAN? โ€ผ๏ธ

Ikaw na ba ang magiging bagong mukha ng kinatawan ng Grade 7?
Ikaw na ba ang isa sa magbibigay tanglaw sa bagong panuruan 2024-2025?
Ikaw na ba ang bagong magbibigay saya at ligaya para sa mga Mascardians?

Kung ikaw na nga ang hinahanap namin, narito ang mga detalye:
GRADE 7 REPRESENTATIVE (para sa Grade 7 students only!):

https://forms.office.com/Pages/ResponsePage.aspx?id=gKvjQCQgo0W_dnoHYaJNKTd9cUj9eCJLkEFc0BMlvZFUOFJXWjFDUzdBQ1kzVFUwOUFNRVlLUjRKNi4u

MUNTING PAALALA:
1. Siguraduhing HINDI pa kasapi ng ibang organisasyon mula sa ating paaralan.
2. Basahing mabuti ang mga detalye sa posisyon na sasalihan.
3. May oras at dedikasyon sa samahan.
4. Walang mas mababang grado (75) sa lahat ng asignatura.

(Hanggang September 6, 2024 ng 4pm lamang ito)

31/08/2024

Happy na birthday mo pa ๐Ÿฐ
Happy na birthday mo pa ๐Ÿฐ
Happy na birthday mo pa ๐Ÿฐ

Hap-py Birth-day

Ilang taon ka na?
Ilang taon ka na?

Maligayang kaarawan sa aming Tagasuri
Mula sa iyong Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs

31/08/2024

Salamat sa mga aral na hindi namin malilimutan hanggang sa aming paglaki.

Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 30/08/2024

๐Ÿ† ๐Ÿ…Ÿ๐Ÿ…๐Ÿ…–๐Ÿ…‘๐Ÿ…๐Ÿ…ฃ๐Ÿ…˜! ๐Ÿ†

Sa 16 na entri, narito ang mga natatanging antas at seksyon na nagwagi sa ๐ŸŽฅ"Movie Poster Making"๐ŸŽฅ para sa Buwan ng Wika na may temang: "Filipino, Wikang Mapagpalaya".

๐Ÿ„ฟ๐Ÿ„ธ๐Ÿ„ฝ๐Ÿ„ฐ๐Ÿ„บ๐Ÿ„ฐ๐Ÿ„ผ๐Ÿ„ฐ๐Ÿ„ถ๐Ÿ„ฐ๐Ÿ„ฝ๐Ÿ„ณ๐Ÿ„ฐ๐Ÿ„ฝ๐Ÿ„ถ ๐Ÿ„ถ๐Ÿ„ฐ๐Ÿ…†๐Ÿ„ฐ๐Ÿ„ฝ๐Ÿ„ถ ๐Ÿ„ผ๐Ÿ„พ๐Ÿ……๐Ÿ„ธ๐Ÿ„ด ๐Ÿ„ฟ๐Ÿ„พ๐Ÿ…‚๐Ÿ…ƒ๐Ÿ„ด๐Ÿ…:
Unang Karangalan: 10 AQUINO ๐Ÿฅ‡
Ikalawang Karangalan: 10 RIZAL ๐Ÿฅˆ
Ikatlong Karangalan: 10 AGUINALDO ๐Ÿฅ‰

๐Ÿ„ฟ๐Ÿ„ด๐Ÿ„พ๐Ÿ„ฟ๐Ÿ„ป๐Ÿ„ด'๐Ÿ…‚ ๐Ÿ„ฒ๐Ÿ„ท๐Ÿ„พ๐Ÿ„ธ๐Ÿ„ฒ๐Ÿ„ด ๐Ÿ„ฐ๐Ÿ…†๐Ÿ„ฐ๐Ÿ…๐Ÿ„ณ:
Unang Karangalan: 10 BONIFACIO ๐Ÿฅ‡
Ikalawang Karangalan: 10 AQUINO ๐Ÿฅˆ
Ikatlong Karangalan: 10 AGUINALDO ๐Ÿฅ‰

Maraming salamat sa lahat ng sumali at nanalo, tunay na Galing at Talinong Mascardo ang inyong ipinakita at ibinigay sa ating patimpalak. Muli nating malalaman kung anong baitang at seksyon ang magwawagi para sa buwan ng Sityembre.

๐Ÿ’š๐Ÿ’›

Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 27/08/2024

๐Ÿ“– BABAMABU ๐Ÿ“–

Nakiisa ang Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs sa pagbubukas ng BABAMABU (Bawat Batang Mascardo Bumabasa) ngayong taong panuruan 2024-2025.

Adhikain ng programa na ito na mapalakas pa ang kakayahan ng mga mag-aaral ng DepEd Tayo Gen. Tomas Mascardo NHS - Imus City sa larangan ng pagbabasa.

Kaisa ang aming Klab sa layunin ng programa na ito at makapag-abot ng tulong sa kung anuman ang maaari naming maitulong.

๐Ÿ’›๐Ÿ’š

Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 26/08/2024

Matapang ka! ๐Ÿ˜Ž
Tandaan na huwag magpapadala sa mga sinabi ng iba.
MALAKAS KA! ๐Ÿ’ช๐Ÿผ

Maligayang buwan ng kamalayan mascardians!
Handa na ba kayoโ“
Maghanda na dahil ating pahahalagahan ang kamalayan sa kahalagahan ng buhay! ๏ฎฉูจู€๏ฎฉ๏ฎฉูจู€โ™ก

Halina't makiisa sa aming proyekto!!
Mahilig ka bang gumawa ng makukulay na damit?? ๐Ÿ‘š๐Ÿ‘•
O di kaya mahilig sa quotable quote na may kinalaman sa buhay-buhay?? ๐Ÿ˜ฒ
Pagsamahin natin ito! ๐Ÿ’ฅ

Bilang pagdiriwang sa ng "National Su***de Awareness Month" kami ay nananawagan sa aming kapwa mag-aaral na nais makatulong na mapalaganap ang mensahe na nagbibigay halaga sa ating masaya at magandang buhay. ๐Ÿ’™๐Ÿ’œ
Kaya tayo na! Gumawa ng Tie Dye shirt na may maikling mensahe at naka Time Lapse Video.

๐Ÿ“ Paraan kung paano sumali at isumite ang iyong T-shirt na patungkol sa National Su***de Awareness Month. ๐Ÿ‘‡๐Ÿผ

1. Isang mag-aaral kada pangkat ๐Ÿ™โ€โ™€๏ธ/๐Ÿ™โ€โ™‚๏ธ na makakagawa ng malikhaing Tie Dye shirt at may kalakip na maikling mensahe kalakip ang Time Lapse Video na siyang magiging opisyal na entri. Ang deadline nito ay September 13, 2024 lamang.
2. Huwag din kakalimutan na dapat kita ang iyong buong mukha sa Time Lapse Video na nagpapatunay na ikaw ang mismo ang gumawa ng Tie Dye shirt.
3. Gumamit ng isang lumang plain white t-shirt at lagyan ito ng disenyo gamit ang Tie Dye na pang kulay (mas nangingibabaw ang kulay TEAL at PURPLE), lagyan din ito ng maikling mensahe sa gitna o gilid ng T-shirt na nagpapakita ng mensahe ukol sa kahalagahan ng buhay.
4. Sa pagsulat ng mensahe, ikaw ang bahala kung marker o kung ano mang artistic material, siguraduhing malinis ang kakalabasan nito at hindi gusot-gusot kapag isinumite.
5. Siguraduhin na ang ginamit na mensahe ay konektado sa tema at orihinal na gawa.
6. Dalhin mo ang gawang Tie Dye Shirt sa Filipino Department. (katabi ng room 23).
Ang deadline nito ay September 13, 2024 lamang.

ELYNOR C. GUINTO
Tagapamuno ng Programa, Ingat-yaman - Tanglaw

Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 18/08/2024

๐ŸŽฌ Movie Poster Making ๐ŸŽฌ

๐Ÿ˜๐Ÿ’› Narito na ang mga entri para sa ating patimpalak sa paggawa ng โ€œMovie Posterโ€.
Tara na at ipakita ang inyong suporta sa mga estudyanteng nagpakita ng galing sa paggawa ng sining ngayong Buwan ng Wika. โœ’๏ธ๐Ÿ˜

DEADLINE NG REACT: August 23, 2024 (4:00pm)

Ang may๐Ÿ…Pinakamaraming nakuhang HEART ( โค๏ธ ) react ay tatanghaling panalo para sa Peopleโ€™s Choice Award.

Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 15/08/2024

โ€ผ๏ธ PAALALA โ€ผ๏ธ

Hanggang bukas nalang ang pagtanggap ng entri (Friday, August 16, 2024) ng 7 ng gabi.

Magpasa na!

Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 10/08/2024
Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 08/08/2024

"Bayan o sarili? Pumili ka!" ๐Ÿ‘จ๐Ÿผโ€โœˆ๏ธ

Pamilyar ba sayo ang linyang ito? Ito ang binitiwan ng isang magiting na bayani mula sa isa sa mga paboritong pelikulang Pilipino, ang Heneral Luna.๐ŸŽฅ๐ŸŽž

Ikaw ba? Anong paborito mong pelikula? Naipakikita rin ba ng pelikulang iyan ang kahalagahan ng wika't kalayaan?๐Ÿง
Minsan mo rin bang pinangarap maging artista sa sarili mong pelikula? Kung oo, halina't bumuo ng isang MOVIE POSTER ๐ŸŽด๐Ÿ˜
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, kami ay nanghihikayat ng mga mag-aaral may talento sa sining at paggawa ng paskin na makilahok sa aming proyekto.๐Ÿ’›

Gamitin ang iyong galing upang lumikha ng istoryang nagpapakita ng kahalagahan ng wika't kalayaan. At upang matupad ang pangarap mong maging artista, ikaw ay gagawa ng movie poster na ikaw mismo ang bida! ๐ŸŒŸ

โœ๏ธ Paraan kung paano sumali at paano isumite ang iyong sining na patungkol sa Buwan ng Wika. ๐Ÿ’•
1. Isang mag-aaral kada pangkat na makapagbibigay ng larawan ang siyang magiging opisyal na entri. Ang deadline nito ay hanggang August 16, 2024 lamang.
2. Lumikha ng isang MOVIE POSTER na nagpapahiwatig ng kahalagahan ng ating pambansang wika, at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas na sumasalamin sa temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya"
3. Maaaring gumamit ng kahit anong klaseng teknik sa paggawa ng iyong Movie Poster gaya ng: photography, digital art at graphic design.
4. Siguraduhin na ang iyong gawang poster ay konektado sa tema ng Buwan ng Wika: "Filipino: Wikang Mapagpalaya"
5. Siguraduhin na ang ipapasang poster ay orihinal at sariling gawa.
6. Isumite ang inyong gawa sa nakalaang link:
https://drive.google.com/drive/folders/1I6kdROTbI-5CCTBwqG2ox2uGuep19uMl?fbclid=IwY2xjawEhaB9leHRuA2FlbQIxMAABHZ2XBoZtcTCUt92qf2gd3W4LAexTyuEyXj-cnD1e6WtOUx4PILucqsjTKg_aem_YfL6xavTBqGh3xSsWGUe9g

Ang deadline nito ay hanggang August 16, 2024 lamang.
Ilagay ang mga sumusunod na impormasyon :
Buong Pangalan
Antas at seksyon
(facebook username)
7. Dalawa (2) ang tatanghaling panalo :

People's Choice Award
(Nakabatay sa dami ng "Heart" reacts na makukuha ang siyang tatanghaling panalo)

Pinakamalikhaing movie poster.
Rubriks:
Ang movie poster ay nagbibigay ng lahat ng kinakailangang impormasyon tungkol sa iyong pelikula, kasama na rito ang mga tema at karakter nito. - 40%
Angkop ang tema ng poster sa Buwan ng Wika. - 40% Pagkamalikhain - 20%
Kabuoan - 100%

07/08/2024

Maligayang kaarawan sa isa sa mga tumatayong liwanag sa Kagawaran ng Filipino at tagapayo ng aming klab

๐ŸŽ‚Sir Raffy Prasaya๐ŸŽ‚

- mula sa Tanglaw Filipino Klab

Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 01/08/2024

"Bayan o sarili? Pumili ka!" ๐Ÿ‘จ๐Ÿผโ€โœˆ๏ธ

Pamilyar ba sayo ang linyang ito? Ito ang binitiwan ng isang magiting na bayani mula sa isa sa mga paboritong pelikulang Pilipino, ang Heneral Luna.๐ŸŽฅ๐ŸŽž

Ikaw ba? Anong paborito mong pelikula? Naipakikita rin ba ng pelikulang iyan ang kahalagahan ng wika't kalayaan?๐Ÿง

Minsan mo rin bang pinangarap maging artista sa sarili mong pelikula? Kung oo, halina't bumuo ng isang MOVIE POSTER ๐ŸŽด๐Ÿ˜

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, kami ay nanghihikayat ng mga mag-aaral may talento sa sining at paggawa ng paskin na makilahok sa aming proyekto.๐Ÿ’›

Gamitin ang iyong galing upang lumikha ng istoryang nagpapakita ng kahalagahan ng wika't kalayaan. At upang matupad ang pangarap mong maging artista, ikaw ay gagawa ng movie poster na ikaw mismo ang bida! ๐ŸŒŸ

โœ๏ธ Paraan kung paano sumali at paano isumite ang iyong sining na patungkol sa Buwan ng Wika. ๐Ÿ’•

1. Isang mag-aaral kada pangkat na makapagbibigay ng larawan ang siyang magiging opisyal na entri. Ang deadline nito ay hanggang August 16, 2024 lamang.
2. Lumikha ng isang MOVIE POSTER na nagpapahiwatig ng kahalagahan ng ating pambansang wika, at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas na sumasalamin sa temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya"
3. Maaaring gumamit ng kahit anong klaseng teknik sa paggawa ng iyong Movie Poster gaya ng: photography, digital art at graphic design.
4. Siguraduhin na ang iyong gawang poster ay konektado sa tema ng Buwan ng Wika: "Filipino: Wikang Mapagpalaya"
5. Siguraduhin na ang ipapasang poster ay orihinal at sariling gawa.
6. Isumite ang inyong gawa sa nakalaang link:
https://drive.google.com/drive/folders/1I6kdROTbI-5CCTBwqG2ox2uGuep19uMl?usp=sharing
Ang deadline nito ay hanggang August 16, 2024 lamang.

Ilagay ang mga sumusunod na impormasyon :
Buong Pangalan
Antas at seksyon
(facebook username)

7. Dalawa (2) ang tatanghaling panalo :

People's Choice Award
(Nakabatay sa dami ng "Heart" reacts na makukuha ang siyang tatanghaling panalo) โ€ข

Pinakamalikhaing movie poster.
Rubriks:
Ang movie poster ay nagbibigay ng lahat ng kinakailangang impormasyon tungkol sa iyong pelikula, kasama na rito ang mga tema at karakter nito. - 40%
Angkop ang tema ng poster sa Buwan ng Wika. - 40% Pagkamalikhain - 20%
Kabuoan - 100%

MARK EZEQUIEL V. MIRANDAY
Tagapamuno ng Programa, Bise-Presidente - Tanglaw

Photos from Fakulti ng Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralang Gen. Tomas Mascardo's post 01/08/2024

๐“ฃ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ๐“ท๐“ช๐“ท!

Pagpapahalaga ng mga g**ong kawani ng Gen. Tomas Mascardo sa pangunguna ni G. Albert D. Roderos, punongg**o ng paaralan, sa selebrasyon ng pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024.

Buong pusong pagmamalaki ang ipinamalas ng mga g**o, patunay na ito ay paglalahad ng kanilang pagkilala na ang wikang mapagpalaya ay nagtataglay ng diwa ng pagkakaisa, pagkilala sa kultura, at pagkamit ng kaalaman para sa lahat.

Photos from Libertad: Pahayagang Mascardo and The Liberty's post 01/08/2024

BASAHIN!

Buwan ng Wikang Pambansa, Sentrong Paksa ng Kagawaran ng Filipino sa Unang Araw ng Agosto

Basahin ang kabuoang artikulo para sa iba pang detalye.







"๐™‚๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ ๐™๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™˜๐™–๐™ง๐™™๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™‰๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž ๐™–๐™ฉ ๐™ƒ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค

Photos from Fakulti ng Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralang Gen. Tomas Mascardo's post 01/08/2024

Basahin!

Mascardians, narito ang tinig ng ating mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino-tunay na wikang mapagpalaya!

31/07/2024

๐Ÿชถ๐Ÿ“œ โ€œFilipino, Wikang Mapaglaya.โ€ ๐Ÿ“œ๐Ÿชถ

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa 2024!

Buwan ng Wika 31/07/2024

Palitan na ang iyong profile frame at makiisa sa Buwan ng Wikang Pambansa 2024!
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, sama-sama nating ipagmalaki at yapusin ang wikang Filipino bilang isang institusyong pinalalakas ang ating identidad at kultura bilang Pilipino.
Palitan na ang inyong profile frame at ipakita ang ating pagkakaisa!
https://twb.nz/wikangmapagpalaya

Buwan ng Wika

30/07/2024

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญMabunying araw, Mascardians!

Sa darating na pagbubukas ng Buwan ng Wika, inaanyayahan namin ang lahat ng mga mag-aaral at g**ong kawani na makiisa sa ating pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsusuot ng Filipiniana/Katutubong kasuotan sa ika-1 ng Agosto.

Mga Detalye:
1. Ang pagsusuot ng Filipiniana ay BOLUNTARYO lamang.

2. Ang mga mag-aaral na kakikitaan ng kanilang pinakamahusay na pagsusuot ng Filipiniana bilang pagpapahalaga sa kanyang oras at panahon ay ipapaskil ang larawan sa opisyal na page ng paaralan.

Maraming salamat at inaasahan namin ang inyong aktibong pakikilahok!
Mabuhay ang Wikang Filipino!

30/07/2024

Tuwing buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa temang:

"Filipino: Wikang Mapagpalaya."

Ito ay hindi lamang isang paraan ng komunikasyon, kundi isang sandata para sa kalayaan at pagkakaisa.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral at g**o na makiisa at makilahok sa mga inihandang aktibidad. Sama-sama nating ipakita ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Maging bahagi ng selebrasyon na ito at ipagdiwang ang ating kultura at kasaysayan sa pamamagitan ng ating wika.

29/07/2024

ANYARE NA TEH??

Kumusta ang 1st day natin? Ano na naging ganap?
Gamit ang mga reaction, i-share ninyo ang mga ganap para sa unang araw ng pagbabalik eskwela natin.

๐Ÿ‘โค๐Ÿฅฐ๐Ÿคฃ๐Ÿ˜ฎ๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ก

28/07/2024

โ€ผ๏ธ GULAT KA NO โ€ผ๏ธ

Scroll scroll lang sa Tiktok โ™ช
Tingin tingin lang sa Facebook ๐Ÿ‡ซ
Nood nood lang sa YouTube โ–ถ๏ธ
Magugulat ka na lang talaga na isang tulog na lang ay pasukan na โ—๐Ÿ˜ญ

Tama na ang pagpupuyat,
tama na ang bebetime,
ilabas na ulit ang uniform,
ihanda na ang gamit sa school dahil magkikita na ulit tayo mga ka-Tanglaw ๐Ÿ’›๐Ÿ’š

Tunghayan ang mga taong nagulat din na tuloy na tuloy na nga ang pasukan sa Lunes at maki-Bini trend na sa amin ๐ŸŒธ

Ps. Sorry po..... โœŒ ๐Ÿ˜œ

Want your school to be the top-listed School/college in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

โ€ผ๏ธ GULAT KA NO โ€ผ๏ธScroll scroll lang sa Tiktok โ™ชTingin tingin lang sa Facebook ๐Ÿ‡ซNood nood lang sa YouTube โ–ถ๏ธMagugulat ka ...
.
๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐š๐จ๐ง !๐Ÿงง๐ŸŽ‰๐ŸŽ‡ Pagbati mula sa tanglaw klub๐Ÿ’›
PAGBATI!Narito na ang nanalo sa ating "Tulong mo, regalo para sa iyo!"Unang ikot: Romasanta, Nica 8-Tanguile (mamimili n...
๐–ก๐–ค๐–ค๐–ฏ!! ๐–ก๐–ค๐–ค๐–ฏ!! ๐Ÿ”ˆ๐Ÿ”‰๐–ง๐– ๐–ญ๐–ฃ๐–  ๐–ญ๐–  ๐–ก๐–  ๐–ช๐– ๐–ธ๐–ฎ๐Ÿซฃ ๐–ฏ๐–บ๐–ฝ๐–บ๐—๐—‚๐—‡๐—€ ๐—‡๐–บ ๐–บ๐—‡๐—€ ๐—ƒ๐–พ๐–พ๐—‰ ๐—‡๐—€ ๐–ณ๐– ๐–ญ๐–ฆ๐–ซ๐– ๐–ถ ๐—‡๐—€ ๐—†๐–บ๐—€๐—๐–บ๐—๐–บ๐—๐—‚๐–ฝ ๐—‡๐—€ ๐—Œ๐–บ๐—’๐–บ ๐–บ๐— ๐–บ๐—…๐—‚๐— ๐—‰๐–บ๐—‹๐–บ ๐—Œ๐–บ ๐—…๐–บ๐—๐–บ๐—, ๐– ๐–ญ๐–ฎ ๐–ฏ๐– ๐–ญ๐–ฆ ...

Category

Website

Address


Imus
4103

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Other Education in Imus (show all)
Imus Institute Batch "89 Imus Institute Batch "89
Imus Boulevard
Imus, 4103

This is the official batch '89 page!

DPA Registrar DPA Registrar
Imus, 4103

Official FB page of DPA Office of the Registrar is an academic service that administers operations in the areas of ENROLLMENT, STUDENT RECORDS, GRADUATION, and other related servic...

Readers Budz Readers Budz
Imus, 4103

Learn Budz is your access to New Learning and have many topics to choose of your choice consolidated into single portal for easy access

Imus Institute Inc Imus Institute Inc
82 Nueno Avenue
Imus, 4103

This is the Official page of Imus Institute of Science and Technology Under New Management

Del Rosario Christian Institute of Heneral, Inc. - TESDA Del Rosario Christian Institute of Heneral, Inc. - TESDA
Phase 3 Block 20 Lot 25 Greengate Homes Malagasang II-A
Imus, 4104

iHelp iHelp
Imus

Academic Commissions

Autism Mom Journey Autism Mom Journey
Imus, 1430

Share experience as an Autism Mom

Legolas Quiรฑones Educational Page Legolas Quiรฑones Educational Page
Imus

This page tells about the story of my life, how I grow and learn. The videos you will see in this pa

DMAN Cavite Johann Ilarde DMAN Cavite Johann Ilarde
Aguinaldo Highway
Imus, 4103

OFFLINE Tablet based review .No need of Wi-Fi or internet connection Training endorsements.

Supreme Elementary Learner Government Supreme Elementary Learner Government
Phase 8, Avenida Plaza, Maharlika, BPS
Imus

HVY One-on-One Tutorial HVY One-on-One Tutorial
Imus

Tutorial services

Gdmcis MAPEH 5 Gdmcis MAPEH 5
Medicion II-A
Imus, 4103