Opinyon Santa Cruz

Ang Opinyon Santa Cruz ay isang online media outfit na itinatag mula sa inisyatiba ng mamamayan.

Photos from Opinyon Santa Cruz's post 27/08/2024

SINDIKATO NG DROGA SA SANTA CRUZ, MULING NABUBUHAY?

Sa pagitan lamang ng ilang buwan, ganito kalaking halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng ating mga awtoridad sa bayan ng Santa Cruz.

Bakit tila nakakalampas lamang ito sa mata ng mga namumuno sa ating bayan?

Hindi ba namamalayan o sadyang may pinoprotektahan? Hindi nakakapagtaka lalo paโ€™t ang mismong mga malalapit na tauhan ni Mayor Egay San Luis na pinasasahod mula sa pondo ng gobyerno ay dating convicted at most wanted drug personalities gaya ni Ariel Palacol.

Tama ba ang mga chismis na muling nabubuhay sa mismong kabisera ng lalawigan ang isa sa pinakamalaking drug syndicates sa Laguna?

Sa mga susunod na raw ay maglalabas tayo ng pagsusuri hinggil sa isyung ito.

Para kay Mayor Egay at sa sangguniang bayan, huwag niyong hayaan na mamayagpag sa ating bayan ang mga sindikato ng droga. Huwag sanang ipagpapit ang kaligtasan at kinabukasan ng mamamayan para sa salapi!

26/08/2024

Happy National Heroes Day! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

25/08/2024

Happy Sunday bayan ng Santa Cruz!

Palaging isaisip ang pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng oras at sitwasyon. ๐Ÿ™

23/08/2024

Hello bayan ng Santa Cruz! Kamusta kayo? Kwentuhan tayo!

22/08/2024

Jusko, kaya naman pala.

ctto

22/08/2024

SANTA CRUZ AT LABINGISA PANG LUGAR, NASA DANGER LEVEL ULIT ๐Ÿ”ฅ

Muli nanamang umabot sa "DANGER" level ang labingdalawang (12) mga bayan o lungsod sa lalawigan ng Laguna, bago pa maging masungit ang panahon dahil sa thunderstorms.

Posibleng magpatuloy ang gantong init o mas mainit pa sa mga susunod na araw kaya uminom palagi ng maraming tubig.

Mag-ingat po tayo laban sa heat stroke, magdala palagi ng payong panangga sa init at pati na rin sa ulan at uminom ng maraming tubig.๐Ÿ’ง

NOTE: Ang data na ito ay mula sa OpenWeather. Ito ay estimates lamang, ang aktwal values ay maaaring mataas o mababa.

Source: Laguna Wise

22/08/2024

| Kanselado ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Pagsanjan, Laguna ngayong Huwebes, Agosto 22, dahil sa patuloy na banta ng volcanic smog, ayon kay Mayor Cesar V. Areza.

Photos from Opinyon Santa Cruz's post 21/08/2024

Ito yung dalagitang nanaksak sa 10 taong gulang na bata sa Taytay, Rizal dahil umano sa inggit. Nakakatakot ang panahon ngayon. Kahit bata pwedeng gumawa ng krimen. Wala talaga sa itsura at katayuan ng buhay ang paggawa ng masama sa kapwa.

20/08/2024

Kung ikaw ang tatanungin, anu-anong mga pagbabago ang nais mong makita sa bayan ng Santa Cruz?

I-comment at inyong sagot sa ibaba ๐Ÿ‘‡

19/08/2024

Patuloy pa rin ang pagbuga ng Bulkang Taal ng mataas na lebel ng sulfur dioxide.

Batay sa ulat na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), as of 8am, pumapalo pa rin sa 3,355 tons ng sulfur dioxide ang ibinubuga ng bulkan.

Dahil dito, pinag-iingat ng ahensya ang publiko dahil maaari aniyang makaapekto sa kalusugan ang vog o volcanic smog mula sa mataas na antas ng sulfur dioxide.

Patuloy rin ang malakas na pagsingaw na umakyat sa 2,400 metro ang taas sa may bahagi ng Taal crater.

Nananatili pa rin naman sa Alert Level 1 ang bulkan at pinaalalahanan ang publiko na bawal pumasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (POZ).

Via Bagong Pilipinas Good Governance

19/08/2024

Ligal na pala ang drag racing sa Bayan ng Santa Cruz. Ni wala man lang nagrondang pulis nung isang gabi sa highway. Baka may maaksidente o makaaksidente. Ang daming motor nung nakaraang madaling araw.

17/08/2024

Lechong caterpillar ๐Ÿคฃ

16/08/2024

Mainit ngayon ang tirada ng ilang kritiko kay Vice Mayor Laarni Malibiran dahil umano sa kawalang aksyon nito at pagiging โ€œbiasโ€ sa mahahalagang usapin sa ating bayan.

Dahil napapanahon, subukan muli nating hingiin ang pagtingin ng mamamayan ng Santa Cruz.

Sa gitna ng tunggalian, sino sa palagay ninyo ang nararapat na maging bise alkalde ng Bayan ng Santa Cruz sa 2025 elections?

Ang kasalukuyang vice mayor na si Laarni Malibiran pa rin ba, o ang sumusubok at kasalukuyang kapitan ng Brgy. Calios na si Laura P. Obligacion?

Pili na!

Photos from Opinyon Santa Cruz's post 14/08/2024

The Forgotten Castle of Laguna - ang tanyag na white house sa bayan ng Santa Cruz. โœจ

12/08/2024

Sa 2025 elections, tiyak na mas matalino na ang mga botante ng Santa Cruz.

Hindi na tayo madadaan sa mga pang-uuto at pangakong hindi naman talaga naisasakatuparan.

Ilan sa mga pamantayan sa pagpili ng susunod na mayor, vice-mayor, at mga konsehal ng ating bayan sa paparating na eleksyon:

1. Kung sino ang makapaghahapag ng maayos na plataporma kung paano sosolusyonan ang matagal nang problema sa water service ng Santa Cruz. Yung lider na hindi nadadaan sa perang lagay ng Primewater.

2. May maayos na plano upang solusyonan ang palagiang pagbaha sa maraming mga barangay sa ating bayan gaya ng Umboy, Patimbao, Pantalan, at Sambat Bubukal.

3. Yung lider na hindi namimili ng mga bibigyan ng benepisyo mula sa pondo ng gobyerno.

4. Yung lider na hindi nadadaan sa lagay ng mga sindikato ng droga.

5. Yung lider na nakatira sa Santa Cruz para talagang ramdam ang suliranin at pang-araw-araw na danas ng mamamayan.

Bumoto nang tama, batay sa malinis na konsensya. Huwag magpapasilaw sa P4,000 na lagay kada pamilya.

Kinabukasan ng ating bayan ang nakasalalay sa ating boto!

10/08/2024

Lahat po ba ng barangay ay mahina ang tulo ng tubig ngayong araw? Anu-ano pong lugar ang walang tulo? Share niyo naman sa comments section!

10/08/2024

Magandang araw bayan ng Santa Cruz! Kamusta ang Sabado ninyo?

Photos from Opinyon Santa Cruz's post 09/08/2024

TRENDING: ESTUDYANTE SA LAGUNA NA RUNNING FOR MAGNA CUM LAUDE, NADEPRESS DAHIL BINIGYAN NG MABABANG GRADO

Mahirap pero nagsusumikap, Masipag, madiskarte at matiyaga, Working student para masuportahan ang edukasyon na tanging maipamamana lamang samin ni Ina at Ama. Aktibong estudyante sa loob ng silid aralan at alam yan ng kanyang mga kamag-aral. Ito ang aking kapatid na si Alliah Cristine M. Pateรฑa estudyante sa Laguna.

Pinangalagaan ng aking kapatid ang kanyang mga grado simula 1st year Hanggang ngayong 3rd year. Hindi nawala sa Dean Lister, Hindi rin nagkaroon ng 2.00 since 1st year. Subalit nabago ang lahat sa isang iglap dahil sa pagkukulang at hindi tamang treatment na Ibinigay ng g**o sa aking Kapatid. Sabi ng ibang mga g**o may seminar daw sila na dapat bago magbigay ng grades sa mga students kinakailangan na mapangalagaan at ma-consult especially yung mga latin honors, na ipinagkait na matamo sa aking kapatid kung kayat sya ay binigyan ng 2.25 ng isang g**o na hindi manlang binigyan ng pagkakataon na tanungin o sabihin sa kapatid ko na may kulang.

Ilang buwan bago nagbigay ang g**o ng grado sa kanyang mga students may ilang students na kanyang na consult at sinabi ang mga kulang nito, Syempre ang kapatid ko ay panatag na dahil Hindi sya na mention at alam nya na wala syang kulang dahil 100 percent ay Ibinigay ng kapatid ko para maipasa lamang ang subject ng kanyang g**o. Hindi sa nagmamagaling ang aking kapatid alam nya lang kung ano ang potential at deserve nya sa subject na ito.

Nagtungo ang aking kapatid sa g**o na nagbigay sa kanya ng grado. Nagmamakaawang umiiyak ang kapatid ko sa kanyang g**o at nang umuwi na samin ay nakakadurog ng puso na makita yung Kapatid ko na pagod na pagod galing trabaho

Ngayon unti unti nalang tinatanggap ng Kapatid ko ang nangyari sa kanya at ipinapasa diyos nalang ang lahat ๐Ÿ˜ญ๐Ÿฅน, pero ganito ba talaga kapag student ka lang wala kang magagawa๐Ÿ˜ญ๐Ÿฅน. Naiyak ako sa kapatid ko nung sinabi nya na " Ang laki ng paghanga ko sa mga g**o dahil balang araw magiging katulad din nila ako pero ngayon parang nabago na ang pananaw ko dahil kahit anong galing at sipag mo kapag may g**o na walang malasakit sa students Wala, Hanggang dyan ka nalang. Palagi kong pinagmamalaki na quality education ang ibinibigay nila samen pero ngayon sinampal ako based sa naranasan ko" sobrang awang-awa ako sa Kapatid ko๐Ÿฅน๐Ÿ˜ญ. Alam kong mahirap sa ngayon pero unti unti naming pinaparamdam sa kapatid ko na kayanin at huwag nalang isipin ang nangyari dahil hanggat nandito kami na pamilya nya palagi kaming magiging tungkod para umalalay sa kanya๐Ÿฅน๐Ÿ˜ญ.

Dati wala lang saken yung "Grades is just a number" Oo, number lang sya pero grabe nung sa kapatid ko na nakita yung epekto ng mga numero na alam nyang hindi nya deserve๐Ÿ˜ญ๐Ÿฅน.

Sana maging aral ito sa lahat ng mga g**o na dapat bigyan nyo din ng tamang treatment Yung mga students nyo dahil Hindi nyo alam ang pinagdaanan nila para makamit lang yung ganitong uri ng karangalan na maibibigay at maipagmamalaki nila sa kanilang mga magulang. Maging patas at ibigay palage ang karapat dapat.

Isa lang naman ang hiling ko maging okay lang yung kapatid ko, matanggap nya yung nangyari sa kanya, na magpatuloy parin sa buhay at tuparin ang pangarap na kanyang nasimulan๐Ÿ’—๐Ÿฅน. Sis kung nababasa mo ito nandito lang Ako/kami palagi para sayo. Thank you sa mga laban ko na nandyan ka, kaya Ngayon kami naman ang nandito sa laban mo๐Ÿฅน๐Ÿ˜ญ.

Hindi ko ito ipinost para manira, ipinost ko ito para maging aware yung iba na mahirap yung ganitong situation dahil lumalaban lang kami ng patas at nagmula sa mahirap na buhay kung kayat nangangarap na magkaroon ng magandang buhay para sa pamilya.๐Ÿ™

Pray for my sister recovery๐Ÿ™.

-Cris Von Patena (brother)

08/08/2024

๐๐€๐Œ๐๐€๐๐†๐€ ๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐Œ๐๐€ ๐ˆ๐ ๐”๐๐ƒ๐„๐‘ ๐Ÿ ๐‡๐Ž๐”๐‘๐’! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Get ready for a game-changing ride with the North-South Commuter Railway (NSCR), set to revolutionize travel in the Philippines! This state-of-the-art railway, stretching over 160 kilometers, boasts speeds of up to 160 kilometers per hour, placing it among the fastest trains in the country.

The NSCR features an impressive 408 trainsets, each comprising eight cars, designed to comfortably accommodate up to 2,228 passengers per trip. This remarkable capacity ensures a seamless and efficient journey for commuters and travelers alike.

One of the most exciting highlights of the NSCR is its ability to connect Clark International Airport in Pampanga to Calamba, Laguna, in less than two hours. This significant reduction in travel time promises to enhance connectivity, foster economic growth, and provide a reliable transportation alternative for millions of Filipinos.

The launch of the NSCR marks a monumental step forward in the Philippines' transportation infrastructure, aiming to alleviate traffic congestion and promote sustainable travel. As the country continues to develop, projects like the NSCR are essential in driving progress and improving the quality of life for its citizens.

Stay tuned for more updates on this transformative railway project, as the NSCR gears up to become a cornerstone of Philippine public transportation. Whether you're a daily commuter or an occasional traveler, the future of convenient and efficient travel is on the horizon.

Source: CTV Philippines.

08/08/2024

Labas sa biro, seryosong dapat pagtuunan ng pansin ng LGU ang flood control program sa ating bayan.

Ilang taon na pero hindi pa rin masolusyonan ang problema ng pagbaha sa maraming lugar sa Santa Cruz.

Kung kaunting ambon pa lang ay bumabaha na at ilang araw bago humupa, paano pa kung sa panahon ng malakas na bagyo?

Hihintayin pa ba ng LGU na may mapahamak bago bigyan ito ng kongkretong aksyon at solusyon?

Kaysa ilaan ang milyun-milyong pondo sa mga bagay na hindi naman direktang nakatutulong sa tao, bakit hindi ito ilaan sa mga bagay na tunay na kapaki-pakinabang?

Photos from Opinyon Santa Cruz's post 07/08/2024

Ang bukal ng Santa Cruz, Laguna โ›ฒ๏ธ

๐Ÿ“ Umboy

04/08/2024

Kamusta? Anu-anong barangay po ang mahina o walang tulo ang gripo ngayon?

02/08/2024

May punto si ate ๐Ÿค”

02/08/2024

PANOORIN: Pinuri ng netizens ang isang teacher sa Sabtang, Batanes matapos mag ala-superhero sa buwis buhay na pag-akyat sa flag pole upang ikabit ang naputol na lubid ng bandila at matuloy ang flag ceremony.

Photos from Opinyon Santa Cruz's post 01/08/2024

BAGONG SERVICE MOTORCYCLES NG SCTMO, OVERPRICED!

Ito ang bidding document kung saan nakasaad na P417,548 ang inilaang budget ng Santa Cruz LGU sa pagbili ng dalawang (2) brand new units ng Honda Click 160. Ibig sabihin, pumapatak sa P208,774 ang pinalabas nilang presyo nito bawat isa.

Makikita naman sa huling larawan ang tunay na halaga ng kaparehong brand new unit mula sa Official Honda Website, kung saan nakasaad na P122,900 lamang ang presyo nito.

Ibig sabihin, P171,748 ang nakurakot ng Santa Cruz LGU sa pagbili ng mga bagong motor. Halos doble ng orihinal na presyo!

Kayo na ang humusga!

31/07/2024

Kawawa naman. Ito po yung batang nabugbog sa Guevarra noong Lunes. May update po ba sa kanya at sa mga nambugbog?

31/07/2024

โ€ผ๏ธPUBLIC ADVISORYโ€ผ๏ธ

MERALCO POWER OUTAGE | AUGUST 1

Makikita sa larawan ang mga apektadong lugar sa Bayan ng Santa Cruz.

Power interruptions in NCR, Laguna, Cavite, Quezon, Bulacan from July 31-Aug 2 30/07/2024

ABISO: Makararanas ng power outage ang ilang lugar sa Bayan ng Santa Cruz bukas, July 31, ayon sa Meralco.

Link: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/metro/915201/power-interruptions-in-ncr-laguna-cavite-quezon-bulacan-from-july-31-aug-2/story/?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTEAAR260HPE9535iOOhUHO8I_K4I9cLoZHo9K2Y0PWlGTzNNolkt4oExp4QsBY_aem_f7PHfL4UsZMdXm9GnFd9vA

Power interruptions in NCR, Laguna, Cavite, Quezon, Bulacan from July 31-Aug 2 Parts of Metro Manila, Laguna, Cavite, Quezon, and Bulacan will experience power service interruptions from July 31 to August 2 due to scheduled maintenance activities.

30/07/2024

Ang mga lingkod bayan ay dapat nagsisilbing mabuting ehemplo sa kanyang pinamumunuan.

Kung patuloy ang paggawa ng mali ng ating mga pampublikong opisyal at lantaran nila itong ipinakikita sa tao sa kabila ng mga kritika at puna, wala tayong aasahan dyan.

Kung hindi nahihiya ang ating mga opisyal sa paggawa ng mali sa harap ng publiko, wag nating asahan na magagawa nila nang maayos ang kanilang trabaho.

Ang magandang pagkatao ay repleksyon ng kakayahan o competence ng isang opisyal ng pamahalaan.

Kaya alam niyo na, nasa ating muli ang kapangyarihan sa susunod na halalan.

Vote wisely.

Photos from Opinyon Santa Cruz's post 29/07/2024

May mga asawa ba tong si Kap. Ulo ng Santo Angel Central at si Brgy. Treasurer Arlyn Mangiliman? Paki-tag naman!

Ang sosi ng date. Gamit pondo ng barangay. O mga taga-SAS alam niyo na! Kaya walang maibigay sa inyo si kap kasi inuubos kay madam treasurer.

Want your business to be the top-listed Media Company in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Teacher, inakyat ang pole at ikinabit ang naputol na lubid upang matuloy ang flag ceremony
PANOORIN: Pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa ibaโ€™t ibang lugar na sinalanta ng Bagyong Carina. ๐Ÿ“น ABS-CBN Ne...
Maruming tubig ng Primewater ang lumalabas ngayon mula sa gripo ng ilang kabahayan sa Santa Cruz
TINGNAN: Nasunog ang isang SUV matapos bumangga sa poste at tumilapon sa highway sa Brgy. Santa Isabel, San Pablo, Lagun...
TRUCK SA SAN PEDRO, LAGUNA, NANG-ARARO NG PITONG MOTORSIKLO!!Pitong motorsiklo ang inararo ng isang truck sa San Pedro, ...
๐—”๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ, ๐—š๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐˜†๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฉ๐—ผ๐˜๐—ฒ-๐—•๐˜‚๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด?Ito ang matunog na usap-usapan ngayon sa bayan ng Santa Cruz, mat...
WATCH: PONDO NA PARA SANA SA SENIOR CITIZENS AT SOLO PARENTS, GINAMIT BILANG PANUHOL NG EMPLEYADO NG MUNISIPYOMakikita s...
From a netizen: "CRIME WATER."

Website

Address


Makati
4009
Other Media/News Companies in Makati (show all)
Rogue Magazine Rogue Magazine
Unit 503 Jose Cojuangco & Sons Building, 119 Dela Rosa Street Legaspi Village
Makati, 1231

ROGUE is an award-winning magazine that covers entertainment, culture, and current affairs for an influential and important audience in the Philippines.

Outrage Magazine Outrage Magazine
3/F Salcedo One Center (formerly Builders Centre), 170 Salcedo Street, Legaspi Village
Makati, 1235

Giving voice to LGBTQIA Philippines. https://outragemag.com/

Inquirer Libre Inquirer Libre
MRP Building Mola Street
Makati, 1204

INQUIRER LIBRE is the free newspaper of INQUIRER PUBLICATIONS, INC. For ADVERTISING, MARKETING and PARTNERSHIPS inquiries, e-mail [email protected].

CHUBY YAMMY CHUBY YAMMY
San Isidro
Makati, 1234

content creator

Kabayan Advocate By DjBrix Kabayan Advocate By DjBrix
BLK 13 LOT 17 BARANGAY SAN DIONISIO
Makati, 4114

Be Strong in all time dont give up

Snap - by Citizen Snap - by Citizen
Fort Bonifacio High School
Makati

photos and reels from the official publication of Fort Bonifacio High School

Kickstart Magazine Kickstart Magazine
Fringe Publishing, 170 Salcedo Street, Legaspi Village
Makati, 1200

Business ain't easy. We make it so.

CAM E-news.                    609.9K CAM E-news. 609.9K
Southsea. News. Kh@gmail. Com
Makati, 1209

CAM E-news

ๅŽ่”็คพๆ–ฐ้—ป่ต„่ฎฏHLSNews ๅŽ่”็คพๆ–ฐ้—ป่ต„่ฎฏHLSNews
Makati
Makati

HLS NewsๅŽ่”็คพๆ–ฐ้—ป่ต„่ฎฏๆไพ›ๅฎžๆ—ถๅ’Œ่ฏฆ็ป†็š„ๅนฟๆ’ญไฟกๆฏ

EatShowtime Update News EatShowtime Update News
STARCOM Mediavest Group, Inc. Makati City
Makati, 1017

Alyansa ng Media at Showbiz(AMS), Inc.

Bicol News Online Bicol News Online
V. A Rufino Street
Makati, 1229

News Worldwide

RMN BrandVoice RMN BrandVoice
State Condominium 1 Building, 3/F I, 186 Salcedo, Legaspi Village
Makati, 1229

RMN's page for all partnership content amplifying the voice of our brand partners to our communities.