Mandaluyong City Public Information Office
Nearby government services
Executive Building
Maysilo Circle
1550
mandaluyong city
Mandaluyong City Hall
1550
Maysilo Compound, Makati
The official page of the Mandaluyong City Public Information Office A local government that is for the people and by the people.
The MandaluyongPIO is the official page of the City Government of Mandaluyong primarily created for the timely dissemination of verified information on the various programs, projects, activities and relevant events of the City Government, with inclusive, participatory, accountable and transparent governance for every Juan in the City.
MANDALUYONG, BINIGYANG PUGAY SI PESO HEAD EMMA JAVIER
Bahagi sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, kasama ang ilang mga Kapitan at Konsehal, ang buong pusong pasasalamat at pagbibigay-pugay ng lungsod sa namayapang pinuno ng Public Employment Services Department (PESO) na si Emma L. Javier at ang pakikiramay sa kaniyang pamilya.
Kaugnay nito, naglabas ang Sangguniang Panlungsod ng Resolution No. 3481, S-2024 na nagbibigay komendasyon at pakikiramay sa kaniyang naiwang pamilya, para sa hindi matatawarang mga programa at serbisyo publiko na kaniyang isinagawa habang nanunungkulan para sa lahat ng mga Mandaleño.
đź“ŁAttention JOBSEEKERS
JOB VACANCY ANNOUNCEMENT
Urgent Hiring!!!
Green Building Evaluator for Green Building Division, Mandaluyong City Planning and Development Department
Please refer to poster/image for more details
Noong ika-29 ng Hulyo 2024, agad na inimbestigahan at ipinatawag ng mga kaukulang opisina ng pamahalaang lungsod ang kawani na nasa trending video na naipost sa social media na tumutukoy na isa sa dahilan nang pagbaha sa Metro Manila tuwing umuulan.
Pinagpaliwanag ang nasabing kawani at binigyan ng karampatang aksyon sa kaniyang nagawa. Humingi din siya ng dispensa at nangakong hindi na ito mauulit at pagbubutihin ang kaniyang trabaho.
PANUNUMPA NG APSA-M TAMPOK SA LINGGUHANG PROGRAMA NG LUNGSOD
Isinagawa sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang panunumpa ng mga opisyal ng Association of Private Schools Administration in Mandaluyong (APSA-M) na pinamunuan ni Mayor Ben Abalos. Ang asosasyon na ito ay inaasahang mangangasiwa sa pagbibigay ng epektibong komunikasyon at pagtulong sa pagtugon ng mga pribadong paaralan sa mga alituntunin at pagkakaroon ng mga serbisyo at pagsasanay ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong.
Ang mga nanumpang opisyal ay sina:
•Dr. Florence T. Isidoro
President
International Baptist College
•Christine Joy Bautista
Vice President
LEAD Education Advancement & Development School
•Pastor Eva Altura
Secretary
Maranatha Christian Academy of Mandaluyong City
•Maria Cecilia Sanvictores
Treasurer
La Salle Green Hills
•Sharonrose Torre
Auditor
CURUM Christian School
•Vanessa Lindsay Santos
Public Relations Officer
Mulberry Learning-Greenhills
•Jade Ulmar Oropesa
Digital and Technical Manager
Don Bosco Technical College
•Teresa Lopez
Business Manager
Makati Hope Christian School
PAGGUNITA NG MANDALUYONG SA BUWAN NG WIKA KASAMA ANG STWF
Itinampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang mga opisyal ng Samahang Tagapagpalaganap ng Wikang Filipino (STWF) sa lungsod na pinamumunuan ni Mercedes Capanang, bilang pakikiisa sa paggunita ng Buwan ng Wika ngayong Agosto.
Ang Samahan ang kumikilos sa pagtataguyod ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa wikang Filipino at sa paggamit nito bilang wika sa serbisyo publiko.
MANDALUYONG-DONSOL LUMAGDA SA SISTERHOOD
Pormal na pinirmahan ni Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Municipality of Donsol Mayor Ted De Guzman ang sisterhood agreement sa pagitan ng dalawang local government units (LGU).
Naganap ang paglagda ng sisterhood agreement sa Mandaluyong na sinaksihan nina Vice Mayor Menchie Abalos at ng Sangguniang Panlungsod, mga department head ng pamahalaang bayan ng Donsol, gayundin ng kanilang Sangguniang Bayan.
Sa pamamagitan ng isang sisterhood agreement ay pinapabilis at patuloy ang pakikipag-ugnayan ng dalawang LGU sa larangan ng kalakalan, palitan ng impormasyon, mga programa, at sistema ng pamamahala para sa mas epektibong pagbibigay ng serbisyo publiko.
MONDAY MORNING PROGRAM
DISCLAIMER:
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.
MUSIC BELONGS TO THE RIGHTFUL OWNER.
Paanyaya mula sa Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA) sa lahat ng mga Mandaleñong volunteers na makilahok sa Search for Outstanding Volunteers (SOV).
Bisitahin ang link https://bit.ly/SOVPublicFiles2024 o i-scan ang QR Code para sa karagdagang detalye. Maaaring MAGSUMITE ng aplikasyon hanggang AGOSTO 27, 2024.
Ating isulong ang diwa ng bayanihan!
đź“Ł Attention JOBSEEKERS
Mandaluyong PESO is now accepting applicants for in-house job interviews!!!
VENUE: PESO Office - 2nd Floor BOC Bldg. City Hall Complex
DATE: August 12, 13 and 14 (Monday, Tuesday and Wednesday)
SCHEDULE:
MORNING - 8:00 am - 12:00 pm
AFTERNOON - 11:00 am - 3:00 pm
BRING: Resume with a 2x2 picture attached / ballpen
‼Please wear an appropriate interview outfit
On-going mural work painting at Fabella Road, Mandaluyong City
MANDALUYONG, TINANGGAP ANG TULONG MULA SA SHOPEE
Tampok sa Lingguhang Programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang pagtanggap nina Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos at dating konsehal Charisse Abalos-Vargas ng 200 grocery packs mula sa Shopee at SPX Express, upang magbigay tulong sa mga Mandaleñong nasalanta dahil sa pananalasa kamakailan ng bagyong Carina.
Kasamang dumalo rin at nagpahayag ng pasasalamat sa symbolic turnover ang ilang mga konsehal at kapitan sa lungsod.
MGA BATANG MANDALEĂ‘O, SALI NA!
Gusto Mo Bang Maging MAHUSAY NA BALERINA?
Tara Na at Sumali sa Mandaluyong Ballet Group.
LIBRE ITO at Madali lang Sumali.
1. Para Sa Lahat Ng Mga BATANG may EDAD ANIM (6) na taong gulang PATAAS.
2. Ang ENROLLMENT ay tuwing SABADO at LINGGO (9:00 ng UMAGA hanggang 12:00 ng TANGHALI lamang)
3. Ang Enrollment Form ay maaaring makuha sa Lingap Karunungan Bldg. sa Botanical Garden o sa Cultural Affairs & Tourusm Dept. sa Kaban Ng Hiyas.
4. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa FREE Ballet Class, maaaring magtungo at I-LIKE ang Mandaluyong Ballet Group Page at Sayaw Foundation https://www.facebook.com/mandaluyongballetgroup?mibextid=ZbWKwL.
5. Maaari ring tawagan ang mga sumusunod na mobile number:
•STEPHEN
09777315772
•BABY FERNANDEZ
09658536843
•JOSIE FERRER
09319941568
Ang Proyektong ito ay HANDOG nina Mayor BEN ABALOS at Vice Mayor MENCHIE ABALOS
Sa pakikipagtulungan ni Ate CHARISSE MARIE ABALOS VARGAS.
Service Advisory from Manila Water
SERVICE ADVISORY: EMERGENCY repair and maintenance activities on August 8, 2024, affecting parts of Mandaluyong, Taguig, Pasig, Quezon City, Pateros, Marikina, Cainta, Rizal.
https://www.manilawater.com/customer/advisories/service-advisories
Manila Water is being regulated and monitored by MWSS Regulatory Office
ORDINANCE NO. 982, S-2024
AN ORDINANCE AMENDING ORDINANCE NO. 706, S-2018, OTHERWISE KNOWN AS THE CHILDREN'S WELFARE CODE OF MANDALUYONG CITY
NATIONAL HOSPITAL WEEK IPINAGDIRIWANG NG MANDALUYONG LGU
Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Madaluyong sa pagdiriwang ng National Hospital Week tuwing August 6 hanggang 12 sa pangunguna ni Mayor Ben Abalos at ng mga medical and non-medical staff ng Mandaluyong City Medical Center (MCMC).
Ibinida ni MCMC Medical Director Dr. Cesar Tutaan ang ilan sa mga tagumpay na nakamit ng city hospital gayun din ang mga programang medikal na ipinatutupad nito ayon sa isinusulong ng pamahalaang lungsod.
Sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 181, s.1993 ay inuudyok ang buong bansa na ipagdiwang ang National Hospital Week para isulong ang mga serbisyong medikal ng mga ospital at ang kahalagahan ng pagkikipagtulungan nito sa iba't ibang sektor ng lipunan para sa ikagaganda ng kalusugan ng mamamayan.
Mga Opisyal ng SK sa Mandaluyong sumailalim sa COA seminar at training.
Sa layon na mapabuti ang serbisyo ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Mandaluyong ay nagsagawa ng tatlong araw na capacity building seminar at training ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at ang Commission on Audit (COA).
Pinangunahan ni Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang nasabing aktibidad na tungkol sa Handbook on the Financial Transactions of the Sangguniang Kabataan (HFTSK).
Layon ng nasabing aktibidad na maturuan ang mga kabataang opisyal ng lungsod pagdating sa aspeto ng transparency sa kanilang pondo at gastusin na naaayon sa patakaran ng COA.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto.
Ang tema na itinakda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon ay “Filipino, Wikang Mapagpalaya.”
Inaanyayahan ang bawat Mandaleño na makiisa sa pagdiwang ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagsulong sa wikang Filipino bilang kasangkapan sa kalayaan at pagbabago.
Service advisory from Manila Water
ORDINANCE NO. 991, S-2024
AN ORDINANCE DECLARING THE CITY OF MANDALUYONG UNDER A STATE OF CALAMITY AMID THE CONTINUOUS RAINS AND MASSIVE FLOODING CAUSED BY TYPHOON CARINA AND THE SOUTHWEST MONSOON
đź“Ł Attention JOBSEEKERS
Mandaluyong PESO is now accepting applicants for in-house job interviews!!!
VENUE: PESO Office - 2nd Floor BOC Bldg. City Hall Complex
DATE: July 29, 30 AND 31 (Monday, Tuesday and Wednesday)
SCHEDULE:
MORNING - 8:00 am - 12:00 pm
AFTERNOON - 11:00 am - 3:00 pm
BRING: Resume with a 2x2 picture attached / ballpen
‼Please wear an appropriate interview outfit
KABATAANG MANDALEĂ‘O WAGI SA PALARONG PAMBANSA 2024
Ipinakilala ni Vice Mayor Menchie Abalos ang mga estudyanteng atleta mula sa iba't ibang eskwelahan sa lungsod na lumahok at nagwagi sa Palarong Pambansa na ginanap sa Cebu City kamakailan.
Nanalo ng bronze medal ang basketball team mula sa La Salle Green Hills (LSGH), habang si Ray John Rivera ng Andres Bonifacio Integrated School (ABIS) ay nakasungkit ng silver medal sa arnis.
Sa larangan ng swimming naman ay umani si Luke Amber Araño ng Jose Rizal University (JRU) ng gold, silver, at bronze medals sa magkakaibang kategorya, at nagtala ng bagong record sa 4x50 freestyle relay. Nanalo din ng gold at silver medals si Rain Tumulac ng JRU, at silver at bronze medal naman ng nasungkit ni Joaquin Medenilla ng LSGH. Sa track & field ay nanalo ng gold, silver, at bronze medals sa magkakaibang kategorya si Randy Degolacion ng JRU.
Masayang binati ni Vice Mayor Menchie ang lahat ng mga kabataang atleta at ayon sa ordinansang naipasa ng Sangguniang Panlungsod noong 2019 ay makatatanggap rin ang mga atleta ng cash incentive sa bawat medalyang kanilang napanalunan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
4F PUBLIC INFORMATION OFFICE, EXECUTIVE BUILDING
Mandaluyong
1550
Opening Hours
Monday | 8am - 5pm |
Tuesday | 8am - 5pm |
Wednesday | 8am - 5pm |
Thursday | 8am - 5pm |
Friday | 8am - 5pm |
Mandaluyong, 1552
THE INFANTRY TRAINING UNIT, WHICH WAS THE PILLAR OF ROTC AND CMT IN THE UNIVERSITY, WAS ACTIVATED BA
Ground Floor, New Hall Of Justice, City Hall Complex, Maysilo Circle, Plainview
Mandaluyong, 1550
Here is where you file cases , pay court fees, deposit bonds, withdraw funds, & secure clearances.
Block 39 Welfareville Compound Street Addition Hills
Mandaluyong, 1552
Ortigas Avenue
Mandaluyong, 1555
The Philippine Coast Guard-Project Management Office (PCG-PMO) under the Department of Transportation
Block 6 Barangay Road, Welfareville Compound, Barangay Addition Hills
Mandaluyong, 1550
The Official Page of the NCR Office of the DOH. Guarantees optimal health for the urban population.
Mayflower St. , Highway Hills
Mandaluyong, 1550
Public Service
Mandaluyong, 1550
Old Official page of the DBYES Supreme Pupil Government School Year 2022-2023.
Boni Avenue 743
Mandaluyong, 1550
For ONETT concerns, please call: 85325317 For CSS concerns, please call: 85310691 - - - BIR RDO 41 - Mandaluyong Tax Information Awareness for Taxpayers Official Updates regarding ...