Philippine Ports Authority

Philippine Ports Authority

Official Page of PH Ports Authority, managing and developing ports and harbors nationwide.

Photos from Philippine Ports Authority's post 04/01/2024

Ang Port Management Office (PMO) ng Zamboanga sa pamamagitan ng Port Police Division (PPD) nito ay nagligtas ng mga lumikas na pasaherong patungong Jolo ngunit na-scam ng isang fixer na nagbenta sa pasahero ng ticket patungong Isabela, Basilan sa halip na Jolo. Batay sa ulat ng Port Police Division nitong Enero 2024, isang (1) displaced na lalaki ang nailigtas sa loob ng port ng mga PMO security officers. Sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing tao ay mukhang may mental disorder at hindi tumutugon sa mga tanong. Ang pasahero ay may valid na ticket sa sasakyang-dagat sa kanyang pag-aari at kalaunan ay impormasyon mula sa kanyang ina, nakilala siya bilang residente ng Kasulutan, Jolo at isang construction worker na nakabase sa Pagadian City.

Sa imbestigasyon, bago dumating sa daungan ng Zamboanga, sumakay ang lalaki sa isang vessel mula Cebu patungong Ozamis City nitong Disyembre 22, 2023, at dumating nitong Disyembre 24, 2023, sa Ozamiz City at pagkatapos ay bumiyahe sakay ng bus papuntang Zamboanga City. Diretso ito sa Aleson Shipping Lines (ASLI) ticketing office sa Alejo Alvarez Street para bumili ng vessel ticket para sa Jolo sa halip ay kumuha ng ticket para sa Isabela mula sa isang umano'y fixer sa halagang P1,000.00.

Nakipag-ugnayan ang PPD sa ina ni ng biktima sa Jolo at binigyan din ng mga pagkain habang hinihintay niya ang kanyang ina. Nakipag-ugnayan din ang tanggapan sa City Social Welfare and Development, Department of Social Welfare and Development IX, at BARMM-Ministry of Social Welfare and Development para sa dokumentasyon at tulong. Bukod dito, nakipag-ugnayan din ang PPD sa PNP para sa manhunt operation laban sa umano'y fixer.

Ngayong araw, Enero 4, 2024, dumating ang ina ng biktima mula sa Jolo at diretsong tumuloy sa PPD Office para sa tamang turnover ng kanyang anak.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

04/01/2024

Idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang ika-9 ng Enero taong 2024 bilang opisyal na special non-working holiday sa lungsod ng Maynila bilang parte ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Feast of the Black Nazarene.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

๐๐‘๐Ž๐‚๐‹๐€๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐Ž. ๐Ÿ’๐Ÿ‘๐Ÿ’

๐ƒ๐„๐‚๐‹๐€๐‘๐ˆ๐๐† ๐“๐”๐„๐’๐ƒ๐€๐˜, ๐ŸŽ๐Ÿ— ๐‰๐€๐๐”๐€๐‘๐˜ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ (๐๐Ž๐-๐–๐Ž๐‘๐Š๐ˆ๐๐†) ๐ƒ๐€๐˜ ๐ˆ๐ ๐“๐‡๐„ ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐Ž๐… ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€

๐“๐ก๐ž ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐ฐ๐ข๐ฅ ๐ฆ๐š๐ซ๐ค ๐ญ๐ก๐ž ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐…๐ž๐š๐ฌ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ฅ๐š๐œ๐ค ๐๐š๐ณ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž

Visit the Official Gazette Website:
https://www.officialgazette.gov.ph/0vwxtl

03/01/2024

Pumalo sa mahigit 3.7 million ang naitalang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan sa ilalim ng Philippine Ports Authority (PPA) nitong holiday season mula ika-16 ng Disyembre taong 2023 hanggang ika-2 ng Enero taong 2024.

Paalala ng PPA na direktang makipag-ugnayan sa mga shipping lines bago magtungo sa pantalan at mag-book ng maaga upang maiwasan ang anumang aberya.

Ingat mga ka-pantalan!

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

03/01/2024

Narito ang TOP 5 na Port Management Offices na may pinakamataong pantalan ngayong holiday season mula ika-16 ng Disyembre taong 2023 hanggang ika-2 ng Enero taong 2024.

Paalala ng PPA na direktang makipag-ugnayan sa mga shipping lines bago magtungo sa pantalan at mag-book ng maaga upang maiwasan ang anumang aberya.

Ingat mga ka-pantalan!

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

02/01/2024

2GO ADVISORY #7
As of 5:00PM, January 02, 2024

2GO Travel informs its passengers that the below voyage has a revised schedule due to technical concern.

=======================================

Vessel: MV ST. FRANCIS XAVIER (SFX16 voyage 1)

Route: Cagayan de Oro-Tagbilaran / Cagayan de Oro-Manila
ORIGINAL Date of Departure: January 3, 6:00PM
REVISED Departure: January 4, 12:30AM

Route: Tagbilaran-Manila
ORIGINAL Date of Departure: January 4, 5:00AM
REVISED Departure: January 4, 11:00AM

=======================================

We advise our passengers to be at the port 3-4 hours prior to the revised departure.

For passenger/s affected by this voyage, they may opt to refund or rebook their tickets. Refund and revalidation or rebooking may be accepted at the outlet where the ticket was bought or at any Corporate Outlet upon presentation of the unused ticket/s and valid identification. You may also call us at (02) 8528-7000, and our customer service representative will help you rebook your ticket or email us through [email protected].

For more information and inquiries, please visit our website at https://travel.2go.com.ph/travel-advisories.aspx, the 2GO Travel page, or call (02)-85287000.

Thank you for your continued patronage.

Photos from Philippine Ports Authority's post 02/01/2024

Nakaalis na ang barkong MV St. Francis Xavier nitong alas dos ng hapon matapos nitong bumalik sa Manila North Port kaninang umaga ng alas-10:15 dahil nagkaroon ng "engine problem" ang nasabing barko ngayong araw, ika-2 ng Enero taong 2024.

Bagamaโ€™t bumalik ang nasabing barko, hindi na pinababa muli at nakapaglaan naman ng pagkain para sa mga naabalang pasahero. Eksaktong alas-2:21 ng hapon ay nakaalis na muli ang nasabing barko na papuntang Tagbilaran-Cagayan.

Paalala ng PPA, na direktang makipag-ugnayan sa mga shipping lines bago magtungo sa pantalan upang maiwasan ang anumang aberya.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 02/01/2024

Namahagi ng PPA lugaw at bottled mineral water ang PPA personnel ng Port Management Office (PMO) ng Mindoro sa anim na raan at limampung (650) pasahero na nasa Calapan Port ngayong ika-2 ng Enero, 2024.

Inaasahang ngayong Enero hanggang matapos ang Oplang Biyaheng Ayos โ€“ Pasko 2024 ang pagdagsa ng mga pasaherong pabalik ng Batangas Port dahil sa mga nagsiuwiang mga pasahero sa Mindoro at Visayas Region nitong Disyembre dulot ng Holiday Season.

Naitalang nasa walong libo at apatnapuโ€™t anim (8,046) ang pasaherong dumagsa sa Calapan Port nitong a-una ng Enero habang nagdiriwang ng Bagong Taon at nasa humigit-kumulang na sampu hanggang labindalawampung libo (10,000-12,000) naman ang inaasahan ngayong araw.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 02/01/2024

Nagbigay ng dagdag na mga tents na masisilungan ang Philippine Ports Authority (PPA) Port Management Office (PMO) ng Marinduque/Quezon sa nasa walong daang (800) pasaherong naghihintay sa Balanacan Port dulot ng pag-reroute ng ilang shipping lines patungong Romblon ngayong araw, ika-2 ng Enero taong 2024.

Samantalan, nakipag-ugnayan na din ang PMO Marquez sa mga shipping lines na kung maaari ay i-reroute ang iba nilang sasakyang pandagat at bigyan prayoridad ang mga pasaherong naghihintay sa Balanacan Port.

Narito ang apat na barkong paparating sa nasabing pantalan para sa mga pasaherong pabalik ng Lucena Port:

Starhorse ETA 12:45pm
Montenegro ETA 1pm
M Kristina ETA 2pm
Starhorse ETA 2pm

Paalala ng PPA na direktang makipag-ugnayan sa mga shipping lines bago magtungo sa pantalan upang maiwasan ang anumang aberya.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

01/01/2024

๐๐๐€ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐ ๐˜๐„๐€๐‘๐„๐๐ƒ๐„๐‘ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐

Narito ang mga balitang nakalap ng PPA Ngayon sa buong taon ng 2023 mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Mula sa mga natapos at naipatayong imprastraktura sa ilalim ng PPA, sa agad na pagresponde sa mga pasaherong nangangailangan ng tulong sa pantalan, sa pagbibigay ng mga sistema na makakatulong upang magkaroon ng maayos at may kalidad na paglilingkod sa daungan, sa mga pagsasanay ng mga kawani at opisyales ng PPA tungo sa pagkamit ng progresibong serbisyo sa pantalan, at sa pakikiisa sa mga adhikain at isinusulong ng ibaโ€™t ibang ahensya tungo sa pagkakaroon ng maunlad na komunidad.

Patuloy po ang PPA sa pagbibigay ng wasto at napapanahong impormasyon sa pantalan.

Nagpapasalamat po kami sa inyong walang sawang pagsuporta at samahan niyo kami sa mga susunod na episode ng PPA Ngayon 2024.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

01/01/2024

The Philippine Ports Authority (PPA) extends heartfelt wishes for a joyful and prosperous New Year to all.

May the year 2024 bring fortune and happiness to you and your loved ones.

๐ŸŽ‰๐“—๐“ช๐“น๐“น๐”‚ ๐“๐“ฎ๐”€ ๐“จ๐“ฎ๐“ช๐“ป!๐ŸŽ‰

31/12/2023

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐„๐– ๐˜๐„๐€๐‘โ€™๐’ ๐„๐•๐„ ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€-๐๐€๐๐“๐€๐‹๐€๐! ๐ŸŽŠ๐Ÿฅณ

Ano ang media noche nyo ngayong paparating ang bagong taon? May natira pa ba sa handa niyo nung noche buena?๐Ÿคญ

Maraming salamat sa isang buong taong walang sawang pagsuporta sa PPA. Asahan niyo pong patuloy na magbibigay ng may kalidad na serbisyo at tamang impormasyon ang aming ahensya sa mga susunod na taon๐ŸŽ‰๐Ÿคฉ

29/12/2023

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€:

Para sa darating na bagong taon, isa sa mga paalala ng Port Police Division (PPD) ang hindi pagdala ng mga ipinagbabawal na patalim, baril, at maging paputok.

Nakasaad sa memorandum na ang pagdala ng mga pinagbabawal na gamit sa mga pantalan ay hindi ipinapahintulot kahit sa paggunita ng Bagong Taon. Layunin nito na matiyak ang kaligtasan hindi lamang ng pantalan maging ng lahat ng mga pasahero na kasama sa byahe.

Isa din na paalala ng Philippine Ports Authority (PPA) na iwasan itong dalhin sa mga pantalan para maiwasan ang karagdagang abala.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 29/12/2023

๐‹๐”๐†๐€๐– ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“!

Namahagi ng lugaw ang Port of Calapan sa mga pasahero ngayong araw, ika-29 ng Disyembre, 2023.

Nasa higit kumulang isangdaan at limampu (150) na pasahero ang naabutan ng PPA Lugaw at Bottled Mineral water na naghihintay ng byahe pabalik ng Port of Batangas.

Isa ito sa mga inisyatiba ng Philippine Ports Authority (PPA) na tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng kanilang mga pasahero.

Pinapaalala naman ng PPA makipag ugnayan muna sa mga shipping lines bago magtungo sa mga pantalan.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 29/12/2023

๐…๐‘๐ˆ๐ƒ๐€๐˜ ๐ˆ๐’ ๐‚๐‡๐€๐Œ๐๐Ž๐‘๐€๐ƒ๐Ž ๐ƒ๐€๐˜!

Namahagi naman ang Manila North Harbor Port Inc. (MNHPI) ng mga champorado sa humigit kumulang isangdaan (100) na pasahero sa Manila NorthPort Passenger Terminal ngayong araw, ika-29 ng Disyembre, 2023.

Isa pa rin ito sa mga inisyatiba ng Philippine Ports Authority ngayong OPLAN Biyaheng Ayos 2023 para tiyakin na maayos ang kalagayan ng mga pasahero. Katulong ng Port Management Office (PMO) NCR-North, layunin nito na mabigyan pa rin ng pagkain ang mga pasahero habang nag-iintay ng kanilang byahe.

Pinapaalala naman ng PPA makipag ugnayan muna sa mga shipping lines bago magtungo sa mga pantalan.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

29/12/2023

LIVE: Kasalukuyang namamahagi ang Manila North Harbor Port Inc. (MNHPI) ng libreng champorado sa iilang pasahero na nasa Manila North Port Passenger Terminal.

28/12/2023

Panibagong International Cruise Ship na naman ang nagpataas ng cruise tourism sa ating bansa na magbibigay magandang serbisyo sa mga pantalan.

Kamakailan lamang nailunsad ang MV Aida Bella na isang world class cruise ang dumaong sa Pilipinas nakapagsakay ng humigit kumulang isang libong foreign at local passengers sa Philippine Ports Authority (PPA) Operated Port of Coron, Palawan.

Matatandaang itinanghal ang Pilipinas bilang โ€œBest Cruise Destination in Asia 2023โ€ sa ginanap na World Cruise Awards.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

28/12/2023

๐๐๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐‹๐”๐†๐€๐– ๐€๐“ ๐Š๐”๐“๐’๐Ž๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐’๐€๐‡๐„๐‘๐Ž ๐๐€ ๐Œ๐€๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐”๐๐“๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐๐“๐€๐‹๐€๐

Namahagi ng libreng lugaw ang Philippine Ports Authority (PPA) sa humigit kumulang na 120 na mga pasahero na maagang nagpunta sa NCR Northport nitong Disyembre 28, 2023 para sa kanilang biyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya.

Alinsunod ito sa inisyatiba ng PPA na tumulong sa mga pasahero sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng lugaw kapag naantala ang kanilang biyahe dahil sa cancelled trip, isyung teknikal, o dahil sa masamang panahon, bagamaโ€™t mandato ng mga shipping lines ang pangangailangan ng kanilang mga pasahero.

Ikinatuwa naman ng ilang pashero sa Manila Northport ang pamamahagi sa kanila ng lugaw bilang pantawid-gutom habang naghihintay ng sasakyan nilang barko.

โ€œNagpapasalamat po kami talaga kasi merong nag-sponsor sa amin na pagkain kasi wala talaga kaming pera. Ang layo pa ng biyahe namin,โ€ sabi ni Cho Cho na galing pang Cavite at pauwi sana sa Cebu. Aniya, hindi niya alam na napalitan pala ang biyahe nila mula December 27 ay naging December 29 na ito na dapat ay naabisuhan ng maaga ng shipping line nito.

Natulungan din ng PPALugaw si Hannah na patungo naman ng Puerto Princesa. Kahit sa December 30 pa ang kanilang biyahe, pinili umano niyang magtungo nang maaga sa pantalan dahil sa traffic at hindi nila kabisado ang lugar.

โ€œKaya maaga kasi traffic din, mahirap (ma-late). Hindi rin kami taga-rito sa Maynila, wala rin kaming bahay dito kaya napaaga rin kami. Okay lang kasi may tulugan naman dito,โ€ kwento ng pasaherong si Hannah.

Ayaw rin na maiwanan ng biyahe ang pasaherong si Naser kaya naman nagpunta rin siya nang maaga sa pantalan. Aniya, โ€œNatakot ako baka hindi ako makasakay sa barko kaya sinunod ko โ€˜yung schedule nito kaya nagmadali na ako. Malayo โ€˜yung lugar (na pinanggalingan ko) kaya nagpunta ako nang maaga.โ€

Bukod sa PPALugaw, nagkaroon ng film showing sa Northport para maaliw ang mga pasahero na nasa pantalan habang naghihintay ng kanilang scheduled na biyahe.

Matatandaan na noong Disyembre 18 ay nagkaroon ng mga kanselasyon ng biyahe ang mga shipping lines dahil sa bagyong โ€˜Kabayanโ€™ at ngayon pa lang nakakahabol sa kanilang mga naantalang schedule.

โ€œHinihingi talaga natin sa mga kababayan natin ay magbaon ng mahabang pasensya dahil wala naman may gusto na pagdaanan nila ang hirap ng biyahe,โ€ saad ni PPA General Manager Jay Santiago.

Pahayag naman ng 2GO, โ€œStemming from the domino effect of Typhoon Kabayan, our passengers have been duly informed of the adjusted schedule prior to their scheduled voyages through SMS. Food and water for affected passengers will be provided. Advisories will continue to be posted on the 2GO Travel social media page. We remind all passengers to provide their contact numbers at the time of booking to get real time updates on voyages.โ€

Sa mga nais umano ng refund o rebooking, sinabi ng 2GO na maaari nila itong gawin sa kahit anong 2GO retail outlet o 2GO ticketing counter na matatagpuan sa pier kung saan may operasyon ang kompanya.

Sa huling tala alas-singko ng hapon nitong Disyembre 28, nasa 132 ang bilang ng mga pasahero na nasa Manila Nortport at naghihintay ng kanilang masasakyang barko.

Samantala, para maiwasan na ang may ma-stranded na biyahero sa pantalan, nakipagpulong ang PPA sa kinatawan ng 2GO company at ang Manila North Harbour Port Inc. (MNHPI).

Sa nasabing pulong nitong Miyerkoles, Disyembre 27, 2023, nilatag ng PPA ang mga napuna na kailangang ayusin sa sistema ng shipping lines para mapaganda ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko gaya ng mas maaga at epektibong pagpapakalat ng impormasyon sa kanilang mga pasahero kung may pagkaantala o delay sa kanilang biyahe.

Kasunod nito, nangako ang 2GO company na magkakaroon ng digital information dissemination sa kanilang mga pasahero gaya ng mga schedule ng biyahe na mababasa sa mga social media platform.

# # #

Photos from Philippine Ports Authority's post 28/12/2023

Namigay rin ang Port Management Office (PMO) North ng singkwentang (50) kutson sa mga pasahero na PWD, Senior Citizen, at may mga bata nitong ika-28 ng Disyembre 2023 bilang tulong sa mga pasaherong maagang pumunta sa pantalan kahit hindi pa nila iskedyul ng byahe.

Ang inisyatibang ito ng PPA ay upang mabigyan ng karagdagang mahihigaan ang mga pasahero habang nag aantay ng abiso mula sa kanilang mga shipping lines.

๐‘ƒ๐‘Ž๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘ƒ๐ด ๐‘š๐‘Ž๐‘˜๐‘–๐‘๐‘Ž๐‘” ๐‘ข๐‘”๐‘›๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘› ๐‘š๐‘ข๐‘›๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘ โ„Ž๐‘–๐‘๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘–๐‘›๐‘’๐‘  ๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘œ ๐‘š๐‘Ž๐‘”๐‘ก๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘ก๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘›.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 28/12/2023

Kasalukuyang namamahagi ang Port Management Office (PMO) NCR North sa mga pasaherong naghihintay ng abiso mula sa shipping lines at nag-aantay sa pantalan ngayong holiday season.

Ang mga nasabing pasahero ay maagang pumunta sa pantalan bago ang kanilang schedule na byahe ngunit ayon naman sa shipping line nito na 2GO ay nakapag-abiso sila ng maaga sa mga pasahero nito walang byahe ngayong araw.

Bukod sa pagkain, nagkaroon na rin ang PPA ng inisyatiba na bigyan ng mahihigaan ang mga pasahero sa pantalan na nag aantay ng abiso mula sa shipping line.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

28/12/2023

LIVE: Kasalukuyang namamahagi ang Port Management Office (PMO) NCR North sa mga pasaherong naghihintay ng abiso mula sa shipping lines at nag-aantay sa pantalan ngayong holiday season.

28/12/2023

๐‚๐‘๐”๐ˆ๐’๐„ ๐“๐Ž๐”๐‘๐ˆ๐’๐Œ ๐ˆ๐ ๐๐‡ ๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐’๐๐ˆ๐Š๐„ ๐”๐ ๐“๐‡๐ˆ๐’ ๐‡๐Ž๐‹๐ˆ๐ƒ๐€๐˜ ๐’๐„๐€๐’๐Ž๐

More international cruise ships are now back in the shores of the Philippine islands after the easing of COVID-19 travel restrictions with the country being hailed as the "Best Cruise Destination in Asia" with more than 80,000 cruise ship passengers visiting the Philippines this year alone.

On Christmas Day (December 25, 2023), around 1,000 foreign and local passengers all aboard MV AidaBella of Aida Cruises from Germany gifted themselves a holiday treat as they visited the Port of Coron to discover the natural wonders Palawan has to offer. With 1,994 German tourists and more than 600 Filipino, Indian, and German crew members, MV AidaBella managed to dock at the Port of Coron at around 7'o clock in the morning on Christmas day with no incident or issue due to smooth coordination between the cruise ship agents, terminal operator, transport services, shore excursion organizers and the PPA.

Passengers of the cruise ship MV AidaBella visited world class tourist attractions like Kayangan Lake, Barracuda Lake, the Twin Lagoons and other island trips. They were also exposed to the local cuisine and to local destinations such as the Maquinit Hotsprings, Lualhati Park, Mount Tapyas, and the cashew factories in Palawan.

The Port of Coron in Palawan is now ready to accommodate up to 900 persons in its passenger terminal area following a massive renovation which was completed earlier this year.

From a maximum of 250 passengers before, Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago said the Port of Coron can now accommodate an additional 500 passengers that could be expanded to 700 to 900 people during peak season.

"It is good that the passengers can now experience again the warmth of the Filipino culture and the hospitality of the people receiving them. From the ports upon arrival, we make sure they are given the proper treatment and we make sure that they are welcomed warmly in our newly improved passenger terminals. Our recent painful experience in the mishandling of cruise passengers at the Port of Manila has taught us that the training and selection of tourism frontliners together with private service providers especially at our ports have to be made with very stringent qualification requirements and experience since they are the first Filipinos which foreign tourists encounter upon their arrival. The successful reception of MV AidaBella has brought us back on track in spite of the recent distraction at the Port of Manila", said PPA GM Jay Santiago.

Since February to December of this year, PPA is expecting 80,000 cruise ship passengers from Norweigan Cruise lines, Holland America line, Silverseas, Windstar cruises, and AIDA. Starting next year, PPA General Manager Jay Santiago vowed to develop more cruise terminals near the areas of the tourism sites in Siargao, Camiguin, Boracay, Palawan, and Puerto Galera. This in an addition to the cruise terminals in the Ports of Currimao in Ilocos Norte, Salomague in Ilocos Sur , Manila, Bohol, and El Nido, Palawan.

# # #

27/12/2023

๐๐๐€ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐‘ ๐‰๐€๐˜ ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐€๐†๐Ž ๐๐€๐†-๐ˆ๐๐’๐๐„๐Š๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐๐ˆ๐๐€๐Š๐€๐Œ๐€๐“๐Ž๐๐† ๐“๐„๐‘๐Œ๐ˆ๐๐€๐‹ ๐’๐€ ๐๐”๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐’๐€ ๐๐€๐†๐Ž ๐€๐๐† ๐ˆ๐๐€๐€๐’๐€๐‡๐€๐๐† ๐„๐—๐Ž๐ƒ๐”๐’ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐“๐€๐Ž๐

Bilang bahagi ng kahandaan at pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya at mga magbabalik sa Kamaynilaan, nagsagawa ng surprise inspection si Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago sa Port of Batangas at Port of Calapan ngayong ika-27 ng Disyembre.

Unang binisita ni GM Santiago sa Port of Batangas kung saan pumapalo sa 17,000-22,000 ang pasahero kada araw sa nasabing pantalan tuwing peak season.

Nagtungo rin ito sa gate ng terminal kung saan nagkaroon ng siksikan ng tao sa labas ng terminal ng pantalan noong kasagsagan ng bago magpasko. Maluwag ang loob ng terminal at kaya nitong tumanggap ng 8,000 pasahero.

"Unang una bago nag simula ang influx, weeks before nag abiso tayo na dapat maging maaga ang preparasyon at pagbili ng ticket talagang inaasahan na natin yan, ang rason din nyan eh kulang ang barkong bumabyahe at dahil nga nagkaroon pa ng bagyong kabayan and I think yung mga shipping lines natin nag cacatch up pa sa byahe na natigil doon. Hinihingi talaga natin sa mga kababayan natin na magbaon ng mahabang pasensya dahil wala namang may gusto na pagdaanan nila ang hirap ng byahe", ayon kay GM Santiago.

Bukod sa dagsa ng mga pasahero, isa rin sa nakita ng PPA GM ang taunang problema sa online ticketing dahil mabagal umano ang processing ng mga shipping lines at karamihan ng mga pasahero ay hindi pa rin naka online booking bago pumunta sa pantalan.

"Kung makikita nyo naman ang terminal natin maluwag pa siya, kaya niya ang kapasidad na 8,000. Ang problema kaya nagkakaroon ng pila doon ay dahil sa mga bumibili ng ticket. Karamihan dyan di pa naka online ticketing talagang mano-mano at doon nag kakaroon ng bottleneck makikita nyo naman doon sa approach towards the ticketing booths kaya lang mabagal talaga ang processing nila ay dahil doon sa ticketing", dagdag pa ni Santiago.

Matatandaang 2019 pa nang unang iprayoridad ng PPA ang e-ticketing na layong magkaroon ng unified electronic ticketing system para sa pagbo-book at pagbabayad ng ticket para sa mga roll-on/roll-off ports ngunit ipinatigil ito.

Sa kanyang pagbisita sa Port of Batangas, inikot din ni GM Santiago ang expansion ng passenger terminal building (PTB) na binuksan na sa publiko upang mapalawak ang kapasidad ng pantalan ngayong Disyembre na inaasahang dadagsa ang mga pasahero.

"Kung dati nasa 3,500 meron tayong additional na another 4,500 so ang total passenger capacity natin dito ay 8,000 passengers. Ito na ang pinakamalaking passenger terminal natin sa buong Pilipinas sa ngayon," saad pa ni GM Santiago.

Nagpaalala rin ang PPA na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na items gaya ng gunting, blade, lighter, posporo, at maging mga paputok. Bukod sa mga patalim, mayroon ding ilang lugar ang nagbabawal sa pagpasok ng mga pork products kabilang na ang hamon at chicharon dahil sa pag-iingat laban sa african swine flu (ASF). Pinapayuhan ang mga pasahero na alamin muna sa mga local government unit kung anong produkto ang hindi pinapahintulutang makapasok sa kanilang lugar.

# # #

Photos from Philippine Ports Authority's post 27/12/2023

Upang maisagawa ang mga plano sa susunod na taon, nagsagawa ng command conference si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa Calapan Port ngayong ika-27 ng Disyembre taong 2023.

Kabilang sa mga napag usapan ay ang pagpapalawak ng ticketing area para masolusyonan ang problema sa pila ng ticketing ng mga pasahero sa shipping lines na mano-mano pa rin at walang online ticketing system.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga Division Managers, Port Police, at PCBSI Port Terminal Management Corp.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 27/12/2023

Nakumpiska ang apat napu't anim (46) na lighter at isang (1) kahon ng posporo sa Port of Batangas nitong Disyembre 2023.

Ang nakalap na datos ay mula noong ika-11 hanggang ika-25 ng Disyembre sa OPLAN Biyaheng Ayos Pasko 2023 na direktiba ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa bawat pantalan.

Pinapaalalahanan ng PPA ang mga pasahero na hanggat maari, huwag na magdala ng mga ipinagbabawal na produkto kung pupunta sa Probinsya ng Batangas upang maiwasan ang abala sa pag-biyahe.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 27/12/2023

Nakumpiska ang iilang mga pinagbabawal na patalim sa Port of Calapan nitong Disyembre 2023.

Ang nakalap na datos ay mula noong ika-15 hanggang ika-26 ng Disyembre sa OPLAN Biyaheng Ayos Pasko 2023 na direktiba ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa bawat pantalan.

Ang mga nakumpiska ay ang mga sumusunod:

Kitchen Knife - 11
Balisong - 8
Card Knife - 14
Souvenir Knife - 2
Folding Knife - 11
Pen Knife - 11
Knuckles - 3
Gulok - 3
Blade - 1

Pinapaalalahanan ng PPA ang mga pasahero na hanggat maari, huwag na magdala ng mga ipinagbabawal na produkto kung pupunta sa Probinsya ng Mindoro upang maiwasan ang abala sa pag-biyahe.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

27/12/2023

Ipinahayag ni PPA General Manager Jay Santiago na handang handa na ang mga pantalan ngayong holiday season matapos nitong bumisita sa mga pinakamatataong pantalan ngayong araw Dec. 27, 2023.

Ayon sa hepe ng PPA, bagamat handa na ang mga pantalan, nagkakaroon pa rin ng delay sa byahe dahil sa kakulangan ng mga barko at dahil na rin sa mga nakanselang byahe noong kasagsagan ng bagyong kabayan.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 27/12/2023

Matapos ang surprise inspection sa Port of Batangas, agad namang nagtungo si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa Port of Calapan na isa sa pinakamatao tuwing holiday season upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Isa sa mga napansin ni PPA GM Jay Santiago ay ang mga elevators na dapat ay laging gumagana para sa mga pasahero. Napuna rin nito ang mga tv monitors na dapat umano naka flash ang byahe ng mga pasahero maging ang mga updates sa pantalan.

Samantala, bukas naman ang mga kainan sa Calapan Port gaya ng mga coffee shop, souvenir shop, at food stalls. Bukas rin ang clinic, prayer room, childrens room, at mga mas pinagandang comfort rooms para sa mga pasahero.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

27/12/2023

LIVE: Surprise inspection of Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago at Calapan Port Passenger Terminal Building today, 27th of December 2023.

Photos from Philippine Ports Authority's post 27/12/2023

Nagsagawa ng surprise inspection si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa Batangas Port Passenger Terminal ngayong ika-27 ng Disyembre taong 2023 upang matiyak na maayos ang magiging byahe ng mga pasahero ngayong papalapit ang bagong taon.

Nagtungo rin ito sa gate ng terminal kung saan nagkaroon ng siksikan ng tao sa labas ng terminal ng pantalan noong kasagsagan ng bago magpasko. Maluwag ang loob ng terminal at kaya nitong tumanggap ng 8,000 pasahero ngunit ayon kay Santiago, karamihan sa mga nagiging problema ay ang online ticketing dahil mabagal umano ang processing ng mga shipping lines at karamihan ng mga pasahero ay hindi pa rin naka online booking bago pumunta sa pantalan.

Ang Batangas Port sa ngayon ang may pinakamalaking passenger terminal building para sa mga pasahero kung saan umaabot sa 17,000 hanggang 22,000 ang average passenger nito kapag peak season.

P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw





โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook:
Twitter:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Want your organization to be the top-listed Government Service in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€: Para sa darating na bagong taon, isa sa mga paalala ng Port Police Division (PPD) ang hindi pagdala ng mga ipin...
PPA NGAYON EP 22
LIVE: Kasalukuyang namamahagi ang Manila North Harbor Port Inc. (MNHPI) ng libreng champorado sa iilang pasahero na nasa...
Panibagong International Cruise Ship na naman ang nagpataas ng cruise tourism sa ating bansa na magbibigay magandang ser...
LIVE: Kasalukuyang namamahagi ang Port Management Office (PMO) NCR North sa mga pasaherong naghihintay ng abiso mula sa ...
LIVE: Surprise inspection of Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago at Calapan Port Passenger Ter...
LIVE: Media Conference for Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago during the surprise inspection ...
LIVE: Surprise inspection of Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago at Batangas Port Passenger Te...
๐๐๐๐Œ: ๐๐”๐Š๐’๐€๐ ๐€๐๐† ๐๐”๐’๐Ž, ๐ˆ๐๐€๐ƒ๐€๐Œ๐€ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐’๐Š๐”๐‡๐€๐ Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ba...
Ronda Pantalan | Ep27
PPA naghatid ng pamasko sa mga batang cancer patients sa Philippine General Hospital
Q & A Live: Philippine Ports Authority Spokesperson Eunice Samonte and Acting Port Manager Jon Manansala giving port upd...

Address


Bonifacio Drive, South Harbor, Port Area
Manila
1018

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Other Government Organizations in Manila (show all)
National Commission for Culture and the Arts National Commission for Culture and the Arts
633 Gen Luna Street Intramuros
Manila, 1002

Vision: A Filipino people with a strong sense of nationhood and deep respect for cultural diversity.

Seven Eleven Weekly Promo Seven Eleven Weekly Promo
Manila
Manila

โœจSMART WEATHER NET - Block 95% UV rays, Block rain, Block wind

Commission on Population and Development NCR Commission on Population and Development NCR
Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills
Manila, 1550

"We are the lead agency in advancing integrated population and development strategies..."

Brgy 659-A district 5 zone 71 Brgy 659-A district 5 zone 71
Manila

brgy Official page

Beauty Korea Beauty Korea
Manila, Philippin
Manila, 10000

POLICY OF COMMITMENT โœ”๏ธ 200% refund if found not genuine โœ”๏ธ Anti-counterfeiting stamps, traceability barcodes โœ”๏ธ Free shipping nationwide, pay for new goods โœ”๏ธ Free consultation, c...

Beauty Glitter - All Natural, Safe and Effective Beauty Glitter - All Natural, Safe and Effective
D L T D Building919 Juan Luna Street
Manila, 1000

โ€œBeauty is about enhancing what you have. Let yourself shine through.โ€

SK 172 - Zone 15 Dist.2 Manila SK 172 - Zone 15 Dist.2 Manila
350 Cavite Street Gagalangin Tondo
Manila, 000

greatings!! this page is for some announcement to inform you if there will be informations from the head office of the sk fediration and for other announcement in our barangay th...

NBI Online Appointment Nationwide 2023 NBI Online Appointment Nationwide 2023
Manila City
Manila

We don't want to push our ideas on to customers, we simply want to make what they want." ...

Hanzel Libra Hanzel Libra
Manila

Secretary Niyong Pagod Secretary Niyong Pagod
Manila

Hi, Kami nga pala yung Secretary niyo

DPWH NCRO BAC Secretariat DPWH NCRO BAC Secretariat
2nd Street, Port Area
Manila, 1018

Government Organization